Chapter 8
Buong araw nakatambay lang siya sa kwarto, wala naman pasok at wala rin siyang photoshoot kaya buong araw ako nakahiga sa kwarto at naglalaro nang-ML. Nang makaramdam ito ng sakit sa mata ay tinigil muna niya at bumaba. Doon niya nakita ang ama at kapatid na nag-uusap. Napalingon naman ito sa kanya ng maramdaman ang kanyang presensya.
"Nandito nap ala ang prinsesa natin." Tumayo ang kanyang ama at lumapit dito sabay akbay.
"Mabuti lumabas ka, akala ko kasi doon kana hanggang bukas," sabi ng kanyang kapatid. Kaya lumapit si Bianca dito upang kurutin.
"Dad, ohh.. mapanakit," sumbong nito sa kanyang ama.
"Hayaan muna ang kapatid mo, Matt, nanlalambing lang 'yan." Napakamot na lang si Matteo sa kanyang ulo. Alam naman nito na wala itong laban sa kapatid.
Natigil sila ng tawagin na sila ni manang upang kumain. Habang kumakain napapatingin si Bianca sa ama at kapatid, naiisip nito sana nandoon ang kanyang ina at isa pang kapatid para masaya at kumpleto sila nagsalo-salo. Pero alam ni Bianca sa sarili na malabo itong mangyari dahil alam niya na mas importante sa kanyang ina ang trabaho kesa pamilya nito.
Pagkatapos nila kumain ay niligpit ni manang ang kinainan nila at si Bianca ay bumalik sa kanyang kwarto. Pagkatapos mag-shower at matuyo na ang buhok ay natulog na ito.
Kinabukasan naging abala ito sa school lalo't malapit na ang kanilang monthly exam. Kaya abala sila mag-aral para sa nalalapit na exam. Umuwi si Bianca sa sobrang pagod at parang naubos ang laman ng kanyang utak dahil sa mga lesson nila ngayon. Nahiga ito sa kama ng ilang minute at ng may energy na siya ay nagpalit ito sa kama at pumunta sa study room upang hintayin ang kanyang tutor.
Hindi alam ni Bianca kung pupunta ba ang tutor nito dahil wala din ito noong nakaraan. Pero napagpasyahan niya maghintay muna ng ilang minute bago bumalik sa kwarto. Kinuha niya ang kanyang cellphone upang maglaro ng 4pics.
"Season." Napalingon naman agad si Bianca ng marinig ang boses ni Lance.
"Ha?" Naguguluhan nasabi ni Bianca dito.
"Tsk..season ang sagot d'yan." Inilagay nito ang gamit sa table. Tumatango-tango naman ako at nilagay ang sinabi niya. Sa wakas nasagutan na rin ito, kanina pa sumasakit ang utak ko sa kaiisip.
"Stop doing that! We need to start." Napabuntong hininga na lang si Bianca at pinatay ang phone saka humarap kay Lance. "Wait! Ano nangyari sa labi mo?" Curious natanong ni Bianca ng mapansin niya na may maliit nasugat ito. "Uyy.. nabingi ka na?"
"Mind your own business. We must get started. Wala lang ito." Pero hindi nakinig si Bianca at tumayo ito saka naglakad. Tinawag pa ito ni Lance pero hindi ito lumingon, patuloy lang ito hanggang sa huminto ito sa may first aid kit. Kinuha niya ito at saka bumalik sa kinaroronan ni Lance. "What's that?"
"Syempre gamot, ano tingin mo pagkain." Pilosopo nasagot nito kaya napailing na lang si Lance. "Kailangan malinis at magamot iyan baka ma-infection pa."
"Balak mo ba mag-nurse?"
"Ewan..siguro.. baka.. hindi ko alam. Ang gulo mo naman. Gagamutin ka lang gusto ko na agad mag-nurse. Halaka!" Binuksan ito ni Bianca at kinuha ang mga kailangan.
"Stop that one. We need to start. I'm okay."
"Alam mo..huwag ka na lang umangal d'yan. Pasalamat ka gagamiton ko iyan. Kaya manahimik ka." Tumayo si Bianca at lumapit kay Lance. Nilinis nito ang sugat nito saka nilagyan nang-ointment. "Finish!" Tuwang-tuwa nasabi ko.
"Good.. so we can start our discussion?" Niligpit muna nito iyong mga ginamit saka binalik sa nilagyan nito. Bumalik ito sa pagkaka-upo saka nagsimula si Lance sa pagtuturo. Nakinig si Bianca mabuti sa tinuro niya. Natigil lang ito ng biglang tumunog ang kanyang cellphone ni Lance. "Excuse me." Sinagot nito ang cellphone saka medyo lumayo.
"Girlfriend mo?" Tanong ni Bianca ng bumalik siya. Napatingin naman si Lance kaya napayuko na lang si Bianca. Nahiya si Bianca dahil sa tanong nito, pinagalitan ang sarili kung bakit nagtanong pa. Baka ano isipin nito.
"Friend," mailking sagot. "Let's continue," dagdag nito. Nagpatuloy sila hanggang sa matapos. Niligpit ni Lance ang mga gamit habang nakatingin lang si Bianca. "May lakad ka Sunday?"
"Ha? Bakit? Wala naman siguro."
"Be my date.." Natulala naman si Bianca sa sinabi nito, hindi ito mapasok sa kanyang utak. "Hey!" Napakurap naman si Bianca.
"Wait! Tama ba rinig ko? Date?" Tumango lang si Lance. "Bakit? Type mo ako? o crush?" Napataas naman ang kilay ni Bianca nang humalakhak si Lance ng tawa. Tiningna ito ni Bianca ng masama.
"You're not my type." Napahawak ito sa kanyang t'yan dahil sa kakatawa.
"Hindi mo ako type? Pero niyaya mo ako nang-date, napaka-indenial mo naman," sabi nito sabay irap.
"Wala akong ibang maisip na pwede ko isama. So baka free ka. It's my friend birthday." Paliwanag nito. "But if you don't want to go, it's okay. I understand."
"Okay.."
"Okay? Do you mean you will go with me?" Tumango lang si Bianca, napangiti naman si Lance dahil dito. "Are you sure?"
"Duh..oo nga, paulit-ulit ka naman. Unli bes?"
"Thanks.."
"Uyy..huwag ka mag-isip ng ano. Ayaw ko lang may utang na loob ako. Pumayag lang ako dahil doon sa binigay mo sa akin na gusto ko, pandagdag ko kasi iyon sa collection." Paliwanag nito baka ano pa isipin ni Lance.
"Okay, I will pick you up here," sabi nito saka umalis. Naiwan naman si Bianca nakatunganga at napaisip kung tama ba pumayag siya nasumama kay Lance. Napabuntong hininga na lang ito saka pumunta nasa kanyang kwarto. Naglaro lang ito nang-ML saka ng makaramdam ng antok ay natulog na ito.
Pagod man si Bianca dahil kagagaling lang niya sa photoshoot pero kailangan niya mag-ayos dahil maya-maya ay dadating na si Lance. Kinuha niya ang kanyang damit nasusuotin at mga kailangan. Hindi naman niya kailangan mag-gown dahil sa beach gaganapin ang party. Kaya nagdala lang ito ng damit na pangligo at pamalit saka nagsuot siya nang-dress na pang-beach.
Mabuti na lang talaga at pinayagan ito nang-ama ng magpaalam siya. Kahit pagod si Bianca ay nakaramdan siya ng kaunting excitement dahil matagal na rin ito hindi nakapunta sa beach. Na-miss din niya ito, pero naisip din niya na hindi naman siya siguro mag-enjoy dahil wala ang mga kaibigan nito at hindi niya kilala ang mga tao doon.
"Nandito nasundo n'yo, ma'am," sabi ng kanilang katulong.
"Coming.." Kinuha nito ang gamit saka nagmamadaling bumaba. Paglabas nito nakita niya agad si Lance nakasandal sa sasakyan nito. Lumapit si Bianca dito at pumasok nasa sasakyan.
Sobrang tahimik nila sa kanilang biyahe kaya nababagot si Bianca. Kaya may hinanap ito sa kanyang bag at ng makita niya ay nilagay niya sa kanyang tenga ang headseat saka naghanap ng maganda na-music. Hanggang sa hindi nito nalaman nakatulog ito.
"Hey..wake up. We've already arrived." Unti-unti naman minulat ni Bianca ang mata at napasinghap ito dahil sobrang lapit ni Lance. "Stop dreaming, labas na," sabi nito saka lumayo at lumabas sa sasakyan. Inayos muna ni Bianca ang sarili baka nagkagulo ang buhok nito saka lumabas sa sasakyan.
Kinuha naman ni Lance ang mga gamit nila. Ito na nagdala habang si Bianca ay inikot ang paningin sa plaigid. Hindi nito maiwasan na mamangha dahil sa napakaganda na paligid.
"Walk faster." Napatingin naman si Bianca dahil malayo-layo na si Lance sa kanya. Hindi niya ito namalayan dahil sa pagkamangha sa paligid. Tumakbo siya papunta kay Lance saka nag-peace sign ng makarating dito.
"Hey bro, musta?" May lumapit sa kanila na lalaki, mukhang kilala ito ni Lance.
"Fine.." Napatingin naman si Bianca dahil sa sagot nito. Parang buntot ni Lance si Bianca, sunod lang ito ng sunod. Nagsisi natuloy si Bianca nasumama, muka siyang PA na sumusunod sa boss nito. Dahil nagsawa na si Bianca sa kasusunod ni Lance ay naglakad ito sa ibang direksyon. Hanggang sa makarating ito sa may malaki na bato. Umupo si Bianca at pinagmasdan ang dagat.
"Hi Miss! Nag-iisa ka?" Napalingon naman siya at nakita ang parang may lahi na lalaki.
"May kasama ako, nandoon." Turo nito kung saan ang direksyon ni Lance.
"Kasama ka pala sa birthday party ni Candice? Ngayon lang kita napansin? Kaibigan ka ba ni Candice?" Umiling lang si Bianca dahil hindi naman nito kilala ang tinutukoy ng lalaki. "Sino ba kasama mo?"
"Kilala mo si Lance Hernandez? Siya kasama ko," sagot ko dito.
"Ganoon ba, Miss. Sige mauna na ako." Paalam nito ng marinig ang pangalan ni Lance. Nagtaka tuloy si Bianca sa kinilos nito. Pero hindi pa rin nawala ang inis ni Bianca dahil pinabayaan lang siya ni Lance na mag-isa.
"Miss, baka pwede mahingi number mo?" Napakunot naman si Bianca dahil sa inis. "Mag-isa ka yata, Miss. Gusto mo samahan kita?"
"May kasama ako," mataray nasagot nito. "Nakikita mo don." Turo nito. "Nand'yan ang kasama ko. Kilala mo ba si Lance?"
"Mauna na pala ako, Miss." Nangmamadali itong umalis, napailing na lang si Bianca.
"Bianca? Ikaw nga."
"Kilala ba kita?"
"I'm Ace, kaibigan ni Lance."
"Hindi ako nagtanong,' sabi nito sabay irap kaya napatawa itong si Ace.
"Bakit ka nag-iisa?"
"Tanong mo kaya sa magaling mo na kaibigan." Mas nainis si Bianca ng marinig natumawa lang ito. "May nakakatawa ba?"
"Wala, nakakatawa lang hitsura mo. Halatang inis ka kay Nathan."
"Umalis ka nga. Sinira mo moment ko." Taboy nito at hindi na ito pinansin. Binalik niya ang kanyang tingin sa dagat.
"Kanina pa kita hinanap." Napalingon naman ito ng makilala ang boses.
"Hinanap talaga?" Nakataas ang isang kilay nito.
"Amoy LQ yata dito." Napakamot ng ulo si Ace. Tiningnan naman ito ng masama ni Bianca. "Alis na ako, baka madamay pa ako." Tinapik nito ang balikat ni Lance saka naglakad palayo.
"Let's go to the party."
"Ayaw ko, OP lang ako doon. Dito na lang ako."
"Fine, we will stay here." Tiningnan ko ito ng may pagtataka.
"Sino nagsabi na kasama ka? Bakit naupo ka?" Tanong nito ng tumabi ito.
"You don't own this place. So I can stay here as long as I want."
"Ako naka-una kaya maghanap ka nang-''
"Nathan...." Hindi natapos ni Bianca ang sasabihin ng marinig ang sigaw ng babae. Napatingin naman si Bianca sa babae at hindi niya maiwasan mapansin ang pananamit nito na halos kinapos na yata sa tela. "Akala ko hindi ka makakarating." Napatingin naman ito kay Bianca. "Sino 'to?" Turo niya kay Bianca. "You look so familiar? Saan ba kita nakikita?" Nag-isip ito.
"Kilala mo?" Tanong ni Bianca.
"Former classmate" maikling sagot nito.
"Grabe ka naman Nathan, para naman wala tayong pinagsamahan." Malandi nasabi nito kaya napailing na lang si Bianca.
"I'm just telling the truth, Candice. You're my former classmate, right?"
"Nakakatampo ka na." Napasimangot naman si Candice.
"Happy birthday, Candice. Please excuse us." Hinawakan ni Lance ang palapulsohan ni Bianca at hinila ito. Hindi alam ni Bianca kung saan sila pupunta. Nagpadala lang ito kay Lance. Napahinto sila sa may parang kweba.
"Teka lang.. Bakit tayo nandito?" Nagtatakang tanong ni Bianca. Pero hindi ito sinagot ni Lance. "Wait..pinagtataguan mo ba iyong babae na 'yon? Umalis natayo dito. Hindi ba party 'to kaya halika kumain tayo."
"Tataba ka lang n'yan. Model ka pa naman."
"May diet naman. Saka hindi ako madaling tumaba. Kaya bumalik natayo doon."
"Mamaya na.."
"Alam mo, natatakot ka sa babae na 'yon. Ex mo 'yon no? Sabi n'ya may pinagsamahan kayo. Kaya mo ba ako dinala dito kasi balak mo pagselosin iyon? Naku! Lumang style na 'yan." Hinampas ito ni Bianca sa braso nang tawanan lang ako nito.
"Hindi ko ex 'yon. Balik natayo doon, baka ano pa maisip mo dahil sa gutom." Nilagay nito ang kamay sa bulsa at nauna itong naglakad. Pagdating nila doon ay pina-upo lang si Bianca dahil si Lance na ang kumuha ng pagkain.
Nagulat naman si Bianca ng umupo ang babae kanina. Tiningnan siya nito. "Candice.." Inilahad nito ang kamay at ngumiti pero halatang napipilitan lang ito.
"Bianca.."
"So girlfriend ka? Nauto ka rin ba?" Napakunot naman ang noo ni Bianca dahil sa sinabi nito. Hindi niya maintindihan ang ibig sabihin nito. "Oh! Isa ka sa lumandi sa kanya." Tiningnan nito si Bianca ng may panghuhusga.
"Teka lang.. hindi na yata maganda ang sinasabi mo."
"As far as I know. I didn't invite you. So for sure sinama ka. Hindi ka naman kaladkarin na babae siguro kaya napasama ka lang dito. So may relasyon kayo. Isa lang din nasa isip ko. Si Nathan nang-uto sa iyo or ikaw ang lumandi sa kanya." Pinipigilan ni Bianca ang sarili. Ayaw niya nanggulo baka kumalat pa ito sa media. Hindi ito school niya na matatakpan ang nangyayari. "So tama ako?"
"I'm sorry pero mali iyang iniisip mo." Mahinahon na sabi nito at ngumiti.
"Stop smilling. Alam ko naman na-fake lang 'yan."
"Candice..."
"Oh! Nathan...bumalik ka naman. Nag-uusap pa kami."
"Stop that.."
"Ang ano?"
"I know you, Candice. Hayaan mo si Bianca."
"Protecting her? Alam na ba niya ang pagkatao mo?" Tiningnan nito si Lance at nilipat ang tingin kay Bianca. "Oh!" sabi nito sabay takip ng bibig. "So hindi ka niya alam."
"Excuse us." Hinila nito si Bianca paalis hanggang sa dumating sila sa sasakyan. Tiningnan lang ni Bianca si Lance. Tahimik nila sa loob ng sasakyan nito.
"Aalis na ba tayo?" Nagtatakang tanong nito ng pinaandar ang sasakyan. Naguguluhan si Bianca sa nangyayari. Hindi niya akalain na ito ang mangyayari sa pupuntahan nila. Hindi man lang siya nakaligo o nakakain. Biglaan na lang sila umalis.
"I'm sorry, kakain na lang tayo sa labas," sabi nito habang nagmaneho. Kaya hinayaan na lang ito ni Bianca. Huminto sila sa may restaurant at pumasok sila. Nagulat naman si Bianca sa order ni Lance dahil sobrang dami nito, para itong nagpapiyesta.
"Bakit ganoon na lang iwas mo sa babae na iyon?" Tanong nito habang hinihintay ang pagkain. "Uyy, sumagot naman kayo."
"Alam ko naman na ayaw ako nitong makita. Masisira lang araw niya."
"Pero bakit ka pumunta doon?"
"Dahil sabi niya, hindi naman ako makatanggi. Malaki ang kasalanan ko sa kanya. Dahil sa kanya nawala ang taong mahal niya."
"Wait ang gulo."
"Huwag mo na lang intindihin iyon. Kalimutan mo na lang."
"Kainis ka naman, tapusin muna. Bakit galit sa'yo 'yon? Inagaw mo jowa nun. Oh my Gee.. beke ka?"
Tiningnan ito ni Lance. "If I kiss you to prove that I'm not gay," he said in a serious tone. Mabilis naman tinakpan ni Bianca ang bibig dahil sa takot. Nanahimik na lang ito hanggang sa dumating ang pagkain.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top