MUH 2

#MUH2
#Hate Him!

-ZIA-

“Huwag! Pakiusap! Bata pa po ako. Baka pwedeng nasa tamang edad na lang po ako, pakiusap! Maawa po kaayo!” Pakiusap ko sa poging lalaki na nakahubad na sa aking harapan ngayon, tanging boxer lang iyong suot! Bwisit!

Ba’t siya napadpad dito? Bakit andito siya? Sa kwarto ko! Huhuhu!

Ngumisi siya at mas lalong lumapit sa akin, ’saka hinalikan ang aking mga kamay. “It’s okay, it all be alright. I’ll be—”

“Huwag! ’Wag po!!!” Pagpalag ko pa at bigla na lang akong,napabangon. “Huwag po!” Pagsisigaw ko pa. Panaginip lang pala.

Ngunit namanhid iyong katawan ko nang makita siya, “You, okay?” tanong ng binatang nasa harap ng aking kama. Wait?

Aking kama? Totoo ba iyon?

“’Wag!” bigla akong napatingin sa suot ko. Gosh! Nanlaki ang mga mata ko sabay kumot sa buong katawan ko. “Waahhh! Dad! Mimma!” pagtawag ko sa kanila ni Dad. Napakurap ako ng walang tumugon at lumapit sa akin. “Mama Nelyn! Ate Nia!” pagtawag ko sa kanila ngunit, wala pa rin. Taas-kilay na nakatingin sa akin ngayon ang lalaking nasa aking harapan.

Napapailing na lang siya habang  nakatingin siya sa akin. “Do you think, I like you?” nagulat ako ng itinanong niya sa akin iyan.

Aba, ba’t sa akin itinanong? Ako ba ang nakakaramdam ng damdamin niya? Sumeryoso ang kaniyang mukha sabay sabing, “In that figure and character of yours, I will never like you.” Sakit! Pinagdiinan pa talaga ang salitang, "never".

I hate you!

“Kapal ng mukha! Sabihin mo na lang na walang nangyari, hindi iyong nanlait ka pa! Feeling mo din kung sinong gwapo, tseh!” saad ko sa kaniya, ngunit umirap lang ito. “Hoy! Dukyutin ko iyang mga mata mo ’pag ’di ka sumagot! Anong ginagawa mo dito? Ba’t ka nakapasok? Stalker ka talaga eh ’no?”

“You’re really unbelievable.” Ani niya habang nakatayo pa rin sa harap ng aking kama. “First of,all, sinabi ko na sa ’yo. I don’t like you, ’di kita gusto. Paanong may mangyayari sa atin, eh hindi nga kita gusto. Second, I am not your stalker, you are. ” Humakbang siya papalapit sa akin, kaya umusog ako sa dulo o sa uluhan ng aking kama. “Third, nakapasok ako dito dahil may nagpapasok sa akin. Fourth, ikaw na nga ang hinatid, ikaw pa ang may kayang magbintang ng masasamang bagay. Fifth, wala kang karapatan para matulog sa sasakyan ko, naglalaway pa. And last, I am handsome and your eyes can verify it,” aniya, at ’di ko na mamalayan na nasa harap ko na siya ngayon, nakaupo sa aking kama at nakatitig ako sa kaniya ng malapitan.

Sa lahat ng kaniyang sinabi, tumatak sa aking diwa ang panghuli. 'I am handsome and your eyes can verify it.'

Lumapit pa siya sa akin at yumuko nang k’unti para mas ilapit ang kaniyang mukha sa aking mukha. Ang ’di ko alam kung bakit ang lakas-lakas ng kabog ng dibdib ko at napapikit na lang ako ng maramdaman at maamoy ko ang kaniyang hininga.

Smells good! Shit! Nang-h-hypnotize pa ang mga titig ng loko!

Narinig ko ang kaniyang mahinang pagtawa, sa aking pagdilat... nakanguso na pala ako at para bang nag-aantay na dumampi ang kaniyang kahalik-halik na kulay rosas na labi. Mas lumakas ang kabog ng aking dibdib at walang kung ano-anong hinampas siya sa kaniyang dibdib. Ngunit ako lang din ang nasaktan.

Tigas!

“Shems! Umayos ka Zi. Wasak pa iyang puso mo!” bulong ko pa sa aking sarili.

“May sinasabi ka, Miss?” tanong pa niya, naisip niya siguro na nawawala ako sa sarili ko.

Baliw?! Baliw sa pag-ibi—oh no! Broken ka pa Zi! Broken!

“Pake mo?! Tsk! Alis! Umalis ka na dito at baka mapapulis kita!” saad ko pa sa kaniya.

Mapapulis ng puso——broken ka Zi!

Ano ba self? Umayos ka! You hate him!

“Well, baka may ipapulis din ako dahil winasak niya ’yong bintana ng sasakyan ko?” nakangisi niyang saad. Wasak? “Kakaiba ka talaga, kahit tulog ka na nga, pero nakakagawa ka pa rin ng mga mapangahas na bagay. Binato mo lang naman iyon,” aniya, nagulat ako doon ah? Really? Binato ko? Astig!

Pilit kong inaalala ang mga nangyari kagabi ng nakasakay na ako sa sasakyan niya.

-FLASHBACK-

“Hey, get out. Hey!” pagyugyog ng braso ko ng kung sino. Tinanggal na niya iyong pagka-seatbelt ko.

Tiningnan ko ang lalaking nasa harap ko at ngumisi ng maloko.

Lumabas siya ng sasakyan tapos pumunta sa kabilang pinto. Binuksan niya ang pinto at pinalabas ako. Kusa naman akong lumabas din at lumakad papuntang gilid ng daan sabay upo.

Siya naman ay pumunta sa may gate namin at nag-doorbell. Nang makakita ako ng bato, kinuha ko ito at diretsong ibinato sa bintana ng kaniyang kotse. “What the hell?!” sigaw ng lalaking namumula na sa galit. “Sh*t! You’re crazy!” bulyaw pa niya habang ngumisi lang ako sa kaniya. “I tell you, may araw ka rin.”

“Oh, you’re here!” Dito na sumulpot sila Dad and Mimma Hev na nakapagbihis na ng pantulog na damit.

“Good evening...” Hindi ko na alam pa kung ano pa ang kanilang napag-usapan dahil tuluyan na akong nakatulog.

-END OF FLASHBACK-

Napalabi na lang ako dahil sa kagagawan ko. Kahit noong bata pa man ako ay mayroon na akong ganiyan sa aking katauhan. Ang maglakad at magsasalita kahit tulog pa ang aking diwa. Grabe iyong unconscious mind ko.

“Remember it?” nakangiting tanong ng stranger slash stalker na pogi na nasa harap ko. Tumayo na siya sa pagkakaupo pero nakatingin pa rin sa akin, “It’s okay. I’ll never tell anyone about that, but you need to pay the damage of it and I think its round 15k and up, if am not mistaken. Pero dahil mabait ako, 10k na lang ako na ang bahala sa dagdag,” pagkasabi niya noon ay literal na napanganga ako. Gosh! Big problem! Bakit na-mention ko pa ang mapapulis na iyan.

Sino ba kasing nagsabi na bumili siya ng ganoon kagara at kasosyal na sasakyan?! Huhuhu!

“Hoy! Paanong 10k? Wasak? Hindi naman wasak talaga ah? Gasgas lang iyon uyy!” depensa ko pa sa sarili, kahit ’di ko naman nakita ang damage no’n.

He chuckled, sarcastically. “Wasak? Gasgas? Nothing’s different. Need pa ring palitan iyon.”

I’m doomed! Like, I do have a lot of money but I don’t want to use it ’cause it is really not mine. That penny, binigay iyon sa akin ni Dad kasi wala pa naman akong ambag, I don’t want to use it just for myself. I’d rather give it to other people, lalo na sa magpamilya na walang bahay.

Ang totoo, iba iyong pera na iyon. Iba rin ang pera na ibinibigay niya pa sa akin noon habang nag-aaral pa ’ko. Iyong kada bigay ni Dad na allowance para sa pag-aaral ay inipon ko. Inipon ko sa isang bangko na hindi kilala at walang impluwensiya na staff doon si Dad, nagtanong pa talaga ako noon sa manager ng bangko na iyon.

Iyon na nga, ’yong kalahati ng pera ng allowance ko ay inipon ko, pero wala na iyon, naibigay ko na, nai-donate ko na sa isang feeding program noon sa paaralang elementarya dito lang din sa community namin, pero sikreto rin iyon. Hindi ako nagpakilala sa kanila kasi ayaw kong makilala nila ako at ayaw ko na malaman iyon ni Dad.

Sa mga personal na kailangan ko naman ngayon ay iyong natira sa mini savings ko, sa alkansiya ko. Wala na akong maidagdag diyan kasi hindi ko na tinatanggap ang ibinibigay nila Dad.

Tumayo ako at kinuha ko iyong piggy bank ko tapos tiningnan ito ng masinsinan.

Binuksan ko ito at kinuha ang laman. Dalawang kulay dilaw na papel, dalawang kulay asul na papel at limang lila na papel. Ibinalik ko ang limang lila na papel at inayos ko itsura ng natira.

Iniabot ko ito sa lalaking nakakunot na ngayon ang kaniyang noo. “Iyan lang pera ko, ’wag mo nang ukitin pa iyong five hundred para sa akin na iyon. Ten thousand minus three thousand is equals to seven thousand. Alam ko namang magkikita pa tayo, dahil sisingilin mo ’ko. Ngayon, maari ka ng lumabas at pakisara ng gate ah?” dire-diretsong tugon ko ’saka bumalik na sa paghiga. Inaantok pa ’ko!

“You’re really weird and something. But yeah, you need to pay the left,” aniya sabay lakad papuntang pintuan at lingon sa akin kaya nagpanggap agad akong tulog. “Bye, crazy girl.”

Crazy girl mo mukha mo!

Maya-maya pa ay bumangon ako at sinilip siya sa may bintana. Ayon nakaalis na, nakalimutan kong itanong pangalan niya!

...

“Darling? Good morning!” Kakagising ko lang and yet nandito na sila sa kwarto ko. Pati sila Mama Nelyn, Ate Nia at Kuya Bando na driver ng Pamilyang Valerian ay Nandito. Lahat sila ay pare-parehong nakangiti.

February 25.

Bago ito, bagong-bago. Dati kasi ’pag birthday ko, palaging may party. Kaya minsan tumatakas ako. Kasi naman ayokong makita ang mga taong lumalapit sa akin, sa birthday ko tapos pagkatapos noong araw ng birthday ay mistulang hindi na naman nila ako kilala.

A cake with candlelight above it, surprise me.

“Happiest birthday Zia!” sabay-sabay nilang bati sa akin at agad inilabas ang confetti at ipinasabog ito. Nakangiti ako ngayon sa kanila habang tanaw-tanaw ang mga masasaya nilang mukha.

“Thank you po sa inyong lahat!”

“Happy birthday Darling! I love you,” pagbati ni Dad sabay halik sa pisngi ko.

“Thank you po and love you too!”

“Happy birthday Honey! I love you.” Si Mimma Hev sabay halik din sa aking pisngi.

“Thank you po! Love you!”

Iyon din ang ginawa nina Mama Nelyn, Ate Nia at Kuya Bando. Nag-thank you din ako sa kanila.

Gaya ng naisip ko kanina, bagong-bago nga ito ngayon. Kasi wala din silang regalo sa akin, na paulit-ulit kong ni-request noon. Kasi hindi naman ako mahilig sa mga ganoon talaga.

“Oh Darling, magbihis ka na kasi kakain na tayo lalo na’t hindi ka nakapag-breakfast kanina,” Dad said.

Ano daw?

Kaagad kong tiningnan ang wall clock sa kwarto ko at tinanaw ang oras. 12:10 pm!

What the?!

“Ba’t ’di niyo ko ginising?” tanong ko pa sa kanila.

“We don’t want to disturb you. Siguro nga pagod na pagod ka kung saan ka man galing kagabi at ganoon na lamang kahimbing ang tulog mo,” sabi pa ni Dad. Si Ate Nia, ayon nangingiting umiwas ng tingin sa akin. Anyare?

Noong una hindi naman siya kinikilig sa lovestory namin ni Ja—basta ni J!

“Ah-eh, pinuntahan ko lang po sila AJ, ’yong mga kaibigan ko,” pagsisinungaling ko.

Oh, sorry, AJ. Kailangan pa kitang gamitin.

Sorry, Dad.

“It’s okay. Sana lang hindi na mauulit.”

Oh, see? ’Di siya nagagalit!

“Oh, thank you so much Dad,” tugon ko at yumakap sa kaniya.

“You’re welcome Darling. Oh siya, magbihis ka na.”

“I will Dad,” ngumiti sila bago umalis lahat sa kwarto.

Pero bago sila maka-alis, may narinig akong salita kay Dad. Hindi naman ako ang tinutukoy niya, pero oo boses niya. “Makakapunta na ba ang Pamilyang Velasquez dito?”

Pamilyang Velasquez?

“Yes Sir, pero hindi na daw po kailangang sila’y sunduin pa,” tugon ni Kuya Bando. May tinugon din si Dad, but hindi ko na alam kung ano iyon, palayo na nang palayo sila kaya hindi ko na narinig.

Ibig sabihin may bisita pa rin?!

No! Baka, about lang sa business nila iyon. Yeah, its all about their business!

All I have to do is to enjoy this day kahit pa hindi maganda ang aking yesterday!

Kailangan kong maging matatag, at ipakita sa kanilang lahat na ako’y hindi basta-basta magpapatalo at magpapa-apak!

Twenty-two! Two point two version of my self!

~jessafelovers258

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top