MUH 6
#MUH6
#LimZi
Pagkatapos mangyari ang mapangahas na pangyayaring iyon ay malimit ko na siyang tingnan. Nauuwi kasi sa sobrang inis ang mabibigay ko sa kaniya.
Mapangahas talaga ah? Harsh!
"Sweetie, thank you so much! So happy right now, sana may ice cream ulit," she said, then chuckled. "Hindi na ako mag-iingay pa, alam ko namang babalik at magkikita pa rin tayo. Bye," aniya pa. Ang asawa at anak ay ayon na sasakyan nila pero heto siya at humirit pa.
Walang ice cream sa kanila? Order na lang sana!
Kanina pa siya chika nang chika, tapos no'ng nagpaalam ang dalawa, sinuway niya ito na 'wag daw ma-drama kasi magkikita naman daw ulit. Sinasabi niya nang sinasabi 'yon kahit hindi naman nag-d-drama ang dalawa.
"Thanks for coming, Tita Jul. Mag-iingat po kayo," sabi ko sa kaniya.
Kanina pa naghihintay ang dalawa sa loob ng sasakyan. And she's here, bilin nang bilin at kung ano pang dinadaldal para lang mas mahaba ang usapan.
"Mag-ingat kayo," Mimma Hev said.
"Balik kayo, ah!" Dad simply said.
Tinawag ito ng anak pero hindi tumugon.
"Lovie," tawag ng asawa sa kaniya kaya mas ngumuso siya.
"Oo, bye na," aniya at sa wakas pumasok na sa loob ng sasakyan. Bahagya siyang sumilip, "babalik kami, ha?" sambit niya, tumango kami.
Nagsitanguan sina Daddy at Daddy niya at pinaandar na ang sasakyan.
"Dad, Mimma Hev, may iba pa po bang paraan para hindi matuloy ang kasal?" tanong ko sa kanila, I can't sensed any expressions from Mimma Hev. Dad let out a sigh, lowly chuckled.
"There's no way out for that, my Dear Zia," he uttered. "I know that he's the one for you."
My chest heaved, "Daddy, hindi ko nakikita iyon! I have freakin' my own life! It's not like I don't like Velasquez family, its just I don't like the wedding you've arranged and the man you've said!" I said, "hindi pala... Kahit sino pa ang ipares niyo sa akin, hinding-hindi ko iyon magugustuhan!" I stomped my feet heavily as I walked pass behind them.
Narinig ko pang tinawag ako ni Dad. Nagmamaldita na naman daw ako. Bahala sila! Akala nila iyon na 'yon?! Na basta-basta na lang akong papayag?! Hell, no way!
Maldita na kung maldita! Iyon ako eh!
Nag-i-fb ako ngayon, scroll-scroll lang. Ni-hindi sa wala akong ka-chat, wala ako sa mood magreply o mang-seen sa random messages na iyon. In-off ko pa talaga ang online status ko, overthink sila kapag nakita nilang nag-react ako sa mga post nila.
STAR NGAYON
1hr
Eyes here!!!
#LimZi couple is here!
Venziana Valerian, the President of the Enchanted company and Limuel Javier Velasquez, the CEO of Access Corp.
...Officially engaged!
#LimZi
#Businesscouple
#LimuelAndZia
"#LimZi?!" gulat kong sambit sa sarili, trending pa ang hashtag na iyan! Kailan pa ako pumayag na maka-love team iyang lalaking iyan?!
Maraming nagpost ng pictures namin. Kasama ang family, and,relatives na dumalo kagabi. Pero, halos lahat ay pictures namin. Mula sa pagdating nila, no'ng ipinakilala, no'ng kumain, no'ng sumayaw at kahit pa no'ng nag-uusap kami. The photographers really did a good job of taking good pictures. But, hell! I abhore them for doing that!
Sikat ba iyong lalaking iyon?!
I opened my dumped fb account.
Yana V.
2m
#LimZiMyAss!
I posted! Maya-maya pa ay nag-post ulit ako gamit ang hashtag na iyon.
Yana V.
5s
#LimZiMyAss!
Hindi naman totoo ang lahat!
Yana V.
3s
Sinasabi ko sa inyo! Break-up agad yarn!
Pagbalik ko sa RA ko, muntik ko pang mabitawan ang cellphone ko. Inulan ng maraming nofications!
969 friend request
100 message request
5k and others reacted to your photo
Isama pa ang mentioned you in a comment na iyan!
Sinisira niya ang lowkey fb account ko, eh!
Yeah... Am not into IG, so mas active talaga ako sa fb.
Without any hesitation, I deactivated my fb account. Then, go back online in my dumped account.
But to my surprise...
Inulan din iyon ng notifications! Flood, flood, flood!
LimZi Lopez
@Yana V.
Carry lang iyan bhe, 'wag pahalata na inggit ka!
Inggit?! That word is nowhere to found in my vocabulary!
Team LimZi
Hala! Number 1 fan yata si Ms. Yana V, HAHAHA! @Yana
Team LimZi mo mukha mo!
Zia Velasquez
@Yana V. Sinasabi mo po?! Iba rin talaga iyong hashtag niyo, hahahaha, nakiki-trend din! Daming galit sa iyo, 'te!
Kailan pa ako naging Velasquez?!
Mrs. Velasquez
'Wag ka na pong mahiya! Invited ka rin naman siguro sa kasal, hahhaha! Padala lang ng sariling panyo! @Yana V.
#YanaNiyoInggit
Mrs. Velasquez?! Ginamit pa talaga ang apilyedo at katauhan ni Tita Jul! Invite yourself!
"What the?!" I blurted out after reading these nonsense shits!
I read other comments, so far, may nag-aagree naman sa akin but more on bashers pa rin talaga. Gosh!
Yana V.
5s
They will never be an endgame!
The boy loves someone else, and so the girl!
#LimZiMyAss!
I deactivated my dumped account too. Also, I didn't bothered to open my other socmed accounts!
But for my peace of mind, I deactivated all of my socmed accounts.
Naiinis kong kinuha ang unan at itinago ang mukha doon habang may sinusubukang ikalma ang sarili.
'Venziana Valerian, the President of the Enchanted company'
President?!
The f*ck?!
ASSISSTANT SECRETARY AKO!
"Dad!" pagtawag ko kay Dad. Nandito ako ngayon sa kwarto ng office niya.
"Darling, what is it?" he asked, without looking at me. Busy siya, pero heto ako, inaabala siya.
"Dad, bakit hindi mo sinabi?!" inis kong tanong sa kaniya.
Alam ko na alam niya ang tinutukoy ko. Tapos ngayon para bang wala lang sa kaniya iyon.
"I am engaged now, but you planned it 22 years ago... Last year, I got a job and you knew
what it was... But Dad, how so?! You know that I want to make my own name! Na hindi ko kailangan ang pagiging Valerian para makilala nila. Hindi ko kailangan ng connections niyo para sa buhay na puno ng karangyaan pero hindi ko man lang mahanap ang totoong saya. Hindi mo man lang sinabi na hawak mo rin pala ang VVV Company?"
Tinanggal na ako sa pagiging assisstant secretary ng VVV company! Sabi pa ng manager namin na tumawag kanina, tapos na raw ang contract ko roon dahil kailangan kong magfocus sa Enchanted. Sinabi pa nito na, sapat na raw ang experience ko sa pagiging assisstant para maging President ng kompanya ni Dad.
Like, gosh! Ayaw ko roon kasi ayaw kong isipin ng iba na na naghihintay lang ako sa tulong ni Dad. Na naghihintay lang ako na.pera ang lumalapit sa akin. Gaya ng mga sinasabi ng ibang tao noong ako'y bata pa lamang, no'ng nakapag-aral at nakapagtapos ng kolehiyo. Kaya ayaw na ayaw ko nang nakikilala lang ako dahil sa anak ako ng CEO ng Enchanted company.
Enchanted company, isa sa pinakamalaking kompanya sa buong daigdig. Ito ay mayaman sa produksiyon ng mga mamahaling damit, bags, sandals, shoes at iba pa. It is also have a branch for Lingerie. Sikat na branch iyon sa U.S, magagara at magagandang klase kaya naman ay marami talagang namamangha at bumibili ng mga iyon doon. Nag-iisa lang kasi iyon sa U.S., kasi ang pokus dito sa ating bansa ay ang mga damit ng mga babae't lalaki.
I searched for a company last year, it was month of July! Naghahanap ako ng kompanyang walang kinalaman kay Dad. At nahanap ko ang VVV na walang kahit anong relasyon ukol kay Dad. Tapos ngayon malalaman ko na sister company nito ang Enchanted?
Mag-i-intern lang sana ako, but they hired me as assisstant secretary!
Sinabi ko pa kay Dad na hindi na niya ako kailangang ipasok sa kompanya niya kasi may trabaho na ako! When he asked what my profession is, I told him that it is assisstant secretary in VVV company! He was glad about it, so I am. Hindi niya ako pinakialaman ng mga oras na iyon.
But, what the?!
I fell in his game! It was his planned, after all!
He shook his head, lightly. "Darling, its not that I..."
"Dad, gano'n pa rin iyon!" pigil na pagsigaw ko sa kaniya.
"Calm down, Darling... Calm yourself first," he told me as he walked pass by me.
"Dad, kahit doon na lang ako sa VVV. Kahit doon na lang po, please... Hindi pa ako handa para sa Enchanted. Dad, ayaw kong ilagay sa alanganin ang pinghirapan niyo," pag-amin ko. Totoo, iyan. Isa pa, wala akong balak na humawak no'n. Baka kasi pagwawaldas lang ng pera ang magagawa ko.
"That's why I need you to handle it. Darling, I am still the CEO there. Hindi malalagay sa alanganin ang kompanya dahil alam ko na kapag ikaw na ang papalit sa akin ay kaya mo. Kaya kailangan na kitang sanayin, anak. May edad na ako, Darling. At walang ibang magmamana ng Enchanted kun'di ikaw. Ayaw kong ipagkatiwala sa iba kasi sapat na pinagkatiwalaan kita. Huwag kang mag-alala, Limuel is there too. He can help and assist you, pwedeng-pwede kang magpatulong sa kaniya. Besides, there's nothing wrong about it right? He is your fiance, anyway."
Naiiling akong bumaling sa kaniya, "Dad, naman eh. Paano na ako nito? Malakas pa ho kayo, hindi niyo kailangang ipasa agad sa akin ang kompanyang pinaghirapan niyo ni Mommy. Paano kung--"
"Venziana, build your own trust for yourself. Don't down yourself. For as long as you can, don't let that negative thoughts
of yours become a hindrance to grow more. To success more. I know what did you do to your money, Darling. I knew. Alam ko rin na hindi mo pababayaan ang kompanya," he said, smiling.
Oo nga naman! Marami siyang connections kaya hindi na nakapagtataka na malaman niyang nag-d-donate ako sa ilang foundations.
"Dad, alam ko na sa President na puwesto ay sa CEO niyo naman ako ilalagay sa susunod. Walang-wala ako sa inyo Dad," naiiyak kong turan saka pilit na ngumiti. "Pero, kung wala na talagang choice para hindi kay Tito Giq mapunta ang kompanya... Fine, Dad. I'll accept it," sabi ko na ikinagulat niya.
Hindi ko alam kung saan siya nagulat kung bakit ko ba alam na si Tito Giq ay atat na atat na para magresign si Dad. O nagulat siya dahil sa pagpayag ko na magtatrabaho na sa kompanya.
"Thank you, Darling!" masayang banggit ni Dad.
"Hindi ko na tatalikuran ang kompanya niyo Dad. Hindi rin naman ako papayag ma mapunta lang sa iba ang pinaghirapan niyo ni Mommy. Kahit kay Tito Giq pa, kahit sa kapatid pa ni Mimma Hev."
Yumakap sa akin si Dad saka ako hinalikan sa pisngi.
"Oh, my Darling is now grown up."
Napanguso ako sa sinabi niya. Napansin niya iyon pero tinawanan niya lang ako.
"But... I don't know what President in the company do Dad. Hindi ko talaga alam. Pwedeng acting Pres. muna ako roon?" tanong ko sa kaniya.
Umiling siya, "gano'n pa rin naman ang mangyayari, Darling. Don't worry, someone will guide you there."
"Si Limuel!" sabi ko na ikinangisi ni Daddy. "Daddy! Please, if you give me an assisstant... Just please don't him."
"There's nothing wrong if he is your assisstant in our company Darling. No need to worry that he is a spy or what because we'll becoming into a family. He's a great son, and I know that he is better for you. I trust him for you and our company. Pero kung sasamantalahin niya iyon at sasaktan ka, ako mismo ang makakaharap niya."
"Daddy."
"Then I'll tell him to have peace with you," he uttered then winked at me.
"Ako anak niyo Dad. Dapat hindi ka papayag na makita niya pa ako."
"When you got married with him, he'll be my son. But I don't want you to get hurt. So, that won't happen," kibit-balikat na ani nito.
"Dad, alam ba ito ni Mimma Hev?" tanong ko kasi naman si Mimma Hev, kung may maayos man siya na trabaho ngayon ay dahil iyon sa kakayahan niya.
Hindi gaya ni Tito Giq na nanakot pa talaga! Na kinailangang pakasalan ang pinsan ni Dad para may mapapala pa siya. Masama na kung gano'n ang iniisip ko but that's the truth.
"Yes, Darling. Hindi rin naman niya gusto na ito ang papalit sa pagiging CEO ng ating kompanya."
"Okay, Dad. Sorry," nakayuko kong sabi. "I'm sorry for being selfish, Dad. Sorry kung ba't ko kailangang paniwalaan na ikaw ang lang ang nararapat na mag-manage ng Enchanted kasi kayo naman talaga ang nagpalago niyan. Sorry kasi hindi ko man lang naisip na tulungan kayong mapalago pa ito, sa ngalan na anak niyo ako."
Nahihiya ako. 'Cause all this time, ang hina ko pa rin. Takot pa rin sa mga sinasabi ng ibang tao na umaasa lang ako kay Dad... Na totoo naman talaga. Naghihintay lang ako sa mga tulong niya. Na tumatanggap ako ng mga luho't pera na hindi ko naman pinaghirapan.
Ang hindi ko alam na mas hindi pala ako nakakatulobg dahil mas pinili ko ang hindi makialam sa kompanya namin. Na hinahayaan ko lang si Dad na naghihirap na magtrabaho at magsikap kasi kailangan iyon ng kompanya.
"Darling, malakas pa naman ako... Ako dapat ang hihingi ng pasensya anak. I am sorry. Kung kinakailangan talaga na naroon. Kung hihingin ko ang kaunting oras mo para sa kompanya. Kung kailangan mong magtrabaho roon, kahit hindi mo naman nais."
"Daddy naman... kaya mahal na mahal kita eh. Mahal kita, Dad. Kayo ni Mommy. Mahal ko kayo kahit pinili niyo lang ang makakabuti para sa akin. Kung bakit kailangan niyo pang gumawa ng kontrata sa ibang tao para pakasalan ako," nakangusong sabi ko.
"Darling. I am not sorry for that thing," nakangiting ani niya. "I am sure... you're Mommy is happy and at peace already. Kasi nakikita niyang tinutupad ko ang gusto niya para sa iyo, anak. Hindi ko alam noon kung bakit ang daming bilin niya sa akin bago pa kami pumunta sa hospital. Ang dami niyang sinasabi para sa iyo, Darling. Na ibigay ang nasa lista niya na regalo niya raw para sa binyag, sa bawat birthday mo, at sa kasal ninyo ng lalaking napili niya, namin para sa iyo. Panay sabi siya na ingatan ang tagapagmana ng Enchanted. Hindi ko alam na... iyon na ang huling araw na makasama natin siya. Pasensiya na anak, kailangan kong tuparin iyong pangako ko rin sa kaniya."
Yumakap ako sa kaniya. Siguro nga kailangan ko ng sundin ang mga sinasabi niya. Para na rin sa ikapanatag ni Mommy, kung nasaan man siya ngayon naroroon sa langit.
"Daddy," naiiyak na rin ako dahil sa panay na iyak ni Dad. "Sorry. Akala ko kasi..."
Akala ko makatutulong ako kapag hindi ako lumapit sa kompanya. Akala ko na makakapanatag sa loob niya ang pagiging pasaway ko.
Nag-b-bar ako tuwing gabi kasama iyong ex ko. Umiinom pa talaga minsan.
Akala ko sa paggagawa ko noon ay makakaahon ako sa pressure na ibinibigay niya. Ang maging future CEO ng Enchanted company.
At dahil sa pinagkakagawa ko, wala pa rin akong sapat nakaranasan ngayon sa pag-manage ng kompanya kasi binalewala ko lang si Dad na kailangan ako sa kompanya.
Hindi naman nila ako kailangan doon dahil nalulugi ito kun'di kailangan ako doon para na rin silbing mapanatag ang iba na kaya ko rin itong pagpalaguin pa. Pero paano? Wala akong kakayahan diyan, simpleng BA student lang ang narito.
Not until I accidentally heard him said it. He's going to get my parent's company.
He's trying to scared my father and then get what he really want. Sinabi niya pa na kung ayaw ko raw sa kompanya maaring pumili na lang daw ng mas magaling pa. Kaysa raw magtiyaga sa walang gusto at talino ang tagapagmana nito.
Nakakainsulto lang kaya hindi na ako muling magpapainsulto sa kaniya. Kahit tito ko pa siya!
"Shhh, it's okay. It's okay, she must be happy now," rinig kong sabi niya.
Spoiled brat! Iyan ang isa sa mga naririnig ko rin minsan. Siguro nga tama sila... Spoiled brat ako. Hindi ko man lang iniisip si Dad na naghihirap sa mga pinaggagawa niya dahil kailangan niyang tuparin ang pangako niya.
"Masaya ako at nagkausap na rin kayo," si Mimma Hev, nasa may pinto siya. Naluluhang nakatingin sa amin.
Ngumiti ako sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit ang sama-sama ng tingin ko sa kaniya na hindi naman talaga nakikita sa kaniya. Sa katunayan nga iniintindi niya pa rin ako, iniisip niya pa rin siguro ang mga sinabi ko sa kaniya noong limang taong gulang ako.
"What?! You're not Mommy! I don't like you! I hate you, you're stealing my Dad away from me and Mommy! You're bad, you're not going here! You are not Mommy!"
Birthday ko noon nang ipinakilala siya ni Dadsa akin. Ewan ko ba, basta puro masasakit na salita ang sinabi ko sa kaniya.
"Tama na muna ang drama Sweety. You're fiance is coming."
Who?
"What?! Why?" gulantang ani ko at nagpapahid ng luha.
"Calm, Darling. He's not going to eat you," Dad chuckled as he said that.
Tiningnan ko si Mimma Hev na may mapang-asar na ring ngiti sa kaniyang mga labi.
"T-tell him... I, I am not here," sabi ko na tinawanan lang ng dalawa.
"Too late. Nasa labas na siya, at pinagbubuksan na siguro?"
What?!
"Mimma naman eh! Anong kailangan niya po?"
"I don't know sweety. He's not amswering when I asked," aniya, nangingiti pa rin.
Dinner time na ah?!
"Dad," kalmadong ani ko rito.
"Oh? My fault, pumayag na ako. He asked for a dinner date with you... alone."
Dinner date?!
"Daddy!"
"What? He asked for it. I am glad that he asked though. Wala namang sinabi parents niya tungkol diyan, siya lang talaga ang may gusto."
"Why?" bulong ko.
"It's just a date, Darling."
Just a date? My heart...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top