[B-2] Chapter 57: Back To You
[A/N]: Okay so first of all, gusto kong humingi ng sorry dahil sa mahigit two months na hindi ko pag-update sa story na to. Alam ko namang inis na inis na kayo saakin kasi napakatagal kong mag-update (ano bang bago) HAHAHA. Pero kahit papaano, maraming salamat parin dahil hanggang ngayon andito parin kayong mga readers ko hihihi :"> i luv u all 3000!!
--
Jennie's POV
"Let's give our relationship a second chance"
Wala akong naging imik sa sinabi ni Taehyung. Napatulala lang ako at hindi makapaniwalang nakatingin sa mga mata nya
Totoo ba to?
Ngumisi sya ng makita ang reaksyon ko. Mukhang nahalata nyang di ko ini-expect na sasabihin nya saakin yon
"Uy... Okay ka lang?" tanong nito habang may bakas ng ngiti sa labi nya
"Ah.. Oo naman. Okay lang ako"
"Eh bakit parang nanginginig ka? Sigurado ka bang okay ka lang?" tanong nya
Hindi ulit ako nakasagot
Bigla nya akong niyakap "Alam ko namang kinikilig ka nanaman saakin kaya wala kang masabi" sabi nya at narinig kong tumatawa sya kaya naman umalis nako sa yakap nya at hinampas ang braso nya
"Aray naman!" angal nya "Bat ba napaka-hilig mokong paluin? Ganyan ka ba talaga kapag kinikilig ka?" dagdag pa nya
Di ako nakapagpigil at yung kabilang braso naman nya ang hinampas ko
"Bat ba ang hangin mo?" sabi ko
"Eh totoo naman diba?" sagot nya
Inirapan ko lang sya at bumalik sa pag-aayos ng mga gamit ko. Lumapit sya sa desk ko at naupo sa upuan
"Labas naman tayo o. Kung wala ka ng gagawin"
Tinaasan ko sya ng kilay "At saan naman tayo pupunta?"
"Ewan. Di ko pa alam. May suggestions ka ba?" sabi nya habang pinagmamasdan yung opisina ko
Na-upo naman ako sa swivel chair ko "Hindi ko rin alam e. Wala naman na akong gagawin ngayon kaya okay lang"
Napatingin sya saakin
"Alam ko na kung saan tayo pupunta"
¦
Andito ako ngayon sa loob ng kwarto ko. Nagbihis ako ng panibagong damit para sa pupuntahan namin ni Taehyung. Nakasuot ako ng maong na ripped jeans saka sleeveless croprop na black lace ang design. Naka-rubber shoes lang ako dahil kapag nag suot pa'ko ng takong, sasakit lang ang paa ko
Saan kami pupunta? Well sa amusement park lang naman.....
Biglang nag-ring ang telepono at nakita kong tumatawag si Taehyung saakin
"Hello?"
"Ano? Ready ka na? Malapit nako sainyo. Bumaba ka na dyan sa kwarto mo" sunod-sunod nyang sabi
Magsasalita pa sana ako kaso bigla nyang tinapos yung tawag
Bwiset
Nagmamadali kong kinuha yung bag ko at bumaba na ng hagdanan
"Yaya pakisabi na lang kanla Mommy at Daddy na umalis muna ako ha?" sabi ko sa isang kasambahay
namin dito sa bahay
"Sige po Ma'am. Ingat po kayo"
"Salamat" sagot ko at lumabas na ng bahay
Saktong pagsara ko ng gate namin ay bumusina na ang sasakyan ni Taehyung at huminto sa tapat ko
Bumaba sya sa sasakyan at para nanaman akong statwa na bigla bigla na lang natutulala pag nakikita ko ang lalaking to
Nakasuot sya ng all black na damit. Black leather jacket at black plain t-shirt sa loob. Black ripped jeans at black rubber shoes. Pucha ang gwapo talaga nitong Kim Taehyung na to
"Mag t-titigan lang ba tayo dito?" naka-crossed arms nyang tanong sabay ngisi sakin
"Tara na nga" sabi ko na lang
Binuksan na nya yung pinto sa pasengger seat at sumakay nako sa loob. Sumakay na rin si Taehyung at nag seatbelt saka minaneho ito
Taehyung's POV
Hindi ko alam kung bakit ang tahimik naming parehas ni Jennie ngayon. Binuksan ko na kanina pa yung radyo para kahit papano ay may nag-iingay dito sa loob. Okay naman kami kanina a? Bakit kaya di ako kinakausap neto? May iniisip ba sya kaya ganyan?
Naalala ko naman tuloy yung kanina. Di ko alam kung anong pumasok sa utak ko at nasabi ko yung mga salitang yon sa kanya. Pero ayos narin yun. Atleast nakapag-bigay nako ng heads-up sa kanya na gusto kong magbalikan kami
Bakit ba kasi hindi ko na lang sya direchahang tinanong kanina kung pwede bang kami na lang ulit? Aish. Wrong move, Taehyung
"Ah... Taehyung" panandaliang nabuhay yung katawan ko nung nagsalita na sya
"Bakit?" tanong ko habang nakatingin sa kalsada
"About nga pala duon sa kanina..." mabilis akong napatingin sa kanya at tinuon uli sa kalsada ang tingin ko
"Anong meron dun sa kanina?" tanong ko pa
"Ah ano kasi e...."
*/ kring /* */ kring /* */ kring /*
Ano ba yan....
"Hello?" sabi ni Jennie
"Ah opo... May pupuntahan lang kami Ma. Saka medyo gagabihin na'ko ng uwi" ah si Tita pala..
"Si Taehyung po" napatingin ako sa kanya
"Ma relax ka lang okay. Alam ko namang di ako pababayaan ni Taehyung e. Gusto mo ba syang maka-usap?"
Inabot saakin ni Jennie yung cellphone at kinuha ko naman yun
"Hello po Tita?" sabi ko
"Hello Taehyung? Saan naman kayo pupunta ni Jennie? I'm sure gagabihin talaga kayo ng uwi nyan"
"Ah Tita... Papasyal lang po kami. Inadvice po kasi ng doktor ko na makakabuti daw saakin pag lumalabas-labas ako lalo nat galing ako sa coma"
"Ah ganun ba? Eh bakit naman kailangan si Jennie pa ang kasama mo?"
Tumingin ako kay Jennie "Namimiss ko po kasi yung anak nyo kaya sya yung gusto kong kasama" saka ako ngumiti at muling tinuon sa kalsada ang tingin
"Nako ikaw talagang bata ka... Di na talaga ako magtataka kung bakit hanggang ngayon mahal na mahal ka parin ng anak ko" natawa ako sa sarili ko ng marinig iyon
"Oh sya sige... Mag-iingat kayong dalawa ha? Ihatid mo na lang sa bahay si Jennie pag natapos na kayo. Enjoy!" masayang sabi ni Tita sa kanilang linya
"Sige po Tita. Bye~" nakangiti kong sabi sabay baba ng linya at inabot kay Jennie ang phone nito
"Ayos rin ah. Bat ka nakangiti dyan?" tanong nya
"Mukhang nilalaglag ka ng Mommy mo saakin e" sabi ko at natawa
"Huh?"
"Wala" nakangiting sabi ko na lang
Jennie's POV
At last! Nandito narin kami sa wakas!
Bumaba na ako sa sasakyan ni Taehyung at sumunod naman sya kaagad. Tumambad saamin ang napakaraming tao na pumipila sa ticket booth para makabili ng entrance pass
"Gosh ang daming tao" sabi ko pa
"Hindi na natin kailangang pumila dyan. May ticket na tayo" sabi naman ni Taehyung na nakalagay sa bulsa ang mga kamay nito
I looked at him in disbelief "Paano naman nangyari yun?"
"Taehyung!!! Jennie!!!!"
Agad akong napatingin dun sa tumawag saamin
Teka... Si Seokjin ba yun?
Anong gingawa.... I get it
Napatingin ako kay Taehyung at nginisian nya lang ako at naglakad para salubungin si Jin
"Huy Jennie dalian mo na dyan. Magpalagay na kayo ng stamp ni Taehyung para makapasok na kayo" sabi nya sakin kaya naman sinundan ko na sila
Pumila kami sa may entrance at nung kami na inabot ni Jin yung tatlong ticket na hawak nya at nagpalagay na kami ng stamp at pumasok sa loob
My eyes instantly sparkled when I went inside. Dahil pagabi na, nakabukas na ang lahat ng magagandang ilaw dito sa loob. Kahit saan ako tumingin na sa-satisfy yung mga mata ko sa mga nakikita ko
Ang ganda talaga dito sa Everland.....
"Asan na sila?" tanong ni Taehyung kay Jin. Teka... Anong sila?
"Nasa foodcourt na silang lahat" sabi ni Jin at naglakad
Lumapit ako kay Taehyung "Bakit di mo sinabi saakin na andito pala sila?" mahinang bulong ko sa kanya habang sinusundan namin si Jin
"Well ngayon alam mo na" sabi nito saakin
I just scoffed at him. Habang naglalakad kami, pansin kong halos lahat ng babaeng nadadaanan namin ay napapatingin sila sa direksyon namin. Ay mali. Kay Taehyung lang pala
"Tss... Dapat sayo nagsusuot ng mask eh. Ang dami mo tuloy nabibiktima" i murmured under my breath
"Ano yon?" sabi nya at idinikit ang tenga nya
"Wala!" sabi ko at mas binilisan ko ang paglalakad
Nagulat na lang ako ng may biglang humawak sa kamay ko at nalaman kong si Taehyung ang may gawa nito
"Anong ginagawa mo?" mariin kong bulong sa kanya
"Shhh... Hayaan mo nang magka-ganto tayo para malaman nung mga babaeng tumitingin saatin na sayo lang ako" sabi nya saka ako kinindatan
Juicecolored! Ano bang nakain ng lalaking to at kung ano-ano na ang sinasabi nya tuwing magkasama kami? Nagiging sweet ba talaga ang isang tao after ma-coma?
Pagdating namin sa foodcourt rinig na rinig ko na agad ang malakas na tawanan nila Hoseok, Jimin, at Lisa. Naka-upos sila sa long table na nasa tapat ng kainan ng ramen
Maraming tao ang andito ngayon kaya halos lahat ng pwedeng ma-upuan ay occupied na
"Andyan na sila!" rinig kong sabi ni Namjoon sa kanila
"Jusko ang tagal nyo dumating. Mag iisang oras na kaming naghihintay sainyo dito" salubong saamin ni Jisoo at bineso nya kaming dalawa ni Taehyung
Naupo na kaming tatlo kasama sila at sa pag-upi namin mas lalo silang umingay
"Aba tignan nyo nga naman!! Bakit kayo magka-holding hands ha?" sabi ni Rosé na kumakain ng ice cream
"Oy umamin nga kayo saamin... Kayo na ba ulit?" tanong ni Hoseok
"Hindi!"
"Hindi pa"
Nagkatinginan kami ni Taehyung dahil sabay kaming sumagot. Natawa sya at binitawan ang kamay ko
"Hindi pa hyung. Pero feeling ko, malapit naring mangyari yon" nakangiting sabi nya sa kanila
"Yieeeeeeee!" pang-aasar nila saamin
"Hoy tumigil na nga kayo. Ang i-ingay nyo. Ano kayo highschool?" natawa naman ako nung nagsalita si Yoongi na wala halos reaksyon ang mukha HAHAHA
"Panira ka talaga ng trip hyung" sabi ni Jimin sa kanya at inangasan lang sya nito
"Uy tara kumain na tayo para makagala na tayo dito sa loob. Kanina ko pa gustong sumakay ng rides!" excited na sabi ni Lisa
Lahat kami ay sumang-ayon sa kanya kaya naman nagsitayuan na kami at nag-order ng kanya-kanya naming pagkain
¦
Matapos naming kumain ay nagsuggest na sila ng mga sasakyan naming rides
"Eh kung roller coaster kaya unahin natin? Masaya yun" sabi ni Jungkook na kaagad na binatukan ni Lisa
"Kita mong kakakain lang natin tapos roller coaster kaagad?" sermon nito sa jowa nya
"O tara Kook dun tayo sa roller coaster tapos sayo ako susuka pagkatapos" sabi ni Hoseok at natawa kaming lahat
"Eh kung mag carousel na lang muna tayo?" suggestion ni Jisoo
"Game ako" sabi ko
"Same" sabi ni Namjoon
"Okay. Tara sa carousel!" sabi ni Jin at sinundan na namin sila
Mabilis lang yung pila namin kaya agad na kaming namili ng mga sasakyan namin
Nagulat kami ng biglang lumagapak sa tawa si Yoongi
"Di naman kami na-inform na reunion nyo pala to" sabi nya kay Hoseok at nagtawanan nanaman kami
Akmang hahabulin na sana sya ni Hoseok kaso sinita sila nung operator ng ride kaya tumigil sila parehas at niyakap sya ni Yoongi
"Parang mga bata" nakangiting sabi ng katabi ko habang nakatingin sa kanila, si Taehyung
Umakyat sa second floor sila Rosé, Jimin, Namjoon, at Jin saka si Jisoo habang kami nila Hoseok, Jungkook, Lisa, Yoongi at Taehyung ay naiwan dito sa baba. Marami narin ang sumakay kaya nag kanya-kanyang upo na kami sa mga kabayo. Katabi ko si Taehyung habang nasa likuran namin yung apat na hanggang ngayon ay nagtatawanan parin
Umandar na yung ride at after 3minutes ay natapos rin
Sunod naming sinakyan ay yung bumpcar. Ayaw muna sumakay ni Jisoo dahil sumakit daw yung tiyan nya kaya kami-kami na lang muna ang sumakay. May sampung bumpcars ang available at ang lima doon ay sinakyan ng grupo namin
Ako at si Taehyung, si Jin at si Namjoon, Si Jungkook at Lisa, Rosé at Jimin, saka sina Yoongi at Hoseok
After naming mag-seatbelt ay nagring na yung bell at agad na dinrive ni Taehyung yung amin saka binangga sila Jungkook
"Hoy! Andaya nyo a" sigaw saamin ni Lisa at natawa na lang kami
Sunod naming binangga sila Yoongi at Hoseok kaya naman nagulat na lang kami ng gantihan nila kami
"Aray!" reklamo ko sa kanila kaya hinabol namin ni Taehyung yung kanila
Natawa kami nung makita sila Namjoon at Jin na hindi pa nakakausad dahil si Namjoon ang nag ddrive rito at di nya alam kung bat hindi sila nagalaw pero nasulusyunan rin nung inasist sila nung operator
Natapos ang ride namin duon at naisipan naming magpahinga muna sa gilid
Tawa kami ng tawa dahil vinideohan pala ni Jisoo lahat ng nangyari dun kanina lalo na yung kanila Namjoon at Jin HAHAHA
"Sabi sayo dapat ako na lang nag drive nun e" sabi ni Jin
"Uy guys picture muna tayo" sabi ni Rosè kaya naman pumwesto na kami sa likuran nya at sinimulan na nya ang pagkuha sa cellphone nito
"Ayan okay na" dagdag pa nya
Taehyung's POV
Matapos naming sumakay ng vikings at roller coaster, sinuggest nila na maghiwahiwalay daw muna kami para ma-solo nila yung mga girlfriend nila. Pumayag naman ako kaagad dahil yun din ang gusto ko
Kaya naman ngayon, kaming dalawa lang ni Jennie ang magkasama ngayon habang naka-upo kami dito sa may bench na kumakain ng ice cream
"Saang rides mo gustong sumakay pagkatapos?" tanong ko
"Uhm... Di ko pa alam e. Pero parang mas gusto kong maglaro doon sa mga booth na may teddy bear na prize"
At dahil doon nagkaroon ako ng idea sa sunod naming gagawin. After naming kumain ng ice cream, hinila ko agad si Jennie papunta doon sa booth na sinasabi nya
"Kuya isa nga po" sabi ko dun sa lalaki at inabot ko yung bayad. Binigay naman saakin nito yung limang bola ng basketball
"Huy anong gagawin mo?" tanong nya saakin
"Diba gusto mo ng teddy bear? Ikukuha kita" sabi ko sabay kindat sa kanya at nakita ang mga ngiti sa labi nito
May malaking ring sa harapan namin at kailangan kong makapasok ng tatlong bola para makuha ko yung premyo. Sinimulan ko na ang pag shoot sa ring at yun na nga... Nakuha ko na yung premyo
"Yehey!!!" tuwang-tuwa na sabi ni Jennie
"Pili na po kayo Maam" sabing nung lalaki kay Jennie
Para akong sira na nakangiti lang the whole time habang nakatitig kay Jennie na tuwang-tuwa
"Yung color violet po" sabi ni Jennie at agad namang binigay sa kanya yung violet na teddy bear
"Thank you po" sabi nya rito at muli kaming naglakad
Agad na pinicturan ni Jennie yung hawak nyang teddy bear at nagulat naman ako ng hilain nya ako sa tabi nya para mag picture
"1..2..3~" parehas kaming nag peace sign sa picture
"Taehyung thank you nga pala ah?"
"Saan?"
"Dito sa teddy bear. Saka thank you rin dahil dinala mo kami dito ng libre pa" sabi nya habang naglalakad kami
"Naisip ko kasi na i-treat kayong lahat kasi binantayan nyo ako noong na-coma ako. Kaya naman I'm just returning the favor" nakangiti kong sabi sa kanya
"Hindi mo naman na kailangang gawin yun e. Kaibigan mo kami kaya lahat gagawin namin para sayo" sabi nya saakin
"Hanggang kaibigan na lang ba talaga kita Jennie?"
Bahagya syang natulala sa mga sinabi ko. For all I know Jennie Kim, kinikilig ka lang HAHAHA
Inirapan lang nya ako at sumakay na kami sa huling ride na sasakyan namin ngayong gabi. Ferris Wheel
Pumili muna kami bago makasakay kasi halos marami rin ang may gustong sumakay dito at halos lahat ng sasakay ay puro mag-jowa
"Nakakatakot ba pag nasa pinakataas ka na? First time ko palang kasing sasakay dito e" sabi ni Jennie na naktingin sa ride
"Wag mo kasing isipin yung takot. Promise ko sayo mag-eenjoy ka pag nakasakay kana" sabi ko
"Dito talaga tayo sasakay? Eh paano kung mahulog tayo dyan?" natatakot na sabi nya
"Sus wag ka ngang oa, di tayo mahuhulog dyan" natatawa kong sabi
Sumakay na kami sa cable nitong ferris wheel. Dahan dahan itong umaakyat paitaas at sa pag-akyat nito halos di na mapitinta yung mukha ni Jennie sa takot HAHAHA
"Taehyung ayoko na, bumaba na tayo please" nakayakap nyang sabi sa teddy bear
"Wag kang mag-alala, di ka naman mapapahamak. Andito kaya ako. Saka tignan mo kasi yung view sa bintana oh" at tinuro ko yung view ng citylights sa labas
Nung tinignan ito ni Jennie, mistulang kuminang ang mga mata nya sa nakita nya. Binatawan nya yung bear at kinuha ang cellphone nya para picturan yung view
"Oo nga. Ang ganda~" sabi nya
Bigla kong naisip na maglikot sa loob kaya naman inalog ko yung cable at tumalon dahilan para mapasigaw nanaman si Jennie
"Taehyung kasi ano ba yannn" takot na takot nyang sabi habang nakahawak doon sa railings
Natawa na lang ako sa itchura nya. Hinantay naming matapos yung ride at pagkatapos non bumaba narin kami
Dumirecho kami sa foodcourt dahil ang sabi nila Jimin ay andun na daw sila. Mukhang ready na silang umuwi
Pag dating namin sa foodcourt ay saktong nakita narin namin sila kumakain nanaman
"Ano, uuwi na ba tayo pagkatapos?" tanong ni Namjoon
"Oo, gabi narin kasi e. Saka malayo-layo pa yung byahe natin" sagot ni Jin
"Taehyung thank you sa libre!~" nakangiting sabi ni Rosé saakin
"You're all welcome guys! Saka pa-thank you ko narin sainyo to kasi inalagaan nyo ako noon. Bukod sa alam kong stress rin tayong lahat kaya last minute naisip kong magpunta tayo dito" sabi ko
"Hays... Back to work nanaman bukas" sabi ni Jisoo
"Kaya nga e..." ani Lisa
"Bakit kaya di natin to naisipang gawin nung college palang tayo?" sabi ni Yoongi
"Oo nga... Kung kailan pa tayo naging busy sa kanya-kanya nating mga trabaho doon pa tayo nagkaroon ng time na gumala sa ganito" sabi ni Jimin
"Well atleast ngayon nakagala tayo diba?" sabi naman ni Jennie at nginitian ako nung nagtama ang mata namin
¦
Matapos naming mag paalam sa isa't-isa ay nag si-uwian na kami. Mahimbing na natutulog si Jennie dito sa passenger seat habang yakap yakap nya yung teddy bear na bigay ko sa kanya kanina
Kailan ko kaya magiging girlfriend uli itong magandang babae na to?
Jennie's POV
Kahit inaantok pa ako, dinilat ko parin ang mga mata ko. Napatingin ako sa bintana at pansin kong medyo malapit na kami sa bahay. Napalingon naman ako kay Taehyung na nginitian ako ng makita akong gising
"Oh bat nagising ka kaagad?" sabi nya
"Hindi okay narin yung na-iglip ko saka medyo malapit narin tayo sa bahay kaya okay lang" sabi ko saka nag-inat ng katawan
"Napagod ka ba?"
"Napagod pero nag-enjoy. Thank you ulit ha?" nakangiti kong sabi sa kanya at ganun din ang ginawa nya
I think I'll have to answer his question earlier.....
Taehyung's POV
Nakahinto na kami ngayon sa tapat ng bahay nila Jennie. Ayoko pa sana matapos tong gabi na to lalo pat kasama ko sya ngayon
"Kung gising pa sila Tito at Tita pakisabi na lang na pupunta kami bukas sa opisina nyo ah" sabi ko kay Jennie
"Oo ako na bahalang magsabi" tinanggal na nya ang seatbelt nya at akmang bababa na sana sya ng bigla nya akong lingonin
"Uhm.. Bakit?" tanong ko
"Tungkol doon sa sinabi mo saakin doon sa opisina kanina.."
"Alin? Yung let's give our relationship a second chance?" pagc-clarify ko
"Oo..."
"Alam mo Jennie okay lang naman kung hindi ka pa papayag nga----" she cut me off
"Pumapayag na ako Taehyung"
Biglang naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko
"W-what do you mean?" di ko makapaniwalang tanong
"I'll be your girlfriend again Taehyung" nakangiti nyang sabi
Kaya naman nung marinig ko yun, hindi ko na napigilan ang sarili ko na halikan ang mga labi nya
She replied to my kisses but it didn't last long because I spoke to her
"Hindi ka naman siguro nagbibiro ngayon diba?" tanong ko
Natawa sya sa sinabi ko at hinawakan ang magkabilang pisngi ko
"Hindi ka ba naniniwala saakin?" nakangising tanong nya
"Hindi eh"
And in a blink of an eye bigla nya akong hinalikan ng mabilis
"Ayan. Naniniwala ka na ba?" tanong nya
"Hindi parin e, isa pa nga" sabi ko at nag pout sa harapan nya pero tinakpan lang nya iyon ng kamay nya
"Tss.. Ikaw talaga.. Sige na see you tomorrow" natatawa nyang sabi
"Huy wag kana umuwi.... Dun kana sa condo ko matulog sige na" pagpupumilit ko
"Alam mo gusto ko sana pero hindi pwede. Wag kang mag-alala. Magkikita naman tayo ulit bukas e. Okay?"
"Okay" mababang sabi ko
Nagulat ako ng bigla nya ulit hinalikan ang labi ko
"Wag ka ng ma-sad okay? Bukas na kita haharutin. Umuwi kana muna dun sainyo saka mag pahinga kana. Okay?"
"Tss.. Pabitin ka talaga kahit kailan" sabi ko sa kanya at natawa
"Sige na..." bumaba na si Jennie sa sasakyan ko "Ingat ka sa pag-uwi mo Babe! I love you~" sabi pa nya
How I miss hearing those words from her...
Hindi na ako nakapagsalita pa dahil sinarado na nya yung pintuan. Binuksan narin nya yung gate nila saka kumaway sya saakin bago pumasok sa pinto nila
Para naman akong tanga na nakangiting nagd-drive ngayon
Dahil sa wakas....
Jennie and I are now back together....
- To be continued -
[A/N]: I swear ito talaga yung pinaka chill na chapter sa buong chapters ng librong to hehe ♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top