MUH 1
#MUH1
#Meet Him
-HER-
Laughter, sweetness, and joyful moments of them is everywhere. Kahit nasa kainan pa kami, nandoon pa rin ang kulitan at paglalandian nilang dalawa.
Sound harsh!
Tumikhim ako ng medyo may kalakasan para lang makuha ko ang attention nila. Sabay silang napatingin sa akin, nakanganga pa si Mimma Hev. “Excuse me, I-I am already full. Dad, may I go to my room now?” I asked my Dad, as if he will allow me.
“Sure sweetie. Just tell us if you need anything, okay?” Dad replied. My eyes got widened on what he said. Really? It’s new!
Himala!
Sumeryoso ako ng makitang nakatingin sa akin si Dad, tinging may pagtataka. Pumeke ako ng ngiti sa kanila.
“Okay Dad,” bago pa man ako tuluyang umalis ay humalik muna ako sa pisngi ni Daddy, same with Mimma Hev.
“Do you want me to make something for you?” Mimma Hev asked me, yes, she is super duper kind. That her kindness for me is making me feel bad for everytime I cursed her secretly on my mind.
Kagaya na lang kanina, habang kumakain kami, ang utak ko naman ay busy sa paglalakbay sa paghahanap ng pangit na kaniyang ugali. Pero wala, wala akong mahanap, kasi nga mabait siya. Totoo iyan, at sa sobrang bait niya ay ang mas nagpatatag sa aking loob para ayawan siya.
“Thanks but I’m on a diet, Mimma.” I said, but no! I am not on a diet! Hindi ako nag-d-diyeta kailanman!
As if I care, eh hindi naman ako tumataba. Mahilig ako sa pagkain, so obviously, mahilig talaga akong kumain. Pero hindi man lang nabigyan ng hustisya ang mga kinakain ko, ni hindi man lang nagkakalaman yung dapat magkalaman!
“Oh, maybe next time sweetie. Love, pwedeng isama na lang natin siya sa dinner natin mamaya?” she asked my Dad, ni hindi man lang muna ako tinanong kung gusto ko bang sumama.
She’s always like that anyway.
’Di ko alam na may date sila tapos ito pinapaalam na naman as if pwede nila akong isama, eh hindi naman. Kailan pa nila ako niyayang sumama sa date nila?
'NGAYON LANG!'
Napairap na lang ako ng wala sa oras. Ang daming naglalakbay sa isip ko, tapos ito sila dumagdag pa.
“But its our date darling, Venziana–” oh ’yan na naman si,Dad sa pangalan na iyan.
“Excuse me, Dad. It’s okay Mimma Hev, am alright. Save your day.” ’Save your day, because on the next day is your great day.’ “The both of you, please, just enjoy your date,” sabi ko sabay ayos ng pinag-upuan ko kahit na ayos ko naman kanina. “Of course, you will surely enjoy it.” Sino ba namang hindi mag-e-enjoy kung may date kayo ng labidabs mo tapos walang sagabal. Isang sagabal na gaya ko!
“Oh, don’t be jealous honey. Babawi na lang kami sa ’yo ng Mimma Hev mo.”
“Sure Dad,” tugon ko at umalis na doon.
Kailangan ko pang maghanda. Maghanda para sa date din namin mamaya.
Napapangiti na lang akong mag-isa. Ngiti na may kasamang kilig. Pa’no ba naman kasi? Kinikilig nga eh!
...
Lumabas na ako ng kwarto at agad na pinuntahan ang kwarto ni Ate Nia. Si Ate Nia ang kasama ko dito sa bahay kapag wala ang dalawa, apat na taon ang tanda niya sa akin. Siya ang nag-iisang dalagang anak ni Mama Nelyn, si Mama Nelyn naman ang nag-aaruga sa akin mula pa sa aking pagkabata.
Kumatok ako ng limang beses sa pinto ng kaniyang kwarto, atat na atat, agad din naman niyang binuksan ito.
“Ate, nakaalis na ba sila?” tanong ko pa sa kaniya. Alam kong alam niya ang tinutukoy ko.
Ngumiti siya. “Ikaw talaga oh. Oo, nakaalis na ang parents mo Zi. Kaaalis lang. Hay nakung bata ka, aalis ka rin ’no?! ’Pag ako pinagalitan ni Mama dahil sa mga kagagawan mong ’yan.” Naiiling pa niyang sabi sa akin.
Ngumiti ako sa kaniya, “Ate Nia, ’wag kang mag-alala dahil safe din sa akin ang sekreto mong iyan ah.” Bumingisngis na ako nang makitang nangunot na ang kaniyang noo.
“Hay naku, okay lang naman. Kasi sasabihin ko na naman din kay Mama ’yon mamaya,” nakataas kilay niya pang sambit.
“Ate naman, regalo mo na lang sa akin ito, basta ’wag mo lang akong ibuking hehe, sasabihin ko din naman sa kanila bukas eh,” sabi ko pa, tumango naman siya sa sinabi ko. Bukas na ’yong birthday ko kaya bukas ko na din ipapaalam sa kanila na may boyfriend na ako.
Turning twenty-two tomorrow! Yes, I am super excited.
“Sige na nga, ako na ang bahala sa iyo mamaya basta saglit ka lang doon ha? ’Wag kang magpahating-gabi kasi baka masabi ko na sa kanila,” sabi pa niya. Si Ate Nia lang ang nakaka-alam na may boyfriend na ako. Unang taon kasi namin ngayon, at ’di pwedeng ’di ako makapunta doon kasi may magtatampo.
Yumakap ako sa kaniya. “Thank you Ate Nia!” sambit ko sabay halik sa kaniyang pisngi at agad na lumabas sa kaniyang kwarto bago pa niya ako mabulyawan. Ayaw niya kasing magpahalik kasi raw magagalit ang kaniyang nobyo.
“Venziana!” dinig ko pang sigaw niya. Napahalakhak na lang ako habang nagtatakbo papalayo sa kaniya. Naiinis na naman iyon, tinawag niya ako sa pangalan ko eh. Ayaw na ayaw ko ang pangalang iyan. Ang pangit! Ang bantot sa pandinig. Kasi sabi ni Dad siya mismo nag-isip niyan!
...
Andito na ako sa isang resto, kung saan ang tagpuan namin ni Jason, at ang totoo niyan kanina pa ’ko dito. Nagpapanggap na busy sa pagtitipa ng message, pero ang totoo, wala naman akong ka-chat. Siya sana kaso ’di online, pero kahit ’di siya nag-o-online ay tinadtad ko ng message ang messenger account niya.
Alas nuebe y media na ng gabi, ngunit wala pa rin siya. Kaninang alas syete pa ’ko dito.
Tumayo na ako mula sa matagal na pagkakaupo. Kinuha ko ang bag ko saka ang regalo ko para sa kaniya na nakabalot sa hugis puso at umalis na doon sa puwesto. Kusa akong napahinto ng mahagip ng aking mga mata ang isang magandang babae na may kahalikan sa gitna ng dance floor.
Kusang tumulo ang aking mga luha, kasi alam ko naman talaga eh. Hindi ako nagkakamali, siya ’yon. Kahit naka-cap siya, siyang-siya nga. Ang lakas ng sigawan at hiyawan ng mga taong nakapaligid sa kanila. Hiyawan dahil sa kanilang ginawa.
Pinahiran ko ang mga luha ko. Baka ’di siya ’yan. Baka namalik-mata lang ako, mahal niya ako. Hindi niya ’yan magagawa sa akin. Hindi niya ako sasaktan.
Tumalikod ako sa kanila, naghihiyawan pa rin ang mga tao dahil sa kanilang ginawa. Mga labi ay para bang ayaw kumawala sa halik ng isa’t isa.
Dahan-dahang inihakbang ko ang aking mga paa ng may tumawag sa akin.
“Zi!”
Pero hindi ako lumingon kasi alam kong wala namang nakakakilala sa akin dito. Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad ng...
“Venziana!”
Sa pagtawag niya sa akin niyan ay muling tumulo ang aking mga luha. Nag-uunahan na naman sila sa pag-agos dala ang init na paghihinagpis.
Tatakbo ba ako?
Pinahiran kong muli ang mga luha at dahan-dahang lumingon sa kanila. Ngumiti ako, ngiting ewan ko kung ano ang kinalabasan. Sana man lang natago doon ang sakit na nakaguhit sa aking mukha.
“Ayy andiyan ka na pala, kanina ka pa ba?” nakangiting tanong ko sabay lapit sa kanila. Nanatiling seryoso lang ang mukha ng babaeng kahalikan niya kanina. Kung dati ay gusto kong mahalikan niya pero hindi ko na alam kung anong gusto ko sa ngayon. Ni hindi nga ako niya hinalikan eh, kahit smack kiss man lang.
“Zi, I am so—”
“For you,” pagputol ko sa sasabihin niya sabay abot ng regalo ko sa kaniya. “Happy first anniversary, Love,” dagdag ko pang sabi sa kaniya.
“Zi, we’re... done,” napalunok ako ng ilang beses at pilit na pinipigilan ang mga nagbabadya na namang mga luha.
Eh, bakit kailangan ko munang matuklasan iyon? Bakit kailangang makita iyon? Tapos ’saka ko palang maririnig iyang mga salitang ’yan!
“Done? You meant it? Love, I can’t,” naiiling kong sabi, one year na eh!
He is my dreamboy, and my love of my life. Sa apat na taong pagpapansin sa kaniya at sa apat na taon ding iyon na paglapit ko sa kaniya sa tuwing nakikita ko siya. Pagkatapos noong apat na taon na iyon ay siya naman ang lumalapit sa akin. Niligawan niya pa lang ako pero sinagot ko agad siya, kasi ’yon na eh, pagkakataon na iyon eh.
“Zi, I loved you. But—”
But?! Ba’t kailangang may but?
“Why? Kasi andiyan na siya?” tanong ko pa sa kaniya sabay turo sa babae niya, patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko. Hindi ko na lang pinansin ang mga taong nagbubulungan na sa paligid namin. “Pwedeng pagkatapos na lang ng birthday ko?” pabulong kong tanong sa kaniya. “Pwede ba?”
“Zi...”
“Please? Kahit pabigyan mo na lang muna ako sa ngayon, maaari ba? Maaari bang tayo pa rin bukas?” pabulong ko pa ring dagdag. “See you tomorrow, hihintayin kita,” sambit ko at tuluyan ng lumayo sa lugar na iyon.
“Zi, I can’t...” rinig ko pang sambit niya.
Napahagulhol na ako sa paglabas ko sa resto bar na iyon. Umupo ako sa may garden, sa may mini plant box na maraming tanim na mga bulaklak na rosas.
Tuluyan ng bumuhos ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan ngunit ’di naman na pigilan at heto ako ngayon, sobra pa iyong iyak ko sa mga namatayan.
“Excuse me,” nagulat ako nang marinig iyon, kaya pilit ko na namang nilabanan ’yong pag-iyak ko. Ngunit ’di pa rin ako tumahan. “This place is not cemetery for you to cry,” ani niya sa baritonong boses.
Sa cemetery lang ba pwede umiyak? Gag* to ah!
Nang tumingala ako ay una kong nakaharap ang panyong kulay dilaw. Dilaw talaga? Kinuha ko iyon, “naligaw ka yata, Miss,” saad niya na ikinataka ko.
Doon ko lang napagtanto na ang dami rin palang mga tao roon at lahat sila nakatingin na sa akin. Bawat tanaw ko may partner sila, pwera lang sa lalaking nagbigay sa akin ng panyo.
Ba’t ang lakas ng iyak ko? ’Di ko mapigilan, nakakahiya!
Nakita ko na lang sa kamay ko na hawak ko na pala ang kulay dilaw na panyo. Saan na siya?
Bigla-biglang sumusulpot dito eh bigla-bigla lang din naman sa pag-alis.
Nang mapansin ko na nasa akin pa rin ang tingin nila ay inayos ko na ang sarili at umalis na roon. Baka kasi nakadisturbo ako kanina sa kanila.
Nang lingunin kong muli ang grupo ng mga tao roon, ayon, naghahalikan na iyong iba. Galit sila makatingin dahil naudlot ko iyong kalandian este sweet moments nila. Bwisit! Tadhana’y ’di man lang nakisama! Broken ako ngayon, kaya dapat sila rin! Ang unfair naman oh!
Kinuha ko ang cellphone ko sa pursed ko.
“Sh*t! Bakit ngayon pa?” Lowbat na iyong cp ko! Tapos iyong pera ko, naubos ko na. Binayad ko doon sa staff kanina, paano ba naman kasi, ang mahal-mahal ng puwesto namin doon. Akala ko may maghahatid sa akin ngayon pero wala! Huhuhuhu!
'Eh, kung bumalik kaya ako roon at magpahatid sa kaniya?'
Napairap na lang ako dahil sa naisip ko. Ayokong bumalik roon sa loob baka pagbayarin na naman ako!
Huminto ako sa gilid ng kalsada ng may naisip na idea. 'Hahanapin ko iyong nagbigay ng dilaw na panyo na ito at manghihiram — ay magpapalibre pala doon!'
Napabusangot na naman ako ng hindi ko pala nakita ang face niya.
Maglalakad lang ba talaga ako pauwi? Broken ako ngayon tapos papalakarin pa ’ko pauwi? Bullsh*t!
Wala po bang patawad diyan?
Birthday ko pa bukas eh! Huhuhu! Ang mga mata ko, kawawa, mukhang malaki-laki eyebags na ibebenta ko bukas! Sana lang matago sa make-up ’to!
“Oh sh*t!” Natapilok pa ako, worst, nasira ’yong isang pares ng heels ko! Tinanggal ko na din ang isa pa, alangan namang hindi ko tatanggalin edi good luck na lang ’pag nagkataon. Itinapon ko ’yong sirang heels ko sa trash bin ng may ari ng panaderia na nadaanan ko.
Kapag ako nakauwi ng late! Humanda na lang kayong mga tenga ko! Siyempre kayo ang maiingayan! Itong puso ko naman, sanay naman ’to sa sasabihin nila.
Ano na’ng gagawin ko?
Umayos ako ng paglalakad ng marami-rami na ring sasakyan ang dumadaan. Lakad pa rin ako nang lakad kahit na usad pagong ang bawat hakbang ko.
May humintong sasakyan at binuksan ng driver ’yong window nito. “Excuse me, are you okay? Do you need a ride?” tanong ng isang mestisong hilaw na nakasakay sa kotse niya.
Sa awrahan ng kaniyang pananamit at pananalita, mukhang sa kaniya talaga iyong kotse niya. Latest model ng Lamborghini! Grabe! Ang sosyal!
“Wala ’kong pambayad!” tugon ko sa kaniya.
Bahadya siyang natawa sa naging tugon ko, “You’re funny,” binigyan ko lang siya ng simpleng ngiti. “No, it’s free. Just want to take you back in your home,” saad pa niya sabay kindat.
Hindi kita type!
Pero, okay na rin siguro ’to, kung magpapahatid ako sa kaniya edi mas mabilis akong makauwi doon sa bahay.
Lumapit ako sa sasakyan niya nang biglang bumisina ng pagkalakas-lakas ’yong nakasunod na kotse sa kaniya.
Bwisit!
Bumukas ang pinto nito, at biglang lumabas ang may-ari ng sasakyan sabay lapit kaagad sa akin.
White longsleeves, necktie, black pants, and black shoes. Familiar ’yong amoy niya. Naamoy ko din ito kani-kanina lang.
Hinila niya ako ’saka inilayo roon sa kotse ng mestisong hilaw. “You crazy lady!” kalmado ngunit nakakahalinang boses ang nakapukaw sa aking atensiyon.
Kanindot sa iyahang awra uyy—binatukan ko ng slight iyong ulo ko. Kung ano-anong naiisip eh!
“Hey! Do you know him?” pasigaw na tanong ng mestisong hilaw.
Sa isip ko ay hindi sana ’yong isasagot ko pero iba ’yong naibuka ng bibig ko. “Yes!”
Mukhang nag-alalangan pa siya pero kalaunan ay tumugon din. “Okay, hope to see you again soon!” dinig ko pang sabi niya, tutugon sana akong muli ng hinila na ako papasok sa magarang kotse din ng lalaking mahigpit na nakahawak sa braso ko.
Pumasok na lang din ako ng kusa, baka kasi kapag pumalag pa ako ay mas lalo lang akong masasaktan. Sa passenger’s ako sumakay, doon niya ako pinapasok kanina eh!
“Seat belt,” he said on his husky voice.
Napairap na lang ako at nag-seat belt na.
“Saan mo ba ’ko dadalhin?” diretsong tanong ko sa kaniya. Hindi dapat ako magpapaapekto sa kanilang mga lalaki lalo na’t kagagaling ko lang sa break up.
Hindi dapat!
“Iuuwi sa inyo,” kalmadong tugon niya.
Iuuwi daw!
“Bakit? Kilala mo ba kung sino ako?”
“Wala akong oras para kilalanin ka,” him on his cold voice. Sungit! Bilis topakin nito!
“Tseh! Wala rin akong oras para magpakilala sa ’yo ’no! Assuming ka rin eh ’no?!” inis ko pang sabi sa kaniya.
“Can you just shut up?” aniya sa kalmado pa ring boses pero alam kong naiirita na siya.
“Shut up ka rin! Stalker!”
“Tsk! Stupid girl,” naiiling pa na bulong niya pero rinig na rinig ko.
Stupid? Kanina pa niya ako minamaliit ah?!
“Stupid mo mukha mo! Siguraduhin mo lang na alam mo ang address ng bahay namin, at maihatid mo ako ng walang pasa kundi ipapapulis kita!” saad ko pa sa kaniya.
“You already have your bruises,” tugon niya pa. Hala, paano niya nalaman? “Oh, huwag mo namang sabihin na ini-stalk kita? Remember, naglakad ka doon ng walang sapin sa paa.”
Ayy! Oo nga naman! Bwisit kasi na heels ’yon eh!
“Whatever!” tanging tugon ko, hindi rin kasi nagpapatalo sa convo namin eh! Itinuon ko na lang ang paningin ko sa labas. Nang tiningnan ko siyang muli ay bumalik na ’yong seryosong mukha, wala na namang imik!
Boring! Boring niya!
Pero pogi!
@jessafelovers258
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top