[B-2] Chapter 46: Everything Has Changed


"WELOME SA BOOK 2 NG
'MY TEMPORARY GIRLFRIEND!!!' "


Author's Note :
So ayun bago nyo mabasa ang content ng chapter na to, gusto ko lang sanang malaman nyong lahat na sobra po akong nagpapasalamat dahil kahit hindi ako active sa pag u-update, umabot parin kayo dito sa chapter ng librong to. Sana magustuhan nyo ang magiging panibagong takbo nitong MTG at sana unawain nyo rin kung hindi ako kaagad makakapag-update pagkatapos nito...

At since legal age na ang edad ng mga characters dito, expect nyo na mas mature, 18+, at more on foul language na ang mga mababasa nyo dito at sa mga susunod pang chapters

O sige... Magbasa na kayo. Medyo mahaba-haba ito this time dahil gusto ko mabawi ko yung mga panahong nganga ako sa new chaps HAHAHA. Isa pa, alam ko namang ilang linggo na kayong uhaw na uhaw sa update na to kaya eto na... ENJOYYYYY!!

Third Person's POV

2 years has passed already.

New life. New Beginning.

After 2 years, marami nang nagbago sa buhay nila Taehyung at Jennie. They both managed to graduate from their chosen courses and now, they both have their own careers as the heir of their families.

So loob ng dalawang taon, Taehyung became more serious on his life. He wants everyhthing to be accomplished-well and perfect. Mas naging matured na ang pag uugali nya kung ikukumpara sa noon. Business orriented na sya ngayon dahil isa na syang corporate heir ng kumpanya nila at higit sa lahat, he's a playboy now

Jennie on the other hand, was more feircer and tougher than before. Mas naging palaban sya sa buhay at mas pinagbibigyan pansin nya ngayon ang company business nila dahil sya na ngayon ang right-hand slash heir ng kumpanya nila. Liberated na rin sya ngayon dahil nakasanayan nyang maging ganon sa states

But who knows? What if kung magtagpo ulit ang tadhana ng dalawa?

Would they be just the same again?

or.....

They will just play it cool and act like they don't know each other?

Jennie's POV

"Welcome back Jennie!"

Agad kong tinanggal ang blindfold sa mga mata ko at sobrang tuwa ko na lang nung makita ko ang mga mahahalagang tao sa buhay ko na nandito sa bahay para i-welcome back ako

"Thank you so much guys" medyo teary eyed kong sabi

Niyakap ko ng mahigpit sila Mommy at Daddy na ngayon ko na lang ulit nakita "I missed the both of you" sabi ko sakanila at mas naramdaman kong humugpit rin ang yakap nila saakin

"Na-miss ka rin namin ng Mommy mo anak" sabi ni Daddy

"Jennie, alam mo bang yang Daddy mo ang nagplano na bigyan ka ng surprise dinner party ngayong gabi? Buti na lang, itong mga kaibigan mo madaling ma-contact kaya ayan, andito silang lahat ngayon" nakangiting sabi ni Mommy

"Actually tita hindi talaga kami kumpleto e, may isang kulang at wala ngayon dito" sabi ni Namjoon dahilan para matahimik kaming lahat
Nilakihan ko lang sya ng mata at lahat kami napatingin sa kanya

"Oh bakit? Tama naman a.. Wala dito si Taeh------"

"Ayannnn. Tikman mo yan. Masarap yan" sabi ni Jisoo matapos nya isubo sa bibig ni Namjoon yung donut na nasa mesa at nagtawanan kaming lahat

"O sya anak, aalis muna kami ng Daddy mo. Mag-enjoy kayo dito ng mga kaibigan mo ha?"

"Yes po Mommy, Daddy. Thank you.Ingat po kayo" sabi ko saka bumeso sa kanila bago sila umalis

¦

Pagkatapos naming kumain ng dinner, nag kwentuhan na lang kami ng kung ano-ano about sa mga buhay namin. Puro tawanan at malalakas na ingay lang ang maririnig dito sa loob ng bahay which is a very good thing dahil miss na miss ko yung mga ganitong happenings sa buhay ko lalo na noong nasa states ako, bibihira lang akong lumabas labas para makipag hang-out sa mga naging friends ko doon pero syempre mas the best parin tong mga kaibigan ko among the rest

"Okay quiet guys!!" tumayo si Lisa habang pinapalo nya ng kutsara yung wineglass "Now that Jennie's here again, for good. Gusto ko lang mag toast para naman mas maging masaya tong dinner nating lahat" sabi nya

"Yes that's right" sunod namang tumayo si Rosé "At dahil dyan, raise your glasses up" sabi nya at lahat naman kami tinaas namin ang mga glass namin

"Cheers!!!"

"Cheers!!!~"

And again, muli nanaman kaming nag-ingayan. How I miss them so much

"Jennie kwentuhan mo naman kami nung mga nangyari sayo doon sa states" tanong ni Jin

"Sure. Eh saan nyo naman akong gustong magsimulang magkwento?" sabi ko sabay inom

"Edi dun sa after nyong maghiwalay ni Taehyung" sabi ni Jungkook dahilan para mabilaukan ako

"Seriously?" taas kilay na tanong ni Lisa sa boyfriend nya

"I'm serious. Ano nang nangyari sayo after nyong maghiwalay ni Taehyung?" wow grabe. Mukhang seryoso nga talaga tong jungkook na to sa tanong nya

"Oo nga Jennie, curious na curious talaga kami e" isa pa tong si hoseok. hayss

"Well I'm just glad na wala na kaming connection sa isa't-isa after we broke up. In fact, nakapag-focus ako ng mas maigi sa pag-aaral ko pagkatapos non. I graduated, my life becomes more meaningful,hindi rin stressful, and I'm enjoying living. Look where am I now" sabi ko na lang and again, uminom uli ako

"Ibig sabihin ba nyan... Ibang Jennie Kim na tong nasa harapan naming lahat ngayon?" ani yoongi

"Tss... Of course not. I'm still me. Pero.... Yung Jennie Kim na kilala nyo noon, mas fiercer, bolder, and stronger than before lang naman" mataray kong sabi

"Sus.. Alam mo, baka mamaya lamunin mo lang yang 'fiercer, bolder, and stronger' mo sa oras na magkita ulit kayo ni Taehyung" basag trip na sabi ni Jisoo at nagtawanan lang silang lahat. I just rolled my eyes on them

"Pero ito ha.. Seryosong tanong" sabi ni Namjoon na nagpatahimik sa kanila

"What is it?"

"Mahal mo parin ba si Taehyung?"

"Hindi na. Hindi ko na sya mahal. At kahit na ano pang pilit na gawin nyo para magkabalikan kami, itigil nyo na dahil hinding hindi na mangyayari yun" sabi ko and I ended it with a smile saka tumayo sa upuan at nag re-fill ng inumin ko

The next day...

Taehyung's POV

Nagising na lang ako sa umaga ng maramdaman ko ang malambot na kamang hinihigaan ko. Balot na balot ng kumot ang katawan ko dahil the last time that I checked, I was naked. Paglingon ko sa kaliwa ko, nakita ko sa tabi ko ang isang babaeng mahimbing na natutulog. She had this gorgeous red lips, long black hair, beautiful face and an hourglass body pero MA kalimutan ko na ang pangalan nya dahil sa dami kong nainom na alcohol kagabi. At mas mabuti naring hindi ko matandaan ang pangalan nya dahil ayokong naaalala ang pangalan ng mga babaeng nakaka-one night stand ko

Yes that's right...

Nakipag-one night stand ako kagabi sa babaeng ito at ngayong tapos na ang gabing yon, kailangan ko ng makaalis dito at makauwi kaagad sa condo ko dahil may meeting pa kami ni Dad sa mga investors ng company namin maya-maya sa opisina

Agad akong bumangon sa kama at mabilis na pinagsususuot ang lahat ng hinubad kong damit kagabi

"You're leaving already?"

Agad akong lumingon sa likuran ko at sinabing "Yeah I have to go" saka sinuot ang black t-shirt ko

"Pero bakit? Bakit aalis kana kaagad?" sabi nya sabay yakap saakin patalikod

"Uhm.. I really have to go right now. May hinahabol akong schedule at di ko pwedeng palampasin yon" sabi ko sabay alis ng kamay nya sakin

Tinignan ko sya for the last time at sinabing "Look okay, I enjoyed everything last night. Its just that kailangan ko lang talagang umalis ngayon. Pero kung ayos lang sayo... I can give you my number if you want to"

"Talaga?" tanong nya at tumango naman ako

Agad nyang kinuha ang phone nya saka ito binigay saakin

"Here, save it" sabi ko after ko i-type ang number "Call me later okay?" sabi ko sabay kindat

Yeah I gave her a number but it's not mine. Because giving my number to strangers is not my thing. Ginawa ko lang yon para makalabas ako kaagad sa unit nya

Pagkatapos non, nagmadali nakong umalis sa kwartong yon saka lumabas sa pinto. Pag dating ko sa parking lot, agad akong sumakay sa kotse ko saka pinaandar at minaneho ito

Kinuha ko sa bulsa ng pantalon ko ang cellphone ko. At laking gulat ko na lang nang makita ang 20 missed calls galing kay Jimin kaya tinawagan ko na sya para malaman kung bakit naka bente-sincong tawag kaagad sya saakin mula pa kagabi

"Park Jim----"

"Buti naman naisipan mong buksan yang phone mo. Alam mo bang kagabi pako tawag ng tawag sayo?" panimula nya

"Hindi ba't sinabi ko na sayo, sainyo na may lakad ako kagabi kaya hindi ako makakasama sa gimik nyo? Teka nga..... Ano bang meron, ha? Diretsuhin mo ngako"

"Wait. Don't tell me na nakipag one night stand ka nanaman kagabi Taehyung"

"Tss... Ano naman ngayon kung oo? Saka sagutin mo yung tanong ko. Bakit ka tawag ng tawag saakin?"

"Asan ka ba?"

"Nag d-drive ako bakit?"

"Pwede bang huminto ka muna sa tabi? Mamaya kasi mabigla ka sa sasabihin ko sayo e"

Ano daw? Bat naman ako mabibigla?

"Bakit? Magiging tatay ka na ba? Ano? Ninong na ba ako?"

"Gago hinde! Hindi pa sa ngayon"

"Oh e ano nga?"

"Nakahinto ka na ba?"

"Tss... Pwede ba just go straight to the point!"

"Taehyung nakauwi na si Jennie kagabi dito. Andito na sya ulit and she's staying here for good~"

At dahil doon, bigla nalang akong napa-apak sa break ng wala sa oras


"Hello?? Taehyung? Hoy andyan ka pa ba??"

"Teka anong sinabi mo? Paki-ulit nga"

"Tsk. Tsk. Hay nako... Nagulat ka no? hahaha. Ang sabi ko, Andito na ulit si Jennie and she's back for good. Okay na? Teka lang.. Gusto mo ba ng bagong number nya? Bigay ko sayo gusto mo?"

"A-ano.... H-hindi na. Sige na. Nag d-drive ako. Bye" sabi ko sabay baba ng linya

I remained stunned. Di na ako makapagsalita. My head was filled with a lots of thoughts

After 2 years, naka-uwi na si Jennie dito at posibleng magkita pa kami pagnagka-taon. Pero bakit ganon?

Bakit hindi man lang ako natutuwa at nae-excite sa balitang yon?

Siguro nga....

I no longer have feelings for her...


¦

"That's it for the meeting today. You may all go now"

Agad akong napa-ayos ng upo ko. Sobrang antok na antok pa kasi ako. Siguro eto na yung hangover ko.
Unti-unti nang nag-alisan dito sa hall ang mga investors namin hanggang sa kami nalang ni Dad ang naiwan dito sa loob

"Taehyung..."

Inikot ko paharap kay Dad tong swivel chair na inuupuan ko "Yes Dad?" tanong ko

"Kanina pa kita tinitignan during the meeting pero bakit parang wala yata dito ang pag-iisip mo?" sabi nya while filling the wine glasses "Are you okay? Is there something bothering you?" dagdag pa nya

"Dad ayos lang ako. I'm definitely fine. There's nothing to be worried about" sabi ko

Lumapit sya saakin then he handed me the glass "Sigurado ka? Mukhang may bumabagabag kase sa pag-iisip mo. Concern lang naman ako"

I immediately chugged down the whole wine glass in just one sip

"Dad have you heard any news tungkol sa company nila Jennie? About how their business is doing? Kung lumalago ba or nalulugi sila. Yung mga ganung bagay..."

"Oh. Akala ko ba ayaw mong pinaguusapan si Jennie? Eh bakit ngayon tinatanong mo sya saakin? Ikaw ha. Umamin ka nga... You still love her, right?"

"Dad I just asked about their company, not about her. Isa pa, It's been 2 long years after naming maghiwalay. At sigurado naman akong parehas na naming binaon sa limot ang lahat ng pinagsamahan namin noon. Trust me, Dad. We're not meant for each other" sabi ko

"Yun naman pala e. Eh bakit hanggang ngayon ayaw mo pang makipagbalikan kay Irene? Alam mo, mahal na mahal ka nun kahit alam kong kaibigan nalang ang turingan nyo sa isa't-isa"

"Irene is just a friend to me Dad. Hanggang dun na lang yon. Alam kong may malalim rin kaming pinagsamahan non pero that doesn't change the fact na naging ex ko sya. And for me, kapag ex, ex na. Hindi na dapat pang balikan" sabi ko at natatawa na lang saakin si Dad

"Isa pa, ayoko muna sa pagmamahal na yan. Mas gusto kong bigyan pansin tong company natin kung paano ko to palalaguin once na ako na ang maging CEO nito" dagdag ko

Agad na ipinatong ni Dad ang kamay nya sa balikat ko at sinabing "You've really grown-up so well. I'm proud na naging ganito ka right after you experienced the pain of love" agad naman akong napatingin sa kanya na ngayo'y natatawa. Dad stop. Hindi yun nakakatuwa

"Tss... Dad pwede bang tigilan mo yang ganyan? Nakakairita" sabi ko sabay tayo sa swivel chair. Lalabas na sana ako ng hall pero natigilan ako nung nagsalita si Dad

"O sya, bago ka umalis, gusto ko lang malaman mo na meron tayong business dinner ng Mommy mo mamaya with our new business partners. Our presence as a family is needed pag dating sa mga ganito kaya pumunta ka, understand?"

"I'll come" sabi ko at tuluyan nakong lumabas

¦

Jennie posted this 4 months ago

👤jennie_kim: ⚡⚡⚡
1,367 likes | 67 comments

view comments...
lalisaaaa: pretyyyyyy~
jisooyah: damit ko yan a!
^replied jennie_kim: damit mo nga, binigay mo naman saakin duhhh

Jennie posted this 2 months ago

👤jennie_kim: Happy happy birthday to the gorgeous ME! 🎈🎂🎉🎁
2,723 likes |113 comments

view comments...

jeonkookie: HBD!!!!!
^replied jennie_kim: TY!!!
namjoon_k: Happy Birthday say. Stay maganda! (eww yak)
^replied jennie_kim: Gago ka pero thank you! AHAHA
rosie_rosé: HAPPY BIRTHDAY! I MISS YOU NAAAAAAA!
^replied jennie_kim: THANK YOU I MISS YOU MOREEEEE!

Jennie posted this 1 month ago

👤jennie_kim: Thank you 👤mmino for this! You're the best! Babawi ako promise! 😘💖
1,752 likes | comments are disabled

Nakatambay lang ako dito sa loob ng opisina ko. And yes. I'm stalking Jennie's account for the first time. Hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang naisipang tignan tong mga pinagpopost nya. And I admit, ang ganda parin nya... Wait mali.. I mean.. Ang ganda ng feed nya sa instagram.....

Jennie posted this 1 week ago

👤jennie_kim: my stress reliever 🍦
1,325 likes | 23 comments

hide comments...

Jennie posted this 2 days ago

👤jennie_kim: Already here at the airport. Finally.. After 2 years makakauwi rin ako sa wakas 💓
2,364 likes | 113 comments

view comments...

yoongii: PASALUBONG!
jisooyah: Size 7 ako ha!
hoseokkk: YEHEYYYYYYYYYYY!
lalisaaaa: SA WAKAS BABE UUWI KA RIN! INGAT!!
jimin: Size 8 ako Jennie gusto ko Gucci! Wag kang magpapakita saakin pag wala akong sapatos sayo
^replied jennie_kim: ANG KAPAL MO

Jennie posted this 2 days ago

👤jennie_kim: Thank you so much sa lahat lahat! Mamimiss kita kahit bwisit ka! See you soon... Sumunod ka kaagad dito ha? Saranghae~ 💓
4,137 likes | comments are disabled

I just stopped scrolling on my phone. Hindi ko alam na nagkatuluyan pala sila Mino at Jennie... Wait nagkatuluyan ba talaga sila o sadyang sweet lang sila as best friends? Aishhh ewan ko ba. Hindi ako nagseselos Tss...

*/ tok /* */ tok /*

Agad kong binaliktad ang phone ko at nilapag ito sa desk ko saka napa-ayos ng upo

"Come in" sabi ko

Unti-unting bumukas ang pintuan at laking gulat ko na lang nung pumasok si Jungkook dito

"Oh ano meron? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko

"Alam mo na ba?" sabi nya at umupo sya sa sofa. Ang kapal ng mukha. Pinatong pa talaga nya paa nya sa mesa

"Alin? Yung kay Jennie? Tss.. Alam ko na. Alam ko ng nakauwi na sya and she's staying here for good"

"Anong sinasabi mo dyan? Jennie? HAHAHA! Yieee!! Ikaw ha! Siguro gusto mong makita si Jennie ngayon no? Nako Kim Taehyung.... "

"Ano? Hindi a. Ano bang sinasabi mo?" naguguluhan kong tanong

"Ang sasabihin ko... Alam mo na bang kaming Jeon Enterprises ang magiging bagong business partner ng company nyo? Tas ikaw... HAHAHAHA! Anong Jennie pinagsasasabi mo dyan? AHHAHA" tuwang tuwa na sabi nito

Aishhh.. Kim Taehyung ang tanga mo!

"Tss... Lumabas ka na nga. Mamaya pa yung dinner a? Anong ginagawa mo dito?" sabi ko sabay tayo at umupo ako sa kaharap na isa pang sofa na inuupuan nya

"Umamin ka nga saakin"

"Ano?"

"Na te-temp ka sigurong makita si Jennie no?"

"What!? No! Of course not!" singhal ko sa kanya

"O teka lang bat ang defensive mo dyan? HAHAHAHAHA!"

"Tsk.. Lumabas ka na nga!"

"Luh ang OA mo! Gusto ko lang magkwento sayo nung tungkol sa dinner namin nila Jennie kagabi... I'm sure na interesadong-interesado ka diba??" tanong nya habang na taas baba ang kilay nya

"Tss.. Ayoko. Wala akong balak marinig sasabihin mo. Siguro sinabi ni Jennie sainyo na sila na ni Mino kaya gustong-gusto mong mag kwento saakin? For your information, wala akong pake sa love story nila at ayoko ring marinig!" singhal ko uli sabay tayo at muli akong umupo sa swivel chair ko

"SELOS NA SELOS KANA KAYA BASE DYAN SA KINIKILOS MO NGAYON! HAHAHAHAHAHA" tuwang tuwa nanaman ang gago

"Tumahimik ka nga!!"

Tumayo si Jungkook at lumapit sa pwesto ko na nakapamewang

"Anong Mino at Jennie sinasabi mo dyan?" tanong nya

Tinitigan ko lang sya saka tinaasan ng kilay. Mukhang di nya nagegets sinasabi ko

"Oh ayan. Tignan mo" inabot ko sa kanya ang phone ko at nakalagay doon yung picture nila Jennie at Mino sa instagram

"pfft HAHAHAHAHHAHAHA!"

luh ang saya nya o

"Taehyung nagseselos ka nga talaga. Hindi na healthy yan" binalik nya ang phone ko sakin

"Ano bang sinasabi mo?? Obvious naman diba? They're in a relationship" sabi ko

"Pfft... Ang sabi ni Jennie saamin kagabi. Bestfriend nya si Mino kaya para silang mag jowa kung magturingan pero she made it clear to us na K-A-I-B-I-G-A-N lang talaga nya si Mino"

"Ginawa mo naman akong bobo alam ko naman spelling ng KAIBIGAN no!"

"Affected much Mr. Kim? HAHAHA!"

"Shut up Jeon Jungkook!"

"Ay grabe natakot ako. HAHAHA"

"Di ka titigil?"

"Toh naman. Pero no offense ha. Para saakin bagay na bagay si Jennie at yung Mino na yun sa isa't-isa"

"Pake ko?"

"B-I-T-T-E-R!!! HAHAHAHA"

Agad kong binato ng kung ano si Jungkook saka naghabulan kami dito sa opisina ko na parang mga bata

¦

8 hours later....

Natapos rin ang dinner ng pamilya namin ni Jungkook. As usual, business talks at future lang ng company ang pinag-usapan doon. Kumain at nag-usap-usap lang kami sa restaurant na yon. Nakakaumay dahil puro main course ang pinagkakakain naming lahat doon kanina

Kaya naman, eto ako, papunta ako ngayon sa isang club na palagi kong pinupuntahan to get some relaxation. Pakiramdam ko mauuwi nanaman ako sa one night stand neto...

¦

Jennie's POV

LOCATION: [Paradise Point Club]

Tequila drains all the worries I am feeling inside right now. And with every shots, it makes me forget what my problems are. I accidentally heard what Mom and Dad was talking about earlier at hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko kanina kaya andito ako ngayon. Trying to forget about it

Actually mag dadalawang oras na akong umiinom na mag-isa dito. May mga lalaki pa nga na gusto akong ma-table e. Siguro napagkakamalan nila akong GRO dahil dito sa sexy outfit na suot ko. Simula kasi nung nasa states ako walang buwan na hindi ako nag cuclubbing kasama yung mga naging hard drinker na kaibigan ko doon sa states at tuwing nalalasing ako, Mino is always there to pick me up. Miss ko na yung kupal na yun...


I went in the dance floor and dance with all the boys hanging out there. Wala akong pake kung may mga kasama ba sila or wala. If you want me, then come and get me

Liberated na kung liberated, I don't care. I'm having my time right now

I feel someone hold me in my arms, and when I turned around, my mind flashes a delusional picture in front of me

I am seeing Taehyung

Lasing na nga siguro talaga ako....

"Jennie what are you doing here!?" he said while tightly holding my arm

"Wow... Tignan mo nga naman.. It's you.. My ex... Kim. Taehyung" sabi ko. para nakong matutumba dahil hindi ko na maaninag ng maayos yung sahig

"Jennie I think you're drunk. Tara na. Ihahatid na kita sa inyo. Delikado ka pag ibang lalaki ang nakakita sayo ngayon. Baka may kung anong gawin pa silang masama sayo pag nagkataon" he said then he pulled me away

But I resist

"No I'm not going home!" I said then pull my arms back "Kung gusto mong umuwi, umuwi kang mag-isa mo!"

Alcohol is taking over my body and I don't know if he's really here or he's just part of my imagination

"Ano ba!? Sinabi ng iuuwi kita sa inyo diba? Delikado ka pag dumami pa mga lalaking umiinom dito. Lalo na yan! Yang suot mo... Jennie ikaw pa ba yan!? Halika na! Tatawagan ko sila Lisa sila mag-uuwi sayo"

He tried to get me but I stepped backwards "Ayoko!" sigaw ko

Teka totoo ba to or nag hahalucinate lang ako? Impossible namang maging si Taehyung talaga tong nasa harap ko. Impossible

"So we're playing tug of war now huh?" he said mockingly. "Sige, kung ayaw mo talagang umuwi, kakaladkarin kita palabas!"

"Pare di mo dapat pinipilit ang babae!" sabi nung lalaking kasayaw ko "Kung ayaw pa nyang umuwi, wag mo syang pili----"

"Shut up!"

Then in a blink of an eye, the guy has been knocked down by this Taehyung-look-a-like

"Pwede ba! Alam ko na yang mga style nyo! Mga bastos!" sigaw nya rito

Randam kong pinagtitinginan na kami dito ng mga tao ngayon. Pero wala akong pake dahil sigurado akong hallucination ko lang ang lahat ng to, epekto ng alcohol

"Jennie ano ba! Halika na! Umuwi kana! Lasing na lasing kana o!"

"Bat ba ang kulit mo!? Sinabi ng ayoko nga diba!?" sabi ko at nilagpasan ko sya ng lakad pero natapilok ako dahil na maling pwesto yung tapak ng paa ko at mabuting may sumalo saakin

"You're drunk" sabi nito

Agad kong inayos ang tindig ko. Pinilit kong kumawala pero nakahawak na sya sa bewang ko

The lights are dim kaya di ko masyadong maaninag ang pagmumukha nya. I want to push him away but I can't. He's too strong for me. So I gave up in the end

Then suddenly, the DJ just changed the music. Great. Tss...

Yellow diamonds in the light

Now we're standing side by side

As your shadow crosses mine

What it takes to come alive

It's the way I'm feeling

I just can't deny

But I gotta let it go

We found love in a hopeless place

We found love in a hopeless place

We found love in a hopeless place

We found love in a hopeless place

Ughhh! I'm starting to hate this song. It just adds a heavy feeling to me. Lalo na sa mga nangyayari ngayon

And because I'm so pissed right now. Especially with this Taehyung-look-a-like, I gave him what he wants

"Anong ginagawa mo dito? Are you trying to seduce some girls here at this club? After that, what? One night stand? Okay fine. Ibibigay ko sayo. You can have a one night stand with me"

"A-Ano!? At kailan ka pa natutong magsalita ng gan----"

I grabbed his shoulder and pull him closer to me and then I kissed him. I kissed this Taehyung-look-a-like standing before me

After a minute or two, I stopped kissing him then I started to dance sensually in front of this stranger

Pero tulad nga ng sabi ng iba, sexiness is through eye contact. So I never let him look away. I make him still just by looking at his eyes

"Lasing na lasing ka na talaga. Hindi mo na alam ang ginagawa mo kaya halika na, iuuwi na kita"

At bago pako makatanggi sa sinabi nya, bigla syang lumuhod sa harapan ko saka niyakap ang dalawang binti ko sabay binuhat ako at sinampa sa may balikat nya

"Hoy bitawan moko! Ibaba mo ngako! Ano ba!!!" sabi ko habang patuloy na pinaghahampas ang likuran nya "Let go!! Gosh! This is so embarrassing!"

"Embarrassing!? Tsk.. Buti alam mo pa yang salitang yan" he said sarcastically at saka ako nilabas sa bar

Taehyung's POV

Mahimbing na syang natutulog dito sa tabi ko. She collapsed after fighting over me getting inside in my car. Muntik ko na nga syang bitawan sa sobrang inis ko sa kakulitan nya

Lahat na siguro ng mura nasabi ko na sa sobrang inis ko sa babaeng to. But what made me even more pissed is yung sinabi nya saakin kanina

Oo naiintindihan kong lasing lang sya kaya nya nasabi yon pero, Where the hell did she get those words? Ang laki na talaga ng pinagbago ni Jennie. Eto na ba yung epekto ng States sa kanya for 2 years? Jusko...

"Hmm..."

Agad ko syang nilingon nung gumalaw sya. Akala ko may sasabihin sya pero wala

Nasa may backseat kami ngayon ng sasakyan. Paalis na sana ako para lumipat sa driver's seat nang bigla na lang napahawak si Jennie sa laylayan ng damit ko nung patayo nako

"Don't leave me Taehyung" she said to her sleep

Tinitigan ko sya ng ilang minuto. Umupo ako uli sa tabi nya at ipinatong ko ang ulo nya sa hita ko para mas maging komportable ang pag higa nya. Then I started caressing her hair while smiling

"No I'm not going to leave. I'm not going to leave you ever again Jennie"

-To be continued-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top