MUH 7
#MUH7
#Dinner date
***
Tulala ako sa lalaking nasa tabi ko. Pinagbuksan niya kasi ako ng pinto ng sasakyan niya. Well, it’s not new to me, but the feeling is
“What the hell are you doing?!” inis kong baling sa kaniya.
Ramdam na ramdam ko ang tensiyon na namumuo sa aking dibdib. Ang lapit-lapit niya sa akin, ang lakas-lakas nang tibok ng puso ko.
“Done,” anito nang matapos sa kaniyang ginagawa.
Siya ang nag-ayos ng seat belt ko.
“I know. Normal lang naman na matulala ka sa fiancé mo,” he sweetly chuckled. “Nihindi mo man lang nagawa mag-seat belt.”
Matulala? Fiancé?
“May dumi ka kasi sa mukha,” biglang sabi ko na ikinamula niya. Hambog pa!
Tinanaw niya ang repleksiyon niya sa rear view mirror ng white BMW niya. Parang noong isang araw lang ay iba rin ang gamit niya, mukhang bago pa! Tapos ngayon ay bago na naman.
Napahagalpak ako sa pagtawa. Hindi ko matiis reaksiyon niya!
He even got his phone and use the camera of it just to find the dirt on his face.
Taas-kilay niya akong tinitigan, nagpipigil na ako ng tawa ko ngayon.
“What? You told me that there was dirt on my face. Natulala ka kanina nang hindi mo man lang makita ang anumang mali sa mukha ko,” nakangising aniya, kay hambog talaga! “Gwapo ko ’di ba?” pigil ngiting sabi niya.
Tama siya. Wala nga akong makitang kahit anong pangit sa hubog ng kaniyang mukha. Mukhang nahihiyang dapuan ng pimples at kahit iyong mga pores ay natatakot na lumapit sa gwapo niyang mukha. Flawless.
Tumagilid siya para makaharap sa akin. Heto na naman ang kaniyang mapupungay na mata.
Nang-aakit!
“But, I’ll have to tell you this ... there’s a saliva dropping down from your lips,” ngumisi siya, “left side of your lips.”
Parang bombang sabi niya na nagpasabog ng sobrang kaba sa aking dibdib. Seryoso siya nang sinabi niya iyon.
Kinapa ko ang gilid ng mga labi. Yes! Dalawang kamay gamit ko dahil lutang pa ako sa sinabi niya!
Tama! Ni-hindi ko na inabala pa ang isip ko na isipin kung sa’n banda ang 'left side of your lips'. Basta kinapa ko agad ang gilid ng aking mga labi.
“Hmm?” panunuya pa niya. Sinasabing tama siya.
Parang binuhusan ako ng mga pinong yelo sa aking mukha. Saka para bang tinakasan ako ng dugong nag-iinit mula sa ulo patugo sa aking mga paa!
Pasimple kong pinahid iyong maliit na laway rito.
Napapikit ako nang mariin at ibinaling ang mukha sa kabila. Kagat-kagat ang pang-ibabang labi na nakatingin sa labas. Ba’t hindi niya sinabi agad?!
"Aggghhh! Nakakahiya ka Zia! Ba’t ka humahalakhak?! Iyon tuloy ay laway mo’y lumabas sa kung saan-saan!" pagsisigaw ko sa sariling isip.
Tumikhim siya. Pero ramdam ko rin ang pagpipigil niya ng tawa.
Bakit naman ganito? Nakakahiya ka talaga Venziana! Baka isipin pa niyang naglalaway ka sa gwap––mukha niya!
No way! Never! Ever! Am not drooling over his goddamn face! Oh no!
“It’s okay, Love. With or without it, you’re still beautiful,” komento pa niya. “Basta mukha ko lang dapat ang iyong paglawayan.”
Bumalik ang pagkahangin niya! Hinarap ko siya at inirapan.
Love mo mukha mo! Kadiri!
“You’re not funny!” bulyaw ko sa kaniya.
“But I am handsome. Your eyes, your lips, even your saliva was verifying it as the truth.”
Sinusubukan ba ako mg lalaking ito?
“You! It’s accident, okay? You shouldn’t tell it to others! You didn’t saw it!” I angrily told him.
Tinaasan niya ako ng isang kilay. “You really are––”
Pinutol ko ang sasabihin niya.
“You drive or bababa na ako rito?!”
Nagtataka man ay ngumingisi siyang mag-drive na. Tang*na lang! Kanina pa kami rito sa labas ng gate namin at hindi niya pa rin pinapaandar ang sasakyan niya.
“Baliw!” bulong ko.
Pero gulat ako nang tumugon siya. “At least, I am not drooling or something.”
Nag-iinit ang dugo ko sa ulo na iniwas ang tingin mula sa kaniya. Ayaw ko na siyang titigan! Ayaw ko na rin siyang kausapin!
“Come on. Talk to me. I have something to tell you,” pangungulit nito.
Kanina ko pa kasi siya hindi pinapansin. Natapos na lang ako sa pagkain nang hindi ko man,lang siya pinansin muli.
Ni tumitig sa kaniya ay hindi ko na rin ginawa, baka aksidenteng maglaway na naman!
“So stubborn,” anito na ikinairap ko ng wala sa oras. Rinig ko pa ang marahan niyang pagtawa dahil sa aking ginawang pag-irap.
Kanina pa siya papansin sa akin. Hindi natiis ang aking ganda!
Pero pabebe muna ako! Nakakahiya pa rin kaya! Maglaway ka ba naman sa harap ng fiancé mo, ’di ka ba mahihiya!
“Sabihin mo na,” diretsong sabi ko, hindi siya nililingon.
“The wedding must go on. It shouldn’t be cancelled,” he started.
“Wala na akong oras para alalahanin pa iyan,” tugon ko.
“But... hindi mo naman talaga ninanais makasal sa akin, right?” bahagya akong napatingin sa kaniya. “I’m sure you won’t like the idea of living with me. Sa taong kakilala mo pa lang.”
What does he mean?
“Ano ba talaga? Payag ka ba na magpakasal sa akin o hindi? Tinatakot mo pa ako!”
“No, hindi kita tinatakot. Ikaw, gusto mo ba akong pakasalan?” pagbalik niya sa tanong ko.
Gosh! He is making me crazy!
Buti na lang private fine dinner ito!
“Hindi ko gusto. Sagrado ang bagay na pagpapakasal, hindi dapat ito kailanman isinisiwalang bahala na lamang. It should be done to the both persons who truly love each other,” I uttered.
He’s just staring at me, smiling.
“Gaya ng sabi mo kanina. Hindi dapat maurong ang kasal. Kaya wala na akong magagawa pa. Ayaw ko namang kalabanin pa si Dad para sa bagay na ito,” dagdag na sabi ko sa kaniya.
Kababati pa lang namin ni Dad eh. Ayaw ko naman siyang magalit na naman sa akin.
“Good. Kung ayaw mo naman makasal talaga, we can still hold the ceremony. But, we can fake the papers.”
Napaangat ako ng tingin sa kaniya na nakatingin pa rin pala sa akin. Umiwas agad siya.
Siguro ayaw niya rin talagang makasal sa akin. Pero, sumusunod lang siya sa parents niya. Lalo pa at makita ang umiiyak na Mommy niya kapag hindi siya ikinasal sa akin. I can’t handle this.
Pero, ewan ko ba... nababaliw na ba ako kung aaminin kung medyo nalungkot ako sa sinabi niya? Siguro nga! Medyo lang naman.
“P-pwede rin naman. Para kung sakaling makita mo na ang babaeng papakasalan mo ay magiging madali ang lahat dahil hindi na kailangan pa ng annulment papers.”
Pilit kong pinasigla ng kaunti ang boses. Kahit sa kaloob-looban ko ay may kaunting kirot.
Bakit ganito? Kagagaling ko lang sa break-up! Hindi dapat gan’to ang nararamdaman ko! Hindi maaari!
“Okay, I’ll deal with it. At least, hindi ka rin mahihirapan kung sakaling makipagbalikan ka sa kaniya,” casual na sabi nito, pero bakit gano’n?
Namamalik-mata lang ba ako ng makita ko sa kaniyang mga mata ang lungkot nang sinasabi niya iyon?
“Y-yeah, t-thanks!” sabi ko na lang kahit malabo namang mangyari iyon kasi hindi na ako mahal ng lalaking iyon.
Engage na rin siya. Zara and him, they are both happy couple. With that thought, my heart did not get some reactions for unknown reason.
Ngumisi siya na ikinataka ko. “What?!” sita ko sa kaniya.
“Nothing. Just telling myself that I am not that lugi if I am marrying you. You’re quite pretty,” he casually uttered that made my heart pounding so fast. Oh! His simple compliment was really good to hear. My heartbeats accelerate thrice its normal!
Nag-init ang mga pisngi ko! Siguro, visible na ang pamumula nito! Iniwas ko ang tingin sa kaniya.
“A-are you done eating? If you are, then shall we go now?” I shifted the topic, and initiated to go.
I heard him chuckled. “You’re blushing... still making you more prett––”
I cut him off. “It’s gorgeous, ’kay? I know it already since I was born though.”
Then, there! He laughed so hard! He laughed with so much sounds of his sexy voice!
Shit! This man is making me crazy! Really! Pinagloloko niya ba ako?! Bakit niya ako tinatawanan?
“Y-you’re cute too,” he said as he is still laughing so hard. So hard that his chest and shoulders moves at its up and down movement.
I picked up my LV bag, and stood up.
“It’s not funny okay? Also, don’t say that I am cute. I don’t think that’s a compliment to a lady like me. T-that’s only for baby!”
He’s now looking at me seriously.
He smiled. “But you are a baby,” he argued.
“No! I am not!”
Nauna na akong umalis, binayaran pa niya ang bill namin.
Siya nag-aya, so its on him. The bill was on him.
“I-add mo na lang ang nagasto mo kanina sa balance ko,” sabi ko nang pumasok na rin siya sa kotse niya.
Pa-humble kong sabi baka isipin pa nito na mapera ako!
“No need for that, gorgeous lady.”
My brows furrowed. Is he making fun again? Gorgeous lady na tawag niya!
“You’re unpredictable,” komento ko. Kanina lang ang tagal niyang sumang-ayon na maganda ako.
“So are you...”
I rolled my eyes on him. So he is.
“Gaya-gaya,” I murmured. “Basta idagdag mo na lang.”
Binabawi ko na... Magkakapera na rin naman ako sa susunod na mga araw. Saka ayaw kong magkaroon ng utang sa lalaking ito.
“What for? You’ll be my wife sooner or later, so what for? Also, you don’t have to pay bills if you’re with me. But, you need to pay for what you did to my car.”
Napataas ako ng kilay sa sinabi niya.
“Eh, bakit ko pa babayaran iyon? Kung sabi mo kanina magiging asawa naman na kita?”
“Still, you hurt my baby...” mahinang ani niya.
“Baby? Iyong sasakyan mo?!” gulantang kong sabi.
“Yeah,” proud niyang sabi na ikinainis ko. Umirap na lang ako at hindi na nagsalita pa.
Kung baby niya iyong sasakyan niya, tapos sinabihan niya akong baby kanina. Ibig bang sabihin ba no’n mukha akong sasakyan?
Argh! Kainis siya! Panay ang irap ako habang pinipigilan na magsalita. Hindi ko siya papansinin. Hindi muna.
“Eyes focus on the road, please!” reklamo ko ng mairita ako sa patingin-tingin niya sa akin. Pansin niya siguro pagiging moody ko.
Tingin kasi nang tingin sa ’kin eh! Alam ko namang maganda ako para ipahalata pa ng todo!
...
Jessafelovers258
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top