Chapter 2

Ilang buwan na rin ang nakalipas, hindi pa rin nagbabago ang performance ni Bianca sa school. Ilang beses na siyang pinatawag ng kanyang mga teacher tungkol dito. Hindi naman alam nito kung ano ang kanyang gagawin. Minsan nagpapaturo siya kay Mish pero agad naman niyang nakakalimutan, nahihiya na din siya ditong magtanong ulit dito.

Nasa mall sila ngayon, nagyaya kasi si Misha nagumala sila dahil bored ito sa bahay. Pumayag din siya kasi wala naman siyang gagawin sa kanila. Umalis din kasi 'yong daddy niya dahil may aasikasuhin naman. Masaya silang nag-shopping magkaibigan. Hindi nila namalayan ang oras hanggang sa makaramdam sila ng gutom at agad itong nagpasya nakumain. Habang kumakain tumawag ang manager ni Bianca dahil may photoshoot raw ito, alas tres ng hapon para sa new brand. Kaya sinabihan nito ang kaibigan na kailangan nila umalis mga 2pm para sa kanyang photoshoot.

Matapos kumain ay lumabas na ang magkaibigan ng biglang may lumapit sa kanila. "Bianca, pwede ba pa picture?" Nagulat si Bianca sa sinabi ng babae at doon niya napansin na nakalimutan pala niyang suotin ulit ang mask niya. Pumayag naman si Bianca baka masabihan pa siya na suplada. Nang matapos nito magpa-picture ay dumadami ang mga tao na nag-request sa kanya. Kaya humarang na si Misha dito at hinila siya.

Nagkahiwalay sila ni Misha ng tumakbo sila para takasan 'yong mga fans niya. Napatingin siya sa kanyang cellphone ng tumunog ito at may-message si Misha sa kanya at sinabi na doon sila magkikita sa parking lot. Sinuot naman ni Bianca ang mask at nagtungo doon. Nakita niya ang sasakyan ni Misha at agad napumasok doon. Pero nagulat siya ng may makitang lalaki na nakasakay doon. Hindi niya ito kilala. "Sino ka?" tanong nito sa lalaki. Napatingin naman ang lalaki sa kanya at napakunot ang noo.

"Who are you?" Balik tanong nito sa kanya kaya napataas ang kilay ni Bianca. Siya ang unang nagtanong tapos binalik lang sa kanya. Sinuri niya ang lalaki, hindi naman ito mukhang magnanakaw pero ano ang ginagawa nito sa sasakyan ng kaibigan niya. "Ako unang nagtanong, bakit ka pa nandito sa sasakyan ng kaibigan ko," wika ni Bianca dito. Nagulat naman ang lalaki sa sinabi nito at napakunot ang kanyang noo.

"Are you crazy? This is my car? Who the hell are you? I don't even know you." He said it sarcastically. Naguguluhan naman si Bianca sa sinabi ng lalaki. Paano naging sa kanya ang kotse ng kanyang kaibigan. "Modus mo 'to no? Magnanakaw ka ba? Iyan kasi ang uso ngayon. May pa who are you ka pa nalalaman," malakas nasabi nito.

"Miss, get out of my car or else I will call the police." He warned her and then gave her a cold stare. Sasagot pa sana si Bianca ng tumunog ang kanyang cellphone. Nakita niya natumatawag si Misha sa kanya kaya agad naman niya itong sinagot. "Saan ka na? Okay ka lang ba?" bungad nito sa kanya.

"Nasa kotse mo?" sagot nito habang ang lalaki ay nakatingin lang sa kanya.

"Saan? Nandito na ako. Jusmeyo, naging invisible ka na ba?" naguguluhan nasabi nito. "Bianx, kanina pa ako dito hindi man lang kita nakita. Asan ka na ba?" Nagulat si Bianca sa kanyang narinig at agad napatingin sa lalaki. Seryoso itong nakatingin sa kanya, nakaramdam naman nanghiya siya dahil sa pangyayari. Nagkamali pala siya ng kotse napinasukan. Narinig pa niya natinatawag siya ni Misha sa kabilang linya pero hindi na niya ito nasagot. Iniisip niya ngayon kung paano hihingi ng paumanhin sa istorbo naginawa niya

"Don't stare at me, it annoys me," he said seriously.

"Sorry nagkamali lang ng pasok," sabi nito at agad nalumabas. Napatigil din ito ng may makitang tatlong lalaki at mukhang nagulat din sa paglabas niya. Nang mahimasmasan siya ay nagmamadali itong tumakbo at hinanap ang sasakyan ni Misha.

Habang ang mga kaibigan ni Lance ay agad naman pumasok sa kotse. "Sino 'yon? Don't tell me Nathan na gumagawa ka ng milagro sa sasakyan habang wala kami," wika ni Blue sa kanya.

"Gago, hindi ako ganyan tulad mo," sabay bato nito ng hoodie sa kaibigan.

"Bro, nanakit ka na," pagdadrama nito sabay hawak sa kanyang dibdib.

"Tama na 'yan, lets go to The Junk. We need to chill and relax, stress ako sa exam natin," sabi ni Ash sa kanila. Kaya nagtungo ang magkaibigan sa The Junk isa sa class at expensive na bar sa lugar nila.

Habang si Bianca ay tulala buong biyahe nila ni Misha.Hinatid siya ni Misha sa venue kung saan ang kanyang photoshoot. "Ano ba nangyari sa iyo?" Nag-alalang tanong nito sa kaibigan. Simula kasi ng bumalik ito ay parang malalim na ang iniisip. Nakatulala lang ito.

"Mish, nakakahiya 'yong nangyari kanina." Kinuwento ni Bianca lahat sa kaibigan kung ano ang nangyari sa kanya kanina. Napatawa naman si Misha ng marinig niya ito. Hindi niya akalain na iyon pala ang naganap sa kaibigan niya kanina nang maghiwalay sila. Hindi niya maisip kung anong katangahan ang nagawa ng kaibigan. Kahit siguro kung siya ang nasa sitwasyon nun ay mapatulala na lang o gustuhin na lang lamunin ng lupa dahil sa kahihiyan.

"Please, Mish, hiyang-hiya na ako. Huwag ka namang tumawa." Parang sinukluban ng lupa ang mukha ni Bianca at hindi maalis sa kanyang isipan ang nangyari kanina.

"I'm sorry, Bianx. Hindi ko lang mapigilan," paghingi nito ng tawad.

"Mabuti nalang naka-mask ako kaya hindi niya ako makilala. Grabe 'yong hiya ko kanina noong tumawag ka at sinabihan akong nasa kotse ka na. Alam mo 'yong feeling na gusto ko na talaga lamunin ng lupa." Napatakip ito sa kanyang mukha ng maisip niya ulit 'yon.

"Wag ng mag-overthink Bianx, hindi na kayo ulit magkikita no'n kaya kalimutan mo na lang iyon. Smile kana kasi may photoshoot ka pa ngayon at kailangan maganda." Nginitian ni Misha ang kaibigan.

Nang mahatid na siya ni Misha sa studio ay umalis nadin ito agad. Pupuntahan pa raw nito 'yong mommy n'ya kasi sabay raw silang mag-dinner. Minsan nakaramdam nang-ingngit si Bianca sa pamilya ng kaibigan hindi ito sobrang yaman tulad nila pero masaya at kontento ito sa kanyang pamilya. Habang siya minsan lang sila magkasama na buo. Laging busy ang parents niya sa mga career nito kasama na din ang dalawa niyang kapatid. Noon bata siya halos manglimos siya ng pagmamahal at atensyon sa magulang hanggang sa magsawa na lang siya.

Minsan hinihiling ni Bianca na hindi na lang sila mayaman para makaramdam din siya ng pag-aalaga ng isang ina na minsan hindi niya naranasan. Simula bata ay kanyang yaya na ang kanyang nakakasama sa kanilang bahay. Tuwing birthday niya ay tanging kasambahay lang ang kasama niya or kanyang daddy. Kung magkasama naman sila ay hindi naman niya naiintindihan ang mga pinag-usapan nito.

Pagpasok ni Bianca sa studio ay sinalubong siya ng kanyang manager. Dali-dali naman siyang inayusan ng kanyang team. Ilang oras lang sila sa kanyang pictorial at natapos rin ito agad. Nagyaya ang kanilang manager nakumain sila sa labas at sagot nito. Masaya naman ang buong team niya. Pag-uwi niya sa kanilang bahay ay agad na nag-shower si Bianca. Pagkatapos patuyuin ang buhok ay nahiga na ito upang matulog.

Kinabukasan, maagang pumasok si Bianca sa school. Habang papunta sa kanyang classroom ay nagbabasa ito ng note ni Misha sa Math. Nakalimutan kasi nitong mag-aral kagabi dahil nakatulog siya ng maaga dahil sa pagod. Sinabihan pa naman sila na may long quiz sila ngayon.

"Nakikita n'yo ba ang nakikita ko," boses iyon ni Rachel. Pero hindi na lang niya ito pinansin dahil kilala na niya ito at sanay na siya sa ugali nito."May naiintindihan kaya 'yan," dagdag pa nito. Pero nilampasan lang ito ni Bianca, wala siyang oras para sa gulo. Kailangan n'ya pa mag-aral. Pagdating niya sa kanyang classroom ay nakita niya ang kanyang mga kaklase na abala din sa pag-aaral. Umupo ito at napatingin siya sa kanyang relo. Nagtaka kung bakit wala pa 'yong bestfriend niya, hindi naman ito na-late sa klase.

Maya-maya ay pumasok na ang kanilang guro at nagbigay ito ng instructions para sa kanilang long quiz. "I'm sorry ma'am, I'm late." Hinihingal nasabi ni Misha, halata nagaling lang ito sa kakatakbo.

"Five minutes late, Misha, take your set at magsisimula na tayo." Nagpasalamat naman si Misha at agad na umupo.

"Bakit ka late?" mahinang sabi ni Bianca.

"Long story, bes," sagot nito. Napatigil sila sa pag-uusap ng magsimula ulit magsalita 'yong guro nila. Muling pinaalala sa kanila na kapag nahuli na nag-cheat ay automatic zero ang score. Binigay na sa kanila ang test paper, pagtingin ni Bianca ay para itong pinagsukluban ng langit. Hindi nito alam kung paano ito sagutan. Sumakit ang kanyang ulo sa kakatingin sa mga numbers.

Napatingin ito sa kanyang mga kaklase at seryoso ito sa pagsagot. Kaya sinubukan na lang niya nasagutin ito, sa isip niya bahala na kung anong maging resulta. Ilang minuto ang lumipas at pinapasa na ang mga sagot nila. Pagkatapos ay tuluyan na umalis 'yong guro nila.

"Ang sakit ng leeg ko." Narinig ni Bianca na reklamo ng kanyang kaklase. Niligpit na nito ang kanyang gamit pero napatigil ito ng makita ang kaibigan na malungkot.

"May problema ba?" Nag-alalang tanong nito sa kaibigan. Minsan lang niya ito makita na ganyan kalungkot.

"We broke up. It so hurt that he cheated on me," maiyak-iyak nasabi nito. Hindi alam ni Bianca kung paano patahanin ito lalo't alam niya kung sino ang dahilan ng pag-iyak ng kaibigan. Kahit siya ay naguguluhan kung nagawa ba talaga ng kanyang kuya na mag-cheat sa kaibigan.

"Sigurado ka ba?" Iyan lang ang tanging lumabas sa kanyang bibig, ayaw niya maisip ng kaibigan na kinakampihan niya ang kanyang kuya.

"I called him last night. Tapos babae 'yong sumagot. Tapos 'yong babae pa nagalit kasi tumawag raw ako sa boyfriend niya." Niyakap na lang nito ang kaibigan. Hindi niya akalain na magagawa ng kanyang kuya ito. Noong una tutol ito sa relasyon ng kapatid at ng kaibigan dahil malaki ang agwat nito sa edad. Pero wala siyang nagawa kung hindi tanggapin ito dahil nagmamahalan ang dalawa. Ayaw naman niya maging kontrabida sa dalawa kaya sinuportaan na lang niya ito.

"Kakausapin ko kapatid ko," sabi nito sa kaibigan pero hindi ito pumayag at sinabihan siyang hayaan na lamang ito. Buong umaga ay parang wala sa sarili itong si Misha. Minsan hindi na alam kung paano kausapin dahil lutang ito lagi. Kaya labis ang inis na naramdaman ni Bianca sa kapatid.

Nang maghapon ay naglaro sila ng volleyball para sa kanilang PE. Hinati sila nito sa dalawang group. Lahat ay magagaling sa laro, walang gusto magpatalo. Naririnig ni Bianca ang sigawan at cheers ng mga nanood sa kanila. Sobrang lapit lang ng kanilang mga score, pero biglang na aksidente ang kasama nila. Hindi na ito makapaglaro. Binigyan sila ng ilang minuto na break, pawis na pawis na si Bianca kaya pinatuyo niya sa dalang towel.

"Si Misha," sabi ng kaklase nila. Hindi naman pumayag si Bianca dahil alam niya na wala sa sarili si Misha. Hindi inaasahan ni Bianca napumayag si Misha at naglakad ito patungo sa kanila. Tinanong pa niya ito kung okay lang pero tanging ngiti lang ang sagot nito.

Nagsimula silang maglaro, ilang oras din lumipas at natapos din sila. Nanalo ang team ni Bianca kaya masaya sila dahil nakakuha sila ng malaking points. Nagpasya na silang magpalit ng damit dahil nangangamoy pawis na sila. Pagkatapos noon ay umuwi na si Bianca. Pagpasok niya sa kanilang bahay ay nagulat siya ng makita ang kapatid na nanonood ng TV.

"Kuya?" Nagtatakang tawag nito, napalingon naman ang kanyang kuya at napangiti ng makita siya. Tumayo ito at niyakap siya ng mahigpit."Hello, princess," sabi ng kanyang kapatid at binitawan ito sa pagkakayakap.

"Kailan ka pa umuwi?" nakangiting tanong nito sa kapatid. Matagal na niya itong hindi nakikita dahil busy ito sa trabaho.

"Kanina lang, may kailangan ayusin," sagot nito sabay kamot sa kanyang batok. Doon lang naalala nito ang nangyari sa kanyang kaibigan. Kaya tinanong niya agad ang kapatid. Tumanggi naman ito saka pinaliwanag ang lahat, nanghingi rin ito ng tulong upang makausap ang nobya.

Napangiti na lang si Bianca ng makita kung gaano kamahal ng kanyang kapatid 'yong kaibigan niya. Umuwi pa talaga ito ng Pilipinas upang magpaliwanag lang dito. Alam nito kung gaano ka-busy ang kapatid sa trabaho, bihira nga niya itong nakikita. Kaya agad ito nag-isip ng paraan si Bianca kung ano dapat gawin upang magkaayos na ang dalawa.

Napalingon naman silang dalawa ng marinig ang boses ng ama. Nagulat din ang kanyang ama ng makita ang pangalawang anak nito. Sinabi din ng ama ni Bianca na kailangan nilang mag-usap. Kaya pagkatapos nila kumain ay nag-usap si Bianca at kanyang ama.

"Bukas Bianca ay makilala mo na ang tutor mo," kalmadong sabi ng ama nito.

"Dad," tawag nito sa ama, hindi niya naiintindihan ito.

"Tinawagan ako ng guro mo at sinabi na ang liliit ng marka mo. Nag-alala ako anak tapos nalaman pa ng mommy mo. Kaya pinahanapan ka ng tutor. Mabuti na lang at pumayag ang anak ng kaibigan ko," paliwanag ng kanyang ama. Walang nasabi si Bianca lalo't ang ina nito ang dapat masusunod. Tama naman din ang kanyang ama na marami itong mababa na score sa klase. Kaya maganda na pagkakataon ito sa kanya.

Naisip din Bianca na baka kailangan na talaga niya ng tulong para dito, lalo't mahina talaga siyang matuto. Siguro matulungan na siya nitong makakuha ng pasado na grades. Kaya hahayaan na lang niya ang desisyon ng ama at ina.

Pagkatapos ng mag-ama na mag-usap ay nagpaalam na si Bianca napumunta sa kanyang silid upang makapagpahinga narin siya. Napagod din kasi siya sa laro nila kanina, kaya kailangan niya ng mataas na pahinga. Nagbihis lang ng damit pambahay bago tuluyan ng natulog.


------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top