[B-2] Chapter 47: Unexpected

[A/N]: Sabi ko sainyo, nasa book 2 na tayo ng MTG kaya expect nyo na marami ng bagong ganap sa kwentong to. Enjoy reading~



Jennie's POV

"Don't leave me Taehyung"

"No. I'm not going to leave. I'm not going to leave you ever again Jennie"

I instantly opened my eyes. What the heck is that dream? Bakit ako nananaghinip ng ganon? At ang malala, bakit involved ang lalaking yon? Aishhh.... Hinawi ko ang comforter na nakakumot sa katawan ko at bigla kong naramdaman ang pagkabigat ng ulo ko. Teka...... Nasaan ba ako? This is not my room

"Mabuti naman at nagising ka rin"

"Lisa!? What am I doing here? Bakit ako nandito? Don't tell me na nag sleep walk ako all the way here" sabi ko habang minamasahe ang ulo ko na nananakit

"Seriously? Wala ka bang naaalalang kahit ano about last night?" binaba nya sa counter table ang tray na bitbit nya

"Ano bang sinasabi mo?" naguguluhan kong tanong

"Fine I'll tell it to you. But first, higupin mo muna tong porridge na niluto ko para naman matanggal hangover mo"

"Hangover!? Ano bang pinagsasasabi mo dyan?" I don't get her... Nag-inuman ba kami ni Lisa dito kagabi? Aishh.... Hindi ko talaga maalala...

"Tama nga sya, alcohol really drained you from last night"

Taehyung's POV

"Seryoso ka ba talaga doon sa sinabi mo!?"

Bahagya kong nilayo ang phone ko sa tenga ko matapos sumigaw ng malakas ni Jungkook

"Would you please calm down? Wag ka ngang OA"

I'm driving now all the way papunta sa opisina. Kukunin ko lang yung mga files na naiwan ni Dad at susunod nako doon sa bagong construction site ng building na pinapatayo namin

"Ano ba kasing pumasok dyan sa utak mo at nasabi mo yun? Sabi mo nga, hindi ka naman uminom kaya hindi mo pwedeng sabihin saakin na aksidente lang yon"

"I was just testing myself and nothing else... Sinabi ko na sainyo diba? I don't have any feelings towards Jennie anymore. Ngayon kung hindi ka maniniwala saakin you better shouldn't ask me about it"

"Pero what's the point? Bakit kailangan mo pang i-test yang sarili mo kung alam mo naman pala na wala ka ng feelings sa sakanya?"

"Bawal bang manigurado? Believe me. Wala na talaga, promise"

"Bahala ka nga. Sige na pupuntahan ko lang sila Jennie at Lisa... Balitaan na lang kita kung may feelings parin sya sayo"

"Siraulo ka talaga Jeon Jungkook"

And I ended the call

Last night was a really hard night for me. I can't stand it anymore....

*flashback*

"No I'm not going to leave. I'm not going to leave you ever again Jennie"

Shit. Ano bang ginagawa ko? Why did I even say that?

Tuluyan nakong lumipat sa driver's seat saka kinuha ang phone ko. Agad kong tinawagan si Lisa dahil sya lang ang naiisip kong pwedeng tumulong sa lasing na babae na to

"Gabi na a. Anong kailangan mo?"

"Nasaan kayo ni Kook?"

"Nasa meeting sya ngayon. Nasa bahay naman ako. Bakit ba? May kailangan ka ba? Pakidalian kasi matutulog nako"

"Sunduin mo si Jennie dito"

"What!? Anong ginagawa ni Jennie dyan at bakit kayo magkasama!? It doesn't matter.... Nasaan kayo?"

"I'll just text you the address. Sige na. Bilisan mo please"

I ended the call

At matapos ang mahigit 10 minutes of waiting, dumating rin si Lisa. Agad syang bumaba sa kotse nya and she headed towards my car. Gulat na gulat sya nang makita nya si Jennie na nandito sa kotse ko, kasama ko.

"Don't tell me you drugged her, didn't you?" nanlilisik ang mga mata nya

"Sa tingin mo gagawin ko yun!? Alisin mo na yang babaeng yan dito. Mamaya pag nagising pa yan baka sukahan nya pa dito sa loob" naaburido kong sabi

"Humanda ka samin bukas, gigisahin ka namin ng tanong" and she lifted Jennie up pero bumigay rin sya

"Taehyung buhatin mo nga muna si Jennie ang bigat nya!!"

Binuhat ko sya at nilipat sa kotse ni Lisa

"Ingatan mo sya a" i said

"I-i mean, mag-iingat kayo" tensyonadong sabi ko

Sumakay na si Lisa sa kotse nya and she drove it away

*end of flashback*

At yun ang nangyari kagabi. Nothing else. At lahat ng sinabi ko sa kanya, it means nothing to me...

I don't have feelings for her anymore

Jennie's POV

"ARGHHHHHH!!!" sigaw ko na para bang wala ng bukas. NAAALALA KO NA LAHAT. AND BY LAHAT I MEAN, LAHAT. Okay so first of all, did i really did that to him!? I kissed him! After 2 years, I kissed him again at hindi lang yon... I even told him to have a one night stand with me. Jusme. At di lang yon, sinabi ko pang 'don't leave me again"... Just look how great my life could be? Aishh....

"Jennie mag iisang oras ka ng nakakulong dyan. Lumabas kana dyan dalian mo dahil najejebs nako!!!!!" sigaw ni Lisa sa labas ng cr habang malakas na kinakalampag yung pintuan

Paano ba naman kase, expired na pala yung mga ginamit nyang sangkap sa pagluto nung porridge... Pati tuloy ako na-jebs

Naghugas nako ng kamay at agad ring lumabas

"Tabi!" mabilis nyakong binangga at agad na sinarado ang pinto

Nakatulala lang akong bumalik sa kainan ni Lisa, i turned on the power of my phone at laking gulat ko na lang nang makita kong may tig be-benteng missed calls ako from Mom and Dad

So nag-aalala pala sila saakin huh?

Binaliktad ko na lang ang phone ko at sinabunutan ang sarili ko

Anong kagagahan nanaman ba ang sumapi sayo kagabi Jennie Kim? Arghhhhh..

|

One week later...


"Jennie isang linggo ka ng di umuuwi sainyo tapos ayaw mong magpakita sa parents mo?" ani Jisoo
"Sus.. Para saan pa? Ayoko pa silang makita ngayon. I can't take it" sabi ko sabay irap

"Ano ba kasing dahilan? Last week ko pa to tinatanong sayo to but you're refusing to answer it" sabi ni Lisa sabay higop sa kape nya

"Uy sabihin mo saamin if may problema ka, hindi yung ganyan na nagtatago ka" sabi naman ni Rosé na nakaupo sa kabilang sofa

You guys really wanted to know huh?

Fine...

Humingang malalim muna ako saka nagsalita "My parents wants me to marry the only son of KB Financial.For the sake of our business" Lahat sila, nagulat. See? That's why I don't wanna tell them "Ngayon alam nyo na kung bakit" sabi ko sabay sandal sa sofa

"Bakit ngayon mo lang sinabi to?? This is really irritating. Jusko kung ako yang nasa sitwasyon mo, gagawin ko talaga yung ginawa mong pag ba-bar to forget all of it" sabi ni Jisoo

"Pero mali parin na dika umuwi sainyo ng isang week Jennie. I'm sure alalang-alaala na sila Tito at Tita sayo" ani Rosé

"Tama si Rosè, Jennie. I suggest na umuwi kana muna sainyo ngayon. Magpakita ka man lang muna sa kanila saka dun sila kausapin. Alam kong ayaw mo na sine-set-up ka ng parents mo especially when it comes to arranged marriage. Pero isipin mo rin sana yung pag-aalala nila, okay?" sabi ni Lisa

Tama nga sila.... I'm sure nag-alaala na sila Mom and Dad saakin

|

4 o'clock na ng hapon ngayon and here am I. Andito nako sa labas ng bahay. Umuwi ako dito because I was convinced about what they said to me earlier. Medyo matagal yung one week na paglalayas ko a. Buti na lang dala ko lahat ng pera ko kaya di ako nahirapan sa mga damit na susuotin ko

"Madam Kim nandito na po si Miss Jennie~!!!!!" rinig kong sigaw nung isa naming kasambahay

Nag dirediretsyo ako papasok ng gate bitbit ang mga gamit ko. Bukas ang pintuan namin kaya di nako nagdalawang isip na pumasok

And right there, I saw Mommy. Naka-crossed arms nyakong tinitignan. Besides, she looks stressed, mukhang walang tulog

"Buti naman naka-uwi ka. Akala ko nakalimutan mong may bahay ka pang inuuwian" she said sarcastically "You have no idea how worried we are kaiisip kung nasaan ka at kung bakit ka umalis!" dagdag pa nito

But I didn't respond. Inirapan ko lang sya saka padabog na umakyat sa hagdanan papunta sa kwarto ko

Natigilan ako sa pag-akyat ng hatakin ni Mommy ang kamay ko dahilan para lingonin ko sya

"Ano bang nangyayari sayo!? Bakit ka ba nagkakaganyan!? You've been away for 1 week without not letting us know kung nasaan ka! Bakit ka ba lumalayas ng ganon ganon lang!?" galit na galit nyang tanong

"Really Ma? Tinatanong mo talaga ako kung bakit ako lumayas? Hindi ba dapat alam nyo na ni Dad ang sagot dyan? Tss.. Kung alam ko lang sana na ganto lang ang dadatnan ko pag-uwi, sana nag stay na lang ako sa States for good!" tinalikuran ko sya at nagmadaling pumasok sa kwarto ko

Agad kong nilock ang pintuan at napaupo sa gilid nito. Sobrang galit at inis ang nararamdaman ko ngayon. Sino ba kasing matutuwa kapag nalaman mong ipapasok ka sa arranged marriage ng mga magulang mo diba?

I hate this so much...

Taehyung's POV

"Sir. Eto na nga po pala yung mga papeles para sa mga investors nyo sa X Project"

"Sige paki lapag nalang dyan sa desk ko. Salamat" sabi ko habang nag ta-type

"Sya nga po pala...." napahinto ako at tinignan sya

"Nasa lobby area po si Miss Irene. Mukhang hinihintay ata kayo" sabi nito

"Paki sabi na lang sakanya na tatapusin ko muna tong ginagawa ko. You may go" masunuring umalis ang tauhan ko at bumalik na'ko sa pag ta-type

¦

Pagkatapos kong ayusin ang mga paperworks ko, bumaba nako sa may lobby area para puntahan si Irene. Mahigit dalawang buwan ko rin syang hindi nakita dahil marami syang inaasikaso sa France para sa clothing line business nya. She's now a model and a designer. Masaya ako para sa kanya dahil simula nung malaglag ang anak namin, halos mabaliw na sya gabi-gabi kaiisip dito. Im always at her side hanggang sa unti-unti na syang nakaka-recover.

I must say, yung Irene na nakilala nila noon ay sobrang iba na sa Irene ngayon. Yes she changed, but of course, in a good way. And I'm happy for her

"Taehyung~~~" agad nyakong niyakap as soon as I step outside the elevator. I hugged her back

"Long time no see a? Kamusta ka?" tanong ko at humiwalay nako sa yakap

"Syempre naman ayos lang ako. Btw I have a good news for you" nakangiti nyang sambit

"Siguraduhin mong good news yang sasabihin mo" I crossed my arms

"I'll tell you later na lang. Tara dali... Punta tayo sa mall tapos kain tayo sa restaurant. Don't worry, it's my treat. Ano? Busy ka ba?"

"Actually I'm free tonight so... I think we must go now" sabi ko at sabay na kaming lumabas ng opisina at nagpunta sa parking lot

Third Person's POV

Kasalukuyang kinakatok ng mga katulong nila Jennie ang kanyang kwarto ngayon para ayain syang kumain ng dinner

"Miss Jennie? Pinapatawag na po kayo ng Mommy at Daddy nyo sa baba. Kakain na raw po" sabi nung isang katulong

Kinatok muli nila ang kwarto ni Jennie pero walang sumasagot

"Kanina pa natin sya tinatawag pero bakit di sya sumasagot o lumalabas man lang?" sabi nung isa

"Pano kung wala naman talagang tao dyan at patago syang lumabas ng mansyon kanina?" sambit nung isa

Umakyat na ang Mommy ni Jennie daladala ang susi sa pintuan ng kwarto nito

"Ano? Ayaw parin ba lumabas?" tanong nya

"Madam kanina pa po namin kinakatok pero wala po kaming naririnig na ingay"

"Tch. Etong batang to talaga. Simula nung umuwi sya dito naging ganyan na sya" dismayadong sabi ng Mommy nya

"Buksan nyo yung kwarto, eto yung susi o"

Binuksan nung isang katulong ang pintuan. Nakita nilang walang nakahiga sa kama nito at mainit sa loob dahil hindi nakabukas ang air-con nito. Patay rin ang mga ilaw kaya inisip nilang umalis si Jennie. Tinawagan ng Mommy nya ang number nito pero laking gulat nila nang nagring ang phone nya na nakalagay lang sa ibabaw ng kama

Pumasok ang Mommy ni Jennie sa walk-in closet ng anak nya at laking gulat na lang nilang tatlo na makitang nakahiga si Jennie sa sahig, walang malay at pawis na pawis

Nagpanic ang ina nito ng makita ang lagay ng kanyang anak. Napa-akyat narin sa taas ang Dad ni Jennie dahil sa narinig nyang ingay sa kwarto. Nang makita nya ang kalagayan ni Jennie, hindi na ito nagdalawang isip pa at agad nyang binuhat ang anak nya saka nilabas ito sa kwarto

"Kayo munang bahala sa bahay. Dadalhin muna namin sa ospital si Jennie" nagmamadaling sabi ng Daddy nya

Kinuha ng Mommy nya ang bag nya sa kwarto nila saka ang susi ng sasakyan. Nagpapanic silang lahat lalo na sya dahil hindi nya alam kung ano ba talagang nangyayari sa anak nya nitong mga nakaraang araw

Umalis na sila kaagad at nagpunta sa pinaka-malapit na ospital

Taehyung's POV

Andito kami ni Irene sa isang restaurant sa loob ng Mall. Nag order narin kami kaagad kaya nasa harapan na namin ngayon ang mga order namin.

"So what's the good news you're talking about?" tanong ko while slicing the steak

"Finally. Makakapag-open na ako ng sariling kong branch ng clothing line. And ang maganda doon, maybe next year I'll have it right away" nakangiti nyang sabi

"Talaga? Masaya ako at approved na yang business mo. Don't worry, I'll support you all the way" nginitian ko rin sya

See? She's really different from the Irene before. And there's also one thing kaya ako pumayag na mag dinner ng kasama sya

Dahil ngayon ang death anniversary ng anak ni Irene.

"Irene?" tawag ko sa kanya and she instantly looked at me

"Death anniversary ng anak natin ngayon diba?" tanong ko. Her facial expression suddenly changed. Yung palangiti kanina, naging malungkot ngayon

"Taehyung please.. Kinalimutan ko na ang araw na yun, yet you're just making me remember those hard days that I really regret the most" suddenly I saw her eyes getting teary

Lumipat ako ng pwesto at tinabihan sya "Hey I'm sorry.... Akala ko kasi okay na sayo at akala ko rin alam mo na ngayon yun. I'm sorry talaga" I let her rest at my shoulders. Pinunasan ko ang mga luha nya

"It's okay.... Kalimutan na natin yun. Ikaw kasi e... Nakakainis ka. Yan tuloy you ruined my mood" sabi nya saka ako pinalo then she smiled

I'm sorry Irene.....

Third person's POV

Kasaluluyang naghihintay sa labas ng kwarto sa ospital ang parents ni Jennie. Iyak ng iyak ang Mommy nito. May kausap naman sa telepono ang Dad ni Jennie

Matapos ang ilang minuto. Lumabas ang babaeng doctor at mga nurse sa kwarto ni Jennie

"Doc how's my daughter? Is she okay? What happened to her?" sunod sunod na tanong ng ina nito

"Don't worry Mr and Mrs Kim. Your daughter is alright now. Hinimatay ang anak nyo dahil sa pagod at init. Medyo bumaba rin ang blood pressure nya. Buti na lang at nadala nyo sya kaagad dito before it gets worse. Pwede nyo na syang puntahan sa loob. And baka maya-maya, magkakamalay na rin sya" sabi nung Doktora

"Thank you so much Doc" sabi ng Dad ni Jennie

"No problem Sir. I have to go.. Babalik na lang ako mamaya pag nagising na sya to check her vital signs" sabi nito at umalis

Jennie's POV

Dahan dahan kong minulat ang mata ko. Napa-kunot noon na lang ako ng makita ko kung asan ako. I'm at a hospital. What am I doing here?

At bakit ako lang ang tao dito? Na nananghinip nanaman ba ako? Lilitaw nanaman ba si Taehyung dito sa panaghinip ko? Gosh. What am I saying? Stupid

Bumukas ang pinto at nakita kong sabay na pumasok sila Mom and Dad. Guess they're the one who brought me here

"Jennie? Jusko anak buti nalang at nagising ka na rin" niyakap nya ako

Tinignan ko si Dad na medyo masama titig saakin. What now?

"Ano bang nangyayari sayo? Bakit ka nagkakaganyan?" He asked

"Pwede ba? Wag mo munang stressin ang anak mo. Let her rest" sabi ni Mommy

"No Mom it's okay.. Gusto ko na rin naman sabihin sainyong dalawa kung bakit ako nagkakaganto e" sabi ko and I can feel the tension in this room

"Tell us, Jennie, tell us"

"I accidentally heard what you guys are talking about last week tungkol saakin at sa kumpanya" yan palang sinabi ko pero nagtinginan na agad sila. I think alam na nila kung san to papunta "That you are planning to set me an arranged marriage with the heir of KB Financial" I said coldly

"Yan. Yan ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Sino ba kasing hindi magagalit pag nangyari yon? Pakiramdam ko para nyo na lang akong binibenta sa kung sino-sino for that damn business. Really Mom? Dad? Arranged Marriage? I can't believe that I have parents like you two!" sabi ko sabay irap

"You want to know the truth? Fine. We'll tell you!" singhal ni Dad

"Alam mo bang konting-konti na lang at ma ba-bankrupt na ang kumpanya natin dahil sa mga business partners nating nag-aalisan!? Hindi diba? Hindi mo alam! Your Mom and I didn't know what to do. Hindi namin lubusang iisipin na mangyayari saatin to.

"Hindi namin sinabi sayo dahil ayaw naming mag-alala ka! Kaya lang kami pumayag na i-set ka doon dahil yun na lang ang natitirang pag-asa namin ng Mommy mo. Jennie hindi lang to para saamin ng Mommy mo at ng kumpanya. This is also for you! For your future. Sige nga, isipin mo ang buhay mo pag nawala saatin ang kumpanya. Sa tingin mo ba kaya mong mabuhay ng walang pera!?" sabi ni Dad

"Pero hindi parin tama na basta-basta na lang kayong nagdedesisyon para saakin! Bakit? Ako ba tinanong nyoko kung okay lang saakin to? Dad naman hindi ako bumalik dito for good para lang maging Misis ng lalaking napilitan ko lang pakasalan at hindi ko naman mahal!"

"Kaya nga ako nag-aral sa ibang bansa para naman pagbalik ko dito magamit ko lahat ng natutunan ko. Maging sensitive naman sana kayo sa feelings ko o. Anak nyoko at hindi kung sino lang ba basta basta nyong irereto kung kani-kanino!" galit na galit kong sabi

Agad na hinawakan ni Mommy ang kamay ko at sinabing "Anak wala kang choice kundi pakasalan ang lalaking yun. Wag kang mag-alala, mabait at may itsu----"

"Mom please, stop! Ayoko nga diba!? I'm sure na hindi lang to ang natitirang paraan to save the company."

Hinawakan ko ang kamay ni Daddy at sinabing "Dad please. Let me handle this. Ako mismo ang hahanap ng paraan sa problema natin. Just please cancel that thing na napag-usapan nyo. Kahit pilitin nyoko, hinding-hindi ako papayag na maikasal ako ng ganun ganun lang" nagmamakaawang sabi ko

"Sigurado ka bang kaya mo, Anak?" tanong ni Dad

"I'll promise Dad, ako mismo ang magdadala sainyo ng mga business partners and investors para sa kumpanya natin."

"Pero paano mo gagawin yun?" tanong ni Mommy

"Just leave it to me"

|

The next day....

Andito ako ngayon sa isang coffee shop malapit sa dati naming University. Maaga akong na discharge dahil hindi naman ganon kalala ang naging sakit. Ngayon, kailangang kong pinindigan ang pangako ko kanla Mom and Dad dahil kung hindi, square one, tuloy ang kasal

Nasa harap ko ngayon sila Jin, Jimin, at Jungkook. Simple lang naman kailangan ko e. Ang ma-convince sila ng pamilya nila

"You mean, kapag hindi ka nakahanap ng mga investors at business partners, may kasalang magaganap?" tanong ni Jimin

"Yup. Kaya kayong tatlo ang nilapitan ko dahil alam kong marami kayong alam at kakilala. Please naman guys... Tulungan nyoko" sabi ko

Jeon Enterprises, Park Financial, at K.I.M Shipping Company. Yang mga kumpanya kaagad ang unang-unang pumasok sa utak ko. Swerte ko nga dahil pagmamayri nila Jungkook, Jimin, at Jin to kaya sana di na ako mahirapan para i-convince silang tulungan ako

"Jennie naman sana sinabi mo na saakin una palang na magiging bride ka na HAHAHA" tuwang-tuwa sabi ni Jin

"Alam mo Kim Seokjin, wala kang dulot saakin pag pinagpatuloy mo yan" sabi ko sabay irap sa kanya

"Eto naman biro lang syempre tutulungan ka namin. Tropa ka kaya namin" sabi nya sabay kindat saakin. Tss

"Jennie" tawag ni Jungkook

"Bakit?"

"I think may solusyon na tayo dyan sa problema mo"

Huh?? Agad-agad na talaga??

Taehyung's POV

"Dad sa palagay ko mas maraming tao ang ma e-engganyong pumunta sa conference natin kapag ako ang gagawin mong speaker" sabi ko. Totoo naman kasi. Tuwing may event kaming spo-sponseran at ako palagi ang speaker para sa kumpanya, lahat sila napapa-oo kaagad sa mga deal namin

"Taehyung wag mo ng isipin yon. Nakahanap ka na ba ng panibagong business partners natin para sa X Project?"

"Well sabi ni Jungkook saakin may ipapakilala daw sya saakin mamaya na gustong makipag-partner saatin" Yeah. Tumawag kasi si Jungkook kanina at sinabi nyang may kilala daw sya na makakatulong saamin. Thrilling dahil hindi ko alam kung sino

Jennie's POV

Kasalukuyan akong andito sa loob ng sasakyan ni Jungkook. Oo si Jungkook lang dahil di na sumama sina Jimin at Jin saamin dahil may mga importanteng lakad daw sila. Ang weird nilang tatlo. Parang meron silang tinatago na ayaw nilang ipabisto saakin. Jusko

"Sabihin mo saakin pag nahihilo ka sa pag di-drive ko a? Baka mamaya bigla ka nanamang himatayin dyan"

"Tss.. Okay nako wag kang mag-alala. Teka saan ba tayo pupunta? Bakit ayaw nyong sabihin saakin kung kaninong kumpanya tayo makikipag-meet?"

"Malalaman mo rin mamaya pag andun na tayo"

*/ kringg /* */ kringg/*

Agad kong kinuha ang phone ko saka sinagot ang tawag

"Hello?"

"............"

"Uhm helloooooo????"

"............."

"Mukhang na wrong number ka ata"

Tinignan ko ang caller ID nitong tumawag saakin at unknown ang nakalagay dito. Ibababa ko na sana yung linya ng biglang may sumagot rito

"Don't. Wag mong ibababa"

Woah. Ang gwapo ng boses a. Sino kaya to?

"Uhm... Sino to? How did you get my number?"

"It doesn't matter"

"Pwede bang sabihin mo kung anong rason at tinawagan moko?"

"....."

"Helloooooo?"

Prank call ba to? Bakit di nanaman sya sumasagot

"Pag isipan mong maigi yung tungkol sa Arrange Marriage natin dalawa, malaking pera ang mawawala sainyo if you turned it down"

What the heck!?

"What are you talk----"

Binaba na nya yung linya

Ohmygosh. Sino yung lalaking yon? Bakit alam nya yung tungkol sa lintek na arrange marriage na yan? Hindi kaya..... Sya yung nag-iisang anak na lalaki ng KB Financial!??? No way...

¦

Naglalakad na kami ni Jungkook ngayon papasok sa isang opisina. Nasa 14th floor kami ngayon ng building na to. Sobrang laki ng company nila. Siguro times 3 ang laki kesa saamin.Never pakong nakapasok dito kaya hindi ako familiar sa lugar na to

"Ah, Jennie teka lang"

"Huh? Bakit?"

"Mauna kana muna doon"

"Ano!? B-bakit?? Hindi ko nga alam kung saan ako dadaan e. Sinusundan lang kaya kita"

"May kukunin lang ako sa sasakyan ko tsaka medyo najejebs na rin talaga ako kanina pa e"

"Ano!?!?" singhal ko

"Direchohin mo lang yan. Tapos yung pinakahuling kwarto, yung may malaking pintuan, doon ka pumasok. Nasa loob na yung ka-meeting natin sige na dali kanina pa naghihintay yon" sabi nya habang tinutulak ako. Bat ba nya ako tinutulakkkk?

"Tss.. Oo na. Di mo nako kailangang itulak okay? Umalis kana, baka dito pa sumabog yang jebs mo. Yuck!" sabi ko sabay umarteng nandidiri HAHAHA

"Mag-usap kayo ng maayos ha?" sabi nya saka kumaripas ng takbo

Ano daw?

Gaya nga ng sabi nya, dinirecho ko ang paglalakad. Actually masakit na paa ko ha. Ikaw kayang magsuot ng 5 inches na high heels? Aishhh

Mukhang eto na yung pintuang sinasabi ni Jungkook

Kinatok ko yung pinto pero walang nasagot at nagbubukas. Siguro limang beses nakong kumatok pero wala parin. Kaya naman no choice nako kundi pumasok sa loob

Pag pasok ko sa loob, agad kong nilapag sa desk yung mga bitbit kong files. Pansamantala ko rin tinangal yung heels ko. Wala namang tao e


*/ bogshhhhh /*

Agad akong napalingon sa pintuan para tignan kung sino yung pumasok

Parehas kaming gulat na gulat ng makita namin ang isa't-isa

Anong ginagawa nya dito?






Bakit andito si Taehyung!????

-To be continued-

Author's Note:
EYYYYY!! HAHAHHA! ALAM KO NAKAKABITIN ANG CHAPTER NATO PERO SANA NAG ENJOY KAYO. DON'T WORRY, BUKAS NA BUKAS MAG-UUPDATE KAAGAD AKO.

BTW, MAY BAGONG CHARACTER NA PAPARATING MWUHEHEHE!!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top