[B-1] Chapter 42: Nightmare
[A/N]: MABAOG NA SANA ANG LAHAT NG MGA SILENT READER! char AHAHHAHA
Jennie's POV
"Jennie I'm sorry"
"H-ha? T-teka.. Bakit ka nagso-sorry saakin?"
"Thankful ako na nakilala kita sa buhay ko. You mean the world to me, Jennie. Pero I'm sorry dahil kailangan ko tong gawin dahil this is the only way that I know para hindi na kita masaktan pa" sabi pa nya
Nagsimula nang nagsilabasan ang mga luha ko dahil sa mga sinabi nya
"Teka ano ba! Bakit mo ba sinasabi yan?? Hindi kita maiintindihan, naguguluhan na ako" sabi ko habang umiiyak
"Let's break-up, Jennie"
Nag simula ng maging blurred ang lahat sa paligid ko ng marinig ko ang mga salitang yon. Maski si Taehyung ay hindi ko na rin ma-aninag dahil unti-unti na ring nagdilim ang paningin ko habang patuloy parin ang pagbagsak ng mga luha ko
"Jennie"
Wala na akong makita sa paligid ko
"Jennie!"
Puro luha na ngayon ang mata ko
"Jennie!!!"
"Jennie gumising ka!!!"
Agad kong minulat ang mga mata ko. Hinawakan ko ito at panandaliang pinunusan ang mga luhang walang tigil sa pagbagsak
"Jennie are you okay?"
Dahan-dahan kong nilingon ang ulo ko sa gilid at laking gulat ko ng makita ko si Taehyung na nakatayo sa gilid ng kama
"A-anong n-nangyari?" tanong ko
Umupo sya sa kama saka hinawakan ang mga kamay ko na para bang pinapakalma nya ako at sinabing "Nananaghinip ka... Pagpasok ko dito sa loob narinig kitang nagsasalita at maya-maya bigla ka na lang umiyak kaya ginisising kita kaagad dahil baka binabangungot ka"
Wala na akong nasabi at agad ko na lang syang niyakap. Naramdaman kong niyakap nya rin saakin ang mga kamay nya na naging dahilan ng mas lalo kong pag-iyak
"Shhh.. Stop crying.. Bakit ka ba umiiyak ng ganyan? Ano bang napanaghinipan mo?" tanong nya habang hinihimas ang likod ko
Humiwalay ako sa yakap nya at tinignan namin ang isa't-isa
"Taehyung may tinatago ka ba saakin?" tanong ko
Panandaliang nanlaki ang mga mata nya dahil sa tanong ko. Napatingin rin ako sa kamay nya na agad nyang inalis saakin. He just smiled at me weakly and said "Wala. Wala akong tinatago sayo. Believe me" sabi nya sabay tayo
"Sige na... Mag-ayos kana. Pinapatawag ka na ng Mommy at Daddy mo. Mag b-breakfast tayo" dagdag pa nya
Teka... Tama ba yung narinig ko?
"Si D-daddy?" tanong ko
"Oo. Kaka-discharge lang ng Daddy mo kaninang madaling araw. Andyan na sya sa baba, hinihintay ka na nya" sabi ni Taehyung sabay ngiti
Agad akong bumangon sa kama ko saka nagmadaling lumabas ng kwarto ko at agad na bumaba papuntang kusina
At ayun na nga, nakita si Mommy na naka-upo na sa may dining-area at si Daddy naman ang naglalagay ng mga pagkain sa Mesa
"Buti naman nagising ka na" nakangiting bati saakin ni Daddy
"Jennie kumain kana dito. Luto yan lahat ng Daddy mo. Si Taehyung nasaan na?" tanong naman ni Mommy
Nagulat ako ng may biglang umakbay saakin at nung nilingon ko ito, nakita ko si Taehyung ang naka-akbay saakin ngayon
"Osige maupo na kayo kumain na tayo" sabi ulit ni Mommy
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng may biglang tumawag sa phone ni Taehyung
Tumingin sya saamin at umexcuse palabas para sagutin yung tawag
Taehyung's POV
"Sige hintayin mo ako pupuntahan kita dyan"
Tinapos ko na yung tawag saka bumalik sa dinning area
"Um.. Tita, Tito, una na po ako. May kailangang po kasi akong puntahan" sabi ko
"Sige mag-iingat ka a? Jennie samahan mo na si Taehyung sa labas" sabi ni Tita dahilan para mapatingin ako kay Jennie
Tumango lang sya saka tumayo at naglakad palabas ng pintuan
Sinundan ko si Jennie palabas saka mabilis na kinuha ang kamay nya
"Jennie"
Huminto sya sa paglalakad at napatingin saakin
"Wag kang mawawala sa party bukas a?" sabi ko
Ngumiti at tumango lang sya sa sinabi ko. Agad ko naman syang niyakap ng mahigpit
"Saan ka ba pupunta?" tanong nya
Humiwalay ako sa yakap naming dalawa at sinabing "Jennie don't worry, hindi rin naman ako magtatagal sa pupuntahn ko e. Tatawagan kita mamaya pag okay na ang lahat"
"Hindi mo sinagot yung tanong ko" sabi nya sabay irap
"Sa office. Pinapatawag kasi ako ni Dad. Mukhang may sasabihing importante saakin" sabi ko
"Ingat ka" sabi nya at nginitian ko lang sya saka sumakay na sa sa loob ng kotse
¦
"Please follow my prescription and always take your medicines on time okay? You are 2 weeks pregnant and you have to take care of yourself and especially the baby inside your tummy"
"Opo Doc. Thank you" simpleng sagot ni Irene
"O sya sige, mag-iingat kayo"
"Thank you po Doc" sabi ko naman
Inalalayan ko si Irene sa paglalakad pero kusa nyang nilayo yung sarili nya saakin
Napatingin lang ako sa kanya dahil naninibago ako sa mga ipinagkikilos nya. Iniwas ko agad ang tingin ko nang tumingin sya saakin
Pag dating namin sa parking lot agad naman kaming sumakay sa loob ng sasakyan ko
"Paano kana nyan? Hindi ko alam na may dala ka palang mga damit nung na-ospital ka" sabi ko
"Well hindi ko naman aakalaing hihimatayin ako non. Maglalayas lang naman ako pero di ko alam na ganito pala yung mangyayari saakin" sabi ni Irene
"Lalayas ka!? Nababaliw ka na ba talaga? Irene buntis ka tapos lalayas ka sainyo!? Ano bang umiikot dyan sa isip mo!?" sigaw ko pa
"Hindi ko na alam Taehyung okay. Just please don't bring me home. Ihatid mo na lang ako sa hotel. Dun na lang ako mag sta-stay" sabi nya
At dahil doon pinaandar ko na lang ang sasakyan saka minaneho ito paalis
¦
"Anong ginagawa natin dito? Bakit dito mo ako dinala?"
Andito kami ni Irene ngayon sa lobby ng condominium ko at naglalakad kami pasakay ng elevator bitbit ang mga gamit nya
"You're going to stay here" simpleng sagot ko
"Dito!? Sa condo unit mo!?"
I didn't bother to answer her question. Pagkabukas ng pintuan ng elevator, agad na kaming lumabas at dumiretso sa condo unit ko
Binaba ko sa may gilid ng sofa yung mga gamit ni Irene. Nagpunta naman ako sa refrigerator saka kumuha ng alak at agad na binuksan ito. Pumwesto ako sa dining table at duon ako umupo
Dahan-dahang lumapit si Irene sa pwesto ko at umupo sa katapat kong upuan
Tinignan ko lang sya at mabilis na iniwas ang tingin ko and in the back of my mind, napaka-raming masasakit na salita ang gusto kong sabihin sa kanya ngayon
Pero hindi ko ito magawa dahil nag-aalala ako at baka may mangyaring masama sa dinadala nya kapag nasabi ko ang lahat ng yon
"I'm sorry"
Napatigil ako sa pag-inom at unti-unti akong napatingin kay Irene
"For what?" sagot ko at muling uminom
"For everything that I've cost you" sincere nyang sabi. Napa-ismid na lang ako sa sinabi nya at hindi na nagsalita
"Alam mo namang hanggang ngayon, ikaw parin yung mahal ko kahit alam kong si Jennie ang mahal mo. Pero bakit hindi natin sumulan muli yung samahan natin alang-alang sa magiging anak natin? Taehyung, alam kong kaya mo ako pinapahalagahan ngayon is dahil dito sa dinadala ko. Sooner or later malalaman rin ng lahat tong sitwasyon natin. I'm sure that your parents won't turn down on me dahil ipinagbubuntis ko ang anak ng tagapagmana nila. So anong silbi pa ng pagtatago natin ng totoo sa kanila?" sabi nya
At habang nakikinig ako sa mga sinabi nya kanina, hindi ko inaakalang nai-crumple ko na pala yung beer in can ko sa kamay ko
"Irene naririnig mo ba yang mga sinasabi mo? Akala mo ba madali saakin to ha? Akala mo ba madali saakin na basta-basta na lang na tanggapin kita ulit sa buhay ko? Akala mo ba madali saakin para iwanan si Jennie sa pagkakamaling to!?" sabi ko sabay tapon ng malakas sa beer na hawak ko
Tumayo ako muli at kumuha ng tatlo pang beer in can sa reef at nilapag ang mga ito sa mesa saka binuksan yung isa at muling uminom
"Okay fine. Pwede bang kumalma ka. Isa pa, wag kang magpakalasing dahil walang mapupuntahan yan! Magpapahinga na lang ako saglit dun sa kwarto mo" sabi nya sabay pasok sa loob ng kwarto ko
Napa-irap na lang ako sa hingin at nagpatuloy sa pag-inom
Irene's POV
4:00 p.m
Nagising na lang ako bigla at naramdaman na may kamay na naka-yakap sa tiyan ko
Inikot ko ang pwesto ko saka ko nakita si Taehyung na mahimbing na natutulog dito sa tabi ko. At dahil magkatabi lang kami, agad kong naamoy ang amoy ng beer na ininom nya kanina
Dahan-dahan kong inalis ang kamay nya sa tiyan ko at bigla nyang binaling ang pwesto nya sa kabilang gilid. Bumangon naman ako sa pagkakahiga ko saka lumabas ng kwarto nya
Sa pagkalabas ko, bumungad saakin ang limang ubos na beer in can na nakalapag lang sa may lamesa. Ibig sabihin lang non, nagpakalasing si Taehyung
Agad ko itong nilapitan saka niligpit ang mga iyon at tinapon sa basurahan. Pinunasan ko naman yung mga talsik ng beer na ininom ni Taehyung kanina
Binuksan ko ang mga cabinet nya dito sa kusina pati na rin ang reef nya para makita kung meron ba syang ready-to-boil soup na lulutuin ko para pagnagising sya mamaya, meron syang pampatanggal ng hangover. Pero ni-isa, wala akong nakita kaya naisipan kong bumili sa convenient store sa baba
Agad kong kinuha ang bag ko sa sofa saka lumabas ng unit ni Taehyung. Na-memorize ko ang password sa pintuan nya kanina lang kaya hindi problema saakin ang paglabas-pasok dito sa unit nya
Nasa ground floor na ako ngayon ng condo at laking gulat ko, nang makita ko si Jennie sa may lobby area kaya bigla akong napatago ng wala sa oras
Mabuti na lang at may kausap sya sa telepono nya kaya hindi nya napansin ang presensya ko
Biglang sumagi sa isip ko ang isang idea na sigurado akong hindi magugustuhan nitong Jennie Kim na to
I'm sorry Taehyung... Masama na kung masama pero kahit ano paman ang mangyari, wala na akong pake as long as I'll assure to myself that you'll be always on my side after this
Jennie's POV
"Opo Tita, andito na po ako sa unit ni Taehyung para bisitahin sya... I checked his car at the parking lot and tama nga kayo, andito lang sya. Baka natutulog lang sya kaya kanina pa nya hindi sinasagot yung mga text and calls ko" sabi ko sa kabilang linya
"Okay sige... Basta tomorrow wag kang mawawala sa party a? I have a huge announcement to make" sabi ng Mama ni Taehyung
"Don't worry Tita... We will all come tomorrow"
"Sige.. See you na lang bukas. Bye"
"Bye po" sabi ko and I ended the call
Naglakad na ako kaagad papasok sa loob ng elevator and then I pressed the floor button of his unit
Ewan ko ba, pero sa oras na bumukas yung pintuan ng elevator, bigla akong nakaramdam ng matinding kaba at mas bumilis pa lalo ang tibok ng puso ko
Every step I take papalapit sa unit ni Taehyung, mas lumalala ang malakas na kabog sa dibdib ko
Ano bang nangyayari saakin at bat ako nagkakaganito?
Nandito na ako sa tapat ng pintuan ni Taehyung. Naghihesitate yung pakiramdam ko kung dapat ba akong tumuloy o hindi
My mind is telling me to come inside, but my heart is telling me to stop
Ewan ko. Bahala na
After kong mabuksan ang password sa pinto, pumasok na ako kaagad sa loob
Amoy beer yung buong loob at bukas rin ang lahat ng ilaw. Napansin ko rin na may malalaking bag na nakalagay sa baba ng sofa that makes me wonder kung kanino ang mga ito dahil pambabae ang design
Sigurado akong nasa loob si Taehyung ng kwarto nya kaya lumapit na ako dito tsaka pinihit ang pintuan
And I did not expect to see what I'm seeing right now in front of me....
Nakahiga si Taehyung sa kama habang nakalagay ang ulo ni Irene sa balikat nya at yakap nila ang isa't-isa
Bakit nangyayari to!?
Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa nakikita ko ngayon sa harapan ko. Parang dinurog ng sobrang lala yung puso ko at hindi ako makapagsalita dahil sa mixed emotions na nararamdaman ko
At nagmistulang water falls ang mga mata ko dahil dali-daling bumagsak ang mga luha ko
Then I saw Irene moved and open her eyes. Nanlaki ng mga mata nito saka mabilis syang napabangon
"J-jennie? A-anong g-ginagawa mo dito?" utal-utal nyang sabi habang naglalakad papalapit saakin
Di ko na napigilan ang sarili ko at nasampal ko sya ng sobrang. Sa sobrang lakas, parang nalamog ko na yata yung pisngi nya
"Ang kapal rin naman pala talaga ng pagmumukha mo at tinanong mo pa talaga saakin yan no? Ikaw nga dapat ang tinatanong ko nyan e. Anong ginagawa mo ditong malandi ka!?" nanggigigil kong sabi sa kanya na para bang gusto ko uli syang sampalin
"Sige! Pagsalitaan mo po ako ng masasama at masasakit, tatanggapin ko lahat ng yon" sabi nya
Dahil sa inis ko itinaas ko muli ang kamay ko at sasampalin ko uli sya ng napigilan ko ang sarili ko
"Ano pang ginagawa mo dito? Umalis ka na!" sigaw ko sabay baba sa kamay ko
Her facial expression changed. Tinignan nya ako saka nginisian at sinabing "Sa ating dalawa, sino sa tingin mo ang dapat na umalis?" sarcastic nyang sabi
"Ano bang kagagahan yang sinasabi mo? Lumayas kana dito kung hindi masasaktan talaga kita!" sabi ko
"Sige subukan mo akong saktan! Saktan mo ako at ang anak naming dalawa ni Taehyung!"
Napatulala ako sa mga narinig ko at nanhina ang buong katawan ko
Hindi na ako nakapag salita pa at mas bumuhos lang lalo ang mga luha ko
"I'm already 2 weeks pregnant Jennie. Simula nung sinabi ko kay Taehyung ang tungkol dito, he was so very happy about it. Sobrang excited nya dahil nalaman nyang magiging tatay na sya. Ang akala ko, magagalit sya saakin at ipagtatabuyan nya ako pero I was wrong. Mabilis nya akong tinananggap muli sa buhay nya" sabi ni Irene at hanggang ngayon hindi parin tumitigil ang mga mata ko sa pagluha habang tinitignan si Taehyung na mahimbing na natutulog
"Believe me or not, pero I was really concern tungkol sa magiging relasyon nyong dalawa. Ang sabi nya, handa ka nyang hiwalayan para sa anak naming dalawa pero pinigilan ko sya at sinabi kong ayokong masira kayo dahil sa batang dala ko. Sinabi ko sa kanya na dadalhin ko sa states yung bata at papalakihin ko na lang mag-isa para di na kayo maabala pa, pero nagpumilit sya na mag-stay ako sa tabi nya kaya after kong ma-confine, dito nya ako dinala sa condo nya at ang sabi pa nya ay itatatago na lang muna namin sa lahat ang tungkol dito. Pero ngayon na nandito kana at nakita at nalaman mo na ang lahat. I think hindi ko na kailangan pang magtago ng totoo sayo" sabi ni Irene at napatingin na ako sa kanya this time. She was also crying habang nakatingin sa may lapag
Gustong-gusto kong mag-wala at saktan si Taehyung na sarap na sarap sa tulog at si Irene na nakatayo lang sa tapat ko
I can't believe na kaya mong gawin saakin to Taehyung...
And without a word, padabog akong lumabas sa unit ni Taehyung bitbit ang pinakamasakit na pangyayari sa buong buhay ko
Ng makalayo ako sa unit nya, I held onto the wall at doon na bumuhos ang lahat ng iyak ko
Ngayon alam ko na kung bakit ako nanaghinip ng ganong klaseng panaghinip dahil totoong mangyayari nga yon
Irene's POV
Now everything that is happening right now is all doing really really fine according to my plans
At sa wakas...... Akin na muli si Taehyung simula ngayon
Jennie's POV
"Jennie anak, tama na yan. Please, stop crying already"
Andito na ako sa kwarto ko kasama si Mommy na pinapatahan ako
"Ma I just can't really believe na magagawa ni Taehyung saakin ang lahat ng to. Akala ko, iba sya sa lahat ng mga lalaki. Yung hindi kayang saktan at lokohin yung taong mahal nila. Pero I was wrong. Isa lang din pala si Taehyung sa mga walang kwentang mga lalaki katulad nila" sabi ko at nagputuloy sa pag-iyak
"Kahit ako Jennie hindi rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Pero anak, kahit anong mangyayari, sayo at sayo ako kakampi dahil anak kita. Hinding-hindi ko hahayaang may manakit pa ng ganyan sayo ulit" sabi ni Mommy
"Ma gusto ko ng kalimutan si Taehyung kaagad"
"Anak what do you mean?"
"Ma ayoko ng tapusin ang pag-aaral ko dito. I want to stay in the States for good at doon ko na tatapusin ang pag-aaral ko. Naisip ko rin na mas advance sa ibang bansa kaya mas mapag-aaralan ko ang pagpapatakbo ng business natin pag nasa states na ako. Sa ganong paraan, makakalimutan ko si Taehyung sa buhay ko"
"Sigurado ka na ba dyan?"
"Yes Ma. Kahit mahirap para saakin tong gagawin ko, buo na ang pasya ko. Gusto kong makalayo sa lugar na to because meeting him was the biggest mistake that I've done in my life" umiiyak kong sabi kay Mommy
Oo aaminin ko, sobrang nasasaktan ako sa mga nangyayari ngayon. Kahit papano umaasa ako na baka pwede pang maayos ito pero naisip ko yung mga sinabi ni Irene kanina, mukhang hindi na talaga kami magtatagal ni Taehyung kaya ako na ang tatapos dito. At mas gusto ko na sanang maka-alis dito as soon as possible. Wala na akong pake sa kanya
"Sige Jennie. Bukas na bukas, aasikasuhin ko ang flight mo papuntang states"
-To be continued-
[A/N]: RAMDAM NYO NA BA ANG THRILL??? :D SUPER EXCITED NA AKO PARA SA MGA PASABOG SCENES SA MGA NEXT CHAP. TUTOK LANG GUYS DAHIL MAGIGING MABILIS NA TONG UPDATE KO AT BAKA THIS WEEK BAKA MAKA DALAWANG UPDATE AGAD AKO YIEEEE AHHAHAHA
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top