[B-2] Chapter 61: Make It Right
[A/N]: Wag sana kayo maging silent reader, please lang hehehe
Jennie's POV
Tulala akong nakatingin sa maingay na tv. Walang nanunuod rito pero binuksan ko ito kanina para naman hindi ako mabingi sa katahimikan
"Oh. Dalawang araw ka na nilang hinahanap ah. Alam mo bang hirap na hirap nakong magpanggap na walang alam sa nangyayare?" nilapag nya sa mesa ang kakaluto lang nyang pagkain para saamin
"Si Taehyung din ba hinahanap ako?" matamlay kong tanong
"Sa tingin mo pag tapos nung ginawa mo wala na syang pake sayo? Jennie mahal ka nung tao kaya malamang hinahanap ka non" umupo na sya sa tapat ko
"I think I've messed everything up" I sighed
"Tsk! Pwede ba mamaya ka na lang mag-drama dyan? Kumain muna tayo" sabi nya at agad na tinikman ang luto nya
Natawa nalang ako habang pinapanuod syang kumain
"So ano nang balak mo? Uuwi ka parin ba sainyo? Hanggang kailan ka hindi magpapakita sa kanila?"
I smiled at him "Wag kang mag-alala, mamayang hapon, aalis narin ako"
"Hoy Jennie, hindi kita pinapaalis ah. Sinasabi ko lang sayo na maraming tao ang nag-aalala para sayo. Alam mo, pasalamat ka na lang talaga na mabait ako at pinatuloy kita dito sa bahay ko" umiling sya at pinagpatuloy ang pagkain
"Thank you sa lahat ha" malumanay kong sambit at sinimulan naring kumain
"Sus wala yun.. Tropa ko kayong dalawa ni Taehyung kaya normal lang na tulungan kita. Ikaw rin naman kase di ka nagsasabi na may ganitong nangyayari na pala sayo" sabi ni Yoongi
Again, I smiled at him. Wala akong ibang naisip puntahan pagkatapos kong hiwalayan si Taehyung nung araw na yon kundi si Yoongi lang. Ewan ko ba pero pagkatapos kong magpaalam sa parents ko at umalis, si Yoongi agad ang tinawagan ko at hiningan ng tulong
Ayoko kasing makitulog sa mga babae kong kaibigan lalo pa't boyfriends nila ang tatlo sa mga matatalik na kaibigan ni Taehyung. Si Namjoon, alam kung busy sya dahil ginto ang oras ng lalaking yon at mahirap makitulog sa kanya dahil malamang may chix na yon kahit di nya sabihin saamin. Si Hoseok naman busy rin, napaka workaholic na nya nitong mga nakaraang araw at ayoko namang guluhin sya
Siguro kaya na kay Yoongi ako ngayon dahil alam kong di sya ganon ka busy dahil kahit natutulog lang sya, may perang pumapasok sa bank account nya. Oo, ganun sya ka-yaman
Wala akong choice kundi ang hindi muna umuwi sa bahay. Di rin ako pumapasok sa opisina namin. Di rin ako nagbubukas ng social media accounts ko lalo pa ng groupchat naming magkakaibigan na kung saan ako daw ang topic sabi ni Yoongi
Siguro kase ayoko munang makita ako ni Taehyung na nagkakaganito pagkatapos nung ginawa ko sa kanya
Pinakiusapan ko ang mga magulang ko na hangga't maari ay sana wag muna nila akong kulitin at hanapin. Sinabi ko naman na sa kanila na okay lang ako. Pagkagising at bago ako matulog ay tumatawag ako sa kanila to check on them. Baka kasi bigla silang puntahan ni Chanyeol sa bahay
Speaking of Chanyeol, hindi parin nya alam na nagawa ko nang hiwalayan si Taehyung. Natatakot kasi ako na baka hindi parin sya sumunod sa usapan pag nalaman na nya. Kung matalino syang mag-isip, pwes mas matalino ako because I have my own plans
"Nagawa nyang magbigay ng death threats kay Taehyung at sa parents mo dahil lang sa gusto ka nya?" he said referring to Chanyeol
"May saltik ba yon? Mantakin mo dalawang beses na nyang pinapahamak si Taehyung.. Una sa car accident, pangalawa doon sa bomba, tapos ngayon eto? Ano bang pinakain mo sa lalaking yon at nagkakaganun ang pag-iisip nya?" ngumisi ito at umiiling
"Sa totoo lang di ko inakala na ganun pala sya in the first place. Remembering the fact na muntik ko pa syang maging fiancé always scares me to the bones" sabi ko
"Mahal mo parin naman si Taehyung diba?" tanong nya at napatingin ako sa kanya
"Syempre. Wala naman nang magbabago dun eh" sabi ko at pinagpatuloy ang pagkain
Ngumiti syang bahagya at bumalik sa seryoso nyang mukha "So what's your plan Jennie? Hindi pwedeng wala kang gagawin. Paano si Taehyung? Paano na kayo?"
And that made me stop eating
Paano si Taehyung. Paano na kami.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung talagang gagana ba itong planong paulit-ulit ko nang pinag-iisipan
It will definitely be a clear fifty-fifty result for this plan
Fifty percent na magtagumpay o fifty percent na pumalya
I just really wish that everything will turn out okay after I deal with this mess
¦
"Mag-iingat ka ah" sabi ni Yoongi at agarang sinara ang trunk sa sasakyan ko
I nod at his statement. Ngumiti sya saakin at ganun rin ang ginawa ko. I hugged him and said "Thank you ulit Yoongi.. And please lang, wag mo sanang sabihin kay Taehyung ang lahat ng 'to. I'll handle it myself"
Kumalas sya sa yakap at inirapan ako "Oo tahimik lang ako, promise" he said with his annoyed tone then he raised his right hand doing the promise hand gesture
Ngumiti ako. I waved at him goodbye and he did the same thing. Sumakay na ako sa loob ng sasakyan at agad itong pinaandar. Bumusina ako ng mabilis kay Yoongi at nagmaneho na paalis
Pagabi na ngayon kaya bukas na ang lahat ng street lights sa dinadaan ko at mukhang sasakyan ko lang ata ang gumagamit sa kalsadang eto. Medyo nasa mataas at tagong subdivision kasi ang location ng bahay ni Yoongi kaya naman kakaonti palang ang mga nakatira sa subdivision na to and I assume that everyone of them is filthy rich
I was just driving slowy until I looked at my rear view mirror. Nanliliit na mata ko itong tinitigan dahil hindi ako sigurado kung pamilyar ba ang sasakyan na nakasunod saakin sa likod o hindi
And that's when I widened my eyes. Alam kong kotse nya at sya mismo ang nagmamaneho non sa loob. Agad kong tinapakan ang gas pedal para bumilis ang andar ng sasakyan at kasabay nito ang pagiging balisa ko habang pabalik-balik ang tingin ko sa kalsada at side mirror
Anong ginagawa nya dito?
Iniliko ko ang manibela sa kanang daanan netong kalsada. And this time hindi ko na alam kung ano itong dinadaanan ko
As I was expecting, lumiko rin ang sasakyan nya at sa tingin ko ay mas binilisan rin nya ang pagmamaneho
It's confirmed, he's really following me
Humingang malalim muna ako ng ilang beses bago tuluyang tinapakan ang break pedal
I exhaled deeply and removed the seatbelt off me. Muli kong tinitigan ang side mirror at tama ako, huminto rin sya sa likuran ko
Nagulat nalang ako ng agaran syang bumaba sa sasakyan nya at dire-direchong naglalakad papalapit sa sasakyan ko. Nilingon ko sya sa gilid at nakikita ko na ang galit sa buong pagmumukha nya
Paano nya nalamang andito ako!?
"Jennie bumaba ka dyan mag-usap tayo!" sigaw nya at malakas na hinampas ang kotse ko
Hindi ako nagdalawang isip at agarang bumaba sa kotse ko at hinarap sya
"Anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako?" sabi ko habang hindi parin nagpo-process sa utak ko na andito nga talaga sya sa harapan ko
"Ikaw! Anong ginagawa mo!? Bakit mo ba pinapahirapan yung sarili mo ng ganito!?" sigaw nya saakin
"Alam mo hindi kita ----"
Nanlaki na lang ang mga mata ko ng bigla nyakong hinila at hinalikan. Tutugon na sana ako sa mga halik nya pero natauhan agad ako dahilan para itulak ko sya
"Taehyung ano ba!?"
Inis na inis kong sabi sa kanya. I was angrily looking at him not until he started laughing
"Hoy! May nakakatawa ba akong sinabi, ha?" mataray kong sambit
Tumigil na sya sa pagtawa at lumapit papunta saakin. He was crossing his arms while grinning at me
"Jennie pwede ba wag mo nakong artehan dyan dahil alam ko na ang lahat"
"A-ano!?" hindi ko makapaniwalang sabi
"Alam ko na ang lahat tungkol sainyo ni Chanyeol... His threats, his crimes, and his wild obsession for you" seryoso nyang sabi
"T-teka lang. Hindi kita maintindihan eh... P-paano mo --" he cut me off
"Hindi na mahalaga kung paano ko nalaman ang lahat. Ang importante ay kailangan na kitang i-uwi" sabi nya sabay hila sa kamay ko
"Teka lang! Hindi ko pwedeng iwan yung kotse ko ng basta-basta dito"
"Wag kang mag-alala, tatawagan ko ang tauhan namin at ipapauwi ko yang sasakyan mo sa bahay nyo"
"Pero ----" he cut me off, again
"Kailangang ako na ang lagi mong kasama mula ngayon. Hindi kana dapat humihiwalay saakin lalo pa't mainit ang mata ni Chanyeol saating dalawa"
Nakatulala lang akong nakatingin sa kanya. Sinusubukan kong intindihan ang mga nangyayari saakin ngayon
Niyugyog nya ang kamay ko "Huy! Nakikinig ka ba?"
"Paano mo nala---" for the third time he cut me off again
"Sasabihin ko lang lahat sayo pag sumakay kana sa kotse ko" binitawan nya ang kamay ko at binuksan ang pintuan sa passenger seat ng sasakyan nya "Sasakay ka ba o hinde?" nakataas kilay nyang tanong
I just blinked my eyes while looking at him
Bahala na nga
Taehyung's POV
Tahimik kong sinulyapan si Jennie na ngayo'y naka-upo na dito sa tabi ko. Nakatulala lang sya at hindi nagsasalita. Ngumisi ako
Napapayag ko syang sumama saakin ng ganun kadali. Dalawang araw ko rin syang hindi nakikita at nakakausap kaya naman sobrang miss na miss ko ang babaeng ito
If I could just kiss her right here and now, I'll definitely do that
Pinagpatuloy ko ang pagmamaneho ko. Tahimik ang buong kapaligiran namin nang biglang nag-ring ang cellphone ni Jennie
Agad ko syang tinignan. Nilabas nya sa bag ang phone nya. Patuloy lang sa pag-ring ang telepono nya dahil hindi nya ito sinasagot. Sumulyap sya ng mabilis saakin at agad na dinecline ang tawag
"Taehyung pwede ibaba mo nalang ako dito?"
I clenched my jaw "Hinde"
Humigpit ang hawak ko sa manibela at mas binigyang pansin ang kalsada sa harap ko kahit nagpipigil ako ng galit dahil alam ko na kung sino ang tumawag sa kanya
Matapos ang ilang minutong pagmamaneho ay nakarating na kami sa destination namin
"Anong ginagawa natin dito? Sinong pupuntahan natin?" tanong nya pagkababa namin ngunit di ko ito pinansin at nagpatuloy-tuloy sa paglalakad
Hindi na sya nagsalita pa at sinundan lang rin ako papasok
That's right Jennie, ako lang dapat ang sinusunod mo. Hindi ang lalaking yon
Jennie's POV
Pagtapak na pagtapak ko sa loob nitong napakalaking mansyon, agad na dumirecho ang tingin ko kay Taehyung na hindi ko malaman kung bakit nandito kami ngayon
"Sagutin mo nga ako, anong ginagawa natin dito? Kaninong bahay to?" nakapamewang kong tanong
Umupo sya sa mahabang sofa na parang sya ang may-ari neto. Isinampa nya pa ang paa nya sa center table habang ang mga kamay nya ay pinaglalaruan ang mga throw pillows na nakalagay sa gilid ng sofa
"Wag kang maingay, maupo ka na lang" aniya
Naguguluhan akong nakatitig sakanya
"Alam mo Taehyung maraming tanong ko na ang di mo sinasagot mula kanina pa"
Tumingin sya saakin
"Okay fine. Ask me now then I'll answer you immediately" dumikwatro sya
"Nasaan tayo?" panimula ko
"Sa bahay ko"
"B-bahay mo!? Teka, paano yung condo unit mo? Anong nangyari don?" gulat na gulat kong tanong sa kanya
"Sa tingin mo uuwi pa ako doon matapos kong malamang nakapasok yung hayop na Chanyeol na yon sa loob ng unit ko?"
Oo nga naman
Agad kong pinagmasdan ang loob nitong bahay, I must say hanggang ngayon, hindi parin ako naniniwalang kay Taehyung lang ang bahay na to
"Huy!" malakas nyang sabi dahilan para mabigla ako
"Ano? Wala ka nang itatanong?" malamig nyang tanong
"Paano mo nalaman ang lahat tungkol kay Chanyeol?" umupo ako sa kabilang sofa
"Sinabi saakin lahat nila Jisoo, Rosé at Lisa"
"Ano!?!?"
grabe talaga ang bibig ng mga yon
"Eh paano mo nalamang nakanla Yoongi ako!?" naiinis kong tanong
"Tss... Hindi pa ba obvious? Malamang nagsumbong saakin si Yoongi mismo"
Napanganga nalang talaga ako
Wala na ba talaga akong mapagkakatiwalaan sa mundong 'to!?
"Look, kung may balak kang magalit sa kanilang apat, wag mo nang ituloy" bumangon si Taehyung sa sofa at naglakad papunta sa kusina nitong malaking bahay
Sinundan ko sya
"Wag magalit? Tss.. Taehyung bago tayo maghiwalay, they promised me na hindi nila sasabihin sayo ang dahilan ko. Now look, alam mo na ang lahat!"
"Ano bang kinakagalit mo at takot na takot kang malaman ko ang totoo?! Hindi mo man lang ba naisip na sa lahat ng taong pwede mong pagkatiwalaan, saakin ka dapat unang lumapit at nagsabi!? Kung hindi pa nagsalita si Yoongi na nasa bahay ka nya, sa tingin mo magiging kampante ako sa loob ng dalawang araw mong pagkawala!? Jennie hindi tayo nag-break! Umalis ka lang! So stop saying na wala nang tayo!" sagot nya
Tahimik lang akong nakatingin sa kanya. So sobrang takot ko sa kung anong mangyayari saakin noon, hindi ko man lang naisip na magiging maling desisyon pala na itago ko kay Taehyung ang lahat
I've become so scared and weak. Ni hindi ko man lang nilakasan ang loob kong harapin ang problemang to, sa halip, mukhang lumala pa ata dahil maski si Taehyung ay nagagalit narin saakin dahil hindi ako nagtiwala sa kanya
"Taehyung I'm sorry" agad na pumatak ang mga luha ko. Tumakbo ako papalapit kay Taehyung saka sya niyakap ng mahigpit. He tightly hugged me back
"Hindi Jennie, ako dapat ang humihingi ng sorry sayo dahil alam kong nahihirapan ka ng sobta at ginagawa mo'to para di ako mapahamak" he was caressing my hair. Iniharap nya ako sa sarili nya at agad na pinunasan ang mga luha ko sa mata. Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko
"Ngayon, gusto ko sayo ko marinig ang lahat kung bakit tayo napunta sa ganitong sitwasyon. Tell me everything. Lahat ng inutos, ginawa, binanta, at plano ni Chanyeol. Magtulungan tayo para mawala na syang tuluyan sa landas nating dalawa"
"Pero Taehyung natatakot ako na baka hindi natin magagawa ng tama" sabi ko hindi parin tumitigil sa pagluha ang mga mata ko
"Wag kang mag-alala, itatama natin ang mga desisyong gagawin natin para umayos ang lahat"
And that's it, he convinced me to tell everything to him.
Sana talaga magtagumpay ang plano naming dalawa ni Taehyung
—To be continued—
[A/N]: Ang boring ng chapter na to. But it doesn't matter kasi last 2 chapters nalang at matatapos na ang MTG so I'll make sure na mas exciting ang huling dalawang chapter para sa librong ito. luv ya all! ♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top