[B-1] Chapter 9: Clubbing
Taehyung's POV
Nandito na ako sa club kung saan mag bo-boys night out kuno kami. Inuman at kainan lang naman ang gagawin namin. Syempre walang girls
Mabilis akong naka-alis ng bahay dahil tulog na silang lahat ng gantong oras. Wala rin si Dad sa bahay dahil nasa business trip sya kasama ang Daddy ni Jennie.
11:30 na ng gabi ngayon. Pumasok na ako sa loob ng club at agad ko naman silang natanaw.
"Taehyung!" tawag ni Hoseok. Lumapit na ako sa kanila at nakita ko sa table na halos paubos na ang pangalawang case nainiinom nila. Ganyan ba talaga sila kaadik sa alcohol?
As usual.. Hindi nanaman sumama si Jungkook saamin dahil ayaw nya sa mga gantong lugar at mga gantong bagay. Binibiro ko lang si Jennie tungkol dun sa sinabi ko sakanya na mahilig mag clubbing si Jungkook. Ang totoo non lahat ng sinabi ko sa kanya kanina ay kabaliktaran sa katotohanan
"Kararating ko pa lang pero feeling ko lasing na yung iba sainyo" sabi ko at umupo nako sa tabi ni Yoongi at Jimin
"Pshhh. Feeling mo lang yon. Wag mo kaming itulad sayo, palibhasa kasi weak ka pagdating sa inuman" sabi ni Namjoon sabay inom sa hawak nyang beer
"Gago ka ba? Kung iinom ako ng marami sa tingin nyo makakauwi pa kayo sa mga bahay nyo kung hindi dahil saakin?" sabi ko pa
"Pwes wag kang iinom ng marami dahil ihahatid mo kami isa-isa mamaya" sabi ni Yoongi
"Tskk.. Ano bang bago?" sabi ko at kumuha na ako ng bote ng beer sa case at ininom ito
Nagiinuman lang silang lahat ngayon at gaya nga ng sabi ni Yoongi hindi ako uminom ng marami dahil obligado akong ihatid tong mga to kung saka-sakaling hindi nila kayang mag-drive at umuwi
12:41 am na at medyo nakakaramdam na ako ng unting antok. Ilang saglit pa nagulat na lang ako ng biglang tumabi saakin si Jimin at kinausap ako
"Kamusta naman yung pag-offer mo kay Jennie? Ano pumayag ba?" tanong nya at uminom uli sya ng beer
"Malamang hindi. Kung ano ano na ngang pinag sasasabi ko sa kanya kanina mapa-oo lang sya e" sabi ko
"Pero di rin tatagal at mapapa-payag ko rin sya. Lalo na nung sinabi kong tutulungan ko sya kay Jungkook. Malamang duon palang papayag na yun" dagdag ko pa
"Huh? Anong meron kay Jungkook?" tanong ni Jimin
"May gusto kasi si Jennie doon" sabi ko
"Pshhh. Alam mo namang hindi pa nakaka-move-on si Jungkook kay Irene diba. Lalo na nung nalaman nya na jinowa mo rin yung Irene isang buwan after ng break-up nila" sabi nya
"E hindi ko naman talaga alam na dating shota nya yun e. Isa pa, kaya nga ako na yung nakipaghiwalay dun sa babae para di na lumaki yung gulo namin. Pero tignan mo.. Hanggang ngayon nagagalit parin si Jungkook sakin" sabi ko sabay kuha ng beer at inom
"Ikaw ba.. Minahal mo ba talaga yung Irene o hinde?" tanong ni Jimin
"Oo naman pero mas nangibabaw yung pagkakaibigan namin ni Jungkook kaya naman tinapos ko kaagad yung saamin ni Irene"
"Bakit kaya di na lang kayo magbati? I mean sa school parang halata na nagpaplastikan lang kayo e" sabi nya
"Naka-ilang beses nakong humingi ng tawad sa kanya. Pero wala e.. Masyado syang ma-pride kaya hindi nya parin ako napapatawad hanggang ngayon" sabi ko
"Well hindi naman natin sya masisisi kung bakit sya ganyan dahil first love nya si Irene" sabi ni Jimin
"Sabagay...." sabi ko sabay inom sa beer na hawak ko
Natigilan ako sa pag-inom dahil sa
nakita ko
"Bro si Jennie ba yun?" tanong ni Jimin
Oo nga si Jennie yun. Kasama nya sila Rosé, Jisoo, at Lisa. At dito pa talaga sila sa dinami raming club sa Seoul?
"Wag kayong mag-alala, kami ang nag-aya sa kanila dito" nakatayong sabi ni Jin habang nakatingin sa kanila
"Teka pupuntahan ko saglit" sabi ni Jimin at agad na tumayo
"Teka sasama ako" sabi ko at tumayo
Jennie's POV
"Hoy Jisoo! Asan sila? Ikaw bakla ka hanggang alas tres lang ako dito a.. Mamaya mahuli pako ni Mommy, magagalit nanaman saakin yon" naiiritang sabi ko kay Jisoo
"Kalma okay!? Isa pa hindi naman ikaw gagastos sa inumin natin e.. Sila Jin kaya" sabi ni Jisoo
"Hay nako.. Sayang naman tong mga sexy outfits natin kung tatayo lang tayo diba!?" sabi ni Lisa habang nag-aayos ng bangs nya
"At isa pa.. Jisoo ang sabi mo Girls Night Out, e bakit ngayon sasabihin mong kasama sila Jin!?" sabi ni Rosé at napa-agree naman kami nila Lisa sa sinabi nya
"Dami nyo namang arte! Ayan na sila Jimin at Taehyung o!" sabi ni Jisoo sabay turo sa bandang likuran ko
Agad naman akong lumingon at nakita kong naglalakad palapit saamin si Jimin at Taehyung
"Tara na! Sumunod kayo saamin" sabi ni Jimin
Agad namang naglakad pasunod sila Jisoo, Lisa at Rosé, kay Jimin. Habang si Taehyung naman huminto lang sya sa harapan ko na pinagmamasdan ang damit ko
"Hoy Jennie ano yang suot mo?" tanong nya habang nakatingin saakin
"Malamang damit! Duhh" sabi ko sabay irap
"Damit pa ba tawag mo dyan!? Ni halos wala na ngang balot yang tiyan mo o!"
"Sexy outfit nga diba? Di mo ba naiintindihan yon? Tara na nga!" sabi ko sabay hila sa kamay nya at sumunod kanla Jimin
Taehyung's POV
Andito na kami ngayon sa table namin at agad kong kinausap si Namjoon. "Bakit ba andito tong mga toh? Kala ko ba Boys Night Out!?" pabulong kong sabi
"Aba malay ko dyan kay Jin, sya ang nag-aya sa kanila, wala kaming alam. At isa pa, sya rin naman nagplano nitong gimik nating magbabarkada e. Hayaan mo na lang" sabi nya sabay inom uli ng beer
"Ok guys bago tayo mag party party may gusto lang sana kaming i-announce sa inyo" sabi ni Jin sabay akbay sa balikat ni Jisoo na nagpatahimik saaming lahat
Tangina ano meron!?
"It's official guys! Kami na!" nakangiting sabi ni Jin
Nabilaukan naman si Namjoon sa beer na iniinom nya habang the rest saamin. Gulat na gulat
"Oh my god! Seryoso!?" tanong ni Rosé
"Mukha ba kaming nagbibiro?" sagot sa kanya ni Jisoo
"Teka paano nangyari yon!?" nagtatakang tanong ni Jimin
"Long story bro. Basta matagal ko na syang nililigawan. I'm sorry if tinago namin ni Jisoo sa inyong lahat to" sabi ni Jin
"Whoooo!! Edi congrats sainyong mag jowa! Sana tumagal kayo!!" sumisigaw na pumapalakpak na sabi ni Jennie
Lahat naman kami ay napapalakpak at napa congrats narin sa dalawa. Well ano bang magagawa namin? Kung mahal nila ang isa't isa edi, no problem
"Cheers para sa bagong magshota!" sabi ni Yoongi na nakataas ang baso ng champagne
"Cheers!!" sabi naming lahat
Jennie's POV
Arghhh! Ang sakit na ng ulo ko!! Di ko alam if dahil ba to sa champagne na inorder namin or sa antok ko. Aishh ewannnn
Pero kahit nahihilo ako.. Humirit parin ako ng inom.. Bakit ba?
"Hoy tama na yan. Malalasing kana!" sabi ni Taehyung at pinigilan nyako sa pag-inom
"Ano ba! Duon ka nga sa mga tropa mo! Di mo ba nakikita na nagsosolo ako dito?" naiirita kong sabi at tuluyang ininom ang hawak ko
"Pwede ba Jennie? Ayoko na maulit yung nangyari sayo noon na bigla bigla ka na lang hihimatayin. Bat ba kasi ang dami mong iniinom??" tanong nya
"Si Jungkook ba nasaan? Bakit hanggang ngayon di ko parin sya nakikita?" tanong ko habang gumegewang sa hilo
"Wala di pupunta yun dito. Teka nga.. Kaya ba ganyan ka expose yang suot mo dahil akala mo andito si Jungkook!? At kaya ka rin nagkakaganyan dahil sa sinabi ko sayo kanina na mahilig mag clubbing si Jungkook?" natatawa nyang tanong
Tumingin ako ng straight sa mga mata nya at sinabing "Ano naman ngayon!? Isa pa.. Baka naman first time mo lang akong nakitang ganito dahil halos isang linggo palang tayo magkakilala. Am I right? Well masanay kana kasi ganto talaga ako manamit. Okay?" sabi ko sabay pat sa ulo nya at umalis
Goshh! Ano bang pake nya?? Aishhh
Taehyung's POV
"Hyung di pa ba tayo uuwi? 1:57 na a" tanong ko kay Yoongi
"Taehyung maaga pa, relax lang. At isa
pa.. Anong sabi mo? Hyung!? Kailan mo pako ginalang ha? Lasing ka na ba?" natatawa nyang tanong
"Sira! Dyan ka na nga pupunta lang ako duon sa kanila. Mukhang nagsasayawan na sila e" sabi ko
"Mabuti pa nga! Dito lang ako, ako na magbabantay sa mga gamit nyo, nakakahiya naman e" sabi ni Yoongi
"The best ka talaga hyung! HAHAHA!" sabi ko
Andito nako ngayon sa dancing area. Nakikita ko namang masaya silang nagtatawanan kaya naman nilapitan ko sila
"Uy Taehyung! Sumayaw ka nga! Tila mga uod na naasinan yung mga sumasayaw dito e" natatawang sabi ni Hoseok
"Ah Ehem! Excuse me.. Andito ako diba? Di mo naman kailangang i-mention yung uod dahil alam kong ako yung pinariringgan mo" sabi ni Jin habang sumasayaw at nag tawanan lang kami
Ilang saglit pa.. Pumunta rin sa pwesto namin sila Jennie, Rosé, Jisoo, at Lisa
"Wag kayong mag-alala kami na ang sasayaw para naman ganahan kayo sabi ni Jennie sabay kindat saakin
Whoa..Okay.. Confirmed.. Lasing na nga talaga sya
"Go Baby girl!" rinig kong cheer ni Jin sa shota nya. Medyo nakaka-cringe yung Baby girl a.. Mas okay yung babe actually
Tumabi naman lahat ng tao na sumasayaw sa dance floor at nanunuod rin sa gagawin nilang apat
Well okay.. Yonce yung kanta kaya naman palagay ko sexy dance tong gagawin nilang apat..
At nagsimula na nga sila..
At nung natapos yung sayaw nila.. Nagpalakpakan at nagsisigawan lahat ng tao. Syempre kami rin.. At isa pa bakit this time nag-iba yung pananaw ko kay Jennie? Na realize ko na ibang iba pala talaga sya gaya nung pagkakakilala ko sa kanya.. Pero syempre.. Hindi parin ako attracted sa kanya
"WHOOOOOOO!!"
"ANG GALING!!!!!!"
"ANG SEXY NYONG APAT GRABE!! "
"ONE MORE PLEASE!!! "
mga sigawan ng mga tao sa paligid namin
Well I admit I find them really sexy naman lalo na si Jennie.. But still.. I'm not attracted at her and I will never be
"Tara balik na tayo duon gusto ko pang uminom!" sabi ni Jennie
"Oo nga tara na! Bumalik na tayo" sabi ni Jin at naglakad na sila papunta sa pwesto namin
Napansin ko naman na parang natutumba-tumba ang lakad ni Jennie kaya naman inalalayan ko sya sa paglalakad
"Ano bayan ang galing galing mong sumayaw pero pa-ika-ika kang maglakad ngayon" sabi ko sa kanya
"Pshhh.. Ang sabihin mo na-aatract ka saakin kaya mo sinasabi yan" sabi nya sabay ngisi
"Pwede ba. Di kita type okay" sabi ko
-
2:35 na at patuloy parin sila sa pag-iinom. Si Yoongi ayon tulog na. Si Jin at Jisoo naman ay parehas ng tulog
Sila Lisa, Rosé, Jimin, Hoseok, at Namjoon naman ay hindi mapigil sa pag-inom
Habang ako naka-upo sa sofa kasama si Jennie na nakalagay ang ulo sa hita ko at mahimbing na natutulog. Ayaw nyang magpa-awat sa kakainom kanina kaya naman bagsak sya ngayon
Tinanggal ko ang bomber jacket na suot suot ko at agad kong kinumot ito sa exposed nyang mga braso at tiyan
Tuwing tinitignan ko sya hindi ko alam kung bakit yung sexy step ng pagsayaw nya kanina ang naglalaro sa isipan ko
Aishhhh! Ano ba yan! Erase! Erase!
Kumuha ulit ako ng isang baso ng champagne at saka ininom ito
Last na to dahil ayaw kong umiwing lasing gaya nila
Jennie's POV
Bigla akong napatayo sa kinahihigaan ko. Pagkabangon ko na-realize ko na all this time BAKIT AKO NAKAHIGA SA MGA HITA NI KIM TAEHYUNG!? Gosh nakakahiya!
"Bakit ako nakahiga sayo!?" tanong ko
"Aba malay ko sayo! Pasalamat ka hindi kita nilaglag no!" sabi nya
"Teka anong oras na ba!?" nagpapanic kong tanong
Tinginan ni Taehyung ang phone nya at sinabing "3:07 na bakit? May curfew ka?" natatawa nyang tanong
"Shit! Shit! Kailangan ko ng umuwi! Baka mahuli ako ni Mommy hindi pwede to tumakas lang ako!!" nagpapanic kong sabi
"Edi umuwi ka!" sabi ni Taehyung
"Oo Talaga! Uuwi talaga ako! Che!" sabi ko sabay irap at talikod
"Rosé, Lisa mauna nako a. Mag enjoy kayo alam ko namang mga lasinggera kayo e. Pag nagising yang malandi nating kaibigan sabihin mo na-una nako a" sabi ko sa kanilang dalawa at isa isang bineso
"Guys una nako! I have to go.. Mahirap na baka mahuli pako.. See you na lang sa school" sabi ko kanla Namjoon, Jimin, at Hoseok at nag ba-bye naman sila
Nagsimula nakong maglakad at this time nilalamig ako. Pagewang-gewang rin ang lakad ko at hilong hilo na talaga ako. Isa pa kailangan ko pang pumara ng taxi sa labas dahil nakisakay lang ako sa kotse ni Jisoo
Bago ako tuluyang lumabas, napadaan muna ako sa grupo ng mga kalalakihan at hinarangan ako ng isang lalaki
"Hi Miss! Come Join us!" sabi nung isang lalaking naka black leather jacket na color black ang buhok
"Mukha bang gusto kong jumoin sa inyo!?" sabi ko sabay irap
Hinawakan ng lalaki ang isa kong braso at hinimas-himas ito at sinabing "Ikaw naman.. Kunware ka pa. I know that girls like you, can't resist a guy like me"
"BITAWAN MO NGA AKO! WALA AKONG ORAS SA KALANDIAN MO OKAY!? MAHABAG KA NGA!" sabi ko sabay walkout sa kanya pero nahawakan nya ang braso ko kaya naman napigilan akong umalis at hinila nyako papalapit sa kanya
"Ang arte arte mo naman miss.. Ang mga tulad mo is yung mga tipo kong babae, alam mo yun, yung lumalaban" sabi nung lalaki habang nakahawak ng mahigpit sa balikat ko
"ANO BA! BITAWAN MOKO! NASASAKTAN AKO!" pagsusumigaw ko
"TULONG!!! TULUNGAN NYOKO! MINAMANYAK AKO NG LALAKING TO!" dagdag ko pa
"Shhh!! Shhhh! Walang maniniwala sayong minamanyak kita.. You know why? Because I own this club at isa pa.. Nakakalimutan mo na ba? Ako yung nagbigay ng free drinks mo the last time na nagpunta ka dito" sabi nya
ANO!??
IBIG SABIHIN.. TONG MANYAK NA TOH IS YUNG DAHILAN NG PAGKAHIMATAY KO NUON DAHIL SA PINAINOM NYA...
"Ikaw yon!? Yung naglagay ng pampatulog sa drinks na binigay mo? LUMAYO KA NGA SAAKIN!!!" pagpupumiglas ko
"Nope.. I think I should take you home" sabi nung lalaki sabay hawak sa baywang ko.. OHMYGADH HELP PLEASE!!
"DIBA SINABI NA NYANG LAYUAN MO SYA!?" sabi ni Taehyung sabay suntok sa lalaki
Napa-ohmygod naman ako sa gulat at salamat naman dahil dumating si Taehyung para iligtas ako
Napasigaw akong gumilid habang nakita kong sinuntok ni Taehyung yung lalaki at hindi na lang yun..
Dahil sinuntok ni Taehyung yung lalaki agad na nagsitayuan yung mga kasama nya at nanuntok kay Taehyung
AND OHMYGADHHH BAGO NILA MASUNTOK SI TAEHYUNG AGAD NAMANG BUMACK-UP SILA NAMJOON, JIMIN, YOONGI, JIN, AT HOSEOK SA MGA LALAKI
"Guys tama na!!" sigaw ko pero parang wala silang narinig at nagsusuntukan parin sila
Agad namang lumapit si Taehyung saakin at tinanong kung okay lang ako
"Jennie sinaktan kaba nila?" nag-alaala nyang tanong
"Hindi hindi ayos lang ako. Ikaw? Natamaan ka ba? Nasaktan ka ba?" tanong ko sa kanya hindi na sya sumagot at nilingon nya sila Jimin at sinabing "Kayo na bahala ihahatid ko na to"
"Oo kami na bahala bilisan nyo!" sabi ni Jimin
Hinila na ni Taehyung ang mga kamay ko palabas at dali dali nya 'kong sinakay sa kotse nya
"Sakay na dali!!" sabi nya at sumakay naman ako
Hingal na hingal nyang pinaandar ang sasakyan nya at nung nag start na ito umalis na kami
Taehyung's POV
"Taehyung thank you a" sabi ni Jennie
"Wag kang magpasalamat saakin! Kasalanan mo rin naman kung bakit nangyari sayo yan e" sabi ko habang nakadirechong tingin sa kalsada
"Malay ko bang mamanyakin ako ng lalaking yon!?" sabi nya
"Kaya namamanyak ka dahil sa suot mo e! Bakit mo pa kasi tinanggal yung bomber jacket na sinuot ko sayo!? Oh Edi ayan napala mo!" galit kong sabi
"Sorry na nga diba!! Oo na! Kasalanan ko na okay!" sabi nya
"Oh e bat parang nagagalit ka ata!?" tanong ko
"Hindi ako nagagalit! Na ste-stressed out lang ako sa mga nangyayari" sabi nya
"Bakit? First time bang mangyari sayo yon? Well hindi nako magtataka if maraming beses ng nangyari sayo yun. Ikaw ba namang sexy at maganda ang mag damit ng ganon sa club. Malamang mababastos ka talaga!" sabi ko
"Hindi yun yung dahilan" sabi nya
"Eh ano?" tanong ko
"Naalala mo yung first time nating mag meet? Exact location rin sa bar na yon? Sinabi ng lalaking yun saakin kanina na sya rin yung lalaking nagbigay saakin ng inumin na naging dahilan ng paghimatay ko" sabi nya
"Oh tapos?"
"Kaya kita pinapasalamatan hindi dahil sa ginawa mo ngayon. Kundi dun sa araw na niligtas moko mula sa kanya. Kung hindi dahil sayo baka kung ano nang nangyari saakin that time" naka yuko nyang sabi
Napangiti naman ako sa sinabi nya at nilingon ko sya
"Sabi ko naman sayo e. I saved you that night" sabi ko sabay smirk
Napalingon naman sya saakin at hinawakan nya ang isa kong kamay at sinabing "Thank you talaga Kim Taehyung! Thank you talaga" sabi nya
Tinignan ko uli sya at nakita ko na may namumuong luha sa mga mata nya
"Oy Shhh! Shhh! Wag ka ngang mag drama dyan. Di bagay sayo. Nakakapanibago kang tignan" natatawa kong sabi habang hinahawi ang luha sa mata nya tsaka tumingin uli sa kalsada
"Kasi naman e.." nakangiti nyang sabi at pinunasan nya ang namumuong luha nya. Nilingon ko ulit sya ng nakangiti this time.
Jennie's POV
"We're here!" sabi ni Taehyung sabay baba ng sasakyan at pinagbuksan ako
"Thank you" sabi ko sabay baba
"Uhmm.. Taehyung?" dagdag ko pa
"Yes?"
"Maliban sa pagpapasalamat.. Gusto ko ring mag sorry sayo. Gusto kong magsorry sa lahat ng pagtatataray na ginawa ko sayo" sabi ko with sincerity
"Pshhh. Wala yon! Hahaha! Isa pa.. Mas sanay nga ako na ganon ka e. Di gaya ngayon.. Para kang tuta! Ang bait mo di bagay sayo" natatawa nyang sabi
"Yan pala gusto mo a. Edi sige! Tatarayan kita hangga't kailang ko gusto" sabi ko habang nakataas ang isa kong kilay
"Bahala ka nga" natatawa nyang sabi
Ngumiti lang ako sa kanya at tumalikod para buksan ang gate
"Uhhmm Jennie?"
"Bakit?" sabi ko at unti-unting lumapit saakin si Taehyung. Dugdug. Dugdug.
"So.. Okay na tayo a?" naka ngiti nyang sabi
"Ah.. O-Oo naman! Okay tayo" sabi ko sabay ngiti rin at tumalikod
Natataranta kong binubuksan yung gate. Hindi ako dapat mahuli ni Mommy ng gantong oras
Pero may kung ano ang nag-udyok saakin para gawin ang bagay na toh..
Humarap ako kay Taehyung na nakatingin parin saakin at dahil don, lumapit ako sakanya at saka....
HINALIKAN KO SYA
HALIK, AS IN LIPS TO LIPS
TANGINA BAKIT AYAW KO HUMINTO!??
TILA NAG-EENJOY DIN SYA SA PAGHALIK SAAKIN SHETTT
OHMYGADH HOW TO STOP!?
KINGINAAAAAAAAAAA!
Tumigil kami sa paghahalikan at napa sigh lang kaming isa't-isa. Ayokong makita nyang namumula ako ngayon sa sobrang kahihiyan kaya naman mabilis ko syang tinalikuran at naglakad papasok sa gate
"Good night" sabi ni Taehyung at napahinto ako "Good Night Jennie" dagdag pa nya
Unti-unti ko syang nilingon at sinabing "Good night rin" sabay ngiti ng parang natatae sa sobrang hiya
At nagmadali akong pumasok sa gate, sinara at ni-lock ito..
Narinig ko namang naka-alis na ang sasakyan nya kaya naman napasandal ako sa pader ng gate at napa buntong hininga
SHET BAKIT KO GINAWA YON!?
NAKAKAHIYA!!!!!!
DI KO MINI-MEAN NA GAWIN YON!! IT'S JUST THAT PARANG NADALA NA LANG AKO.. AISHHHHH!!
PAANO KO MAKAKALIMUTANG NAHALIKAN KO SA LABI SI KIM TAEHYUNG!???!?!?
- To be continued -
A/N:
HI GUYSSS!! WHOO! HAHAHAHAA
TANGINAAA! DI KO MATAGO YUNG KILIG KO HABANG GINAGAWA YUNG CHAPTER NATO HAHAHHA
So ayon..... Gusto kong mag pa-thank you ng marami sainyo dahil nag 1k+ reads na tong story ko.. Thank you so much po talaga!! Sana di kayo magsawa sa gawa ko :)))
And sana nagustuhan nyo this time yung Chapter 9 HAHAHA
YUN LANG... THANK YOU SO MUCH ULIT!! LABYU ALL!! 💖
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top