[B-2] Chapter 49: Sleepless Night
Jennie's POV
Nandito ako ngayon sa kwarto ko na nag iimpake ng mga dadalhin ko papunta duon sa France. And yes... Pumayag nakong sumama kay Taehyung. As if naman kasi na may dahilan ako para humindi diba? Bukas na nga pala ang alis namin kaya medyo nagmamadali narin akong mag impake dahil may pupuntahan pako sa mall pagkatapos nito
Biglang pumasok si Mommy sa kwarto
"Jennie may bisita ka sa baba" sabay upo sa kama ko
"Bisita ko? Sinong bisita Ma?"
"Si Chanyeol" napatigil ako sa pag iimpake
Si Chanyeol!? Anong ginagawa nya dito!?
"Huh? Bakit daw?"
"Hindi ko alam pero ikaw daw ang pinunta nya. Aalis na nga rin pala ako. Mag dinner ka na lang mamaya sa labas kung na bobored ka. Baka gabihin na kasi kami ng uwi ng Daddy mo sa dami ng inaasikaso namin. Okay?" sabi nya saka tumayo at bineso ako sabay labas ng kwarto ko
Wow Ma. Iniwan mo lang talaga ako dito sa bahay ng ganun ganun na lang?
Agad akong tumayo at nag palit ng damit ko dahil medyo close enough na sa pagiging basahan yung ripped T-shirt ko. Pagkatapos non bumaba narin ako
Pag dating ko sa baba, may bouquet ng red roses ang naka patong sa center table namin sa sala. Okay?
Kinuha ko ito saka inamoy kung fresh ba ito or hinde and infairness, amoy fresh naman. I'm sure na si Chanyeol ang may pakana nito. Pero anong dahilan? Bakit nya ako bibigyan ng ganto?
"Nagustuhan mo ba?"
Agad akong napalingon sa likuran ko at nakita kong nakasandal sa pader si Chanyeol with matching crossed arms pa. Ngumiti sya then he walk towards me
"Sabi ko naman sayo diba? Magkikita at magkikita uli tayo"
"Salamat nga pala dito sa roses ah? Pero bakit ka nga pala andito? May kailangan ka ba?" tanong ko
"Well let's just say na simula nung nag meet tayo nung isang araw, hindi ka na nawala sa isip ko" At dahil doon nanlaki bigla ang mata ko dahil sa gulat
"And what do you mean by that?"
"I like you Jennie Kim"
Sinungaling na siguro ako pag sinabi kong hindi ako kinikilig sa mga sinasabi nya
"A-ako? Bakit ako?"
"Kailangan ko pa bang mag explain kung bakit kita nagustuhan? Ikaw kaya yung ideal type ko"
O. M. G na talaga... As in ohmygad. Bakit ganito?? Ang lakas bigla ng tibok ng puso ko
"Chanyeol naman.. Kakakilala lang natin tapos gusto mo na ako kaagad?" sabi ko then natawa ako. May halong kaba yung tawa ko
"Mahalaga pa ba yon? Don't worry, hindi ko naman ini-expect na mahulog ka saakin e, I just came here to tell you my feelings towards you" sabi pa nya saka sya ngumisi
Para akong naistatwa sa kinatatayuan ko dahil hindi talaga sumi-sink-in sa utak ko lahat ng nangyayari ngayon
"Bago ako umalis, gusto kong malaman mo na pinayagan nako ng Mommy and Daddy mo na ako ang mahahatid sayo sa airport bukas. See you" sabi nya sabay kindat saakin at lumabas ng bahay
Paano nya nalamang aalis ako bukas??
Si Chanyeol? Sa dinamiraming babae sa mundo ako pa talaga nagustuhan non? Well ayoko pa munang pumasok uli sa love love na yan.. Baka maulit lang kasi yung nangyari saamin ni Taehyung dati.. Mahirap masaktan
Taehyung's POV
Andito ako ngayon sa condo ko. Kakatapos ko lang mag imapake ng mga dadalhin ko bukas sa France. Aaminin ko, medyo na e-excite ako bukas na umalis dahil kasama ko si Jennie. Well, medyo lang naman.Sabihin na nating may past relationship kaming dalawa pero that doesn't change the fact na magkaibigan parin kami. Na kahit medyo pangit yung ending namin atleast may chance na magkakaroon kaming dalawa ng closure once na naging magkasama kami
Pero hindi paring mangyayaring magkakabalikan kami. At sigurado akong hinding-hindi na mangyayari yon. Itaga nyo pa sa bato
Lumabas nako sa condo ko dahil aalis ako ngayon para bumalik sa opisina namin. Naghihintay kasi saakin duon sila Jungkook, Jimin, Namjoon, Yoongi, Hoseok, at Jin
Jennie's POV
"Pasalubong namin ah?" sabi ni Rosé
"Bakit saakin lang kayo magpapabili? Ako lang ba pupunta duon? Kay Taehyung nyo kaya sabihin yan?"
"E bakit ba, mas close ka namin kaya sayo kami magpapabili HAHAHA" ani Jisoo
"Pero ako no need na ng pasalubong. Ang gusto ko lang pagbalik nyong dalawa ni Taehyung dito, magiging gaya na kayo uli sa dati. Yieeeeee" sabi ni Lisa at nagtawanan silang tatlo
Hay nako.... Eto nanaman sila...
"Oy joke lang.. Ito naman HAHAHA" sabi ni Lisa
"Alam nyo may naisip ako" sabi ko
"Ano?" sabay sabay nilang tanong ko
"Since pinagpipilitan nyong lahat na baka magkabalikan kami ni Taehyung after naming mag France, naisip ko na magkaroon tayo ng pustahan" naka ngiti kong sabi
"Pustuhan tungkol sa?" tanong ni Jisoo
"Kapag nga nagkabalikan kami ni Taehyung, magbabakasyon tayong apat sa Maldives at lahat ng gagastusin duon, sagot ko" sa sinabi kong yon tila nag twinkle ang mga mata nilang tatlo "At kapag walang nangyari, ibibili nyokong tatlo ng bago kong kotse. Ano? Deal?" HAHAHA. Akala nyong tatlo ha!
"Deal!" sabay sabay nilang sabi
¦
Pagkatapos naming magsamasamang apat kanina duon sa mall, nag suggest nako na uuwi na ako dahil nga bukas na ang flight namin
Paakyat na ako ngayon sa kwarto ng bigla akong nakatanggap ng text message
Unknown:
1:00 pm. Call time natin yan. Please naman wag kang mag papa-late, hindi eroplano ang maghihintay sayo bukas. Tandaan mo, 2:45 pm ang oras ng flight natin
Sigurado akong si Taehyung tong nag text saakin
Jennie:
And where did you get my number?
Unknown:
Hiningi ko kay Seokjin bakit?
Jennie:
Okay sige. I'll be there tomorrow. Wag kang mag-alala, dadating ako bukas ng mas maaga pa sa call time mo
Unknown:
Dapat lang
|
The next day......
I was putting on my make-up right in front of the mirror. 11:37 na ng umaga ngayon kaya medyo binibilisan ko na tong ginagawa ko. Nang matapos ako, pinasuyo ko na sa mga maids namin na ibaba na tong mga gamit ko. At pagbaba ko, natanaw ko na kaagad sa labas ang kotse ni Chanyeol. Oo nga pala, ihahatid nyako
"Tulungan na kita dyan" sabi ni Chanyeol at kinuha nya saakin yung hawak kong backpack saka nilagay to sa loob ng sasakyan nya
"Paki pasok na lang ng mga yan sa kotse nya" sabi ko sa mga maids
Nilapitan ko si Chanyeol na ngayo'y abalang ilagay ang gamit ko sa kotse nya
"Salamat nga pala a. Naka-abala pa tuloy ako sayo" sabi ko
"Maliit na bagay lang to. Sige na sumakay kana, kailangan na nating umalis kasi baka maiwan ka pa ng eroplano" sabi nya at sinunod ko naman sya
Sumakay narin sa loob si Chanyeol at pinaandar na nya ito saka minaneho
Taehyung's POV
2 hours later....
What the heck. Nasaan na si Jennie!??
1:47 na ng tanghali ngayon at hanggang ngayon, wala parin sya dito!! Tss.. Pasabi-sabi pa syang darating sya ng mas maaga sa calltime ko? O pwes asan na sya? Arghh!!
I decided to call her for about how many times pero hindi sya nasagot bakit???
Maya-maya, laking ginhawa ko na lang ng makita ko yung pag mumukha nya, agad ko syang pinuntahan sa labas at abala syang nagbababa ng mga gamit nya
"Saang lupalop ka ba ng galing at bat ang tagal mo!?" singhal ko sa kanya
"Ang traffic traffic kaya! Isa pa, wag mo ngakong sigawan!" sabi nito sabay irap sakin
Nanlaki ang mga mata ng nakita ko kung sino yung kasama nya na bumaba sa kotse
"Anong nangyayari dito?" tanong nya
"Wala. Sige na bumalik kana doon. Thank you nga pala sa pag hatid a?" nakangiting sabi ni Jennie sa lalaking kausap nya. Di ko alam kung bakit hindi ko nagugugustuhan tong nakikita ko
"Sus.. Ikaw pa. Malakas ka kaya saakin" sabi ng lalaki sabay kindat kay Jennie. May problema ba yang mata nya? Bat ba sya nakindat?
"Di mo ba ako ipapakilala sa kasama mo?" tanong uli nung mokong sabay harap saakin. Inayos ko ang tindig ko sabay tingin kay Jennie
"Si Taehyung yan, sya yung makakasama ko ng buong linggo" bored na pagpapakilala nya
"I'm Kim Taehyung, corporate heir of Kim Enterprises. And you are?"
"Park Chanyeol, corporate heir of KB Financial. Nice to meet you" sabi nya at nilatag nya sa harap ko ang kamay nya at kinamayan ko sya
"Enough introductions okay? Taehyung tara na" sabi ni Jennie. Kinalas ko na ang kamay ko dun sa Chanyeol
"Ingatan mo si Jennie doon ha? Wag mo syang pababayaan" sabi pa nya. Tss.. Ano tingin nya saakin? Pabaya!? Kung maka-demand kala mo kung sino
"Have a safe trip. Ingat kayo" sabi nya saamin ni Jennie at sumakay na sya kotse nya saka ito minaneho paalis
I glanced at Jennie. Naka-ngiti nyang sinusundan ng tingin yung kotse nung Chanyeol na yon
"Hoy!" sigaw ko at nagulat naman sya sabay tingin saakin
"Sino yung Chanyeol na yon? Close ka ba don? Shota mo ba yun? O manliligaw mo?" nakataas kilay kong tanong
Natawa sya at sinabing "Bakit mo natanong? Nagseselos ka ba?" sabay crossed arms
"Ako? Magseselos? Wow naman. Bakit ako magseselos? Wala akong pake sa love life mo. Tinatanong ko lang" sabi ko
"O sige.. Sabi mo e... " natatawa nyang sabi sabay hila sa maleta nya papasok sa loob
Tss.. Bakit naman ako magseselos?
Third Person's POV
Matapos ang kanilang mahabang biyahe, nakarating din sila Jennie at Taehyung sa France. Gabi na ngayon at andito parin sila sa airport at hinihintay na lang nilang dalawa ang mga bagahe nila at pagkatapos non ay aalis na sila
Jennie's POV
*/ grwwwwll */
Nagugutom na ako!! Huhuuu.. Hinawakan ko na lang ang tiyan ko na nagkukumahog na sa gutom saka tinignan si Taehyung. Busy sya sa telepono nito dahil may kausap sya. Siguro sila yung investors na kikitain naming dalawa bukas
"May problema ba?" shocks oo nga pala, nakatitig lang ako sa kanya
"W-wala. Wala naman.. Ayan na nga pala yung mga bagahe natin o!" sabay turo ko sa mga gamit namin. Agad ko itong pinagkukukuha at nilagay sa baggage cart
"Nagugutom ka na ba?" biglang tanong nya
"Hindi pa naman" Oo! Gutom na gutom na ako!!
"Tss.. Sinungaling" sabi nya saka sya natawa "Tara na nga, mag dinner na tayo. Alam ko namang kanina ka pa gutom e" at nagsimula na syang maglakad
Kaagad ko syang sinundan sa sa pag lalakad. Sino ba naman ako para humindi sa pagkain diba??
¦
Nandito kaming dalawa ngayon sa restaurant na hindi ko ma pronounce yung pangalan dahil french. Hayss.. Hahaha
Ako, kasalukuyan akong nag aayos ng make-up habang si Taehyung naman ang nag oorder sa counter. Maya-maya bumalik na sya bitbit yung number stand saka sya umupo sa tapat ko
Ang tahimik namin...
Ni isa saming dalawa, walang nagtatangkang mag salita...
Jusko ang awkward...
"Sya nga pala Taehyung"
"Hmm?"
"Tungkol nga pala sa meeting, anong gagawin natin bukas?" tanong ko. Actually alam ko naman e, sadyang gumagawa lang ako ng paraan para di kami awkward ngayon
"Well kailangan nating umalis ng maaga bukas. Siguro after breakfast. Tapos kikitain natin sila bukas duon mismo sa opisina nila. Yung mga sasabihin mong proposal bukas, memorize mo na ba?" tanong nya sabay turo saakin
"Sus.. Syempre memorize ko na yun no. Ako pa ba?" confident kong sabi with matching hair flip
"Mabuti naman.. Basta ang tatandaan mo lang kung bakit tayo nandito ay kailangan natin silang ma-convince sa business proposal natin"
"Yes boss!" sabi ko at napangiti sya
That smile...
Na miss kong makita yan...
Jennie ano ka ba stop it!
I mentally slapped myself. Agad akong umiwas ng tingin kay Taehyung at binalik ko na sa aking pouch ang mga make-up ko
Matapos non, dumating na rin sa wakas ang pagkain namin.. Mabuti naman...
Taehyung's POV
"Here's your keys Ma'am and Sir. Enjoy your stay here at our hotel" sabi ng babae dito sa front desk sabay abot ng susi saamin
"Thank you" rinig kong sabi ni Jennie. Muling nagtama ang mga mata namin at sabay rin kaming umiwas
Nauna na sa taas ang mga gamit namin dahil yung staff na dito sa hotel ang nag-akyat non. Ngayon, nandito kaming dalawa ni Jennie sa loob ng elevator
Oo.. Sa elevator...
At bigla bigla na lang nag flashback sa utak ko yung ginawa naming dalawa sa loob ng elevator nuong pinuntahan ko sya sa States
Pansin kong nagpapaypay si Jennie sa sarili nya na para bang init na init sya. Pero bakit? Airconed kaya dito sa loob
Hindi kaya naalala rin nya? Hahaha
"Init na init a?" sabi ko sabay tawa
Tinagnan nya ako ng masama sabay irap. Natawa na lang ako sa sarili ko dahil sa inasal nya. Obvious naman kasi na naalala rin nya...
Pumasok na kaming dalawa sa loob ng hotel room at nakabalandra dito sa gilid ng pintuan ang mga bagahe namin na sabay naming kinuha
"Sya nga pala Taehyung matutulog na ako a? See you tomorrow" sabi nya sabay pasok sa kabilang kwarto. Dalawa kasi yung bedroom na kinuha namin. Alangan naman kasing magsama kami sa iisang kama diba?
"Sige goodnight" sabi ko. Dumirecho narin ako sa kwarto ko. Binuksan ko ang maleta ko saka kinuha yung mga gagamitin kong pamalit pati mga toiletries. Pagkatapos non dumirecho nako sa banyo para maligo
Jennie's POV
1 hour and 30 minutes later.....
Arghhh!! Hindi ako makatulog!
Kanina pa ako paikot-ikot dito sa kama dahil medyo namamahay pa yata ako kaya hindi ako makatulog kaagad. Ni hindi rin ako makaramdam ng antok kahit na pagod ang katawan ko dahil sa biyahe. Ewan ko ba!
Kinuha at binuksan ko lang ang laptop ko para muling aralin yung ipepresent naming proposal ni Taehyung bukas
"Paulit-ulit ko ng binabasa to e!" naiirita kong sabi sabay sarado sa laptop saka humiga
Maya-maya, muli akong bumangon at lumabas ng kwarto para uminom ng tubig. Surprisingly, sabay kaming lumabas ni Taehyung. Magkaharap kami ngayon dahil magkaharap lang din yung pwesto ng mga kwarto namin
"O bat gising ka pa?" tanong nya. Nakasuot sya ng pantulog ngayon at ang cute lang dahil mukhang pambata yung design
"Ah e.. Iinom lang ako ng tubig" sabi ko at tuluyan nakong lumabas sabay bukas ng ref "Eh ikaw? Bat gising ka pa?" tanong ko sakanya habang nagbubukas ng bottled water galing ref
"Hindi ako makatulog" at napalingon ako sa kanya
Nilapag ko sa mesa yung bottled water na hawak ko "Parehas pala tayo e" bored kong sabi
Medyo nagulat ako nung lumingon sya kaagad saakin
"Alam mo may naisip ako para antukin tayo parehas" okay?
"Ano?" sabi ko
"Mag kwentuhan tayo" sabi nya na ikinagulat ko. Seryoso ba sya?
"H-huh?" seryoso ako. Di ko sya maintindihan
"Tss..." sabi nya sabay tayo sa sofa at lumapit saakin saka hinila ang kamay ko at niyaya nya akong maupo sa sahig, at ginawa ko naman
Ngayon naka-upo kaming dalawa dito sa malamig na sahig habang sya, mukhang nag aabang na magkwento nga talaga ako
"Teka seryoso ba to?"
"Mukha ba akong nagbibiro Jennie?" okay hindi nga sya nagbibiro
"P-pero di ko alam kung anong ikukwento ko sayo. Saka kung mag kukwento man ako, di ko alam kung saan ako magsisimula. Ikaw na lang ----"
"Shhh!" he cut me off "Wag na. May naisip akong iba. Teka" sabi nya at tumayo sya sabay punta dun sa mesa at kinuha yung bottled water na ininuman ko "Oh ayan. Mag spin the bottle na lang tayo" umupo sya sahig sabay lapag ng hawak nya
I don't get him. Bakit parang mas masigla sya ngayon compared kanina? Saka bakit parang naging childish yata tong personality nya? Si Taehyung pa ba talaga tong nasa harapan ko?
"Kung kanino nakaturo yung inuman, sya yung sasagot ng tanong. Tapos mag tatanong naman yung hindi nakaturo sa inuman. Okay?" sabi nya at tumango na lang ako
Inikot na nya yung bote at saktong huminto naman yung turo ng inuman saakin kaya napatingin ako sa kanya. Bakit ba ako kinakabahan?
"Kamusta ka na?" simpleng tanong nya
"Okay naman. Eto medyo pagod lang" sagot ko naman. Jusko, simpleng question and answer portion lang pala to e
"Ako naman" sabi ko sabay kuha sa bote at pinaikot ito at huminto kay Taehyung
"Ang dali ng tanong ko sayo a. Dapat saakin din" sabi nya sabay crossed arms
"Fine... Anong capital ng France?" tanong ko. Hindi naman siguro obvious na medyo walang kwenta yung tanong ko diba? Hahaha
"Seriously? Napaka dali. Edi syempre Paris" sagot nya
"Mali" sabi ko sabay tawa
"Mali? Paano naging--- o sige. Anong capital ng France?" tanong nya
Ewan ko bahala na "Edi F. HAHAHA!"
"Ang corny mo Jennie" sabi pa nya "Okay ako naman. Anong tawag sa mga taong pansamantalang nandito sa France?" sabi nya habang nagpipigil ng tawa nya
"O ano?" bored kong sabi
"Edi France-samantala. HAHAHA!" sabi nya sabay tawa ng malakas. Sya kaya yung mas corny saming dalawa!
"Tss... Tigil na nga natin yan. Dapat mga seryosong tanong naman this time" sabi ko sabay tanggal nung bote "Di narin dapat nating gamitin yan"
"Sige sabi mo e" sabi nya at tumigil na sya sa pagtawa sa sarili nyang joke
"Nagkaroon ka ba ng bagong girlfriend after ng break-up natin?" tanong ko na ikinagulat nya pero napilitan kaagad ng signature smirk
"Bat interesado ka? Siguro ----"
"Nagtatanong lang ako. Wag kang assuming ,wala lang talaga akong maisip" sagot ko. Totoo naman e. Wala na talaga akong maisip
"Wala"
"Weh?"
"Oo nga.... Ako naman" umurong sya ng mas malapit saakin "Nagkaroon ka ba ng bagong boyfriend after ng break-up natin?" tanong nya
"Wala rin" sagot ko
"Sus wala daw.. Eh sino yung lalaki kanina? Ano nga uli pangalan nun.... Ayun! Yung Park Chanyeol!"
"Kaibigan ko lang si Chanyeol. Kakakilala ko lang kaya dun sa tao. Ikaw ha, wag ka ngang judgemental" sabi ko
"Ako ulit" sabi ko "Bakit pumayag kang maging business partners tayo kahit alam mo namang mag ex tayo?"
"Pumayag ako dahil alam kong magaling ka. Saka ano naman ngayon kung dati tayong mag ex? Wala na yun. Tapos na yun. Kaya lang tayo magkasama is because of business purposes only" alam ko naman yan no
"O ako naman" sabi nya "Bakit mo ako hinalikan nung nagkita ulit tayo duon sa club na para bang miss na miss mo ako?" ani Taehyung sabay todo ngisi
Shit naman naalala parin talaga nya yon?
"Lasing ako non okay? Saka di ko naman ginustong mangyari yun no. Eh ikaw nga baka nag-enjoy ka pa dun sa ginawa ko e" sabi ko habang tinataas baba yung kilay ko
"Ako? HAHAHA! Bat ako mag-eenjoy? Pinagsisisihan ko kaya yung gabing yon. Dapat nga di na lang kita pinuntahan non para di nangyari yun e" sabi nya sabay tawa
Agad ko syang pinalo nung water bottle "Alam mo bwisit ka parin talaga hanggang ngayon" sabi ko at muli ko syang pinalo
"Aray! Joke lang e. Tama na masakit" nasasaktan sya pero tumatawa. Baliw ba to? Tinigilan ko na syang paluin
"At dahil pinalo mo ako, ako parin magtatanong sayo" sabi nya sabay ngiti
Muli ko syang pinalo "Ang daya mo!" sabi ko pero pinigilan nya yung kamay ko na mapalo uli sya na ngayo'y hawak na nya
Okay ako lang ba na aawkwardan? Hanggang ngayon kasi hindi parin nya binibitawan kamay ko e
"Ang tagal naman yata ng tanong mo?" sabi ko at ramdam kong lumuluwag na yung hawak nya saakin hanggang sa natanggal na ito
"Jennie"
Teka bakit parang nag iba yata yung ambiance dito sa loob?
"Bakit?"
Direcho nya akong tinitigan sa mata na naging dahilan kung bakit bigla kong naramdaman na tumibok ng malakas yung puso ko
Ano to?
Bakit ganito?
Hindi na dapat ako nakakaramdam ng ganito...
"Jennie... Sa tingin mo ba may chance pa na maging tayo ulit?"
dugdug...
dugdug...
dugdug...
Hindi ako makapagsalita. Tila na glue na yata sa isa't-isa yung labi ko at di ko ito magawang ibuka
Nakita kong nagulat rin si Taehyung sa naging tanong nya kaya agad syang napaiwas ng tingin saakin
"A-ano... Ah.. Ano.. Jennie kalimutan mo na yun. Matulog ka na lang. Inaantok na ako e" sabi nya sabay tayo "Wag mong kakalimutang gumusing ng maaga bukas ha?" sabi pa nya bago sya tuluyang pumasok sa kwarto nya sabay lock dito
Habang ako, eto... Ni hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko at di rin ako makapagsalita
Isang bagay lang ang alam ko...
Nalilito ako....
Taehyung's POV
SHIT!
Kim Taehyung bakit!???
Arghhh!
Hindi ko na dapat hinayaan na mangyari yon. Bakit ba kasi ang tanga ko? Kung ano-ano tuloy nasasabi ko
Isa pa.. Bakit ba kasi ako nagsisinungaling sa sarili ko all this time?
Oo na...
Inaamin ko na sinungaling at naging duwag ako dahil hanggang ngayon, mahal ko parin ang ex-girlfriend ko
Mahal ko parin si Jennie...
-To be continued-
[A/N]: YIEEEEEEEE!! Sorry sa always late late late update ko. Minsan kasi tinatamad talaga ako at inaatake ng writer's block kaya kapag gusto ko magsulat wala akong nagagawa HAHAHA. Saka exam pa namin this week kaya blangko talaga ako ngayon. Pero atleast ngayon nag update nako. PAG DATING NG CHRISTMAS BREAK NAMIN BABAWI NA TALAGA AKO! ♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top