Chapter 7

Napasipa na lang si Bianca sa kanyang sasakyan dahil sa sobrang inis. Kung kagabi wala siyang masakyan, ngayon naman ay bigla tumirik ang kanyang sasakyan. Mabuti na lang at wala silang pasok ngayon dahil abala sa celebration sa school. Isang lingo ang kanilang event kaya pwede siya late na pumasok.

Kinuha ni Bianca ang kanyang cellphone sa bag upang tawagan ang kapatid para magpatulong. "Kung minamalas ka naman," inis nasabi nitong makita ang cellphone na-lowbat. Itinapon niya ito sa loob ng sasakyan dahil sa inis. Hindi pala niya ito na-charge kagabi dahil nakatulog siya agad dahil sa pagod.

"Problema, miss?" Napalingon naman si Bianca sa kinaroroonan ng boses. Nakita niya ang isang lalaki nakasakay sa motor. "Nasiraan ka ba? Sabay ka na lang sa akin," dagdag nito. Umiling lang si Bianca, hindi niya ito kilala. Baka mapaano pa ito kung sasama siya, mas mabuting maghanap na lang siya ng taxi at iiwan na lang niya ang kanyang sasakyan. "Alam ko iyang iniisip mo, hindi ako masamang tao. Same school lang tayo."

Nagulat naman si Bianca sa sinabi ng lalaki. Pero ayaw pa rin nito maniwala kaya bumaba ang lalaki sa motor at may kinuha siya sa kanyang bag sabay pakita kay Bianca. "Cirus Jan Monterel," basa nito sa ID.

"Siguro hindi mo ako nakikita kasi malaki ang school, pero kilala kita dahil sikat ka na-model. Kaya huwag ka mag-alala, hindi ako masamang tao." Nakikita naman ni Bianca na mabuting tao ito. Kaya pumayag na lang siya pero bago iyon kinapalan muna niya ang kanyang mukha manghiram ng cellphone upang tawagan ang kanyang kapatid upang puntahan ang kanyang sasakyan.

"Salamat," sabay abot sa cellphone. "Wait, safe ba 'yan?" Tanong nito, first time niya sumakay ng motor at natatakot siya dito.

Napatawa naman ang lalaki dahil sa tanong ni Bianca. " Oo naman, ilang taon ko na itong gamit. Suotin mo ito." Sabay abot ng helmet kay Bianca. Kinuha naman ito ni Bianca at sinuot bago sumakay. Noong una ay napakapit ito sa leather jacket ni Cirus dahil sa takot. Pero nasanay ito habang tumatagal.

Mabilis lang sila nakarating sa school dahil medaling nakakasingit ang motor sa ibang sasakyan. Bumaba na si Bianca at hinubad ang suot na-helmet saka ibinalik kay Cirus. "Salamat pala, pasensya na kung kanina inisipan kitang masama na gusto mo lang naman tumulong."

"No problems," saad nito. Nagpaalam na si Bianca at pumasok na ito sa loob ng school. Madaming tao ang sa kanilang school, may taga ibang paaralan din pumasok. Naka-uniform pa ito, ganito talaga tuwing may event ang kanilang school. Dinadayo ito ng ibang estudyante pero may mga patakaran ang school bago sila makapasok.

Hinanap agad ni Bianca ang mga kaibigan. Hindi naman niya ito matawagan dahil lowbat siya pero kanina ay nabasa niya ang text ng kaibigan na nauna ito sa school. Naisip ni Bianca na pumunta sa booth nila baka nandoon si Misha. Kasama nito kaibigan nila na si Joe. Napangiti naman ito ng makita ang kaibigan, nagliwanag naman ang mukha nito ng makita siya.

"Bianca!' Tumayo ito at sinalubong si Bianca ng yakap. "Ang pretty mo talaga, as always."

"I know right," sabi nito.

"Ang hangin, signal number 2," natatawang sabi ni Misha. "Pero huwag ka mabahala Joe, mas maganda tayo kasi endanger species tayo. Iniingitan." Hinampas naman ni Joe ang balikat ni Misha habang panay ang tawa ni Misha.

"Maka-endanger ka d'yan."

"True naman, endanger beauty natin dahil nanganganib maubos." Napailing na lang si Bianca sa kaibigan.

"Hali na kayo, may basketball games kasi ngayon. Naririnig ko nasabi ng mga estudyante," sabi nito sabay hila sa mga kaibigan.

"Naku, Joe, kilala kita. Mga yummy na papa lang hanap mo doon," sabi ni Misha sa kaibigan, ngumiti lang si Joe at patuloy sa paghila sa mga kaibigan. Pagkarating nila doon ay narinig nila ang sigawan ng mga estudyante sa naglalaro.

"Ayy, mga bata pa ang naglaro, hindi pa ang senior," disappointed nasabi nito. " Ayaw ko sa bata." Nagyaya ito agad nalumabas kaya panay ang tukso ni Misha dito. Umikot na lang sila sa buong campus at minsan pumapasok sa mga booth.

Habang kumakain ay nagpaalam muna si Bianca sa mga kaibigan upang pumunta sa booth kung saan nagbebenta ng K-pop nagamit. Mahilig kasi ito mag-collect. Kahapon pa niya gusto bilhin iyon pero nakalimutan niya ang kanyang wallet. Nagdarasal si Bianca na sana wala pang bumili nito.

Lumapit agad si Bianca ng makarating dito at hinanap ang nagustuhan niya kahapon pero hindi niya ito makita.

"Miss, nasaan iyong hawak ko kahapon." Hindi makatiis si Bianca na magtanong.

"Ikaw pala, ate, pasensya na talaga naunahan na po kayo. May nakabili na kanina." Nalungkot naman si Bianca sa kanyang nalaman.

"Bakit mo binenta? 'Di ba sabi ko babalikan ko iyon. "

"Triple po kasi binayad niya kaya hindi na po kami nakatanggi," paliwanag nito.

"Baka may iba pa kayo na ganoon?"

Umiling lang ito. " Last na po 'yon, ate," malungkot nasabi nito. "Ate, iyon pala si kuya." Napalingon naman si Bianca sa tinuro nito. "Pakiusapan n'yo na lang si, kuya, baka pumayag po."

Nagmadali naman nilapitan ni Bianca ang nakatalikod na lalaki. Kinalabit niya ito pero nagulat ito ng makita kung sino ito.

"What?" Naka-poker face ito. Nahihiya si Bianca na humingi ng pabor dito. "May kailangan ka?"

"Kasi..." Napakamot ito sa kanyang ulo. "Ikaw ba nakabili si BTS doon?" Nahihiyang sabi sabay turo sa booth.

"Ito ba?" Pinakita nito, tumango lang si Bianca. Nagdarasal ito nasana pumayag ito nabilhin niya ito.

"Pwede ko ba iyang bilhin?" Pa-cute nasabi nito. Pero napasimangot ito ng umiling si Lance at tinalikuran siya nito sabay lakad. Pero sinundan ito ni Bianca, wala itong balak nasumuko. "Please naman ohhh.." Para itong buntot na panay ang sunod.

"Ayaw nga kasi," inis nasabi nito. Pero hindi pa rin nakinig si Bianca at kinulit pa rin niya ito. Ayaw niya ito tantanan kaya panay ang sunod niya sa binata. "Pwede ba, huwag ka sumunod. Para kang aso."

"Sige na, may lalakihan ko ang bayad."

"Naku naapakan n'yo ang bilog," sabi ng freshmen na bata. Naguluhan naman si Bianca sa sinabi nito habang si Lance ay wala pa rin reaksyon ang mukha nito.

"Wait," angal ni Lance ng pinusasan siya nito. "Ano 'to?"

"Rule kasi kuya kapag naapakan n'yo bilog ay sasama po kayo sa akin," nakangiting sabi nito. Nagulat din si Bianca ng may humawak sa kanya saka pinalapit kay Lance at nilagyan ng isang posas ang kamay.

"Peace na po tayo. Huwag na kayo magalit. Kailangan n'yo lang sumama sa amin." Nalukot naman ang mukha ni Bianca, gusto lang naman niya makuha iyong BTS pero nangyari pa ito sa kanya.

"Dahan-dahan naman, madadapa ako," reklamo nito. Ang bilis kasi maglakad ni Lance kaya napapasunod si Bianca dahil iisang posas lang gamit nila. Pero parang wala itong narinig. Inalayan naman sila ng kasamahan ng babae at nakasunod sila dito. Ang lalaki ng hakbang ni Bianca dahil mabilis maglakad si Lance.

"Teka, ikukulong n'yo kami d'yan?" Tanong ni Bianca.

"Oo, ate, pero ten minutes lang tapos makakalabas na kayo." Tinanggal nito ang posas at pinasok sila sa loob. Napasimangot na lang si Bianca, sobrang malas niya ngayong araw na ito. Una nasiraan ng sasakyan tapos hindi niya nabili iyong gusto niya saka nakulong pa siya.

"Kasalanan mo 'to," sisi nit okay Lance.

"Keep quit, sakit mo sa tenga." Umupo ito sa may gilid sabay sandal sa may dingding at pinikit ang mata.

"Bakit ka ganyan. Nakakainis ka talaga." Nagpapadyak ito sa inis. Gusto ni Bianca pabilisin ang oras, sigurado siya na magtataka na iyong mga kaibigan niya dahil hindi pa ito nakabalik. Mas lalo itong naiinis dahil iyong kasama niya ay parang wala lang nangyari at may gana pa itong matulog.

Palakad-lakad si Bianca at hindi ito mapakali, sobrang bored na siya. Panay tingin nito sa kanyang relo upang matingnan ang oras. Lumipas ang mga oras at nakita ni Bianca ang babae kanina. "Ate, kuya, makakalabas na kayo."

Tuwang-tuwa naman si Bianca dahil sa wakas ay makakaalis na ito. Nilingon niya si Lance pero napaatras ito ng makita niyang nasa likuran na ito, mukhang bored ito. Lumapit si Lance kaya panay ang atras ni Bianca hanggang sa wala naitong maatrasan. Pigil nito ang kanyang hininga dahil sobrang lapit ni Lance.

Napasinghap ito ng kunin nito ang kanyang kamay. May nilagay ito sa kanyang kamay at bigla na lang umalis. Nakatulala lang si Bianca, hanggang ngayon ay ramdam pa rin niya ang mainit na kamay ni Lance. Napatingin ito sa binigay nito at nagmamadali itong lumabas ng makita kung ano ito. Gusto nitong magpasalamat dahil dito pero hindi niya ito nakita. Panay ang lingon ni Bianca pero hindi niya ito makita.

"Hoy, bruha! Kanina ka pa naming hinanap." Nagulat naman si Bianca ng makita ang mga kaibigan.

"Naubos na lang naming iyong pagkain pero hindi ka pa rin nakabalik. Ano nangyari?"

"Pasensya na, nahuli kasi ako," sagot nito.

"Talaga? Sino partner mo?" sabay akbay nit okay Bianca at panay ang tukso.

"Hindi ko kilala," pagsisinungaling nito. Baka mas lalo pa itong tuksuin ni Misha kapag nalaman.

"Pero pogi ba?"

"Medyo, tala na madami pa tayong hindi napuntahan." Pag-iiba nito sa usapan, mabuti na lang at effective ito. Naisipan ni Bianca nasa susunod na lang ito magpapasalamat kapag nagkita sila. Masaya na ito dahil nakuha ang gusto niya.

"Hey, Bianca." Napatingin naman ito sa tumawag sa kanya.

"Cirus," sambit nito.

"Oh, nagkrus na talaga landas natin," nakangiting sabi nito. "Hi, Misha.."

Napatingin naman si Bianca sa kaibigan. "Kilala mo?" tanong nito.

"Naku, Bianca, sino naman hindi makakilala sa captain ng basketball team. MVP tayo last year dahil sa kanya." Nagulat naman si Bianca sa kanyang narinig.

"Ikaw talaga, Mish, dahil sa team naming iyon."

"Sus, napaka-humble mo pa." Napakamot naman si Cirus sa kanyang ulo. "Teka, ito pala kaibigan ko si Joe. Made in U.S.A yan." Binatukan naman ni Joe si Misha.

"Hello, Cirus pala." Inilahad nito ang kanyang kamay at tinanggap naman ni Joe. "Gusto ko muna kayo maka-bonding kaya lang kailangan ako ng team ko." Pag-amin nito saka nagpaalam sa amin.

"Hindi mo bet 'yon, Joe? Ilalakad kita." Tanong ni Misha.

"Kay Bianca na lang 'yon."

"Bakit ako?"

"Single ka pa kasi hanggang ngayon."

Tiningnan ko ito ng masama."Paalala lang, single ka rin kaya huwag mo ipasa sa akin."

"Hindi ko bet kasi kaya pass na lang." Pinitik ito ni Misha sa noo kaya napahawak ito sabay hampas sa balikat ni Misha.

"Choosy mo kasi, bahala kayo. Magaling pa naman iyon sa basketball." Umiling na lang ako at hinayaan si Misha na magsalita at naunang maglakad. Sinundan naman ako agad ng dalawa. Inikot naming ang buong campus, panay ang tawa namin. Patingin-tingin din ako sa paligid pero hindi ko nakita si Lance.

"May hinahanap ka ba?" Mabilis akong umiling. "Guilty yan? Sino ba hinahanap mo?"

"Naghahanap ako ng pwede kainan kasi nagugutom na ako sa kalalakad natin," palusot nito.

"May alam ako, doon sa booth ng senior," sabi ni Misha sabay hila sa mga kaibigan. Pagdating nila doon ay may ibat-ibang klase ng streetfoods. Tinuro naman ni Misha ang kanyang lulutuin habang si Joe ay gumaya lang sa kanya at si Bianca ay softdrinks lang. Hindi kasi ito masyado kumakain ng ganito dahil pinagbawalanito ng ina. Huli kain niya dito iyong kasama niya si Misha natumakas sa klase tapos pagkagabi ay dinala siya sa hospital dahil hindi natunawan.

"Bakit hindi ka kumain, Bianca? Ikaw pa naman nagyaya kumain tayo?" tanong ni Joe.

"Busog pala ako, nauuhaw lang," pagsisinungaling niya. Ayaw naman isipin niya sa makarinig na maarte siya.

Pagkatapos nila kumain ay binayaran na nila saka nagpasya na umuwi dahil hapon na. Hinatid naman ni Misha si Bianca dahil wala itong masakyan. Pagdating sa bahay ay agad niya nilagay ang binigay ni Lance sa kanyang collections. Napangiti naman si Bianca habang nakatingin sa kanyang collections. Malaki na rin nagastos niya dito pero hindi siya nasasayangan.

Kinabukasan naisipan niya na hapon napumunta sa school, wala naman siyang gagawin doon. Wala naman siyang sport kaya mabuti na lang magpahinga siya. Natulog siya pagkatapos ay nag-work out. Nagpaluto din siya ng paborito niyang pagkain kay manang.

"Hindi ka pumasok?" Tanong ng kanyang kuya.

"Mamaya pa, wala naman kaming klase. Saka attendance lang 'yon," sagot nito.

"Tamad mo," saad nito sabay pitik sa ilong kanyang kapatid.

"Kuya!" Inis nasabi nito sabay himas ng kanyang ilong. "Ang sama mo! Mabaog ka sana."

"Uyy, wag ganyan."

"Bahala ka," sabi nito sabay walk-out. Narinig pa niyang tinatawag siya ng kanyang kapatid. Pero hindi siya nakinig at patuloy lang sa pag-akyat sa taas.

Nahiga ito sa kama at inabot ang cellphone saka nahiga sa kama. Naisipan niyang maglaro na lang nang-ML. Hanggang sa hindi niya namalayan ang oras at naisipan na lang huwag napumasok. 


------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top