Chapter 1
Tamad nagumising si Bianca sa kanyang kama at nagtungo sa banyo upang mag-shower. Late na ito nakatulog kagabi dahil sa paglalaro nang-ML. Paglabas nito sa banyo ay tiningnan nito kung anong oras na. Napasigaw ito dahil malapit na siyang ma-late sa kanyang klase, first day of school pa naman niya.
Si Bianca Nasya Min o mas kilala sa pangalang Bianca Min, isang famous model sa kanyang henerasyon. Anak siya ni Misty Cheon, an academy award winning actress, at ni Brax Min, a script supervisor originally from Maroochydore, Quennslands, Austrialia who also directed a film. May dalawa siyang kuya sina Braxton and Matteo, nagtrabaho din sa entertainment industry. Kaya sanay na si Bianca sa spotlight dahil ito ang kanyang kinalakihan at dito umiikot ang buhay ng kanyang pamilya. Mahigit dalawang taon din naging model sa London si Bianca at umuwi ito sa Pilipinas upang mag-focus sa kanyang pag-aaral.
"Bianca, kumain ka na," ani ng kanilang kasambahay ng makababa na siya.
"Manang Rosie, sa school na lang ako kakain. Late na kasi ako baka mapagalitan pa ako ng teacher namin," sabi ni Bianca at nagmamadaling itong nagtungo sa kanyang sasakyan.
Ilang minuto rin bago ito nakarating sa Alexander Hamilton High School, kung saan siya nag-aaral. Kilala itong paaralan dahil na rin sa bihira lang ang makapasok dito dahil sa mahal ang tuition fee. Tanging mga anak lang ng mayayaman ang nakapag-aral dito. Kadalasan ay nasa entertainment industry ang mga mag-aaral dahil ligtas sila dito sa mga issue at reporter.
Paglabas ni Bianca sa kanyang kotse ay nagmamadali itong nagtungo sa kanyang room dahil late na ito sa kanyang first subject. "I'm sorry ma'am, I'm late." Paghingi nito nang paumanhin sa kanyang guro.
"It's okay, tama pa 'yong dating mo. Hindi ka pa naman huli," sagot ng kanyang guro. Nagpasalamat si Bianca saka tuluyan ng pumasok. Naghanap ito ng bakanteng upuan hanggang sa makita niya ang kanyang bestfriend na si Misha at wala pang naka-upo sa tabi nito. Lumapit ito at doon natumabi.
"Simula pa lang ng pasukan late ka na agad, Bianx," sabi ni Misha habang nakatingin sa pisara.
"Late na kasi ako nakatulog kagabi, kaya natangalan ako nang gising," paliwanag nito sa kaibigan.
"Di ba sinahihan na kitang itigil mo na 'yang paglalaro mo nang-ML," ani nito.
"Ms.Min at Ms. Shin pwede naman sigurong mamaya na kayo magkwentuhan. Baka gusto n'yo mo nang sagutin ang nakasulat sa pisara o siguro gusto n'yong lumabas upang tapusin n'yo 'yang ginagawa n'yo," mataray nasabi ng kanilang guro habang nakataas ang kilay.
"Sorry po ma'am," sabay nasabi nila.
"Okay, sagutin n'yo mo na ito," sabi nito. Napakunot naman ang noo ni Bianca sa kanyang nabasa. Hindi niya naintindihan ang mga tanong sa pisara. Napakamot ito sa kanyang ulo, kahit anong isip niya ay hindi talaga niya makuha ang sagot.
"What is the measure of angle B in the following figure if angle A measures 135°?" Basa ni Bianca sa tanong na nakasulat sa pisara. Parang bata ito na panay ang kamot sa kanyang ulo, hindi niya naiintindihan ang tanong.
"The area of a triangle may be found by using the formula, A=1/2bh, where brepresents the base and h represents the height. Thus, the area may be written as A=1/2(11)(6), or A = 33. The area of the triangle is 33 cm," agad nasagot ni Misha.
"Good, itong pangalawa Bianca," sabi ng kanyang guro. Napayuko na lang si Bianca habang ang kanyang mga kaklase ay nakatuon sa kanya, naghihintay sa kanyang sagot. "Ano na Bianca?" dagdag ng kanyang guro.
"I'm sorry ma'am, I don't know the answer," nahihiyang sabi nito sabay yuko. Mahina talaga sa Math si Bianca. Kaya nahirapan talaga ito sa mga tanong, kumpara sa bestfriend nitong si Misha na matalino
"Iyan na ba sinasabi ko. Kasi kayo, hindi naman kayo marunong pero ang lakas n'yong hindi makinig sa discussion ko," inis nasambit ng kanyang guro. Umupo na lang si Bianca habang nakayuko pa rin ito. Nanahimik na lang ito dahil tama naman ang kanyang guro. Hindi nabago sa kanya ito, nakakapasa lang siya pero pasang-awa naman ang kanyang grade.
"Okay lang 'yan bes," mahinang sabi nito, pilit pinapalakas ang loob ng kaibigan. Nginitian na lang niya ito upang hindi mag-alala at nakinig na lang sa kanyang guro habang nagpapaliwanag ito. Hanggang sa natapos ang kanilang klase. Sabay na nagtungo si Misha at Bianca sa canteen upang kumain. Lalo't kanina pa nakaramdam ng gutom si Bianca dahil hindi ito nag-almusal sa pagmamadali na hindi ma-late.
Papasok na sila sa canteen ng biglang may bumonggo kay Bianca. Tiningnan niya ito kung sino at napataas ang kanyang kilay ng makita kung sino ito.
"Harang-harang kasi sa dinadaanan," mataray nasabi ng nakabunggo sa kanya.
"Aba't kasalanan pa ng kaibigan ko?" inis sambit ni Misha.
"Hayaan mo na, Mish," awat ni Bianca sa kaibigan.
"Shut up, Misha, hindi naman ikaw ang binunggo ko kung makatahol ka," mataray nasabi nito.
"Tahol? Ano ako aso? Aba Rachel kung titingnan sa ating dalawa mas mukha ka pang aso." Ayaw paawat ni Misha, hindi ito nagpapatalo.
"Tama na 'yan, Mish, umalis ka na Rachel," mahinahon nasabi ni Bianca. Baka matawag pa sila sa guardian office dahil dito, first day of school pa naman.
"Halika na, Rachel, huwag mo ng kausapin 'yang mga loser na 'yan," sabi ng kasama ni Rachel sabay hila nito.
"Yeah right ,Casey, hindi natin sila ka-level," maarte nasabi nito sabay talikod at naunang pumasok sa canteen.
"Pigilan mo ako, Bianx, baka masakal ko 'yang bruha na 'yan. Kung makasabing loser," nagpupuyos sa galit nasabi ni Misha.
Tinapik ni Bianca ang balikat ng kanyang kaibigan. "Hayaan mo na 'yon," nakangiting sabi sa kaibigan. Pumasok na sila at kumuha ng pagkain. Naghanap sila ng bakanteng upuan at doon na-upo. Habang masayang nag-uusap sila ay napasigaw na lang si Bianca ng may bumuhos na malamig na-juice sa kanya.
"Sorry," sarcastic nasabi ni Rachel.
"Aba't namumuro ka na," tumayo si Misha upang sugurin si Rachel. Hindi na makatiis si Misha sa ugali nito, maliit lang ang pasensya nito hindi tulad ng kanyang kaibigan.
"Mish, wag na," awat nito sa kaibigan.
"Oh, bagay pala sayo Bianca, mas nagmukha ka lalong loser,"nakangiting sabi ni Rachel habang 'yong mga kasama niya sa likuran ay nagtatawanan.
Hinawakan ni Bianca si Misha upang pakalmahin, kilala nito ang kaibigan. Hindi talaga ito nagpapaapi nang kahit sino, mahilig ito sa away. " Alam mo Rachel kung tutuusin mas loser ka sa akin!" Kitang-kita sa mga mata ni Rachel ang gulat sa narinig nasinabi ni Bianca. "Alam ko naman galit ka sa akin dahil feeling mo inaagaw ko 'yong mga endorsement mo. Kasalanan ko ba na mas maganda ako? Kasalanan ko ba na ayaw nila sayo. Dapat kasi mas galingan mo," dagdag nasabi ni Bianca na mas kinainis ni Rachel.
"How dare you?" Sasampalin sana ni Rachel si Bianca pero nahawakan ni Misha ang kamay nito."Oops, ang pikon talo, huwag ka rin magkakamali nasaktan 'yang bestfriend ko baka masapak kita at masira 'yang retokada mong ilong, baka mapagastos ka pa." Binaba nito ang kamay ni Rachel at hinila si Bianca upang lumabas sa canteen.
"Thanks, Mish " Pasalamat nito sa kaibigan sabay yakap.
"Always welcome, Bianx. Paano ka na n'yan. Sobrang basa muna," nag-alalang sabi nito sa kaibigan.
"May damit naman ako sa kotse magpapalit na lang ako," sabi nito sabay ngiti. Mabuti at may lagi itong dalang extra nadamit. Sinamahan naman ni Misha ang kaibigan napumunta sa parking lot upang kunin ang damit. Pagkatapos magbihis ay nagtungo na ito sa kanilang classroom para sa next subject nila. Hanggang sa matapos ang kanilang klase sa araw na ito.
Antok na antok pa si Bianca pero kailangan niya pang sagutan ang kanyang homework. Kanina pa niya ito binabasa pero hindi talaga niya naiintindihan. Nakinig naman siyang mabuti kanina sa klase pero wala talagang pumasok sa kanyang utak.
"Ano ba laman nang-utak mo, Bianca," inis nasabi nito sa sarili sabay pitik ng mahina sa kanyang noo. Nag-alala ito kung ano ang kanyang ipapasa bukas, siguradong mapapahiya na naman siya. Napatingin siya sa kanyang cellphone at nainisip natawagan si Misha. Pero nakatatlong ring na at hindi pa rin nito sinagot. Naisip na lang niya na baka nakatulog na ito.
Kaya kinuha niya ang kanyang laptop at naghanap siya ng sagot sa tulong ni google. Ilang oras pa lumipas ay natapos na rin sa wakas si Bianca pero hindi ito sigurado natama ba ang kanyang mga sagot. Naghilamos lang ito mukha at ginawa ang kanyang night routine saka natulog.
Kinabukasan, maaga itong nagising kahit kaunti lang ang kanyang tulog. Nagtungo ito agad sa banyo upang maligo at nag-ayos na upang makababa para kumain.
"Good morning, princess," bati ng kanyang ama. Napatakbo ito patungo sa kanyang ama at niyakap ito. Bihira lang silang magkita dahil busy ito sa trabaho. Kaya minsan lang ito umuuwi sa kanila. "I miss you, dad," malambing nasabi nito sa ama.
"I miss you too, princess. Kumain ka muna upang mahatid nakita sa school mo," sabi nito at tinawag ang kanilang kasambahay upang ihanda ang pagkain.
"Dad, magpahinga ka na lang. Malaki na ako kaya hindi mo na ako kailangan ihatid pa," nakangiting sabi nito at nagsimula ng kumain. Nagpumilit pa ang kanyang ama na-ihatid siya pero tinangihan talaga niya ito. Kaya wala nang nagawa ang kanyang ama.
Pagdating ni Bianca sa room ay umupo ito agad sa kanya upuan habang hinihintay ang kanilang guro. Naririnig nito ang ingay ng kanyang mga kaklase, na may kanya-kanya itong ginawa."Tumawag ka kagabi," bungad ni Misha sa kanya, binaba ang bag nadala at umupo ito sa kanyang tabi.
"Magtatanong sana ako about sa homework natin,"sagot nito.
"Nakatulog ako pagkatapos sagutin 'yong homework natin. Okay na ba sayo? Ito oh!" Inabot nito 'yong notebook niya. Tiningnan naman ni Bianca ang sagot ni Misha at napakamot na lang ito ng makita na-iba ang kanyang mga sagot.
"Ano ba 'to," mahinang reklamo ni Bianca. Napatingin naman agad si Misha sa kanya at napataas ang kilay ng makitang nakabusangot ito. Kaya kinuha niya agad ang notebook ni Bianca upang tingnan ang sagot. Napapikit na lang ito sa kanyang nakita, lahat ng kanyang sagot ay mali at hindi niya alam kung anong solution ang ginawa ng kanyang kaibigan para maging ganito. "Ang hirap naman kasi, hindi ko maintindihan kung paano sagutan 'yan," dagdag ni Bianca.
"Copy mo na lang 'yan, explain ko sa iyo mamaya," sabi ni Misha sa kaibigan. Kaya nagmamadali inulit ni Bianca ang kanyang homework, sakto naman pagdating ng kanilang guro ay natapos na ito. Pagkatapos nilang ipasa ang homework ay pinakita nito sa kanila kung paano kunin ang tamang sagot. Napatingin naman siya kay Misha dahil tama ang lahat ng sagot nito.
"Alam ko 'yang tingin na 'yan, your welcome Bianx, ako lang 'to," mahinang sabi nito sabay kindat. Kaya napailing nalang ito at tumingin nasa pisara upang makinig. Pero tulad pa rin ng dati ay walang pumasok sa kanyang utak.
Natapos ang kanilang klase nawala man lang pumapasok sa utak niya. Kinakabahan natuloy ito dahil bukas ay magkakaroon sila ng pasulit. Nasa rooftop sila ni Misha habang kumakain nang nabili nilang pagkain. Dito sila mahilig magtambay kapag wala ng klase.
"Ilang years na lang ay magtatapos na tayo," excited nasabi ni Misha. "Ano ba kukunin mo pag-college Bianx?" tanong nito sa kaibigan.
"Ako? hindi ko alam, alam muna gulong-gulo na-isip ko. Kung ano ba talaga kukunin ko kapag nag-college na ako. Hindi ko alam kung ano ang gusto ko," malungkot nasabi nito at ininom ang juice nahawak. Sa tuwing naiisip niya kung ano ba ang gusto niya gawin para sa future niya ay hindi niya malaman ang sagot. Minsan nakaramdam siya ng inggit sa kapatid. Maganda ang buhay nito ngayon at masaya ito sa buhay.
"H'wag kang mag-alala, malalaman mo din 'yan. Mataas pa naman ang panahon, makapag-isip ka pa." Nagkatingin sila saka biglang nagtawanan. Mabuti na lang talaga may kaibigan si Bianca na tulad ni Misha. Sa tuwing kailangan niya ito ay lagi itong nandiyan para sa kanya. Hindi siya nito iniiwan at lagi itong nasa tabi niya upang tulungan siya.
"Ano ba kukunin mo na kurso, Mish?" tanong nito.
"Gusto ko kumuha ng medisina, matagal ko na talaga itong pangarap. Sinabihan ko naman si mommy at daddy tungkol dito, masaya ako at pumayag sila," wika nito. Masaya si Bianca para sa kaibigan dahil alam talaga nito kung ano ang gusto na makuha sa buhay. Siguro kapag hindi pa rin talaga niya malaman ang gusto ay kukuha na lang siya ng business at ipagpatuloy ang pagiging model. Hindi naman talaga niya gusto maging model pero 'yon ang gusto ng kanyang ina kaya wala na siyang nagawa at sinunod ang gusto nang-ina.
Nang makita nilang medyo madilim na ang paligid ay nagpasya silang umuwi na, agad naman nagpahinga si Bianca. Kinabukasan, pagkatapos ng kanilang exam ay sinabihan si Bianca na huwag muna lumabas dahil kakausapin ito ng teacher niya.
"Bianca, may problema ba?" tanong nito sa kanya. "Gusto lang kita sabihan na ikaw ang nakakuha ng pinakababang marka ngayon. Mag-aral kang mabuti dahil next year ay nasa 4th year ka na," dagdag nito.
"Yes ma'am." Iyon lang ang nasabi ni Bianca, may sinabi pa ang kanyang guro bago ito tuluyan na umalis. Lumabas si Bianca sa kanilang classroom nawala sa sarili kaya nabangga niya bigla si Rachel.
"Ano bang problema mo?" Malakas na tinulak siya nito kaya napa-upo ito sa sahig. "Akala mo siguro nakalimutan ko 'yong sinabi mo no'ng isang araw. Ang kapal mo naman nasabihan akung loser, eh bobo ka naman. Ganda lang ambag mo," inis nasabi nito saka agad na nilagpasan siya nito. Napatayo na lang si Bianca, kahit medyo nakaramdam ito ng sakit. Tinawagan na lang niya si Misha at tinanong kung nasaan ito. Pagkatapos malaman ay agad nitong pinuntahan
"May problema ba?" Iyon agad ang tanong nito sa kanya. Nginitian n'ya lang ito at sinabi nawala, hindi n'ya sinabi ang totoo baka kasi mag-alala pa ito. Nagyaya si Misha nakumain sila sa labas kasi na-miss na nitong gumala rin. Upang malimutan ang problema, agad naman itong pumayag. Nagsuot lang ito nang-mask upang iwas na rin sa gulo, baka kasi matulad ng dati na makilala ng kanyang mga tagahanga kaya dinumog ng kanyang mga fans.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top