[B-2] Chapter 63: Finale
Third Person's POV
Tahimik na pinag-mamasdan ni Taehyung si Jennie na ngayon ay katabi nyang nagpapahinga sa loob ng kanyang kwarto. Mula nung na discharge si Jennie, kinausap ni Taehyung ang parents ni Jennie na pumayag rin naman sa gusto nyang sa bahay na lang nya ito magpahinga hanggang sa bumalik ang dating lakas ni Jennie para mapanatili syang ligtas
Kahit naka-kulong at nag babayad na si Chanyeol sa lahat ng mga kasamaang ginawa nya sa kanila, hindi parin maalis ni Jennie, Taehyung at ng pamilya nila ang galit sa kanya dahil sa nangyari
Tinapos na ng parents ni Jennie ang partnership ng kanilang kumpanya sa kumpanya ng mga magulang ni Chanyeol at sinampahan ang binata ng patong-patong na kaso nila Jennie, Taehyung, at ng mga magulang nila. Ginawarang guilty ng kongreso si Chanyeol sa lahat ng kasong sinampa sa kanya kaya ngayon ay habang buhay na nyang pagbabayaran ang mga kasalang nagawa nya
Nang dahil sa nangyaring insidente, mas lalong napatibay nito ang relasyon, tiwala at pagmamahalan nila Jennie at Taehyung sa isa't-isa
Ngayong kasama na ni Taehyung si Jennie at siguradong wala nang sino pa ang hahadlang sa relasyon nila, naging buo na ang desisyon ng binata na pakasalan si Jennie sa lalong madaling panahon
Jennie's POV
6 months later.....
I was so busy applying make-up on my face when suddenly my phone started to rang
I picked it up and answered it
"Yes, hello?"
"Ma'am, ready na po ang venue ng event. Nagpapapasok narin po sa entrance ng mga early guests for tonight"
"Keep up the good work. I'll just inform Mom and Dad about the updates. In fourty-five minutes we'll be there, alright?"
"Sige po Ma'am"
"Thank you"
Binaba ko na ang linya at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Today is a very special day for our family. Ngayong araw na ito kasi ang 25th anniversary celebration para sa kumpanya namin. I just can't believe how time flies so fast
It seems like yesterday when they keep on introducing me to some other rich heirs like me para lang mapaganda ang takbo ng kumpanya namin. But now, they don't have to do that anymore dahil boyfriend ko lang naman ang isa sa dahilan kung bakit naibangon ang kumpanya namin
And speaking of him... I wonder where he is now?
I instantly applied the dark red lipstick on my lips to finally finish my make-up when someone knocked at my door
"Bukas yan" sabi ko
Automatic na napangiti ako nang makita si Taehyung na pumasok sa kwarto ko. Nakasuot sya ng dark-green americana suit, black pants and shoes, at naka brush-up ang ayos ng buhok nya na ikina-10x ng kagwapuhan nya
"Ohmygod, bakit kailangang ganyan ka ka-gwapo?"
Ngumisi ang loko at lumapit saakin. He kissed me in my cheeks and wrapped his arms around me
"Ikaw nga oh. Tignan mo nga yang suot mo sa salamin. Bakit ba kasi ang sexy at ang ganda mo at the same time?" papuri nya sabay bitaw saakin
Bahagya akong natawa sa sinabi nya
"Ayaw mo ba ng ganun?" tanong ko
He scoffed. "Syempre naman gusto ko. Ang kaso lang kasi, bakit kailangan ganyan ka-ganda yung ayos mo? Malamang mamaya maraming lalaki ang nanakaw ng tingin sayo doon" umirap sya at mukhang nag seselos nanaman
Hinawakan ko ang magkabila nyang pisngi at hinarap saakin. "Hoy Kim Taehyung, sa dami nang napagdaanan ng relasyon natin, hindi ka parin ba napapanatag na sayong-sayo lang ako?" tinaasan ko sya ng kilay
"Tss... Syempre biro lang! HAHAHA. Sige na, hintayin nalang kita sa baba. Pupuntahan ko lang muna sila Mama at Papa to congratulate them" paalam nya at tumango naman ako
And yes, Mama at Papa na ang tawag nya kay Mommy at Daddy. Paano yun nangyari? Well sinabi lang ni Taehyung saakin na yun daw ang gusto nilang itawag sa kanila since parang anak narin ang turing nila sa boyfriend ko
For the last time, pumunta ako sa tapat ng malaki kong salamin so loob ng walk-in closet ko to check my whole look. I'm wearing a red silk fitted long dress with a high-slit on the side of it paired with jewelries and pointed high-heels for my shoes
I grabbed my phone and my clutch bag at the top of my bed and went outside
¦
"Hi guys!" bati ko sa mga kaibigan naming nakaupo na dito sa nine-sitter round table
"Jusme ang tagal nyong dumating ni Taehyung ah" reklamo ni Lisa
"Oo nga! Saka mas na una pa yung mga magulang nyo kesa sa inyong dalawa" sabi naman ni Yoongi
"Nako, baka mamaya kung ano-ano pa ginawa nyo ----" hindi na natuloy ni Jimin ang mga sinasabi nya dahil nagsalita ako
"Sira ka talaga! Alam mo ikaw ang dumi ng utak mo" sabay tingin ko kay Rosé. "Rosé, ano bang nakain nitong jowa mo?"
"Hay nako, malay ko ba dyan. Ilang araw na syang puro mga walang sense yung sinasabi. Buntis siguro" sabi ni Rosé kay Jimin na nasa tabi nya sabay irip dito at nagtawanan kami
"Sorry, may dinaanan pa muna kasi kami eh" sagot ni Taehyung
"Congrats nga pala sa twenty-fifth year ng company nyo Jennie!" masayang bati ni Jungkook saakin sabay yakap
"Thank you" I hugged him back
"Uy Jennie, sya nga pala, maaga kami uuwi ni Jisoo mamaya ah" sabi ni Jin
"Huh? Bakit naman?" nalulungkot kong sabi
"Ay oo nga pala" nagsalita si Jisoo. "Mamayang madaling araw kasi may flight kami ni Jin papuntang Japan, mag e-early celebration kami ng anniversary namin doon" kinikilig na sabi nito
"Ay oo nga! Ang tagal nyo na palang magka-relasyon no? Kailan kaya kayo matatapos dyan?" singit ni Namjoon at nagtawanan kaming lahat habang sila Jin at Jisoo ay kulang nalang saktan nila si Namjoon sa mga tingin nila
"Ano ba kayo, okay lang yun. I understand" sabi ko sa dalawa
"Pero hihintayin muna naming mangyari yung pinaka main event nitong party bago kami umalis" agad binatukan si Jin ni Hoseok na katabi nya
"Huy, ang ingay mo naman!" sermon ni Hoseok sa kanya. Halos lahat silang siyam kanina ay sabay-sabay na napatingin kay Jin sa sinabi nya
Ano yun?
"Ah Jennie, tara na. Punta na tayo sa table natin?" nagulat naman ako sa biglang pag-aya ni Taehyung
"O-okay" na w-weirdohan kong sagot sa kanya. "Mamaya nalang guys ah?" paalam ko sa mga kaibigan namin at sumunod na kay Taehyung
Pumunta kami sa table namin na kung saan six-sitters lang ito including me, Taehyung and our parents
¦
After one hour, nagsimula na ang opening remarks ng event. Nag salita ang dalawang host ng event at nagpa-lead ng opening prayer at pagkatapos non, kumanta ng national anthem, at tinawag sila Mommy at Daddy para sa opening speech nila
Napuno ng malalakas na palakpakan ang buong lugar nung umakyat sila Mom and Dad at tumayo sa podium habang may hawak na dalawang mic
Halos nasa lagpas five hundred na mga tao ang nandito ngayon sa loob ng venue. Including all of the staffs of our company, business partners, investors, close-friends, and other guests of ours ang andito
May mga photographers at journalists ang nainvite dito para i-cover ang event na ito for the public na ngayon ay busy sa pagkukuha ng pictures kanila Mom and Dad
"A very pleasant and wonderful evening to everyone" nakangiting panimula ni Mommy. Nagpalakpakan ang lahat. "My husband and I cannot express how happy we are in celebrating this very memorable day for us. Our company is now at it's 25th year and I'm expecting that those 25 years will continue to go on until the very end. I would like to thank all of you who's here with us right now. To our staffs, employees, business partners and investors. Thank you for giving your best in this company. Our 25th year in the industry would be nothing without you guys" sabi ni Mommy at muli syang pinalakpakan
I got teary-eyed after her speech. Inabutan naman agad ako ni Taehyung ng panyo nya na agad kong pinunas saaking tears of joy
Si Daddy naman ang nagsalita ngayon. "This night was made to celebrate the success of the company and also for us to enjoy. So now, the buffet and drinks are ready. Let's all have fun tonight everyone. Thank you!" masayang sabi ni Daddy pag tapos non ay naghiyawan at nagpalakpakan ulit kami
Finally, oras na para kumain
¦
After I finished eating, tinawag ako nila Mom and Dad to entertain some of our special guest. Business talks here, there, and everywhere
Pagkatapos non ay bumalik ako sa table namin. Katabi ko sa kanan si Mommy habang nasa kaliwa ko naman si Taehyung. Si Daddy naman ngayon ay agad na sumenyas sa mga host na may sasabihin raw sya kaya ngayon, unti-unting humina ang tugtog sa venue and nag dim ng konti ang mga ilaw
"Good evening again everyone" nakangiting panimula ni Dad at nagpalakpakan ang lahat
Akala ko ba tapos na yung speech nila kanina?
"Ma, anong meron?" bulong ko kay Mommy. Hindi sya sumagot saakin sa halip ay ngumiti lang sya at hinagod ang kamay ko
What's going on?
"I would like to take this opportunity to tell everyone that I will be now stepping down at my position as the CEO of the Company"
Ano!?
Lahat ng tao ay nagulat sa sinabi ni Dad, including me of course
"Marahil maraming nagtataka sainyo kung bakit parang ang bilis naman ata. Oo, malakas pa ako at kaya ko pang mamuno. Pero, meron pang isang tao na katulad ko ang alam kong mas kaya pang higitan ang nagawa ko para sa kumpanya namin. And that person is none other than, my daughter"
My eyes instantly widened when I heard what Dad said. Napuno ng malakas na palakpakan ang paligid at halos lahat sila ay nakatingin sa direksyon ko. Mom was smilling from ear to ear as she looks at me. Si Taehyung naman ay nakangiting pumapalakpak ng malakas habang nakatingin rin saakin ganun rin ang parents nya
"So may I call on Miss Jennie Kim to join me here in this stage as the new CEO of the company!" sabi ni Dad na nakatingin narin saakin ngayon
Dahan-dahan akong napatayo sa upuan ko. Hindi parin nag p-process ang lahat saakin. Hinawakan ni Taehyung ang kamay ko
"Let's go?" pag-aya nya at nakangiting tumango naman ako
Before we started walking, napatingin ako sa mesa ng mga kaibigan namin na kung saan lahat sila ay mga nakangiti at masayang-masaya sa nangyayari para saakin
Taehyung lead me up to the stage. Lumakad na ako para salubungin doon si Daddy. He gave me a very warm hug as he carresed my back
"Thank you Dad" naiiyak kong sabi
Nginitian nya ako at inabot ang microphone saakin
"Say some speech, anak" bulong nya saakin at tumango naman ako
I came closer at the podium where in I began talking. "Oh my gosh, I seriously don't know what to say right now" panimula ko at nagtawanan sila. "Dad" I looked at him. "Thank you for giving me this position as the new CEO of our company. I'll promise you and Mom that I will do my best to work harder. Sisiguraduhin kong hindi nyo pagsisisihan ang desisyon nyo. I'll apply everything that I've learn from the both of you" nakangiti kong sabi kay Daddy
"At para naman sa lahat ng employees, business partners and investors ng kumpanyang ito, I'll promise you guys that your time and money invested in this company, will be all worth of a work. Thank you so much" sabi ko at nagtayuan at nagpalakpakan silang lahat
I hugged Dad after my speech and gave him the mic. Inakbayan nya ako at muli syang nagsalita sa mic
"Actually, hindi lang iyon ang gusto kong sabihin sa inyong lahat" sabi nya na muling gumulat saamin
I looked at Mom and mukhang hindi rin nya alam ang sinasabi ni Dad. Hinanap ko si Taehyung sa baba ng stage and saw him handling a mic in his right hand
What is going on?
"We are celebrating tonight not one, not two, but three occasions at a time" biglang tumingin saakin si Daddy habang ako nakakunot at salubong ang noo at kilay ko
Sobra akong naguguluhan sa mga nangyayari. May isang celebration pa? But what is it?
"So may I call on Mister Kim Taehyung to come here in this stage to reveal to us what the third celebration is" sabi ni Dad na ngayo'y nakatingin na kay Taehyung. Umatras si Dad saka binaba ang mic sa podium at iniwan ako sa stage
"Daddy ano to?" naguguluhan kong tanong but he just smiled and nod at me
Napatingin ako kay Taehyung na ngayon ay naglalakad na papalapit saakin dito sa taas ng stage
Bumibilis ang tibok ng puso ko habang papalapit sya saakin. Nagulat naman ako nang biglang nag dim ang mga ilaw at tinapat ang spotlight saaming dalawa
Biglang naghiyawan yung mga tao na parang kinikilig sa mga nangyayari na nag papataka saakin
Taehyung held my hand and I do the same thing. Ngumisi sya nang makita ang reaksyon ko at nagsimula na syang mag salita
"Good evening everyone"
His deep and sexy voice gives shivers to my skin. Bakit ba sya ganyan?
"I'm sure alam nyo naman na kung sino ako sa kumpanyang ito at kung sino ako sa buhay ng magandang babae na katabi ko ngayon" bigla syang tumingin saakin at ngumisi
Can I say this?
Bakit pinapakilig nanaman ako ng lalaking ito?
"Jennie" hinarap nya ang sarili nya saakin. "Ilang taon na ang nakakaraan mula nung nagkakilala tayo. Marami na tayong napagdaanang pagsubok sa relasyon natin na ngayon ay mas nagpatatag sa pagmamahalan natin. I must say, you coming to my life, was the biggest, craziest, and happiest thing I could ever ask for" binitawan nya ang kamay ko at umatras
"That's why I want everyone in this room to know how much I love you, so much that I'm now asking you if you could spend forever with me"
Hindi ko napigilan ang pagluha ko nang biglang lumuhod si Taehyung sa harapan ko. Umingay ang buong paligid namin sa hiyawan pero wala akong pakielam dahil nakay Taehyung lang ang buong atensyon ko ngayon
Nilabas nya ang maliit na pulang box galing sa bulsa ng suit nya sa loob. Binuksan nya ito. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita ang pamilyar na singsing sa maliit na kahon
I looked at him in the eyes with awe and happiness seing that ring in his hands
"4 years ago, I offered you this same ring nung nagkukunwari pa tayong mag boyfriend at girlfriend hanggang sa naging saksi ang singsing na ito kung paano tayo parehas na nahulog sa isa't-isa hanggang sa naging totoo ang pagmamahalan nating dalawa"
Kaagad kong pinunasan ang mga luha ko dahil muli kong naalala ang lahat saamin noon
"But then one day, our love suddenly fell apart. Dahil sa kasalanang nagawa ko sayo noon, binalik mo saakin itong singsing nung naghiwalay tayo at pinili mong sa ibang bansa mo tatapusin ang pag-aaral mo para makalayo ka sa akin"
Mas lalo akong naluha sa mga sinabi nya ngayon
"My life without you after our break up, is like torture to me. Hirap na hirap ako sa buhay ko noong wala ka sa tabi ko, Jennie. Maybe it's a miracle na nakayanan kong mabuhay ng wala ka sa loob ng tatlong taon"
Hindi parin ako tumitigil sa pag-iyak ng biglang hawakan ni Taehyung ang kaliwang kamay ko
"But now, we all know that things have changed except for our love. Kaya ngayon, hinihingi ko ang kamay mo sa harap nilang lahat that if maybe you could spend your whole life with me" he smiled
Tinanggal ni Tehyung ang singsing sa box at binalik nya ang maliit na kahon sa suit nya
Hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa lahat nang nangyayari ngayon. My heart was filled with so much love and happiness realizing where this thing is leading for
"Jennie Kim, will you marry me?"
Hindi ko muna sinagot ang tanong nya. Instead, I held his cheeks and kissed him in his lips
Mas umingay lalo ang paligid namin sa ginawa ko. I felt his smile as we kissed
Pagkatapos non ay hinila ko sya para tumayo saka kinuha ang mic sa kanya
"Yes, Taehyung. I'll marry you" nakangiti kong sagot sa tanong nya
Malaking ngiti galing sa kanya ang nakita ko. Kasabay non ay ang pagsuot nya ng singsing sa kaliwang ring finger ko
It feels so good na suot ko ulit ito matapos ang lahat ng nangyari saamin. Akin nga talaga to
Taehyung grabbed my waist as he kissed me in my lips
Damn, I'm really getting married with this perfect man of mine
Taehyung's POV
3 months later.....
"I now pronounce you as husband and wife. You may now kiss the bride"
Agad kong tinignan si Jennie na ngayon ay asawa ko na
We both smiled at each other as we sealed our vows with a kiss
Magkalapit ang mga mukha namin ngayon at kitang-kita sa mga mata kung gaano kami kasaya sa piling ng isa't-isa
"More!"
Sabay kaming napatingin sa kanilang lahat
"Paano ba yan, isa pa daw" nakangiting napatingin naman ako kay Jennie ng bigla nyang sinabi iyon saakin
And just like that, I kissed her again like there's no tomorrow
Ito na yata ang pinaka masayang araw ko sa buong buhay ko
¦
Natutulog na ng mahimbing si Jennie ngayon dito sa tabi ko. Alas-dos na ng madaling araw ngayon. We just ended our first night as husband and wife with our first honeymoon
Kanina ko pa sya pinagmamasdan na natutulog at nagpapahinga ngayon. Well I understand na napagod sya sa honeymoon namin kaya ganon. But I just can't believe na habang buhay ko nang makakasama ang taong mahal na mahal ko at mahal na mahal rin ako
Dahan-dahan kong hinimas ang maganda nyang pagmumukha na ngayon ay nakaharap saakin. Kahit pala talaga natutulog sya, na i-in love ako sa kanya
Kanina pa ako hindi mapakali dahil hindi lang talaga kasi ako makatulog at gusto kong pag-masdan ng maigi ang mukha ng napaka-gandang misis ko
Sa dinami-rami naming napagdaan ni Jennie noon, sino bang mag-aakala na ang dating Temporary Girlfriend ko noon, ay naging.....
Permanent Wife ko na ngayon.
-The End-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top