Chapter 16

"Hey!" Napalingon si Bianca nang marinig ang boses ni Lance. Pagkatapos siya takutin ni Rachel na sasabihin nit okay Joe ang kanyang nakita ay iniwan siya nito. "Are you okay?" nag-alalang tanong ni Lance, inilagay nito ang kanyang palad sa noo ni Bianca. "Hindi ka naman mainit."

"I'm okay." Umatras si Bianca, natatakot ito na baka nasa paligid lang si Rachel nagmamasid.

"Are you sure? You don't look okay. Ihahatid na lang kita sa inyo. So you can rest."

"No, I'm okay." Ngumiti si Bianca. "Let's go," yaya nito. Naunang naglakad si Lance habang nakasunod lang si Bianca. Pero panay pa rin ang lingon nito. Napatingin ito kay Lance nang makita na hindi sasakyan ang dala nito kung hindi motor.

"Oh! Bakit ganyan mukha mo?"

"Nakakatakot kaya 'yan. Mukhang hindi safe." Nakangusong reklamo nito, natawa naman si Lance dahil sa sinabi ni Bianca.

"Don't worry, you're safe with me." Inabutan nito ng helmet si Bianca.

"Pambabae yata 'to," sabi ni Bianca habang tinitingnan ang helmet.

"I buy that one for you." Sumakay na ito sa motor saka sinuot ang helmet nito. "Come here." Pinalapit nito si Bianca saka tinulungan sa pagsuot nang helmet. Inalayan din niya itong sumakay. "Kumapit ka."

Mahigpit naman humawak si Bianca, mukha na itong nakayakap kay Lance. Sobra naman nag-enjoy si Bianca habang tinitingnan ang kanilang nadadaanan. Huminto si Lance sa isang kainan, nasanay naman si Bianca sa hilig ni Lance. Mayaman ito pero gusto nito kumakain sa karinderya, hindi naman umaangal si Bianca dito dahil masasarap naman ang pagkain at malinis ang lugar.

"Girlfriend mo ba ito, Nathan?" Tanong ng isang babae habang nag-serve sa kanilang order.

"Hindi pa po, Aling Berna," sagot ni Lance.

"Sayang naman, bagay pa naman kayo," nakangiting sabi ng babae. Napayuko naman si Bianca dahil ramdam niyang nag-iinit ang kanyang mukha. "Maiwan ko na kayo, tawagin n'yo lang kung may kailangan kayo," sabi nito bago umalis.

"Kumain na tayo," sabi ni Lance, tumango lang si Bianca habang nakayuko pa rin ito. "Masarap ito, kainin mo 'to." Napangiti na lang si Bianca.

"Kilala ka talaga dito?" Tanong ni Bianca dito, para naman may mapag-usapan sila.

"Oo, dito kasi kami kumakain ng mga kaibigan ko."

"Talaga naman bilib ako sa inyo. Ang yayaman n'yo at mamahalin ang mga gamit n'yo pero kumakain kayo sa ganito."

"Mas masarap kasi ito kesa sa mahal na restaurant. Lutong bahay talaga," saad nito. Napatingin si Bianca sa cellphone ni Lance ng bigla itong tumunog. Tiningnan naman ito ni Lance saka pinatay.

"Baka importante iyan." Hindi mapigilan ni Bianca na sabihin ito.

"Nangungulit lang, balak ko na mag-change ng number," sabi nito at nilagay ang cellphone sa bulsa.

"Sino ba 'yan? Bakit ka kinukulit?"

"Kaibigan mo," diritsong sagot nito.

"Si Joe?" Naalala na naman ni Bianca ang sinabi ni Rachel. Natatakot ito kung baka ano sabihin nit okay Joe. Mas mabuti na siya ang magsabi na kaibigan niya si Lance kesa si Rachel at gagawa nang kwento.

"Oo. Kasalanan 'to ni Blue, ibinigay ba naman ang number ko." May kaunting inis ang himig ng kanyang boses. Napayuko na lang si Bianca, kilala niya ang kaibigan makulit talaga ito. Hindi na ito magtataka kung namimilit ito sa mga kaibigan ni Lance upang makuha ang number nito.

"Ayaw mo ba sa kaibigan ko?" Lakas loob na tanong nito.

Napatingin naman si Lance sa kanya, uminom muna ito ng tubig. "Okay lang naman maging kaibigan iyong kaibigan mo. Pero alam ko kasi hindi iyon ang gusto niya sa akin. I can be her friend, but more than a friend, malabo," sagot nito.

"Bakit? Maganda naman si Joe."

"May iba akong gusto," diritsong sagot nito saka bumalik na sa pagkain. Habang si Bianca ay nagulat naman sa sinabi nito. Medyo nasaktan siya nang malaman na may gusto pala itong iba. Iniling na lang nito ang kanyang ulo sabay balik sa pagkain.

Pagkatapos nila kumain ay nagpunta sila sa soccer field. Naupo sila sa may damuhan habang nakatingin sa kalangitan. Napatingin si Bianca kay Lance nang tumayo ito at lumapit sa mga bata na kakatapos pa lang maglaro. Bumalik ito sa kinaroronan ni Bianca na may dalang bola.

"Maglalaro muna ako," nakangiting paalam nito at pinahawak muna nito ang kanyang cellphone kay Bianca.

"Sure." Tumakbo pabalik si Lance sa kinaroroonan ng bata.

Hindi naman makapaniwala sa nakita si Bianca. Sobrang galing ni Lance maglaro at sobrang bilis ng bawat galaw nito. Napatingin si Bianca sa hawak niyang cellphone, nagulat ito nang makita kung sino ang lockscreen ni Lance. "Bakit ako," mahinang sabi ni Bianca habang nakatingin sa cellphone. Siya kasi ang lockscreen ni Lance, nakangiti siya habang nakatingin siya sa may kalangitan.

"Hey!" Tumakbo papunta sa kanya si Lance, sobrang pawis na pawis ito. Kaya mabilis niya tinago ang cellphone nito.

Kinuha naman ni Bianca ang kanyang panyo sa bag sabay abot kay Lance. "Punasan mo pawis mo," sabi nito.

"Thanks, ma'am," nakangiting sabi nito sabay upo sa kanyang tabi. "Akin na 'to," sabi nito sabay pakita sa panyo. Tumango lang si Bianca sabay ngiti.

Nagpasya na silang umuwi nang medyo madilim na ang kalangitan. Nagpasalamat naman si Bianca dito bago pumasok sa loob ng bahay. Pagpasok niya ay napayuko ito nang makita ang galit na tingin ng ina.

"Anong oras na, Bianca? Kanina pa tapos ang klase mo." Lumapit sa kanya ang kanyang ina saka tiningnan ito. "Saan ka galing? Alam mo bang ilang oras naghintay ang driver natin sa school! Kung hindi pa nito nakita ang kaibigan mo, baka umabot ng gabi 'yon! Saan ka galing!" ma-authoridad na sabi nito.

"Mom." Kinakabahan si Bianca, hindi nito alam kung ano ang kanyang sasabihin.

"Ano? Bakit lagi na lang sakit nang-ulo ang binibigay mo? Bakit hindi ka gumaya sa mga kapatid mo?" Nanginginig na ang boses nito dahil sag alit at pinipigilan na masaktan ang anak. 'Your a big disappointment. Alam mo ba iyon?"

"I'm sorry," mahinang sabi ni Bianca habang tumutulo ang luha nito. Nasaktan ito dahil sa sinabi nang-ina.

"Sorry? For what? Dahil ganyan ka!."

"Nagsisisi po ba kayo na sinilang ninyo ako?" Kinakabahan na tanong nito sa ina.

"Huwag na natin pag-usapan iyan. Umakyat ka sa taas at mag-aral ka doon. Hindi ko gusto iyong mga grade mo, ibang-ibang sa kapatid mo." Utos nito sa anak.

"Dahil hindi ako si Kuya Brax at Kuya Matt. Bobo ako, mom. Hindi ako ang pangarap ninyo na anak." Pagkatapos sabihin ito ni Bianca ay tumakbo ito paakyat. Narinig pa nito ang tawag ng kanyang ina pero hindi nito pinansin at tuloy-tuloy ito sa pagtakbo.

Pagdating niya sa kanyang kwarto ay ni-lock niya agad at doon umiyak nang umiyak. Hindi ito ang unang beses na lagi siyang sinasabihan nang-ina na isa siyang malaking failure, disappointment at hindi siya tulad ng kanyang mga kuya. Kahit anong gawin niya at palagi itong mali sa tingin ng kanyang ina. Lagi siyang kinokontrol nang-ina kaya makakahinga lang siya nang maluwag kapag ang ina nito ay nasa ibang bansa upang magtrabaho.

Pumunta si Bianca sa kanyang kama saka niyakapa ang unan at doon umiyak. Pinipigilan din ito na makagawa siya nang-ingay. Hanggang sa makatulog ito.

Kinabukasan ay sobrang maga ng mga mata nito nang gumising. Agad ito naligo at nagbihis. Pagbaba niya ay tahimik lang siyang kumakain kasama ang buong pamilya. Pagkatapos kumain ay tumayo na ito saka kinuha ang gamit.

"Papasok na po ako." Paalam nito sa kanyang magulang at kapatid.

"Umuwi ka nang maaga," bilin ng kanyang ina, tumango lang si Bianca at lumabas na ng bahay. Hinatid siya ng kanilang family driver sa kanyang school.

Habang naglalakad papunta sa kanyang room ay wala ito sa sarili. Ayaw sana nitong pumasok pero sigurado siyang magagalit ang ina nito. Ayaw ni Bianca na mapagalitan ulit at makakarinig nang masasakit na salita.

"Hey, okay ka lang?" Napatingin si Bianca kung sino biglang umakbay sa kanya.

"Misha!"

"Kanina pa kita tinatawag pero hindi mo man lang ako pinapansin. Anong problema? Spill the tea!"

"Wala.." mahinang sabi nito. Pero nagulat ito ng bigla siyang hinila ni Misha at ibang direksyon tinatahak nila.

"Garden tayo, pag-usapan natin 'yan. Absent muna tayo sa first subject." Nagulat naman si Bianca sa sinabi nito. Gusto pa sana nitong umangal dahil baka makarating ito sa ina at mapapagalitan na naman siya. Pero mapilit si Misha.

"Spill the coffee!" sabi nito sabay upo sa may damuhan. Pero hindi nagsalita si Bianca nakatulala lang ito. "Let me guess. Hmm.. kay Lance ba 'yan?" Napatingin naman si Bianca sa sinabi nito. "Or sa mommy mo?"

"Pwede both..."Malakas itong napabuntong hininga.

"Explain mo na. I hate thrill at pa suspense."

"Nasaktan lang ako sa sinabi ni mommy."

"Ngayon pa? Sanay ka naman kay tita." Alam kasi ni Misha na hindi talaga close ito sa ina at kapag nandyan ang ina ay nangingialam ito. Palagi rin siya nito pinapagalitan.

"Siguro kahit anong pilit ko sa aking sarili na okay lang ako at sanay na. Pero nasasaktan pa rin pala ako." Nagulat si Bianca at niyakap siya ni Misha.

"Nandito lang ako, willing ko ipahiram iyong mommy ko. Para hindi ka na malungkot." Natawa na lang si Bianca sa sinabi nito. Noong bata pa sila lagi itong sinasabi ni Misha na ipapahiram ang kanyang mommy dahil mabait ito. Para hindi na din siya maghanap nang kalinga ng isang ina.

"Huwag mo ako tawanan, sa iyo ko lang ipapahiram ang mommy ko. Para hindi ka na malungkot." Nakasimangot na sabi nito.

"Hindi na tayo bata, Misha. Tanggap ko na talaga na ganoon si mommy. Pero kahit ganoon mahal ko iyon." Pinunasan naman agad ni Bianca ang kanyang mga luha. Niyakap naman siya nang mahigpit ni Misha.

"Nandito lang ako.." Hinayaan nitong umiyak si Bianca hanggang sa maging okay ito.

"Thank you.." Nginitian lang ito ni Misha.

"Wait! Kanina sabi mo both. So ano problema mo kay Lance?" nagtatakang tanong nito sa kaibigan.

"Kinausap ako ni Rachel, tinatakot niya akong sasabihin niya kay Joe ang kanyang nakita." Pag-kwento mito.

"Anong nakita niya?" Naguguluhan naman ito sa sagot ng kaibigan.

"Nakita niyang magkasama kami ni Lance. Alam kasi nito na-crush 'yon ni Joe."

"Walang hiya talagang babae na iyon. Dapat sabihin mo na kay Joe ito bago pa masabi ni Rachel." Napatakip naman sa bibig si Misha ng may maalala. "My Gee sissy, nakita kop ala kahapon si Rachel at Joe nag-uusap. Uwian na iyon."

Kinabahan naman si Bianca sa kanyang narinig.

"Pero maiintindihan naman ni Joe kapag nagsama kayo kasi tutor mo yon."

"Paano kung magtampo siya. Hindi ko sinabi sa kanya na si Lance at Nathan ay iisa. Baka ano isipin niya. Oh baka kahit anong sinasabi ni Rachel sa kanya."

Hinawakan ni Misha ang kamay ng kaibigan. "Positive vibes lang tayo. Huwag na mag-isip ng kahit ano. Sasamahan kita kausapin si Joe." Niyakap naman ni Bianca ang kaibigan dahil sa sinabi nito.

Tumayo si Misha at tumingin sa kanyang relo. "Time na para sa next class," sabi ni Misha. Kaya tumayo si Bianca sabay kuha ng kanyang bag. Naglakad na sila papunta sa kanilang room. Pagpasok nila doon ay tumingin sa kanila ang ilang kaklse nila.

"Wala yata kayo kanina?" Tanong ni Acel sa dalawa.

"Late na kami, katakot naman pumasok sa class ni Mr. Roxas kung late ka." Si Misha na ang sumagot habang si Bianca ay agad na umupo. Napatingin siya sa upuan ni Joe pero hindi niya ito nakita.

"Teka, hindi n'yo ba kasama si Joe?" tanong ni Acel kay Misha.

"Wala rin siya." Tumango lang si Acel kaya napatingin si Misha kay Bianca.

"Tawagan mo kaya," sabi ni Bianca dito.

Kinuha ni Misha ang kanyang phone saka tinawagan si Joe. "Cannot be reach," sabi nito.

"Bakit kaya absent siya." Nag-alalang ito para sa kaibigan.

"Puntahan na lang natin after class," sabi ni Misha.

"Bawal ako, kailangan ko umuwi nang maaga. Baka mas magalit sa akin si mommy," malungkot na wika nito.

"Fine, ako na lang pupunta."

Natahimik lang sila nang pumasok ang kanilang guro. Nagkaroon sila sa quiz, nagpasalamat na lang si Bianca dahil alam niya ang mga sagot.

Matapos ang kanilang klase ay pumunta ito sa canteen. Hindi rin nito nakita si Lance kase nag-text ito sa kanya kanina nasa library muna ito para pag-aralan ang kanilang report.

Pagbalik nila sa kanilang room ay nagulat si Misha at Bianca nang makita si Joe. Tumingin lang ito sa kanila pero agad din itong umiwas. Lalapitan sana ito ni Bianca pero pumasok na rin iyong teacher nila. Naisip na lang ni Bianca na mamaya niya ito kakausapin.

Gusto ni Bianca mapadali ang oras upang maka-usap ang kaibigan. Nagtataka ito kung bakit hindi man lang siya nito pansinin. Naisip agad ni Bianca ang sinabi ni Misha kanina, nakita niya itong kausap si Rachel.

Nang matapos ang klase ay nagmamadaling niligpit ni Bianca ang kanyang gamit. Nakita niya si Joe na nagmamadaling umalis. Halos takbuhin na ni Bianca at Misha palabas upang mahabol lang si Joe.

"Joe," hinihingal na sabi ni Bianca sabay hawak kay Joe.

Napatingin naman si Joe dito sabay alis sa kamay ni Bianca. "Bitawan mo ako. Huwag mo akong sundan." Mariin na sabi nito. Pero hindi nakinig si Bianca at sinundan pa rin niya ang kaibiga.

"Joe, anong problema mo?" Inis na sabi ni Misha, napapagod na kasi ito sa kakasunod.

"Problema?" Nakataas ang isang kilay nito nang humarap. "Tanungin mo kaya iyang ahas nating kaibigan." Nanlilisik ang mata nito sag alit. "I trust you. Sinasabi ko palagi sa inyo kung gaano ko ka gusto si Nathan." Napailing ito sabay tawa. "Then lalandiin mo?"

"Landi?"

"Oh, gulat ka yata, Bianca? Huwag ka nang magmaang-maangan, sinabi na sa akin lahat ni Rachel. Nilandi mo si Nathan, inakit mo siya. Hindi ako makapaniwala sa iyo." Umiiyak na si Joe, wala na itong pake kung may makakita sa kanya. Nasaktan siya sa kanyang nalaman, para siyang sinaksak patalikod.

"Hindi ko nilandi si Nathan." Depensa ni Bianca sa sarili.

"Liar! Hindi sana ako maniniwala ni Rachel. Pero may pinakita siyang picture magkasama kayo ni Nathan."

"Joe, ganito mo na lang ba sisirain iyong friendship natin? Naniniwala ka kay Rachel? Kilala mo si Bianca kesa kay Rachel. Bakit hindi mo pakingnan ang kanyang paliwanag," singit ni Misha. Wala siyang kinakampihan sa dalawa dahil pareho niya itong kaibigan. Nasasaktan siya sa tuwing nag-aaway ito, matagal na silang magkaibigan.

"Para ano Misha!? Para lokuhin ako ulit." Sigaw ni Joe at napahigpit ang hawak nito sa notebook. "I trust you, Bianca." Patuloy pa rin tumutulo ang luha niya. "Malandi ka! Mang-aagaw ka! Traydor ka! Nilandi mo si Nathan!" Sigaw ni to kay Bianca.

"Hindi niya ako nilandi." Napalingon silang tatlo dahil sa isang malamig na boses. Nakita nila si Lance nakasandal sa puno habang ang mga kamay nito ay nasa bulsa. Ilang hibla ng buhok nito ay inihangin.


------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top