[B-2] Chapter 53: First Aid

[A/N]: So today, February 02, 2019 is the day where Blackpink held their first ever concert here in the Philippines and I know that I am not the only one who did not attend the concert tonight. But I'm here to tell y'all that we can be able to attend their concert someday so don't lose hope if for now part ka ng team bahay kasi malay natin sa next time ay maging team concert ka na. Kaya ipon ipon na tayong mga blinks para pag nagkaroon uli ng concert ang blackpink dito makakapunta na tayo...

Jennie's POV

A whole week has passed already ever since maganap yung pinaka unforgettable party na napuntahan ko so far. I called it unforgettable dahil hanggang ngayon alalang-alala ko pa rin ang bawat pangyayari nung gabing yon...

flashback....

- Agad akong pumara ng taxi at nagpahatid sa hotel na kung saan ginanap ang venue nung party. When I got inside, all of my friends looked at me. They are all starting to ask the same question. At yun ay "Saan ka galing?" Honestly di ko alam kung ano isasagot ko kaya sinabi kong nagpahangin lang ako. Alam kong hindi sila naniniwala saakin dahil halata sa itsura ko pero mabuti na lang at hindi na nila ako tinanong ulit

At sa tuwing nakikita ko ang mukha ni Chanyeol, bumabalik lahat sa utak ko yung mga sinabi ni Taehyung kaya mas minabuti kong hindi na sumama sa kanya that whole night. Wala na rin akong pake kung magtaka pa sya

I keep on waiting for Taehtyung to comeback pero hindi ko na sya muling nakita sa party meaning na umuwi sya. Kaya pinilit ko na lang na magpakasaya buong gabi kahit na napakahirap at komplikado para saakin

end of flashback...

After ng party na yon, puro si Taehyung na ang palaging nasa isip ko. Matapos nung nangyari ay di na muli kami nag usap pa. Hanggat maari, gumagawa talaga ako ng paraan para maiwasan ko sya lalo na ngayon na magiging magkatrabaho pa kami

Mas lalo tuloy naging kumplikado ang lahat dahil doon sa mga walang kwentang sinabi ko

"Huy!" isang malakas na tapik sa mesa ang narinig ko "Ano ba? Kanina pako nagtatanong bingi ka ba?" tanong ni Lisa

"H-ha? Ah sorry.. Di ko kasi narinig e, paki ulit na lang" sabi ko then I nervously smiled

"Jennie okay ka lang? Pansin ko kasi kanina kapa parang may malalim na iniisip e" nag-aalalang sabi ni Rosé

"Wala okay lang ako... Tara order na lang tayo" tatayo na sana ako ng biglang nag salita si Jisoo

"Tapos na tayo umorder Jennie"

Tapos na? Ay oo nga...

"Okay ka lang ba talaga?" tanong uli ni Rosé

Umupo muli ako sa upuan at kita kong tinitignan na ako nitong tatlo kong kaibigan

"Sorry... M-medyo kulang kasi ako sa tulog nitong mga nakaraang araw e" dahilan ko

"Let me guess... Is it work? " tanong ni Lisa but I shook my head "Family problem?" I shook my head again

"E ano?"

Nanahimik ako

"Baka naman kasi tao yung dahilan at hindi bagay" Jisoo let out a mischievous smile

Tsk... Alam ko na kung saan papunta tong usapan na to

"Hoy Jennie Kim... Matanong nga kita... May hindi ba kami alam na nangyari sayo nung panandalian kang nawala nung nasa party tayo?" mataray na tanong ni Lisa while crossing her arms

"Ano bang sinasabi nyo? Wala ah"

"Sinungaling" ika nya

"Pansinin nyo ah.. That time biglang nawala si Taehyung tapos maya-maya, nawawala ka na rin. Nung bumalik ka na sa party, pansin naming lahat na parang medyo kumalat yung lipsick mo, gumulo yung buhok mo, at medyo maga yung mata mo. Don't tell me na may nangyari sainyo ni Taehyung?" tanong naman ni Jisoo na ikina-sakit ng ulo ko

Nakatingin sila saakin na para bang hinihintay nila na sumagot ako ng oo. Kaya naman hindi ko sya sinagot at umirap na lang

"Okay, silence means yes"

"Tss... Wala akong sinabi masyado kayong issue"

"Come on Jennie. Ilang taon na tayong mag kakaibigan. Kilalang-kilala ka na namin. Aminin mo na lang kase na may nangya---"

"Oo na!" malakas kong sabi na ikinagulat nila na kahit ako nagulat rin sa lakas ng boses ko

"Anong oo na?" tanong ni Rosé

"Magkasama nga kami ni Taehyung nung gabing yon. Pinapunta nya ako sa parking lot dahil may gusto syang sabihin saakin pero nung andun na ako, pinasakay nya ako sa loob ng sasakyan at minaneho nya paalis. Sinabi nya saaking layuan ko si Chanyeol dahil may masamang balak sya saakin nung gabing yon pero di ako naniwala sa kanya. Nagkatalo kami at may isang bagay ako na nasabi sa kanya" I explained

"And what is that?"

"Mahal ko parin sya"

In a blink of an eye puro sigawan na nilang tatlo ang naririnig ko dahilan para magsitinginan saamin yung ibang customers dito sa loob. Pinatahimik ko sila pero di sila nagpapa-awat. Ang iingay nila!

"Hoy! Ang iingay nyo naman! Nasa coffee shop kayo wala sa concert!" saway saamin nung isang customer

"Sorry po" sabi ni Jisoo at nagsipag-sorry sila sa iba pang customers

"Ohmygod Jennie I can't believe this... Magkakabalikan na kayo! Gosh baka nakakalimutan mo yung tungkol sa pustahan natin noon ah?" tuwang tuwa na sabi ni Lisa

"That's not gonna happen"

"Huh?"

"Hindi na kami pwedeng magbalikan ni Taehyung. Ayoko na"

"Ayaw mo na pero mahal mo parin? Tama ba yun?" ika ni Jisoo

And that made me questioned myself. Tama nga ba yung ganun? Tama bang pigilan ko ang sarili ko na sumaya ulit? Tama ba na umayaw ako sa isang bagay na alam ko sa sarili ko na gustong gusto ko?

Tama ba na bigyan ko ng pagkakataon na maibalik ang kung anong meron kami ni Taehyung dati?

Taehyung's POV

Maiingay at malalakas na tugtog at matatapang na amoy ng alak ang bumabalot sa lugar na ito. Saan pa nga ba edi sa club

Nasa may VIP section kami sa second floor ng club. Kasama ko sila Yoongi,Namjoon, at Hoseok ngayon dito. Hindi nakasama sila Jin, Jungkook, at Jimin dahil hindi sila pinayagan ng mga girlfriend nila. Tss.. Masyado silang nagpapakabait sa mga shota nila

"For the first time, hindi tayo kumpletong nag clubbing magkakaibigan ngayon a" sabi ni Yoongi sabay inom sa hawak nya

"Kaya nga e, medyo nakakapanibago. Pero ayos lang naman kahit wala yung tatlo" sabi ni Hoseok

"Tss... Ibang-iba na talaga pag may girlfriend ka na nagbabawal sayo" sabi ni Namjoon sabay iling

Ngumisi lang ako sa mga reaksyon nila. Rinifilan ko na lang ng alak yung shot glass saka ininuman

Maya-maya, napili na lang na bumaba nila Yoongi, Hoseok, at Namjoon sa dance floor para magsaya, habang ako nagpaiwan dito sa taas kasama ang mga alak na inorder ko.

While scanning the place, may napansin akong grupo ng mga babae na kasama ko dito sa VIP section na nakatingin sa direction ko. They are all smiling at me in the most flirtous way

Tumayo na ang isang babae sa grupo nila at naglakad papunta sa table namin. There was this girl wearing a short black dress who is now standing right in front of me

"Hi... Bago ka lang ba dito?" she asked me in her most flirty way

"Uh.. No. Regular customer nako dito. Bakit mo natanong?" chill kong sagot

"Would you like to have some fun with me then?" she sexily said but I don't find that attractive

I looked at her "Miss I'm sorry but that's not gonna work for me. I know you're asking for it" sabi ko then I smirk

Nagulat ako ng bigla syang umupo at pinatong sa balikat ko ang mga kamay nya at sinabing "Well would you give it to me then?"

I scoffed then removed her hands from me. Tumayo rin ako at sinabing "Sorry but I'm taken already"

Mukhang nagulat sya sinabi ko kaya naman I turned my back at her saka bumaba para puntahan yung tatlo

Bakit parang umiinit yata?

Pag baba ko sa first floor, nahagip agad ng mga mata ko silang tatlo na busy sa kanya-kanya nilang mundo. Si Namjoon na may kabulungang babae, si Hoseok na may kasayawang babae sa dance floor, at si Yoongi na naka-upo sa bar counter habang nakikipag-inuman rin sa babae. Mukhang nag-eenjoy na sila kaya napag desisyonan ko na maupo na lang muna kesa naman sa makisali pako sa kanila

Girls. Girls. Girls. Napaka komplikado ng mga yan. Ang hirap nilang basahin

Si Jennie, sya ang taong laging bumabagabag sa isip ko nitong mga nakaraang araw. I still can't believe na sinabi nyang haggang ngayon na mahal nya parin ako. Sobrang saya ko na nung panahong narinig ko na mismo sa kanya ang mga salitang yon kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na halikan sya

Pero nung sinabi nyang mali ang lahat ng nangyari, pakiramdam ko parang dinurog ng maraming beses yung puso ko dahil sa sinabi nya

It's been a week since the last time that I saw her. Sa tuwing naalala ko yung sinabi nya na natatakot syang masaktan uli nang dahil saakin, nilinaw ko sa sarili ko nahindi ko na dapat syang pahirapan pa kaya naman hindi ko na lang rin sya kinakausap hanggat maari

Isang tao ang nakakuha ng attention ko na nandito rin sa loob. Pagkakita ko pa lang sa mukha nya ay gustong-gusto ko ng suntukin ito

"Woah... Hanggang dito ba naman makikita kita?" he mockingly said

"Pwede ba? Umalis ka sa harapan ko kung ayaw mong masuntok" sabi ko naman

He scoffed then he sat at the chair right in front of me

"May kasalanan ka saakin alam mo ba yon?" medyo galit nyang sabi

Tinignan ko lang sya at hindi nagsalita

"Alam kong siniraan mo ako kay Jennie dahil parehas kayong nawala nung kasagsagan ng party. Pero nung bumalik sya, panay iwas na sya saakin... Tell me, sobrang threatened ka ba nung dumating ako sa buhay nya?" sabi nya saka ito ngumisi. Sa mga oras ngayon gustong-gusto na ng kamay ko na dumapo ito sa pagmumukha nya

"Bakit naman ako ma t-threatened sa isang tulad mo? Kung ano man yung inaasta ni Jennie sayo, you deserved it"

Agad nya akong kinowelyohan dahilan para mapatingin lahat saamin ang mga tao dito sa loob. Nakita ko rin nagsilapitan saakin sila Yoongi, Hoseok, at Namjoon pero pinigilan ko sila na lumapit

"Kim Taehyung hindi mo kilala kung sinong binabangga mo ngayon" nakikita ko sa mga mata nya kung gaano sya kagalit sa mga sinabi ko, and I'm enjoying it

"Nilayo ko lang si Jennie sayo nung gabing yon dahil alam ko ang plano mo sa kanya" sabi ko at ramdam kong lumuwag na ang kapit nya sa kwelyo ko "Balak mong lagyan ng drugs yung inumin nya at pagsamantalahan sya pagkatapos, tama ba?" sabi ko at tuluyan na syang bumitaw saakin

"Hindi ko yun magagawa sa kanya" sabi nya at halata sa mukha nya na nag sisinungaling lang sya

"Hindi mo talaga magagawa dahil hindi nga nangyari" tumawa ako "Buti na lang at sinunod ako ni Jennie" dagdag ko

"Bakit ka ba na ngingielam? Kung maka-asta ka akala mo may karapatan ka kay Jennie. E isa ka lang naman nyang walang kwentang ex boyfriend"

"Ex boyfriend na hanggang ngayon mahal nya parin" I corrected him

Natawa sya "Sa tingin mo magkakabalikan pa kayo purket sinabi nyang mahal ka parin nya?"

"Atleast hindi ako katulad mong desperado para lang makuha sa isang tao ang isang bagay" sabi ko

Bigla nya akong sinuntok sa kaliwang pisngi ko. Tinignan ko sya at ako naman ang bumanat sa pagmumukha nya

Jennie's POV

Mag t-ten o'clock na ng gabi ngayon at pauwi na ako ng bahay matapos kong makipagkita sa mga kaibigan ko ng biglang nag vibrate ang phone ko saka nakitang tumatawag si Yoongi. Ang weird lang dahil hindi naman sya palatawag na tao lalo na ng gantong oras kaya naman di ako nag alin-langan at sinagot kaagad ang tawag nya

"Hello Yoongi? Nag d-drive ako ngayon bakit ka tumawag?"

"Jennie kailangan mong pumunta dito!"

"Ha? Bakit? Teka bakit ang ingay dyan? Nasa club ka ba?"

"Oo nasa club ako, pero hindi lang ako. Jennie pumunta ka na ngayon dito kailangan ka namin!"

"Bakit??"

"Jennie nasa club kami.Nagsusuntukan dito sa loob sila Taehyung at Chanyeol at sigurado ako na ikaw ang dahilan"

"Ano!?!?"

"Ite-text ko sayo yung address bilisan mo. Baka magpatayan na tong dalawa!"

Magsasalita na sana ako ng bigla nyang binaba yung call

Bakit nag-aaway sila Taehyung at Chanyeol!?

Na receive ko na ang text ni Yoongi kaya naman mas binilisan ko ang pagmamaneho ko

¦

Nasa parking lot na ako ng club. Mga nagkukumpulan yung mga tao sa loob ng biglang lumabas sa entrance si Chanyeol. Nakatingin sa kanya lahat ng tao habang lumalabas sya. May mga dugo at sugat ang pagmumukha nya. Sumakay na sya sa kotse nya at agad itong minaneho

Maya-maya, sunod na lumabas sila Namjoon, Yoongi, Hoseok, at si Taehyung.... May sugat rin ang mukha nya at medyo nagdudugo ito. Di ko mapigilan na mag-alala sa kanya. Bababa na sana ako ng kotse ko ng biglang tumawag si Yoongi saakin. Di ko muna iyon sinagot dahil pinapanuod kong sumasakay si Taehyung sa kotse nya hanggang sa umalis na ito

"Jennie nasaan ka ba!?" sinagot ko ang tawag at iyon ang bungad

"S-si T-taehyung" nauutal na naluluha kong sabi

"Ayaw nyang lumapit kami sa kanya. Uuwi sya sa condo nya ngayon Jennie. Puntahan mo sya doon. Nag-aalala kami para sa kan----"

Agad kong binaba yung tawag at nagmadaling mag maneho ulit. Wala na akong pake. Pupuntahan ko si Taehyung, hindi ko kayang makita sya na nagkakaganon dahil saakin

Papunta nako Taehyung...

Taehyung's POV

Arghhh! Nang-iinit talaga ang dugo ko sa pesteng Park Chanyeol na yon! Dapat talaga tuluyan ko ng nabasag yung mukha non kung hindi lang kami inawat nung mga bouncer ng club e

Sobrang sakit ng ulo ko ngayon pati narin ng mukha ko dahil sa mga suntok nya. Pero syempre sigurado akong mas nakakaramdam ng sakit si Chanyeol ngayon dahil sa lakas ng mga suntok ko sa kanya

*/ tok /* */ tok /* */ tok /*

At sino tong kumakatok ngayon? Sinabi ko na sa kanilang tatlo na wag na nila akong puntahan dahil ayos lang ako

Bumilis uli yung katok na para bang kulang na lang ay mabutas ito sa kakakatok

Pinilit kong bumangon at nagpunta sa pintuan. Nang binuksan ko yung pinto laking gulat ko na lang na makita si Jennie doon na umiiyak

Agad nya akong niyakap ng mahigpit

Sa oras na naramdaman ko ang yakap nya, parang nawala lahat ng sakit na naramdaman ko

Hinila ko sya papasok sa loob at sinarado ko na yung pinto

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya

"Ano ka ba naman! Bakit ka nakikipag-basag ulo!? Gusto mo na bang mamatay!?" umiiyak nyang sabi

Hindi ko alam pero para akong tanga na basta-basta na lang ngumiti

"Tss... Gamutin na nga natin yang sugat mo!" sabi nya at hinanap nya yung first aid ko

Surprisingly memorize nya parin kung saan ito nakalagay...

Tinawag nya ako sa sala at pumunta naman kaagad ako. Nilagyan nya ng alcohol yung cotton saka dahan dahan na inaapply ito sa mga sugat ko. Medyo may kahapdian pero natitiis ko naman yung sakit

"Bakit mo ginawa yun?" she finally talked

"Ang alin?"

"Bakit ka nakakikipag-away dahil saakin? Paano na lang kung may mas masama pang nangyari sayo bukod dito?" sabi nya. Sunod nyang ginawa ay ang pagpapahid ng tissue sa mga blood stains sa mukha ko

"Hanggat maari lahat gagawin ko, maprotektahan ka lang sa mga taong may masasamang balak sayo" sabi ko at nanahimik sya

"Eh ikaw?" sabi ko

"Anong ako?"

"Bakit ka andito?"

Napahinto sya sa ginagawa nya at tumingin sa mga mata ko

"A-ano kase e... Si Yoongi! Tinawagan nyako. Sinabi nya saakin kaya pumunta ako kaagad" sabi nya sabay iwas ng tingin saakin

Sunod nyang ginawa ay ang paglalagay ng ointment sa mga sugat ko

"Masakit pa ba?" tanong nya

"Medyo na lang" sagot ko

Hindi naman ganun ka dami yung sugat ko kaya napaka bilis lang ng pagagamot nya saakin. Ngayon na nakikita ko sya sa harapan ko, ni hindi ko parin matanggap na nangyayari nga ang lahat ng to... Pakiramdam ko kasi imagination ko lang lahat ng to

"May masakit pa ba sayo bukod sa mga sugat mo?" tanong nya ulit at tumango ako

"Saan pa?" at dahil doon kinuha ko ang isang kamay nya at tinapat iyon sa dibdib ko, kung saan nakalagay ang puso ko

"Dito" sabi ko

Tinignan nya lang ako

Ngumiti ako at binitawan ang kamay nya

"Mukhang okay na yung lagay mo. Hindi naman pala ganun kalala. Akala ko nga kailangan ka pang dalhin sa ospital kaya napapunta ako kaagad ngayon dito" sabi nya

"Tss... Baka si Chanyeol yon hindi ako" sabi ko naman then her mood suddenly changed

"About kay Chanyeol.... Pwede bang hayaan mo na lang muna sya?"

"Ano? Paano ko sya hahayaan kung alam kong kahit anong oras pwede syang may gawing masama sayo?"

"Taehyung kumalma ka. Hindi na ako lalapit sa kanya gaya ng sabi mo. Iniiwasan ko na sya kaya wala kang dapat na ipag-alala"

"Mabuti naman"

Tumayo na si Jennie

"Wag mong kalimutang gamutin yang sugat mo pagkatapos mo maligo a?"

"Oo... Salamat sa pag gamot saakin" sabi ko

"Sige una na ako" sabi nya sabay talikod

Maglalakad na sana sya papuntang pintuan ng bigla kong hinatak ang kamay nya saka sya inikot paharap saakin sabay yinakap

"Please stay"

Jennie's POV

"Please stay"

Those words are enough for my cheeks to be red. Ramdam na ramdam ko sa yakap nya ang init ng katawan nya. Napaka warm at pakiramdam ko sobrang ligtas ko sa piling nya

"Taehyung sorry pero kailangan ko ng umalis" sabi ko pero lalo lang humigpit yung yakap nya saakin

Hindi ko na mamalayan pero bigla na lang ako naluha. Hindi ko alam kung tears of joy ba to or naluluha lang ako dahil sobrang namiss ko yung ganito, sobrang na miss ko yung dating kami

"Umiiyak ka ba?" tanong ni Taehyung

Wala na akong nagawa pa kundi yakapin rin sya pabalik

"Taehyung please do me a favor"

Humiwalay kami sa yakap. Tinignan nya ako at sinabing "Anong favor?"

"Hayaan mo akong maging temporary girlfriend mo kahit ngayon gabi lang"


-To be continued -

[A/N]: BUKAS AGAD UPDATE KO WHOOO

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top