Synopsis

“My Wife Who Runs At Night”
(夜に走る私の妻)


Matapos ang maraming taon ng pagkakawalay, si Haruma, na ngayon ay kapitan ng Imperial Japanese Army, ay gumawa ng paraan upang maibalik sa kanyang buhay ang una niyang pag-ibig— si Dolor. Sa pamamagitan ng isang patibong na sulat, pinapunta niya ito sa Maynila, malapit sa kanyang bagong tungkulin. Ang balak niya ay simple lamang: makita at masubaybayan ang dalaga mula sa malayo. Ngunit nagbago ang lahat nang matuklasan niyang si Dolor ay isang espiya ng mga gerilya at hindi na siya nakilala sa kanilang muling pagtatagpo. 

Habang nananatili sa gitna ng digmaan, naharap si Haruma sa matinding salungatan—ang kanyang tungkulin sa Emperador laban sa kanyang lumalalim na kagustuhang protektahan si Dolor mula sa kapahamakan. Sa desperasyon na mapanatili itong ligtas, pinilit niya ang isang kasal upang mapalapit sa kanya, kahit pa lingid sa kaalaman ni Haruma, si Dolor ay may lihim na misyon tuwing gabi upang tulungan ang mga kababayang inaapi ng mga sundalong Hapon, na walang kinalaman sa ugnayan nito sa mga gerilya. 

Sa gitna ng digmaan at lihim na layunin, magtatagumpay kaya ang pag-ibig sa kabila ng pagkakahiwalay ng kanilang mga mundo at prinsipyo?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top