Chapter 15

Madalas tumambay sina Lance at Bianca doon sa kanilang tambayan. Pagkatapos ng klase ay doon agad sila pumupunta. Gusto-gusto naman ni Bianca doon dahil nakaka-relax ang lugar. Lalo na't naging busy na sila sa school dahil malapit na ang break. Mabuti na lang ay tinutulungan siya ni Lance sa pag-aaral at free pa ito.

"Okay na ba 'to?" sabay pakita kay Lance iyong gawa niya.

"Mali ang solusyon mo sa number five," sabi nito.

"Nakita mo agad ang mali? Eh! Hindi mo nga tiningnan nang maayos," reklamo ni Bianca dito. Saglit lang kasi nito tiningnan ang sagot nito.

"Obvious naman kasi mali ang sagot mo sa number five. Mali ang formula na ginamit mo," sabi nito habang abala ito sa paglalaro sa cellphone ni Bianca. "Oh! Mataas na iyang rank mo." Sabay pakita kay Bianca.

"Wow ang galing, akala ko hanggang legend lang ako. Mas naging mahirap kasi." Tuwang-tuwa na sabi nito nang makita na-mythic na ang kanyang rank.

"Madali lang naman," mayabang na sabi nito. "D'yan na tayo sa activity mo. Hindi kasi tama iyang formula mo." Kinuha nito ang ballpen at notebook ni Bianca saka sinulat ang tamang formula. Habang sinasagutan ay pinapaliwanag nito kay Bianca kung paano i-solve.

"Ganyan lang pala kaikli," nakasimangot na sabi nito, ang haba kasi nang solution niya tapos mali pa ang kinalabasan.

"May isang way pa d'yan." Sinagutan naman niya sa ibang paraan, hindi maiwasan ni Bianca na mamangha habang nakatingin kay Lance. "Iyan," sabi nito.

"Wow! Pero mas madali iyong una," sabi ni Bianca at kinuha ang notebook. Napatingin ito sa kanyang relo. "Naku, kailangan ko na umalis. May pictorial pala ako ngayon." Nagmamadaling nilagay ni Bianca ang kanyang mga gamit sa kanyang bag.

Tumayo na rin si Lance at kinuha ang jacket sa may damuhan saka pinagpag ito. Kinuha nito ang bag ni Bianca at siya na ang nagdala. Hindi na nagulat si Bianca dahil lagi naman itong ginagawa ni Lance sa kanya. Pinagbuksan din nito ng sasakyan si Bianca.

"Thank you sa paghatid," nakangiting sabi ni Bianca nang makarating na sila.

"What time ka matatapos?" Tanong nito kay Bianca.

"Hindi ko alam, text na lang kita kapag naka-uwi na ako." Lumabas na ito sa kotse at nagmamadaling pumasok sa building.

Sinalubong naman agad si Bianca ng kanyang manager at make-up artist. Inayusan agad si Bianca ng kanyang team. Matapos ay nagsimula na sila sa kanyang pictorial.

"Nice shot, Bianca!" Puri ng kanyang manager. Napangiti na lang si Bianca sa sinabi nito. Nagpalit na ito ng damit saka kinuha ang gamit nito.

"Aalis na ako," sabi nito bago lumabas. Kinuha muna niya ang kanyang cellphone upang tawagan ang kanilang driver upang magpasundo. Pero nagulat siya nang makita ang sasakyan ni Lance. Lumapit siya dito saka nagulat siya nang makita si Lance na mahimbing natutulog.

Napangiti si Bianca at kinunan niya ito nang-picture. Nilagay muna niya ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa saka kinalabit ito, mabuti na lang at bukas ang bintana nito.

"Tapos ka na?" Napaupo ito nang maayos.

"Hindi ka umuwi?" Umiling lang ito. "Bakit?"

"Wala kang dala na sasakyan, delikado naman kung mag-commute ka pa," paliwanag nito. Umatras si Bianca nang buksan nito ang sasakyan. Umikot ito saka binuksan ang sasakyan. "Pasok ka na," sabi nito.

"Thank you," sabi ni Bianca saka pumasok sa sasakyan. Umikot naman si Lance at saka pumasok nasa loob ng sasakyan. Tinulungan nito si Bianca sa pag-ayos sa seatbelt.

"Kumain muna tayo," sabi ni Lance, tumango lang si Bianca bilang pagsang-ayon.

Nag-take out lang sila ng pagkain sa drive thru at doon na nila kinain sa loob ng sasakyan. Mas safe kasi ito para kay Bianca upang umiwas na rin sa mga fans nito.

"Hindi ka ba nahihirapan? Pinagsabay ang modelling saka pag-aaral mo?" Tanong ni Lance saka kumuha ng tissue at pinunasan ang gilid ng labi ni Bianca. "Para kang bata kumain," sabi nito.

Napayuko naman si Bianca dahil nahihiya siya dito. Kinuha niya ang kanyang drinks saka ininom. "Nasanay na siguro ako, pero noong una ang hirap talaga. Minsan kapag maraming shoot ay late na ako nakakatulog tapos kinabukasan naman may pasok sa school."

"You can quit modelling and focus on your studies."

"Ayaw ko rin umasa sa parents ko. Nakaka-pressure kasi lalo't iyong mga kapatid ko lahat ay successful. Napagsabay nila ang career at studies nila. Gusto ko rin lahat ng gusto ko nabibili ko gamit ang sariling pera."

"I'm proud of you." Hindi maiwasan mapangiti si Bianca sa sinabi nito. Kahit minsan hindi niya iyon naririnig sa kanyang sariling ina. Pero masaya para sa feeling kung makakarinig ka ng ganyan na salita.

Pagkatapos nila kumain ay inihatid ni Lance si Bianca sa bahay nito. Nagpasalamat naman si Bianca bago ito pumasok sa loob ng bahay. Napahinto si Bianca dahil sa kanyang nakita.

"Mom." Hindi makapaniwala si Bianca na makita ang ina, paglingon din niya ay nakita niya ang kanyang nakakatandang kapatid. "Kuya.."

"Ganitong oras ka na ba umuuwi, Bianca?" Diritsong tanong ng kanyang ina.

"May shoot kasi ako, mom." Paliwanag nito sa ina.

"Sana totoo iyan. I don't want to hear na gumagala ka lang. Focus in your studies. Hindi ko gusto ang grade mo." Napayuko na lang si Bianca habang nagsasalita ang ina. Gusto niya makasama ang ina pero hindi sa ganitong paraan na panay ang mali lang nito ang napapansin. Iba-iba ito sa kanyang ama na sinusopurtahan siya palagi.

"Mom, tama na 'yan. Umakyat ka na, princess," sabi ng kanyang kuya. Nagpaalam lang ito sa kanyang ina saka pumunta sa kanyang kwarto. Nagpalit ito ng damit bago nahiga sa kanyang kama. Napayakap siya sa kanyang unan, iniisip kung bakit biglaan ang pag-uwi ng ina at kapatid.

Napatayo ito nang makarinig ng katok. Pagbukas niya ay agad niya nakita ang ina. "Bumaba ka na, kakain na tayo." Utos nito sa kanya. Kahit busog na si Bianca ay bumaba pa rin ito upang kumain. Ayaw nitong tanungin pa siya kung sino kasama niya kumain.

Kumpleto silang pamilya ngayon, kahit papaano ay napapangiti si Bianca. Kahit hindi ito sanay sa presensya ng ina ay masaya ito dahil pagkatapos ng ilang taon ay kumpleto na sila.

"Eat this." Nilagyan ng kanyang ina ng gulay. Gusto sana umangal ni Bianca pero natatakot ito sa ina. Kumain na lang siya at dahan-dahan tinabi ang gulay sa may gilid. "Bakit hindi mo kinakain. It's good in your health, it have a lot of vitamins." Kalmado lang ang pagkakasabi ng kanyang ina pero may diin ito.

"Mom, hindi ko po gusto ang lasa niyan," pag-amin ni Bianca sa ina.

"When I said eat that one. You must follow me, Bianca!"

"Pero- "

"Save it. I don't want to hear anything. Kainina mo 'yan. Excuse me, nawalan ako nang gana." Tumayo ang ina nito saka iniwan sila. Napailing na lang ang kanyang ama.

"Dapat sinunod mo si mommy, princess." Pagkatapos sabihin iyon ng kanyang kapatid ay umalis na din ito.

"Okay lang 'yan, princess. Masasanay ka din sa mommy mo, nasanay na din ako sa ugali noon." Tumango lang si Bianca saka tinapos ang kanyang pagkain at nagpaalam na ito sa kanyang ama. Pagbalik nito sa kanyang kwarto ay nahiga ito habang hindi mapigilan na maiiyak.

Pangarap din ni Bianca makaramdam nang pagmamahal ng isang ina. Tulad nang nakikita niya sa ina ng kaibigan na si Misha. Sobrang layo ng loob ng kanyang ina sa kanya. Hindi namalayan ni Bianca nakatulog na siya.

Kinabukasan maaga siyang ginising ng kanyang ina. Ayaw nitong ma-late ito sa kanyang klase, nakahanda na rin ang kanyang kakainin. Napanguso na lang ito nang makita ang pagkain nakahanda, mga pagkain na ayaw niyang kainin.

"Maganda iyan sa katawan mo," sabi ng kanyang ina nang makita siyang nakatingin sa pagkain. Ayaw na nitong mag-away sila kaya pilit niya itong kinakain kahit medyo nasusuka ito. Pinahatid din siya ng kanilang driver papunta sa school, hindi ito hinayaan magmaneho.

"Parang biyernes santos yata iyang mukha mo." Sabi ni Misha, nasa may cafeteria sila kakatapos lang ng kanilang klase.

"Umuwi na si mommy."

"Si tita? Kaya pala," sabi ni Misha.

"Lance dito kayo." Napatingin naman ako sa kinawayan ni Joe. Nakita ko si Lance kasama ng kanyang mga kaibigan. Lumapit ito sa kanilang table at umupo ito sa tabi ni Bianca. "Hindi ka na nag-text? Hindi na din kita nakikita dito sa school."

"Busy lang," sabi ni Lance at kinain na nito ang pagkain. Kinuha ni Bianca ang can juice upang buksan. Pero nagulat ito nang kuhanin ni Lance at ito ang nagbukas. "Here."

"T-Thank you," nauutal ko na sabi. Medyo nagulat din si Joe sa ginawa ni Lance.

"Pakibukas nito Lance," suyo ni Joe. Hindi na ito kinuha ni Lance at agad binuksan gamit ang isang kamay. Nakangiti naman si Joe dahil sa ginawa nito, kilig na kilig ito. Panay naman ang sulyap ni Joe kay Lance.

Matapos nila kumain ay naghiwalay na sila at pumunta sa kanilang klase. Habang hinihintay ang kanilang guro ay nag-uusap muna sila sa kanilang plano this coming break.

"Bahay lang siguro ako," sabi ni Misha.

"Ewan ko, hindi naman ako makalabas agad dahil nandyan si mommy."

"Siguro bibisita lang ako kay lolo," sabi naman ni Joe.

Nang dumating na ang kanilang guro ay natahimik sila. Nakinig sila ng mabuti sa tinuturo nito. Mabuti na lang at nakakasabay na si Bianca sa klase. Bago lumabas ang kanilang guro ay binigyan sila ng activity na dapat ipasa sa susunod na klase.

"Labas naman tayo." Nakabusangot na sabi ni Misha. "Gusto ko mag-enjoy."

"Gee ako d'yan."

"Pass guys, may pupuntahan ako." Gusto man sumama ni Bianca pero nakapangako na siya kay Lance. Nag-text ito sa kanya kanina at niyaya siya na tumambay sa kanilang tambayan.

"Ayy..sayang naman.."

"Next time na lang," nakangiting sabi ko.

"Wala na kaming magawa."

Nagpaalam na si Bianca sa kanyang mga kaibigan. Inayos na nito ang gamit bago nagmamadaling lumabas. Nasa labas na siya ng kanilang school nang nilapitan siya ni Rachel. Matagal na rin hindi siya hindi nito ginugulo. Napataas ang kanyang kilay habang kaharap ito. Nagtataka kung ano ang kailangan nito sa kanya.

"Miss me?" Nakangiting sabi nito na parang may binabalak na masama.

"Nope.."

"Oh!" sabi nito sabay hawak sa kanyang dibdib. "I saw you last time, with a guy. He is so familiar." Napakunot naman ang noo ni Bianca sa kanyang narinig. "Oh! Nakita ko siya kasama si Joe sa canteen last time. Did Joe know that?" Para naman binuhasan nang malamig na tubig si Bianca sa kanyang narinig.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top