Chapter 6

Hindi naman mapasok sa isip ni Bianca ang pinagsasabi nito, naguguluhan siya sa sinabi ng guro na siya ang maging partner ni Lance. Kaya nakatulala lang siya nakatingin kay Lance habang ang guro ay patuloy sa pamimilit kay Lance.

"Basta final na ito, kayo ang gaganap na prinsesa at prinsipe."

"Ayaw ko.." Nagkatinginan naman si Bianca at Lance dahil sabay silang nagsabi. Pero ayaw paawat si Mr. Araneta.

"Oppps, ang rule ko dito ay bawal tumanggi. Please lang, huwag n'yo na akong i-stress lalo akong magiging chaka nito. Hays..pasok na kayo para sa praktis," sabi nito at naglakad napapasok. Nagtaka naman si Bianca paglingon niya ay hindi niya nakita si Lance.

"Ate, pasok ka na," tawag ni Kate dito.

"Ha?" Sa isip ni Bianca kailangan niya makaalis sa medaling panahon.

"Nandoon na si kuya sa loob, kaya pasok na kayo. Tinawag na kayo ni sir."

Hindi naman makapaniwala siya sa kanyang narinig dahil ang kanina na ayaw sumali ay nauna pa sa loob. Parang wala sa sarili siya pumasok kahit naguguluhan pa siya. Napatanong siya sa sarili kung tama ba itong pinasok niya.

"Bianca girl, bilis na.. Wait! Ano name mo?" sabay tingin nit okay Lance.

"Nathan," walang gana nasagot nito.

"Okay, lumapit ka. " Sinunod naman ni Lance ang sinabi nito. "Dapat magkaharap kayo," sabi nito sabay hawak kay Bianca at pinaharap kay Lance. Nakaramdam naman nang-ilang si Bianca dahil dito. "Hawakan mo ang kamay ni Bianca." Nagulat naman si Bianca sa sinabi nito, gusto niya manapak pero baka siya pa mapunta sa guidance kapag ginawa niya ito. Napapigil naman sa paghinga si Bianca ng hawakan ni Lance ang kanyang kamay.

"Breathe.." mahinang sabi ni Lance.

"Ha?"

"Huminga ka, baka mahimatay ka dito. Bakit ka ba kinakabahan?" Napakunot naman ang noo ni Bianca dahil sa sinabi nito.

"Excuse me. Ako? Kinakabahan? In your wildest dream, bakit naman ako kakabahan?" Lakas loob nasabi ni Bianca.

"Kung hindi ka kinakabahan, bakit ang lamig ng kamay mo?" Mabilis naman binawi ni Bianca ang kanyang kamay at tiningnan ng masama si Lance.

"Serious guys." Napatingin naman si Bianca sa guro. "Hawakan mo ulit si Bianca." Utos nito kaya walang nagawa si Bianca. "Ito sayawin n'yo. Dapat ang paa n'yo ganito." Turo nito pero hindi ito makuha ni Bianca.

"FUCK!" Mahinang sabi ni Lance ng maapakan siya ni Bianca at tiningnan niya ito ng masama. Hindi lang ito ang unang beses na matapakan siya nito, ikatatlong beses na siyang naapakan ni Bianca.

"Sorry.." Nahihiyang sabi ni Bianca.

"Be serious."

"Tsk, ang hirap kaya," reklamo nito.

"Makinig kasi, kanina pa masakit paa ko." Napabusangot na lang ang mukha ni Bianca. Ayaw na niya makipagtalo kasi siya naman ang mali. Inulit naman nila at normal na yata sa routine ni Bianca ang apakan ang paa ni Lance kaya hindi na maipinta ang mukha nito. Iyong gagawin kasi nila ay yayain ni Lance si Bianca sa pagsayaw at magsayawan sila.

" Bianca, concentrate.Ikaw kaya maapakan," pasigaw nasabi ni Lance.

"Sinusubukan ko naman."

"Bianca, magpahinga ka muna at mamaya na natin ituloy ito." Nakahinga ng maayos si Bianca dahil sa narinig. Kanina pa siya napagod sa kanila ginagawa. Pero wala pa rin ito makuha sa steps.

"Sa wakas makapagpahinga na rin 'yong paa ko," sarkatiskong sabi nito sabay tingin kay Bianca. Nahihiya man siya sa pag-apak niya sa paa nito pero wala siyang magawa dahil wala talaga siyang talent dito. Ilang oras lang ang kanilang pahinga ay tinawag na-ulit sila upang mag-practice ulit.

" Bianca, hindi ganyan. Dapat 'yong paa mo ay di maapakan 'yong kay lance." Iyan lagi 'yong sigaw ni Mr. Araneta. Lagi nito napapansin ang mali ni Bianca. Gusto na talaga ni Bianca mag-walk out, naiinis na siya. Pero baka sabihan pa siya na hindi maganda ang ugali.Napasubo na siya kaya sisikapin niya matuto. Naging masaya lang si Bianca ng pina-uwi na sila. Agad ito nakatulog pag-uwi sa bahay dahil sa sobrang pagod nito.

Dalawang linggo ng nag-iinsayo sila para sa kanilang sayaw at medyo nakuha na ito ni Bianca. Pero paminsan-minsan nagkakamali siya, lalo tuloy siyang kinabahan dahil tatlong araw na lang ay gaganapin na ang event sa school at i-perform na nila ito.

Napatingin naman si Bianca sa kanyang cellphone ng tumunog ito at ng makita niya ay si Lance ang tumatawag. Hindi na siya magtaka kung bakit may number ito sa kanya, sigurado nakuha niya it okay Mr. Araneta.

"Ano kailangan mo?" sabi niya dito ng sagutin niya.

"1 p.m. practice, bawal ma-late," sabi nito at agad nabinaba. Gusto ibato ni Bianca ang kanyang cellphone dahil sa inis. Pero pinakalma na lang niya ang kanyang sarili. Nagbabasa na lang ito ng Twilight: Breaking dawn, hindi ito nagsasawa nabasahin ito. Kahit paulit-ulit na ay kinikilig pa rin siya sa lovestory ni Bella at Edward.

"Bianca," tawag ni Manang Rosie dito

"Pasok po," sabi nito, hindi naman kasi naka-lock ang pinto.

"Ma'am, may bisita po kayo," wika nito ng makapasok. Nagtaka naman si Bianca kung sino ang kanyang bisita. Alam nito na hindi iyon si Misha dahil busy din ito sa practice.

"Sino manang?"

"It's me," masayang sabi nito sabay pasok sa kanyang kwarto. Nagulat naman si Bianca sa kanyang nakita. Napatalon ito sa at medaling lumapit sa kanyang bisita.

"Joe, kailan ka naka-uwi?" Hindi maipaliwanag ni Bianca ang kanyang saya naramdaman. Isa ito sa kanyang matalik na kaibigan, nag-aaral ito sa ibang bansa.

"Miss me?"

"Super!" Mas hinigpitan pa nito ang pagkakayakap.

Natawa naman si Joe dahil dito. "Hey! chill lang sis hindi ako makahinga."

"Sorry, na-miss lang talaga kita. Sobrang tagal na natin hindi nagkikita," paliwanag nito. "Wait? Bakit umuwi ka? May problema ba?"

"Actually, dito na ako mag-aaral..Pinayagan na ako ni daddy," masayang sabi nito kaya nagtatalon sila sa tuwa. Pagkatapos ng ilang taon ay magkakasama na sila.

"My gosh, sobrang saya ko, Joe. Teka, alam nab a ito ni Misha?"

"Hindi pa, ikaw una kung pinuntahan. Hindi ko kasi makontak ito."

"Busy sa practice kasi iyon."

"Kaya pala. Marami kayong dapat ikwento sa akin. Ang tagal ko kaya nawala."

"Ikaw rin naman, sa baba muna tayo. Magmeryenda sabayan nang kwentuhan." Inakbayan ni Bianca ang kaibigan at bumaba sila. Naghanda naman si Manang Rosie nang-snack para sa dalawa.

"Alam mo ba nun nasa Korea ako, muntik na ako madisgrasya." Muntik na maibuga ni Bianca ang ininum dahil sa sinabi nito pero nagtataka siya na ito lang ang muntik mamatay pero masaya.

"Gaga ka ba? Muntik ka na mapahamak pero nakangiti ka. Naalog ba iyang utak mo?"

" Ayy, sis, alam ko na 'yang iniisip mo..Masaya ako kasi may nagligtas sakin at super gwapo sis..Tapos na love at first sight yata ako non.." Kinikilig nasabi nito.

"Jowa mo na ba 'yon?"

"I hope so, kaya lang hindi ko nalaman pangalan. Umalis agad matapos ako tulungan," malungkot nasabi nito.

"Ano sabi nun? Hindi ba nagpakilala? "

"Sinabi lang niya na h'wag raw akong tatanga-tanga." Hindi mapigilan ni Bianca ang mapatawa dahil sa sinabi ng kaibigan. Napahawak ito sa kanyang tiyan dahil sumasakit na ito sa kakatawa. Naisip ni Bianca kung siya ang nasa sitwasyon ni Joe ay maiinis siya nito dahil wala naman gusto madisgrasya.

"Ang bad mo," sabay hampas sa braso ng kaibigan.

"Kasi naman, sis. Ma-love at first ka pa sa ganoon na ugali pa."

"Sis, kahit suplado 'yon. Bet na bet ko kagwapohan nun tapos ang bait pa niya." Hindi na lang umangal si Bianca sa kaibigan. Nirerespeto naman nito ang gusto ng kaibigan. "Sana bigyan kami ng pagkakataon na magkita."

"Kung para talaga kayo sa isa't-isa, magkikita kayo," sabi nito sa kaibigan. Napahaba pa ang kanilang pagkwe-kwentuhan. Natigil ito ng tumunog ang cellphone kaya binasa niya at nataranta siya ng mabasa ang message ni Lance. Inis na inis ito dahil kanina pa sila naghihintay, nakalimutan niya ang kanilang practice dahil napasarap ang kanilang kwentuhan.

"Joe, kailangan ko na-umalis. May practice kasi kami."

"It's okay, baka magalit na 'yong mga kasama mo."

"Sobra lalo na 'yong isa don. Magkasalubong na naman iyong kilay non." Nagpaalam na si Joe at nagmamadali naman nag-ayos si Bianca. Ilang minute na siyang late, hindi pa naman mahilig maghintay iyong partner niya. Kahit anon a lang sinuot ni Bianca, iyong una niya nakuha sa kanyang closet. Nagpahatid na lang si Bianca upang mapadali siya.

Pagdating niya sa lugar kung saan sila magpa-practice ay agad niya nakita ang nakakunot na noo ni Lance. Halatang inip na inip na ito. Napangiti naman si Mr. Araneta ng makita siya. "Kanina ka pa naming hinihintay, traffic ba?"

"Sigurado ako nakalimutan 'yan, hindi traffic."

Tiningnan ni Bianca si Lance sabay taas ng isang kilay. "I'm sorry, sir." Paghingi ng tawad.

"It's okay, start natayo sa practice," sabi nito kaya nagtayuan na iyong ibang kasama nila.

Hinawakan ni Lance ang kamay ni Bianca upang magkasimula na. "Sinabihan nakita sa oras pero nagpaka-VIP ka naman."

"Alam mo ang kontrabida mo talaga, malaki ang galit mo sa akin."

"Nagsasabi lang ng totoo. Hindi mo pa nga kabisado tapos ikaw pa-late sa practice." Nagsimula na silang sumayaw. "Baka naman sinadya mo kasi natakot ka na talaga, baka magkamali ka." Inapakan ni Bianca ang paa nito. "Fuck, nanadya ka ba?" Inis nasabi nito at nagkaslubong ang kilay nito.

"Sorry, nagkamali lang." Paghingi ng tawad nito pero lihim itong natutuwa dahil sinadya talaga niya tapakan ito.

"Tsk..halata naman nas sinadya," bulong nito kaya napataas ang kilay ni Bianca.

"Problema mo?" Hindi ito sinagot ni Lance at napasigaw si Bianca ng bigla siya nitong inikot. "Gago ka ba? Balak mo ba ako patayin? Paano kung natapilok ako?" Inis nasabi nito.

"Nasa step 'yon, tandaan kasi." Gusto pa sana sumagot ni Bianca pero tinawag sila dahil nahuhuli na sila sa iba. "Umayos ka," saad nito at hinawakan ulit si Bianca.

Hindi alam ni Bianca kung bakit hindi talaga sila magkasundo, ang init ng kanilang dugo para sa isa't-isa. Buong praktis ay nakasimangot si Bianca habang salubong naman ang kilay ni Lance.

"Bianca, titigan mo si Lance. Dapat may emosyon," sabi ni Mr. Araneta. "Hindi ganyan. Ano ba kayo! Para naman sumasayaw kayo sa lamay. Dapat with feelings, makikita ng manonood na inlove na inlove kayo sa isa't-isa. 'Yan ang concept natin," stress nasabi nito.

Napahinga naman ng malalim si Bianca, paano niya masusunod ang gusto ng guro kung naiinis siya kapag nakikita ang pagmumukha ni Lance. Kaya panay ang reklamo ni Mr. Araneta sa kanilang dalawa.

"Umayos naman kayo, guys. Ilang araw na lang. Please cooperate." Nakaramdam naman nang-awa si Bianca sa guro at mukhang pagod na ito. Kanina pa ito talak ng talak dahil sa kanilang performance. Kaya huminga siya ng malalim at ngumiti ito. "Kalimutan muna natin an gating alitan. Naawa na ako ni Mr. Araneta," pakumbaba ni Bianca.

"Sure," maikli nasagot nito at mas lumapit pa kay Bianca kaya napasinghap si Bianca at napatulala. Kaunti na lang ang namamagitan sa kanilang dalawa. Hindi maiwasan ni Bianca natitigan si Lance at doon niya napansin ang napakaganda na mata nito.

"Perfect..dapat ganyan," masayang sigaw ni Mr. Araneta. "Ipagpatuloy lang ninyo iyan at sigurado ako natayo ang mananalo."

"Contest p 'to," gulat natanong ni Bianca dahil sa kanyang narinig.

"Pumayag ka dito pero hindi mo alam ang sinalihan mo," mahinang sabi ni Lance. Hindi na lang niya pinansin ang sinabi nito. Hanggang ngayon ay gulat pa rin ito, buong akala niya ay presentation lang ito.

"Ouch.." Napahawak ito sa kanyang noo ng pitikin ito ni Lance.

"Tulala ka.."

"Nag-isip lang, makapitik naman 'to." Napasimangot si Bianca pero ngumiti lang si Lance dahil sa reaksyon nito. "Halaka! Marunong ka pala ngumiti?" Gulat natanong nito ng makita si Lance. "Dapat nakangiti ka lagi para naman hindi ka pinaglihi sa sama ng loob," dagdag nito pero hindi ito pinansin ni Lance.

Bumalik sila sa pag-practice, medyo kabisado ni Bianca lahat. Pero hindi pa rin nito mapigilan matapakan si Lance kapag nagkakamali. Hindi na lang nagreklamo si Lance dahil nasanay na siya sa dalaga. Nagpahinga lang sila saglit at bumalik naman sa pag-practice dahil ilang araw na lang. Pawis na pawis si Bianca matapos ang kanilang practice.

Napatingin ito kay Lance naka-upo sa may-bench nahinihimas ang paa nito. Lumapit siya dito at nakita niyang namumula ang paa nito. Nakonsensya naman si Bianca sa kanyang nakita, alam nito na siya ang may kasalanan nito.

"Sorry," nahihiyang sabi nito sabay yuko.

"It's okay, mawawala din ito." Inabutan siya nito ng panyo. "Punasan mo pawis mo," sabi nito sabay alis. Naiwan naman si Bianca nakatulala habang hawak ang panyo nabinigay nito. Paglingon niya ay wala na si Lance, nakaalis na ito. Wala siyang nagawa kung hindi ginagamit ang binigay nito dahil nakalimutan niya magdala dahil sa kamamadali kanina.

"Ang bago naman nito," mahinang sabi ni Bianca. Napailing na lang ito at kinuha ang bag saka lumabas upang umuwi na. Gusto na nitong magpahinga dahil sobrang pagod ito sa practice. Kailangan niya bumawi ng energy.

Madaling lumipas ang araw at nagsimula na ang kanilang event. Hindi naman maiwasan ni Bianca na makaramdam ng labis na kaba dahil sa gagawin nila mamaya. Natakot ito na magkamali at baka ito pa maging dahilan ng pagkatalo ng kanyang grupo. Nababahala ito nab aka makalimutan niya ang steps.

"Saan ka na umabot? Sa Mars na ba?" Napatingin naman ito sa kanyang kaibigan. "Ang lalim kasi nang-inisip mo. Kanina pa ako panay ang salita pero hangin lang pala kausap ko."

"Sorry, kinakabahan lang kasi ako. Hindi ko maiwasan mag-overthink," malungkot nasabi nito sa kaibigan.

"Hey, huwag ka maging nega. Kaya mo iya, ako number one taga-cheer sa'yo." Napangiti naman si Bianca dahil sa sinabi ng kanyang kaibigan, pinapalakas nito ang kanyang loob. "Sayang wala si Joe, may lakad kasi. Hindi ka niya makikita."

"Mabuti na din 'yon, baka pagtawanan pa ako. Mabuti na iyong ikaw lang ang tumawa."

"Judger 'yan? Pero seryoso, i-enjoy mo lang ang performance n'yo. Magkamali ka man, okay lang 'yan. Wala naman perfect sa mundo na ito." Niyakap ni Bianca ang kaibigan pero agad naman ito bumitaw.

"Restroom muna ako, ikaw ang magbantay nito." Tumango lang si Misha. Kami kasi ang nagbabantay sa aming booth. Nagbebenta kami ng cupcakes dahil ito ang naisip ng section naming. Habang iyong iba na-section ay marriage booth, horror booth, movie booth at marami pa. May mga rides din na pwede sakyan, sobrang napaka-bongga talaga. Pinaghandaan talaga ng paaralan naming.

Pagbalik ko nakita ko si Misha naka-usap ang isang customer namin. "Ate, bigyan n'yo naman ako nang-discount," paki-usap nito.

"Okay fine, ang kulit mo. Ibibigay ko na lang 450 pesos, last na 'yan. Wala ng tawad." Natawa naman si Bianca sa pagmumukha ng kaibigan.

"Thank you, ate," tuwang-tuwa nasabi nito sabay abot sa bayad. Nilagay naman ni Misha sa box ang cupcakes sabay abot sa bumili at nagmamadaling umalis ang lalaki.

"Pasalamat talaga siya mabait ako, ayaw kasi ako tigilan. Kanina pa iyon tumawad." Nagpatuloy lang sila sa pagbabantay sa kanilang tinitinda. Hanggang sa makatanggap siya ngang-text galling sa kay Mr. Araneta. Pinaalala nito na maagang pumunta para mamaya. Sinabihan lang niya ito na okay. Wala naman siyang balak na hindi sumipot. Kahapon pa nakahanda ang kanyang damit nasusuotin. Napakaganda ng kanyang damit para ito isang prinsesa sa Disney.

Nang hapon na ay nagpaalam na si Bianca na-umuwi upang kunin ang kanyang susuotin. Kailangan din niya maligo dahil ang lagkit na niya dahil sa pawis at amoy araw na ito. Pagdating niya sa bahay ay agad ito nag-shower at inihanda ang kanyang gamit na kailangan sa presentation.

Nagpahatid si Bianca sa school saka nagtungo ito sa dressing room kung saan sila aayusan at magbibihis ng damit. Pinabihis agad si Bianca ni Mr. Araneta saka agad nilagyan ng make-up.

Habang inaayusan si Bianca ay sobrang lamig ng kanyang kamay dahil sa labis na kaba. Nagtaka naman ito dahil kanina pa siya nandoon pero hinya niya napansin si Lance.

"Guys, maghanda na, kayo na susunod," sigaw ni Mr. Araneta. Napahawak si Bianca sa kanyang dibdib at sobrang lakas ng tibok ng kanyang puso.

"Sir, hindi ko yata napansin si-"

"Lance ba? Naki! Kanina pa 'yon, nasa labas lang." Napatango naman si Bianca sa kanyang narinig.

Tinawag na sila upang lumabas at maghanda dahil patapos ang presentation ng ibang grupo. Nakita naman ni Bianca agad si Lance. Hindi naman mapigilan nito nahumanga dahil sobrang gwapo nito at bagay na bagay sa kanya ang kanyang suot. Para itong isang tunay na prinsepe.

"Fantastic performance. Let's move on to the next participants. Give a round of applause, pepz," sabi ng MC. Napahinto naman si Bianca dahil sa labis na kaba.

"Let's go." Napatingin naman si Bianca ng marinig ang malamig na boses ni Lance. "Nauna na sila." Napatingin naman si Bianca sa kanilang kasamahan. Nagmamadali siyang sumunod dito.

Nagsimula ng sumayaw ang kanilang grupo habang naghihintay si Bianca at Lance sa kanilang paglabas. Nauna sumunod si Lance sa kanilang kasamahan. Naiwan naman si Bianca na hindi mapakali dahil sa labis na kaba. Maya-maya ay kailangan na nitong lumabas.

Huminga ng malalim si Bianca at lumabas na ito. Palakad-lakad ito hanggang sa lapitan siya ni Lance nasumayaw. Nang tanggapin niya ang kamay ni Lance ay nagsigawan ang mga tao. Kinalig ang mga naonood sa kanila. Nagsimula na silang sumayaw pero wala pa rin tigil ang hiyawan ng mga nanonood.

Nagtitigan sila ni Lance. Parang matutunaw si Bianca sa titig ni Lance. Nakalimutan nito na marami ang nanonood sa kanila. Nadala ito sa kanilang titigan. Kinilig naman ang mga nanonood dahil sa chemistry ng dalawa. Hindi maiwasan ni Bianca matapakan si Lance pero hindi ito hadlang sa kanilang performance. Sa panghuli ay napasinghap si Bianca dahil sobrang lapit nila sa isa't-isa. Kaunti na lang ay mahahalikan na niya ito.

Nagpalakpakan naman ang mga tao ng matapos sila at agad sila umalis sa stage. "Sobrang galling n'yo. Lalo na kayo Bianca at Lance, hindi ako nagkamali sa aking napili," masayang salubong ni Mr. Araneta. "Bianca, are you okay?" Nilapitan nito si Bianca at nagulat ito ng hawakan niya at maramdaman ang napakalamig na kamay nito. "Jusmeyo, ang lamig ng kamay mo."

Nahihiyang ngumiti si Bianca at dahan-dahan binawi ang kanyang kamay. "Kinakabahan po," Pag-amin niya.

"Naku! Ang galling n'yo nga. Para ka naman hindi sanay sa spotlight."

"Iba po kasi iyong sayaw."

"Kung sabagay, pero napakagaling n'yo."

Nang mahimasmasan siya ay hinanap agad niya si Misha. Kanina pa natapos ang sayaw din nito. Kinuha ang kanyang cellphone upang tawagan ang kanyang kaibigan.

" Hello," sagot nito.

" Nasaan ka?"

"Nasa labas ako, bes," sagot nito. Binaba nito ang tawag at agad nalumabas upang hanapin ang kaibigan. Nakita naman nito agad kasama ang kanyang kapatid.

"Hi, sis!" bati nito. Inirapan lang niya ang kanyang kapatid.

"Hindi mo ako pinanood no? Kasi kasama mo ito?" Turo ko sa aking kapatid.

" Bes, sorry. Kasi ito nagpasundo pa." Lumapit ito upang yakapin ako pero napasimangot lang ako.

"Bakit ka ba nandito?" Mataray natanong nito sa kanyang kapatid.

"Chill, alam mo naman malapit na akong bumalik. Sinulit ko lang kasama girlfriend ko," sabay akbay nit okay Misha. Hindi mapigilan ni Misha na mang-blush.

"Eh di kayo na," saad nito sabay irap saka tumalikod.

"Hoy saan ka pupunta?" Narinig niya ang tanong ni Misha.

"Bibigyan ko kayo nang-time. Baka naman ma-istorbo ko kayo," sagot nito at tuluyan nabumalik sa loob. Nanood na lang ito ng ibang presentation hanggang sa matapos at sinabi na kung sino ang nanalo. Nagulat si Bianca dahil nakuha nila ang 2nd place. Hindi siya makapaniwala at nakita niya ang kanyang mga kasamahan nagtatalon sa tuwa.

Nauna umuwi si Misha at kanyang kapatid kaya naghanap na lang ito na pwedeng masakyan. Sobrang lalim na ng gabi at kung minamalas naman si Bianca ay wala pa rin ito mahanap nasasakyan. Napatingin ito ng biglang may huminto na sasakyan. Nakita nito kung sino nagmamaneho.

"Sumakay ka na," sabi ni Lance. Umiling lang si Bianca, hindi naman makapal ang kanyang mukha. "Gabi na baka mapaano ka." Napatingin naman si Bianca dito, hindi niya akalain na may mabuting puso. Nahihiya man pero sumakay na lang ako.

"Thank you," sabi nito ng makarating sa kanila sabay labas sa sasakyan. Umalis naman agad si Lance kaya pumasok niya sa loob ng bahay.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top