[B-2] Chapter 51: Hide and Seek
[A/N]: Sorry sa super duper late update nanaman
Jennie's POV
A few days later......
"Yes Ma, kararating lang namin dito sa airport. Kukunin na lang namin yung mga baggage namin tapos maya-maya baka uuwi na rin kami"
"Driver natin ang susundo sayo.Dumirecho ka sa bahay at magpahinga ka muna, okay?"
"Okay Ma bye~"
Agad kong binulsa ang phone ko saka pumunta kay Taehyung
Gosh~ I can't believe na natapos na ang trip namin ni Taehyung sa France. I must say na hinding-hindi ko malilimutan ang trip namin doon. And now that we are back home, I think that we are also back in reality...
Sabay naming kinuha ang mga bagahe namin. Pagkatapos non, naglakad-lakad muna kami para makahanap ng pagkakainan for dinner. 6:37 pm narin ng gabi ngayon kaya naman medyo kumakalam na ang mga tiyan namin
"Susunduin ka ba ng Mommy mo?" tanong nya
"Ah hinde. Driver namin" sagot ko at tumango lang sya
Patuloy parin kaming naglalakad ngayon. Actually we are two feet apart from each other. Pano ba naman kase.... Simula ng makabalik kami dito, bumalik nanaman yung ugali nyang malamig. Kumbaga, he's being cold to me, again. At hindi ko alam kung bakit sya nagkakaganyan
I tried to catch him up "Uyy saglit lang" sabi ko. Nilingon nyako
"Okay ka lang?" i asked
"Yeah. Bakit?" malamig nyang sabi
"Bakit parang iwas na iwas ka yata saakin ngayon?"
"What do you mean?" huminto sya sa paglalakad kaya napahinto rin ako.Nakatingin sya saakin na para bang may hinihintay na sabihin ko
"Ah wala wala.. Tara kumain na lang tayo ng dinner" i said then i chuckled nervously saka naglakad. Buti na lang at sumunod rin sya
See?? Eto nanaman sya, just like before... Matapos nyang guluguluhin yung feelings ko saka pakiligin ako noong nasa France kami ay bigla bigla naman syang naging ganto sakin ngayon
¦
"Sige Taehyung, Una na ako ha. Kita na lang tayo sa opisina nyo bukas" sabi ko sa kanya
Nandito na kami sa labas ng airport. Andito narin yung driver namin kaya ano pa nga ba? Edi uuwi na ako
Matapos ilagay ng driver ko ang mga bagahe ko sa likod ng sasakyan, tinulak ko yung baggage cart sa gilid at muli kong nginitian si Taehyung bago ako sumakay sa sasakyan but he just stared at me blankly
I don't get him....
Taehyung's POV
Agad akong humiga sa kama ko matapos ko ilapag sa sahig ang mga bagahe ko. Medyo matagal tagal rin akong di nakahiga rito kaya naman sobrang miss na miss ko tong paghiga dito sa malambot kong kama
Handang handa pa naman na sana ako matulog ng maramdaman kong nag vibrate ang phone ko sakin bulsa
* bzzt * * bzzt *
Napadilat naman ako saka kinuha sa bulsa ang phone ko para tignan kung sinong nag-text...
-
Jennie:
Hiiii. Kauuwi ko lang ng bahay. Magpahinga ka okay? Alam kong pagod ka sa naging biyahe natin. Thank you nga pala sa lahat dahil naging makabuluhan yung business trip natin sa France. Goodnight Taehyung :')
-
Dali-dali akong napa-upo sa aking pagkakahiga at paulit-ulit na binasa ang text mula kay Jennie
Na g-guilty tuloy ako. Alam kong naramdaman nya yung pagiging cold ko sa kanya kanina doon sa airport and she doesn't deserve that. Kaya ko lang naman kasi nagawa yun dahil nagpapaka-professional lang ako at ayokong may na e-envolve na feelings ko sa tuwing magkasama kami
Yes I do admit that I still love her. Ayoko lang naman kasi na mas bumalik yung pagmamahal ko sa kanya lalo na't alam kong hindi na nya ako mahal at baliwala lang sakanya lahat ng pagpapahalata ko na gusto ko parin sya
Jennie's POV
-
Jennie:
Hiiii. Kauuwi ko lang ng bahay.Magpahinga ka okay?
Alam kong pagod ka sa naging
biyahe natin. Thank you nga pala
sa lahat dahil naging makabuluhan
yung business trip natin sa France.
Goodnight Taehyung :')
Taehyung:
Ikaw rin magpahinga ka na. Thank you rin and goodnight...
-
Agad kong pinatay ang phone ko saka nilapag ito sa desk ng kama ko
Bakit ba kasi ako affected na affected sa mga kinikilos nya? For all I know pagod lang yun kaya ganon sya saakin kanina...
Aishh stop it Jennie!
Inayos ko na ang pagkakahiga ko. I think ang mas tamang gawin ko ngayon ay ang magpahinga na lang dahil back to reality of life nanaman ako bukas neto
¦
"We're glad to inform you all na nagawan na ni Jennie ng paraan ang bankruptcy nitong kumpanya sa tulong ng Kim Enterprises. Kaya naman simula ngayon, sisiguraduhin namin na hinding-hindi na namin hahayaang malagay muli sa alanganin ang kumpanya at sisiguraduhin rin namin na mas aangat muli pabalik ang kumpanya natin sa business industry"
Confident na sabi ni Mommy sa aming lahat. Nagpalakpakan at nagtayuan naman ang lahat ng board members namin dito sa loob na ngayo'y nakangiting pumapalakpak habang nakatingin saakin
I just bowed at them while smiling
"Gusto ko lang malaman nyo na kung hindi rin dahil sa tulong ng Kim Enterprises ay hindi natin malalagpasan to kaya naman sana magpasalamat rin kayo sa kanila" sabi ko naman at sumang-ayon sila saakin
Nang matapos ang meeting namin with the board members, pupunta naman kami ngayon sa opisina nila Kim Taehyung para makapagsalamat ako personally sa kanila
Kasama ko na ngayon sila Mommy at Daddy at sabay-sabay na kaming pupunta ngayon doon
¦
Humingang malalim muna ako bago ako bumaba dito sa loob ng sasakyan. I'm sure nasa loob na ngayon sila Daddy dahil kanina pa sila bumaba
Hindi ko nga maintindihan kung bakit ba ako kinakabahan e. Kikitain ko lang naman ulit si Taehyung
Ano bang mahirap dun?
Taehyung's POV
Bumukas na ang pintuan ng meeting hall namin at nakita kong pumasok rito sila Jennie at ang parents nya. Tumayo narin sila Mom and Dad at lumapit sa kanila. Pati na rin ang iba naming kasama dito sa loob ay tumayo rin para i-welcome sila
Inayos ko naman ang suot ko saka nilapitan rin sila para batiin
"Good afternoon, Sir" sabi ko sa Dad ni Jennie saka ito kinamayan. Ngumiti ito sakin at kumamay rin. Grabe, nanlamig bigla yung kamay ko dahil sa kaba
Nagulat naman ako ng bigla akong hinatak ng Mom ni Jennie saka niyakap
"Hello po Maam" kinakabahang bati ko
Tinignan ako neto at sinabing "Maam? Jusko naman Taehyung, Tita na lang ulit itawag mo saakin. Di ka naman na iba saakin e" nakangiti nyang sambit saakin kaya naman napangiti rin ako
And lastly, I diverted my eyes to Jennie. Parehas naming nginitian ang isa't-isa. Ako na ang nag first move kaya naman bineso ko sya at yun din ginawa nya
Matapos non, naupo na silang lahat sa kanya-kanya nilang upuan. Katapat ko ngayon si Jennie na kasulukuyang nakikipag-kamay sa mga board members ng kumpanya namin. Pinapakilala naman na nila Dad at Mom ang parents ni Jennie bilang bago naming business partner
And I guess... Mukhang magiging mahaba-habang usapan nanaman itong meeting nila.. Hayss
Jennie's POV
Jusko sa wakas natapos rin!~ Tumayo ako saka nag-inat ng mga buto-buto ko. Kasalukuyang kumakain ng lunch ang mga tao dito sa loob dahil may pa-catering ng buffet after ng meeting. Kakatapos ko lang kumain at hindi ako nakakain ng marami dahil katapat ko lang si Taehyung. Ewan, tensed yata ako sa presensya nya
Nagpaalam ako kanla Daddy na mag c-cr lang ako saglit kaya naman lumabas muna ako
After kong mag cr, naghugas ako ng kamay saka lumabas na. Laking gulat ko lang ng makita kong nasa labas na ng pintuan si Taehyung at ang malala, nagkatinginan pa kami
Di ko na lang pinansin ang presensya nya kaya nagpatuloy ako sa paglalakad nang may biglang humatak sa kamay ko na syang ikinagulat ko naman
Si Taehyung
"Pwede ba kitang maka-usap?" tanong nya
"Oo naman. Tungkol saan ba?" kalmadong sagot ko kahit deep inside ay sobrang nag papanic nako
Binitawan na nya ang kamay ko at sinabing "Naalala mo nung niyaya kita bilang date ko sa gaganaping party this week nung nasa France tayo?"
"Uhm... Oo, bakit?"
"Kalimutan mo na yun"
Hindi ko alam kung bakit ako biglang nakaramdam ng pagkalungkot sa sinabi nya. Bakit kaya? May iba na ba syang napiling date?
"Huh?"
"Napag desisyonan ko kasi na pumunta na lang sa party na yun ng wala nalang kasamang date. Sorry ha" sabi nya at napatingin sya sa lapag
"Huy ano ka ba okay lang yun. Wala namang epekto saakin e. Hahaha. Tsaka ano naman if may date or wala diba?" nakangiting sabi ko sa kanya at tumango naman sya
"Jennie!?"
Sabay kaming napatingin ni Taehyung sa pinanggalingan ng boses na tumawag saakin. Nanlaki bigla ang mga mata ko sa gulat ng makita ko kung sino ito
Si Irene.....
Agad naman akong napatingin kay Taehyung. Surprisingly, kalmado lang syang nakatingin sa kanya
"Anong ginagawa mo dito?" tanong nya kay Irene. Nginitian sya nito at naglakad papunta sa kinatatayuan naming dalawa
"Hi Jennie" bati nito saakin sabay beso sa pisngi ko. Para akong naistatwa sa pwesto ko. Anong ginagawa nya?
"Irene I'm asking you.. Anong ginagawa mo dito?" tanong muli ni Taehyung sa kanya
Nginitian kong pilit si Irene ng nilayo nito ang mukha nya saakin
Dalawang taon narin ang nakakaraan since the last time na nakita ko sya. At sa pagkaka-alala ko, kinasusuklaman kong makita ang maganda nyang mukha dahil paulit-ulit lang na bumabalik sa utak ko yung kasalanan nila ni Taehyung saakin
"Jennie will you please excuse us? May importanteng sasabihin lang ako kay Taehyung" nakangiti nitong sabi saakin
"Of course. No problem. Babalik pa ako sa loob e" sabi ko na lang at agad silang tinalikuran
As soon as I entered the meeting hall, kung ano-anong bagay nanaman ang pumasok sa isip ko. Tahimik akong bumalik sa kina-uupuan ko at nilibang ang sarili ko sa paglalaro sa phone ko
Kaya ba binawi ni Taehyung yung sinabi nyang gusto nya akong maging date ay dahil mas pinili nya si Irene saakin?
Sila na ba ulit?
Nagkabalikan ba sila?
Teka ano ba... Why am I stressing myself again because of him?
Jennie stop it! You've already moved on and there's no other reason for you to think of him
Ano pa ba kasing ginagawa ko dito? Tapos naman na yung meeting kaya mas mabuting bumalik na lang muna ako doon sa bahay para magpahinga kesa naman sa nandito akong kasama sa iisang lugar yung dalawang taong sinaktan ako...
I instantly stood up saka nilapitan sila Mom and Dad na abalang nakikipag-usap
"May kailangan ka ba anak?" tanong ni Mommy. Napatingin naman saakin ngayon ang mga kausap nila including Taehyung's parents
"Mom, Dad, I think uuwi muna ako. Medyo sumasakit kasi yung ulo ko e" pagdadahilan ko pa
"Oo nga pala, kakauwi nyo lang ni Taehyung kagabi. I'm sure you didn't have enough sleep kaya sumasakit ulo mo ngayon. Tama ba?" tanong ng Mommy ni Taehyung
"O-opo tita, tama po kayo" sabi ko naman
"Paano ka uuwi nyan? Isang kotse lang ang dala natin ngayon" sabi ni Daddy
"Dad it's fine.. I'll just take the taxi"
Pumayag naman na sila na umuwi na akong mag-isa. After kong mag paalam sa kanila, dali-dali akong lumabas ng meeting hall at nagpunta sa may elevator
While waiting for my ride at the elevator, bumukas na ito at nakita ko si Taehyung, of course we had an eye contact
"Aalis ka na?" he asked then step out of the elevator
"Oo, sumama kasi bigla yung pakiramdam ko e. Alam mo na, kulang sa tulog" sabi ko
Mukhang konbinsido naman sya sa sinabi ko at sinabing "Mag-iingat ka ha?" tumango naman ako as a response
Naglakad naman na sya pabalik doon sa meeting hall at sumakay na ako ng elevator
Pagkababa ko sa ground floor, nakita kong naka-upo sa sofa ng waiting area si Irene. Hinihintay ba nya si Taehyung?
Dire-direcho akong naglakad palabas ng opisina nang marinig kong tinawag ako ni Irene
"Jennie teka lang!" nilingon ko sya kaagad. Tumayo sya at lumapit saakin
"Bakit?" sabi ko habang nakataas ang isa kong kilay
"Pwede ba tayong mag-usap? Let's have some coffee somewhere. May gusto lang akong sabihin"
"I'm sorry Irene pero I have to go. Medyo masama rin kasi yung pakiram----" she cut me off
"Please, Jennie?"
¦
I ended up being here inside at this coffee shop with Irene. Pumayag narin ako sa gusto nya. Makikipag-usap lang naman sya e, wala naman sigurong mali don
"Here's your order. Enjoy your coffees Ma'am" sabi nung barista matapos ilapag ang mga order namin
"Thank you" sabi ni Irene sabay inom sa iced latte nya
"So... Ano nga pala yung gusto mong sabihin?" sabi ko while stirring my cup
"I just wanted to say that I'm sorry. Jennie I'm really sorry for everything"
Napahinto ako sa ginagawa ko at tumingin ng direkta sa kanya
"Alam ko na hanggang ngayon hindi mo parin ako napapatawad. I was so very immature back then. Sobrang uhaw na uhaw ako sa atensyon at pagmamahal ni Taehyung noon dahil hindi nya nagawa saakin yung mga ginagawa nya sayo nung kami pa. Kaya naman sobra-sobrang inggit at galit yung nararamdaman ko sayo nung mga panahong yon kaya naman I literally did everything just to ruin the two of you" sabi ni Irene sabay kuha sa kamay ko. I remained silent
"Marami akong nagawang masama sayo noong college days natin at sobrang nagsisisi na ako sa kasalanan ko sainyo ni Taehyung. Naging madamot ako dahil kinuha ko yung kaligayahan na deserve nyong dalawa. Kaya simula nung nawala saakin yung anak namin ni Taehyung, yun na siguro yung simula ng pagdating ng karma saakin. Ayoko ng mabuhay ng katulad dati. I want to change for the better. For myself and for my family" suddenly there are tears in her eyes
"Huy ano ba wag ka ngang umiyak dyan. Mamaya isipin ng mga tao dito na ang sama-sama ko sayo" sabi ko sabay pilas ng tissue at binigay ito sa kanya
Natawa sya sa sinabi ko habang pinupunasan ang luha nya. This time, ako naman ang humawak sa kamay nya
"Irene, okay na. Pinapatawad na kita. Matagal na nga actually e. Mabuti na lang talaga at humingi ka na ng sorry saakin. Dahil kung hindi, siguro habang buhay kitang kasusuklaman" sabi ko sabay ngiti
Ngumiti naman sya saakin at sinabing "Thank you, Jennie. Thank you talaga"
¦
After ng madrama naming pag-uusap, nagpatuloy kami sa pagku-kwentuhan. Aaminin kong medyo awkward na nakikipag-usap ako sa taong kinaiinisan ko dati pero what surprises me is that, we both found each other at peace. Masasabi kong tapos na ang alitan saaming dalawa ni Irene
"Irene tanong ko lang a" sabi ko
"Ano yun?"
"Bat parang bihis na bihis ka yata ngayon? May pupuntahan ka ba mamaya?" tanong ko. Totoo naman kase, ang kapal ng mga suot nya e hindi naman sobrang lamig ng weather ngayon
"Ahh... Napansin mo rin. Tama ka, aalis nga ako mamaya. May flight ako papuntang London"
"London!? Anong gagawin mo dun? Magbabakasyon ka ba?"
"Hindi. Actually magtatagal ako ng ilang buwan doon or years maybe dahil mag-aaral ulit ako ng designing para sa clothing line business ko"
Sobrang manghang-mangha na ako kay Irene ngayon. Sobrang layo ng ugali nya noon sa ngayon
"Woah~ Bakit ngayon mo lang sinabing may clothing line ka? Pag someday kailangan mo ng model, wag ka ng lumayo dahil andito ako" sabi ko sa kanya at nagtawanan kami
"Oo sige. Noted na yan" sabi nya saka tumingin sya sa relo nya "Jennie I think I have go. 3 hours from now na kasi yung flight ko and I need to be there at the airport ng mas maaga" sabi nya saka sya tumayo
Tumayo na rin ako. Niyakap namin ang isa't-isa. "Goodluck ha? Saka palagi kang mag-iingat doon. If kailangan mo ng kausap pag na ho-homesick ka, tawagan mo lang ako or si Mino.. Syempre pinsan mo yun hahaha"
Kumalas na kami sa friendly hug naming dalawa. We both smiled at each other
"Thank you talaga dahil pinatawad mo na ako. Di mo alam kung gaano ka tagal ko hinintay tong pagkakataon na to"
"Ano ka ba. Okay na yun. Kalimutan na lang natin lahat ng panget na nangyari saatin noon and let's start a new friendship from now on" nakangiting sabi ko at tumango naman si Irene
"Sana naman magkaroon na kayo ng happy ending ni Taehyung this time"
Nanahimik ako bigla sa sinabi nya
"Sige Jennie, una na ako. Bye~" sabi nya at tuluyan na syang lumabas ng coffee shop. Sumakay na sya sa sasakyan nya saka ito minaneho ng driver nya
Taheyung's POV
The next day.....
"Alam mo, ang labo mo rin e. Bakit di mo kasi subukang sabihin sakanya yon ng harapan?" sabi ni Hoseok na nakatapat sa salamin
Andito kaming pito ngayon sa loob ng boutique shop ng mga tuxedo. Nagsusukat at namimili na kami para sa gaganaping business ball this Friday
"Oo nga Taehyung, para lang kayong naglalaro ng Hide and Seek ni Jennie e. Alam mo yun? Parang... Taguan ng feelings?" sabi ni Jin at nagtawanan sila
"Ang kulit nyo naman.. Eh hindi nga natin alam kung hanggang ngayon may feelings parin si Jennie kay Taehyung" sabi ni Yoongi na kinagulat namin
"Wow gising ka pala? Akala kasi namin natutulog ka lang dyan sa sofa the whole time e. HAHAHA" tumatawang sabi ni Jimin at inirapan lang sya ni Yoongi
"Saka ano ba.. Okay na ako sa gantong set up namin ni Jennie" sabi sabay suksok sa coat na hawak ko
"Sus... Kilala ka namin. Marupok ka kaya. Ang dami-dami mong sinabi noon tas ngayon kinain mo lang lahat ng sinabi mo kasi hanggang ngayon mahal mo parin pala si Jennie" sabi ni Namjoon at lahat sila sumang-ayon sa kanya
"Ayoko lang naman kasing umasa ako sa wala diba?" sabi ko
"Alam nyo... Itigil nyo na yang pag dadrama. Lalo ka na Taehyung... Mag tatatlong oras na tayong andito at hanggang ngayon wala parin tayong napipiling susuotin" sabi ni Jungkook saamin na kanina pa nagsusukat ng mga tuxedo
At dahil doon, tumayo na ako sa kinauupuan ko at nagpunta na sa fitting room para magsukat
Bahala na... Kung saan man ako dadalhin nitong pagtatago ko ng feelings para kay Jennie ay sana hindi ko pagsisihan balang araw
Jennie's POV
"Sana naman magkaroon na kayo ng happy ending ni Taehyung this time"
Aish Jennie ano ba! Walang ibig sabihin yon. Erase! Erase! Erase!
Lumababas ako kaagad ng kwarto at bumaba sa hagdan. Medyo late narin ako ng gising ngayon dahil napuyat pako kagabi kakanood ng kdrama. Lam nyo na.. Stress reliever
Laking gulat ko na lang ng makita kong naka-upo sa sala namin si Chanyeol na nagbabasa ng magazine
What the heck is he doing here?
Narinig ko rin yung mga tawanan sa kusina. And I guess tawa ni Mommy yun at ng mga bisita nya
"Chanyeol!? What are you doing here?" tanong ko habang bumababa ng hagdan
Nginitian nyako sabay abot saakin ng dalawa nyang... Roses?? Again?
Teka, nasabi ko na ba na ang gwapo nya? Like seriously, his aura today is very different to the last time na nagkita kami. More on mas nagwagwapuhan ako sa kanya ngayon
"Here take it" sabi nya sabay abot saakin ng dala nya
"T-teka.. Para saan to? May okasyon ba?" kinuha ko naman yung bouquet. Ang ganda at ang fresh ng amoy ng roses na bigay nya. Ang gandang bungad naman sa umaga neto
Shocks I forgot. May gusto nga pala sya saakin
Hindi kaya nanliligaw na sya!??
"Well wala namang okasyon. I just wanted to give that to you dahil may gusto sana akong itanong sayo personally" sabi nya na bigla kong ikinakaba
"And what is it?"
"Will you be my date for the upcoming Business Ball this Friday?"
L.. O.. A.. D.. I.. N.. G..
Na-speechless ako. I can't believe that he's asking me to be his date. Hindi naman sa pagsisinungaling pero bakit yung pag-aya ni Taehyung saakin ang naalala ko ngayon? For all I know, hindi na ako ang date nya because he cancelled it
I looked at Chanyeol's face and Gosh! Sino bang hindi makakatanggi sa mukhang to? Wala naman sigurong mawawala saakin if papayag ako diba? It's only a date after all
"Oo pumapayag ako. I'll be your date at the ball"
-The be continued-
[A/N]: KALMA KALMAAAA THIS FRIDAY JANUARY 25, 2019 MAGUUPDATE NAKO NG KASUNOD PARA NAMAN PAREHAS NA FRIDAY SA STORY DIBA?? OKEH. OKEH. MAY PASABOG NA MAGAGANAP SA NEXT CHAPTER KAYA WAG KAYONG MAINIP DAHIL MAHIRAP MAG-ISIP NG PLOT PER CHAPTERS HAHAHA! THANK YOUUU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top