[B-1] Chapter 6: Dinner
Jennie's POV
"Pwede ba kitang maging girlfriend?"
Anak ng.... Siraulo ba to? Teka.. Manyakis ba to? Ano bang trip nya?
"Biro lang! HAHAHAHAHAHHA!" sabi nya habang tumatawa habang ako tinignan ko lang sya ng pabalang.
"Grabe, ang galing mo mag-joke" sarcastic kong sabi sabay irap
"Luh. Joke nga lang e. HAHAHAHA!" sabi nya
"Bwisit to.. Jan ka na nga aalis nako" sabi ko sabay walk-out. Nag walk out nako at himala... Di man lang nya'ko pinigilan this time. Buti naman
Pumasok nako sa loob ng elevator at napasandal sa gilid nito. Nasa 7th floor ako at syempre, papuntang ground floor ako. Kinuha ko sa loob ng bag ko ang kwintas at sinuot ko ito sa leeg ko. Ilang araw ring nawala sakin yung kwintas. Hayss. Kung di lang naman ako dinala ng lalaking yon sa condo nya, di naman mawawala sakin to e
Nasa 5th floor palang pero bumukas na ang pinto ng elevator at nagulat ako ng biglang bumungad sa harap ko si Jungkook na nag-aabang rin sa pintuan ng elevator.
"Jennie?" gulat nyang tanong
"Uy Hi!" sabi ko while smiling
"Anong ginagawa mo dito? Saang floor ka galing?" tanong nya
"Ako? Ah.. Pinuntahan ko lang si Taehyung sa unit nya" sabi ko. Nagtataka ako ng kunti kasi biglang kumunot yung noo ni Jungkook. Yung tipo na parang hindi nya alam na nasa iisang bubong lang pala sila ng tinitirhan ni Taehyung. "Uhmm.. May problema ba?" tanong ko
"Jennie can I ask you something?" tanong nya
"Sure" napatangong sabi ko at lumabas nako sa elevator. "Ano ba yun?" tanong ko
"Don't get me wrong a.. Pero may relasyon ba kayo ni Taehyung?" tanong nya
WHUTTTT?
BAKIT NYA INIISIP YAN?
DI BA NYA ALAM NA SYA ANG CRUSH KO AT WALA AKONG PAKE SA TAEHYUNG NA YUN?
HAYSSSSST..
"Sira! Ano namang pumasok sa isip mo at nasabi mong may relasyon kami? HAHAHA! Ilang araw palang kami magkakilala tas ano? Kami agad? Anuba Kookie HAHAHA" sabi ko sabay hampas ng mahina sa balikat nya. Syempre pabebe si aq
"E anong ginagawa mo dun?"
"Kinuha ko lang sakanya yung kwintas ko na naiwan ko nung nakaraan.. Eto oh suot-suot ko na nga e *Sabay hawak sa kwintas*" sabi ko
"Wait... E diba nakita rin kita dito nung nakaraan?
Oh shit.
"Ha? Ano ka ba nakalimutan mo na? Sabi ko sayo nung time na yun, pumunta ako sa unit nung kakilala ko. Wag ka mag-alala hindi si Taehyung yun" kabado kong explain sa kanya
"Uhm okay" tipid nyang sagot at pinondot nya ang button ng elevator
Nandito na kami ngayon sa loob ng elevator at wala paring imik si Kookie sakin. May problema ba?
Bumukas na ang pinto ng elevator at lumabas na kami. Chineck ko ang bag ko para kuhain ang phone ko ilang saglit pa.. Kinalabit ako ni Jungkook at sinabing "Jennie gabi na a. Gusto mo bang ihatid na kita sainyo?" tanong nya
"Sure" nakangiti kong sabi. Aba! Sino ba ako para tumanggi sa grasya no!
Naglalalad na kaming dalawa ngayon papunta sa parking lot
Nasa harap na kami ngayon ng sasakyan ni Jungkook at nauna na syang sumakay
Sakto bago ako pumasok sa sasakyan, biglang nag-ring ang phone ko at nakita kong may tumatawag sa akin
Si Taehyung
"Ano nanaman bang kailangan mo!?" iritadong panimula ko sa kanya
"Kala ko ba uuwi ka na? Bakit ngayon kasama mo si Jungkook?" sabi nya
Bigla akong napatingin tingin sa paligid ko para tignan kung andon nga si Taehyung, pero bakit wala?
"Teka asan ka!?" kabado kong tanong
"Bat parang tense na tense yung mukha mo?" sabi pa nya
"ASAN KA NGA KASI!?" pasigaw kong sabi at this time bumaba muna si Jungkook sa sasakyan nya para puntahan ako
"Anong problema?" tanong ni Jungkook
Saktong pagkatanong nya, biglang may napaka-lakas na busina ng sasakyan ang tumambad saaming dalawa.
Tinignan ko ng maigi ang salamin ng sasakyan kung sino ba yung pesteng bumubusinang yon
Ilang saglit pa, unti unting bumaba ang salamin ng kotse at unti unti ko naring nakikita kung sino yung nasa loob
Si Taehyung
"Oh baket?" panimula nya
Nanggigil nako sa lalaking to! Kahit kailan talaga ang lakas lakas nyang mang-epal. Aishhh!
"Bwiset ka! Ano papansin lang!? Bat kailangan mo pang bumusina ng ganon ka lakas!? Di mo ba naisip na baka sa ginagawa mo mabingi pa'ko ng dahil sayo!?" galit na galit kong pagsusumigaw sa kanya
Bumaba si Taehyung sa sasakyan nya at sinabing "Wala akong pake kung mabingi ka, ang concern ko lang naman is bakit magkasama kayong dalawa ngayon. Ikaw! Akala ko ba uuwi kana!? Bakit ngayon andito ka parin ha!?" pagsusumigaw pa nya
"Ah ano to!? Bakit parang kasalan ko pa?" sabi ko
"Isa pa.. Ano bang pake mo kung andito pa'ko at kasama ko si Jungkook!? Bakit? Ikamamatay ko ba pag sumama ako sa kanya!?"
"PWEDE BANG MANAHIMIK KAYO!?" sabi ni Jungkook at napatingin kaming dalawa ni Taehyung sa kanya
"Hoy! Kung nagseselos ka dahil kasama ko syota mo, pwes! Ikaw na maghatid sa kanya pauwi. Hindi yung dinadamay nyo pa ako sa away nyong mag jowa" sabi ni Jungkook at sumakay na sya sa sasakyan nya
"Uy teka lang!----" sabi ko pero huli na ang lahat dahil unti unti nang naka-alis ang kotse nya
"ARGHHHHHHH!! BWISETTTT!!" sigaw ko at napalingon ako kay Taehyung
"Nakita mo yon ha!? Dahil sa ginawa mong pambubwiset di na tuloy ako makaka-uwi ng libre! Aishhhh!" sabi ko at naglakad na ako patalikod at palayo sa kanya
"Jennie di mo ba narinig sabi nya?" tanong nya. Lumingon ako sakanya at nakita kong napa-smirk sya. "Ako na daw ang maghahatid sayo pauwi" sabi nya sabay smirk uli
AISHHHHHH!! DIBA NYA NAIINTINDIHAN NA AYAW KO SYANG KASAMA!????
"Mas gugustuhin ko pang mag-commute kesa sa umuwi ng kasama ka!" sabi ko sabay lakad na uli
-~-Δ-~-
Nasa loob na ako ngayon ng taxi. Napasandal na lang ako sa upuan at kinuha ang cellphone ko. Haysss. Super stress na stress tong araw ko dahil sa lalaking bwiset na yon..
Pero ang mahalaga is wala na akong dahilan para kausapin ko pa sya kasi nakuha ko naman na ang kwintas ko sa kanya kaya naman YUN NA YUNG PINAKA HULING BESES NA MAKAKAUSAP KO ANG LALAKING YON!!
ilang saglit pa, nakatanggap ako ng text mula kay Mommy
Mommy:
Jennie anak asan ka na ba!? Nakalimutan mo na ba na may bisita tayo ng Papa mo ngayong gabi? Bilisan mo na magdi-dinner pa tayo
Seen
Shocks oo nga!! May importanteng bisita pala sila Mom and Dad ngayon. Kailangan ko na talagang maka-uwi ng bahay ASAP
-~-Δ-~-
Andito nako ngayon sa tapat ng bahay. Pano ba yan.. Mukhang nauna pa yung bisita nila kesa saakin Gosh!!
Bago ako tuluyang pumasok sa gate, pinagmasdan ko muna yung magagarang sasakyan nung bisita namin, well magagara rin yung kotse namin no.. It's just that parang mas bago lang yung model ng sasakyan nila
Pero teka......BAKIT PARANG KAMUKA NG SASAKYAN NI TAEHYUNG YUNG ISANG KOTSE NA NAKAPARADA SA TAPAT NG BAHAY NAMIN!???
Bakit ba ako nagpapanic? Baka naman kamuka lang.. HAYSS EWANN
Tuluyan nakong pumasok sa bahay at ang mga katulong agad namin ang bumungad saakin
"Miss Jennie kumakain na po sila ngayon sa may dining area, kanina pa po kayo hinihintay ng Mommy mo"
"Sige yaya thank you, pakisara na lang ako ng gate a" sabi ko pa at naglakad na'ko papuntang dinning area
Sinilip ko muna sila sa isang tabi, Grabe.. Mukhang mayayaman talaga tong bisita nila Mom at Dad a.
Hala shit nakita ako ni Mommy na nakasilip
"Oh Jennie anak! Sakto lang ang pagdating mo.. Halika na kumain kana kasama namin" sabi ni Mommy at sumenyas sya na tabihan ko na sya sa pagkain
"Anak wala ka bang balak mag good evening man lang sa bisita natin?" sabi ni Daddy
Ngumiti ako sa kanya at nag-mano ako kanla Mom and Dad. Nakipag-beso naman ako sa mag-asawang bisita nila at umupo nako sa tabi ni Mommy
"Ikaw pala si Jennie.. Kay gandang bata naman pala nitong anak mo Mare" sabi nung babae. Wow thank you a
"Syempre Mare at isa pa, hindi lang maganda ang anak ko.. Kundi matalino at talented pa" nakatinging sabi ni Mommy habang hinihimas ang buhok ko
Grabe naman pala tong araw na to.. After ko mabwisit kaninang umaga, di ko naman ine-expect na mapupuri pala ako ng sobra tonight. Goshh I love being me talaga HAHAHA
Napangiti lang ako sa kanilang lahat at nagsimula na akong kumain
Nagtaka ako ng biglang maglapag ng panibagong placemat, spoon and fork at plato ang yaya namin sa harap ko
"Uhmm Yaya may iba pa bang bisita?" nagtatakang tanong ko
"Opo meron po" sabi nya at umalis
"Jennie iha.. May son is also here. In fact nasa comfort room lang sya ngayon" sabi nung babae
"Anak.. I think you can be good friends with him. Hindi ba Mare?" sabi ni Mama
"Yes Mare at isa pa Jennie, magkasing edad lang kayo ng anak ko kaya naman hindi magiging mahirap at magiging close kayo nun" sabi nya sabay ngiti
"Sana nga po" nakangiting sabi ko na lang at sumubo na ng pagkain
"Oh anak come join us here!" sabi nung lalaki
Wait.. Andyan na sya??
OMG sana naman pogi to a..
Unti unti akong humarap sa gilid ko para makita kung sino ba yung anak ng mamahaling mag-asawa na to
Pagka lingon ko....
Hindi ko inaasahan na......
SI KIM TAEHYUNG PALA ANG ANAK NILA!
- To be continued -
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top