[B-2] Chapter 62: Caught You

Jennie's POV

A few days ago.....

"Mabuti naman at hiwalay narin kayo. Finally, I can do whatever I want with you" Rinig ko ang pag ismid nya sa kabilang linya

"Mangako ka saakin na tutuparin mo ang pangako mong hindi mo na kahit kailan pa sasaktan si Taehyung at hindi mo idadamay ang mga magulang ko dito" sagot ko

"Don't worry Jennie, I know how to fulfill my promises"

Hindi na ako umimik sa sinabi nya at hinintay nalang kung meron pa syang idadagdag

"Maghanda kana pagatapos ng dalawang araw"

"Anong pinaplano mo?"

"I'll meet you at the airport. Aalis na tayo dito and you have to come with me. Sinabi ko naman na noon na sasama ka saakin once you and Taehyung broke up, right?"

Hindi ako nakapagsalita at napatingin na lang ako kay Taehyung na nasa harapan ko. Naririnig nya ang lahat ng sinasabi ni Chanyeol ngayon dahil naka-set sa loud speaker ang usapan namin sa phone. I can see that he's really really upset to every single thing that he's hearing right now and I can't blame him for that

"Pumayag ka na dito noon Jennie, hindi ba?" I can hear a tone of threat based on how he said that

Muli akong binalot ng takot at kaba. Hinawakan ni Taehyung ang kamay ko dahilan para mapatingin uli ako sa kanya. He nods at me as a 'sign'. Humingang malalim muna ako at sinabing

"Oo na. Sasama na ako sayo"

¦

Makalipas ang dalawang araw pagkatapos ng huling pag-uusap namin ni Chanyeol, heto ako ngayon na nakatayo at naghihintay sa labas ng airport katabi ang malaking maleta ko. Just like what he said before, dito kami magkikita bago ako sumama sa kanya.

Sa totoo lang, I really don't have an idea kung ano na ang mangyayari sa buhay ko pag natapos ang araw na ito. I have to admit that whatever is happening to me right now, I'm really scared of where is this leading for

After a few minutes of waiting, I already saw Chanyeol who is now walking coming to me. Isang malaking maleta lang ang hila-hila nya sa kanang kamay habang bitbit nya ang passport at dalawang plane tickets sa kaliwang kamay nito.

Seeing him right now makes me feel really scared, uncomfortable, nervous, and mostly unsafe. Hindi ko alam kung ano na ang tumatakbo sa utak ng lalaking ito. Baka mamaya maling galaw ko lang, malagay kaagad sa peligro ang buhay ko. Kaya naman ang tanging kailangan kong gawin ngayon ay sundin lahat ng gusto nyang mangyare

Agad kong binulsa ang cellphone ko at naglakad narin para salubungin at kausapin sya ng maayos

"Sinunod ko na ang lahat ng inutos mo at tumupad ako sa usapan nating sasama ako sayo. Now, can you assure me na wala ka nang gagawing masama mula ngayon?" mahinahong sabi ko sa kanya

He removed his shades and hanged it at his shirt. "Bakit ba takot na takot ka? Wag kang mag-alala, desidido na akong magbago lalo pa't nalaman ko nang mas pinili mo ako kesa sa Taehyung na yon" Ngumisi sya saakin at nagdire-direcho ito sa paglalakad

Why do I have this certain feeling na parang hindi totoo ang mga sinasabi nya kanina? Para bang pinapasakay nya lang ako sa mga sinasabi nya para makombinsi ako

"Jennie" rinig kong tawag nya saakin

Agad akong napalingon sa likuran ko at nakitang nakapila na si Chanyeol papasok sa entrance

"Let's go?"

Tumango naman ako at sumunod sa kanya. Pinauna nya ako sa pila kaya mas nauna akong nakapasok sa loob. Kita sa monitor ang nagsisilbing scanner sa mga dala naming mga gamit. Kita roon ang mga damit at iba ko pang gamit sa loob ng maleta ko. Agad ko itong kinuha at muling tumingin sa monitor para makita ang kay Chanyeol. Napatingin ako sa kanya na ngayon ay kinuha narin ang maleta nya

Wala syang dala na kahit anong deadly weapon sa maleta nya which is a good thing dahil ibig sabihin lang non ay wala syang delikadong balak sa araw na to

Habang naglalakad kami, bigla na lang napahinto si Chanyeol

"May problema ba?" tanong ko

"Give me your phone" sabi nya sabay lahad ng kamay nya sa harap ko

"P-para saan pa?" naguguluhan kong tanong

"Just to make sure na wala kang ibang matatawagan mamaya once we get on board" kalmado nyang sabi

Walang pag-aalinlangan kong binagay kaagad kay Chanyeol ang cellphone galing sa bulsa ko. I have no choice but to do everything that he wants me to

Binulsa nya ang cellphone ko at pagatapos non ay mabilis nyang hinawakan ang kamay ko na syang ikinagulat ko

"Masanay ka na sa ganito Jennie dahil mula ngayon, its only gonna be me and you together" naka ngiti nyang sabi saka kami muling naglakad

Hindi na lang ako nagsalita pa sa sinabi nya at hinayaan nalang sya. Huminto kami sa paglalakad dito sa tapat ng sikat na coffee shop

"May bibilhin lang akong inumin. May gusto ka ba?" binitawan na nya ang kamay ko

"Ah hindi na... Okay lang ako. Mag c-cr lang ako saglit tapos babalik rin ako kaagad dito" kabado kong sagot sa kanya

"Alright" tumango lang sya at pumasok sa loob

Dali-dali akong naglakad papunta sa pinaka malapit na cr dito sa airport. Nang makapasok ako, agad kong chineck ang ibang cubicle kong may mga tao ba rito. Pagatapos non, nilapag ko sa sahig ang malaking maleta ko saka binuksan ito. Kinuha ko sa pinakatagong bulsa ng maleta ang isa ko pang cellphone

Tama lang talaga na dalawa ang dinala kong cellphone dahil may kutob na ako na magdududa parin sya saakin

Nagmamadali kong binuksan ang telepono at tinawagan si Taehyung na agad naman nyang sinagot

"Taehyung!" nagsimula na akong kabahan

"Jennie!? Bakit ka tumawag? Ano nang nangyayare? Ayos ka lang ba? May ginawa ba syang masama?" a worried tone is heard from him

"Ayos lang ako Taehyung. Tumakas lang ako sa kanya ngayon at nandito ako sa cr. Kailangan ko ring bumalik mamaya dahil baka hanapin na nya ako. Nasaan na ba kayo?" napatingin ako sa aking relo. "Aalis na kami thirty minutes from now. Taehyung hindi ko na alam ang gagawin ko, kinakabahan ako"

"Jennie calm down okay? We'll be there immediately. Sisiguraduhin ko sayong matatapos na ang lahat ngayon kaya wag kang mag-alala" he sighed

I took a deep breath and said "I love you"

"I love you too" he replied and a smile was made on my lips

¦

Taehyung's POV

Binalik ko sa bulsa ang cellphone ko. Napapikit nalang ako at sinandal ang ulo ko sa salamin ng sasakyan

Sa totoo lang, kanina pa ako hindi mapakali. Sinong lalake ba ang hindi mapapakali kung ang kasama ng girlfriend nila ay ang taong kinaseselosan at kinagagalitan nila? Wala diba?

"Uy pre, ano? Ayos ka lang ba?" dinilat ko agad ang mga mata ko nung nagsalita si Seokjin

"Sus! Si Taehyung pa ba? Eh ilang problema na kaya ang hinarap nyan. Sisiw lang sa kanya to" sabi naman ni Hoseok na naka-upo sa tabi ko

"Tss... Oo ayos lang ako. Saka pwede ba? Wag nga kayong ganyan, mas kinakabahan ako pag nag-aalala kayo eh" umiling ako at tinuon ang tingin ko sa labas

"Sira ka ba? Panong hindi kami mag-aalala? Buhay mo kaya ang nakataya dito! Buti nalang talaga at mahal na mahal ka ni Jennie kaya nya ginawa to" sumbat naman ni Namjoon na naka-upo sa harap na passenger seat

"Alam ko naman yun okay? Kaya ko nga sya tinutulangan para matapos na lahat at mahuli na yang Chanyeol na yan para maging tahimik na ang buhay namin" sagot ko

"Eh ang tanong... Sigurado ba kayong mahuhuli nga talaga sya?" Agad kong tinignan ng masama si Seokjin na nag d-drive. Tumingin sya sa side mirror at nakita nya ang reaksyon ko

"Oh, bakit? Nagtatanong lang naman ako ah" sagot nya at ngumuso

"Oy Kim Seokjin, manahimik ka na nga lang. Sundan mo yung kotse ng mga pulis"

"Opo boss!" Tss... Siraulo talaga to

Sa totoo lang, hindi ko rin alam ang sagot sa tanong nya kanina. Pero para saakin, gugustuhin kong mahuli na ang lalaking iyon para maging maayos na ang lahat. Wag lang sanang may mangyaring masama mamaya

¦

Jennie's POV

Sampung minuto nalang ang natitirang oras at pagatapos non ay tuluyan na kaming aalis. Hindi ako mapakali kakaisip kung nasaan na ba sila Taehyung at kung bakit hanggang ngayon ay wala parin dito ang mga pulis na aaresto sa lalaking kaharap ko.

"Jennie you look so pale, are you okay?

Nagtama ang mga paningin namin at kita kong nababahala sya sa itsura ko ngayon

"Sumasama lang yung pakiramdam ko" direkta kong sagot

He scoffed at my statement. Kalmado nyang sinandal ang likod nya sa upuan habang nakatingin saakin "Wag mo sabihing... Umaatras kana sa usapan natin?"

Napalunok ako at agad na umiling "H-hinde hinde... Wala lang to. Wag mo akong intindihin"

"Good. Mabuti nang nagkakaintindihan tayo" sagot nya at inalis ang tingin saakin

I sighed in relief after he diverted his eyes on me. Siguro ngang wala syang hawak na kahit anong armas ngayon, pero alam kong marami syang tauhan na pwede nyang utusan. Hindi ako pwedeng magkamali ng gagawin at sasabihin dahil baka mamaya, may masamang nangyayari na pala na hindi ko alam

¦

04:37 pm. Yan ang oras ngayon. Kumakabog ng malakas ang dibdib ko pagka-tayo ko ng upuan. Sinundan ko si Chanyeol na ngayon ay nasa unahan ko na nagalalakad papunta sa boarding area. Inabot nya sa receptionist ang plane tickets naming dalawa

Hindi ko mapigilang hindi maging balisa kakatingin sa paligid dahil hinahanap ko si Taehyung pero hindi ko sya makita

"Ma'am? Maleta nyo po" bahagya akong nagulat nung may humawak sa maleta ko. Pinaubaya ko yun sa kanya at nilagay nya yon sa isang trunk ng itim na sasakyan

Muntik na mawala sa isip ko na private plane nga pala nila Chanyeol ang gagamitin kaya may special treatment na nangyayari ngayon

Pinauna akong pasakayin ni Chanyeol sa malaki at makintab na itim na sasakyan bago sya. Umandar na ito papunta sa landing area ng eroplano

Nakikita ko na sa di kalayuan ang eroplanong gagamitin namin. Yun ay kung matutuloy nga kami sa pag-alis dahil may nakikita rin akong tatlong police mobil at isang hindi pamilyar na sasakyan

Nilingon ko si Chanyeol na ngayo'y nakapikit ang mga mata habang nakasandal sa salamin ang ulo. Ibig sabihin lang neto ay hindi nya nakikita ang nakikita ko sa harapan

Mas lalong kumakabog ang dibdib ko sa kaba kakaisip sa posibleng mangyari mamaya sa oras na makita ito lahat ni Chanyeol

Maya-maya huminto na ang sasakyan sa tapat ng maingay na eroplano dahilan para bumangon si Chanyeol. Sabay kaming bumaba sa sasakyan at pagkababa namin, nagulat nalang ako ng bigla nya akong kinulong sa bisig nya at bumunot ng baril na hindi ko alam kung saan nya nakuha saka ito tinutok sa harap naming dalawa

"Chanyeol ano to!?" gulat na gulat kong sabi

"Bakit? Akala mo ba hindi ko naisip na mangyayari to?" malamig nyang sambit

Tinitigan ko ng maigi ang mga mata nya at kita rito na na tila nag-aalab ito sa galit dahilan para kabahan ako lalo

"Taehyung!!!" sumigaw sya ng malakas at pagkatapos non ay bigla nalang syang natawa "Wag na kayong mag tago dyan. Alam ko namang nakapaligid lang kayo saamin ngayon kaya pwede na kayong lumabas"

"Chanyeol ano ba!? Bitawan mo nga ako!"

Masama ang tingin nya nung nagtama ang aming mga mata. Hindi ko alam na nagluluha na pala ang mga mata ko sa sobrang takot

"Shhh... Tatapusin ko lang to. After that, makaka-alis na tayo dito" ngumisi ito at kinasa ang baril na hawak nya

Nagulat nalang ako nang may biglang malakas na putok ng baril ang narinig ng lahat. Ipinutok ni Chanyeol sa kawalan ang baril nya dahilan para sunod-sunod na mag labasan ang mga pulis na pumalibot saamin

Mas hinigpitan ni Chanyeol ang pag hawak sa katawan ko. Hindi ko napigilang maluha nung tinutok na nila ang mga dala nilang baril sa direksyon naming dalawa

"Park Chanyeol! Ibaba mo yang baril mo ngayon na!" sigaw nung isang pulis

"Chanyeol please sumuko kana!" hindi ko napigilang hindi magtaas ng boses sa kanya habang patuloy na bumabagsak ang mga luha ko

He looked at me confused for a moment. Naramdaman kong unti-unting lumuwag ang hawak nya saakin hanggang sa hindi ko na namalayang tuluyan na nya akong binitawan

"Sinungaling ka"

Nanlaki ang mga mata ko ng bigla nyang tinutok saakin ang baril

"Akala ko ba nagkakaintindihan tayo? Ano? Gusto mo ba talagang may mangyaring masama sa lalaking yon?"

"Tigilan mo na to Chanyeol! Kahit anong gawin at pilit mo, hindi ako sasama sayo!" umiiyak kong sagot

Nakikita ko sa gilid ng mga mata ko na unti-unting nagalalakad papalapit saamin ang mga pulis na nakapaligid saamin

"No Jennie! You're coming with me whether you like it or not!" galit nyang sabi pagatapos non ay malakas nya akong hinila sa tabi nya

"Park Chanyeol!"

Agad akong tumingin sa likuran ko at nakita si Taehyung na mabilis na naglalakad hawak ang baril na nakatutok sa aming direksyon

"Tamang-tama ang dating mo!" nakangising sabi nya pagkakita kay Taehyung "Sakto! Makikita ng babaeng to kung paano ka tuluyang mawawala sa buhay nya"

"Bitawan mo si Jennie!" malakas na sigaw ni Taehyung sa kanya

"Taehyung wag ka nang lumapit! Hayaan mo na ako! Masasaktan ka nya pag lumapit ---" naudlot kong sabi ng biglang tinutok ni Chanyeol sa sintido ko ang baril nya

Lumakas ang kabog ng dibdib ko sa sobrang takot at kaba. Hindi ako makapagisip ng direcho dahil hindi nag sisink-in saakin ang mga nangyayare ngayon. May mga pulis na nakatutok ang lahat ng baril sa direksyon ko, si Taehyung na may hawak na baril habang nakatingin ng direkta saakin, at itong baril na nakatapat sa gilid ko

I can't take this anymore

¦

Third Person's POV

Halos naistatwa si Taehyung sa kinatatayuan nya nang makita sa harapan nito si Jennie na tinututukan ng baril sa ulo ni Chanyeol

Agad na sinantabi ng binata ang baril na hawak nya at sinabing "Ibaba nyo lahat ng baril nyo!" patukoy sa mga pulis na kasama neto

"Sir hindi po pwede! Baka biglang kumilos ang suspect -----" naudlot na sabi ng pulis

"Wala akong pake! Hostage nya si Jennie ngayon! Paano kung bigla nyang paputukin yang baril nya!?" galit na galit nitong sabi

Napatingin ang lahat kay Chanyeol na muling tinutok ang baril sa kanila at sinabing "Taehyung! Ano? Hindi ka ba lalapit dito? Sayang naman ang mga bala ko kung hindi sayo tatama"

Mas lalong sumama ang naging reaksyon ni Taehyung sa narinig nya. Saktong lalapit pa sana sya ng bigla syang pinigilan ng mga pulis sa likod nya

"Sir wag po kayong basta basta kikilos. Ipa-ubaya mo na to saamin"

"Hindi nga pwede! Kailangan nang makawala ni Jennie sa lalaking yon! Ako ang kailangan nya kaya pagbibigyan ko sya!" matapang na sagot ng binata

Nagulat ang lahat nang biglang siniko ni Jennie ng malakas ang lalaking katabi nya at tumakbo pagkatapos dahilan para matumba ang lalaki

Nang makatakbo papalayo si Jennie, agad na may narinig na putok ng baril galing sa mga pulis

Tumama ang isang bala neto sa kanang braso ni Chanyeol dahilan para mapainda ito sa sakit. Kaagad na tumakbo ang mga pulis nang makita ang sitwasyon ng binata at nakita itong pagkakataon para arestohin ito

Mabilis na sinalubong ni Taehyung si Jennie na tumatakbo papalapit sa kanya. Niyakap nila ang isa't-isa nang magtagpo ang mga ito

"Taehyung!" umiiyak na hagulgol ng dalaga

"Shhh... Stop crying. Everything's fine now Jennie. Tapos na ang lahat. Makukulong na ang lalaking yon. You're safe now" kalmadong sabi ng binata sa dalaga habang pinapakalma ito

"Akala ko babarilin ka na nya. Hindi ko alam ang gagawin ko pag nangyari yun" hindi parin mapigil ng dalaga ang pag-iyak nito

"Jennie walang nangyare saakin... Don't stress yourself out. Wala nang barilan na mangyayari. Calm down okay?"

¦

"Narito ang warrant of arrest ng pulisya. May karapatan kang manahimik at hindi magsalita hanggang sa makarating tayo ng istasyon. Arestohin sya" sabi ng head police na kasamang sumugod kay Chanyeol

Duguan ang kanang braso neto kaya bakas sa mukha nya na nahihirapan syang gumalaw. Inangat sya ng dalawang pulis para makatayo. Mahigpit nila itong hinawakan at nilakad. Napapalibutan sya ng hindi bababa sa limang pulis habang naglalakad papuntang police mobil

Nagtagpuan ng mga mata ni Chanyeol si Taehyung na nakatalilod sa direksyon nya habang kayakap si Jennie sa harapan nito

Mabilis na kumilos ang binata nang makita neto ang nakasukbit na baril ng isang pulis sa harapan neto. Tinambangan nya ang dalawang pulis sa gilid nya at mabilis na binunot ang baril sa harap saka eto tinutok sa direksyon ni Taehyung at doon pinutok ang bala

Taehyung's POV

"Chanyeol wag!"

Nagulat nalang ako sa biglang pagtulak ni Jennie saakin

Kasabay non ang malakas na putok ng baril na kita kong hawak ni Chanyeol na nakatutok sa direksyon ni Jennie

"Shit!"

And just like that, Jennie collapsed in front of me. Agad ko syang sinalo at tila ako nanghina sa nakita ko. She was shot at her right shoulder and the continues bleeding of her blood freaks me out

¦

Third Person's POV

Matapos ang ginawa ni Chanyeol, kaagad rin syang binaril sa likuran ng mga police back up. Kinuyog ang binata at dali-daling sinakay ng police mobil

Agad namang tumawag ng ambulansya ang mga police

"Jennie can you hear me???" hindi mapakaling tanong ng binata. Nagluluha na ang mata neto at hindi nya alam ang gagawin

"Jennie ano ba!? Bakit mo ginawa yun!? Hinayaan mo na lang sana na tumama saakin yung bala!" umiiyak na sabi nya

Jennie cupped his cheeks and smiled weakly. "M-mas mabuti nang ako ang tamaan kesa sayo Taehyung" nanghihinang sabi nito. "I already told you right? I'm doing this to protect you" pinikit nya ang mga mata nya

Umiling si Taehyung at kaagad na hinawakan ang kamay ni Jennie "Hindi hindi.... Jennie, kumapit ka okay? Dadalhin ka sa ospital. Magpapagaling ka pa, hindi ka pwedeng mawala" nalilito nyang inalog ang katawan ni Jennie dahil hindi na ito nagreresponde

Mabilis na dumating ang limang medic bitbit ang stretcher na patungo sa direksyon nila. Pinaubaya ni Taehyung sa mga ito ang pagbuhat kay Jennie. Bumalik sila sa loob ng airport at kita rito na pinagtitinginan sila ng lahat ng tao. Si Jennie na nasa stretcher, si Taehyung na duguan ang damit, at mga pulis na nakapaligid sa kanila

Sumakay agad sila ng ambulansya at mabilis na umalis papuntang ospital

¦

"Sir pasensya na po pero hindi na po kayo pwedeng sumunod sa loob" harang ng dalawang nurse kay Taehyung pagkarating nila sa emergency room

Nanghihinang naupo ang binata sa waiting area sa labas ng emergency room. Hanggang ngayon, bakas parin sa mukha nya ang takot, pangangamba, at galit. Napasabunot nalang si Taehyung sa buhok nya sa sobrang galit na nararamdaman nya. Gustuhin man yang puntahan si Chanyeol upang pasakitan to ay hindi nya magawa dahil hindi nya kayang umalis sa tabi ni Jennie lalo pa sa kondisyon nya ngayon. Kaya pinaki-usapan nya ang tatlong kaibigan nyang sina Seokjin, Namjoon, at Hoseok na sila muna ang magpunta sa prisinto para makibalita sa kriminal na iyon

Matapos ang ilang minuto, sunod-sunod na nagsi-datingan ang ibang mga kaibigan nila. Kita rin sa mga reaksyon nila ang takot para sa kalagayan ni Jennie

"Taehyung" tawag sa kanya ni Jungkook. Tignan nya lang ito na mugto ang mga mata

"Papunta na dito ang parents ni Jennie. Wala silang alam sa nangyari kaya kailangan mong ipaliwanag sa kanila kung bakit nangyari to sa anak nila" malungkot na sabi ni Jungkook saka ito umupo sa tabi nya

Hindi umimik si Taehyung. Sa halip,pumikit nalang ito. Lahat ng nangyayari kay Jennie ngayon ay sinisisi nya sa sarili nya dahil sya ang dahilan kung bakit ito nagawa ng dalaga. Walang ibang bagay na tumatakbo sa isip nya kundi ang mabilis na pag-galing ng kasintahan nya

¦

Matapos ang tatlong oras, lumabas na ang doktor dahilan para makuha nito ang atensyon nilang lahat

"Doc kamusta na ang lagay ng anak ko?" tanong ng Daddy ni Jennie

"Is she okay?" maluha-luhang tanong ng Mommy ni Jennie

"Your daughter is now stable Mr and Mrs. Kim. Hintayin nalang natin na magising ang pasyente. Hindi namin alam kung kailan sya magigising pero I'll assure you that it won't take long"

Nakahingang malalim ang lahat sa narinig nila. Lalong naiyak ang Mommy ni Jennie at niyakap ito ng asawa nya. Nakangiti ang mga kaibigan nila sa narinig na balita. Si Taehyung naman ay hindi napigilan ang sarili at sinabing "Pwede na ba namin syang puntahan?"

"Pwede nyo na syang puntahan sa loob pero kailangang by two's lang ang papasok. Baka kasi makaramdam ng suffocation ang patiente at mahirapan ito sa pag hinga. At dapat mabilisan lang po kung mags-stay kayo sa loob. Hindi pwedeng magtagal sa ward ng patiente. If you'll excuse me, aalis na muna ako. Tawagin nyo kaagad ako at ang mga nurses once the patient woke up"

"Thank you, Doc" sagot nila

Kaagad na pumasok sa loob ang mga magulang ni Jennie. Napahingang malalim si Taehyung at nakaramdam ng ginhawa matapos ang lahat. Anf mga kaibigan nila ay hindi rin natago ang nararamdaman nilang saya

Hinintay muna ni Taehyung na mapuntahan ng lahat si Jennie bago sya pumasok sa loob. Nang matapos na sila, nagmadali itong tumayo sa kinauupuan nito at pumasok sa loob ng emergency room

Hindi nya napigilang maluha nang makita nya ang kalagayan ni Jennie. Maraming mga nakasaksak na kung ano-anong sa kamay nito katabi ang malaking tangke ng oxygen at monitoring screen ng paghinga neto

Kumuha ng upuan si Taehyung at itinabi ito sa kama ni Jennie. Agad nyang hinawakan ang kamay nito saka ito hinalikan at nilagay sa pisngi nya

"Jennie please wake up... Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag hindi ka pa nagising. I'm sorry because I am the reason why you're in this condition... Hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa oras na may mangyaring masama ulit sayo... Naririnig mo man ako ngayon o hinde, gusto kong malaman mo na sobra-sobra akong nagpapasalamat dahil nagawa mong itaya ang buhay mo para lang maprotektahan ako. I didn't know what I did for me to have someone like you" huminto sya saglit saka hinawakan ng dalawa nyang kamay ang kamay ni Jennie

"Gumising kana kasi pakakasalan pa kita"

And just like that, nakaramdam si Taehyung na parang gumalaw ng kaonti ang kamay ni Jennie. Halos mawala sa sistema si Taehyung nang unti-unting idinilat ng dalaga ang mga mata nya saka ito ngumiti nang makita sya nito

Hindi napigilan ni Taehyung ang pag ngiti nya dahil sa wakas, gising na ulit si Jennie

—To be continued—


[A/N]: So apparently, isang chapter nalang ang natitira para sa My Temporary Girlfriend kaya sorry in advance dahil bibitinin ko nanaman kayo dahil hindi ko alam (as usual) kung kailan ulit ako mag u-update hehe. Thank you so much and see you na lang sa last chapter and last author's note! Keep safe & ily'all! ♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top