[B-1] Chapter 8: Babe
Jennie's POV
"Be my temporary girlfriend"
"Taehyung naman e.... Nagbibiro ka ba?" tanong ko
"Jennie Kim, seryoso ako" sabi nya
"Bakit ako Taehyung? Bakit ako!?" sabi ko habang tinuturo ang sarili ko
"Optional pa lang naman e. Kung ayaw mo okay fine edi wag. Pero isipin mo na lang na kapag pumayag ka, like I promised, sagot ko ang acads mo. You can do everything you want" sabi nya
"Teka.. E diba sabi ng Mommy mo may girlfriend kana!? Ano pang silbi ko?" tanong ko
"Jennie dinahilan ko lang yon.. Hindi mo ba narinig mula kay Mama? Muntik na akong magka-fiancé last week!! Kaya naman no choice ako at nasabi ko sa kanila na may girlfriend ako kahit wala naman talaga" sabi nya
"Ano? G ka ba? Wag kang mag-alala di kita type kaya makakasiguro ka na walang laglagan ng feelings na mangyayari pagdating sa dulo" dagdag nya pa
"Wow Ah.. Mas lalo naman ako no! Di kita type dahil wala ka sa kalingkingan ng standards ni Jungkook!" sabi ko
"Wait Ano!? *natawa* Teka lang a.. Si Jungkook ang type mo?" natatawa nyang sabi
"Ano naman ngayon!?" sabi ko habang nakataas ang isa kong kilay sa kanya
"Kung gusto mo... Kayang kaya kitang ilakad sa kanya" sabi nya habang nakangiti. Nanlaki naman ang mata ko at napangiti ng todo dahil sa sinabi nya
"Talaga!? Gagawin mo yun!?" nakangiti kong tanong sa kanya
"KUNG.... papayag ka sa offer ko" sabi nya sabay ngisi
"Kim Taehyung naman e! Ano to!? Gipitan??" sabi ko
"Jennie hindi kita ginigipit. Kasama lang talaga yun sa offer ko" natatawa nyang sabi
"Sige ka mamaya makakilala na yun ng ibang babae. Di na kita matutulungan sa kanya. Mahilig pa naman mag clubbing yon" dagdag pa nya
"Sige sige! Pag-iisipan ko pa okay?" sabi ko sa kanya
"Take your time, BABE" sabi nya sabay ngiti
"Babe!? Anong babe pinagsasasabi mo dyan!? Gusto mo bang tadyakan ko yang ari mo ha!?" sabi ko habang bumibwelo ng sipa
"Kumalma ka nga. Pinapractice lang kita kasi kapag napapayag kitang maging girlfriend ko.. "babe" ang magiging tawagan natin"
"Pwes.. Mahihirapan kang mapapayag ako na maging temporary girlfriend mo" sabi ko
"Bakit naman?" tanong nya
"Alam bang kahit pogi ka, sobrang bwisit na bwisit ako sayo?" sabi ko
"Bakit ka naman mabibwisit sa taong tumulong sayo nung hinimatay ka noon sa club?" tanong nya
"Hoy! Akala mo ba nakakalimutan ko na? Nagising ako sa kama mo nang nakahawak yung kamay mo sa baywang ko!" sigaw ko
"Jusko Jennie ilang beses ko bang ie-explain sayo na kaya ako nakahawak sayo dahil binuhat kita at inayos ko yung pwesto mo para mapunasan kita non!"
"Kahit na!" sabi ko sabay walk out sa kanya
Agad naman nyang nahawakan ang braso ko at hinila nyako palapit sa kanya
"Saan ka nanaman pupunta ha? Bat ang hilig mong mag walkout?" natatawa nyang sabi
"Bakit ba!? Bawal ko bang gawin yon!? Masama na bang mag walk out!? Nakamamatay ba ang pag walkout!? Guguho ba ang mundo pag nag walk----" hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil...
Pinigilan nya ako sa pagsasalita sa pag pwesto ng hintuturo nya sa labi ko
"Shhhhhh! Ang daldal mo naman! Ano na? Papayag ka ba o hinde?" tanong nya
"Pagiisipan ko pa nga diba!?" sabi ko
"Jennie! Halika na!" narinig kong tawag saakin ni Mommy sa bandang likuran ko
"Opo wait lang!!" sabi ko
Naglakad na ako papunta kanla Mommy at sa Mama ni Taehyung
"Ingat kayo Mare sa pag-uwi ha?" sabi ng Mama nya saamin
"Oo naman Mars, magiingat kami" sabi ni Mommy at bumeso sya sa Mama ni Taehyung at kay Taehyung
Bumeso rin ako sa Mama nya at pagdating kay Taehyung....
Syempre bumeso rin ako noh. Walang malisya bes anubaa
"Pag-isipan mo ng maigi yung offer ko sayo, Babe" mahinang bulong ni Taehyung sa mga tenga ko matapos ko syang besohin
Napa-irap na lang ako at tinadyakan ko ang isa nyang paa at sinabing "Babe mo yang mukha mo!" sabay irap sa kanya
Syempre hindi yun narinig ng mga nanay namin dahil nag-uusap parin sila. Ano ba yan, uuwi na nga kami may mga topic parin sila AHAHHAHA
Taehyung's POV
11:00 pm
Hindi ko alam kung bakit hindi parin ako makatulog hanggang ngayon.. Siguro hindi ako sanay matulog dito sa kwarto ko sa bahay namin dahil hindi ito ang condo ko
Ilang saglit pa... Nakatanggap ako ng text mula kay Jin
Jin:
Tol ano na? Ikaw na lang wala dito akala ko ba sasama ka!?
Taehyung:
Ha!? Ano meron!?
Jin:
Gago ka nakalimutan mo na!? May Boys Night Out tayo ngayong gabi
Taehyung:
Shit! Oo nga pala..
Sige sige aalis nako. Punta nako dyan
Jin:
Bilisan mo! Kung hindi.. Babayaran mo lahat ng iinumin namin ngayon!
Taehyung:
Oo na! Aalis na nga diba!
- To be continued -
A/N:
Hi guys!! Sorry if maikli lang sobra tong chapter 8. Pero dahil mahal na mahal ko kayong mga taga basa ko, may malaking surprise scene ako para sainyo sa Chapter 9 HAHAHAHHA
LABYU ALLL (kahit di nyo lab huhu)
HAHAHAHAHA!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top