[B-1] Chapter 43: Leaving

[A/N]: Napaka-talkshit ko talaga pag dating sa schedule ng mga updates ko HAHAHAHA sorry na :'<

Jennie's POV

11:00 a.m

Nagising na lang ako sa umaga na magang-maga ang mga mata ko kakaiyak kagabi

Kaya naman buo na talaga ang desisyon ko at itutuloy ko na ang pag-alis ko sa lalong madaling panahon

Mamayang 6:00 p.m na ang celebration ng wedding anniversary ng parents ni Taehyung. And I think, this is the perfect time for me to do what I have to do

Biglang nag-vibrate ang phone ko at nakita ko ang text message ni Jisoo saakin

-----

Jisoo:
Jennie, andito na kaming lahat sa location nung resto. Bakit mo ba kami pinapuntang lahat dito at isa pa, bakit ang tagal mo? Kanina pa kami naghihintay sayo dito!

Jennie:
Don't worry, I'll be there in a few minutes

-----

At pagkatapos kong i-send iyon, agad kong pinasok ang phone ko sa bag ko saka lumabas ng kwarto

¦

*resto*

Napahingang malalim muna ako bago pumasok sa loob. Ngayon, naglalakad na ako papasok sa lounge na pina-reserved ko sa resto. Agad kong pinihit ang knob nito saka binuksan

"Oh, ayan na pala sya" sabi ni Yoongi sabay hikab

"Jennie bakit mo ba kami pinapunta dito?" tanong naman ni Hoseok

"Oo nga saka, di ka ba informed na may lunch date pa kami ni Lisa pagkatapos namin dito?" sita saakin ni Jungkook

I just hardly slammed the door and that made all of them stunt and still

"Jennie okay ka lang?" napatayo si Rosé at lumapit saakin

Sunod na lumapit saakin si Namjoon na bigla na lang hinawakan yung magkabilaang pisngi ko at sinabing "Teka bakit magang-maga yang mata mo?" nag-aalala nyang tanong "Nag-puyat ka ba?" dagdag nya

"Tss, okay lang ako" sabi ko na lang saka umupo sa bakanteng upuan katabi kay Jimin "Nakapag-order na ba kayo?" kinuha ko ang menu saka tinignan

"Uhhm.. Paano kami o-order kung wala ka? Ano bang ganap ngayon at pinapunta mo kaming lahat dito?" tanong ni Lisa

Napahinga na lang ako saka nilapag ang menu na hawak ko saka tinignan silang lahat "Guys kumain muna tayo pwede?" mataray kong tanong na agad naman nilang sinang-ayunan

¦

"So ano? Pwede mo na bang sabihin saamin ngayon kung ano ba talagang dahilan ng pagpunta naming lahat dito?" sabi ni Jin sabay subo sa huling pagkain nya

"Oo nga Jennie, kanina pa kami tapos magsi-kain o" sabi ni Jisoo sabay turo sa plato nya

"Bago ko sabihin yung dahilan, pwede bang i-promise nyo saakin na hindi nyo muna sasabihin kay Taehyung tong sasabihin ko sainyo?" tanong ko

And suddenly, lahat ng mukha nila made an curious reaction

"Woohhh... Teka nga lang... " umiiling na sabi ni Hoseok "Buntis ka no?" dagdag pa nya

Sana nga buntis na lang rin ako.....

"Sira! Syempre hindi. Di naman ako malandi gaya nung iba para mabuntis ng maaga no"

"Eh ano nga?" tanong ni Yoongi

"Gusto ko sanang sabihin sa inyo na aalis na ako papuntang States para doon na tapusin ang pag-aaral ko"

"Ano!?" gulat na sabi ni Jungkook

"Pero bakit!?" tanong ni Namjoon

"Guys... Kailangan kong gawin yun for the sake of our business. I need to study abroad para sa ika-bubuti ko" sabi ko na lang

"Ika-bubuti mo? Teka nga. Ano ba talagang nangyari Jennie?? Hindi ka naman aalis ng basta-basta para lang mag-aral sa ibang bansa. Tsaka bat parang ang dali na lang sayo na umalis? Di mo man lang ba naisip kung anong mararamdaman ni Taehyung pag umalis ka?" singhal saakin ni Lisa at napatango naman silang lahat

"Wala na akong pake! Basta!" sigaw ko "Buo na ang disisyon ko at wala na akong dahilan para mag-stay pa dito. Nakiki-usap lang ako sainyo guys na sana wag nyokong pangunahang sabihin kay Taehyung to. Please naman guys o" sabi ko pa

Kaagad na tumayo si Lisa na mangiyak-ngiyak na lumapit saakin saka niyakap ako "Alam mo bwisit ka talaga kahit kailan!" sabi nya na nagpangiti naman saakin

"Eto naman... Wag ka ngang oa dyan. Di pa naman ako mamamatay para iyakan mo" sabi ko habang hinihimas ang likuran ni Lisa, pinapatahan sya

Napatingin naman ako sa kanilang lahat na. Laking gulat ko ng makita ko silang nagsisi-iyakan na HAHAHA

"Huyyy.. Ano? Pati naman ba kayo iiyak rin? Guys naman ano ba! Wag
kayong mag-drama! HAHAHA!" tumatawa kong sabi

Tumayo ako sa pwesto ko at ganun rin sila. Isa-isa ko silang pinag-yayayakap for the last time

"Mag-iingat ka doon a?" sabi ni Hoseok saakin

"Oo na. Kaya ko sarili ko okay?" sabi ko sabay ngiti

"Hoy Jin, Jimin, at Jungkook! Ingatan nyo mga kaibigan ko a? Pag nalaman kong naghiwalay kayo at ang mga kalandian ninyo ang dahilan, hinding-hindi ako magdadalawang isip na ipa-salvage kayong tatlo!"

"Tss... Bakit ko iiwanan tong buhay ko?" sabi ni Jin sabay akbay kay Jisoo

Ang harot. Respeto naman o.

"Hoy Kim Seokjin! Wag mong gawing mundo ang alam mong tao lang!" sabi ko

"Oh man holy shit!" sabi ni Jungkook sabay tawa

"Bultaoronae" sabi ni Yoongi. HAHAHA!

"Ayan kase. May pa-mundo mundo ka pang nalalaman dyan, nabasag ka tuloy HAHAHA!" tawang-tawang sabi ni Rosé

"Luh sya. Bat ang bitter mo ngayon Jennie Kim?" entra ni Jisoo saakin

"To naman di na mabiro. AHHAHA!" sabi ko

"Kailan na nga pala ang alis mo, Jennie?" tanong ni Namjoon saakin na biglang nagpabago sa mood ko

Haystt....

"Mamaya"

¦

Nandito nako ngayon sa loob ng kwarto ko. Handa na ang apat kong malalaking maleta na ngayo'y nakalagay lang sa gilid ng pintuan ko

Pinalitan ko na ng panibagong sim card ang phone ko dahil ayokong makatanggap pa ako ng mga texts at calls galing sa mga kaibigan ko at lalo kay Taehyung

Sobrang pinipilit ko ang sarili ko na wag umiyak sa araw na to hanggang sa makarating ako ng States mamaya pero, bumabalik lahat ng masasayang ala-ala ko dito at kasama doon ang lahat ng masasayang ala-ala ko na naging parte si Taehyung ng buhay ko

Pero wala na talagang makaka-pigil sa desisyon ko dahil handang-handa na talaga akong umalis ngayon at kalimutan ang lahat ng naging samahan namin ni Taehyung

Taehyung's POV

6:00 p.m

Punong-puno na ng maraming bisita ang loob ng mansyon namin ngayon. Nandito rin ang mga kaibigan ko at tanging isang tao na lang ang wala ngayong araw

Si Jennie...

"Taehyung" napatingin ako sa likuran ko at nakita kong naglalakad papalapit saakin si Jisoo

"Pinapa-abot nga pala ni Jennie to, regalo nya ata yan para sa wedding anniversary ngayon ng parents mo" sabi nya sabay abot saakin nung box

"Teka, bakit nasayo to? Tsaka bakit hindi na lang sya ang mag-bigay nito ng personal? May nangyari ba kay Jennie?" nag-aalalang tanong ko

"Hindi pa ba nya nasabi sayo?"

"Nasabi ang alin?" naguguluhanglt sabi ko

Magsasalita na sana si Jisoo ng biglang nagsalita yung MC ng party kaya natigilan rin sya

Nagsitayuan na ang lahat at naibaling ang kanilang mga tingin sa second na kung saan naadon sila Mom and Dad

"May I present to you all, the couple who's celebrating their 25th Silver wedding Anniversary, non other than, Mr and Mrs Kim! Let's give them a round of applause" sabi nung MC at nagpalakpakan kaming lahat habang pinapanuod ang pagbaba nila sa hagdan

Tinago ko na lang muna sa tuxedo ko yung regalo ni Jennie para sa kanila

Kinuha ni Dad yung microphone sa MC saka sya nagsalita "Good evening sa inyong lahat. Me and my wife would like to thank all of you na nagpina-unalakan ang celebration na ito para sa milestone naming dalawa bilang mag-asawa. So, thank you everyone for coming and.... Let's all have a good time tonight!" sabi ni Dad at nagpalak-pakan ang lahat

Nagsilabasan na yung mga waiter at waitresses dala-dala yung mga pagkaing ise-serve nila

Lumapit muna ako kanla Mom and Dad para i-congratulate sila

"Ma, Pa, Happy Wedding Anniversary po" sabi ko sabay yakap sa kanila

Tinapik ni Dad ang braso ko at sinabing "Thank you, anak" at tumango naman ako

Binigay ko sa kanila yung regalo ni Jennie at sinabing "Hindi nga po pala makaka-punta si Jennie ngayon kaya eto po, pinapa-abot nya tong regalo nya sainyo" kinuha naman iyon ni Mama

"Anak may problema kami ng Papa mo regarding kay Jennie at sa parents nya" sabi ni Mama na nagpukunot sa noo ko

"Anong problema Ma?"

"Itinigil ng pamilya nila ang partnership ng kumpanya natin sa kumpanya nila kaya medyo bumaba ang naging growth ng company wealth natin pagkatapos nilang gawin yun. Hindi namin ma-contact ng Papa mo ang parents ni Jennie. Mukhang ayaw nila kaming kausapin" sabi ni Mama

"Anak hindi ko alam kung ano ang naging dahilan nito. Pero pakiramdam ko, tungkol to sainyong dalawa ni Jennie kung bakit itinigil ng pamilya nya ang partnership saatin. Nag-hiwalay ba kayo ni Jennie anak?" tanong ni Dad

"Hindi po, hindi kami naghiwalay ni Jennie. Hinding-hindi kami maghihiwalay" sabi ko

"Anak puntahn mo si Jennie ngayon. Persuade her na wag itigil ng parents nya tong partnership natin dahil malaki ang mawawala saatin kapag lumala pa to" sabi ni Dad kaya tumango nako saka tinalikuran sila

Naglakad ako papalapit sa table nila Jungkook at sinabing "Nasaan si Jennie?"

Nagtinginan silang lahat sa isa't-isa kaya mas lalong nagtaka ako kung bakit ang tagal nila akong sagutin

"Nasaan si Jennie!?" muli kong sabi at nagulat sila sa inasta ko pati narin sila Mom and Dad at ang mga bisita nila

"Taehyung kumalma ka nga" sabi ni Jimin saka tumayo at hinila ako palabas

"Bitawan mo nga ako! Nasaan ba kasi si Jennie? Bakit ayaw nyokong sagutin!?" galit na galit kong sabi

Nagsilabasan narin sila Jungkook, Namjoon, Lisa, Jisoo, Rosé, Yoongi, Hoseok, at Jin saka lumapit sa pwesto namin ni Jimin

"Ano na!? Bakit ayaw nyong sumagot!?"

"Taehyung kumalma ka nga!" saway ni Lisa

"Hindi namin alam kung ano nang nangyayari sa relasyon nyong dalawa at nagkakaganon si Jennie. Pero kasi, mukhang may malaki syang problema Taehyung" sabi ni Jin

"Anong ibig mong sabihin?"

"Kinausap kami kanina ni Jennie at nagulat na lang kami na sinabi nyang aalis sya at sa ibang bansa na sya mag-aa------"

"BAKIT HINDI NYO KAAGAD SINABI SAAKIN!?"

"Hindi namin nasabi sayo dahil naki-usap saamin si Jennie na wag daw naming sasabihin sayo dahil sya na mismo ang gagawa" sabi ni Rosé

"At naniwala kayo!? Ni-hindi ko nga alam yung dahilan kung bakit sya aalis ng basta-basta e! Bakit ba kasi hindi nyo agad sinabi saakin to!? Hindi nyo ba alam kung gaano ako nag-aalala!? Hindi nya sinasagot lahat ng texts at calls ko tapos malalaman ko na lang sainyo na eto na pala yung nangyayari sa girlfriend ko!?"

"Taehyung patawarin mo kami. Sorry kung tinago namin sayo" sabi ni Hoseok

"Guys sagutin nyo na yung tanong ko. Parang-awa nyo na.... Nasaan si Jennie ngayon?" nagtitimpi kong tanong

"Ngayong gabi na mismo sya aalis at sigurado akong nasa airport sya ngayon. Puntahan mo na sya Taehyung dahil baka hindi pa huli ang lahat para sa inyong dalawa" sabi ni Jungkook

At dahil doon, mabilis akong umalis ng walang sinasabi sa kanila. Agad kong pinaandar ang kotse ko saka minaneho ito paalis

Kinuha ko ang phone ko saka muling tinawagan ang number ni Jennie pero hindi ito nagri-ring. Mukhang nakapatay ang phone nya

Binabalot ng napaka-raming tanong ang pag-iisip ko. Hindi ko alam kung bakit nangyayari saaming dalawa ni Jennie to. Hindi ko alam bakit sya aalis basta-basta ng hindi man lang nagsasabi saakin ng dahilan

Bakit mo ginagawa to Jennie? Bakit!?

¦

*airport*

Nagmadali akong lumabas ng sasakyan pagkatapos kong mag-park

Takbo dito, takbo doon

Kung saan saan ako nagpupupunta dahil hindi ko alam kung nasaan si Jennie ngayon. Hindi ako susuko hanggang sa hindi ko sya nahahanap

"Attention everyone, calling out all the passengers of Flight 129, the flight will start after 15 minutes. Please proceed here in the receiving area so we can check your belongings properly, Thank you"

yan yung narinig ko sa speaker ng buong airport kaya naman hindi nako nagdalawang isip na tumakbo papunta sa receiving area ng mga pasahero ng eroplano

At yun na nga, nakita ko si Jennie sa lugar na yun kaya mas lalo ko pang binilisan ang takbo ko

Agad kong hinatak ng mahigpit ang kamay nya mula sa likod kaya napalingon sya saakin at laking gulat nya ng makita nya ako

"T-t-taehyung" utal-utal nyang tawag sa pangalan ko

"Halika na, umuwi na tayo" sabi ko. Hingal na hingal at pinagpapawisan ako ng husto ngayon, pero wala na akong pake dahil mapipigilan ko si Jennie sa pag-alis

"Anong ginagawa mo dito?" sabi nya
"Umuwi na tayo. Sumama ka na saakin" sabi ko sabay hila sa kamay nya pero agad nya itong tinapik ng malakas

"Bitawan mo ako! Hindi ako sasama sayo!" sabi nya

"Bakit ka ba nagkaka-ganyan!? Bakit hindi mo sinabi saakin na aalis ka!? Hindi mo ba alam kung gaanong pag-aalala ang naramdaman ko nung nalaman kong basta basta ka na lang aalis!? Hindi na ba ako mahalaga para sayo!?" sigaw ko sa kanya

Wala na akong pake sa paligid naming dalawa kahit pinagtitinginan na nila kami ngayon dahil sa mga pinagsasasabi namin sa isa't-isa

"Ano pang silbi non? Ediba hindi narin naman ako mahalaga sayo?" sabi nya

"Ano bang sinasabi mo!?"

"Pwede bang wag ka ng mag maang-maangan dyan? Taehyung alam ko na ang lahat! Alam ko nang nabuntis mo si Irene!"

Teka..... Paano nya nalaman!?

"Ano ngayon Jennie!? Oo nabuntis ko sya pero ikaw ang mahal ko at hindi si Irene. Yan lang ba ang dahilan mo kung bakit ka aalis?"

"Sinungaling ka!" nagulat na lang ako ng biglang bumagsak ng sunod-sunod ang mga luha nya "Balak mo pa nga daw na makipaghiwalay saakin pagkatapos mong malamang may anak ka na e at hindi lang yon, muli mo syang tinanggap sa buhay mo!"

Hindi totoo yan Jennie

"Paano ko nalaman? Kahapon pumunta ako sa condo mo. And guess what kung anong naabutan ko? Irene was there with you in the bed habang ikaw, sarap na sarap ka sa tulog mo habang naka-cuddle kayo sa isa't-isa. Now tell me, sa tingin mo maniniwala pa ako sayo simula nung nakita ko yun kahapon?" umiiyak nyang sabi

Agad ko syang niyakap at pinatahan "Jennie hindi totoo yon. Ikaw lang ang mahal ko at hindi kita kayang saktan. Kahit kailan, hinding-hindi ko na kayang tanggapin uli si Irene sa buhay ko kaya kung ano man yung nakita at narinig mo kahapon mula kay Irene, lahat yon puro gawa-gawa lang nya at puro kasinungalingan. Jennie maniwala ka saakin, hindi kita kayang saktan alam mo kung gaano kita ka-mahal kaya hindi ko kayang gawin sayo yun. Kahit kailan hinding-hindi ko kayang makipag-hiwalay sayo" sabi ko pero agad rin nya akong tinulak pagkatapos kong magsalita

"Tama na Taehyung! Tama na! Hindi na ako maniniwala sa lahat ng sasabihin mo saakin na puro kasunungalingan lang! Ayaw na kitang makita kahit kailan!" sabi nya saakin sabay talikod

"Calling out all the passengers of Flight 129, please proceed to hall 18, your flights will be held after 5 minutes. Check your belongings and make sure to bring your ticket and passport once you entered the hall. Thank you and have a safe flight!"

Muli kong pinigilan si Jennie at hinila uli ang kamay nya "Jennie wag mo akong iwan please maniwala ka saakin" mangiyak-ngiyak kong sabi

Lumingon sya saakin at nakita kong mas maraming luha ang bumagsak sa kanya

"Hayaan mo na akong gawin to Taehyung. Desidido na akong kalimutan ka at ang lahat ng pinagsamahan natin. Maging mabuting ama ka sa magiging anak nyo ni Irene. Kalimutan mo na rin na naging parte akong ng buhay mo dahil yun din ang gagawin ko" sabi ni Jennie sabay punas ng luha nya

"Let's break-up, Taehyung" sabi nya na mas nagpaluha saakin. Nakita kong tinanggal nya sa daliri nya yung singsing na binigay ko sa kanya "Thank you for everything" sabi nya sabay lagay sa palad ko ng singsing

Tinalikuran nya ako at tuluyan na syang umalis at hindi ko na sya nagawang pigilan dahil huli na ang lahat

Muli akong napatingin dito sa singsing na nasa palad ko at lalo lang akong naluha

"I'm sorry for hurting you so much Jennie. I'm such a jerk" sabi ko nalang habang nakatingin sa singsing

¦

*condo*

Pagpasok ko ng condo unit ko, agad kong nakita si Irene na naka-upo sa sofa at nanunuod ng tv

"O, bakit ang aga mo ata umuwi? 9:45 p.m pa lang a. Tapos na ba kaagad yung party?"

Hindi ko na pinansin ang sinabi nya at marahas ko syang hinila patayo

"Aray ko Taehyung nasasaktan ako"
I hardly slammed her in the wall

"Anong ginawa mo!?" nanggigil kong tanong sa kanya

"Teka aray... Hindi ko alam kung anong sinasabi mo. Bitawan mo ako Taehyung nasasaktan na ako"

"IRENE ANONG GINAWA MO!???" sigaw ko sa kanya sabay padabog nabumitaw sa kamay nya

"Taehyung hindi ko alam kung anong tinutukoy mo"

"ANO NANAMANG KASINUNGALINGAN YUNG PINAG SASASABI MO SA KANYA!? Hindi mo ba alam kung gaano ka-sakit tong naransan ko ngayon!? Irene kasalanan mo kung bakit ako iniwan ni Jennie ngayon!"

"Oo na! Ako na! Kasalanan ko na ang lahat! Sinadya kong magsinungaling kay Jennie para sya na mismo ang mang-iwan sayo at nang mapa-saakin ka na!"

Natahimik at natigilan ako sa sinabi nya. Napaka-sama talaga ng ugali ng babaeng to

"Teka tama ba yung narinig ko? Iniwan ka na ni Jennie?" sabi nya at napangiti sya "Gumana nga talaga yung plano ko" dagdag pa nya

Gustong-gusto ko na sana syang marahas na saktan ngayon kaso hindi ko kaya dahil hindi ko kayang manakit ng babae

Hinawakan ko ng mahigpit ang baba nya "Umalis ka na ngayon bago pa kita masaktan" kalmadong sabi ko pa sa kanya

"Hindi ako aalis. Kailangan mo ako sa tabi mo Taehyung. Lalo na ngayon na iniwan ka ni Jennie" sabi nya sabay hawak sa braso ko pero agad kong nahawakan ang kamay nya
"Hindi kita kailangan sa buhay ko kaya wag mokong pagsalitaan ng ganyan. Umalis ka na!" sigaw ko

Kinuha naman ni Irene ang lahat ng gamit nya sa loob ng kwarto ko at muling bumalik sa harapan ko "Pag isipan mong maigi Taehyung, pwede na tayong maging isang buong pamilya kasama nitong anak mo pero ikaw mismo ang gumagawa ng paraan para ilayo ko tong bata sayo" huling sabi nya bago sya lumabas ng unit ko

At ngayon... Naiwan na lang akong mag-isa dito...

Agad akong pumunta sa kwarto ko saka muling kinuha ang singsing na bigay ko kay Jennie noong nag-proposed ako sa kanya

Di ko alam na ganon kadali na lang para sa kanya ang iwan ako, ni-hindi man lang nya ako pinakinggan at pinaniwalaan. Pero tatanggapin ko yun dahil kasalanan ko naman ang lahat kung bakit nangyari to e

Sana maging maayos at mabuti ang lagay ni Jennie kahit na wala ako sa tabi nya

Hihintayin ko ang pagbabalik nya kahit na umabot pa to ng napaka-raming taon...

- To be continued -

[A/N]: Hello sa mga suspended na ang mga klase bukas dahil sa napaka-lakas na ulan. Stay safe everyone!!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top