[B-2] Chapter 60: Over Again
Jennie's POV
"Ano!?" gulat na sabi nila Lisa, Jisoo, at Rosé
Sinabi ko na kasi sa kanila yung tungkol sa pagbabanta ni Chanyeol saakin. Puro kasi sila tanong at ang bawat sagot ko ay di nila pinaniniwalaan kaya naman sinabi ko na lang ang totoo sa kanila dahil hindi ko kasi kayang tiisin na may tinatago sa kanila lalo pa't sila ang bestfriends ko
"Humingi ka na ba ng tulong sa mga pulis? Jennie, he's not in love with you, he's obsessed with you!" ani Jisoo
"Alam ko yun! Kaya nga sinusunod ko na lang lahat ng inutos nya saakin kagabe para di sya magduda saakin" sagot ko
"Ano nang plano mo? Hihiwalayan mo ba talaga si Taehyung?" tanong ni Lisa
"Syempre hindi. Di ko kayang gawin kay Taehyung yun. Nakapag-desisyon na ako, hindi ko to sasabihin kay Taehyung para hindi lumala ang lahat"
"Then what about your parents? Hindi ba dinadamay nya rin sila?" ani Rosé
"Believe me Rosé, kaya ko'to ng ako lang ang mag-isa, matatapos ko rin tong kabiliwan ng lalaking yon at sinusigurado kong makukulong rin sya sa kasalanan nya saamin ni Taehyung. Baka nakakalimutan nya? Sya ang dahilan kung bakit muntik na mamatay si Taehyung. Hindi pwedeng mamuhay sya ng masaya pagkatapos ng mga nagawa nya"
Lisa held my hand "Kung ano pa man yang mga pinaplano mo, mag-iingat ka at sana magtagumpay ka. Andito lang kami lagi sa tabi mo. At kung kailangan mo ng tulong mula saamin, don't hesitate to ask us" sabi nya sabay ngiti and I did the same thing to her
"Please guys wag na wag nyo sana tong sabihin kay Taehyung lalo na sa mga kaibigan pa natin" pabor ko
"Oo naman, your secret is safe with us" sabi ni Jisoo
"Salamat"
¦
Pagkatapos kong makipag lunch sa mga kaibigan ko ay dumirecho ako sa opisina namin. Halos wala ako sa sarili ko kanina kakaisip sa nangyari saakin kagabe kasama ang walang hiyang Chanyeol na iyon. I'm still not over with his being knowing na ganun pala talaga sya kasama. To be honest, waking up with Taehyung earlier this morning made me feel something. Halong takot, lungkot, pangangamba, at nakokonsensya ako sa tuwing nakikita ko sya. Alam ko kasi sa sarili ko na may napakalaki akong sikreto na tinatago sa kanya
Sana kung malaman man nya kung ano ang sikretong yon, maisip nya na nagawa ko lang iyon dahil sa mahal ko sya at gusto ko lang syang protektahan
Hapon na ngayon at pabalik ako sa condo unit ni Taehyung. Naiwan ko kasi yung mga papeles na kakailanganin kong dalhin sa opisina para sa meeting ng mga board members mamayang gabi
Agad kong kinuha sa bulsa ko ang card na nagsisilbeng susi nitong pinto. Pagbukas ko ng pintuan, laking gulat ko na lang ng bigla kong nakita si Chanyeol na nakaupo sa gitna habang direktang nakatutok ang hawak nyang baril sa direksyon ko
"Aish! Akala ko si Taehyung na"
Hindi ako makapagsalita at galaw dahil sa takot na baka bigla nya itong iputok bigla
"You looked surprised huh? Don't worry, I won't fire this on you" sabi nya sabay ngisi. Tinanggal nya ang bala ng baril nya saka ito nilagay sa isang maliit na box at binulsa iyon kasama ng baril nya sa kanyang likuran
"Anong ginagawa mo dito!? Paano ka naka-pasok!?" di ko napigilang magtaas ng boses sa kanya
Tumayo si Chanyeol sa kinauupuan at naglakad papalapit saakin
"Jennie ano ba!? Bakit ang tagal nyong maghiwalay ni Taehyung? Naiinip na ako" sabi nya at marahan nyang hinaplos ang pisngi ko pero agad kong tinabig ang kamay nya
"Anong sinasabi mo!? Akala ko ba isang linggo pa? Chanyeol naman, kahapon lang tayo magkausap ah? Di mo naiintindihan yung isang linggo!? Wag kang mag-alala malapit na kami maghiwalay!" sabi ko sa kanya
"I've changed my mind"
Nagulat ako at kinabahan sa sinabi nya
"Ano!?"
"3 days. Yan na lang ang natitirang araw para magawa mo ang plano natin. And if you failed, alam mo na kung anong mangyayari" he smriked again
"Plano mo!? Sa pagkakaalam ko, ikaw lang ang may plano! Wag mo akong idadamay sa mga kasamaan mo! Sumosobra kana! Hindi ako papayag sa tatlong araw na yan! Sinabi ko na sayo diba? Mahihirapan akong gawin yon kaagad! Di ka ba makakapaghintay!?" galit na galit kong sabi sa kanya
"Well makakapaghintay pa naman ako. Its just that, gusto ko lang matapos na kaagad kayo para mapasaakin kana kaagad"
"Sagutin mo ang tanong ko, paano ka nakapasok dito?" mahinahon kong tanong
"Mahalaga pa ba yon? Tss... Wag kang mag-alala, di ko na uulitin to. I promise" sabi nya at muling hinawakan ang pinsgi ko pero nilagpasan ko sya at mabilis na kinuha ang kailangan ko saka sya hinila palabas sa unit ni Taehyung
"Umalis na tayo bago pa may makakita saatin. Dito lang rin sa condo na'to nakatira si Jungkook, malalagot tayo pag nakita nya tayong magkasama kung sakali!" sabi ko sa kanya
Taehyung's POV
"Oo saglit lang may dadaanan pa ako dito sa condo, susunod rin ako dyan" binaba ko na ang tawag saka binulsa ang cellphone ko. Nagbukas narin ang elevator kaya lumabas nako kaagad
Habang naglalakad ako dito sa hallway, narinig ko ang malakas na boses ni Jennie kaya naman mas binilisan ko ang lakad kaso may isa pa akong narinig na talagang ikina-init ng dugo ko
"Umalis na tayo bago pa may makakita saatin. Dito lang rin sa condo na'to nakatira si Jungkook, malalagot tayo pag nakita nya tayong magkasama!"
"Ano naman ngayon kung may maka-kita saatin? Natatakot ka ba na baka sabihin nila kay Taehyung na magkasama tayo?"
Boses ni Chanyeol. Hayop sya! Anong ginagawa nya dito!? Bakit kasama nya si Jennie!?
Dahan dahan ko silang sinilip habang nakatago ako dito sa malaking pader, doon ko nakita na hawak ni Jennie ang braso nya habang nakatayo sila sa tapat ng unit ko
Tama ang kutob ko, ginagamit nya si Jennie!
"Oo natatakot ako! Okay na? Halika na umalis na tayo bago pa may makakita saatin dito!" pagpupumilit ni Jennie
Laking gulat ko sa biglang paghila ni Chanyeol kay Jennie at hinalikan sya sa labi
Gustong-gusto ko na silang lapitan at suntukin ng malakas ang lalaking yon pero hindi ko nagawa dahil napunta ang tingin ko kay Jennie na di man lang tumanggi at umiling sa ginawa ni Chanyeol. She's letting him kiss her like that!
Pakiramdam ko biglang nadurog ako puso ko habang pinapanood sila
"Fine... One week... Hiwalayan mo na si Taehyung pagkatapos ng isang linggo at sumama kana saakin"
Ano!?
"Nagkakaintindihan ba tayo?"
A fist was already made in my hands pero dahan-dahan itong nawala nang makita kong tumango si Jennie sa sinabi ni Chanyeol
Did Jennie just cheated on me?
Matapos non ay mabilis na umalis agad si Chanyeol habang si Jennie ay dahan-dahang napa-upo sa harapan ng pintuan ko at biglang humagulgol
At dahil doon agad kong hinabol ang bwisit na lalaki na yon pero huli na ang lahat dahil nakasakay na sya ng elevator. Tumakbo ako ng mabilis papunta sa hagdanan at binilisan ang kilos ko para maabutan si Chanyeol
Jennie's POV
Tahimik kong tinignan ang sarili ko sa harap ng salamin. Basang-basa pa ang buong mukha ko dahil kakatapos ko lang maghilamos dahil ayokong may makahalatang umiyak ako pagbalik ko ng opisina
Matapos nung ginawa saakin ni Chanyeol kanina, pakiramdam ko ako na ang pinaka masamang tao sa mundo dahil hinayaan kong gawin nya yun saakin at sumunod sa mga gusto nya na para bang hawak nya ako sa leeg
Bakit ko ba to ginagawa? Ganto na ba talaga ako ka-baba para hayaang gawin nya saakin to? Sigurado akong kung alam lang ni Taehyung itong mga ginawa ko, paniguradong itatakwil na nya ako at di nya mapapatawad.
Sa kasamaang palad, meron nalang akong anim na natitira pang araw para makapagisip tungkol sa nais ni Chanyeol na sana ay hindi mangyare
Tahimik at kabado akong lumabas ng cr dito sa kwarto ni Taehyung at sa pag labas ko ay halos matumba na ako sa gulat dahil sa nakita ko
Nandito sa loob si Taehyung na nakaupo sa gilid ng kama nya habang direktang nakatingin sa mga mata ko
Teka bakit sya nandito?
"Taehyung? K-kanina ka pa ba dyan? Bakit di ko man lang naramdaman o narinig na pumasok ka?" kabadong-kabado kong tanong
Di ko magawang titigan ng matagal ang mga mata nya kaya agad ko itong iniwasan. Tila nag aapoy ang mga ito at hindi ko gusto ang nakikita ko
Tumayo sya sa kama at lumakad papunta saakin. Sabay sa paglapit nya ay ang malakas na pagtibok ng puso ko dahil sa kaba na diko maintindihan kung bakit ako nakakaramdam ng ganito
"M-may problema ba?" tanong ko
Huminto sya sa tapat ko
Ayan nanaman at nakikita ko ang mga mata nyang tila nag-aapoy sa galit
"May tinatago ka ba saakin?" kalmadong tanong nya ngunit bakas sa facial expressions nya na kapag sinagot ko ang 'oo' ay magwawala sya
Alam kong limang salita lang yon pero grabe ang epekto saakin dahilan para mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko
"H-huh? B-bakit mo naman nasabi yan? Alam mo namang hindi ko kayang maglihim sayo diba?" sabi ko at hinawakan ang magkabilang pisngi nya
Nanlaki ang mga mata ko ng marahan nyang inalis ang mga kamay ko
Umatras sya saakin at imismid habang nakatingin sa sahig
"Taehyung bakit?"
"Sinungaling"
A-ano?
"Taehyung ano bang nangyayare sayo?" aambang lalapit pa sana ako sa kanya kaso natigilan ako nang muli nya akong tignan
"Alam kong nagsisinungaling ka"
"Taehyung hindi... Maniwala ka naman saakin oh... Hindi kita maintindihan anong sinasabi mo? Hindi ako nagsisinungaling sayo" lumapit na ako at hinawakan ang kamay nya
He was just staring at me with blank expression in his face
"Hindi ka nagsisinungaling? Pwes, anong ginagawa ni Chanyeol kanina dito?"
Agad kong binitawan ang kamay nya at napa-atras sa gulat dahil sa narinig ko
Please wag mong sabihing alam mo na
"A-ano!?"
"Putangina naman Jennie! Wag ka nang mag maang-maangan! Nakita ko kayo eh. Ano? Ako pa nagsisinungaling saatin?" galit nyang sabi
Wala akong naisagot sa mga sinabi nya dahil sobra akong kinakabahan at hindi nagpoprocess ang lahat saakin
"Jennie ano!? Magsalita ka naman! Hindi ako manghuhula para hulaan kung ano man yang laman ng utak mo!"
"Taehyung please, makinig ka saakin, magpapaliwanag ako" hinawakan ko ang kamay nya
Tinabig nya ang kamay ko. Nakatingin lang sya ngayon saakin. Alam kong galit na galit na sya
"Kung ano man yung nakita mo kanina maniwala ka saakin wala lang yun"
Tumawa sya
"'Wala lang yon'!? Jennie naririnig mo ba yang sinasabi mo?" Imismid sya "Sa dinami-raming pwede mong idahilan, yan lang talaga ang sasabihin mo!?" sigaw nya
"Taehyung maniwala ka naman saakin oh... Kung ano man yung ginawa ni Chanyeol kanina saakin, hindi ko ginusto yon... Taehyung ikaw lang ang mahal ko maniwala ka saakin" ramdam kong tumulo ang luha ko kaya agad ko itong pinunasan
"Paano akong maniniwalang mahal mo nga talaga ako kung nakita kong hinalikan ka ng Chanyeol na yon ng ganun-ganun lang!?"
"At sa tingin mo ginusto ko yon!? Taehyung wala akong ginusto sa kung ano man yung nakita mo!"
"Ginusto mo Jennie! Wala ka ngang ginawa diba? Ni hindi ka man lang umilag o tumanggi nung hinalikan ka nya?"
"So anong gusto mong palabasin? That I'm cheating on you? Taehyung naman! Hindi ko magagawa yun sayo"
"Eh ano yung kahapon? Nasaan ka buong araw? Ang sabi mo nasa mall ka? Sa tingin mo naniniwala ako sayo? Yang mga bakas sa kamay mo, dahil lang sa bracelet? Jennie malinaw na malinaw na tinali ka! Yung pagpasok at pagdelete mo ng footages sa opisina ko? Akala mo hindi ko yun alam? Bakit di mo nalang kasi sabihin saakin kung ano ba talagang meron kayo ng Park Chanyeol na yon nang matapos na to!"
Mukhang alam na nga nya ang lahat
Pinigilan ko ang sarili kong magsalita. Mas minabuti ko nalang di sagutin ang lahat ng tanong nya. Agad akong lumabas sa kwarto nya bitbit ang lahat ng sakit sa puso ko
Hindi ko alam kung paano na ang lahat lalo pang may alam na si Taehyung sa mga nangyayare
"Jennie!"
I stopped
"Bigyan mo naman ng kasagutan yung mga katanungan ko"
Nararamdaman kong ano mang oras ay tutulo natong luha ko
Agad ko syang hinarap "I'm sorry" at yun lang abg nasabi ko
Lumapit sya saakin
"Just please answer my damn final question" hinuli nya ng titig ang mga mata ko
"Are you cheating on me?"
Gustong-gusto kong sabihin sa kanya na "Hindi" dahil hindi naman talaga ang sagot sa tanong nya pero mukhang dito na papasok ang plano ko at kailangan kong panindigan to. Hindi ako nakapagsalita at agarang bumagsak ang mga luha ko.
I'm sorry Taehyung
Kinalampag ni Taehyung ang lamesa dahilan para magulat ako
"Jennie ano ba!? Sagutin mo ko!" galit na galit nyang sabi. Tuloy-tuloy lang sa pagbagsak ang mga luha sa mata ko. Hindi ko magawang tignan sa mata si Taehyung kaya nasa lapag lang ang tingin ko
"Binalaan na kita, alam mong kapahamakan ang dala ng lalaking yon sa buhay mo pero bakit nakikipag-usap at kita ka pa sa kanya?!"
"Taehyung it's not what you think"
"Eh ano nga!? Jennie mahal kita pero di ako tanga! Alam ko kung ano yung nakita't narinig ko kanina. Hindi pwedeng walang namamagitan sainyo"
I have no choice but to do this
"Oo na!" sigaw ko
"I've cheated on you. Yan bang gusto mong marinig? Pwes ayan, sinagot ko na" agad kong pinunasan ang mga luha ko
Hindi maipinta ang ekspresyon sa mukha ni Taehyung. Alam kong galit at naguguluhan sya ngayon pero mukhang tadhana na ang gumagawa ng paraan para ako na mismo ang makagawa ng dahilan para tapusin ang kung anong meron kami
I have to save his life that's why I'm doing this. Yan ang tanging salitang pabalik-balik sa utak ko
Kailangan ko tong gawin para kay Taehyung. Sana maunawaan nya yon balang araw
"Hindi ako naniniwala Jennie" umismid sya at lumapit lalo saakin "Please tell me na nagsisinungaling ka lang" he held my hands and put it in his cheeks "Jennie please... Wag mo namang gawin saakin to. Look, I'm sorry kung napagtaasan kita ng boses. Nadadala lang ako sa galit at frustrations. Mahal kita kaya ako nagkakaganto. Please take back what you said, sabihin mong nagbibiro kalang" mas lalo akong naluha ng nakita kong bumagsak na ang mga luha sa mata ni Taehyung
Umiling ako at inalis ang mga kamay ko "Patawarin mo'ko Taehyung" sabi ko agad na lumabas sa unit nya
Hindi matigil ang mga luha ko sa pagbagsak. Tahimik akong humihikbi habang naglalakad ako hanggang sa maka-sakay ako sa kotse ko
Did I made the right thing?
Sa oras na malaman ni Chanyeol na wala na kami ni Taehyung, I'm sure mamadaliin nya akong sumama sa kanya
And I don't want that to happen
Humingang malalim ako at tinigilan ang pag-iyak
Paninindigan ko ang mga plano ko
—To be continued—
[A/N]: HI GUYS!!!! AFTER ALMOST 6 MONTHS OF HIATUS, IM BACK!! HAHAHAHAHA OO GUYS I'M BACK. LAGI NAKONG MAG UUPDATE SO STAY TUNED :> BELATED MERRY CHRISTMAS!! LABYU ALL!! ♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top