Chapter 17
"She never flirted with me." Naglakad palapit si Lance sa kanila habang ang mga kamay ay nasa bulsa nito. Huminto ito sa harapan ni Joe habang nakatalikod ito kay Bianca."She didn't steal me from you either. You don't own me," seryosong sabi nito habang nakatingin kay Joe.
Nagulat naman si Joe sa sinabi nito, hindi niya ito inaasahan. "Pero mas una tayong nagkakilala. Inagaw ka lang naman ni Bianca sa akin," paliwanag nito.
"I don't remember where we first met. You're the only one who suddenly approached me at school and kept pestering my friend." Walang ganang sabi nito, lumingon ito kay Bianca. "Kung sa inyong dalawa mas una ko pa yatang nakilala si Bianca," dagdag nito sabay turo kay Bianca.
"Of course not, una tayong nagkita sa Korea noong tinulungan mo ako," saad ni Joe. "Hindi mo na ba ako naalala?" Hinawakan ni Joe si Lance sa braso nito, nakataas naman ang isang kilay ni Lance sa ginawa ni Joe.
"I'm sorry pero hindi ko maalala. Madami na akong natulungan." Napasimangot naman si Joe sa kanyang narinig, pinipigilan nito ang kanyang mga luha. "Don't let this ruin your friendship. We didn't do anything wrong to you. We are close because I only teach her in her lessons."
"Joe.." Sabay na tawag ni Misha at Bianca ng biglang tumakbo si Joe.
"Hayaan n'yo muna siya. Kailangan niyang mapag-isa at makapag-isip." Pigil ni Lance sa kanila nang balak nilang sundan si Joe.
"Tama si Mr. Tutor, Bianca. Kailangan muna natin hayaan si Joe. May kailangan tayong puntahan." Hinila ni Misha si Bianca kaya hindi na ito nakapagpaalam kay Nathan.
"Saan ba tayo?" Tanong nito sa kaibigan ng kanina pa siya nito hinihila. Kanina pa sila na parang may hinahanap.
"Baka nandito 'yon." Hinila na naman nito si Bianca papasok sa cafeteria. Inikot ni Misha ang kanyang paningin na parang may hinahanap nang makita ang hinanap ay hinila na naman nito si Bianca. Napahinto sila sa isang table kung nasaan nandoon si Rachel at mga kaibigan nito.
"May kailangan kayo?" Nagkasalubong ang kilay nito.
"Oo, ikaw bruha ka." Sabay turo nito kay Rachel.
"Oh! Ano ginawa ko sayo, Misha? Bakit galit na galit ka? Bago 'yan ha!" Pang-iinis ni Rachel dito.
"Sa akin wala, pero sa mga kaibigan ko meron." Nagulat ang lahat ng biglang itapon ni Misha ang juice sa mukha ni Rachel.
"Fuck!"
"Alam mo hindi ko alam kung bakit laking galit mo kay Bianca. Wala naman siyang ginawa sayo. Hindi niya kasalanan na maganda siya kesa sayo."
"How dare you!" Namumula na ito dahil sa galit. Sasampalin sana nito si Misha pero nahawakan ni Bianca ang kamay nito.
"Huwag na huwag mo sasaktan ang kaibigan ko," banta ni Bianca dito.
"Oh! Parang alam ko na kung bakit kayo sumugod dito. Kulang kasi kayo, dapat tatlo diba kayo?" Nakangising sabi nito at binawi ang kamay nito. Kumuha ito nang tissue upang punasan ang mukha. "Nagalit na ba 'yong bestie n'yo? Kahit ako naman, magagalit talaga lalo't aahasin ng kaibigan iyong gusto ko. Right girls?" Tumingin ito sa kanyang mga kaibigan at mahinang bumungisngis.
"Ano ba nagawa ko saiyo, Rachel? Bakit ang laki na lang nang galit mo sa akin. Ano sinabi mo kay Joe?"
"Nakikita palang kita, Bianca, kumukulo na iyong dugo ko." Inis na sabi nito sabay irap. "Saka sinabi ko lang naman kay Joe iyong nakita ko. I just being honest, naawa na kasi ako sa kanya," dagdag nito.
"Sabihin mo lang naiinggit ka kay Bianca," singit naman ni Misha.
Hindi naman maipaliwanag ang reaksyon ni Rachel sa sinabi ni Misha. Napataas ang kilay nito. "Excuse me, bakit naman ako maiinggit? Kung sa aming dalawa mas may laman pa utak ko. Grades n'ya nga laging pasang awa."
"At least nakapasa. Alam mo itong kaibigan ko may chance pa tumalino kapag nag-aral na. Ikaw kahit anong paretoke o skin care gamitin mo. Hindi mo mapapantayan ang ganda ng aking kaibigan,. Kaya galit na galit ka sa kanya dahil naiinggit ka!" Mataray na sabi ni Misha. Nagulat naman iyong mga estudyante nakarinig sa cafeteria sabay bulong-bulungan.
"Let's go, Bianca. Hayaan natin itong mga ingitera na ito." Hinila nito si Bianca paalis.
"Ang kapal ng mukha mo, Misha para laitin ako," sigaw ni Rachel. "Bumalik ka dito!"
Napahinto naman si Misha, sabay lingon kay Rachel. " Truth hurts, dear. I'm just telling you the truth. Ang bobo may pag-asa pang tumalino. Ikaw kahit anong papaganda mo, hinding-hindi mo matatalo ang natural na ganda ng kaibigan ko. Duhh!" Inirapan niya ito sabay hila kay Bianca. Narinig pa nito ang sigaw ni Rachel pero hindi na ito pinansin at tuluyan na silang lumabas sa canteen.
"Ayy, kaloka..nalimutan kung sampalin 'yong bruha. Nanggigil ako sa kanya." Inis na sabi ni Misha.
"Tama na 'yon, baka ma-guidance pa tayo."
"Handa akong pasukin iyang guidance office kapag kaibigan ko na usapan" Halata sa boses ni Misha ang inis. Bigla naman itong niyakap ni Bianca dahil sa mga sinabi nito.
"Thank you, Misha.."
"Para sa inyo ni Joe. Bukas kakausapin ko si Joe, siguro malamig na yung ulo nun. Kung hindi tatawagan ko mamayang gabi. Ayaw kung masira ang pagkakaibigan natin dahil lang sa hindi pagkakaintindihan."
Napangiti si Bianca sa sinabi ni Misha. Kahit siya hindi niya hahayaan masisira ang matagal na nilang pagkakaibigan. Nagpasya na silang umuwi dahil wala na silang klase at panay ang reklamo ni Misha dahil hindi ito nakasampal kay Rachel.
Pagdating naman ni Bianca sa kanilang bahay ay agad ito nagtungo sa kanyang kwarto upang magbihis. Bumaba lang ito nang tawagin siya ng kanilang katulong dahil kakain na. Nakita niya agad ang kanyang magulang at kuya nakaupo na. Umupo si Bianca sa kanyang pwesto. Doon lang sila nagsimulang kumain, sobrang tahimik nila.
"Bianca, ayusin mo iyang grades mo. Dapat this year malalaki iyang grades mo," sabi ng kanyang ina, napatango lang si Bianca bilang pagsang-ayon sa sinabi ng ina. Kahit alam niyang mahihirapan siya sa gusto ng ina. "Gumaya ka sa mga kuya. Hindi ako binibigyan ng sakit sa ulo," dagdag nito.
Napahigpit na lang ang hawak ni Bianca sa kutsara dahil nasaktan siya sa sinabi ng ina. Simula bata laging pinapamukha nito sa kanya na sakit lang siya sa ulo. Laging bukang bibig ng ina na dapat gayahin niya ang kanyang mga kapatid na matalino sa klase. Pinipigilan ni Bianca ang kanyang luha, nawalan na tuloy siya nang ganang kumain.
"Gusto ko kapag college ka doon ka mag-aaral sa New York. Kaya pagbutihan mo pag-aaral mo at dapat maipasa mo ang ang exam sa school sa New Yok. Don't disappoint me like you always do," saad nito bago ito tumayo.
"It's okay, princess. Huwag muna isipin iyong sinabi nang mommy mo. She just wants what's best for you," sabi ng kanyang ama, pilit na ngumiti lang si Bianca saka nagpaalam na ito.
Pagpasok ni Bianca sa kanyang kwarto ay doon na tumulo ang kanyang luha na kanina pa niya pinipigilan.
" Ano ba itong grades mo!"
"Bagsak ka na naman sa Math. Ang dali lang nito."
"Bianca, bakit hindi ka gumaya sa kapatid mo."
"Lagi na lang sakit sa ulo binibigay mo sa akin."
"You dissappoint me."
"Again, low grade.. such a disappointment."
"Anak ba talaga kita.."
"Mapapahiya ako sa iyo nito."
Napahikbi na lang si Bianca nang maalala ang ilang paulit-ulit nasinabi ng kanyang ina noon sa kanya. Kahit sinanay na niya ang kanyang sarili sa mga sinasabi ng ina ay nasasaktan pa rin ito. Minsan naisip niya sana hindi na lang siya sinilang para hindi niya araw-araw marinig sa bibig ng ina kung gaano ito nagsisisi na pinanganak siya.
Nagising si Bianca na sobrang mugto ng kanyang mga mata dahil sa kakaiyak kagabi. Naligo na ito saka nagbihis na para pumasok. Naglagay na lang siya ng concealer upang hindi mahalata ang mugto niyang mata. Nakahinga ito nang maluwag ng hindi makita ang ina. Pumasok na ito agad at hindi na kumain ng agahan.
"Bianca.." Napalingon naman si Bianca nang marinig ang kilalang boses. Napangiti ito nang makita kung sino ang tumawag sa kanya.
"Cirus! Kumusta!"
"Ito gwapo pa rin, medyo busy dahil malapit na ang break."
"Kaya pala hindi kita gaano nakikita sa campus."
"Miss mo naman." Nakangising sabi nito sabay akbay kay Bianca.
"In your wildest dream.."
"Bro, dumudugo ilong ko. Translate mo sa tagalog, please.." Hinampas ito ni Bianca sa balikat kaya bigla na lang tumawa si Cirus.
Nang makita ni Bianca si Misha ay nagpaalam na ito kay Cirus at tumakbo palapit kay Misha. Nagulat naman si Misha ng bigla itong sumulpot sa kanyang likuran.
"Nakausap muna si Joe," hinihingal nitong tanong.
"Tumakbo ka ba?" nagtatakang tanong ni Misha.
"Oo, kanina pa kasi kita tinatawag pero hindi mo yata ako narinig."
Pinakita niya ang airpods nito. "Malakas music ko, alam muna. Pasensya na talaga," paliwanang nito.
"Okay lang. Si Joe?" Balik ni Bianca sa kanyang tanong.
"Tinawagan ko kagabi pero hindi sinagot. Huwag kang mag-alala kakausapin ko siya ngayon." Tinapik nito si Bianca sa balikat saka nginitian. Tumango na lang si Bianca, gusto na talaga nitong magkabati sila ni Joe. Hindi siya sanay na may tampuhan sila.
Pagpasok nila sa kanilang classroom ay agad tumingin si Bianca sa upuan ni Joe. Nalungkot naman ito ng hindi makita ang kaibigan. Umupo na ito sa kanyang upuan at panay ang tingin sa may pintuan, nagbabasakaling makita ang kaibigan.
Nagsimula na ang kanilang klase ay wala pa rin si Joe. Kaya nag-alala si Bianca para sa kaibigan. Napansin naman ni Misha ang pagkatulala ni Bianca kaya kinalabit niya ito.
"Baka late lang." Nakangiting sabi nito sabay kindat.
Natapos ang kanilang klase pero hindi nito nakita si Joe hanggang sa sumunod na klase. Kaya wala sa sarili si Bianca buong araw dahil sa kaiisip sa kaibigan. Sinisi nito ang sarili kaya nagalit sa kanya si Joe. Kung hindi lang sana siya naglihim at noong nakita niya si Lance at Joe magkasama ay sinabi niya agad ang totoo ay hindi sana sila nagkatampuhan. Malakas napabuntong hininga si Bianca.
"Bes, ang lalim nun. Baka malunod tayo," biro ni Misha. Napailing na lang si Bianca, kanina pa ito nagbibiro upang mapatawa siya. Panay din pampalakas loob nito na magkakayos sila at huwag na mag-alala.
Papunta na sila sa parking area nang makita nila si Lance at mga kaibigan nito. Kumaway naman si Lance sa kanila at lumapit kasunod ang mga kaibigan nito.
"Uuwi na kayo?" Tanong ni Lance nang makalapit ito.
"Oo," maikling sagot ni Bianca.
"Master, invite muna lang sila sa birthday party ni Ace. Para naman marami tayo at happy vibes lang," singit ng lalaki na kulay red ang buhok.
"Okay lang ba sa inyo?"
"Kailan ba yan?" Si Misha na ang nagtanong.
"Now.."
"Mag-invite naman kayo agad-agad. Hindi ba uso ang one week before sa inyo," wika ni Misha. "Isa pa, ganito ayos namin." Tinuro ni Misha ang sarili nakasuot pa nang uniform.
"Sus! sa iyo na babe na maganda.. hindi ka lang naman nag-iisa. Same pa nga tayo oh. Importante masaya tayo sa party.Party!madlang people." Pasigaw na sabi nito sabay taas ang kamay na parang may music kaya napatukan ito ng kanyang kasama.
"Sa iyo lalaki na may saltik." Nakataas ang isang kilay ni Misha habang tinuturo ang lalaking red ang buhok. Napatawa naman ang mga kaibigan nito sa narinig maliban kay Lance na seryoso ang mukha. "Stop calling me babe. Eww ka.. Saka matagal ko na alam na maganda ako," dagdag nito sabay irap.
"Boom..."
"Double kill.."
"Defeat.."
Tukso ng mga kaibigan nito kaya napasimangot naman ito. Natigil lang sila ng sumingit na si Lance.
"Sama kayo?" Tumingin naman si Bianca sa kaibigan kung payag ba ito. Tumango si Bianca ng mag-thumb ups si Misha. "Misha, doon ka kay Inigo sumakay," sabi ni Lance. Gusto pa sana umangal ni Misha pero naisip niya ayaw din niya maging third-wheel kaya pumayag na lang ito.
Nakasunod lang si Misha at Bianca kay Lance at sa mga kaibigan nito hanggang sa huminto sila kung saan makikita ang mga napakamahal at magarang sasakyan.
"Ferrari 458, Bugatti, Royce?" Namamangha na sabi ni Misha nang makita ang mga sasakyan. "Expensive huh?"
"Misha.." Awat ni Bianca sa kaibigan, kilala niya ito.
"Amoy expensive para sa isang high school student na may ganitong sasakyan. Bigatin natin. Yayaman n'yo naman." Nakangising sabi nito, napailing na lang si Bianca sa pinagsasabi ng kaibigan.
"Let's go.." sabi ni Lance nawalang paki sa mga sinasabi ni Misha. Binuksan nito ang sasakyan para kay Bianca. Inalayan pa niya itong sumakay.
"Ayy.. bongga may pa ganun."
"Inggit ka lang.." Narinig ni Bianca bago na-close ang sasakyan. Kinausap muna ni Lance ang kanyang mga kaibigan bago ito pumasok sa kotse. Tahimik sila buong biyahe, minsan tinitingnan ni Bianca si Lance kung saan seryoso ito nakatingin sa daan.
"Bago ba itong sasakyan mo? Ngayon ko lang ata ito nakita?" Basag ni Bianca sa katahimikan. Wala naman itong alam at hilig sa mga sasakyan pero naghahanap lang talaga siya ng pwede maging topic nila.
"Bigay ni daddy. Let me say na kabayaran ito sa na-close ko na deal," sagot nito habang ang paningin sa daan.
"Deal saan?"
"To our company, new investors."
"Sa edad muna yan?"
"When Ethan died, ako na pumalit sa kanyang trabaho. Bata pa lang kami ako na iyong blacksheep sa pamilya. Siya naman sinanay ni daddy sa business, sinasama sa mga meeting. Habang ako masaya kasama mga kaibigan ko. Hindi naman ako hinahanap sa amin dahil na kay Ethan lahat ng kanilang atensyon."
Nakaramdam nang-awa si Bianca dito, ramdam kasi nito ang sakit na dinadala nito.
"Pero nagbago lahat ito nang mawala si Ethan. My family blames me for what happened. Sino ba naman hindi magagalit sa akin kung ang paborito nilang anak ay nawala dahil sa akin," mapait na sabi nito. "Hanggang ngayon patuloy pa rin ako namumuhay sa anino ni Ethan. Iyong kakambal ko na mabait, masunurin, matalino, magaling at perpektong anak."
"Lance..." Ito lang tanging lumabas sa bibig ni Bianca. Hindi nito alam kung ano ang kanyang sasabihin.
"It's okay, sanay na ako. Huwag mo ako kaawaan." Napatingin si Bianca sa bintana nang huminto ang sasakyan sa isang malaking bahay. Old fashion ang design ng bahay pero hindi maipagkakaila ang ganda nito. Para itong munting palasyo.
Nauna lumabas si Lance saka pinagbuksan si Bianca ng sasakyan. Nagpasalamat naman si Bianca dito at agad hinanap si Misha. Nakita niya ang kaibigan kaya kinawayan niya ito. Lumapit sila sa kinaroroonan nito.
Nakasulod lang sila kay Lance nang pumasok sa bahay. Napatingin agad sila sa loob ng bahay, sobrang mamahalin ang mga gamit. Nakita nila ang ibang estudyante sa school nila habang iyong iba naman ay hindi familiar sa kanila.
"Late kayo bro!" Salubong ni Ace sa mga kaibigan sabay tapik sa balikat sa bawat isa.
"May kasama pala kami. Si Bianca at Misha," sabi ni Lance sa kaibigan.
"Hello girls! May pagkain doon." Tinuro nito kung saan ang pagkain. "Tapos nandoon naman ang mga alak, If you want," sabi nito sabay kindat.
"They don't drink." Lance said in a serious tone.
"Baka lang naman bro," nakangising sabi ni Ace.
Pumunta muna sila kung saan ang mga pagkain. Sinamahan naman sila ni Ace pero agad din nawala dahil inasikaso ang bisita.
"Wala 'yong parents n'ya?" Tanong ni Bianca habang kumakain sila.
"Singapore, may business meeting," sagot nito. Tumango na lang si Bianca, kaya pala nagagawa nito ang gusto sa birthday niya sa isip ni Bianca.
Matapos kumain nila ay nag-alisan na mga kaibigan ni Lance. Nakita ni Bianca na si Inigo may kausap ng babae. Habang si Blue naman ay uminom na.
"Baka gusto mo sumama sa mga kaibiga mo. Okay lang kami ni Misha," sabi ni Bianca. Hawak nito ang isang baso na may juice habang ang kanilang paa ay nakababad sa tubig sa pool.
"Dito lang ako. Don't worry."
"Baka lang naman. Hindi muna kailangan kami bantayan."
"Dito lang ako," madiin na sabi nito. Hindi na lang nagsalita si Bianca habang si Misha abala sa kanyang cellphone. Alam ni Bianca na ka-text nito ang kanyang kapatid. Nang lumalim na ang gabi ay inihatid ni Lance si Bianca habang si Misha ay si Inigo ang naghatid.
"Hindi ito uwian ng isang estudyante." Narinig ni Bianca ang malamig na boses ng ina nang makapasok ito. Na-estatuwa naman si Bianca sa kanyang kinatatayuan.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------Thank you for reading!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top