[B-1] Chapter 5: Necklace
Jennie's POV
"Go out with me then"
Nanlaki ang mga mata ko narinig ko
"Ano!? Nababaliw ka na ba!?" gulat na tanong ko
"Oo, baliw siguro sayo" sabi nya sabay kindat saakin
What the heck?
"Yes naman!!!"
"Nako Taehyung a!!"
"Yieee... Jennie pala ang nais!!"
Asar ng mga tropa nya. Tinignan ko silang lima ng masama para mapatahimik sila (wala si Jungkook, di ko alam if nasaan), kaso di yun gumana lalo pa nung pumasok na rin sa room yung tatlo kong maarteng mga kaibigan at nakisali rin sila sa usapan
"Sabi na nga ba may something sa inyo eh" sabi ni Rosé sabay bangga sa balikat ko
"Ay wait guys! Baka matapakan nyo yung buhok ni Jennie!" sabi ni Lisa at umaarte sya na parang may mahabang buhok talaga ako sa lapag
"So ano na? Kayo na?" sabi ni Jisoo at lahat sila sumagot ng "Oo" sa tanong nya at nakita ko na nag-aapiran silang lahat sa isa-isa. Nahagip naman ng paningin ko si Taehyung na natatawa lang sa mga nangyayari. Bwisit na to. Ako pa talaga pinag-tripan nya ah
"Shut up!" sigaw ko ng malakas at binangga ko sila Jimin at Namjoon na nakaharang sa pwesto ko at tsaka umupo na ako. Nakita ko na nagulat lahat ng estudyante sa room kasama silang mga kaibigan ko, lalo na si Taehyung
Pagkatapos kong magalit, nanahimik silang lahat at nagsi-upuan sila sa mga pwesto nila. Ilang saglit pa, pumasok na si Jungkook sa room. "Papasok na si Prof wag kayong mag-iingay" sabi nyang lahat saamin at na-upo na rin sya sa pwesto nya
Napadungaw naman ako sa bintana at napangiti ako ng onti pero patago
habang iniimagine ko kung nagkatuluyan kami ni Jungkook
Natigil lahat ng pag-papantasya ko nang sinipa ni Taehyung ng mahina yung upuan ko. "Uy galit ka ba?" tanong nya
Wala akong pake sa kanya kaya diko sya nilingon at pinansin nang bigla nya ulit sinipa ang upuan ko
"Uy Jennie! Galit ka na nyan? Ano bayan, ang babaw mo naman!" sabi nya pero this time, naiirita na ako sa kanya
"Psstt! Di mo talaga ako papan--" di na natapos ang sasabihin nya dahil tumayo ako at lumingon sa kanya
"Hindi mo ba naiintindihan na ayaw kitang kausapin!?" pag sigaw ko naman at bigla na lang pumasok yung Prof namin
"What was that noise Ms. Jennie Kim!?" tanong ni Prof habang nilalapag ang gamit nya sa desk
"Prof kasi pinagsisipa ba naman ng lalaking yan yung upuan ko. Sinong hindi maiinis doon?" sabi ko naman at umeksena rin si Taehyung
"Excuse me lang ah! Tinatanong ko lang naman kung galit ka eh. Ikaw may kasalan nyan! May pasigaw-sigaw ka pang nalalaman dyan" sabi nya at tila chill na chill lang sya sa mga nangyayari
"Ah talaga kasalanan ko pa!? Pwes, bilang sagot sa tanong mo kung galit ako, Oo! Galit ako! Ano? Okay na?!" sigaw ko uli sa kanya
"Hey stop it! Both of you!" sabi ni Prof at napa-upo na'ko sa upuan ko
"At dahil magkaaway kayong dalawa, both of you will be the partners for the group activity in my subject" sabi nya
"What!?" sabay naming sigaw
"Prof ano pong group activity?" tanong ni Namjoon
"Gusto ko bumuo kayo ng group of your own choices at mag co-choreograph kayo ng sarili nyong sayaw and you're going to present that next week on my class" sabi nya
"Grabe naman Prof, next week agad?" tanong ni Lisa
"Isa pa po, mahirap kayang gumawa ng sariling steps ng sayaw sa loob ng 1 week" reklamo ni Hoseok
"Prof di ba pwedeng ma-extend yun?" tanong ni Jin
"Prof naman, estudyante kami rito, hindi mga dancers" sarcastic na sabi ni Jisoo
"Oh sige! Kayo na mag grade sa mga sarili nyo!" sigaw ni Prof
"Joke lang po HAHAHAHHA" sabi ni Jimin at lahat sila nagtawanan
"Gumawa na kayo ng mga sarili nyong grupo dyan. Pero sila Taehyung at Jennie lang ang magiging duo sa sayaw na to. Bahala kayo sa choice of song and choreography nyo. Kung ako sa inyo, once na nabuo na grupo nyo, mag practice na-agad kayo" sabi ni Prof at lumabas sya ng room
Bwisit naman oh! Sa kanya pa talaga ako na partner!?
"Okay, kasado na yung grupo namin" sabi ni Namjoon
"Sino sino kayo?" tanong nung isa naming kaklase
"Si Namjoon, Jungkook, Yoongi, Jin, Hoseok at Ako syempre. Ano bang bago?" sabi ni Jimin
"Hoy paano ako!?" reklamo ni Taehyung
"Tsk! Tsk! Paano ba yan Taehyung. Si Jennie ka-partner mo, pustahan tayo magiging impyerno ang pakiramdam mo pag nakasama mo yan" sabi ni Jisoo
"Di ka titigil?" sabi ko sakanya sabay irap
"Uy joke lang! HAHAHA Ikaw kasi e, aan tuloy, trio na lang kami ni Rosé at Lisa" sabi ni Jisoo
"Jisoo naman eh. Ayokong ka-partner tong lalaking to! " sabi ko sabay lingon kay Taehyung
"Wow ah, ano? Choosy ka pa nyan? Tss... Kung pwede nga lang mag-solo na lang ako mas okay pa kesa naman na maka-partner kita!" sabi ni Taehyung
"Ah talaga!? Pwes nag-solo ka! Wala akong pake!" sabi ko sabay irap
Ilang saglit pa bumalik na si Prof sa room. "Oh ano? Okay na groupings nyo?" tanong nya. Sumagot naman silang lahat maliban lang saamin ni Taehyung
"Dun tayo lahat sa gymnasium. Mag practice na agad kayo para may magawa na kayo" sabi nya
Bumaba na kaming lahat at nagtungo sa gymnasium. Sumama ako kanla Jisoo, Lisa at Rosé pagbaba habang si Taehyung naman sumama sa mga tropa nya. Mas okay na bumagsak na lang ako kesa makasama ko sya no!
"Go to your own groups now! Mag brain-storming na kayo ng mga balak nyo. I'll be back" sabi nya tsaka umalis
Kumapit ako sa braso ni Jisoo at sinabing "Ayaw kong kasama yun!" sabi ko
"You have no choice. Kailangan mo sumama kay Taehyung, Jennie. Makita pa tayo ni Prof dito, mapagalitan pa kame. Sige na, dun kana" sabi ni Jisoo
"Che! Ganyan naman kayo e!" sabi ko sabay walk-out. Umupo ako dun sa may malahagdanan na upuan ng gymnasium at nilabas ko ang phone ko sa bulsa ko. Dito ko na lang lilibangin sarili ko
Saktong pag-upo ko naman, bigla ng sumulpot si Taehyung sa likuran ko, di ko napansin na naka-upo rin pala sya malapit saakin
"Alam mo, kung ako sayo, makikipag-usap ako. Sa tingin mo, sino kaya magbababa ng pride satin?" sabi nya at nilingon ko sya at nagkibit-balikat lang ito
"Oh, edi ako na!" sabi ko sabay tayo sa upuan pero pinigilan nyako at hinawakan nya ang braso ko
"Pumunta ka sa condo mamaya, dun na tayo mag-usap. At isa pa baka nakakalimutan mo... Nasa akin yung kwintas mo" sabi nya sabay bitaw sa braso ko at kumindat. Tumayo sya sa kinauupuan nya at umalis na sya papunta sa mga tropa nya. Habang ako, naiwang tameme dahil nakalimutan ko na hawak pala nya yung pinakamamahal kong kwintas. I hate this!
Taehyung's POV
Taehyung:
"Room 207.. 7th floor.. Siguro naman alam mo kung asan address ng condo ko diba?"
Jennie:
HOY TEKA LANG!!
Jennie:
PANO MO NAKUHA NUMBER KO!?
Taehyung:
Di na mahalaga yon. Ang isipin mo, paano mo mababawi yung kwintas saakin at tsaka ano yung balak natin para dun sa groupings
Seen
Kay Jimin ko nakuha number ni Jennie. Random lang na-usapan yun kani-kanina lang nang bigla nyakong tanungin if gusto ko makuha number nya.. Edi malamang nag "Oo" ako. HAHAHAHA
Ang bilis ng oras at ngayon ay uuwi na kaming lahat. Halos 6:30 na ang oras ngayon at hindi ko alam kung pupunta yung babaeng yon mamaya..
Andito nako ngayon sa loob ng condo ko. As usual humiga nako agad sa kama at nakaramdam ng pagod para sa unang araw ng pagbabalik ko sa klase
Isasara ko na sana ng tuluyan ang mga mata ko ng biglang tumawag si Jennie saakin
"Oh? Bakit?" sabi ko
"Anong bakit ka dyan!? Sunduin moko dito sa baba ng entrance sa condo mo!" sabi nya sabay baba ng linya
Dali dali akong lumabas sa unit ko at sumakay sa elevator
Andito nako sa ground floor at pagkabukas ng pinto sa elevator, mukha agad ni Jennie ang sumalubong saakin. Nag-aabang sya sa mismong pintuan ng elevator.
Nang nagka-eye contact kami, nag-smirk sya bigla saakin at pumasok na rin sya sa elevator
Ngayon, dalawa lang kami ang andidito sa loob at nababalot kami ng katahimikan hanggang sa maka-rating kami sa 7th floor
Ako ang unang lumabas at sumunod rin sya. Nilingon ko pa sya sa likod pero tinaasan nya lang ako ng kilay at nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa unit ko
"Tara pasok" sabi ko at binuksan ko ang pintuan at tsaka pumasok sa loob, sumunod naman sya sakin at pumasok narin
"Di ko inexpect na pupunta ka pala dito" sabi ko at nilingon ko lang sya na naka-poker-face na nakatingin saakin
"Kwintas ko ang pinunta ko dito at hindi ikaw!" sabi nya sabay irap
"Tss... Gusto mo lang ako makita eh" asar ko
"Oh ayan" sabi ko sabay abot ng kwintas nya. "Sana naman okay na tayo ah?" sabi ko sakanya. I really mean it
"Oo, okay na tayo. Aalis na ako" nag mamadali nyang sabi saka tumalikod
"Teka lang" sabi ko sabay hawak ng mahigpit sa braso nya dahilan para mapalingon sya saakin
"Ano nanaman!?" naiirita nyang sabi
Ilang segundo akong hindi nakapagsalita. Nung winave nya sa tapat ko ang kamay nya, dun lang ako natauham ulit
"Hoy, ano na?" sabi nya sabay taas ng kilay
"Pwede ba kitang maging girlfriend?"
-To be continued-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top