[B-1] Chapter 45: Getting Her Back
Taehyung's POV
LOCATION: Incheon Airport
"Mag-iingat ka doon a?" sabi ni Jisoo saakin saka yumakap
Sunod na yumakap rin saakin si Jin at sinabing "Kaya lang kita yayakapin dahil niyakap ka ng Jisoo babes ko" seloso HAHAHA
"Jusko naman Seokjin napakaharot" singhal sa kanya ni Namjoon
"Oy Kim Taehyung, siguraduhin mo lang na sa pagbalik mo kasama mo na dapat si Jennie ha?" sabi ni Jimin
"Wag kang mag-alala, yun naman talaga balak ko e" sabi ko sabay ngiti
"Sige na... Umalis kana. Mamaya maiwan kapa ng eroplano. Mabulilyaso pa plano mo" sabi ni Jungkook
Nakangiting tumango naman ako sa kanilang lahat pagkatapos kong mag paalam
"Calling out all the passengers of flight 169, please proceed to hall 13. Your flights will be held after 5 minutes. Check your belongings and make sure to bring your ticket and passport once you entered the hall. Thank you and have a safe flight!"
"Ingat Taehyung!!" sigaw ni Hoseok
"Pasalubong a?" sigaw ni Lisa at tumango naman ako
"Wag mong kalilimutang mag-uwi ng swaeg pagbalik mo!" sigaw ni Yoongi na nagpangiti saakin
"Oo na sige na! Aalis na'ko. Bye~~" kumakaway kong sabi sa kanilang lahat
Sa wakas.... After three months of waiting, mababawi rin kita ulit
I can't wait to see you again, Jennie
¦
The next day.....
"Teka tama ba to?" tanong ko sa sarili ko
1:00 p.m na ng tanghali ngayon dito at andito ako sa tapat ng tinitirhang condominium unit ni Jennie
Alam kong aalis na sya mamaya-maya para pumasok at balak kong sundan sya ngayong buong araw
Nagulat ako ng biglang pumihit yung door knob ng pintuan kaya nag madali akong gumilid sa isang tabi para walang makakita saakin
At ayun na nga.... Nakita ko si Jennie
Nakita ko syang nagmamadaling umalis. Bitbit nya ang binders, books at folders nya. Nalaglag pa nga ang mga ito dahil sa pagmamadali nya
Tutulungan ko na sana sya sa pagpupulot kaso natigilan ako dahil hindi pa ngayon ang tamang oras para muli nya akong makita
Agad syang sumakay ng elevator at yun din ang ginawa ko
Jennie's POV
"Ground floor please" sabi ko sa lalaking kasama ko dito sa elevator habang kinakalkal ang laman ng bag ko. Pinindot ng lalaki ang button ng ground floor
Nasa 22nd floor building ang condo unit ko kaya medyo matagal bago makarating sa ground floor
Napatingin na lang ako bigla sa lalaking nasa harap ko na nakatalikod saakin. Magara ang suot nya and I think may kaya sa buhay tong lalaking to kaya ang ganda manamit. Sayang ngalang at naka-cap at nakatalikod sya saakin kaya hindi ko sya makita. Pero to be honest, kahit nakatalikod lang sya, feeling ko napaka-gwapo ng pagmumukha nya
*/ bogshh /*
Shit.. Shit.. What's happening!???
Namatay bigla yung ilaw dito sa loob at para bang huminto sa pagbaba ang elevator na ito
Dito na ba ako mamamatay!??
"Shit. Shit. Shit. What's happening????" nagpapanic kong sabi. Agad kong binangga yung lalaki sa harapan ko at pinagpipindot ang lahat ng buttons nitong sirang elevator na to "Ohmygash help!!!!" sigaw ko kahit para akong tanga
Lintek na lalaki to. Wala ba syang balak humingi ng tulong!?
"Uh.. Hey, excuse me? Don't you have any plans to help me here?" sabi kong ganyan pero di sya umimik
Madilim dito sa loob kaya hindi ko talaga makita pagmumukha nya
"Hellooooo?? Kuya bingi ka ba!?" naiinis nako dito a
"Fine, I'll do it myself" sabi ko sabay sipa ng malakas doon sa pintuan ng elevator. Pero wala paring epekto. Muli kong pinagpipipindot yung mga buttons kahit alam kong wala ng silbi tong ginagawa ko
Good. I'm stuck. I'm stuck in this elevator with a stranger
"Arghhh! Male-late ako nito e!" sigaw ko sa inis
"Jennie..."
Nanlaki bigla ang mata ko sa gulat. Teka, kilala ba ako nito? Bakit alam nya pangalan ko?
Teka nga lang....
That voice......
Nabagsak ko bigla ang lahat ng bitbit ko. Hindi ako makapaniwala ngayon na nandito sya, kasama ko
"T-taehyung!?"
At tumahimik bigla ang buong kapaligiran. Napa-yukom na lang ako ng kamao ko ngayon dahil nagpipigil ako at baka masampal ko tong lalaking to. I forgot to slap his face 3 months ago sa lahat lahat ng kasalanan nya saakin tapos ngayon, andito sya!? Ano bang ginagawa nya dito??
At bakit naman kasi sa lahat lahat ng pwede mong makasamang ma-trap sa loob ng elevator, yung ex boyfriend mo pa talaga???
"Anong bang ginagawa------Aray!" agad nyang hinila ang kamay ko saka malakas na sinandal sa pader
Magsasalita pa sana ako nang bigla nyang hawakan ang pisngi ko saka hinalikan sa labi
Napasinghap ako
Bigla na lang bumagsak ang luha ko
"T-taehyung" iyak ko sa pagitan ng halik
He didn't say anything. I can barely feel his heavy breathing while kissing me hard. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nagwawala ang buong sistema ko sa nararamdaman kong ito. Agad akong tumugon sa mga halik nya. Damn. I missed him. I missed him so much. Hindi ko na dapat nararamdaman tong feeling na to lalo pa't kombinsido na ang sarili ko na naka-move-on nako sa kanya after 3 months. Pero bakit ganon? Pakiramdam ko mahal ko parin sya? Bumaba ang halik nya sa leeg ko. Yumakap lalo sa katawan ko ang braso nya saka para bang hinigop na nya ang balat sa leeg ko. Mas lalong nagwala ang buong sistema ko nang maramdaman ko ang dila nya sa parteng 'yon. Shit.
Hindi ko na dapat nararamdaman to
"Taehyung" tawag ko. Halos di ko na mamukaan ang boses ko. Umakyat ang labi nya hanggang sa matunton ang akin. Napahawak ako ng mahigpit sa damit nya at hinawi naman nya ang buhok ko. Gustong-gusto ko ng itigil tong ginagawa namin dahil mali to at dapat hindi na to nangyayari. Pero sa ibang banda, I don't want this to stop
*/ kring /* */kring/*
Huminto kami sa ginagawa namin. Parehas kaming nagkatinginan sa mata. Ako ang unang umiwas sa mga tingin nya saka sinagot ang tawag sa phone ko
"Hello?"
"I'm really sorry... I may not make it for today.. Something bad happened here in my condo. Can we just reschedule our interview tomorrow?"
"Yes please"
"Thank you. Thank you so much"
And I ended the call
Paano na to?
Paano ko sya haharapin pagkatapos nung nangyari kanina?
Should I just act like nothing happened?
Arghhhhh!
"Kamusta ka na?" natigilan ako ng marinig ko sya
Dahan dahan akong lumingon sa kanya. "I'm fine. Very very fine" sagot ko
And yun na nga. Muling naging tahimik ang paligid namin. Super duper awkward talaga nitong sitwasyong to. Nagsisisi talaga ako at sumakay pako sa elevator na to kung pwede naman akong gumamit ng hagdan kanina
Sana talaga maayos na tong elevator na to. Juskoooo
Mukhang nadinig naman ang panalangin ko at nagkailaw na kaagad dito. Pinindot ko kaagad yung emergency button ng elevator at gumana nga ito
Bumalik na sa dito yung program nito. Unti-unti na rin kaming bumababa hanggang sa ground floor
Muli kaming nagkatinginan ni Taehyung. Ewan ko ba. Pakiramdam ko maluluha ako e. Di ko lang siguro sure kung maluluha ba ako sa lungkot or saya. Basta. Hindi ko na alam
Bumukas na sa wakas yung pintuan ng elevator. Agad na tumambad saamin ang mga operator at staffs nitong condominium
"Ma'am, Sir, are you both okay?" tanong nung isa
"Y-yes. We're fine. Thank goodness the elevator was fixed immediately. I thought I'm gonna die inside because of suffocation. HAHAHA" sabi ko pa with matching fake laugh. Gosh
Napatingin ako muli kay Taehyung at nahuli kong nakatingin rin sya saakin kaya agad syang umiwas ng tingin
"I have to go. Thank you" sabi ko and I step out of that damn elevator. Paniguradong tuwing sakay ko sa lecheng elevator na yan, palagi ko ng maaalala tong pangyayaring to. Arghhhh!!
Nagmadali akong maglakad dahil sigurado akong susundan talaga ako ni Taehyung
Pero huli na ang lahat. Mahigpit nyang hinawakan ang kamay ko
"Taehyung nasasaktan ako" sabi ko
Agad syang bumitaw sa kamay ko at sinabing "I'm sorry"
"Sorry? Tss.. Sorry na lang ba parati? Kapag ako nasaktan, Ano? Sorry na lang? Sa tingin mo ba may nagagawang hilom yang sorry mo sa lahat ng sakit na dinulot mo saakin!?" sigaw ko
Mukhang nagulat sya sa sinabi ko at lalo naman ako. Hindi ko sinasadyang isigaw yun. Shocks nakakahiya talaga
Tinalikuran ko na lang sya saka tumakbo palabas nitong condominium. Agad akong pumara ng cab saka sumakay rito
Kailangan kong lumayo muna sa lugar na to...
Taehyung's POV
"Sorry? Tss.. Sorry na lang ba parati? Kapag ako nasaktan, Ano? Sorry na lang? Sa tingin mo ba may nagagawang hilom yang sorry mo sa lahat ng sakit na dinulot mo saakin!?"
Arghhhh!
Binato ko ang hawak kong bote ng alak sa sahig. Sa pagkaka-alam ko, that was my seventh bottle for tonight. Nandito ako ngayon sa bar. Ewan ko ba. Gusto kong magpakalasing sa mga nangyayari saakin ngayon. Ang gago ko na talaga
Unti-unti ng sumasakit ang ulo ko at nahihilo na rin ako. Binayaran ko na ang lahat ng ininom ko saka tumayo na sa kinauupuan ko
May lalaking malakas na naka-bangga saakin kaya medyo naalibadbaran ang katawan ko
"Are you blind!? Watch where you're going through!" sigaw saakin
Ang kapal naman ng mukha nito
Agad kong hinila ang damit nya "Bastard! You're the one who bumped me first. Don't you think, you should be the one to watch where you're going through?" sabi ko rito sabay bitaw sa damit nya saka sya nginisian
Mukhang hindi natuwa yung lalaki sa pangaral ko. Pakiramdam ko, mapapasabak ako sa gulo ngayong gabi
Susuntukin na sana ako ng lalaki ng mapigilan ko ang kamao nya. Tinamaan ko ng malakas ang pagmumukha nya saka sinipa sya dahilan para matumba ito
Pero agad rin syang nakatayo at nakaganti sya ng suntok saakin. Bumagsak kami parehas sa lapag at nagsimula ng maghiyawan yung mga tao rito sa bar
Mga bobo. Manunuod lang ba sila dyan? Di man lang ba nila kami aawatin?
Nasapak ko muli ang lalaki at bigla na akong tumayo. Pero pagkatapos non, sumakit lang lalo ang ulo ko at mas lalo pa akong nakaramdam ng hilo
Nan dilim bigla ang paningin ko at tuluyan na akong bumagsak sa sahig at nawalan ng malay.....
¦
The next day....
Nakaramdam ako ng malambot na higaan. Naramdaman kong nanakit ang kaliwang gilid ko kaya agad akong napagising
Teka nasaan ako?
Tinignan ko ang suot ko at mabuti naman dahil wala namang bago
Nakipag-one night stand ba ako sa kung sinong babae kagabi pagkatapos kong bumagsak dun sa bar?
Ewan ko. Wala na akong maalala
Tatayo na sana ako sa malambot na kamang to nang makaramdam ako ng sakit ng katawan "Arayyy" sabi ko at napahawak na lang ako doon sa nananakit kong parte
Laking gulat ko ng makitang may nakalagay ng band-aid sa mga sugat ko mula sa kagabi
Impossible namang ma-ospital ako dahil hindi to mukhang ospital. Mukhang kwarto ito sa isang condominium
Condominium?
Teka nga.....
Pinilit kong ibangon ang katawan ko kahit masakit at agad akong lumabas sa kwartong yon
Napangiti na lang ako bigla pag labas ko. Nakita kong mahimbing na natutulog si Jennie sa sofa sa may sala
Ibig sabihin, sya pala ang nagdala saakin dito
Naglakad ako papalapit sa pwesto nya. Sobrang amo talaga ng pagmumukha nya kapag natutulog. Her lips was so red and it's making me want to kiss it. Pero syempre hindi ko na lang yun ginawa
Nagulat ako ng bigla syang magising at sakto pang nagkatinginan kami kaya bigla syang napabangon at napaiwas naman ako kaagad kaya parehas kaming nakatalikod sa isa't-isa ngayon
"G-gising k-kana p-pala? Kamusta? Nahi-nahihilo ka p-parin ba?"
"H-ha?? Oo e. M-medyo masakit na lang yung k-katawan ko. Pero ayos lang ako"
Parehas kaming dalawang napatahimik pagkatapos
"Taehyung?"
Mabilis ko syang nilingon at sinabing "Bakit?"
"Nagugutom ka na ba?"
"M-medyo" sagot ko
Jennie's POV
"So paano mo nga pala ako natunton kagabi?" tanong ni Taehyung saakin na nagpatigil saakin sa pagsubo sa pagkain ko
Paano ko ba sisimulan to?
"Yung bar na pinuntahan mo kagabi, doon rin ako pumunta. Hindi ko naman kasi ine-expect na nandun ka rin. Basta pagpunta ko doon may mga taong nagkakagulo tapos syempre dahil curious ako, nakitingin na rin ako. And then yun na, nakita kita sa sahig. Wala ka ng kamalay-malay kaya agad kitang nilapitan" sabi ko
"Tapos? Ano, yun lang yon?" tanong nya
"Swempre tinanong ako ng mga tao doon kung kilala kita. Edi syempre sinagot kong Oo. Tapos tinanong ako nang manager doon kung kaano-ano ba daw kita -----"
"Anong sinagot mo?" sabi nya saka sya ngumisi
Do I really have to answer that? Jusko
"B-boyfriend ko"
Jusko lupa, lamunin mo na'ko please
Para na akong kamatis dahil sa pamumula nitong pisngi ko. Arghhh!
Napatingin ako kay Taehyung na ngayo'y nakatingin na nakasmirk saakin
"Jennie can I ask you something?"
"A-ano yon?"
"Mahal mo parin ba ako?"
I just smiled bitterly at him
"Taehyung, hindi na tayo pwede. May anak ka na diba?" sabi ko
"Jennie wala na akong anak. Irene had a miscarriage. She got into a car accident and that's the reason why. Jennie pwede nang maging tayo ulit. I promise you na hinding-hindi ko na gagawin ang lahat ng kamalian ko noon. I'll promise you that I'll be a better man for you" sabi nya saka hinawakan nya ang kamay ko
Gusto kong maiiyak sa mga sinabi nya. Because he's right, pwede nang maging kami ulit. Pero nangako ako sa sarili ko na hindi na ako kailanman mahuhulog sa kanya. Ayoko na. I don't want to be in a relationship again with the same person that hurted me before
"Taehyung I'm sorry.... Masaya na ako sa buhay ko ngayon. Ayoko ng bumalik pa tayo sa dati. Hindi mo alam kung gaano ka sakit yung nagawa mo saakin. Please Taehyung... Kalimutan mo na ako. You deserve someone better than me" umiiyak kong sabi. Inalis ko ang nakahawak nyang kamay saakin at tumayo na ako. Kinuha ko ang mga pinagkainan naming dalawa at nilagay ko na ito sa lababo
Hindi ko mapigilan ang pag-iyak ko. Pero mas lalo akong naiyak nang maramdaman ko ang mga kamay nya na nakayakap saakin
"Jennie ayoko..... Ikaw lang ang babaeng kaya kong mahalin... Jennie ayoko nang mahiwalay ka pa saakin. Pakiramdam ko nasisiraan ako ng bait kapag hindi kita nakikita, nakakausap, at nayayakap ng ganito. Jennie please.I'm begging you..... Bumalik ka na saakin"
Napaawang na lang yung labi ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Ayoko na ng ganito. Ayokong nakikitang nasasaktan si Taehyung ng dahil saakin
Humarap ako sa kanya. Hinawakan ko ang pisngi nya saka pinunasan ang luha sa mata nya "Taehyung please.... Lumayo ka na saakin. Ayoko nang makita ka. Ayoko nang makita kitang nasasaktan dahil saakin. Ayoko nang nasasayang yung oras at panahon mo dahil saakin. Higit sa lahat, ayoko nang makitang nasasayang lang ang pagmamahal mo saakin dahil hindi ko na kayang suklian yang pagmamahal mo" di na tumigil sa pagbagsak ang mga luha ko "Taehyung kung mahal mo talaga ako, gagawin mo ang sinasabi ko sayo. Trust me, magiging worth it ang lahat pagkatapos nito" dagdag ko pa
Nakita kong unti-unting bumabagsak ang mga luha ni Taehyung kaya mas lalo na akong naiyak
Hinawakan nya ang bewang ko at nilapit nya ang mukha namin sa isa't-isa at hinalikan nya ang labi ko
His kisses was more passionate and sincere at higit sa lahat, ang pinakamalungkot sa lahat
Magkadikit na ang noo naming dalawa ngayon. Parehas na basa ang mga mata namin dahil sa pagluha
"At dahil mahal kita, gagawin at susundin ko ang lahat ng sinabi mo saakin. Thank you for our relationship" sabi nya sabay bitaw saakin at nilayo na nya ang mukha nya "Promise, susubukan kong kalimutan ka"
Parang nadurog ng sobra yung puso ko nung sinabi nya ang salitang yon. Lumabas na sya kaagad sa condo ko at padabog nyang sinarado ang pinto
Taehyung, I'm sorry.........
¦
Third Person's POV
Two days later........
Pabalik na ng South Korea si Taehyung ngayon. Ilang minuto na lang at mag bo-board na ang flight nya. Nasa loob na sya mismo ng eroplano at handa na nyang gawin ang lahat ng sinabi ni Jennie sa kanya. Isa na rito ang kalimutang naging sila.
Jennie's POV
"Please let me in... I have an important thing to say to a passenger inside that flight. Please. Let me in.." nag-mamakaawang sabi ko sa counter ng kuhaan ng ticket
"Ma'am I'm sorry. That's not allowed here. Besides, you don't have a flight ticket that's why we can't let you go in that plane. It is on our rules and regulations for the airport and the airline. Please Ma'am, just leave. We can't help you with your situation right now"
Naluha na lang talaga ako ng sobra
Mukhang tuluyan nang magbabago ang takbo ng kwento naming dalawa dahil sa pangyayaring to
Ang tanga tanga ko talaga!
Hindi ko na mapigilan ang pag-iyak ko. Napakalaking pagsisisi ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko na dapat pa sinabi kay Taehyung yun.....
Nagulat ako ng may nag-alay ng panyo sa harapan ko. Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko para makita kung kanino galing to at mas lalo lang akong naiyak ng makita kung sino nga ito
"Mino........" umiiyak kong sabi at agad akong napayakap sa kanya
"Tama na Jennie. Stop crying... Andito na ako... Hindi kita iiwan" sabi nya at mas humigpit ang yakap ko sa kanya
Ngayon, unti-unti ko nang narerealize na hindi lang pala dapat kay Taehyung umikot ang mundo ko noon. Nakalimutan kong may isang tao pa pala ang nagmamahal saakin kagaya ng pagmamahal ni Taehyung saakin. At si Mino yun...
I'm ready to let go and forget everything in the past and start living for the future
-To be continued-
[A/N]: I-READY NYO NA MGA PUSO NYO SA NEXT CHAPTER DAHIL MAGSISIMULA NA ANG BOOK 2 NG LIBRONG TO. EXCITED NAKO FOR CHAPTER 46 PERO DI KO PA ALAM KUNG KAILAN ULI AKO MAG-UUPDATE. KAYA STAY TUNED LANG GUYS!! LABYU ALLL!!! ♥♥♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top