[B-2] Chapter 48: Ticket

Taehyung's POV


Naglalakad na ako ngayon papasok sa opisina ko. Kailangan kong ma-meet kaagad itong gusto raw na makipag- partner sa company namin dahil kailangan namin sila sa upcoming project sa bagong itatayo naming business

Agaran kong pinihit ang pintuan ng opisina ko saka ako pumasok. Laking gulat ko na lang nang makita ko kung sino yung taong nandito sa loob na kasama ko

Si Jennie...

"Anong ginagawa mo dito!?" gulat na gulat kong sabi

"Ako nga dapat na nagtatanong sayo nyan e" sabi pa nya at agaran syang nagsuot ng sapatos

Sinarado ko ang pinto at nilapitan sya "Hindi mo ba alam kung nasaan ka ngayon? Pwes, andito ka ngayon sa loob ng opisina ko. At isa pa, sinong nagpahintulot sayong pumasok nalang ng basta basta dito!?"

"Pwede ba wag mokong taasan ng boses!? Isa pa, si Jungkook ang nagsabi saakin na pumasok ako dito!"

"Si Jungkook!?" teka bakit naman nadamay si Jungkook dito? Oh.. Sya ba? Sya ba yung tinutukoy nya na ipapakilala nyang magiging business partner namin?

"Oo sya nga bakit!" sabi ni Jennie

"Wait... Don't tell me na ikaw yung makaka business partner namin?" sabi ko sabay crossed arms

"Ako nga. Bakit? May angal ka? Alam mo dapat talaga di nako sumama kay Jungkook ngayon. I don't wanna do business with you!" mataray na sabi ni Jennie sabay irap saakin

"Wow ha! Sa tingin mo gusto ko to? Tss.. No thanks.. I also don't wanna do business with you"

Muli nya akong inirapan saka kinuha ang mga files na dala nya. Lalabas na sana sya ng opisina ng biglang pumasok si Jungkook sa pinto

"Oh saan ka pupunta?" tanong nya kay Jennie

"Hoy Jeon Jungkook!" tawag ko

"Oh bakit?"

"Hoy! Bakit di mo kaagad sinabi saakin na si Taehyung pala yung tinutukoy mong nangangailangan ng business partner!? Sana naman sinabi mo ng maaga para di na ko pumunta sa lugar na to" galit na galit na sabi ni Jennie

"Oo nga! Sana naman sinabi mong si Jennie lang pala yung kikitain ko para di nako nag-abalang mag-ayos pa!" singhal ko

"Pwede ba kumalma kayo!?"

"PAANO KAMI KAKALMA!?" sabay naming sabi ni Jennie at dahil doon nagkatinginan kami sa isa't-isa pero di rin yun nagtagal dahil parehas kaming umiwas agad ng tingin

"Woahh.. Napaka synchronized naman non" manghang sabi ng mokong

"Tss.. Tumabi ka nga dyan uuwi nako!" sabi ni Jennie pero agad syang hinarang ni Jungkook

"Hindi ka pwedeng umuwi. Walang aalis!" sabi pa nya. Sinarado nya ang pinto at hinila nya si Jennie papunta sa harap ko

"Oh ayan. Mag usap na kayo" sabi pa nya saka binitiwan si Jennie

"Pwede ba? Tantanan mo nga ako" sabi ni Jennie

"Wala na kaming kailangang pang pag usapan ni Jennie" sabi ko

"Guys be professional naman oh. Alam kong dati kayong may history pero pwede ba isantabi nyo muna yun? This is for business purposes only at hindi para sa naudlot nyong relasyon" sabi ni Jungkook dahilan para tumahimik dito sa loob

Mukhang may punto naman yung sinabi ni Jungkook. Tama sya, this is clearly for business purposes only. Siguro naman walang mangyayaring masama kung pakikinggan ko lang yung proposal ni Jennie para sa kumpanya diba?

"Professional? Tss.. Ako kaya kong magpaka-professional pag dating sa mga gantong bagay. Ewan ko na lang dyan sa isa" sabi ni Jennie. Pinaparinggan nya'ko Tss...

"Sige. Pumapayag nako.. Present to me your proposal for the company"

Jennie's POV

I still can't believe na pumayag pa syang pakinggan kanina yung mga proposals ko. Buong akala ko mababalisa sya saakin pag nandon ako pero hindi, nagkamali ako. He remained calm all the time. Habang ako, tense na tense na kasama sya kanina

"Yun lang nangyari? As in wala ng iba? Puro business talks lang?" tanong ni Jisoo

"Hoy. Ano bang ine-expect mo? Na pagkatapos nun, pag-uusapan pa namin yung dating kami? Jusko naman.. Syempre di na mangyayari yun no" sabi ko sabay inom ng kape ko

"Pero kahit na... Malay mo nakaramdam sya ng spark uli sa inyong dalawa kaya pumayag syang maging partners ang mga company nyo"

"Spark? Eh kung kuryentihin kaya kita dyan para maramdaman mo yung spark na sinasabi mo? Saka FYI, hindi pa mag-partners yung mga kumpanya namin"

"Hindi pa" sabi ni Jisoo sabay ngisi

"Tss.. Kim Jisoo tigilan moko ha. Wala ako sa mood makipag biruan ngayon" sabi ko sabay irap

"Eto naman di mabiro. Syempre joke lang yun. Alam ko namang siguradong wala na kayong gusto sa isa't-isa. Besides mahigit 2 years narin kayong hiwalay no. I'm sure naman naka-move on na kayong dalawa nyan"

"Syempre naman naka-move-on nako. Sa gandang kong to? Hayss.."

Andito kami ni Jisoo ngayon sa isang coffee shop. Niyaya ko syang magpunta dito dahil iniwan ko na sila Jungkook at Taehyung doon dahil pakiramdam ko di ko kayang magtagal sa lugar na yun kaya umalis kaagad ako

Taehyung's POV

"Oh ano? Di ka pa aalis? Hanggang kailan ka pa manggugulo dito?" tanong ko dito sa lecheng kasama ko

"Bat mo ba ako pinapaalis? Mamaya pa kami mag d-date ni Lisa kaya mamaya pako aalis" sabi nya habang binubuo ang rubics cube ko

"Bahala ka nga" sabi ko sabay kuha ng phone ko

"Tapatin mo nga ako"

"Ano nanaman??"

"Buti pumayag kang pakinggan kanina yung proposal ni Jennie? Alam mo buong akala ko pa nga irereject mo yun eh"

"Tss.. Ikaw narin nagsabi diba? Clearly for business purposes lang lahat ng to. Wala ng iba. Saka kailangan na kailangan ko na rin sya ngayon"

"Wait... Did I heard that right?" sabi ni Jungkook habang nakatingin sakin

"Ang ano?"

"Sinabi mong kailangan na kailangan mo si Jennie diba?"

"Sira! What I mean is, kailangan na kailangan ko na ng business partner para sa upcoming project ng kumpanya"

"Sige sabi mo e" nakangisi nyang sabi

Hay nako Jeon Jungkook....

Jennie's POV

Jusme. Nakakastress ng sobra tung araw na to. Aishhh...

Nag d-drive nako ngayon papasok sa subdivision namin. Gabi na ngayon kaya I decided na umuwi narin ng mas maaga para sabihin kanla Mom and Dad na posibleng maging magkatrabaho kami ni Taehyung

Magpapark na sana ako sa tabi ng buhay namin ng may makita akong dalawang magagarang sasakyan na naka-park sa harapan ng bahay namin

Siguro may mga bisita tong sila Mommy at Daddy

Pinark ko na lang sa di kalayuan ang kotse ko saka naglakad na papunta sa bahay namin. Saktong pagdating ko sa may gate nasa labas yung isa naming katulong kaya pinagbuksan nya rin ako kaagad

"May mga bisita ba sila Mommy sa loob?" tanong ko

"Yes po Ma'am. Medyo kararating nga lang din po nila e" sagot nya

"Ah okay salamat" sabi ko saka pumasok nako sa loob

Omg that smell... My favorite...

BABY BACK RIBS!! ARGHHH!

Gosh nakakagutom naman yung amoy na yun. Agad akong nagpunta sa dining area kung saan may namumuong ingay. And right there, nakita ko sila Mom and Dad pati ang mga bisita nila

"Oh Jennie anak andito kana pala. Sakto! Luto na yung pagkain. Come dali! I cooked your favorite" sabi ni Mommy sabay tayo at lapit saakin

Marahan akong hinila ni Mommy papunta sa kainan at sinabing "Everyone, this is my daughter. My unica hija, Jennie Kim"

I just bowed and smiled at them. To be honest di ko kilala tong mag-asawang bisita nila Mommy at Daddy. First time ko palang ata silang makita

"Good evening po" sabi ko sa kanila

Tumayo yung dalawang mag-asawa, pati narin si Daddy. Lumapit saakin yung babae saka ako bineso

"Hija, it's good to finally meet you in person"

"Uh.. H-hello po. Ako rin po nice to meet you " medyo nahihiya kong sabi nginitian ko lang yung asawa nyang lalaki

"Hi Daddy" sabi ko kay Daddy sabay beso

"Anak, I would like you to meet Mr and Mrs Park of KB Financial. Andito rin yung anak nilang lalaki nag-cr lang saglit" sabi ni Dad

Teka nga.. KB Financial!? Sa pagkaka-alam ko yun yung pangalan ng company nung lalaking naka-set saakin for arrange marriage diba? Bakit sila nandito!??

Ilang saglit pa, may narinig akong malalim na boses ng isang lalaki

"Good evening, Jennie Kim"

Agad kong nilingon ang likuran ko para makita kung sino yung nag salita

"Ayan na pala sya" nakangiting sabi ni Dad "Anak, I would like you to meet the heir of KB Financial"

Okay. First of all, Wow. To be honest hindi ko inexpect na ganito yung magiging itsura nung lalaking ipapa-arranged marriage sana saakin nuon.

Di ko rin inexpect na ganito ka tangkad, ka gwapo, at ka laki yung katawan ng lalaking to ngayon. Okay fine I admit, nagagwapuhan ako sa kanya, okay

Inabot nya sa harap ko ang kamay nya for handshake "I'm Park Chanyeol, heir of KB financial. Masaya ako na nagkita na tayo sa personal ngayon"

I just can't take my eyes off him. Gosh ang gwapo gwapo talaga nya...

"Uhm.. Jennie?"

"H-ha??" gosh nakatulala na pala ako sa kanya "Ah oo, ako rin, nice to meet you. Mukhang kilala mo nako kaya di nako magpapakilala sayo HAHA" medyo tensed kong sagot sabay nakipag handshake sa kanya

"Awe~ You guys looked so cute together" entra nung nanay nya dahilan para mapabitaw ako sa kamay ni Chanyeol

"Okay let's all eat first habang mainit-init pa ang pagkain. Jennie anak dito kana maupo sa tabi ko" sabi ni Mommy

At dahil masunurin akong anak, ginawa ko ang sinabi ni Mommy at umupo nako sa tabi nya

Taehyung's POV

"At pumayag ka?"

"Bakit hindi? Trabaho naman yun a" sabi ko sabay inom sa hawak kong shot glass. Nandito ako ngayon sa isang club

"Yeah I know pero hindi yun basta trabaho lang.. Taehyung, You're working with your ex" pangaral nito ni Namjoon. Ewan ko ba. Nasanay na lang siguro ako na palagi akong nagkukwento sa taong to. Sa aming magkakaibigan, sya kasi yung pinaka mature at maintindihin saaming lahat kaya pag ganitong may mga pinopoproblema or kailangan akong advice, si Namjoon palagi ang unang taong nilalapitan ko

"Hindi pa kami magkatrabaho okay? Pero sa tingin ko dun din yung bagsak non" sabi ko

"Exactly. Dun rin mapupunta yun. Eh di ba ikaw na rin nagsabi noon? Na wala ka ng pake sa kanya at di mo na sya mahal? Eh baka naman pag nagkatrabaho kayo nyan, kainin mo lang lahat ng sinabi mo saamin"

Agad ko syang nilingon at sinabing "Bakit ba ini-insist nyong lahat na magkakabalikan kami? Namjoon, di na mangyayari yon. Nag promise ako sa kanya 2 years ago na kakalimutan ko na lahat ng pinagsamahan namin"

"Hay nako Kim Taehyung. Wag kang magsalita ng hindi tapos" naka-ngisi nitong sabi

Iniling ko na lang ang ulo "Tss.. Bahala ka na nga dyan" sabi ko sabay tapik sa balikat nya at umalis

Now it's time for me to get some girls to sleep with....












Jennie's POV

Kasalukuyan akong nandito ngayon sa kusina namin, naghugas ako ng kamay dahil kakatapos ko lang kumain, saktong pag lingon ko, nakita ko si Mommy

"Ma. Sagutin mo nga ako"

"Oh bakit? May problema ba?"

"Bakit sila nandito? Akala ko ba napag-usapan na natin nila Daddy na hindi nga ako papayag na pakasalan ko yung anak nila?"

"Jennie kumalma ka nga.. Don't worry.. This is just a friendly dinner. Wala ng iba, okay? Kumalma ka" sabi ni Mommy sabay pat sa balikat ko at bumalik sa kainan

Mabuti naman kung friendly dinner lang to.. Pero seryoso ang gwapo pala talaga nung Chanyeol no? Bat ba kasi ngayon lang ako nakakita ng ganong klaseng lalaki?? Siguro kung di ko nakilala si Taehyung noon baka dito ako na-inlove sa Park Chanyeol na to

Oh my god.. Ano ba tong sinasabi ko??

"Sira ka talaga Jennie Kim!" mahinang sabi ko saking sarili sabay tapik sa labi ko

I decided to comeback sa dinning to get my phone and car keys at the table

Bakit wala na dito si Chanyeol? Umuwi na ba sya?

Whatever

"Ma igagarahe ko lang kotse ko a?" mahinang sabi ko kay Mommy at tumango naman sya kaya agaran nakong lumabasa ng bahay

Naglalakad nako papunta sa kotse ko until something caught my attention

"Bakit ka naka-sandal dyan sa kotse ko?" I ask him sabay crossed arms. And what is that smell? Bakit ang baho? It smells like a cigarette. I really hate that smell

"May problema ba?" sagot nya. Teka nga.. Is he smoking? Okay major turn off nako sa lalaking to

"Naninigarilyo ka pala?" tanong ko habang tinatakpan ang ilong ko

"Oo bakit? Gusto mo subukan?" at inabot nya saakin yung isang stick ng sigarilyo na hawak nya. Tinaasan ko sya ng kilay. Seryoso ba sya? "I'm just kidding " sabi nito sabay smirk. Tinapon nya sa sahig yung hawak nya sabay tapak rito

Honestly gwapo sana sya e. Kaso may bisyo nga lang. I really hate the smell of cigarettes. Kaya naman ngayon I don't see Chanyeol now as an attractive person

"Bakit ka andito sa labas? Hinahanap mo ba ako?" tanong nya. Wow, asumming?

"That's my car okay? Now please tumabi ka dyan. You're blocking my way" sabi ko

Napa-atras ako ng bahagya ng umayos sya ng tindig nya at dahan-dahang naglalakad papunta sakin

Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng di maganda sa paligid ko ngayon

"Can I just ask you something?" sabi nito

"A-ano yun?"

"You know what, nasasayangan ako para saating dalawa" Anudaww?

"Excuse me?"

"Balita ko kasi tutol ka raw sa arranged marriage nating dalawa eh. Sayang naman"

At talaga bang sasabihin nya to sa harap ko?

"Walang sayang dun. Actually, tama lang na umayaw ako to that stupid idea. Imaginin mo ha, sa tingin mo ba matutuwa ka pag buong buhay mo is magiging kasal ka lang sa isang taong di mo naman mahal? Tss.. Ayoko. No way" sabi ko

"Does love really is a big deal to you when it comes to marriage? Alam mo ako, hindi ako naniniwala dyan sa love love na yan. It's pathetic" sabi pa nya sabay brush up sa buhok nya

"Alam mo Mister Park Chanyeol, sa ayaw at sa gusto mo, love is love. Ngayon if you think that it's pathetic, well I guess hindi ka pa nakakaranas non"

"Alam mo rin Miss Jennie Kim, ang gusto ko lang sabihin is, bakit di natin subukan? Let's just see kung saan tayo hahantong if we're gonna be in a relationship"

And hearing those words made me stop breathing for awhile

"No" sagot ko

"No? Tss.. Malaking bagay ang mawawala sayo kung hindi mo ako papatusin Jennie Kim. Remember, I have money, a good public image, and especially, good looks" sabi nya sabay crossed arms

"Sabihin na nating nasayo na nga ang lahat. Pero, I'm not gonna fall to a person with that kind of attitude of yours. Mayabang" sabi ko sabay irap

Natawa lang sya sa sinabi ko. Nakakatawa ba yon ha?

"It was nice having a small conversation with you Jennie Kim" sabi nya at naglakad na sya papaalis "Sa susunod ulit" dagdag pa nya sabay taas ng kamay nya at nag wave ng 'bye'. Pumasok na sya sa kotse nya saka pinaandar at umalis na ito

That Park Chanyeol guy is really interesting yet annoying at the same time...

I just shook my head off saka pumasok sa kotse ko at pinark ito

Chanyeol's POV

Ngayon na nagkita na kami ni Jennie sa wakas. I'm gonna make sure na hindi lang yon ang una at huling pagkikita namin dahil simula ngayon, I'm gonna make sure that she's gonna fall for me no matter what. At lahat gagawin ko para makuha ko sya. But I'm gonna do that slowly, but surely

"Magiging akin ka rin, Jennie Kim"

Jennie's POV

The next day....

Nandito ako ngayon sa opisina namin. Sa opisina ko I mean. Nag iinput lang ako ng mga naging sales ng kumpanya namin for this month para sa gaganapin na meeting maya maya lang

To be honest hindi ako natutuwa sa kalagayan ng ranking ng kumpanya namin kaya naman gagawin ko ang lahat maibangon ko lang ang business namin

Speaking of business.. Hindi ko pa nga pala nasasabi kanla Mom and Dad yung tungkol sa pagiging partners namin ni Taehyung. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko gustong gusto ko syang makatrabaho at ayaw na ayaw rin at the same time.. Ewan ko ba

*/ bzzt /* */ bzzt /* */ bzzt /*

Kinuha ko kaagad ang phone ko saka nakitang tumatawag si Mommy kaya naman agad ko itong sinagot

"Hello Ma?"

"Nasaan ka?"

"Papunta nako dyan sa meeting hall. Bakit? Nag stastart na ba kayo dyan?"

"The meeting is cancelled. Pero pumunta ka parin dito. May mas importanteng bagay pa tayong pag-uusapan"

"Cancelled ang meet----"

At yun na nga, binabaan ako ni Mommy. Ewan ko ba dito sa nanay ko kung bakit nitong mga nakaraang araw palagi na lang nyakong binababaan

Tumayo nako kaagad sa kinauupuan ko saka lumabas sa opisina ko at sumakay ng elevator. Pag dating ko sa 11th floor kung saan nandon ang meeting hall namin, naglakad nako papunta doon

Pag pasok ko sa loob, laking gulat ko na lang ng makitang nasa loob si Taehyung ng meeting hall

Nginisian ako ni Taehyung matapos nya makita ang reaction ko saka tumayo at naglakad papunta saakin

"A-anong ginagawa mo dito? Nasaan si Mommy?" tanong ko sa kanya

Lumipat sya ng upuan at nakaupo sya sa pinaka head seater. Inangat nya ang paa nya saka inikot paharap saakin ang swivel chair

"Di pa ba obvious kung bakit ako andito?" tanong nya and I instantly shook my head

"Pumapayag nako. I'll be your business partner and you'll be my business partner as well" sabi nito

Pumayag na kaagad sya ng ganun ganun lang?

"S-seryoso ka ba?" gulat na gulat kong tanong

Tumayo sya at para bang may kinuha sya sa loob ng tux nya. "Yup. I'm serious. We're gonna do business together" sabi nya sabay pakita saakin ng TEKA.. ANO YAN??

"Wait para saan yang plane ticket?" nakaturo kong sabi sa hawak nya

"Since we are now business partners, hindi ba dapat sabay nating kikitain ang mga magiging investors ng business natin?" sabi nya sabay crossed arms at pout

"Ano bang sinasabi mo. Di kita maintindihan"

"Sasama ka saakin sa France for our first business trip together"

Teka.. Ano!??

Anong gagawin ko!??

-To be continued -

[A/N]: YOWNNN NAKAPAG-UPDATE DIN HAHAHAHAHAH

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top