[B-2] Chapter 56: Second Chance

Jennie's POV

"Who are you?"

Pakiramdam ko parang tuluyan nang nadurog yung puso ko matapos ko marinig ang mga salitang yon sa kanya

Di ako makapaniwalang nakatingin kay Taehyung ngayon. I was looking directly at him if he's just joking around or playing with me but it seems like he was serious, very very serious

"Taehyung naman e" I nervously chuckled "Ako to, si Jennie"

"Huh? J-jennie?.... Sorry pero wala talaga akong maalala eh" sabi pa nya

"Huy ano ba talagang nangyayari? Seryoso ba to?" tanong ko sa kanila na mukhang katulad ko ay malungkot rin

"Hindi nya rin kami kilala at naaalala, Jennie" sabi ni Namjoon

"Akalain mo yun? Hindi nya maalala tong pinakagwapo nyang kaibigan?" ika ni Jin na nakuha pang magbiro

"Sa tingin ko since ulo nya ang pinaka naapektuhan na parte ng katawan, maraming dugo ang nawala sa kanya dahilan para magka-brain injury sya at yun ang rason kung bakit may amnesia si Taehyung ngayon" sabi ni Rosé

No. This can't be real. Hindi pwedeng mangyari to

I hope this is just a stupid dream

"Taehyung tignan mo'ko" sabi ko sabay hawak sa kamay nya "Hindi mo na ba talaga ako naalala? Ako to si Jennie Kim... Taehyung alalahanin mo naman please"

"Jennie please stop it, masyado mo lang syang ini-istress" ani Yoongi na hinawakan ako pero tinabig ko rin. Bigla ng bumagsak yung luha ko

"Natatandaan mo ba noong sinabi mo saakin na mahal mo ako at maghihintay ka? Eto na ako Taehyung o, mahal na rin kita, mahal na ulit kita. Please naman alalahanin mo'ko ng maigi" sa mga sinabi ko paniguradong gulat ang lahat ng reaksyon ng mga kaibigan ko ngayon, pero wala na akong pakielam dahil ang mahalaga saakin maalala ako ni Taehyung

"Jennie tama na yan... Ginawa na namin lahat kanina para makaalala sya kahit papaano pero wala talaga e" sabi pa ni Jisoo

Naguguluhang nakatingin lang si Taehyung saakin

"Taehyung ano ba... Magsalita ka naman oh" umiiyak kong sabi

"Oo may naaalala akong sinabihan ko ng mahal ko sya" nagsalita rin sya sa wakas "Pero hindi ikaw yun" sabi nya sabay tanggal ng mga kamay nya saakin

"Sino?" tanong ko

"Sya!" sabi nya sabay turo kay...... Jisoo? "Kamukha nya yung naalala kong babae kaya sigurado akong sya yun" sabi pa nya

Lahat kami nakatingin kay Jisoo ngayon. Gulat ang kanyang reaksyon lalo na si Jin

"Anong ako? Siraulo ka ba Kim Taehyung!?" sabi pa nya

"Huy ano ba. Wala na ngang maalala yung tao tapos sinisigawan mo pa" ika ni Lisa

Binaling ko muli kay Taehyung ang atensyon ko "Hindi hindi. Taehyung please.. Alalahanin mo lahat" pagmamakaawa ko pa

It's really happening... Totoo ngang nagka-amnesia na si Taehyung

"Bakit kasi kung kailan okay na ang lahat saka pa to nangyari sayo eh" humahagulgol kong sambit

"I'm sorry.... I'm really really sorry Taehyung... Alam kong ako ang may kasalanan ng lahat kung bakit ka nagkaganito. Sana pala hindi na lang kita inayang makipagkita saakin noon kung alam ko lang na magiging ganito ang sitwasyon mo. Sorry" umiiyak kong sabi



"Huy" hinawakan ni Taehyung ang magkabila kong pisngi na talaga namang ikinagulat ko ng sobra sabay punas sa mga patak ng luha ko

"Jennie..... I'm sorry. Masyado yatang sumobramubra yung pang gu-goodtime namin sayo"

"A-ano?" naguguluhan kong tanong

"HULI KA! HAHAHAHAHA!" Tumatawang sabi nilang lahat. Si Hoseok na halos himatayin na sa kakatawa, si Yoongi na kita ang gilagid sa sobrang buka ng bibig nya kakatawa, at si Rosé na hinahawakan na yung panga nya kakatawa na rin

"Nakiita nyo yung mukha nya umiyak? Girl ang pangit mo pala umiyak HAHAHA!" sabi ni Lisa na may kasamang halakhak

"Teka anong nangyayari?" tanong ko sa kanila. Masyadong mabilis ang lahat ng pangyayari at hindi ko ito agad na maprocess sa utak ko

"Sorry Jennie~" sabi ni Taehyung dahilan para mapalingon ako sa kanya. Agad nya akong niyakap ng napakahigpit

"Naalala mo na ako?" natigilan ako sa pag-iyak

Humiwalay na sya sa yakap at iniharap ako sa kanya "Tss... Paano kita makakalimutan? Pwede ba yun?" sabi nito saka sya ngumiti

Wala ng kung ano ano pa at hindi ko na napigilan ang sarili kong paluin ang binti nya "Bwisit ka! Wag na wag mo nang ulit gagawin yun a? Para akong mababaliw sayo kanina nakakainis ka!" galit na galit kong sabi

"Wag mo naman akong paluin. Kita mong marami akong injuries diba?" sabi nya "At saka ayan! Si Jungkook yung may idea ng lahat ng to kaya sa kanya ka magalit, wag saakin" tinuturo nya si Jungkook ngayon dahilan para tignan ko sya ng masama

"Alam mo ikaw kahit kailan talaga pasimuno ka! Hindi ako natutuwa sayo Jeon Jungkook ha" sabi ko kay Jungkook

"Okay na rin yun... Atleast ngayon nalaman na rin naming lahat sa wakas na hanggang ngayon mahal mo parin pala si Taehyung diba" tumataas baba kilay na sabi ng kupal

At dahil doon, sinimulan na nila ang mga pangangasar saakin

"Yieeeee~ Comeback na kasi kayo" isa pa tong si Jimin

"Hahaha! The ship is sailing again. Yes naman!" sabi ni Hoseok

"Balikan na ba ituuuu?" maarteng sambit ni Lisa

"Ano ba di kayo titigil?" saway ko at mabuti na lang nanahimik sila

Right at the moment, may isang malakas at sunod sunod na katok sa pintuan ang narinig naming lahat.Pinagbuksan sila ni Namjoon at sa labas ng pinto, may dalawang police officers ang nasa labas

"Pwede po ba naming maka-usap si Mr. Kim Taehyung?"

Taehyung's POV

"Hindi ka pa ba uuwi? Lahat sila umuwi na, ikaw na lang naiwan dito. Baka mamaya hanapin ka ng parents mo at baka mag-alala pa sila kung nasaan ka" sabi ko kay Jennie na ngayo'y naka-upo sa tabi ng hospital bed na kanina pa ako pinagmamasdan

"Wag mo akong alalahanin. Okay lang ako dito" sabi nya sabay ngiti

10:00 p.m na ng gabi ngayon. Umuwi na ang lahat ng mga kaibigan namin maliban sa parents ko na nasa labas kausap yung doctor

Sinabi na rin nila Mom at Dad saakin kanina nung pagdating nila na may mga cctv footages na raw na nahanap yung mga police na magagamit laban doon sa suspect. Nakita doon sa cctv yung buong nangyaring pagsira sa break ng sasakyan ko. Kaso ang problema, hindi nakita sa camera kung sino ang may gawa nito dahil nakatakip ang buong pagmu-mukha nya. Pero mabuti nalang dahil may tini-trace na silang plate number ng sasakyan na ginamit nung suspect para malaman kung kanino at sino ang may ari non

Kung sino man ang may pakana nito, sisiguraduhin kong mananagot sya

"Kamusta na nga pala pakiramdam mo?" tanong ni Jennie

"Ayun... Medyo bumubuti naman na habang tumatagal" sabi ko at inayos ang pagkakaupo ko

"Taehyung about nga pala sa pagkaka-aksidente mo, kilala ko na kung sinong may gawa nyan sayo" sabi ni Jennie na ikinagulat ko

"Kilala mo? Sino?"

"Si Chanyeol" agad nyang sagot

"Sinasabi ko na nga ba eh. Wala nakong ibang naiisip na pwedeng gumawa saakin nito dahil sya lang naman ang kagalit ko. Pero paano mo nasabing sya nga? Sigurado ka ba dyan?"

"Oo sigurado ako. Sinabi nya saakin kanina lang

"Kanina lang? Anong kanina lang?" nag-aalala kong tanong

"Nakipagkita ako sa kanya kanina at pinilit kong sabihin nya ang totoo saakin at yun nga ang ginawa nya"

"Ano!? Bakit mo naman ginawa yun? Hindi mo ba naisip na baka masaktan ka lang din nya!?" galit na galit kong sabi

"Taehyung hindi na mahalaga yun. Ang importante alam na natin ngayon kung sino ang may pakana ng lahat ng to. Ang kailangan na lang natin ngayon ay pruweba na makakapagpatunay na sya nga ang dahilan ng pagkaka-aksidente mo" sabi nya

I grabbed her hand at napatingin sya sa kamay naming dalawa "Thank you for doing this" sabi ko

Nginitian nya ako at sinabing "Wag kang magpasalamat saakin, Taehyung. Ginagawa ko lang yung tama"

At muli nang binalot ng katahimikan ang buong kwarto. Muling napatingin naman si Jennie sa kamay ko na nakahawak parin pala sa kamay nya. Kaya naman ako na ang napabitaw rito at bigla nyang nilayo ang kanyang tingin

"Jennie?" tawag ko

"A-ano yun?"

"Tungkol nga pala doon sa sinabi mo kanina-----" she cut me off

"H-ha? Ano ka ba. Hahaha. Wag mo na masyadong iniisip yon. Kalimutan mo na lang muna yun. Saka unahin mo lang muna yang pagpapagaling mo para naman mas lalong um-okay yung lagay mo" kinakabahan nyang sabi

Natawa na lang ako sa mga sinabi nya. Halata naman kasi sa kanya na iniiwasan nya talaga yung topic about sa sinabi nya saakin kanina

"Jennie, hindi ko naman basta bastang malilimutan yung sinabi mong mahal mo parin ako. Alam mo ba dahil doon parang mas gumanda lalo yung pakiramdam ko?" sabi ko sa kanya "Pwede paki-ulit nga?" nakangisi kong sabi sa kanya

"Taehyung naman.... Dito mo pa talagang nakuhang lumandi? Mag pa galing ka nga muna" sabi nya. Sinuksok na nya sa kamay nya ang bag nya at aalis na sana sya kaso agad kong hinatak ang kamay nya dahilan para bumagsak sya saakin dito sa kama

Pinulupot ko sa kanya ang mga kamay ko na para bang ayoko nang bumitaw pa sa kanya

"Taehyung ano ba, baka may makakita saatin dito ------" i cut her off

"Shhhhh!~ Wag ka na lang rin kasing maingay para hindi tayo mahuli" sabi ko

Sa totoo lang sobrang laking tuwa ko nung nakita ko syang aligaga na maalala ko sya kanina HAHAHA. Laking pasalamat talaga kay Jungkook dahil naisip nyang mag kunwaring may amnesia ako at nakisakay naman kami sa trip nya. Atleast ngayon alam ko na sa sarili ko na mahal parin ako ni Jennie pagkatapos ng lahat ng nangyari saamin noon

Biglang bumukas ang pintuan at pumasok doon sila Mom and Dad dahilan para agad na umalis sa piling ko si Jennie

Agad syang nag bow sa kanila at natawa na lang ako sa inasal nya

"O, Jennie... Hindi ka pa ba uuwi? Alam mo medyo late na baka hanapin ka ng parents mo" sabi ni Dad sa kanya

"Uhm Tito.... Bale yun na po yung gagawin ko hehe... Ah sige po, mauna na po ako" paalam nya

"Mag-iingat ka sa pag-uwi ha?" sabi pa ni Mommy sakanya

"Opo tita salamat po. Alis na po ako" sabi ni Jennie. Binaling nya yung tingin nya saakin sabay ako inirapan at tuluyan na syang naglakad papalabas

Tss.... Kinikilig lang sya e

"Anak kamusta ka na? May nararamdaman ka bang masakit sa katawan mo? Gusto mo bang kumain muna or uminom? Pag may nararamdaman kang masakit magsabi ka kaagad para papuntahin natin yung doctor dito" sunod sunod na sabi ni Mommy

"Ma, relax ka lang okay. Mabuti na yung lagay ko saka konting pahinga na lang, babalik nako sa dati. Don't worry, I'll be fine" sabi ko sabay ngiti

"Mabuti naman kung ganon" she smiled back

"Tamang-tama yan, magpahinga ka na muna dahil bukas ng hapon, pwede kanang maka-uwi ng bahay" sabi ni Dad at tumango lang ako rito

Mukhang kailangang ko na talagang magpahinga muna. I have to make sure na sa oras na magkita ulit kami ng Chanyeol na yon, malalagot sya saakin

Jennie's POV

The next day......

"Bakit ba nakabusangot yang pagmumukha mo?" tanong ng katabi kong si Rosé

"Oo nga. Eh diba okay naman na si Taehyung? Bakit parang ang lungkot mo parin" ika ni Jisoo na nakaupo sa tapat ko

I just ignored there questions

"Tama na yan. Oh eto, kumain ka na lang" sabi naman ni Lisa sabay bigay saakin nung plato ng pasta na niluto nya

"Thanks" tipid kong sabi

Kinuha ko na ang tinidor saka inikot ito sa pasta sabay kain rito. Honestly Lisa cooked it deliciously. Kaya naman di ko napigilan ang sarili ko na kumain lang ng kumain

"Sya nga pala.... Kamusta na kayo?" biglaang tanong ni Lisa

"Anong kumusta kami? Sino? Ako at si Taehyung?" sabi ko

"Yup. Syempre interesado kami kung ano ng namamagitan sainyong dalawa after mong umamin sa kanya kagabi" sabi ni Jisoo at nagsingitian silang tatlo na para bang kilig na kilig

At first hesistant akong sagutin sila. Pano ba naman kase, puro tukso ang aabutin ko sa mga toh pag nagkataon

"Okay naman kami" sabi ko na lang at nagpatuloy sa pagkain

"Sus! Hay nako Jennie Kim! Pwede ba maging honest kana? Tayong apat na nga lang tong andito ngayon nakukuha mo pang magsinungaling" reklamo ni Jisoo, natawa na lang ako sa reaksyon nya

"Tss... Di naman ako nagsisinungaling ah. Okay naman talaga kami. Pero sadyang mas may affection nga lang sa mga galawan namin" sabi ko na lang para manahimik na sila. Haysss

"Yieeeeeeeee!~" sabay sabay nilang sabi

"So ibig sabihin ba nyan, confirm na na magkakabalikan uli kayo?" tanong ni Lisa

"Ewan... Basta ako ready na akong magkaroon kami ng second chance. Hinihintay ko na lang na sya ang mag first move. Alangan naman kasing ako ang gagawa nun diba?" sabi ko

"Well may point sya... Pero girl baka nakakalimutan mo~" tumataas baba kilay na sabi ni Rosé

"Ano?"

"Yung deal natin noon, remember?"

Teka, deal? Anong deal? Ay shocks, oo nga pala! I made a deal with them noon bago kami mag punta ni Taehyung sa France. Ang tanga ko rin naman talaga bat ko ba naisip yun?

"Deal? Anong deal sinasabi mo dyan? Wala akong maalala"

"Ay wow ano to? May amnesia ka rin kunyari? HAHAHA Hay nako Jennie!" tumatawang sabi ni Lisa

"Oo na wag na. Kalimutan mo na yun HAHAHA. Kumain na lang tayo" sabi ni Jisoo at lahat naman kami ay sinunod ang sabi nya

Gosh... Ang tagal narin pala simula noong naging ganito ako kasaya kasama tong mga toh.. Sana palagi na lang ganito


Chanyeol's POV

"Teka nga... Anong sinabi mo!?" i angrily shouted

"Naka-discharge na po si Taehyung sa ospital"

Agad kong binagsak ng malakas ang cellphone ko sa desk

Hindi toh pwedeng mangyari. Gising at magaling na si Taehyung ngayon.. Hindi impossibleng alam narin nya na ako ang may pakana kung bakit sya naaksidente

Arghhhh!

"Hindi pa ako tapos sayo Kim Taehyung, tandaan mo yan"


Jennie's POV

Super duper boring..... After kong umalis sa condo ni Lisa at pumunta dito sa opisina ay nagsimula na ang boring hours ko

Paano ba naman kasi, puro upo at pakikinig lang sa mga walang katapusang meeting ang inaatupag namin ngayong araw. Meeting with ganito, meeting about sa ganyan, meeting regarding sa. Walang katapusang meeting

"How about you Miss Jennie... Ano pong masasabi nyo?"

"Huh?" gulat kong sabi sa nagpiprisenta sa harap. Talaga namang di ko alam kung anong sinasabi nya dahil hindi naman ako nakikinig sa kanya

"Uhm... Ano pong masasabi nyo sa presentation ko?" tanong nya

I looked at everyone, and they were all looking at me including sila Mommy at Daddy na nandito rin. Panandalian kong binasa ang nakalagay sa projector to see what's her presentation about

"Yeah... Maganda. I liked it. Your presentation was very very nice" sagot ko then I just awkwardly laugh

Para bang nagbulong-bulungan yung mga nandito sa loob dahil sa sinabi ko. May mali bakong na sabi?

"Well if that's the case then you may all go. Thank you for coming here. Paguusapan lang muna namin yung tungkol dyan" sabi ni Daddy at lahat sila tumango at isa-isang nagsilabasan

Now all that is left here is me and my parents, again

"Nagagandahan ka ba talaga doon sa presentation?" tanong ni Mommy

"Uhm.. Opo... Maganda naman hindi ba? Bakit? Di nyo ba nagustuhan?" sagot ko

"Jennie hindi namin gusto ng Daddy mo yung idea nya. Pero by the way... Kanina pa kita pinagmamasdan, mukhang di ka yata interesado sa mga nangyayari ngayon sa kumpanya. Is there something bothering you?" tanong ni Mommy sabay tayo at lipat sa katabi kong upuan

"Ma I'm fine. Sadyang tinatamad lang yata talaga ako ngayon. Para ngang gusto ko ng umuwi ngayon at matulog na lang muna e. Can I?" tanong ko

"Sige kung yan ang gusto mo. Umuwi ka na lang muna ngayon. Kami na ng Mommy mo ang bahala dito okay?" sabi ni Daddy na agad na nagpa-ngiti saakin

I Stanly stood up at my seat. Hinalikan ko sila sa pisngi at nagpaalam na na uuwi na'ko

Pagkalabas ko ng meeting hall agad akong dumirecho sa opisina ko to get my things

Una kong kinuha ang cellphone. Tinignan ko kung tumawag or nag text man lang si Taehyung saakin pero wala. Mukhang nagpapahinga sya

Nag cr muna ako to fix my make-up at pagkatapos non I went back to my table to fix the papaerworks

*/ tok /* */ tok /*

Napatingin ako sa pinto ko

"Yes?"

"Ma'am may naghahanap po sainyo" sagot ng secretary

"Sige papasukin mo lang" sabi ko habang abala ako sa pag-aayos

Ilang saglit pa ay narinig kong dahan-dahan ng bumukas yung pintuan

"Anong kailangan....... m-mo?"

Anong ginagawa nya dito?

Bakit sya nandito?

"You looked surprised..."

Dahan dahan akong tumayo sa kinauupuan ko


"T-taehyung" di ko alam pero ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon. Nauutal rin ako sa pagsabi ng pangalan nya dahil kinakabahan lang siguro ako

"Huy okay ka lang ba?" tanong nya "Tss.... Lumapit ka nga dito" sabi nya

Para bang automatic na lang na sumunod ako sa inutos nya at ngayo'y nasa harapan na nya ako

"Buti naman nakalabas ka na ng ospital. Kamusta pakiramdam mo?" tanong ko

Honestly para yatang iba ang aura nitong lalaking nasa harapan ko. Ang ayos at ang ganda ng suot nya. San ba sya galing? Saka ang bango rin nya. And his hair looks so godamn beautiful. Bakit ko ba kasi pinatagal yung pag-amin ko sa kanya noon?

In love na nga ulit talaga ako sa lalaking to...

"Okay na ako. Wala ng masakit saakin" sabi nya

"Uhm... Bakit ka nga pala nandito?" tanong ko

"May nakalimutan kasi akong ibigay sayo kagabi" sagot nya at mistulang napakagandang view nung nakita ko syang ngumiti saakin

"Nakalimutan mong ibigay? A-ano yun?"

Ngumisi sya saakin saka hinila ang kamay ko. He wrapped his hands on my waist then he pulled me closer

He gave me a fast but a very sweet kiss

Tuluyan ng namula yung mga pisngi ko. Siguro kung hindi lang ako hawak ni Taehyung, malamang bumagsak na ako sa kilig ngayon

"P-para saan yon?" tanong ko

"Nakalimutan ko ibigay sayo yan kagabi" sabi nya saka ngumiti sya habang direktang tinitignan ng mga kumikinang nyang mata ang mga akin

"Pero bakit?"




"Let's give our relationship a second chance"


-To be continued-

[A/N]: YIEEEEEEEEEE!!!!! HAHAHAHA. GUYS SORRY IF LATE UPDATE NANAMAN AKO (palagi naman eh masanay na kayo) MARAMI KASI AKONG GINAGAWA SA BUHAY NGAYON.. IBA TALAGA PAG MASIPAG KANG ESTUDYANTE charot HAHAHA.. BASTA SA SUSUNOD NA UPDATE KO, SISIGURADUHIN KONG MASAYA TAYONG MGA TAENNIE SHIPPER. kaso ewan ko kung kailan uli ako mag uupdate mueheheh. labyu ol! :">

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top