[B-2] Chapter 55: Who

Jennie's POV

"I'll be back again later to check on his condition okay?" sabi saakin nung doktora

"Sige po Doc. Thank you" I said with a smile saka lumabas na ito sa kwarto

Binaling ko na ang tingin ko kay Taehyung na hanggang ngayon ay wala paring malay. It has been already a week matapos nung nangyaring aksidente sa kanya. I volunteered na ako muna ang magbabantay kay Taehyung ngayon araw dahil may napaka importantent meeting ang parents nya sa mga investors ng kumpanya nila. But they'll be back later

Sa tuwing naaalala ko ang mga nangyari sa kanya, hindi ko tuloy mapigilan na isisi ang lahat sa sarili ko kung bakit sya naaksidente. Kung hindi ko na lang sana sya niyayang makipagkita saakin nung araw na yun malamang none of this will ever happen

"I'm sorry Taehyung" mahinang sabi ko then I hold his hand

"Please naman gumising ka na oh. Miss na miss na kasi kita e. Alam mo bang isang buong linggo na akong hindi nakakatulog dahil sa pag-aalala ko sayo? Magpagaling ka ng maigi ha? Matulog ka lang ng mahimbing. Basta sisiguraduhin ko, na sa oras na magising ka na, ako kaagad ang una mong makikita" I said then wiped away all of my tears

Binitawan ko ang kamay nya saka tumayo sa kinauupuan ko para halikan ang noo nya "Get well soon babe, I love you" sabi ko

After that, I looked at the clock. 8:30 pm na ng gabi ngayon, meaning any minute now, babalik na dito ang Mommy ni Taehyung

*/ bzzt /* */ bzzt /* */ bzzt /*

Agad kong kinuha ang nag vibrate kong phone saaking bulsa. I looked at who's calling me at ito ay number ni Jimin

"Hello Jimin?" panimula ko

"Hi Jennie. Kamusta ang lagay ni Taehyung?"

"Well nothing changed. Ganun parin ang lagay nya, still unconscious" I sighed

"Sana naman magising na sya kaagad"

"Sana nga"

"By the way, kasama ko ngayon sila Hoseok, Rosé, at Namjoon dito sa casa ng mga sasakyan"

Biglang nanlaki ang mata ko "Oh ano sabi? May problema ba daw ba yung sasakyan nya kaya sya naaksidente?"

"Actually oo, may prolema nga. Pero hindi kasalanan ng makina ng kotse nya"

"Ano?"

"May nagsira at nagtanggal ng break ng sasakyan ni Taehyung. Iniisip naming lahat na impossible naman na basta basta na lang masira yon. Maliban na lang kung may taong gumawa non"

Sino naman ang magtatangkang gawin yon kay Taehyung?

"Jennie may kilala ka bang nakaka-away ni Taehyung nitong mga nakaraang linggo? Kami kasi wala e. Baka ikaw may alam ka. Sabihan mo kami kaagad para mapa-imbestigahan natin"

Wala naman akong kilala na nakaka-away ni Taehyung noon. He's a good man to his employees and friends kaya malabong manggaling isa sa mga yon ang gumawa nun kay Taehyung

Maliban na lang sa isang tao....

"I think I know someone"

"Talaga? Sino?"

Aksidente kong na-end yung tawag ng biglang bumukas yung pintuan at pumasok dito ang Mommy ni Taehyung

Binulsa ko uli ang phone ko saka lumapit sa kanya

"Hi Tita, good evening po" sabi ko then I hugged her

"Pasensya na sa abala ha?"

"Nako wag po kayong humingi ng pasensya. Gusto ko rin pong alagaan si Taehyung para naman kung sakaling magising sya, gusto kong malaman nya na nasa tabi nya lang ako"

Ngumiti saakin ang Mommy nya sabay hawak sa dalawa kong kamay at sinabing "Alam mo sobrang thankful ako na may nagmamahal sa anak ko ng ganito. And I'm much more thankful at ikaw yon Jennie. When I saw how you cried last week about him, I already sensed na you still care for my son after all the pain that he have caused you before. Thank you for loving him again"

Nararamdaman ko na parang babagsak na yung luha ko dahil sa sinabi ni Tita

I'm glad na nasabi ko na sa lahat na mahal ko parin si Taehyung. Syempre hindi na ako nahiyang aminin sa kanila yun. Bakit ko naman ikakahiya ang taong mahal ko diba?

"Wag po kayong mag-alala, I will always love him no matter what" I said with genuine smile sabay tingin kay Taehyung

Muli kong binaling ang tingin ko kay Tita she's smiling at me with those teary eyes of hers

"Thank you nga pala ulit sa pagbabantay kay Taehyung ngayon a?"

"Wala pong problema basta po kapag kailangan nyo lang ako ulit, tawagan nyo na lang ako" sabi ko at tumango sya

"Tita I think I have to go home na po" paalam ko

"Okay sige mag-iingat ka ha"

"Opo" sabi ko then we both hugged each other

I glanced at Taehyung again before leaving the room. "Magpagaling ka na please" I said in my mind and after that I went out

¦

Nandito na ako ngayon sa kwarto ko na naka-upo sa aking kama while scanning through my cellphone

I was searching and reading at some of the articles about sa pamumuhay ng pamilya nila Chanyeol at tungkol narin sa katauhan nya

Surprisingly, lahat ng articles na nababasa ko so far ay puro in a positive way, walang bahid ng kung anong kasamaan

Binitawan ko na ang cellphone ko at tuluyan ng humiga sa Kama

I'm definitely sure na kagagawan ni Chanyeol ang pagkasira sa break ng sasakyan ni Taehyung. For all I know, the last time na nagkita kami, we had a small argument at nakita ko mismo sa mga expressions nya na he doesn't like Taehyung. He keeps on talking shits about him kaya naman nainis na ako at napagtaasan ko sya ng boses. Wala akong pinagsisisihan sa ginawa ko sa kanya

The first time that our paths crossed, I already knew that he's a bad guy at some point. Medyo masama ang ugali nya nung first meeting namin at doon pa lang ay dapat nadala na ako

Hindi ko na sana pa hinayaang makapasok ang lalaking yon sa buhay. I even made friends with him. He confessed to me that he likes me but I turned him down, still we stayed friends after that. Lahat ng perspective ko sa kanya ay nagbago noong sinabi ni Taehyung saakin na narinig nya mismo sa bibig ni Chanyeol na may binabalak syang masama saakin

Now, all I have to do is to find some evidence that he's the one who's capable of Taehyung's accident

¦

The next day.....

"That's it for today's meeting. Great job everyone" sabi ko at lahat kami dito sa loob ay nagpalakpakan

Nagsimula nang magtayuan at maglabasan yung iba hanggang sa kami na lang ni Daddy yung natira dito sa loob

"Dad can I ask you something?"

"Sure anak, ano yon?"

Umupo sa swivel chair na katapat nya at sinabing "May alam po ba kayo tungkol sa background ni Chanyeol? I'm sure napagkukwentuhan nyong mga magulang ang mga anak nyo diba?"

Medyo kumunot ang noo nya saka sya napatingin saakin "Bakit mo naman natanong? May gusto ka ba sa kanya?"

"Dad naman. Of course wala. I'm just asking"

"Sa pagkakaalam ko kasi noon, Chanyeol was always in trouble. Bakit? Because he's the trouble maker himself. Mahilig daw syang mang-bully noong highschool days nya kaya naman inaabutan ng parents nya ng pera under the table ang head ng school na pinapasukan nya para lang hindi ito ma-expel. Yun ang sabi nila noong pinag-uusapan namin ang mga anak namin. Pero sabi naman nila, nagbago na si Chanyeol" sabi ni Daddy

So he's a bully before huh?

Good tip

"Bakit mo nga pala natanong?"

"Palagay ko kasi sya yung dahilan kung bakit naaksidente si Taehyung e"

"And how sure are you about that?"

"It was just my hunch Dad. It's not even final. Wala pa akong proweba"

"Jennie anak masama yang pinagiisipan ng masama ang kapwa mo. Mag iingat ka sa mga pinagga-gagawa at ipinagsa-sasabi mo tungkol kay Chanyeol. Tandaan mo, he's the heir of KM Financial. Mas mabuti if mananahimik ka na lang at ipa-ubaya nyo sa mga police yung tungkol dyan. Mamaya mapahamak ka pa e"

"Don't worry Dad, kaya ko naman ang sarili ko"

"Tsk. Napakatigas talaga ng ulo mong bata ka. Sige na dyan kana muna, babalik na ako sa desk ko" sabi ni Daddy then he kissed my forehead then exits the hall

¦

Hapon na ngayon at andito nanaman ako ulit sa ospital para dalawin si Taehyung. Ngayong araw, sila Lisa at Jungkook ang nagbabantay sa kanya ngayon. Kaya naman naisipan kong magdala ng pagkain para meriendahin nila

I knock on the door before entering. Pinihit ko na ang door knob sabay pasok sa loob

Lisa was sitting on the couch habang si Jungkook naman inaayos yung dextrose ni Taehyung sa gilid

"Uy Jennie napadaan ka" sabi ni Jungkook saakin

"Nagdala ako ng pagkain, kumain muna kayo. Kamusta si Taehyung?"

"Okay naman. Ganun parin" sabi ni Lisa sabay tayo at beso saakin. Inabot ko sa kanya ang mga dala ko at nilapag nya yun sa mesa

"Jennie alam mo bang dumalaw si Chanyeol kanina dito?"

Hearing his name makes me angry

"Ano!? Ano namang ginawa nun dito!?" sabi ko

Napalingon silang dalawa kaagad saakin

"Galit na galit lang?" sabi ni Jungkook saka sya natawa

"Seryoso ako anong ginawa nya dito?"

"Well malamang nagpunta sya dito para tignan kung okay lang ba si Taehyung. May dala syang basket ng prutas. Ayun o" sabi ni Jungkook sabay turo sa basket na sinasabi nya "Tapos nagtanong sya kung may lead na ba daw kung sinong may gawa nito sa kanya"

Ang kapal talaga ng mukha nya. Ano? Patay malisya ba sya?

"Alam mo medyo nagtaka nga kami kasi hindi naman sila close ni Taehyung para dalaw-dalawin nya" sabi ni Lisa at umupo na sya sa sofa

"Kung sakali man na pumunta uli si Chanyeol dito, sabihin nyo ulit saakin a?" sabi ko at tumango silang dalawa

"Mamaya nga pala andito rin sila Jin, Jisoo, Jimin, Rosé, Namjoon, Hoseok, at Yoongi. Dito daw sila kakain para sa dinner saka para makadalaw rin daw ulit sila"

"Mabuti naman kung ganun. Sana naman magising na si Taehyung mamaya para kumpleto tayong makita nyang nasa tabi nya"

"Yun na nga e" sabi ni Jungkook

"O sige aalis na rin ako. Babalik lang ako mamaya may kailangan lang akong kitain" paalam ko sa kanila at pumayag sila

Umalis na ako ng ospital

Kailangan kong makausap si Chanyeol

Chanyeol's POV

I'm sure by now alam na ni Jennie na pinuntahan ko si Taehyung kanina. Kaya naman sigurado rin ako, tatawag na sya saakin at makikipagkita saakin

And just like what I'm expecting to happen, she's now calling me

"Yes Jennie Kim?" sabi ko

"Magkita tayo. May gusto akong sabihin sayo"

"Sure"

Binaba na nya ang tawag saka ako naka tanggap ng text ng pagkikitaan namin

Sabi ko na nga ba at hindi rin ako matitiis ng babaeng to

Jennie's POV

Nakikita ko na ngayon ang sasakyan ni Chanyeol na nag pa-park sa may gilid. Maya-maya bumaba narin ito at naglakad na papunta sa kinatatayuan ko nang makita nya ako

Nang makarating sya sa harapan ko, nilapit nya ang mukha nya para bumeso saakin pero agad kong iniwas ang mukha

He scoffed "What's with your mood?" sabi pa nya

Galit ko syang tinitigan "Bakit ka nag punta doon sa ospital? Ano bang pinaplano mo ha?"

"Anong mali don? Dinalaw ko lang naman si Taehyung a. Balita ko kasi naaksidente sya kaya naman pinuntahan ko"

"Oh talaga? Pwede ba wag ka nang magsinungaling. Hindi ako tanga. Alam kong ikaw yung dahilan kung bakit sya naaksidente"

"Really Jennie? You think that way? Ang dami daming tao sa mundo bakit saakin mo sinisisi yan? Hindi ko alam kung anong sinasabi mo"

"Oh come on. Aminin mo na lang kasi. Pinasira mo yung break ng sasakyan nya para maaksidente sya hindi ba?"

"What makes you think na kaya kong gawin yan?"

"Do I even have to tell you why? Sapat na saakin na makita kong naiinis ka sa kanya. Masama kang tao Chanyeol. Alam ko yun" sabi ko nagulat na lang ako ng marahas nyang hinawakan ang isa kong braso

"Aray ano ba! Nasasaktan ako!" singhal ko

Hinila nya ako at dinala nya ako sa lugar na kung saan walang tao ang makakakita at makakarinig saamin

Nag pupumiglas ako sa hawak nya saakin pero hindi ko magawa dahil napalakas nya

"Chanyeol ano ba! Bitawan mo ako!" sabi ko

He slammed me on the wall then he pinned me with his two arms

"Oo ako nga! Ako nga ang may kagagawan kung bakit naaksidente si Taehyung. Ano okay ka na ba? Does my answer satisfied your question?" sabi nya at randam ko sa pagkakasabi nya ang galit na hindi ko maipaliwanag

"Bakit mo nagawa yun? Wala ka bang konsensya ha? Hindi mo dapat ginawa kay Taehyung dahil wala naman syang ginagawa sayo!"

"Wala nga syang ginagawa pero kinukuha meron!"

And I'm starting to feel scared

"Chanyeol tumigil ka na" I said

"Kinukuha ka nya saakin Jennie. Kaya ko lang naman nagawa sa kanya dahil ayokong mag karoon ako ng ka kompitensya sayo"

"Wala akong gusto sayo Chanyeol at alam mo yan! Hindi mo dapat ginawa kay Taehyung yun! Alam mo bang muntik na syang mamatay dahil sa kagagawan mo!?" sigaw ko sa kanya

"Wala akong pake! Kung mamamatay sya edi mas maganda! Mas magkakaroon ako ng pagkakataon sayo sa oras na mawala na sya!"

And just by that, agad na dumampi sa pisngi nya ang palad ko. I slapped his face very very hard

"Sa tingin mo sa ginagawa mo ngayon magugustuhan kita!?" I scoffed "Over my dead body! I won't fall in love to a kind of person like you!"

Natawa sya. He looked at me with those scary and deadly stares of his. Marahas nyang hinawakan ang pisngi ko "Palalampasin ko tong ginawa mo saakin Jennie Kim" sabi nya

Nagpupumiglas ako pero ayaw nyang bumitaw "Ito ang tatandaan mo ha. Kahit umamin na ako sayo tungkol sa ginawa ko kay Taehyung, hinding-hindi ako makukulong. Alam mo kung bakit? Dahil wala kang ebidensya saakin" sabi nya sabay bitaw saakin

Napahawak ako sa pisngi ko dahil sa sakit na naramdaman ko

"Napakasama mo!" sabi ko

"I know, Jennie. I'm aware of it. Pero hindi lang hanggang dito natatapos ang kasamaan na kaya kong gawin. Kaya simulan mo ng mag-ingat ngayon" sabi nya then he let out a mischievous smile saka nya ako iniwan

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na umiyak. Sa buong buhay ko, eto ang pinaka unang beses na natakot ako ng sobra sa isang tao. I can't believe that this just happened. Kailangan ko ng lumayo sa lalaking yon

Inayos ko ang tayo ko at pinunasan ang mga luha ko. Agad akong naglakad pabalik sa lugar kung saan naka park ang kotse ko saka ako pumasok dito

Pinapakalma ko muna ang sarili ko matapos ang nangyari saakin kanina lang

Hindi ko inakala na hindi lang ganon ka sama at ka lala ang ugali ni Chanyeol. I never expected to hear him say those words earlier. Pakiramdam ko ibang tao ang kausap ko kanina

*/ bzzt /* */ bzzt /*

Agad kong kinuha ang cellphone ko sa loob ng bag ko at nakita kong tumatawag si Jungkook saakin

"Hello?"

"Jennie nasaan ka!?"

"Bakit? May pinuntahan lang ako. Andyan na ba sila? Mauna na lang kayo kumain, susunod na lang ako"

"Kanina pa sila andito, pagka-alis na pagka-alis mo dumating na sila"

"Ah ganun ba"

"Pero hindi lang yon"

I was stunned

Sana mangyari yung iniisip ko...

"Anong hindi lang yon?"

"Gising na si Taehyung!"

"S-seryoso ka ba?" hindi ako makapaniwala

"Oo seryoso ako! Kaya kung nasaan ka man ngayon, pumunta kana kaagad dito sa ospital. Bilisan mo!"

Agad kong binaba ang tawag. Binitawan ko na rin ang phone at agad na binuksan ang makina ng sasakyan ko saka minadali itong minaneho

¦

Right after I stepped out of the elevator, mabilis akong tumakbo papunta sa kwarto ni Taehyung. Wala nang katok katok pa at agad ko nang binuksan ang pintuan at pumasok

Napatingin silang lahat saakin. Tahimik sila nung bigla akong dumating at medyo lugmok halos ang mga expressions sa mukha nila at hindi ko alam kung bakit

Pero hindi ko na lang pinansin yon dahil nakita ko na si Taehyung na ngayo'y naka-upo na sa kama habang direktang nakatingin rin saakin. Sobrang saya ko ngayon dahil nagising na rin sya right after ng pagka comatose nya ng halos isang linggo mahigit

Tinabig ko sila at hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin kaagad ng napaka higpit si Taehyung

"Buti naman at nagising ka na rin sa wakas! Hindi mo alam kung gaano ako ka saya ngayong okay ka na" sabi ko

Tahimik lang ang buong kwarto at inimoy walang tao dito sa loob dahil sa katahimikan

Anong meron?

Hindi rin nag respond si Taehyung sa mga sinabi ko kaya naman kumalas na ako sa pagkakayakap ko sa kanya

He is just looking at me with those blank expression. Hindi ba sya masayang makita ako

"Uy Taehyung okay ka lang ba? Bakit hindi ka nagsasalita?" sabi ko sa kanya

Tinignan ko rin ang mga kaibigan namin dito sa loob "Kayo rin... Bakit ba ang tatahimik nyo? Kinakabahan tuloy ako sainyo" sabi ko pa

Nagtitinginan sila sa isa't-isa dahilan para kumunot ang noo ko

Binaling ko na lang ulit kay Taehyung ang atensyon ko

"Taehyung ano ba. Magsalita ka naman. Bakit hindi mo ako kinakausap? May problema ba?"




"Who are you?"

-To be continued-

[A/N]: Masyadong intense naman tong chapter na to. phew~~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top