[B-2] Chapter 54: Temporary

[A/N]: De charot. Sabi sainyo palagi akong late mag-update eh HAHAHAHAHA sorna

Taehyung's POV

"Hayaan mo akong maging temporary girlfriend mo kahit ngayon gabi lang"

Hindi ko alam pero simula nung narinig ko ang mga salitang yun galing kay Jennie ay nanumbalik ang lahat ng alaala ko noong ako mismo ang nagsasabi sa kanya na maging temporary girlfriend ko sya

Kumalas ako sa yakap naming dalawa. Direcho kong tinignan ang mga mata nya na ngayo'y naluluha-luha

Hinawakan ko ang magkabila nyang pisngi. I wiped away her tears then I smiled

"Alam kong para akong baliw dito sa hinihingi ko sayo pero ---------"

Wala ng ano ano pa at agad ko syang hinalikan sa labi

Buong akala ko ay itutulak nya ako o iiwas sya sa ginawa ko but surprisingly, she responded to my kisses

Kaya naman dali-daling binuhat ko sya at nilapag pa-upo sa desk table ko without even breaking our kiss. Parehas na nag-iinit ang mga katawan namin. Naramdaman ko rin ang mainit nyang paghalik sa mga labi ko. At isa yun sa mga na-miss ko sa kanya

I lower down my lips at her neck. Iginala naman nya sa buhok ko ang mga kamay nya habang hinahalikan ko sya sa leeg

"Damn how I missed this so much" sabi ko

Panandalian naming itinigil ang ginagawa namin. Binaba ko sya sa kinuupuan nya ngayon. Marahas kong hinila ang kamay nya papasok sa kwarto ko

Nang makapasok kami, agad kong ni-lock ang pintuan at tinignan sya

She's definitely asking for more

"Itutuloy pa ba natin?" tanong ko with a mocking tone

"Sinimulan mo to kaya ikaw rin ang dapat tumapos"

Di ko mapigilang ngumisi dahil sa sinabi nya

Lumapit ako sa kanya at muli syang hinalikan. This time, our kiss was deeper. Animo'y para kaming gutom na gutom sa isa't-isa

Her fingers explored my whole back until she reaches my abdomen. Isa-isa nyang binubutones ang damit ko at hindi ko sya pinigilan doon at sa halip, tinulungan ko pa sya. Binutones ko rin ang polong suot ko at pagkatapos ay hinubad at tinapon sa sahig

I stared at her right after. Sobrang namumula ang mga pisngi nya at alam kong ako ang dahilan. I lifted her up in a bridal style way at ibinagsak sa ibabaw ng malambot kong kama

Pumaibabaw ako sa itaas nya at itinabi ang mga strand ng buhok nya na tinatakpan ang maganda nyang mukha at muli syang hinalikan

I can feel her hot breathing while kissing her

Pagkatapos non ay muli akong tumigil sa paghalik sa kanya at tinignan sya

"Hindi mo alam kung gaano nagwawala yung buong sistema ko ngayon dahil sayo"

Jennie's POV

"Hindi mo alam kung gaano nagwawala yung buong sistema ko ngayon dahil sayo"

Shit

That raspy voice of his

I can't believe that I'm really doing this with him right now

Pakiramdam ko sasabog na sa init yung pisngi ko or di kaya matunaw na ako ngayon dito sa kamang to nang dahil sa mga sinasabi at ikinikilos nya
Ewan.... Bahala na kung saan tutungo tong gabing ito

Medyo nagtaka nako sa kanya dahil wala na syang ginawa pagkatapos kundi ang titigan lang ako ng bigla itong ngumisi at umalis sa ibabaw ko

Sinundan ko sya ng tingin habang pinupulot at muling sinusuot pabalik ang hinubad nyang polo kanina

What is happening?

Habang sya'y nagbubutones, nakangisi syang tumingin saakin at sinabing "Akala mo bang may gagawin ako sayo, Jennie Kim?"

Hindi na ako nakapag salita pa

"Bumangon ka na dyan, babe" sabi nito sabay ngumiting nakaka-asar at lumabas ng pintuan sabay sarado rito

Juskoooooo

Nakakahiya kang babae ka! Bakit ka ba nagpadala sa mga kinikilos nya

Arghhhhh!

Agad akong tumayo sa peste nyang kama at pumunta sa tapat ng salamin. Ang gulo ng buhok ko, swollen ang lips ko, medyo kalat na ang make-up ko. Yeah, mukha nga akong nakipag momol session. Bwisit ka Taehyung

Agad akong lumabas ng kwarto nya at sa aking paglabas, nadatnan kong naka-upo si Taehyung sa sofa habang nakatingin saakin

Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya at sinabing "Uuwi na ako"

Tumayo naman ito at naglakad papunta saakin dahilan para mapatingin ako sa kanya

His eyes was fixed on mine. Hindi ko alam kung bakit habang naglalakad sya papunta saakin ay umaatras naman ako

As expected, cornered ako sa pader at sa lalaking ito

"Bakit ka uuwi? Akala ko ba gusto mong maging temporary girlfriend ko ngayong gabi?" sabi nya at tumingin sa orasan saka muling tumingin saakin sabay lagay ng dalawa nyang kamay sa pader "Hindi pa tapos ang gabi Jennie"

Gosh

Hearing him say my name may seems to make my legs weak

"Binabawi ko na yun. Uuwi na ako" sabi ko at marahan kong tinabig ang isa nyang kamay pero imbis na makawala ako ay mas lalong di ako nakawala dahil yakap na nya ako ngayon

"Sinimulan mo to Jennie kaya panindigan mo yang kagustuhan mo" bulong nya sa tenga ko

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Parang gusto ko nalang mawala na ngayon mismo at mag teleport pauwi sa bahay namin

Binitawan na nya ako

"Tara movie marathon tayo"

A-ano?

"Seryoso ka ba?" naguguluhan akong tumingin sa kanya

Nagkibit balikat ito "Tutal ngayong gabi gusto mo ngang maging temporary girlfriend kita. Naisip ko lang na bakit hindi tayo gumawa ng isang bagay na hindi pa natin nagagawa noong tayo pa dati" sabi nya saka umupo sa sofa

Well mukhang may point sya. Actually never naming nagawang manuod ng movie na magkasama noon

"G ako" sabi ko na lang at tinignan nya ako

Tumayo sya bigla at binuksan ang tv nya. Kinuha nya ang remote at iniscan ito sabay pindot doon sa Netflix

Umupo na lang din ako sa sofa habang tinitignan ang ginagawa nya

Hindi ko parin ma-addapt kung paano ako napunta ngayon sa sitwasyong to. Pero bahala na.... Ngayong gabi lang naman e

Nagulat ako ng bigla nyang pinatay yung ilaw kaya naman napa sigaw ako bigla

"Relax ka lang. Wala akong gagawin sayo" sabi nito sabay tawa. Bwisit talaga

Maya-maya, umupo narin sya sa tabi ko habang patuloy na nag s-scan sa tv ng panunuorin

"Anong panunuorin natin?" tanong ko


"Dipende sayo. Ano bang gusto mo?"



"Ikaw"

Oh shit. What did I just said!?

I mentally slapped myself

Kahit patay yung ilaw dito at tanging ilaw lang sa tv ang nagsisilbing liwanag, ramdam ko na ngayon ang mga tingin nya saakin

"Wag mokong tignan ng ganyan nagbibiro lang ako" sabi ko

Bigla nyang pinatay yung tv at nilapag sa center table yung remote saka umusog sa tabi ko

"Jennie alam mo bang dahil dyan sa sinabi mo gusto ko na lang ituloy yung itinigil natin sa kwarto kanina?" sabi nya dahilan para mapatingin ako sa kanya

"Tigilan mo nga ako Taehyung. Mabuti pa uuwi na lang ako ngayon. Inaantok na ako baka hinahanap na nila ako"

"Kung hinahanap ka nila bakit wala ka man lang natatanggap na text or call?"

Oo nga ano. Ang tanga ko talaga

"Wala akong pake. Uuwi na ako" tumayo na ako pero nahawakan ni Taehyung yung kamay ko

"Dito kana matulog"

"No thanks"

"Please?"

"No"

"Taehyung wag ka ng makulit di ka na bata. Masyadong marami ng nangyari sa gabi mo ngayon. Mag pahinga ka na lang"

"Kahit ngayong gabi lang Jennie"


Nakakainis. Bakit ba ang rupok ko pag dating sa taong to?

"Okay silence means yes" sabi nya sabay bangon at hila muli sa kamay po papasok sa kwarto nya

Di na ako pumalag pa. Ngayong gabi lang naman e

¦

12:06 a.m. Yan ang nakalagay sa led clock nya dito sa kwarto

Naka higa na kaming parehas dito sa kama nya. Pero syempre may malaking unan ang nasa pagitan namin ngayon. Hindi kasi ako pumayag na hindi hihiga kung hindi nya lalagyan ng pagitan yung higaan namin. Mabuti naman at sumunod sya

Actually mag-iisang oras na yata kaming nakahiga dito. Nakatalikod ako sa kanya dahil ayoko syang makita dahil nahihiya ako. Nagtutulug-tulugan na ako dahil baka mamaya may kung anong gawin nanaman tong si Taehyung

Naramdaman ko na parang umikot sya ng pwesto. Meaning kaharap na nya ang likuran ko. Tinanggal nya yung unan sa pagitan naming dalawa. Gusto ko mang hatakin pabalik yon pero di ko magawa dahil nga nagtutulug-tulugan nako

Ramdam ko rin na parang nakaupo na yung pwesto nya at ngayon ay hinihimas na nya ang buhok ng bigla syang nagsalita

"Alam mo hindi kita maintindihan. Last week lang inamin mong mahal mo parin ako tapos hinalikan kita pero ang sabi mo mali. Tapos ngayon.... Andito ka na sa tabi ko dahil gusto mong maging temporary girlfriend ko kanina. Bakit ba kasi temporary lang yung gusto mo kung pwede namang habang buhay na?" sabi nya habang patuloy sa pag himas sa buhok ko. Habang ako, eto gulat na gulat sa mga naririnig ko sa kanya

"Alam mo bang sinubukan kong kalimutan ka at hindi na mahalin gaya nung hiniling mo 2 years ago? Ang hirap pala nun. Pakiramdam ko nga para akong napapalibutan ng bomba nun e. Yung tipong isang maling galaw ko lang, sasabog yun lahat saakin. Kumbaga parang pag isang beses lang na makita ulit kita, sasabog nanaman yung puso ko dahil sa nararamdaman ko sayo"

Hindi ko alam pero yung mga sinasabi ay nagbibigay ng goosebumps saakin to the point na kinikilig na lang ako at nalulungkot at the same time

"Mahal parin kita Jennie. Kaya naman hangga't maaari gusto ko palagi kitang nakakasama ng ganito. Pero kung ayaw mo na na mabalik tayo sa dating tayo... Okay lang naman. Okay na ako sa ganito. Basta ako, nandito lang ako palagi na magmamahal sayo kahit napaka komplikado ng sitwasyon natin"

Di ko na napigilan ang sarili ko na idilat ang mga mata kong basa na dahil sa mga luha

"I love you, Jennie Kim"

Napa-awang na lang ako sa labi ko ng maramdaman kong hinalikan nya ang pisngi ko

Bumalik na sya sa paghiga at kinumutan ang sarili nya. Habang ako, eto, mas lalong hindi makatulog dahil sa mga narinig ko sa kanya

Taehyung's POV

Tumama sa mata ko ang sinag ng araw dahilan para idilat ko na ang mga mata ko. Unang ginawa ko nung magasing ako ay tinignan ang nasa tabi ko. At kagaya nga ng ini-expect kong mangyayari pag nagising ako, wala na si Jennie sa tabi ko


Jennie's POV

7 am na ng umaga ngayon. Nagmamadali akong maka-akyat sa kwarto ko para hindi ako makita nila Mommy or Daddy na kakauwi ko pa lang

Kaya naman nung nasa kwarto nako, nagpalit ako ng suot ko kagabi at nag pajamas ako saka nag toothbrush at pagkatapos lumabas ulit para bumaba sa kusina

Surprisingly andun na pala si Daddy

Paano kung magalit sya saakin?

"Saan ka galing kagabi? Bakit ngayon ka lang umuwi?" tanong nya while his eyes are on the news paper

Hindi ako nakasagot

"Tinawagan ng Mommy mo ang mga kaibigan mo kagabi at tinanong kung kasama mo ba sila pero maski sila hindi alam kung nasaan ka. Ni wala ka man lang text or tawag?"

"Dad sorry na low bat po ako"

"Answer my question. Where are you last night?"

Hindi ko ulit nasagot yung tanong ni Daddy dahil si Mommy naman yung dumating

"Jusko ikaw na bata ka. Saan ka ba galing? Alam mo bang alalang-alala kami ng Daddy mo kagabi?"

"Sorry po Ma"

"O sya. Kumain ka muna ng agahan. Mamaya ka na namin tatanungin ng Daddy mo" sabi ni Mommy at sumunod naman ako

Umupo nako sa hapag kainan at sumandok na ng mga kakainin ko

Habang kumakain ako, hindi ko mapigilang hindi maalala si Taehyung. Na guguilty tuloy ako dahil hindi ako nakapag paalam ng maayos sa kanya kanina at basta na lang umalis

¦

Nandito na ako ngayon sa office naman. At my office to be exact. I was reading some of the articles regarding sa ipapatayong hotel ng kumpanya nila Taehyung. Our business project together

Biglang kumatok ang secretary ko sa pinto kaya pinapasok ko ito

"Ma'am may nag hahanap po sainyo sa labas"

"Sino daw?" sabi ko at sinarado ang laptop ko saka tumayo at lumabas ng kwarto

Pagdating ko sa receiving area. Nakita ko ang isang pamilyar na tao

Si Chanyeol

Bakas sa mukha nya ang mga sugat at pasa dahil sa pakikipag suktukan nya kay Taehyung kagabi. Pero ang hindi ko maintindihan kung anong ginagawa nya ngayon dito?

"Chanyeol? What are you doing here?"

"Jennie bakit parang iniiwasan mo na yata ako?"

"Huh?" I played dumb

"Hindi mo kasi sinasagot yung mga text and calls ko sayo. Actually last week pa nung nasa party tayo parang umiiwas kana saakin e. Tell me.. May nagawa bako sayo?"

I don't know what to say

"Hindi naman kita iniiwasan... Sadyang busy lang ako nitong nakaraang araw. Saka about dun sa inaasta ko nung party. I was just not on my mood kaya ganun" palusot ko

"Ah ganun ba"

"Pwede ko bang matanong if bakit ka andito?"

His mood suddenly changed "Yayayain sana kitang kumain e. Nag lunch ka na ba?"

"Uhm... Hindi pa naman"

"Shall we?" tanong nya at pumayag naman ako

¦

"How's the taste of it?"

"Masarap naman. Medyo kulang lang sa asin" sabi ko at nagpatuloy sa pagkain

Kasaluluyan kaming kumakain ngayon dito sa isang restaurant na katapat lang sa opisina namin. Tapos nang kumain si Chanyeol at ngayon nakatingin lang sya saakin

"May problema ba?" I asked

"Hindi mo ba itatanong kung bakit ang dami kong sugat sa mukha ngayon?" he calmly said

Napahinto ako sa pagkain ko at napatingin sa kanya

"Ah oo nga. Ano nga palang nangyari dyan?" for the second time, I played dumb. Of course I already know why he have those

"May bwisit na lalaki kasi akong nakaaway kagabi. Alam mo yun? Nananahimik lang ako doon sa club tapos bigla bigla nya akong sinugod saka pinagsusuntok ng walang dahilan. I think he's crazy"

"Sino yung nakaaway mo?" I asked even though alam kong si Taehyung yon

"Si Kim Taehyung"

I looked at him in the eye. I think he's about to tell me something

"Si Taehyung!? Bakit ka naman nya susugurin?" I acted up

"Because of you"

Well that made me silent

"Wala namang kayo diba? I mean you guys are just friends and nothing else. Mag ex na kayo at-----"

"Wait. How did you know that were exes?" nagtataka kong tanong. Medyo natameme rin sya sa pag sagot saakin and I'm now starting to feel things na pakiramdam ko ay hindi maganda

"N-nabanggit nya saakin n-noon" sabi nya

Impossible. Hindi ganung klaseng tao si Taehyung na nagiging makwento sa buhay nya lalo na sa ibang tao

"Jennie I think nagseselos sya saakin sa pagiging malapit ko sayo. Pwede bang sabihan mo sya na wag syang umastang parang boyfriend mo? Wala naman syang karapatang bakuran ka saakin e. He doesn't even own you. And besides, naiirita na rin kasi ako sa kanya e. Masyado syang pakielamero"

Parang nang-init na lang bigla yung dugo dahil sa mga sinasabi nya. Now I'm starting to believe on what Taehyung said to me last week about him having some plans to me

"Wala ka ring karapatan na sabihin saakin na pagbawalan ko sya. In fact sa inyong dalawa mas close ko pa nga si Taehyung e. Kaya di ka dapat nagsasalita ng ganyan tungkol sa kanya" I angrily said

"Woah teka nga... Bakit parang nagagalit ka saakin?"

Wala na. Naiinis na ako. Tumayo na ako at sinabing "I think you deserve it kung bakit ka nya nasaktan ng ganyan kagabi"

Wala nang kung ano-ano pa at mas pinili ko na lang na umalis at iwan si Chanyeol. Bahala sya. Naiinis ako sa kanya

I think I have to thank Taehyung for what he did last week. Siguro kung hindi ko nalaman yun sakanya, baka may masamang nagawa na si Chanyeol saakin that time

¦

Kakatapos lang ng meeting namin ngayon at pauwi na kaming lahat ngayon

Kasama kong umuwi sila Mom and Dad na ngayon ay pareparehas na pagod after a very very tiring and stressful day

Agad na akong nag punta sa kwarto ko pagka-uwi namin sa bahay

I immediately come up to a decision na makipag kita kay Taehyung bukas dahil may isang bagay akong gustong sabihin sakanya ng harap-harapan



I want him back


Kaya naman I texted him and I told him na gusto kong makipagkita sa kanya bukas

Taehyung's POV

Di ko inaakalang makakatanggap pa ako ng text message galing kay Jennie ng ganitong oras kaya naman hindi ko na mapigilan at replyan kaagad iyon

-

Jennie:
Taehyung libre ka ba bukas? Labas naman tayo o. May gusto lang sana akong sabihin sayo personally e

Taehyung:
Oo naman. Saan saka anong oras ba?

Jennie:
I'll just text it to you tomorrow

-


At dahil doon, hindi na ako makapaghintay na dumating na ang bukas

Chanyeol's POV

Fuck that Kim Taehyung! Napaka sagabal talaga ng lalaking yon sa plano ko. Kung alam ko lang sana noon pa lang na magiging problema ko sya sa balak ko kay Jennie edi sana noon ko pa sya naturuan ng leksyon

Hindi nya alam kung ano ang kaya kong gawin para makuha ko lang ang isang bagay na gusto ko

At dahil mukhang sumasang-ayon si Jennie sa kanya, mukhang kailangan ko na syang ilagay kung saan sa nararapat

Sorry not sorry

¦

The next day...

"Hello boss? Okay na po yung pinapautos nyo"

"Magaling kung ganon. Ipapadala ko na lang sayo yung bayad mo"

"Sige po boss salamat po"

Ngayon Kim Taehyung, tignan natin kung saan ka aabutin ng pagiging panira mo sa mga plano ko


Jennie's POV

Naka-upo at naghihintay na ako ngayon dito sa upuan ng park. Dito ko napiling makipag kita sa kanya para naman maging romantic ang lahat sa oras na umamin na ako sa kanya

Mag mula kasi nung marinig ko mismo sa kanya na mahal na mahal parin nya ako, nagkaroon ako ng lakas ng loob para labanan ang sinasabi ng isip ko at pairalin ang puso ko na makipagbalikan na ako kay Taehyung

Kaya naman eto na ang napili kong oras para sabihin ko sa kanya ang lahat lahat

¦

Isang oras mahigit na ang nakakalipas at kanina pa ako text ng text at tawag ng tawag sa cellphone ni Taehyung ngunit hindi nya ito sinasagot

Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng kaba at parang may masamang feeling akong nararamdam

I started to panic as I wait here. Hawak ko ang phone ko ngayon dahil hinihintay kong tumawag sya

Nagulat ako ng bigla itong mag ring at nung tinignan ko ang caller ID ito ay number ni Jungkook

"Hello Jung------"

"H-hello Jennie? N-nasaan ka?"

Teka bakit ganyan yung boses nya?

"Uy okay ka lang? Bakit ganyan boses mo? Umiiyak ka ba?"

"Jennie pumunta ka dito sa ospital. Bilisan mo na"

"Ha? Ospital? Anong meron bakit?"

Nabalot na ng kaba ang pakiramdam ko. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko at parang maiiyak ako ng wala sa oras

"Jennie naaksidente si Taehyung"

my heart dropped. bumuhos na ang luha ko

"Teka ano!?"

"Pumunta kana dito sa ospital bilisan mo. Itetext na lang kita"

Binaba na nya ang tawag habang ako tumakbo nakong mabilis papunta sa kotse ko saka ito pinaandar

Taehyung papunta na ako

¦

Grabe na ang hagulgol ko ngayon habang nagmamadaling makarating sa room 104 kung saan naka confine si Taehyung

Pag dating ko sa labas ng kwarto. Nag mistulang gathering naming magkakaibigan dahil lahat kami ay andito. Ang Mommy ni Taehyung ay umiiyak habang pinapatahan ito ng Daddy nya dahilan para mas lalo akong maluha at mag panic

"A-anong nangyari b-bakit naaksidente si Taehyung?" umiiyak kong tanong. Lumapit si Jisoo saakin habang inaalalayan ako

"Nabangga yung sasakyan ni Taehyung at napuruhan yung ulo nya kaya maraming dugo ang nawala sa kanya" explain ni Namjoon

"Kasaluluyan syang walang malay ngayon. Nasa loob pa yung mga doctor. Di parin sila lumalabas" dagdag ni Jimin

After ilang minutes ay lumabas na yung isang doctor dahilan para maging tulala kami sa kanya

"Doc yung anak ko po kamusta?" nagaalalang tanong ng Dad ni Taehyung

"I'm sorry to say this Mr and Mrs Kim but your son is on a coma for now"


-To be continued -

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top