Chapter 4
Nagising si Bianca dahil sa lakas ng music galing sa kabilang kwarto. Napakamot ito sa kanyang ulo at hinanap ang kanyang cellphone. Tinawagan nito ang kanyang kapatid dahil alam nito na lagi nito hawak ang
cellphone.
"Kuyaaa," sigaw nito ng sagutin ng kanyang kapatid.
"Yes princess, ano kailangan mo?" sagot nito.
"Patayin mo 'yang music mo kung ayaw mo ikaw ang mapatay ko," galit nasabi ni Bianca. Kaunti lang ang tulog niya kagabi dahil nanood ito ng c-drama. Hindi kasi ito natulog hanggang sa hindi niya ito natapos.
"Relax, PMS lang 'yan," natatawang sabi nito saka pinatay na ang music.
"Sana hindi kayo magkabalikan." Agad nitong pinatay ang tawag. Alam na nito kung ano naging itsura ng kanyang kuya.
Tumayo na ito at nagtungo sa banyo upang mag-shower. Nawala din kasi 'yong antok niya dahil sa kanyang magaling na kapatid.
Pagkatapos ay nagmamadali itong umalis, gusto niya kumain na lang sa Mcdo. Ayaw niya magpahatid sa kanyang kapatid, na-miss na kasi niya ang kanyang sasakyan.
Nag-order lang ito ng pancakes at coffee. Pagkatapos kumain ay agad itong nagmaneho patungo sa kanyang school. Madali lang siya nakarating dahil wala namang traffic.
Pagpasok niya nagulat siya ng magkagulo 'yong mga babae sa school. Nagtaka ito kung anong meron at bakit nagkakaganito ang mga babae sa school niya.
"Oh my gwapo nila!" sabi ng isang sophomore student.
" yeah nakakalaglag panty," pagsang-ayon naman ng kasama nito kaya napailing na lang si Bianca. Mukhang may bago na naman sila nakita.
" swerte naman ng mga kakalse nila."
Iyan ang mga naririnig ni Bianca nasinabi ng mga babae kaya mas na-curious tuloy siya kung anong meron kaya lumapit ito kung saan maraming babae. Marites din kasi ito minsan, hindi papahuli sa chismis.
"Excuse me," sabi nito upang makita iyong pinagkaguluhan nila at napaatras ito ng makita kung sino ito. Tiningnan pa niya ulit ito upang masigurado kung tama ang kanyang nakita. ''Ano ginagawa nya rito?'' Tanong ni Bianca sa kanyang isipin. Agad natumalikod si Bianca upang makaalis, natatakot ito na baka makita siya.
"Hey, babaeng may curly hair." Narinig niya na tawag ni Lance. Pero hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Narinig pa niya ang mga bulong-bulungan kung sino 'yong tinawag. Napaisip naman si Bianca na madami naman ang curly ang buhok sa school kaya hindi pwedeng hindi siya ang tinawag nito.
"Bianca!" Napatigil ito ng marinig na tinawag ang kanyang pangalan. Nakatingin natuloy sa kanya 'yong mga ibang estudyante. Huminga ng malalim si Bianca bago ito lumingon.
"Bakit?" Lumapit ito sa kanya at may nakasunod na lalaki.
"Can you help us find this room? Wala naman kaming maayos nasagot nakuha sa ibang babae. Number pa nila binigay sa amin." Tiningnan ni Bianca ang hawak nito, nakalagay doon ang room nila. Hindi na ito nagulat nasa 3A pala ang mga ito, kung saan ang lahat nang matalino doon nakalagay.
"Okay, sundan n'yo ako." Doon napagtanto ni Bianca nabagong student pala ang mga ito kaya wala silang alam sa pasikot-sikot ng school. Lalo tuloy naiingit 'yong mga babae kay Bianca.
"Hi Bianca," bati sa kanya noong mukhang chickboy.
"Close tayo?" Mataray nasabi nito kaya natawa 'yong ibang kasama nito.
"Ayy, bet ko 'yan. Iñigo pala." Inilahad nito ang kanyang kamay. Nilagpasan lang ito ni Bianca kaya napakamot na lang sa ulo ang lalaki.
"Pare, suplada naman 'tong chicks nakilala mo." Narinig ni Bianca ang sinabi ng lalaki kaya napataas na lang ang kanyang kilay dahil dito. Binilisan niya ang kanyang lakad upang dumating agad doon, gusto na niya makaalis agad.
"Nandito natayo." Napatingin si Bianca sa room dito. Bihira lang kasi siya makapunta rito. Isa ito sa kanyang pangarap na section pero hindi kaya ng kanyang utak. "Alis na ako." Nagmamadali itong umalis, hindi na niya hinintay na makapagsalita sila. Pagdating niya sa classroom ay sinalubong siya ni Misha ng hampas sa notebook.
"Aray ko." Hinarang nito ang kanyang kamay.
"Kaibigan ba talaga kita, bakit hinayaan mo ako kahapon sa kapatid mo." Inis nasabi nito sabay hampas ulit kaya umilag si Bianca.
"Para magbati na kayo."
"Tandaan mo Bianca, kaibigan mo ako, kuya mo lang 'yon." Pagbabanta nito kaya napangiti na lang ito. Napailing na lang ito, sa tuwing nag-aaway ito ng kanyang kapatid ay nadadamay talaga siya.
"Okay, hindi na mauulit." Tinaas nito ang kamay upang ipakita ang pagsuko .
"Bianca, kilala mo ba 'yong gwapo na lalaki," sabi ni Ellen nakapapasok pa lang.
"Ayy.. hindi masyado. Nakilala ko lang one time sa may event." Pagsisinungaling nito sa kaklase, wala itong balak na sabihin kung bakit niya talaga kilala ito.
"Close ba kayo? Ipakilala mo naman ako," nakangiting sabi nito.
"Hindi eh." At umupo na ito sa kanyang upuan. Habang si Misha ay panay ang tanong kung sino 'yong tinutukoy ni Ellen.
"Asan na 'yong sagot mo?" Tanong agad ni Fiona ng makarating kaya natigil si Misha sa kakakulit at tiningnan si Fiona. Kinuha ko naman sa bag ko at binigay sa kanya. Kinuha niya ito at agad na tiningnan.
"Make sure tama ito," mataray na sabi nito saka umalis at umupo sa may likuran. Napalingon ako ng may sumipa sa upuan ko. "Ikaw ba sumagot nito?" Nainis si Bianca sa inasal nito pero tinaasan pa niya ang kanyang pasensya. Ayaw niya ng gulo.
"Oo, gusto mo explain ko pa sayo?" sagot nito. Hindi naman siya natakot kasi siya naman talaga ang sumagot nito pero tinuruan lang siya ni Lance kung paano at tiningnan din kung tama ba nilagay niya.
"Liar," medyo napalakas ang sabi nito kaya napatingin 'yong mga kaklase namin.
"Bahala ka kung ayaw mo maniwala. Hindi kita pipilitin. Magsasalita pa sana ito pero dumating na 'yong guro nila kaya tumahimik na si Fiona.
Nagkaroon lang sila ng discussion at sa sumunod na subject ay hindi pumasok 'yong teacher nila. Kaya nagyaya naman agad si Misha na pumunta sa canteen dahil nagugutom na ito. Hindi kasi ito kumain ng umagahan.
Pagpasok nila sa canteen ay napaatras si Bianca dahil nakita niya ang kaibigan ni Lance. Kaya naisip niya na nandito din si Lance. Dali-dali itong tumalikod para umalis pero nabonggo ito bigla sa malapad na dibdib. Tiningnan niya ito kung sino pero napaatras siya sa gulat ng makita na si Lance.
"Para ka yatang nakakita ng multo," naka-smirk na sabi nito.
"Hindi no," tanggi nito, pero hindi siya nito pinansin at nilagpasan siya nito. Hinawakan ni Bianca ang kaibigan upang hilahin paalis, natulala kasi ito ng makita ang grupo ni Lance.
"Aray ko, bakit ba tayo aalis," sabi nito ng bumalik na sa katinuan. "Nagugutom ako bes," dagdag nito. Kaya walang nagawa si Bianca at sinamahan ang kaibigan. Pumila sila upang kumuha ng pagkain saka naghanap ng table.
"Kilala mo ba 'yon?" Tanong ni Misha sa kaibigan saka sumubo ng pagkain.
"Oo, siya 'yong tutor ko."
"W-what?" Gulat na sabi nito, muntik pa nga mabuga 'yong kinain niya.
"Gulat na gulat?"
"Ang gwapo naman kasi." Nakangiting sabi nito sabay subo ulit.
"Isumbong kita kay kuya," pagbabanta nito sa kaibigan.
"Break na kami, kaya pwede na ako lumandi."
"Sigurado ka? Ayaw mo na talagang balikan?"
"Joke lang, nagpa-hard to get lang ako. Bihira lang umuwi 'yong lalaki na 'yon. Kailangan ko rin ng effort niya," sagot nito. Napailing na lang si Bianca at kinain na lang ni Bianca ang kanyang pagkain. Minsan napatingin sa table nina Lance. Nakikita rin niya na maraming lumapit na babae dito nagbibigay ng pagkain or tubig. Para tuloy silang artista, bago pa lang sila dito at iba na ang trato ng mga estudyante sa kanila. Sinasamba sila ng mga kababaihan. Kahit sino naman kasi, ang gagawapo nila.
Pagkatapos ng klase nila ay nagpasya sila magkaibigan n pumunta muna sa mall. Tulad ng dati ay nakasuot ito ng mask upang hindi makilala.
Bigla tumunog ang kanyang cellphone at nakita natumawag ang kanyang kapatid. Sinabi sa kanya na kanina pa nandoon ang kanyang tutor kaya napatingin ito sa oras. Napamura ito ng makita ang oras, hindi niya ito namalayan. Dali-dali siyang umuwi.
Pagpasok niya sa study room ay nagkasalubong na ang kilay ng kanyang tutor. "Fifteen minutes late," sarcastic nasabi nito. Kaya agad umupo si Bianca at nanghingi nang sorry. Pero hindi siya pinansin nito.
Pagkatapos siya turuan ay gusto sana niya magtanong kung bakit lumipat ito pero ayaw naman isipin ni Bianca na interesado siya sa buhay nito. Bago ito umalis sinabihan siya na every Monday at Friday na lang ito magtuturo dahil magiging busy siya.
Isang linggo na din tinuturuan ni Lance si Bianca. Makikita na rin ang kaunting improvement nito, madami natutunan si Bianca dahil magaling magturo si Lance. Alam nito kung paano ipaliwanag kay Bianca upang madali nitong maiintindahan ang mga bagay na mahirap unawain.
Pero hanggang ngayon hindi pa rin sila magkasundo dahil na rin sa ugali ni Lance na sobrang cold at masungit. Kapag nagtagpo naman ang kanilang landas sa school ay hindi sila nagpapansinan. Iniiwasan din ito ni Bianca lalo't alam niya na sikat si Lance sa school. Ayaw na ni Bianca na madagdagan ang kanyang mga haters.
Malapit na rin gaganapin ang kanilang school foundation. Kaya lahat ng mga estudyante ay abala lalo na 'yong mga may sinalihan na activity. Kaya itong si Bianca laging pinipilit ng kaibigan na sumali sa mga activity para naman may pagkaabalahan. Pero wala talagang hilig si Bianca sa mga ganyan.
"Hello pretty, are you alone?" Biglang sabi ng isang lalaki at agad tumabi nang-upo kay Bianca. Napataas naman ang kilay ni Bianca dahil sa inasal nito. Tiningnan niya ang lalaki, hindi maitanggi na may hitsura ito pero halata sa pagmumukha na playboy ito. Nasa likod kasi ng school si Bianca gusto niya dito magtambay dahil sa sariwa na hangin at tahimik.
"May nakita ka bang kasama ko? Siguro naman wala, di ba?" Mataray nasabi nito, nakaramdam ito ng inis dahil sinira nito ang kanyang moment na mag-isa.
"Hey, chill ka lang. Huwag ka naman magtaray," sabi nito sabay taas ng kamay.
"Umalis ka kung ayaw mo matarayan."
"Sungit mo talaga, Bianca, papangit ka niyan." Agad naman napatingin si Bianca dito ng marinig ang kanyang pangalan. Nagtataka ito kung bakit siya kilala.
"Stalker ba kita?" Tiningnan ito ni Bianca. Pero tumawa lang ng malakas ang lalaki kaya mas lalong naiinis si Bianca. "May nakakatawa ba?"
"Sa gwapo ko na ito? Pagkakamalan mo na stalker. Nakakasakit ka naman ng feelings. Sino ba naman ang hindi nakakilala sa iyo. Ang laki ng billboard mo sa Edsa," paliwanag nito ng matapos na tumawa.
Napatahimik naman si Bianca sa kanyang narinig. Pinagalitan niya ang kanyang sarili dahil hindi niya ito naisip na posibleng may nakakilala sa kanya dahil kahit saan nakikita ang pagmumukha niya.
"By the way, I'm Inigo. We can be friends." Nakangiting sabi nito pero hindi ito pinansin ni Bianca. Wala siya sa mood makipagkaibigan. "Kilala mo ba si Nathan?" Tanong nito kaya nagtaka naman si Bianca kung sino ito. Nag-isip ito kung may partner ba siya sa photoshoot na ang pangalan Nathan.
"Hindi ko kilala 'yang sinasabi mo."
"Uyy, ayaw ipaalam," pang-aasar nito. "Sige na, sabihin mo na sa akin. Sure naman ako na magkilala kayo. Hindi naman iyon hihingi ng tulong sa iyo kung hindi ka kilala."
"Sino ba kasi iyan," inis na sabi ni Bianca.
"'Yong kaibigan ko, ikaw kaya hiningan niya ng tulong para hanapin 'yong classroom namin." Bigla naman naalala ni Bianca iyon at naiisip na ang tinutukoy pala nitong si Nathan ay ang kanyang tutor. Ito lang naman ang humingi ng tulong sa kanya.
"Hindi ko siya totally nakilala. Nagtagpo lang ang landas namin somewhere. At galing na din mismo sa bibig mo di ba na kilala ako kahit nino." Tumayo na si Bianca dahil mas lalo lang siya naiinis sa kakulitan nito. Naglakad na ito at hindi na nagpaalam, nang bigla tumunog ang cellphone ni Bianca kaya binuksan niya ang kanyang bag para kuhanin ang cellphone.
"FUCK-"
Napatingin si Bianca, hindi kasi niya namalayan na may tao pala sa harapan niya dahil abala ito sa pagkuha ng kanyang cellphone. "Sorry," tarantang sabi nito ng makita kung ano ang nangyari. Natapon sa damit nito ang pintura na hawak.
"Tumabi ka nga," galit nasabi nito.
"Teka lang," pigil ni Bianca. "Sorry, babayaran ko na lang 'yang damit mo." Nag-alalang sabi ni Bianca. Halata kasi sa suot nito na mamahalin dahil kailangan pa pumunta sa abroad para makabili ng ganyang brand. Nainis ito sa kanyang sarili dahil nagging suki na siya sa banggaan.
"Hindi ko kailangan 'yan. Sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo. Huwag kang tanga," inis nasabi nito at tuluyan ng umalis. Naiwan si Bianca sa gitna ng hallway habang ang mga estudyante sa paligid ay nagbulong-bulongan dahil na rin sa kanilang nasaksihan.
Labis nahiya si Bianca sa nangyari kaya lumakad ito ng nakayuko. Sa dami-dami niya pwede matapunan si Lance pa talaga. Kilala nito ang masungit na ugali pero hindi nagalit si Bianca dito sa nangyari kanina dahil siya naman talaga ang may kasalanan. Kahit sino ganoon ang magiging reaksyon.
"Bes, anong problema? Bakit ganyan ang mukha mo?" Napatingin si Bianca sa nagsasalita at nakita niya ang kanyang kaibigan sna sobrang pawis na pawis. Halata nagaling ito sa practice kaya ganyan ang hitsura. Kaya umupo sila sa may bench at sinabi lahat ni Bianca kung ano ang nangyari.
"Naku! Alam mo gwapo na sana 'yang tutor mo kaya lang minsan 'yong ugali nakakinis. Hayaan mo na lang 'yon," wika ni Misha sa kaibigan kaya natawa na lang si Bianca dito. "Bes, kailangan ko na bumalik sa practice. Break lang kasi namin kaya nagpahangin ako. Sumali ka na kasi para naman may pagkaabalahan ka."
"Sige umalis ka na. Huwag muna ako alalahanin." Nakangiting sabi nito sa kaibigan.
"Mauna ka ng umuwi, hanggang 10 pm ang practice kasi namin." At tumakbo na ito ng alis. Nagpasya si Bianca na pumunta sa kanilang library upang magbasa.
Pagdating niya doon ay walang gaanong tao, dahil na rin abala ito sa mga activity para sa darating na foundation day nila sa school. Pagkatapos kumuha ng aklat ay pumunta si Bianca sa pinakasulok. Nagbasa lang siya ng ilang pahina at hindi namalayan na nakaidlip siya ng kaunti. Paggising niya ay wala ng tao sa loob kaya nagmamadali siyang lumabas. Papunta na siya sa parking area ng bigla bumuhos ang malakas na ulan. Kaya tinakbo na lang ni Bianca ang papunta sa parking area.
Pagdating niya doon ay basang-basa na siya dahil sa ulan. Nakaramdam na siya ng lamig dahil dito. Pumasok agad ito sa sasakyan at pinaandar ito para makauwi. Pero hindi ito gumagana, sinubukan niya ulit niya i-start pero wala pa rin. Napahampas na lang ito sa kanyang manubela.
Kinuha ang kanyang cellphone sa bag upang matawagan ang kapatid pero hindi niya ito makontak. Sinubukan naman nito ang kanyang ama, pero hindi ito sinasagot. Walang choice si Bianca kung hindi sumakay ng taxi. Lumabas ito sa kanyang kotse at ni-lock ito bago tumakbo sa may sakayan. Basang-basa na si Bianca ng sumilong sa may waiting shed.
Lahat ng kanyang nakikitang taxi ay may sakay kaya naghintay pa ng ilang minuto si Bianca. Nagbabakasali na makakasakay rin dahil nilalamig na talaga siya.
Bigla may huminto na kulay pula na sasakyan at bumukas ang bintana ng sasakyan. "Hey.. sumakay ka na. Wala talagang taxi na hindi puno ngayon lalo't sa oras na ito," sabi ng lalaki. Kilala niya ito dahil ito ang nangugulit sa kanya kanina sa likod ng school. Pero hindi niya matandaan ang pangalan nito. Nagdadalawang isip pa si Bianca kung sasakay ba ito.Nilalamig na siya dahil sa kanyang basa nadamit kaya pumayag na lang ito kahit nahihiya dahil tinarayan niya ito kanina.
"Suotin mo iyan para hindi ka lamigin." Inabot ni Iñigo ang kanyang jacket kay Bianca ng makapasok na ito sa kotse
"Salamat.." sabi nito sabay suot dahil nilalamig na talaga.
"Saan bahay ninyo?" Tanong nito.
Kaya sinabi ni Bianca ang kanilang address at pinaandar na ni Iñigo ang kanyang sasakyan. Buong biyahe ay tahimik lang sila. Medyo natagalan sila sa kanilang biyahe dahil sa traffic lalo't maulan pa. Pagdating nila sa bahay ni Bianca ay hinubad nito ang suot na jacket at binalik kay Iñigo. Nagpasalamat ito dahil hinatid siya nito. Kung hindi siya tinulungan siguro hanggang ngayon ay nandoon pa rin siya nag-aabang ng taxi.
Pumasok na si Bianca sa kanilang bahay. Nagulat naman ang kanilang kasambahay na makita siyang basang-basa. Nagmamadali itong umakyat sa kanyang kwarto at pumasok sa kanyang banyo upang makapag-hot shower dahil nabasa siya ng ulan at nilalamig siya.
Pagkatapos ay pinatuyo niya ang kanyang buhok saka nahiga sa kama. Nagpadala lang ito ng pagkain sa kanyang kwarto dahil wala siya sa mood na bumaba para kumain. Matapos kumain ay agad ito nagpasya na matulog dahil napagod talaga ito.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top