MUH 3

#MUH3
#Birthday_Party

-ZIA-

Nakapagtataka... 'yan iyong salitang pwede kong i-describe sa nangyayari ngayon.

Kasi akala ko ay iyon na.

Ngunit hindi... maraming tao ngayon sa bahay. Mga businessman, businesswoman, at co-workers ko sa trabaho ay nandito rin. Pati na rin sila tita, tito, mga cousins ko, at iba pang mga kadugo namin ay narito rin.

What the hell is going on?

Everyone dressed up like they were related to a royal family. They dressed up like a king, queen, prince, and princess. It's like I am watching a show, a fashion show.

God!

Alam ko namang magaganda ang mga disenyo at styles ng aming produkto ng gawa ng mga designers ng kompanya. Kaya masasabi kong mga produkto ng aming kompanya ang kanilang mga suot-suot ngayon.

Naligo lang naman ako saglit but... how? Mabuti siguro kung kanina pa ako lumabas sa may sala kung saan ang iba roon ay abala.

Little did I know, naghahanda sila. Abala sila sa selebrasyon na magaganap.

Dati pa man, ganito din ang nangyari. Except lang sa nangyari kanina na mismo ako ay wala ring kaalam-alam. Iniisip ko pa kanina na panaginip lang ba iyon–––iyong simple surprise but magnificent. Kaya nakapagtataka para sa akin ang naganap kanina, kasi kanina lang din iyon nangyari, kanina ko lang din naranasan iyon mula sa kanila.

Iyong akala ko ay wala na silang ibang pakulo. Pakulo na siyang nagpapakulo at bumubuhay sa aking dugo.

Nanatili akong nakatulala ng may boses na pumukaw sa aking diwa. "Like it?"

Ano raw?

Liningon ko siya, "Dad... akala ko ba ay iyon na 'yon? Bakit may pa ganito pa?"

He smiled at me, sweetly. "Oh, sorry honey... but everything is settled."

Settled?

"But dad... All I wanted is just simple. So simple that... yeah... you never know. Kasi kung alam mo, alam mo na sana na hindi ko gusto ang ganitong pakulo..." naiiling ko siyang tiningnan. "Lahat na lang ba sa buhay ko ay ikaw ang magde-desisyon, Dad? Dad, I have my life, my own life."

He pouted as he tapped my head. "Oh, you're getting emotional honey."


"Dad naman eh! Naiinis na naman ulit ako sa inyo."

"Venziana, just like what I've said... Everything is already settled," he said then called Ate Nia. "Nia, alam mo na ang gagawin," tumango naman si Ate Nia sa kaniya bilang tugon.

"Dad!" tawag ko pa sa kaniya, baka sakaling magbago ang isip niya.

"It is the best for you my lovely daughter," aniya pa at umalis na.

Napalumbaba na lang ako. "The best? But I don't want it. Your version of best is not to be called best."

Tumikhim si Ate Nia kaya pinahiran ko din kaagad ang mga luhang umagos na. Pinalis ko iyon nang pinalis hanggang sa mawala.

"Hayaan mo na Zi... Siguro, tama ang Dad mo at sa tingin ko ay ito rin ang hinahanap mo," saad niya kaya taka ko siyang tiningnan. "Tama lang na sundin mo ang ama mo dahil siguro nga ay iyon talaga ang para sa iyo. Mabuti ka pa nga, may tatay ka pa na may pakialam sa iyo," saad niya at bahagya siyang ngumiti.

"Ate... Sorry," sabi ko na ikinatawa lang niya.

"Bakit ka nag-s-sorry? Ikaw ba siya?" dagdag niya pa ikinalakas ng tawa niya. Pero sa tawang iyon, kasabay ang pag-agos ng luha niya. Pinalis ko agad iyon, ayoko naman kasi siyang makita na ganito. Ngumiti siya at tumango sa akin, sinasabing okay lang siya.

"Pero grabe na rin kasi si Dad... Ang gusto kong gawin ay patago kong ginagawa dahil ayaw niya. At kapag ginagawa ko naman sa harap niya ang mga ayaw niya ay mas lalo akong pihado... Tapos ang mga gusto niya pa ay iyon ang masusunod," tiningnan niya lang ako at ngumuso, "kulang na lang nga ay ipakasal niya ako sa hindi ko naman kakilala," dagdag ko na ikinakurap ng kaniyang mga mata sabay iwas ng tingin sa akin.

Tapos para bang may sinasabi siya na hindi ko naman naiintindihan.

Humarap siya bigla sa 'kin sabay pilit ng ngiti. "By the way Zi, pupunta rin pala ang ex mo dito. Hehe nabalitaan ko lang sa sissy niya," aniya. Change topic!

"Oo, alam ko. Alam ko kasi ako ang nagpapunta sa kaniya rito..." Balak ko kasi sana siyang ipakilala as my boyfriend kay Dad. Pero ano ang aking magagawa?

Ipapakilala ko pa rin ba siya? Ipapakilala ko pa rin ba siya ngayon kahit na ang totoo ay ngayon din naman magtatapos ang aming relasyon?

Ayy? Hindi pala. Kahapon pa pala natapos... Ngunit pinilit ko siya. Pinilit ko lang siya na pagkatapos ng araw na ito ay magtatapos na rin ang lahat ng pakulo niya.

Matatapos na rin at pagkatapos kailangan ng ibaon sa limot ang isang taon na pinagsamahan at pinagdaanan namin.

"Oh? Bakit hindi ka masaya?" she asked, confused. "Pupunta naman siya, 'di ba?" tumango naman ako bilang tugon. "Eh, bakit parang nahulugan ka ng bato sa ulo sa hitsura mong iyan?" tanong niya pa sabay kagat ng kaniyang pang-ibabang labi. "’Kala ko ba na sasabihin mo na sa Dad mo mamaya?" ngumingising aniya.

Kapag ganiyan na ang mukha niya... Nakatitiyak akong maiinis ka rin sa kaniya. Kasi naman, umaandar ang pagiging Marites niya.

Kung sa unahan, I described her as a lovely lady. Ngayon naman, sasabihin ko sa inyo ang sikreto niya sa tuwing kaming dalawa na ang magkasama.

Well, she's definitely a lovely lady pa rin naman eh. Kaso may kadugtong... She's such a communicative person.

Just like me, tsk. Of course, I am.

Nang 'di pa rin ako kumibo ay hinila na niya iyong kamay ko sabay sabing, "hayaan mo na iyon. May party pa na magaganap. Kaya hayaan mo na muna akong gawin ka bilang magandang prinsesa."

Nginusuan ko siya, tapos tiningnan niya lang ako ng may halong pagpipigil tawa at nagtaas ng kilay pa. Kaya wala na akong magawa kundi isambit na lang ang katotohanan. "Maganda na ako kahit dati pa man."

Kaya ayon! Humagalpak iyong tawa niya. Sinasabi ko nga, mabait siyang dalaga.

"Oh, well. It's in your blood dear and we have it too," saad niya pa sabay kindat at flip ng hair niya.

Iba talaga kapag maganda! Kahit simple lang ang ginagawa mapapanganga ka!

Eh, kasin naman. Dati pa man ay tinitingala ko na si Ate Nia. Oo mahirap lang sila. Pero hindi iyon totoo... Dahil sa pagkakaalam ko, yayamanin din ang ama niya. Hindi ko nga lang kilala at hindi niya rin kilala.

Ewan ko ba dito kay Mama Nelyn kung bakit mas pinili niya ang manilbihan dito sa amin kaysa sa hanapin ang lalaking mahal niya. Pero naniniwala pa rin akong mabubuo muli ang kanilang pamilya. Hindi tulad ng sa akin.

"Hoy! Ano na naman ang iniisip mo diyan? Pagpahingain mo nga muna iyan. Kasi baka wala ka ng magamit na isip mamaya, bahala ka. Ikaw lang din naman ang mahihirapan," sabi niya sa akin habang inaayos ang aking buhok.

Taka ko siyang tiningnan dahil sa sinabi niya, pero seryoso lang siya at nag-e-enjoy pang ayusan ako. Sunod naman niyang inayos ang buhok ko. Ewan ko lang kung ano na namang hairstyle ang naisipan ng ate ko na ito.

"What do you mean?" I asked her but she just pursed together her lips. "Kanina ka pa tada ng tada ng mga bagay na hindi ko naman naiintindihan."

"Oh, sorry Zi... But there's nothing to worry, your dad did it for your best."

Mother knows best! My mom knows it! Sana lang narito pa rin siya.

Ang desisyunan niya ba ang buhay ko ay makabubuti at nakagaganda sa buhay ko?

"Kasi naman ate, I am already twenty-two."

"Yes! You are! Kaya 'di na rin masama sa edad mong iyan," saad niya.

Liningon ko siya, "Anong hindi masama? Masama nga eh!" kunot-noo niya akong binalikan ng tingin. "Tsk! Kasi sa edad kong ito ay nakatali pa rin sa iba iyong tadhana ko."

"Tsk!" paggaya niya pa tapos ngumiwi, "hindi ka naman talaga nakatali. Tumatakas ka nga palagi eh."

Napairap na lang ako sa kaniyang sinabi. Lahat na lang kasi ng aking sinasabi ay may idinagdag siya. Tapos minsan sang-ayon, minsan naman hindi. Pero mabuti na lang at hindi niya ako ibinubuking sa ama ko.

"Kaya nga tumatakas kasi nakakulong eh," bulong-bulong ko pa sa sarili.

"Zi, may aaminin ako sa iyo... " biglaang sambit niya.

"Ano? Kanina pa tayo nag-uusap rito tapos ngayon mo lang sasabihin," natatawang kong sabi sa kaniya. Tapos dinagdagan ko pa na, "Baka magtatampo na ako sa iyo niyan Ate Nia."

Bumuntong hininga naman siya. "Sorry. Pero kung may magagawa lang sana ako... Huwag kang mag-alala, siguro nga, mas mabuting malaman mo na ito ngayon bago pa man may mangyaring masama kapag ikaw ay nasurpresa."

"Sabihin mo na lang," naa-atat kong dagdag. Tapos na kasi siyang mag-ayos sa akin.

Buti na lang at kulay puti itong dress na ito. Yes, I love color white. But when it comes to accessories, I prefer gold than silver.

Ang necklace na ibinigay sa akin ni Mom ay iyon pa rin ang isinuot ko. Palagi ko itong suot-suot... Kasi b-day gift niya ito sa akin, sa ikalimang kaarawan ko.

It's a marvelous dress! Well, ano pa nga ba, my Dad own it all. His business are all productive with productive partners and staffs. Palago ito nang palago dahil sa kanilang kakayahan, talino at paghihirap.

Siguro nga, kailangan ko ng ihanda ang sarili ko naman ngayon para sa sinasabi na namang surpresa ni Dad.

"Eh kasi, ang Dad mo blablablah bablah," sabi niya na ’di ko na narinig. Napapikit ako sa ingay na biglang dumagundong sa aking tainga at dibdib.

Magsisimula na!

"Good afternoon, ladies and gentlemen!" bati ng kung sinumang Bekla na MC sa party ngayon. "I am Bertina, and I am the star today!" anito pa at nagsitawanan ang mga tao. Rinig na rinig ko ang kanilang mga tawa. "Charot lang nemen, hindi ako star ngayon kasi hindi ko naman b-day hehe. Moving on, let's all welcome Mr. and Mrs. Valerian! Let's all give them around of applause!" sabay palapak at hiyawan naman ang mga tao. Mukhang mas marami ang visitors namin ngayon.

"What a perfect oppapa, este couple hehe," rinig ko pang sabi nito. "The King and Queen of this royal place," saad pa nito.

Inayusan pa ng kaunti ni Ate Nia ang aking pisngi, and there. Perfect! Ang ganda ko talaga! Hayst! Pero naghanap pa talaga siya ng iba...

Siguro nga, hindi ko na lang siya ipakilala. Para saan at ano pa, ’di ba?

"Is everyone here already?" tanong pa nito. Tsk! Obviously, wala pa! Kasi nagbubulungan pa sila na wala pa raw ang Velasquez Family.

May kumatok sa pinto, "Miss Nia... Ready na po ba siya?" tanong pa nito.

Tumingin pa muna si Ate Nia sa akin at malumanay na ngumiti. Tapos sumagot doon sa nagtatanong. "Yes! She's ready! Thank you for checking!"

"Okay po," tugon pa nito.

"Okay, sorry for that. And now, let's call on the birthday celebrant, Venziana Valerian!" nakabibinging tinig ng MC. Mukhang sinadya niya itong lakasan para naman marinig ko talaga.

Ayy! Oo nga pala, nasa kwarto lang pala ako at pagkalabas ko dito... kaunting lakad lang ay nasa harap na ako ng maraming tao.

Shit! I cannot!

"Zi, kung ano man ang mangyayari ngayon. Sumabay o sumang-ayon ka na lang kasi pagkatapos nito ay makakaalis ka na rin dito," naiiyak na sambit ni Ate Nia ngayon habang hawak-hawak niya iyong kamay ko at inaalayan ako sa paglakad.

Hindi ko siya naiintindihan.

Binuksan niya ang pinto. Tinugon ko siya, "Ate Nia, sanay na naman akong makisalamuha sa kanila kahit pa, plastikan lang," ngumiti lang siya bilang tugon.

Totoo naman kasi. Pagkatapos nito, parang wala lang nangyari. Back to strangers again.

Slowly walking on the red carpet, my friend Ken escorted me to go upstage. Binati niya pa ako muli kahit naka-greet na naman siya sa chat.

Iyon nga, may mini stage na nagaganap! Malaki naman kasi iyong espasyo sa sala ng bahay na sa laki no’n ay maari pang magawan ng apat na kwarto.

And now... I am in front of them.

Hinanap ko si Ate Nia, and there, naroon siya sa harapan ko kasama ang mga taong pumapalakpak ngayon sa akin. Ka-table niya si Mama Nelyn at pati na rin ang bf at mga kaibigan niya.

Sila Ken at AJ naman ay kasama ang iba pa naming kaibigan.

"Maganda siya," komento ng iba.

I know, right!

"Siguro nga, bagay sila."

What? Who?

"Mas maganda pa rin ako," ang isa pa.

The hell I care!

"Bakit siya pa? Sana ako na lang."

Edi, ikaw na lang!

"She's an angel."

Gorgeous angel!

Samo't sari ang kanilang mga reaksiyon at opinyon.

Mas marami nga sila kaysa sa mga nakaraang birthday ko noon. Para bang gusto ko na lang na muling bumalik ulit sa aking pinanggalingan, sa kwarto na iyon!

Sila Dad at Mimma Hev naman ay naroon sa isa ring table na may apat pa na upuang bakante.

Ang disenyo ng set-up ng table na iyon ay kakaiba sa iba pang mga table. Pati na rin ang mga upuan nito ay mas nakakagara kaysa sa iba pang upuan.

Maganda rin naman ang sa iba pero tanging kakaiba lang talaga ang disenyo ng naunang mesa. Kumbaga, para ito talaga sa amin.

What the hell? Sino uupo roon?

Ako na lang naman ang kulang ah. Kasi hindi naman makakapunta ang mga lola ko.

Disenyo lang, ganoon? Kasi kapag may party na nagaganap rito ay nauuna talaga ang mesa namin na may tatlong upuan pero iba ngayon.

"Well, she's truly a princess!" komento ni Bertina, ang MC.

Tapos noon ay maraming bumati, nag-dedicate ng kanta, naki-sayaw at nagtula para sa akin. Sila Dad, Mimma Hev, Ate Nia at Mama Nelyn ay nagbigay mensahe rin sa akin. Just like my other birthday party.

"And now, they're here!" anunsiyo ni Bertina kalaunan, maging ako ay nagulat. "Let's all give them a welcome applause!"

Sino-sino?

Dahan-dahan akong lumingon sa may entrance kung saan ang lahat ng tao ay nakatutok sa paparating. Pumapalakpak ang lahat ngayon, but except from me. I didn’t bother myself for clapping, am not in the mood to face this shit!

"Who are they?" I uttered.

"The Velasquez family," Dad answered. God! Pilosopo rin pala. Naalala ko na lang ang tanong ni Dad kanina na kung makakarating ba ang Pamilyang Velasquez.

Palapit nang palapit ito kaya mas naaninag ko ang kaniyang hitsura.

Ba't andito siya? Parents niya sila?

God! How negligence I am! Ini-envite ko lang naman ang dalawang tao na nandito ngayon, papalapit sa amin. But, parents niya talaga?

Yes! I invited some people, kasi alam ko naman talaga na may party kahit pa nangyari ang pakulong iyon nila kaninang umaga, kasama na rin si Jason sa mga na-envite ko para naman hindi ako ma-bored! Pero sana hindi ko na lang siya pinapunta... Wala rin namang mangyayari.

Nagkataon lang na... na sila... Nakita ko kahapon na... na namimili sa isang divisoria. At namili nga sila tapos, nabunggo ko ng hindi sinasadya ang cart nila... then I apologize tapos kaunting kwentuhan at ayon! Na-envite ko sila! Akala ko simpleng tao lang sila, simple lang naman talaga. But, really? They’re so expensive to be with, huhuhuhu!

I only invited them but why invite him?

"Good afternoon Balae," the older man said, his father maybe. Nakasuot din sila ng naayon sa tema.

Wait? Did I heard it right? Balae?!

-JESSAFELOVERS258

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top