[B-2] Chapter 52: The Party

Jennie's POV

Kasalukuyan akong mini make-up-an ng personal glam team namin ni Mommy ngayon. Everytime kasi na may mga gantong party kaming pupuntuhan ay sila na kaagad ang kinukuha namin. Sabihin mo lang kung anong style ang gusto mo at sila na ang bahala doon. From the style of your hair, shade of your lipstick, color of your eyeshadow, your lashes extensions, name it then they'll do it

Nang matapos akong lagyan ng lipstick, agad akong tumayo at nagpatulong sa kanila para sa gown na susuotin ko na nasa loob ng walk-in closet ko

Hinubad ko na ang pangitaas ko saka unti-unting sinuot ang gown sa tulong nila

The first time I laid my eyes to this royal blue gown, I knew that it was made for me to wear it. Siguro kasi parang love at first sight ang naging nangyari saakin at sa napili kong gown na ito

Matapos kong maisuot ang gown, inabot naman nila saakin yung high heels na gagamitin ko at sinuot ko naman kaagad ito

"Miss Jennie, tingin na po kayo sa salamin"

I instantly turned around at the mirror behind me. Tinignan ko ang sarili ko from head to toe then I smiled to myself. Ang ganda ko talaga

*/ tok /* */ tok /* */ tok /*

Mom and Dad entered my room. Parehas na silang nakabihis at mukhang ready na silang umalis

"Wow.. You look so stunning anak" nakangiting sabi ni Mommy saakin

"Thank you Ma" I said then I smiled

"Jennie mauuna na kami umalis ng Mommy mo a? Besides, parating na si Chanyeol kaya sa sala kana maghintay okay?"

"Okay Dad. See you na lang doon sa venue. Ingat kayo" sabi ko at naglakad papunta sa kanila para humalik sa pisngi nila

After lumabas nila Mommy at Daddy sa kwarto ko, lumabas na rin yung glam team namin dahil sa pagkakaalam ko, babayaran na sila ni Mommy dahil tapos na nila kami ayusan

Nagpalakad-lakad muna ako dito sa loob ng kwarto ko para praktisin yung high heels na suot ko kase baka mamaya matapilok ako doon sa party, nakakahiya naman diba...

I sprayed on my perfume then I went down. Agad akong pinuri ng mga kasama namin dito sa bahay and they are all saying na ang ganda ko raw pati ng suot ko so I thanked them

"Nako Ma'am Jennie dapat po sigurong mag boyfriend na ulit kayo. Sayang naman po kasi if tatanda kayong dalaga sa gandang mong yan" sabi ng kasambahay namin at natawa ak

"Yaya grabe naman yung matandang dalaga Hahaha. Wag kayong mag-alala, magkakaboyfriend rin uli ako balang araw" sabi ko naman

Maya-maya may malakas na busina na akong narinig sa labas ng bahay at alam kong si Chanyeol na ito

Bumaba sya sa sasakyan nya. He eyed on me na lumabas na kaya naman yun ang ginawa ko

Nginitian ko sya ng nakalabas nako ng bahay at pumunta sa kanya

"You look so beautiful tonight, Jennie" sabi nya at para akong nangamatis sa sinabi nya

"Thank you. Alam mo ikaw rin, mas gumwapo ka ngayon sa suot mo" nakangiti kong sabi at ngumiti rin ito

"Syempre naman pinaghandaan ko tong gabing to. Ikaw kaya yung ka-date ko" sabi nya na mas lalong nagpalambot saakin

"Ano, tara na?" tanong nya at tumango naman ako

Pinagbuksan nya ako ng pintuan at sumakay naman ako kaagad. Pagkatapos non ay sumakay na rin sya at minaneho na nya ito paalis

Taehyung's POV

"Whooo! Ansarap!" ika ni Jungkook

"Hoy umayos ka nga, wala tayo sa club itigil mo yan. Nandyan pa naman magulang mo" saway ni Namjoon rito. Paano ba naman kase, yung wine kaagad yung nilalantakan kahit di pa nagsisimula yung party

"Bakit ba? Ang sarap kaya ng lasa. Oh eto try mo inu----"

"Jungkook tama na yan" sabi ni Lisa sabay kuha ng wine glass sa kamay ng boyfriend nya

"Kook, di ka pa naman siguro lasing diba?" tanong ni Jin

"Oa nyo naman. Baka mamaya mga magulang nyo pa mag-uwi sainyo pag kayo nalasing e" sabi nito

"Okay, di pa sya lasing Hahaha" sabi ni Jimin

Nasa iisang malaking round table kaming magkakaibigan ngayon. Actually pang 12 seaters itong pwesto namin kasi gusto namin kami-kami yung mga magkakasama

"Ladies and gentlemen, our program will start in less than 15 minutes. Thank you" sabi nung host

Punong-puno ng malakas na tugtog ng sound system ang buong venue at masasabing nasa party ka nga. Lahat ng nandito ay nakasuot ng mga formal attire. And all I can say is that, punong-puno ng mga mayayamang tao ang party na ito

"Ano ba yan bakit ang tagal ni Jennie??" mahinang reklamo ni Jisoo

"Oo nga... Kanina pa andito yung parents nya pero wala parin sya" sabi ni Hoseok

"Baka hindi pupunta" sagot ni Yoongi

"Napaka imposible naman yata kung di sya pupunta" sabi naman ni Jimin

"Baka naman na-traffic lang" sabi ko. Oo nga naman kasi. Sya na lang yung wala dito saaming magkakaibigan. Sayang naman tong lahat ng effort ko ng pag-aayos kung hindi lang nya ako makikita diba?

"Uy teka si Jennie na yan diba?" sabi ni Rose at lahat kami napatingin doon sa direction na tinitignan nya

Oo nga, si Jennie nga. To be honest,napakaganda nya ngayon sa suot suot nyang royal blue dress. From her make-up down to her heels, she's perfect. Pero ang mas nakakuha talaga ng pansin ko ay ang kasama nya

"Woah.. Si Chanyeol ba yan ng KM financial?" tanong ni Namjoon

Si Park Chanyeol nga ng KM Financial ang kasamang pumasok ni Jennie. Pero bakit sila magkasama?

"Sya nga" sabi ko at agad na nilayo sa kanila ang tingin at uminom sa wine glass

Lahat sila ay nakatingin na saakin ngayon na para bang may mga pinapahiwatig ang mga ito

"Ano nanaman?" iritado kong tanong
"Bro paano na yan? Mukhang may gusto yata na kumalaban sayo o" sabi ni Jungkook sabay ngisi

"Tss... Bakit ako matatakot?" sabi ko sabay irap "Kahit anong gawin ng lalaking yan, mas may chance ako kay Jennie dahil mas close kaming dalawa kesa sa kanya" dagdag ko

"Nako Taehyung kung ako sayo, magpapasikat ako ngayong gabi para kay Jennie" sabi ni Jisoo sabay tawa

"Tss... Dyan na nga muna kayo. Mag c-cr lang ako" sabi ko saka ako tumayo at umalis

Jennie's POV

"Puntahan mo muna mga kaibigan mo. Pupuntahan ko lang sila Dad" sabi ni Chanyeol at tumango naman ako saka sya umalis

Agad akong naglakad papunta sa table nila

"Uy Jennie!~" sabi ni Jisoo sabay lapit saakin at hila sa braso ko

"Marami akong gustong itanong sayo. Humanda ka mamaya sakin" bulong nya. Anudaw?

"Dyan ka na maupo" sabi ni Namjoon sabay turo don sa bakanteng upuan

"Oh? Bat ang tahimik nyo?" tanong ko naman

"Ikaw ha... Ano meron sainyo nung Park Chanyeol? Bakit magkasama kayo?" tanong ni Lisa

"Ah yun ba? Magkaibigan lang kami wag kayong mag-alala" sabi ko

"Talaga ba?" makulit na tanong ni Jimin

"Ang kulit nyo naman e" sabi ko na lang

"Pero infairness ha. Bagay kayo.Besides, gwapo yung Chanyeol at mayaman pa. Iba talaga ang ganda kapag si Jennie Kim ka" kantyaw pa saakin ni Rosé

"Sus... Eh bakit? Gwapo at mayaman rin naman si Taehyung a? Bat lumalayo ka pa?" entra naman ni Yoongi

Oh? Bat nasali na dito sa usapan si Taehyung? At oo nga pala... Bakit wala sya dito?

"Pwede ba tigilan nyo na? Mamaya masira lang gabi ko sainyo e" sabi ko na lang at natawa sila pero bigla ring nanahimik

Nagulat ako ng bigla kong nakita si Taehyung na umupo sa katabing upuan ko. Ang gwapo nya ngayon sa ayos nya. Naka brushed-up pataas yung buhok nya at naka-suot sya ng dark maroon na tuxedo. Bakit ang gwapo parin ng lalaking to kahit kailan? Balak ko sana syang batiin kaso napa-atras ako bigla dahil mukhang wala sya sa mood na makipag-usap. Bakit kaya parang stressed yung itsura nya?

"Oh my god he's coming" sabi ni Lisa kaya lahat kami napatingin sa likod ko kung saan sya nakatingin at nakita kong naglalakad papunta dito sa table namin si Chanyeol

"Hello, goodevening guys" nakangiting bati nya sa kanila at sabay sabay na nagtayuan sa mga upuan nila

"Guys eto nga pala si Chanyeol. Alam ko naman na kilala nyo sya hindi ba?" sabi ko

"Kilala ko na yung iba sainyo dahil hindi ito yung unang beses na nakita ko kayo. Hindi ba?" sabi nya habang nakatingin kanila Namjoon, Hoseok at Yoongi

"Bro long time no see" sabi ni Namjoon at nakipag kamay sya rito. Magkakilala pala sila?

"Uy hi, Kim Jisoo nga pala, bestfr--" kakamayan sana ni Jisoo si Chanyeol ng biglang tinabig ni Jin yung kamay ng jowa nya

"Kim Seokjin" entra neto at nakipagkamayan kay Chanyeol

"Nice to meet you too" sabi nya

"Uhm... Ayan sila Jungkook, Lisa, Hoseok, Jimin, Rosé, at Yoongi. And syempre.. Ayan si Taehyung. Nagkakilala na kayo diba?" sabi ko habang pinapakilala sila sa kanya ng isa-isa

"Oh yeah I remembered. Taehyung of Kim Enterprises diba? Yung kasama ni Jennie sa France?" sabi pa nya kay Taehyung

Tinignan ko si Taehyung na ngayo'y nasa tabi ko. We made an eye contact kaya naman napaiwas ako agad

"Ako nga" tipid na sagot nito. Tss.. Ang sungit naman neto

"Come sit with us. May extrang upuan pa naman o. Pag gitnaan nyong dalawa ni Taehyung si Jennie para okay, diba?" suggestion ni Namjoon at natawa yung mga kupal. What are they up to?

"Okay lang ba? Eh table nyotong magkakaibigan e. Nakakahiya naman if makiki-upo ako" nahihiyang sabi ni Chanyeol

"Buti alam mo" sagot ni Taehyung kaya agad kaming napatingin sa kanya

Bakit parang ang init yata ng ulo ng lalaking to? Nireregla ba sya kaya sya nagkakaganyan?

"Hahaha. Pagpasensyahan mo na yan a? Medyo nakainom na kasi yan e" pabirong sabi ni Jungkook

"Pwede ba? Ikaw kaya yung mas nakainom dito. Tss..." sabi ni Taehyung sabay irap

"Okay lang, doon na lang ako uupo sa table ng parents namin nila Jennie"

"Oo tama doon na lang din pala ako uupo" sabi ko at nagulat silang napatingin saakin pero di ko na ininda yon at umalis na kami ni Chanyeol at naupo sa table namin

Taehyung's POV

Tss... One Word:

Nakakainis....

Ano ba kasing meron yang sila Jennie at yang bwisit na Chanyeol na yan? Mag boyfriend-girlfriend na ba sila? Bakit kung maka-asta sila akala mo mag shota sila?

"Huy! Kanina ka pa sulyap ng sulyap dun sa table nila Jennie a. Okay ka lang ba?" mahinang bulong saakin ni Jisoo

"May alam ba kayo tungkol sa kanila?" tanong ko

"Ano bang sinasabi mo dyan? Alam mo kung meron lang, ako unang magsasabi sayo" sabi pa nya

Pumalakpak na yung lahat ng tao dito matapos mag speech nung babae sa harapan na sa pagkakaalam ko ay ang head organizer ng business ball event na ito

"Yes kainan na!~" nakangiting sabi ni Jimin

"Sa wakas pagkatapos neto mag pa-party-party na tayo~" sabi ni Hoseok
Isa-isa nang nagsisipagtayuan yung mga tao kada mesa para pumila sa mahabang buffet. Tumayo narin kami at naglakad papunta sa buffet table

Pero bigla akong tinawag nila Mom and Dad kaya naman pumunta nako sa kanila

"This is our son, Taehyung" pagpapakilala ni Dad saakin sa mga kausap nya

"Hello po" sabi ko at nag bow sa kanila

"Napakagwapong bata naman neto" puri saakin nung babaeng kausap rin nila "May girlfriend ka na ba? Alam mo kasi yung anak ko walang boyfriend e"

"Nako may babaeng nagpapatibok na kasi dito sa puso ng anak ko e, hindi ba Taehyung?" sabi ni Mommy kaya naman nginitian ko lang ito

"Ah excuse lang po muna. Kukuha lang ako ng pagkain" sabi ko na lang para makalayas nako dito

Agad akong nakisingit kanla Jimin at Hoseok na nakapila habang sumasandok na ng pagkain

"Oh saan ka galing?" tanong ni Jimin
"Hinahanap ka pa naman ni Jennie. Kakagaling nya lang dito" sabi ni Hoseok

"Ako? Hinanap nya? Bakit daw?"

"Aba malay namin" sagot nilang dalawa

Di ko na lang muna inisip si Jennie at
umupo na kami sa table namin para kumain

Matapos ang ilang minuto ng pagkain ko, pumunta naman ako sa cr para umihi. Pumasok na ako sa loob ng isang cubicle at sinara ang pinto neto

"I already brought the drug that I'm gonna put at her drink. At mamaya kapag nainom na nya yon, I'll bring her to my place at doon ko na isasagawa ang plano ko sa kanya at sa katawan nya"

Bigla akong naging attentive sa narinig ko. Sa pagkakaalala ko, mukhang boses yon ni Chanyeol

Anong sinasabi nya?

"Pero may isa akong problema e. Kilala mo yung Kim Taehyung? Sa tingin ko napakalaking sagabal nya sa mga plano ko. Pakiramdam ko nga may gusto yon kay Jennie e. Buti na lang talaga at nauuto ko si Jennie na saakin sumama"

Parang nag-iinit yung dugo ko sa mga naririnig ko. Ibig sabihin, kaya lang dumidikit itong Chanyeol na to kay Jennie ay dahil may masama syang balak dito?

"Okay sige. Basta ikaw kaagad ang una kong sasabihan sa oras na napasaakin na si Jennie"

Tumigil na sya sa pagsasalita. Siguro kase inend na nya yung call. Narinig ko ring lumabas na sya ng cr kaya naman lumabas na rin ako

Isang bagay lang ngayon ang tumatakbo sa utak ko. At yun ay ang kailangan kong protektahan at mailayo si Jennie sa pesteng Chanyeol na yon ngayong gabi

Jennie's POV

"Chanyeol bakit hindi ka kumakain? Saka saan ka galing kanina?" tanong ko sa kanya

"Busog pa kasi ako kaya ayoko kumain. Galing lang ako sa labas kanina, nagpapahangin lang ganon" sabi pa nya sabay ngiti saakin at nginitian ko rin sya

Tinawag sya ng parents nya dahil mukhang may ipapakilala yata sa kanya

"Saglit lang a?" paalam nya at tumango lang ako

Sa totoo lang, habang tumatagal mas lalo akong nagiging panatag kay Chanyeol. Ang bait bait kasi nya saakin knowing na kamakailan lang kami nagkakilala at hindi pa naman kami ganon ka close. Pero kasi parang ang gaan gaan lang sa feeling kapag kasama ko sya

Actually to be exact parang si Taehyung lang sya saakin. Katulad kasi kay Taehyung is gumagaan at panatag ang loob ko pag sya ang kasama ko. Pero except ngayong gabi. Para kasing may problemang di malaman si Taehyung e. Ang weird lang

Speaking of Taehyung.... Bakit wala sya sa table nila?

Di ko na mapigilan ang sarili ko na mag-alala sa kanya kaya naman ako na mismo ang nag-text sa kanya

-

Jennie:
Taehyung?

Taehyung:
Woah. Ite-text na sana kita pero surprisingly ikaw ang nag text saakin

Jennie:
Nasan ka? Umuwi ka ba?

Taehyung:
Nasa parking lot ako, sa loob ng sasakyan ko

Jennie:
Anong ginagawa mo dyan?

Taehyung:
Jennie let's talk. I have something to tell you

Jennie:
Hindi ba pwedeng dito na lang tayo mag-usap sa loob?

T

aehyung:
Nagsasayang tayo ng oras. Pumunta ka na lang dito

-

M

atapos ko mabasa ang text nyang yon ay binaba ko sa mesa ang phone ko. Nag dalawang isip pa ako kung pupuntahan ko ba si Taehyung or hindi. Pero bakit nga ba hindi diba?

Agad akong tumayo at umalis sa venue ng party at dumirecho sa parking lot

Pagdating ko, nakita kong nakasandal si Taehyung sa sasakyan nya. He was looking at the floor. Mukhang malalim ang iniisip nya

Okay lang ba sya?

Habang naglalakad ako papunta sa kanya, may kung anong pakiramdam akong nararamdaman. And that feeling is not good

"Bakit mo ako pinapunta dito?" walang paligoy-ligoy kong tanong

Tinignan nya lang ako with his deadly stare saka binuksan ang pinto ng passenger seat

"Pasok" he ordered

"At bakit ko gagawin yon?" sabi ko

"May kailangan tayong pag-usapan pero hindi dito" sabi nya

"Hindi ba makakapaghintay yang sasabihin mo? May party pa tayong ina-atenan o"

"Jennie just ride the godamn car!"

Nagulat ako sa inasta nya. Bakit galit na galit sya saakin ngayon? Wala naman akong ginawa sa kanya a?

Sinunod ko ang sinabi nya at sumakay sa loob ng kotse nya. I fasten my seatbelt while thinking a lots of thoughts

Sumakay narin si Taehyung at kaagad na minaneho ang kotse nya paalis dito sa hotel

"Taehyung may problema ba? Bakit kailangan nating umalis? Mamaya hanapin pa tayo don" sabi ko pero parang wala syang naririnig

Oh shit! Naiwan ko doon yung cellphone ko. Paano kung hanapin nila ako? Sigurado akong maghihinala na sila pag nawala kami ni Taehyung doon sa party

"Taehyung sagutin mo ako" pamimilit ko pa

"Saan mo nakilala yung Chanyeol na yon? Alam mo ba na may binabalak na masama yun sayo?"

Ano!?

"Saan naman galing yan? Anong sinasabi mo?"

"Lumayo ka sa Chanyeol na yun a. Mapapahamak ka lang sa lalaking yon"

"Teka bakit ka ba nagkakaganyan? Wala namang ginagawang masama yung tao sayo tapos ganyan?"

"Jennie makinig ka na lang saakin. Sinasabi ko to para sa kaligtasan mo"

"Kaligtasan ko? Okay ka lang? Kaya ko sarili ko no. At isa pa, bakit ka ba nagkakaganyan? Ibalik mo na nga ako doon. Nasisira lang yung gabi ko e" naiinis kong sabi

"Narinig ko syang may kausap sa telepono kanina nung nag cr ako. I'm very sure na boses nya yon. May masamang balak sya sayo Jennie. He's planning to drug and rape you tonight kaya nilalayo kita sa kanya ngayon maniwala ka saakin"

Hindi magagawa ni Chanyeol ang ganong kasamang bagay saakin. Hindi sya ganong tao at sigurado ako doon

"Taehyung stop the car"

Tinignan nya lang ako at nagpatuloy sya sa pagmamaneho

"What are you doing I said stop the car!"

"Ayoko!"

"Taehyung wala kang kailangang ipag-alala kay Chanyeol. He's a good guy. At kung totoo nga yang sinasabi mo na may masama syang balak saakin, bakit hindi pa nya ginawa noon nung hindi pa kami magkakilala?" sabi ko

"Pwede mo namang sabihin na lang saakin na ayaw mo doon sa tao hindi yung nag iimbento ka pa!" dagdag ko pa dahilan para igilid ni Taehyung kaagad yung sasakyan nya

Tinignan nya ako at sinabing "Mukha ba akong nag iimbento? Kung ayaw mong maniwala edi wag! Basta ako nasabi ko na sayo yung dapat kong sabihin. I was just being concerned for your safety!"

"At bakit!? Bakit all this time nasasabi mong concerned ka saakin kahit hindi naman talaga. Stop playing with me Taehyung! Hindi mo ako laruan!"

"Ano bang sinasabi mo!? Bakit ka nagagalit saakin and what was that? Bakit mo nasabing pinaglalaruan kita? Are you out of your mind!?"

"Pwede ba? Drop the act! Obvious naman na matagal mo ng pinaglalaruan yung feelings ko!"

"Ano!? What feelings are you talking about?"

"Hindi mo alam? Or nagbubulagbulagan ka lang?"

"Jennie ano ba sabihin mo na lang!"

"Taehyung mahal parin kita! Hindi na sana mangyayari ulit to kung hindi lang sana tayo nagkita ulit. Lahat na ng paraan para mapigilan tong pakiramdam na to ay ginawa ko na pero wala! Sayo't sayo parin ako paulit-ulit na nahuhulog kahit anong gawin ko"

Did I just really said that!?

Shit! Shit! Shit!

Agad kong tinanggal yung seatbelt,lalabas na sana ako ng sasakyan ng biglang hinawakan ng mahigpit ni Taehyung ang kamay ko

"Taehyung ano ba bitaw-----"

Agad nya akong hinila at hinalikan

Then my tears suddenly fell down

He was caressing the tears in my cheeks while kissing me. I didn't respond to his kisses because it all sinked in to me

This is wrong!

Agad kong iniwas ang labi ko sa kanya

"Jennie what's the problem?"

"Natatakot ako" sabi ko at tumingin sa mga mata nya "Natatakot ako na baka saktan mo lang ulit ako katulad ng dati kapag pinagpatuloy natin to"

"Jennie what makes you think na sasaktan ulit kita?"

"Kung nagawa mo akong saktan noon, posibleng masaktan mo rin ako ngayon"

Hindi ko alam kung bakit ako yung nasasaktan sa ginagawa ko ngayon. I should be though at this point. Hindi dapat ako magpadala sa sitwasyon

"Taehyung this is all wrong. I'm sorry"

Agad akong lumabas sa kotse nya at agarang pinagpupupunas ang mga luha ko saka pumara ng taxi and thank god dahil may huminto kaagad kaya naman sumakay nako dito

Tama yan Jennie. Labanan mo yang pakiramdam na yan dahil yan ang tatapos sayo

-To be continued-

[A/N]: ANOOOOOOOOO NAAAAAAA HAHAHAHAHAH

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top