Chapter 3

Ngayon makilala ni Bianca ang kanyang tutor, sabi ng kanyang ama napupunta iyong tutor niya alas singko ng hapon sa kanila dahil may pasok pa ito. Kaya napaisip tuloy si Bianca. Hindi niya akalain nag-aaral pa 'yong tutor n'ya. Naisip din niya ang hitsura ng kanyang tutor, iniisip nito na mukhang nerd ito na may suot na malaking eyeglasses at old fashion kung manamit. Iyon kasi ang kanyang nakikita kadalasan sa Tv or nababasa sa libro.

Kaya pag-uwi nito galing sa school ay agad itong nagtungo sa kanyang kwarto saka nahiga. Hindi na ito nag-abala pang magbihis. Tinatamad ito lalo't pagod na pagod ito sa school, madami kasi silang ginawa ngayon araw na ito. Hanggang sa hindi niya namalayan nakatulog pala ito. Nagising na lang ito dahil sa ingay ng katok sa pintuan, tinatawag siya kanilang kasambahay.

Nakapikit pa itong bumangon, magulo pa ang buhok nito. Hindi na kasi ito nag-abala na mag-ayos "Manang, bakit?" bungad nito ng mabuksan ang pinto. Unti-unti dinilat ni Bianca ang kanyang mata pero napatalon ito sa kanyang nakita. Sobra itong nagulat ng makitang may kasama ang kanyang yaya at familiar sa kanya ang pagmumukha nito. Dali-dali niyang sinara ang pinto, nakaramdam siya nanghiya sa kanyang hitsura.

"Bianca, nandito na tutor mo. Ano ba nangyari sayo?" Narinig niyang sabi ng kanyang yaya.

"Yaya, give me five minutes. Samahan n'yo po siya sa study room. Doon ko lang po siya pupuntahan," taranta nasabi nito. Narinig niya na kinakausap ng kanyang yaya 'yong tutor niya at nakarinig siya ng mga yapak napalayo.

Agad siyang nagtungo sa banyo, napahampas na lang siya ng makita ang kanyang hitsura. Magulo ang kanyang buhok, para itong pugad nang-ibon. Dali-dali itong naghilamos at nagbihis ng pambahay. Nakasuot pa kasi siya ng school uniform kanina, inayos niya ang kanyang buhok bago kinuha ang kanyang gamit at nagtungo sa study room.

Pagpasok niya ay nakita ang lalaking nakatalikod at abala sa katitingin nanglibro. Halatang mahilig itong magbasa. Nang maramdaman nito na may tao ay agad itong lumingon."Five minutes ha," sarcastic na sabi nito ng tumingin ito sa kanyang rolex na relo. Makikita mo na mayaman ito dahil sa kanyang mga suot. Ang pinagtataka ni Bianca kung bakit ito pumayag na mag-tutor kung marami naman pera. "Don't stare at me." Napatalon si Bianca ng marinig niya ito.

"Hindi no," tanggi nito. Iniisip din ni Bianca kung saan niya ito nakita, napaka-familiar kasi ng mukha. "Nagkita na ba tayo?"

"I don't know. Let's start. I don't want you to waste my time." Inilabas nito ang kanyang mga gamit.

"Ngayon na?"

"Yes, I don't waste my time. Sit down so we can start," seryosong sabi nito at nilabas din 'yong laptop niya.

Walang nagawa si Bianca kung hindi ang sundin ito. Kaya umupo ito sa bakanteng upuan, nakaharap na siya sa kanyang tutor.

"Answer this." Inabot nito ang kanyang laptop. Kaya tiningnan ito ni Bianca.

"Di ba tuturuan mo ko? Eh.. Bakit pasasagutin mo ako nito?" Turo nito sa laptop, naguguluhan din kasi ito.

"Gusto ko lang malaman kung saan aabot ang kaalaman mo?" Hindi man lang siya nito sinulyapan. Iba din 'yong style niya, 'yan na lang ang naisip ni Bianca.

"Ehh.. Paano kung tama 'yong lahat kung sagot?" Curious natanong niya dito kahit alam nito sa sarili na hindi mangyayari iyon.

"Then you don't need me."

Na-shock ito sa sagot nito, kaya tiningnan na niya 'yon. At napakamot ito sa kanyang nakita. Hindi niya naiintindihan kung ano ang mga nakalagay doon, wala siyang alam 'kung paano ito sagutin.

"Wala bang mas madaling sagutin dito?" Tiningnan nito ang kanyang tutor. Nahihirapan talaga siya dito.

"I will give you one hour." Napataas ang kilay nito sa narinig. Sinong tao ang kayang sagutan ang ganito ka hirap natanong sa loob ng isang oras. 'Yan ang nasa isip ni Bianca. Hindi na man siya matalino.

Gusto ni Bianca magreklamo pero alam n'yang sinasayang lang nito ang oras na binigay sa kanya napalugit. Kaya pinili na lang niya na manahimik. Sinimulan na niya itong sagutan, napamura na lang siya sa kanyang isipan dahil sobra itong hirap. Wala siyang naintindihan dito.

Napatingin si Bianca sa oras, pinagpawisan na siya. Hindi niya alam kong tama ba ng kanyang mga sagot na nilagay.

"Stop," seryosong sabi nito nakinagulat ni Bianca. Hindi natapos ni Bianca sagutan lahat. Nagdalawang isip tuloy siya na ipakita ito. Humingi pa ito ng palugit pero hindi ito nadaan sa kanyang pagpa-cute. Kinuha ng kanyang tutor ito at tiningnan.

Doon natitigan ni Bianca ang mukha ng kanyang tutor, abala ito sa pagtingin ng kanyang sagot. Napatakip ito sa kanyang bibig ng maalala kung saan niya ito nakita. Biglang nag-flashback sa kanyang isipan ang nangyari sa mall. Napaisip tuloy ito kung namumukhaan ba siya nito. Pero Malabo mangyari iyon dahil naka-mask siya, Nahihiya siya ng maalala ang nangyari nun. Akala kasi niya na hindi na sila magkikita pa muli. Pero grabe naman talaga maglaro si tadhana, sa dami ng pwede niya maging tutor ito pa talaga.

"25/80, Failed!" Mas lalong nahiya si Bianca sa kanyang narinig. Hindi niya akalain na ito lang ang tama niya. Hindi tuloy siya makatingin dito dahil sa sobrang dami ng mali niya.

"Ang hirap naman kasi kahit siguro sino ay babagsak d'yan," lakas loob nasabi ni Bianca. Alam naman din kasi nito na hindi ito matalino. Sa school nga hirap na hirap na siya, paano pa kaya sa mga tanong na 'yan. Pasalamat na din siya at may kaunting tama nasagot ito mas nakakahiya kung bokya ito.

"All third year students in Hamilton Academy passed and only two student got a lower score of 50 points," paliwanag nito sa kanya. Kaya namangha na lang si Bianca sa kanyang narinig. Sana ganyan siya katalino. Hindi kasi siya pinagpala sa talino, ganda lang ambag niya sa mundo na ito.

"Matalino naman siguro sila. Kahit siguro ikaw sumagot d'yan mahihirapan ka."

"I already answered this. Unfortunately, I got 79 points." Hindi alam ni Bianca kung ano ang kanyang sasabihin. Sobra itong namangha sa kanyang narinig. Nahiya tuloy si Bianca sa kanyang score. Napahanga na lang si Bianca dito dahil gwapo at matalino ito.

"Ikaw na 'yong matalino." Hindi napigilin niya ang sarili nasabihin ito. Ngumiti lang ito sa kanya, kaya napatitig si Bianca dito. Hindi maipagkakaila na ang gwapo talaga nito kahit laging naka-poker face lagi ito, umiling siya at pilit inaalis sa kanyang isipan.

"Stop that!" Pigil nito kay Bianca ng mapansin nito na nakatitig lang ito sa kanya.

Namula sa kahihiyan si Bianca, hindi niya maisip na lagi itong nahuhuli na nakatingin dito. Pero parang wala lang naman sa kanyang tutor ito. Siguro sanay na ito.

"Ano name mo?"

"Nathaniel Lance," maikling sagot nito.

"Nice name." Hindi siya nito sinagot at may nilabas itong mga papel. At sinimulan na nito ipaliwanag ang mga sagot kanina at paano kunin ang tamang sagot. .

Namangha si Bianca dito, napakagaling nitong mag-explain. Maiintindahan mo talaga dahil napakalinis nito magturo.

Pagkatapos siyang turuan nito ay umalis na ito dahil may gagawin pa. Bukas na naman babalik ito. Natawa na lang si Bianca sa kanyang sarili ng maisip 'yong imagination niya sa hitsura ng kanyang tutor. Hindi pala iyon kundi napakagwapo na nilalang, para itong goddess sa taglay na aura at kagwapohan. Sigurado siya na madaming babae ang nahuhumaling dito.

Bumalik na si Bianca sa kanyang kwarto. Tiningnan niya ang kanyang cellphone at nakita niya ang tawag ng kanyang kaibigan. May text din ito kaya binuksan niya ito. Napailing na lang ito sa kanyang nabasa. Nainis ito kung bakit hindi sinabi ni Bianca na umuwi ang kanyang kuya. Nabigla kasi ito ng dalawin siya sa kanyang bahay.

Hindi na lang niya ito pinansin, sigurado siya bukas na-uulanin siya ng mga tanong non. Nagpasya itong bumaba upang kumain dahil kanina pa ito nakaramdam ng gutom lalo na sa ginawa niya kanina. Naubos lahat ng lakas at naubos 'yong laman ng kanyang utak sa mga tanong nito kanina. Pero hindi man lang nakapasa 'yong score na nakuha niya dito. Pagkatapos niya kumain ay agad ito umakyat upang matulog.

Maaga gumising si Bianca dahil may quiz sila sa kanyang first subject. Nagtaka din ito dahil nagpumilit ang kanyang kuya na ihatid ito sa school. Hindi sana siya pumayag pero wala siyang nagawa. Ang kanyang kuya ang nasunod sa huli dahil sa pangungulit.

Habang sa kanilang biyahe ay nabanggit ng kanyang kapatid na nagpunta ito sa bahay ng kanyang kaibigan. Hindi na nagulat si Bianca dahil kahapon nakatanggap ito ng text galing sa kaibigan. Alam din nito kung ano dahilan kung bakit napauwi bigla ang kapatid. Gusto lang naman ayusin ang relasyon nito sa kanyang kaibigan.

"Sorry," agad na sabi ni Bianca ng may mabunggo ito. Hindi kasi niya ito nakita. Nagmamadali kasi ito, dahil ang kanyang magaling na kuya ay nagyaya pa na pumunta muna sa Starbucks dahil gusto uminom ng kape. Hindi nila namalayan ang oras at ilang minuto na lang late na siya sa kanyang first subject. Useless lang ang kanyang paggising ng umaga dahil sa kagagawan ng kanyang kuya.

"Sorry? Ano magagawa n'yan? Nadumihan na 'yong damit ko," mataray na sabi nito. Naisip tuloy ni Bianca na grabe 'yong reaksyon nito. Alam naman ni Bianca na may kasalanan siya. Natapon kasi 'yong juice nadala ng babae sa kanyang damit.

"Sorry, babayaran ko na lang 'yang damit mo," sabi ni Bianca. Nakita kasi ni Bianca na limited edition 'yong damit nito at halata na bago pa.

"Like duh..! Alis," sabi nito sabay tulak kay Bianca na naging dahilan upang mapaupo ito sa may damuhan. Napahawak si Bianca sa kanyang balakang dahil sa sobrang sakit. Hindi maganda ang kanyang bagsak. "Harang-harang kasi," dagdag nito sabay alis.

Pinagtitinginan si Bianca ng mga estudyante nadumadaan dito. Kaya pilit siyang tumayo kahit masakit pa balakang niya dahil nahihiya na ito. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa kanyang classroom.

"Hey, ano nangyari sayo?" Nag-alalang tanong ni Misha sa kaibigan ng makita ito.

Umupo muna ito sa tabi ni Misha at sinabi lahat ang nangyari kanina, walang labis at walang kulang. Hindi pa kasi dumating 'yong guro nila, mabuti na lang at hindi pa siya na-late.

"Ang sarap naman sapakin ng babae na 'yon. Kilala mo 'yon, hintayin natin sa may gate mamaya para masapak." Natawa na lang si Bianca sa sinabi ng kaibigan. Ang hilig talaga nito maghanap ng gulo, kaya walang nagbalak na i-bully ito.

"Hayaan mo na 'yon. Kasalanan ko rin naman. Ang mahal kaya ng damit niya." Sabay tapik sa balikat ng kaibigan upang pakalmahin.

"Kahit na, nanghingi ka na ng sorry tapos inalok mo pa nababayaran mo. Eh.. Ba't may pa tulak-tulak pa siya," inis nasabi nito.

"Hayaan mo na, hindi na rin kami magkikita non. Parang bago 'yon sa school natin. Sa laki ng school natin hindi ko na 'yon makikita pa."

"Sana nga bes, baka masapak ko iyon." Natawa na lang si Bianca sa sinabi nito.

"Napaka-protective talaga ng sister-in law ko," pagbibiro ni Bianca sa kaibigan.

"Manahimik ka, may kasalanan ka pa sa akin," sabay kurot nito sa tagiliran ni Bianca. Natigil lang ito ng pumasok 'yong guro nila

"Good morning.." bungad nito sa kanila. Tumayo silang lahat upang batiin din ito.

"Sit down," utos nito sa kanila. "You have a new classmate. Get inside, Ms. Vasquez.

Nagulat si Bianca sa kanyang nakita, ito 'yong babae kanina. Sa dami-dami ng pwede nila maging bago nakaklase ay ito pa.

"Hi, I'm Fiona Vasquez." Maarte napakilala nito sa amin. Sinabihan na siya ng guro na umupo at sa dami pwede maupuan ay sa may likod pa ni Bianca ang napili nito. Bago ito umupo ay tinaasan pa ng kilay si Bianca ng makita nito. Iba nadamit na 'yong suot nito, nakapagpalit ns ito.

Naisip tuloy ni Bianca na nadagdagan na naman 'yong mga haters niya. Sumali na rin kasi yata itong si Fiona sa listahan dahil hindi maganda 'yong nga tingin.

Nagkaroon lang sila ng short quiz tapos nag-discuss na 'yong guro nila sa panibagong lesson. Pagkatapos ay nag-iwan ito ng activity. Kung minamalas nga naman si Bianca, si Fiona pa ang naging partner niya dito. Nalungkot tuloy ito dahil alam naman niya na mainit na ang dugo nito sa kanya.

"Hati tayo dito sa tanong, tapos ibigay mo na lang bukas ang sagot mo sa akin." Tuluyan na itong umalis. Nang tingnan ni Bianca 'yong binigay nito ay napahampas ito sa kanyang upuan. Lahat ng mahirap ay nasa kanya habang kay Fiona ay madadali lang. Naiinis siya dahil hindi man lang nito hinati ng maayos

"Nasaan ang partner mo?" Tanong ni Misha ng makabalik na ito. Galing ito kasi sa kanyang partner, nag-discuss muna sila bago naghatian.

"Ayon umalis na. Binigyan lang ako nito," sabay taas ng papel na kailangan niya sagutan. Kinuha naman ito ni Misha at tiningnan.

"Ano to? Bakit nasayo ang mahihirap? Hindi ba ninyo hinati ng maayos?"

"Hayaan muna, malaki yata galit non sa akin," sabi nito sabay kuha ulit ng papel.

"Bakit naman? Magkakilala ba kayo non?" Kinuha ni Misha ang mga gamit upang ligpitin ito.

"Siya kasi 'yon nabangga ko kanina." Nagsimula nang ligpitin ni Bianca ang kanyang gamit.

"Ano?" Sigaw nasabi ni Misha kaya napatingin tuloy lahat ng kanilang kaklase na naiwan sa room. "Sorry..." Nag-peace sign ito at bumalik ang tingin sa kaibigan. "Totoo?" pagsisigurado sa narinig nito.

"Oo," tipid na sagot nito.

"May balat ka pa sa pwet Bianca? Ang malas mo yata, naging kaklase pa natin. Ano gusto mo sapakin ko na 'yon."

"Hayaan na lang natin. Hindi naman ako sinaktan ng tao, maldita lang sa akin"

"Gusto mo tulungan kita sa pagsagot niyan?" Nag-alalang tanong nito.

"Huwag na, magpapaturo na lang ako dito sa tutor ko," sabi nito sabay tayo.

"Ano?" Sigaw ulit nito kaya hinampas ito ni Bianca ng bag.

"Mahilig ka ba magkape, madali ka yata magulat ngayon."

"Sino naman hindi magugulat, hindi ko 'yan alam." Hinila ni Bianca ang kaibigan palabas dahil ang ingay nito at naiinis na 'yong iba nila na kaklase.

Habang nasa canteen sila ay kinuwento ni Bianca ang tungkol sa paghanap ng kanyang ama ng tutor upang matulungan siya sa kanyang academic. Sinabi din niya dito na 'yong una na pagkikita nila sa canteen.

Lumipas ang oras at natapos din ang kanilang klase. Sinundo siya ng kanyang kuya, ayaw din sana ni Misha sumama sa kanila at magpahatid dito pero napilit siya ni Bianca. Unang hinatid si Bianca ng kanyang kapatid. Hinayaan na lang din ito ni Bianca, nagbabasakali na mag-ayos na ang dalawa.

"Yaya, tawagin mo ako kapag nandito na 'yong tutor ko," sabi nito bago umakyat sa taas. Nag-shower muna ito dahil amoy araw na ito. Pagkatapos ay hinanda na niya ang kanyang mga gamit saka naglaro ng games sa kanyang cellphone.

Maya-maya ay tinawag na ito ng kanyang yaya upang sabihin na nandito na ang kanyang tutor.

"Nasaan ang notes mo?" bungad agad ng kanyang tutor. Para tuloy itong bata na inabot ang kanyang notebook. Umupo ito sa harapan ng kanyang tutor. Nahihiya din ito dahil hindi maganda ang kanyang hand writing

Tinuruan siya nito at pinaliwanag ng mabuti sa kanya ang mga dapat gawin. Natigil lang ito ng kumatok ang kanyang yaya at pumasok na may dalang snack. Nagpasalamat lang si Lance dito.

"Pwede ba magpaturo sayo nito." Pinakita ni Bianca ang kanyang activity. Ininom muna nito ang juice bago kinuha at tiningnan ang kanyang activity.

"Madali lang ito." Pinaliwanag nito ang mga dapat gawin.

"Pwede ba paulit?" Nahihiyang sabi ni Bianca, hindi kasi pa rin niya naiintindihan. Kaya nag-explain ito sa kanya ulit. Nakadalawang ulit ito ng pagpaliwanag sa kanya bago ito tuluyan naiintindihan ni Bianca.

Pinakita nito ang kanyang sagot agad kay Lance. Tiningnan naman ito agad ni Lance at sinabi na okay na.

"Thanks."

Sa natirang oras nila ay tinuruan pa siya nito sa kanyang ibang subject kung saan siya nahihirapan saka ito tuluyan umalis. Niligpit na lang ni Bianca ang kanyang gamit bago tuluyan bumalik sa kanyang kwarto.


------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top