[B-2] Chapter 50: Tower

[A/N]: Bago ang lahat, BELATED MERRY CHRISTMAS AND A HAPPY NEW YEAR SA INYONG LAHAT GUYS!! So kahapon nag post ako ng author's note asking if I should still continue writing this story even though Jennie and Kai are now officially in a relationship and I'm so glad dahil kahit confirmed na ang relasyon nung dalawa, mas ginusto nyo paring i-continue ko pa tong My Temporary Girlfriend, kaya talaga namang masasabi kong tayong mga taennie shippers ay talaga namang matatatag paren!! Whoo!! HAHAHA Sabi nga nila.. "Hangga't wala pang kasalang nagaganap, may pag-asa pa" DIBA DIBA?? HAHAHA Basta as long as masaya si Jennie kay Kai, I'll support them as a couple. PERO SYEMPRE TAENNIE SHIPPER PARIN AKO HAHAHAHAHA!! WHOO!! GUCCI COUPLE PAREN MGA ULOL!! chos. Oo na basahin nyo na yung chapter...

Taehyung's POV

"And right now, we are already closing the deal with your company. We will invest to your project"

Nakangiti kong kinamayan si Mr. Hwang at ang iba pa nyang kasama. That's right.. Nakuha namin ang deal na to!!

"Thank you so much for dealing with us Mr Hwang" masayang sabi ni Jennie saka tumingin sakin, I smiled at her

"I know that our money will not be wasted once we invest this to your project. I'll give my hundred percent trust to the both of you, okay?" sabi ni Mr Hwang

"Of course Mr Hwang. Me and my partner will not let you down" sabi ko at nagngitian kaming lahat

Jennie's POV

Gosh I'm so happy right now.. Mukhang nag paid-off narin yung mga pagod at puyat ko nitong nakaraan araw para lang sa proposal na to.. And sa wakas eto na nga, nakuha na namin. Whooo!!

Nandito kaming dalawa ni Taehyung ngayon sa isang mamahaling restaurant. Aba syempre naman hindi ako papayag na hindi namin ice-celebrate tong magandang pangyayari na ito

"Congrats to the both of us!" nakangiting sabi ni Taehyung while raising his glass for a toast

"Congrats to us!" sabi ko naman at nag cheers kaming dalawa sabay inom sa mga hawak namin

"Nasabi ko na kanla Mom and Dad yung tungkol dito at sobra silang natuwa sa naging resulta. Sinabi ko rin na ipaalam sa parents mo na naging success yung pagkuha natin kay Mr. Hwang bilang investor ng itatayo nating business" sabi nya at tumango naman ako

"Alam mo, ang galing mo kanina habang nagpepresenta ka duon sa harap, di ko nga inexpect na magiging ganun kaganda at kagaling yung presentation natin e" pagpapapuri ko

"Sus.. Ikaw kaya yung mas magaling kanina. Isa pa pansin ko, grabe sila kung tumingin sayo habang nagsasalita ka duon sa harap kanina. Isang dahilan siguro yon kung bakit pumayag kaagad sila Mr Hwang na mag invest saatin" sabi nya na nagpatawa saakin

"Well buti na lang talaga pinaghandaan ng ganda ko tong araw na to Hahaha" nakangiting sabi ko

"Kahit naman sigurong hindi mo pinaghandaan to, maganda ka parin naman e"

Anu daw?

"Ano sabi mo?"

"Wala! Sabi ko gutom na ako" sabi nya saka sya tumawa

Ayan ka nanaman Kim Taehyung...

¦

Kakatapos lang namin kumain ng lunch ni Taehyung. Magbabayad na lang kami ng bill dito tapos aalis narin kami

"Ako na magbabayad" sabi ko sabay bukas ng wallet ko

"Wag na, ako na. Just leave it to me" sabi ni Taehyung. Nilagyan na nya ng pera yung book bill ng kinainan namin

"Here" sabi nya sabay bigay dun sa waiter

"Ahh.. Taehyung"

"Bakit?"

"Since tapos naman na yung pakay natin dito sa France. Uuwi na ba tayo kaagad bukas?"

"Bakit? Uwing-uwi ka na ba? Alam mo naman siguro na may tatlong araw pa tong trip natin diba?"

"Oo alam ko yun. E kaya lang anong gagawin natin dito kung tapos naman na yung pakay natin?"

"Magbabakasyon"

"Bakasyon!?"

"Oo. Bakit ayaw mo ba?"

Syempre gusto ko. Gustong gusto

"Wala naman akong sinabi a"

Ngumiti sya at sinabing "Yun naman pala e. Alam mo marami akong alam na magagandang pasyalan dito. Ano tara na?"

"As in now na talaga?"

He shrugged his shoulders "Ikaw, kailan mo ba gusto?"

"Pwedeng mamayang gabi na lang?" tanong ko

"Oo naman"

|

3:47 na ng tanghali ngayon. Umuwi kami kaagad ni Taehyung dito sa hotel para naman makapag pahinga kami ng kaonti bago kami gumala mamaya.
Actually sobrang na-eexcite nga ako ngayon dahil syempre first time ko dito sa France and I guarantee that this place is worth it kung pagbabakasyunan. Malamig ang simoy ng hangin dito sa France kahit tanghali. Well pano pa kaya mamayang gabi?

Tumayo ako sa kama saka binuksan ang maleta ko. Mamimili kasi ako ngayon ng susuotin kong outfit para mamaya

Taehyung's POV

*/ tok /* */ tok /* */ tok /*

Kinatok ko ang kwarto ni Jennie at sinabing "Jennie lumabas ka na dyan. Hapon na oh. Mamaya wala na tayong maabutan duon" Bakit ba kasi antagal nya lumabas?

"Teka eto na, wait lang"

At lumabas narin sya sa wakas

"Bat ba ang tagal mo?" tanong ko

"Eh sorry naman diba. Tara na" sabi nya habang nagsusuot ng coat

Pagkadating naming dalawa sa ground floor ng hotel, humanap agad kami ng masasakyang cab papunta sa subway station

After almost 15 minutes namin sa cab, narating na namin ang subway station at ngayo'y pasakay na kaming dalawa sa loob ng train ng biglang kumapit si Jennie sa braso ko

"Nakakahilo bang sumakay dito?" medyo namumutla nyang tanong, ngumisi ako

"Don't tell me na first time mong sumakay ng tren sa buong buhay mo?" taas kilay kong tanong

Dahan dahan nyang tinango ang ulo nya sabay tingin sa mga mata ko "Paano kung mahilo ako at magsuka nalang dito? Jusko nakakahiya naman pag nangyari yon. What if kung wag na lang kaya akong suma---"

"Shhh!" I cut her off "Wag mo kasing isipin na mahihilo ka. Isipin mo na lang na kapag natapos kang sumakay dito, masusulit mo yung mga pupuntahan natin" sabi ko at mukhang konbinsido sya sa sinabi ko "Besides, I'm here with you. Di ko hahayaang may mangyari sayo" dagdag ko

She just started at me with her blank expression, ang awkward

"Alam mo Taehyung kagabi pako naweweirduhan sayo" sabi nya saka sya tumalikod saakin at ini-scan ang beap card ng tren

Parang tanga kong sinuntok ang dibdib ko saka sya sinundan papasok

Jennie's POV

"Uyyyy.. Malapit na ba tayo??" tanong ko

"Medyo" tipid nyang sagot habang nagbabasa ng magazine

Urghh!! Hilong hilo na talaga ako... Higit 10 minutes na kaming nakasakay dito sa tren. Gustuhin ko mang enjoyin yung maganda view sa bintana ay hindi ko magawa dahil feeling ko I'll throw up instantly if I did that

Napatingin ako sa nagpapawis kong mga palad saka ito pinahid sa coat ko. Ganto kasi ako tuwing nahihilo, napapasma ang mga kamay ko

"Nahihilo ka parin ba?"

Medyo nagulat akong napatingin kay Taehyung. Hindi sya nakatingin saakin kundi dun parin sa magazine

"Oo e" sabi ko

Binaba na nya ang hawak nito saka humarap saakin

"Give me your hand"

I was startled...

"Huh? B-bakit?"

"Basta. Just give it to me. Akin na" sabi pa nya at nakalahad na ang palad nya sa harap ko

Ano bang gagawin nya? Di ba nya alam na hindi ako natutuwa sa skinship naming dalawa simula nung napunta kami dito? Tas ngayon he's asking for my hand? For what??

"Tss..." he instantly grabbed my right hand. Ewan ko ba kung bakit hindi ako nakakibo, hinayaan ko na lang sya

"Alam mo kasi, pag nahihilo ako, pinapahilot ko sa mga kasama ko yung daliri't palad ko para mawala yung hilo ko" tinignan nyako, he smirked "I didn't know that this was your first time riding a train" sabi nya habang hinihilot ang kamay ko

"Well atleast ngayon alam mo na" sabi ko sabay ngiti. Ngumiti rin sya

"Feeling better?" tanong nya. Tutok na tutok sya sa ginagawa nya

He's right. Effective nga tong panghihilot na ginagawa nya. Unti-unti nang nawawala yung hilo ko

Tumango ako "Medyo hindi na ako nahihilo" sabi ko. Binitawan nya ang kanang kamay ko at sinumulan nyang hilutin ang kaliwa

Kung diko lang alam na si Taehyung to, baka isipin kong isa syang massage therapist sa sobrang sarap ng paghilot nya saakin

"Try to look at your back" sabi nya

Dahan dahan akong lumingon sa likuran ko at ang tanging nasabi ko lang ay "Woahh~" The view of the city lights is so beautiful... "Omg ang ganda~" manghang-mangha kong sabi. Nilingon ko muli si Taehyung na nakatingin din sa view sa labas ng bintana "Taehyung okay na ako" sabi ko

Binitawan nya kaagad ang kamay ko saka sya tumango "Buti naman"

Agad ko namang kinuha yung phone ko saka nagsimula ng kuhaan ng pictures itong napakagandang view sa harapan ko

Ilang saglit pa, huminto na ang tren at mukhang nakarating na kami sa destinasyon namin. Isa-isa ng nagsi-alisan yung mga tao dito sa loob. Tumayo narin si Taehyung saka inayos ang suot nya "Tara na para mas magkaroon pa tayo ng maraming oras para magikot-ikot" sabi nya kaya naman tumayo narin ako sinundan sya palabas

Naglalakad na kami ngayon sa gilid ng kalsada. Kada gilid na nadadaanan namin ay may ibat-ibang boutiques at kainan kaming nakikita. Napakalinis at ganda ng mga kalye. Animo'y mahihiya kang maglaglag ng basura dito sa gilid gilid sa sobrang linis. Bukas na rin ang halos lahat ng ilaw nila dito dahil gabi na ngayon. At dahil gabi na nga, ramdam ko na ang mas malamig na simoy ng hangin dito sa France

"Jennie dalian mo naman" sabi ni Taehyung na naglalakad sa unahan ko
Ano bang minamadali nya? Tss...

Binilisan ko ang paglalakad ko para pantay na kami. Tumingin sya saakin at sinabing "We have to make it quick, baka magsisimula na yung fountain show sa Versailles Palace"

"Fountain show? Omg I want~" naeexcite kong sabi

¦

"Wowwww~" manghang-mangha kong sabi habang aliw na aliw kong pinanunuod yung dancing fountain

After almost 10 minutes, natapos rin yung pagpapasikat nung mga nailaw at nasayaw na pabibong fountain

Kahit tapos na yung show, marami paring mga tao ang nandito kahit na paulit ulit na lang yung ginagawa nung sa fountain. Picture doon, picture dito. Syempre ayokong wala akong memory sa lugar na to kaya naman agad akong lumapit kay Taehyung

"Taehyung..."

"Ano yun?"

"Picturan mo naman ako doon malapit sa fountain o" sabi ko pero mukhang ayaw pa nya "Please~" I said then I pouted

"Tss...Oo na" sabi nya then he grabbed my phone

Pumwesto nako dun sa harapan nya, I strike some poses then he captured them. Binalik na nya saakin yung phone ko at nireview ko ang mga kuha nya. Infairness, hindi blurred

"Ayaw mo ba magpapicture?" tanong ko

"Hindi na kailangan, marami nakong pictures na ganyan sa cellphone ko" sabi nya

Does that means dati na syang nagpunta dito? Well di nako masusurprise if oo dahil alam na alam nya ang mga pinupuntahan namin dito

"Eto lang ba pupuntahan natin?" tanong ko

"Well, may alam ako na sigurado akong mag-eenjoy ka pag napuntahan natin" nakapamulsa nyang sabi

"Saan naman?"

"Secret" sabi nya sabay ngisi

Taehyung's POV

It's already 7:45 pm in the evening. Naglalakad kaming dalawa ni Jennie ngayon papunta sa last destination ng gala namin ngayong gabi.. Partida, magkahawak ang mga kamay namin. Holding hands kumbaga

"Uy saan ba talaga tayo pupunta? Malapit na ba?" tanong nya

"Yup... Konting lakad na lang kaya bilisan na natin okay?" i looked at her then I smiled. She smiled back

Hinila ko ang kamay ni Jennie at sabay kaming tumakbo ng mabilis

¦

"Ohmygod!!~ Ang ganda!~" aniya

Binitawan ko kaagad ang kamay ni Jennie ng makarating na kami. Halata sa mga mata nya na tuwang-tuwa sya sa nakikita nya ngayon.... Sino ba kasing hindi magagandahan dito sa Eiffel Tower diba?

Maingay at maliwanag yung paligid dahil maraming tao rin ang nandito ngayon na kasama rin naming pinagmamasdan ang kagandahan nitong Eiffel Tower

Binaling ni Jennie ang tingin nya saakin... Those lovely eye smiles of hers.. Ngayon ko lang ulit nakita yan at masaya ako dahil ako ang dahilan kung bakit ko ulit nakikita yang maganda nyang ngiti

"Thank you" she mouthed at me. Nginitian ko sya

"For what?"

"For bringing me here. Alam mo bang kasama talaga to sa mga gusto kong gawin dito sa France? Kaya naman, thank you dahil natupad mo yung gusto" sabi nya saakin

"You don't have to thank me. Wala yon... You deserved to be happy after all the pain that I've cost you" I sincerely said. Nakita kong naspeechless sya sa sinabi ko. Mukhang di nya alam kung anong irerespond sa sinabi ko

Napahawak ako sa batok ko "Tara dinner muna tayo.. Anong oras na rin naman kasi e" sabi ko sabay talikod. Buti naman at sumunod rin kaagad sakin si Jennie

Jennie's POV

Okay so ohmygod... I was in a total panic back there. Mabuti nalang at kakatapos na naming kumain ni Taehyung ng dinner ngayon. Honestly medyo nagkahiyaan na kami sa mga pinagkikikilos namin habang kumakain kami. Kasi naman tong si Taehyung kung ano ano na lang yung lumalabas sa bibig nya.. Tsaka isa pa tong puso ko... Aishh. Nevermind!

Sabay kaming lumabas ng restaurant ni Taehyung. Well kita rin namin dito sa labas ng restaurant yung Eiffel Tower. Parang ayoko ng bumalik duon sa baba dahil masakit sa paa. Mas gusto kong dito na lang muna kami mag sightseing para iwas sa ingay nung mga tao tsaka mas peaceful at mas maganda ang ambiance dito

"Ang ganda no?"

Agad akong napatingin kay Taehyung na ngayo'y pinagmamasdan yung tower. Akala ko naman ako yung tinutukoy nya na maganda

"Sobra. Sobrang ganda" I said looking at him

Bigla syang humarap saakin kaya namin dali-dali akong umiwas ng tingin.. Bakit parang pinagpapawisan yata ako? Ay ewan

"Jennie?"

"Huh?" agad akong sumagot

"Can I ask you something?" nakapamulsa nyang sabi

"S-sure. Ano ba yun?"

Eto nanaman.. Kinakabahan ako sa tuwing nagsasabi sya ng ganyan. Feel ko kasi parang may pinapahiwatig tong lalaking to e

"Galit ka parin ba saakin?"

Natameme ako

Parang nanlambot pa yung tuhod ko ng makita ko yung expression ng mukha ni Taehyung

Jennie pagsubok lang yan. Wag ka ng magpadale sa mga mata nya kung ayaw mong masaktan ulit. Umiwas ka kaya mo yan

I mentally shut myself up

"Bakit mo naman natanong?"

"Curiosity. Mamaya kasi di ko alam pinaplastik mo lang pala ako the whole time na magkasama tayo dito" biro nya. I smiled

"Hindi na. Matagal na. Hindi na ako galit sayo kaya pwede ba? Stop saying na pinaplastik kita" sabi ko at natawa sya

"Oo na" sabi nito at muling nanahimik

I snapped myself out. Kinuha ko na lang yung phone ko saka pinagpipicturan yung view sa harapan ko

Syempre di ako papayag na wala akong picture dito kaya naman tinanong ko si Taehyung if pwede ba nya akong picturan at pumayag naman sya

"1, 2, 3!" bilang nya. I smiled for the camera

"Okay isa pa" and again I smiled

Riniview nya yung mga kuha nya sa phone ko at sinabing "Alam mo try mo kayang ngumiti kasama ngipin para naman mas maganda kang tignan"

"Ano ka ba okay na yan"

"Isa pa" makulit nyang sabi at tinapat muli saakin ang camera

"Ang kulit mo rin no?" sabi ko

"Sus.. Sige na. Smile ka na dali" ika nya

"Si Taehyung ang kulit"

"Yiee~ Ngingiti na yan~ Sige na dali~ 1, 2, 3!~" gaya ng sinabi nya, ngumiti ako ayun sa gusto nya

"Oh diba tignan mo mas maganda" sabi nya while scanning my phone. Lumapit ako at tinignan yung kuha nya. Wow naman, ang sayahin ko tignan.. Para akong bata tss HAHAH

"Oo na ikaw na magaling na photographer" sabi ko sabay bawi sa phone ko

"Jennie"

"Uhm??" tinitignan ko muli yung mga pictures ko

"Can you be my date sa aatenan naming business ball next week?" at dahil don napatigil ako sa pag swipe sa phone ko sabay tingin sa kanya

"B-business ball? Anong business ball? Tsaka b-bakit ako?" seriously bakit ako??

"Hindi mo alam? Business ball yun na inorganized ng Hallyu Estate Pride, sila yung mga nag oorganize ng mga business parties na nagiging dahilan para magsama sama yung mga best of the best sa business industry. I'm sure you'll be there dahil kasama ang parents mo sa mga nag sponsor sa event na yun. And don't worry, Jin, Jisoo, Lisa, Jungkook, Hoseok, Namjoon, Yoongi, Rosé and Jimin will be there dahil syempre mga top business owners ang parents nila" pagpapaliwanag nya

Oo nga pala.. Nasabi na saakin to ni Daddy saakin isang beses nung kumakain kami. Nagulat pa nga ako dahil nagawa pa nilang mag sponsor kahit medyo gipit kaming maglabas ng pera para sa future ng kumpanya namin. Well ano pa bang magagawa ko sa mga magulang ko? I think I really need to come to that event

"Bakit ako?"

"Kasi ikaw yung gusto ko"

Nanlaki bigla yung mata ko sa gulat

"I mean ikaw yung gusto kong kasama doon kasi syempre diba business partners tayo at yung company natin? Well I think it will be a good thing for public image. Diba?" dagdag pa nya. Talaga lang Taehyung ha?

"Edi sige. I'll be there. I'll be your date" I said then I cleared my throat

"Good" sabi nya sabay ngisi

¦

Nakahiga na ako ngayon dito sa kama. Naisipan kaagad ni Taehyung umuwi dahil baka mahirapan daw kami sa pagcomute kaya naman pumayag ako. Siguro mga lagpas isang oras na rin after naming makauwi

Umupo ako sa kama saka kinuha ang phone ko sa gilid. Muli kong tinignan yung picture ko sa Eiffel Tower na kinunan ni Taehyung na agad ko namang pinost sa instagram

Ininat ko ang mga kamay ko saka humikab.. Inaantok na yata ako. Ikaw ba naman kasing makipag meeting sa investor nyo at gumala pagkatapos diba? To be honest, I really enjoyed staying here. Napaka ganda dito at siguro addition na lang din doon na kasama ko si Taehyung

Speaking of Taehyung, hanggang ngayon talaga binabagabag parin ako nang mga kinikilos nya pag magkasama kami. Siguro kasi affected ako dahil may past kaming dalawa

*/ bzzt /* */ bzzt /*

Kinuha ko ang phone ko. Mga notification ko sa instagram.. Sigurado akong puro mga kaibigan ko tong dahilan ng pagbaha ng notifs ko

You posted this 5 minutes ago.....

👤jennie_kim: One of the best nights of my life 💗
267 likes | 9 comments

view comments...

wwhndsm_jin: Miss ko na kamo si Taehyung. Pakisabi nalang Jennie
rosie_rosé: ang ganda naman NUNG EIFFEL TOWER kekeke~
jeonkookie: Sino kaya kumuha ng picture na to? Hmmm...
^replied lalisaaaa: hmm sino kaya?
^replied hoseokk: obvious naman na kung sino tinanong mo pa
namjoon_k: ehem!! ehem!! ehem!!
taehyung kim ehem!!
minyoongiswaeg: patulog na sana ako pero nagising ako bigla. Ganda ng kuha mo dito tol a? taehyungkim
jiminssi: kaya pala ang ganda ng ngiti kasi si taehyungkim yung kumuha
jisooyah: GIRL YUNG PUSTAHAN NATEN WAG MO KALILIMUTAN~ HAHAHA!

Mga siraulo talaga tong mga to kahit kailan talaga.. Hay nako..

*/ bzzt /* */ bzzt /*

Muli kong kinuha ang phone ko



You have 2 new notification :

taehyungkim liked your new post

taehyungkim commented: Sabi ko naman sayo mas maganda ka pag ganito yung ngiti mo e ♥

Agad kong pinatay ang phone ko. At humiga sa kama...

Kim Taehyung bakit ganito? Bakit ako kinikilig sa mga pinaggagagawa mo saakin this past few days? I just hope that this will not go further

Dahil baka pag ipinagpatuloy nya to, baka mahulog lang ulit ang loob ko sa kanya.....

-To be continued-


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top