03

Chapter 03

I had a breath of fresh air these past weeks. Sinunod ni Onli ang aming napagkasunduan. Hindi niya ako ginulo, he didn't do any wicked schemes at sa halip ay mas nagfocus siya sa pag-aaral. Ngayon ay tila gusto kong pagsisihan ang ginawa ko. Onli was giving it his all. He would do class recitations, he would submit projects on time, and he will compete even sa mga school-level lamang na competitions.

We were seatmates pero hindi kami nag-uusap unless school related. Hindi na rin niya ako inaasar, and if our classmates start teasing us ay sinasaway niya ang mga ito o di kaya ay siya na ang unang umaalis.

I am enjoying the peace that the competition between us has brought, but mentally I was restless.

Last time, sa isang quiz namin ay perfect score si Onli, samantalang may dalawang mali naman ako. Onli got a higher grade in one of our school output and it doesn't feel good. Ngayong nagseseryoso na siya ay parang ang hirap na niyang lagpasan.

Pero ako ang nagset ng rules ng kompetisyong ito and Onli was complying accordingly kaya wala akong karapatan na magreklamo.

Nang hapong iyon ay pinatawag kami ni Ma'am Roxas para sa coaching ng nalalapit na municipality quiz bee. It was one of the highlights para sa nalalapit na provincial festival. Maliban sa street dancing, booth at kung anu-ano pa, ang quiz bee ay isa sa mga inaabangan ng lahat. Isa iyon sa paraan upang dumagsa ang mga scholarship offers sa mga estudyanteng nagpapakitang gilas sa kompetisyon.

Dumaan muna ako ng canteen para bumili ng tubig kaya pagdating ko sa teacher's office ay naroon na ang mga kaklase kong kasali sa quiz, including Onli. Gaya ng naunang inanunsyo sa amin ni Ma'am Roxas, the individual quiz will have Rowena Torres as the participant, samantalang ako, si Onli at ang kaklase naming si PJ naman para sa team. Bahagya akong nagulat nang makitang naroon ang isa naming kaklase na si Winona.

"Devon, mabuti naman at dumating ka na," tawag sa akin ni Ma'am. She gestured me to sit on the vacant seat, beside Onli.

The latter looked at me blankly kaya agad akong nag-iwas ng tingin at umupo sa tabi niya.

"So, I was saying na nalalapit na ang festival, which means na malapit na rin ang kompetisyon," sabi ni Ma'am at tiningnan kami. "Did you start reviewing? No doubts that you will ace any academic questions, kaya magfocus kayo sa history ng province, okay? History, politics, economy—lahat."

I raised my hand at nagsalita. "May compilation po ako ng mga useful information ng probinsya. I made a pdf so ishe-share ko po sa lahat."

Ngumiti si Ma'am. "Thank you, Devon. That is very helpful. Bumaling si Ma'am kay Winona, bago tila nag-aalangang muling tumingin sa akin. "Actually, I invited Winona here so she can stay in the loop."

Napakunot ang noo ni Onli. "Apat na po ang participants sa team quiz, at hindi na tatlo?"

Nagsimulang magbilang ang classmate naming si PJ, and when he counted that there were five of us ay nagtatakang napatingin siya kay Ma'am. "Oo nga, Ma'am. Lima na kami oh."

Ma'am Roxas looked at me with sad eyes.

Oh no, I don't like where this is going.

"Iyan ang isa sa gusto ko sanang sabihin sa inyo." She sighed before turning to me. "This quiz bee is one of the major competitions, right? And so is the street dancing and festival queen. Devon, gusto ko sanang alisin ka sa quiz bee at isali bilang festival queen."

Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Give up the quiz bee to be the festival queen? Nababaliw na ba si Ma'am? Anong mapapala ko sa pagsasayaw suot ang kung anong kasuotan at paghele-hele sa patron? Don't get me wrong, I would gladly do it—only if hindi ganitong aalisin ako sa academic-related na kompetisyon.

I was about to object pero naunang magsalita si Onli.

"Pero Ma'am, with Vergara on the quiz bee we can assure our win," he said flatly nang hindi man lamang ako tinatapunan ng tingin.

Napasandal si Ma'am, na para bang nasa mahirap na sitwasyon siya. "I know, alam ko iyon dahil confident ako sa talino mo, Devon... but Winona can also assure our win."

No offense kay Winona pero mas sigurado kung ako ang isasali nila! Compared Winona and I's performance and you will see na Malaki ang deperensiya. I ranked second, sometimes first, samantalang nasa fourth or 'di kaya fifth lang si Winona kay hindi valid para sa akin ang rason nila na kaya rin silang ipanalo ni Winona!

Again, no offense kay Winona!

"But as festival queen, you will surely bring the crown, Devon," Ma'am Roxas said with a sigh. "The principal thinks that way too. You are replaceable sa quiz bee pero hindi bilang festival queen."

Ngayon lang yata ako nainsulto ng ganito. Kahit pa sabihin nilang ako lamang sa buong San Nicholas ang karapat-dapat na maging festival queen ay nainsulto pa rin ako.

"Pero Ma'am—"

"The school is thinking strategically, Devon. More wins mean we will be the champion out of the 12 municipalities. Imagine the pride of San Nicholas, at iyon ay dahil sa inyo."

Kahit ano pang sabihin ni Ma'am ay hindi ko matanggap ang lahat ng iyon. I wanted to get away from this place at umiyak ngunit tila hindi pa ako makagalaw. Tama naman sila nang sinabing mas strategic iyon pero how could they do that to me?

"The winning municipality will receive a half million and two utility van, and DRRM Rescue vehicle. Kapag nanalo ang San Nicholas, the LGU will fund the retrofitting of the e-classroom dito sa school. Think of it as your contribution to this town and to our school, okay?"

Nagulat ako nang sumagot si Onli. "The provincial governor is from San Nicholas, baka po pwede naman niyang gawing priority project ang improvements at retrofitting dito Ma'am since dito rin naman siya naghigh school. We just have to—"

"Onli, that's not the point here, okay? It's the pride of San Nicholas. Sure, the governorbhas so many plans for this town pero iba pa rin na makikilala tayo. I hope you all understand that." Bumaling siya kay Winona. "You will surely give it your all, diba Winona?"

"I will try my best, Ma'am," sagot ni Winona.

Try? No, Winona, hindi pwedeng susubukan mo lang. Kailangang siguraduhin mo. It was childish of me to take it out on Winona pero hindi ko iyon mapigilan. Hindi na ako nakaangal pa dahil nagsimula ng mag-orient si Ma'am sa kanila sa kung anu-ano. Pinasend pa ni Ma'am ang PDF na kinompile ko at matapos kong masend iyon ay nagpaalam na akong mauuna na sa kanila.

Mabigat ang loob na lumayo ako roon at naghanap ng lugar kung saan ako puwedeng umiyak. Everywhere I turned to ay may mga estudyante and the only place I found where I can cry ay ang building na on-going ang construction. Maagang umalis ang mga construction worker kaya walang katao-tao roon.

Agad akong umupo at niyakap ang mga tuhod. Siguro ay iisipin ng iba na napaka-OA ko para iyakan iyon. It's not like I was kicked out from participating in any event of the provincial festival. In fact ay nasa major event pa nga ako, but it's not what I wanted. I don't want to be the festival queen!

My tears rushed at kinagat ko ang pang-ibabang labi upang pigilan ang mga hikbi. My pride in winning the festival queen will never be the same as winning the quiz bee.

Bakit ba kahit hindi na ako ginugulo ni Onli ay hindi pa rin umaayon sa akin ang pagkakataon? Masamang tao ba ako sa past life ko?

I cried my heart out at pinangako sa sarili ko na ito ang una at huling beses na iiyakan ko 'to. Then I will do my best as the festival queen because life must go on.

Hindi ko alam gaano katagal akong umiiyak roon hanggang sa nakarinig ako ng mga mabibilis na yabag. I sniffed at pinahid ang mga luha bago pa ako makita ng kung sinoman. Bahagya akong napa-igtad nang pumasok si Onli. He was sweating as if he came from running a long way. Rumehistro ang pagkabahala sa kanyang mukha, but then it was replaced with relief.

"There, I found you," he said to himself. "Kanina pa kita hinahanap."

"Para ano? Pagtawanan? Sige na, sabihin mon a lahat ng gusto mong sabihin, Onli. Make fun of me all you want at nang isang iyakan na lamang 'to lahat."

There was tenderness in his eyes bago siya napabuga ng hangin at umupo sa tabi ko. "You always think that I am the bad guy huh?"

I sniffled, totally ignoring what he had just said. "Go on. Ipamukha mo sa akin na talunan ako."

 His hand patted my head, which made me freeze. "I'm sorry you have to go through that. I know you wanted to join the quiz bee above anything else."

There was much sincerity in his voice which made me wanted to cry even more. Nag-unahan na anmang bumagsak ang mga luha ko kaya mabilis na tinabig ko ang kamay niya. "Don't pity me."

"I'm not," sagot niya.

"At wag kang magbait-baitan. Your standing up for me is unnecessary."

He scoffed. "Hindi ako nagbabait-baitan. I stood up for you so we will have a fair fight."

I looked at him, trying to figure out if he is telling the truth. Pero ano naman ang rason  niya kung sakaling hindi man iyon? I cannot think of anything. Marahil ay natauhan na siguri si Onli, that's why he's doing everything to keep me on the competition.

Hinayaan niya lamang akong umiyak. He didn't say a word, at wala ring panghuhusga sa kanyang mga mata. He sat there silently watching me cried my heart out. Nang matiyak kong naiyak ko na ang lahat ay nag-angat ako ng tingin. Onli held out his hankie to me.

I looked at him with doubt. Sinalubong niya ang tingin ko. "It's just a hankie."

Tinanggap ko na lamang iyon at pinahid sa mukha. Suminga pa ako roon at tinapik ang pisngi ko. "Lalabhan ko muna saka ko ibabalik."

Bahagya siyangntumango. "Ikaw bahala."

"Don't tell anyone that I cried," mahinang sabi ko sa kanya.

"I won't."

"Good. Mabuti ng mas klaro," sabi ko.

He smiled. "I like it. We have a secret together."

He looked genuinely happy that we must keep it as a secret. Para siyang batang pinagkatiwalaan mo ng isang bagay, and he'll do everything to keep it. Pero pinaalalahanan ko ang sarili ko kung sino siya. He is Oliver Neil Lim Maniego and in my books, he's not someone I should be trusting in keeping a secret.

Sa totoo lang ay hindi naman ako umaasa na ililihim niya ang pag-iyak ko. Who knows he secretly took a video while I was bawling my eyes out? Hindi na ako magugulat kung sakaling may lumabas man na kwento tungkol sa pag-iyak ko.

"You want to know a secret about me?" mayamaya ay tanong niya.

"Hindi ako interesado."

Narinig ko siyang mahinang tumawa ngunit kasunod niyon ay isang buntong hininga. It was a sigh that seems like he was carrying something so heavy. "I don't have a dream for myself. Kahit plano nga para sa sarili ko ay wala ako. Hindi ko iniisip ang kinabukasan ko."

Kung hindi lang siya tunog malungkot ay baka sinumbatan ko na siya. That while he's not dreading for his future because he has no plans, he is ruining mine. Hindi ko alam kung bakit hindi ko iyon nagawang sabihin sa kanya. Sa halip ay may bahagi sa akin na nagtataka kung bakit. We're on our last year of junior high school. Sooner or later we will no longer be kids and we have to sort our life as early as now. Ako, I know I wanted to become a news anchor. That I will be the news anchor who upholds the highest standard. Walang kinikilingan at serbisyong totoo lamang.

"It's a shame kung ganoon kasi sayang naman ang talino mo," komento ko na bahagya pang sumisinghot.

Onli smiled bitterly. "Wala akong plano para sa sarili ko, but all my plans are directed to my loved ones. Gagawin kong doña ng San Nicholas si Nana. Nakikita mo ba 'yang malalawak na tubuhan ng San Nicholas? Bibilhin ko 'yan para kay Tatang. Magpapagawa ako ng Bahay Tuluyan dito. I have so much plans in this small town."

I scoffed. "I didn't know you were that heroic."

He smiled. "Hindi iyon alam ng lahat. And that's the secret about me that I want you to keep, Serena."

Hindi ko alam ang kwento ni Onli. I just knew him as the obnoxious Onli who's set to ruin my life. Wala ring araw na hindi ko siya nakikitang hindi nakangiti. He was a social butterfly. With looks and brains, he's so popular hindi lamang sa school naming kundi maging sa mga karatig bayan.
But I know that he's from a poor family. I know that he was once called putok sa buho kasi wala siyang magulang. He was raised by his deaf-mute grandmother and a grandfather who lost his right arm dahil sa aksidente sa pagtatabas ng tubo. Yup, he's got a valid reason to be a villain with such backstory. Pero maliban doon ay wala na akong alam tungkol sa kanya.

Somehow it felt lighter in my chest ngayong parehas kaming may nais ipatago sa isa't-isa. I don't know if that weighed the same, but at least we have something to keep that others do not know about us.

Tumayo ako at pinagpagan ang sarili upang umalis. "Kung gayon ay kailangan mong pag-ayusin pa ang pag-aaral mo. You have to protect your spot because I'm coming to get it from you. Baka kapag natalo kita, mauunahan pa kita sa pagbili sa mga lupa rito, edi hindi mo na matutupad ang mga pangarap mo para sa minamahal mo."

He smiled at pinagpagan din ang sarili. "I'll make sure to keep that in mind. Gagalingan ko pa."

Inayos ko ang buhok ko at unang lumabas doon. Bigla akong may naalala kaya binalikan ko siya. "Don't come out yet. Baka may makakita pa sa atin."

"So? It's not like we did something bad."

"Kahit na, alam mo naman maraming issue maker. Baka sabihing nagmomol tayo."

He laughed, at mayamaya ay biglang sumilay ang pilyong ngiti sa kanyang labi. "Wanna do it?"

I blinked few times. "Do what?"

"Momol."

Literal na napanganga ako. My mind imagined what he said at para akong kinilabutan. "Ew!"

I can hear his laughter as I flee running from the place.

#

ShinichiLaaaabs

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top