[B-1] Chapter 39: Drop
Jennie's POV
I was seating right now in my desk. As usual, maingay at magulo ang lahat ngayon sa loob ng room dahil wala pa si Ma'am Sandra, our History teacher and our first subject teacher, napaka boring talaga
Since busy ang lahat sa mga kaingayan nila, nilabas ko sa bag ko ang earphones at cellphone ko. Pinatugtog ko rito ang mga edm tracks na recently ko lang napakinggan. Nilakasan ko yung volume nung kanta kaya naman pakiramdam ko ngayon, nasa loob nako ng club sa sobrang ingay
While listening to music, nakatuon ang tingin ko sa isang bakanteng upuan na ilang araw nang hindi nauupuan, ang upuan ni Irene
Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon hindi parin sya pumapasok. Right after nong insidenteng nangyari sa kanila ni Taehyung, I never saw her again and I wonder why. Well syemrpe at the same time nagagalak ako dahil hindi ko nakikita ang pagmumuka ng babaeng yon
Nagulat na lang ako ng may biglang humablot ng earphone ko sa right side ng tenga ko. Nung tinignan ko kung sino ito, nakita ko si Taehyung sa tabi ko na naka-ngising nakatingin saakin kasa nilagay ang earphone sa tenga nito
"Anong ginagawa mo?" mataray kong tanong sa kanyang sabay hablot sa earphones ko
Umupo sya sa upuang katabi ko saka tinignan ako ng masama "Bat ang sungit mo ngayon? Red days again huh?" sabi nya and I saw him chuckled, a bit
"Tss... Pwede ba, wag mo muna akong kulitin ngayon. Medyo bangag pako dahil sa puyat" humikab ako saka humiga sa arm rest ng desk ko
Wala pang 30 seconds ng bigla kong marinig na bumukas ng malakas ang pinto kaya naman napa-ayos ako kaagad ng upo ko
"Guys may sasabihin ako" sabi ni Jimin na mukhang hingal na hingal
Lahat naman kami ngayon ay nakatingin na sa kanya, confused na rin dahil di namin maintindihan kung bakit parang pagod na pagod ang itchura nya
"Nag drop si Irene this sem" sabi ni Jimin saka naglakad tuluyan papasok sa room
Wait what!? Nag drop si Irene?
Pero bakit?
Taehyung's POV
"Nag drop si Irene this sem"
And everybody got surprised sa sinabi nitong si Jimin
I glanced at Jennie na nasa left side ko na ngayon ay halos di na maintindihan ang reaksyon
Hindi na ako nagulat sa balitang yang about kay Irene
-flashback-
"Siguro naman titigil ka na pagkatapos nito?" sabi ko habang sinusuot pabalik ang damit ko
"I'll think about that"
Agad kong hinawakan ng mahigpit ang balikat ni Irene at sinabing "Pag hindi ka pa tumigil, sisiguraduhin ko sayo na pagsisisihan mo na pinilit mo ako sa mga ganitong bagay!"
She looked scared and surprised at the same time sa sinabi ko
"Mamili ka, you will drop this semester at tuluyan mo na kaming titigilan or I'll spill every bad things that you did just to blackmail me. Believe me Irene. When I say everything, I mean everything"
Nakita ko syang napalunok at halata ngayon sa expression ng pagmumuka nya na natatakot ko na sya sa mga sinasabi ko
I calmly let go of her saka kinuha ang lahat ng gamit ko saka lumabas at padabog na sinarado ang pintuan ng hotel room
-end of flashback-
And I guess I was right. Nakapag-desisyon na sya. She dropped-out this sem at sigurado akong hinding hindi ko na sya makikita kailan pa dito sa eskwelahan na to
¦
Nasa harapan ko ngayon si Jungkook. Kanina pa nya ako tinititigan at hindi ko alam kung hanggang kailan sya magiging ganito
Naka-upo kaming lahat ngayon sa long table malapit sa canteen
Pakiramdam ko may gustong sabihin tong si Jungkook saakin kaya kanina pa nya ako tinititigan
At isa pa, naririndi na ako dahil puro si Irene na lang ang pinag-uusapan nilang lahat
Wag nilang sabihin saakin na curious at concern sila sa pagkawala ng babaeng yon dahil pare-parehas lang kaming lahat na nakinabang doon sa ginawa kong pagapapa-alis sa kanya
"Taehyung"
Dahan dahan kong inangat ang ulo ko at nakita kong nakatingin na sila saakin
"Bakit?" sabi ko
"May idea na ba kung bakit nag drop si Irene?" tanong ni Jungkook
"Wala akong alam kung anong tumatakbo sa utak ng babaeng yon kaya pwede ba wag mokong tanungin tungkol dyan?" sabi ko pa at padabog na tumayo sa harap nilang lahat
"Guys, kalimutan nyo na si Irene okay? Mas mabuti na yung wala sya kesa naman sa andidito sya" at paglatapos non, tinalikuran ko na silang lahat saka umalis
Jennie's POV
"Thank you sa pag hatid" sabi ko
Nandito na kami ngayon sa tapat ng bahay namin, maaga kami na-dismiss dahil halos lahat ng mga Prof namin ngayong araw ay puro absent. Taehyung drove me off from school hanggang dito pauwi
Bago pa ako tuluyang makababa, nahawakan na ni Taehyung ang braso ko
"B-bakit?"
"Ano ganon ganon na lang yun?" sabi nya sabay taas ng isa nyang kilay
"Uh.. Bakit? May nakalimutan ba ako?"
Inirapan nya lang ako dahilan para kumunot ang noo ko
"Tss.. Ano to? Mas mataray kana saakin ngayon?" sabi ko sabay tawa
Tinuro nya ang right side ng pisngi nya, meaning, he's asking for a kiss on his cheeks. Hay nako
I leaned forward against him. Direcho syang nakatingin sa harapan nya which is ang kalsada habang naghihintay sa gagawin ko
And just by that, imbis na mahalikan ko sya sa cheeks, agad nyang hinarap ang mukha nya kaya labi nya ang na kiss ko
"Hoy Kim Taehyung!" sabi ko
Tumawa lang sya at sinabing "Sige na, bumaba ka na"
Bumaba na nga ako sa sasakyan nya at bago ko pa masara ang pinto nito...
"Jennie!"
"Hmm?"
"I'll pick you up again tomorrow, babe" sabi nya sabay kindat
I sweetly agreed and smiled to what he said. Sinarado ko na ang pinto ng sasakyan nya at umalis na rin ito pagkatapos
¦
We are having our dinner right now. Nasa tapat ko ngayon si Mommy at naka-upo naman si Daddy sa pwesto nya padre de familia seat kuno HAHA
"How's school?" sabi ni Dad while slicing his food
"Uhm okay naman po. Actually dalawang semester na lang at makaka-graduate na rin ako" sabi ko and I smiled
"Well anak that's good. Once na makatapos kana sa pag-aaral you can I immediately start working for us. Tandaan mo, your position in our company is waiting for you" sabi ni Daddy saka tumingin saakin at nginitian ako kaya naman tinanguan ko na lang sya
Nakaka-presure mang isipan pero at the same time, it excites me. Alam ko na darating din ang araw na magiging parte nako ng family business namin, and I'm barely sure na malapit nang mangyari yon
"How about your relationship with Taehyung? Kayo parin ba?"
"Dad... Of course kami parin. In fact our relationship is getting stronger and stronger everyday"
"Well dapat lang dahil, yang relasyon mo sa kanya gives a huge amount of money contribution sa kompanya natin. That's why don't break up with him, anak"
Di ko alam pero parang iba yung naging dating saakin nung sinabi ni Daddy. It just... It irritates me, a lot
Sinadya kong ibagsak ng malakas ang kutsara at tinidor ko dahilan para mapatingin si Mommy at lalong lalo na si Daddy saakin
"And what do you mean by that Dad? Kaya ka ba botong-boto sa relasyon namin is because of the money?" tanong ko habang direchong naka-tingin sa mata nya
"Jennie" I heard Mom
"Ma... Don't tell me na ikaw rin" sabi ko naman kay Mommy
"Hindi.. Of course not" sabi ni Mommy as she placed her hands on top of mine "Anak your Dad and I supports your relationship with Taehyung. Sobrang botong-boto kami sa inyong dalawa" nakangiting sabi pa ni Mommy
"Okay, I'm sorry dahil mukha yatang na misinterpret mo lang yung sinabi ko. Anak hindi yon ang ibig sabihin ko" sabi naman ni Daddy
"Tss.. Dad naman kasi e. Next time kasi ayusin mo yung tono ng pananalita mo para di kita ma-misinterpret" sabi ko pa at nakita kong tumawa si Dad kaya naman natawa na lang rin ako
Taehyung's POV
Naka-upo ako ngayon sa black-long sofa bed sa sala ng condo unit ni Jungkook
Tinawagan kasi ako nitong mokong na to kaya bigla akong napa-punta. Akala ko naman importante yun pala nag-hahanap lang ng drinking buddy. Tss....
"So paano nga? Paano mo napa-alis si Irene ng ganon kadali? Eh diba, alam naman nating lahat na hindi yon basta basta titigil na lang? Alam mo nakakapag-taka talaga e. Isipin mo a, halos ilang araw at linggo karing kinulit at binwisit non tapos dahil lang dun sa request nya, napasunod mo kaagad sya?" sabi ni Jungkook sabay inom sa bote ng soju na hawak nya
"Hoy. Ang dami mo namang tanong. Diba pwedeng isa-isa lang? At tsaka pwede ba, wag kang uminom ng marami ngayon, may pasok pa tayo bukas!" sabi ko sabay batok sa kanya at kinuha yung boteng hawak nya at nilapag ito sa center table
"Tss.. Kasi naman e.. Sabihin mo na saakin para naman di na ako natataranta kung paano nangyari yon" sabi pa nya
"Kook, halos mag dadalawang oras na akong andito, kanina ko pa kaya nasabi sayo kung paano nangyari yon!"
Bigla syang tumawa at humiga sa sofa. Lasing na si kupal
Nandidiri ko lang syang tinitigan na ngayon ay parang bata na paikot-ikot sa sofa bed
* ding * dong *
Biglang napa bangon si Jungkook sa pagkakahiya nya saka mabilis na pumunta sa pintuan at binuksan ito
Pumasok si Lisa sa loob at gulat na gulat sya ng makita ako
"Uminom ba kayo!?" tanong ni Lisa kay Jungkook
Napatingin naman si Jungkook na ngayon ay umiiling ang ulo at parang may pinapahiwatig saakin
"Ha?" mahinang sabi ko habang nakatingin kay Jungkook. Clueless parin ako sa mga ginagawa nya
"Ano ba nagtatanong ako diba, uminom ba kayo!?" sabi ni Lisa
"HINDE!" nagulat kami ni Lisa ng biglang sumigaw si Jungkook
"H-hindi ako uminom. Si Taehyung lang yon" sabi nya sabay turo saakin. Siraulo. "Tsaka bakit ako iinom? May pasok bukas no" dagdag pa nya
Napatingin naman saakin si Lisa at nandidiri nya akong tinignan. Hay nako parehas sila ng shota nya
"Oh, bat andito ka? Anong ginagawa mo dito?" sabi nya saka umupo sa katapat kong sofa at sinundan naman sya ni Jungkook
"Bakit? Hindi ka ba informed na nasa iisang condominium building lang kami nakatira ng boyfriend mo?" naka-taas kilay ko namang tanong sa kanya
"Hindi, hindi ko alam at isa pa, wala akong pake." sabi pa nya sabay irap "Sya nga pala umalis ka na, asap"
"At bat ko naman gagawin yon?"
She boredly looked at me "Kasama kong pumunta dito si Jennie kaya malamang andon na yun ngayon sa tapat ng pintuan ng sarado mong condo unit" sabi pa nya
Anong ginagawa ni Jennie dito!?
At dahil don, agad akong napatayo sa upuan tsaka mabilis na tumakbong papalabas sa unit ni Jungkook nang hindi man lang nakapag-paalam sa kanila
Agad akong sumakay sa elevator at pinindot ang floor ng unit ko
Lumabas na ako pagkatapos makarating sa paroroonan ko
At yun na nga, nakita ko si Jennie na nakatayo sa labas sa tapat ng pintuan ko. Naka-crossed arms sya habang direchong nakatingin saakin
Naka-pantulog na sya ngayon at nakita kong may malaking bag ang nasa gilid nya
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sabay beso sa kanya
"Tss... Parang di kana nasanay na lagi akong andito sa condo mo. San ka ba galing ha?" sabi nya
"Galing kasi ako kay Jungkook, andon naman na si Lisa kaya umalis na ako kaagad"
"Sus.. Ang sabihin mo, kung hindi pa sinabi ni Lisa na andito ako, malamang hindi ka pa babalik ngayon" sabi pa nya "Teka nga... Uminom ka ba!? May pasok pa bukas a, bakit ka uminom!?" dagdag pa nya sabay hampas sa balikat ko
"Aray ko naman! Hindi ako uminom, si Jungkook yon!" sabi ko habang naka hawak sa braso ko at binuksan ang pintuan
Pumasok na sya sa loob bitbit ang bag nya. Sinarado ko naman ang pinto at pumunta sa kusina para uminom ng tubig
"Taehyung"
Napalingon ako sa likuran ko at sinabing "Bakit?"
"Matutulog na ako a, goodnight" sabi nya at pumasok na sya sa loob ng kwarto ko sabay sara rito
Sinundan ko sya sa loob at pumasok na rin ako sa loob ng kwarto ko
Nakahiga na si Jennie ngayon sa kama ko at nakapikit na rin ang mga mata nya
Seryoso ba talaga to!?
Natutulog na ba talaga sya?
Pumasok na lang ako sa loob ng banyo ko para mag half bath, magpalit ng damit, at mag toothbrush
Jennie's POV
Nakahiga na ako ngayon sa kama ni Taehyung. Agad kong minulat ang mga mata ko ng marinig kong pumasok sya sa banyo
Well, kaya lang naman ako andito ngayon dahil gusto ko lang makasama si Taehyung ngayon. Sabihin na nating clingy ako pag dating sa kanya. Masisisi nyo ba ako? Masyadong perfect si Taehyung kaya dapat ko syang hindi pakawalan HAHAHA
Andito rin ako ngayon para i-surprise sya sa mga sasabihin ko sa kanya ngayong gabi
Taehyung's POV
Pagkalabas ko sa ng cr. Agad na akong umakyat sa kama at mabilis na nag-cuddle kay Jennie
"Natutulog ka na ba talaga?" tanong ko rito
Tss... Hindi nya ako sinagot. Malamang. Bakit nga pala sya sasagot kung natutulog na sya? Tsk. Tsk
Nag buntong hininga na lang ako at tinaggal ko ang kamay ko sa kanya. Inayos ko ang comforter naming dalawa dahil kinuha nya na lahat at wala ng natira saakin
"Taehyung"
Nagulat ako ng bigla ko syang narinig na nag salita
Teka akala ko ba natutulog na to?
"Bakit?"
Inikot nya pwesto nya kaya ngayon magkaharap na kami habang nakahiga
Kahit madilim ngayon dito sa loob, na aaninag ko parin ang kagandahan nya. Kumbaga isa syang magandang example ng glow in the dark
"Uy. May sasabihin ka ba?" tanong ko rito. Hinawi ko naman ang buhok nya at nilagay ito sa likuran nya
"Taehyung, mag break na tayo"
Ilang segundo ring hindi nag process sa utak ko ang narinig ko galing sa kanya
"A-anong sabi mo?"
"Sabi ko, mag break na tayo"
Seryoso ba talaga to?
Kung panaghinip lang ang lahat ng ito, sana naman magising na kaagad ako
"H-huh? P-pero bakit? Anong problema? May nagawa ba ako? Sabihin mo, Jennie. Bakit ka nakikipag-break saakin?" sunod sunod kong tanong
Punong-puno ng mga tanong ang pag-iisip ko ngayon. Kaba naman ang nararamdaman ko. Bakit ba kasi nangyayari to?
Bakit nakikipag break si Jennie saakin!?
"Jennie, sagutin mo ako. Bakit!?"
"Mag break na tayo as boyfriend and girlfriend dahil magiging husband and wife na tayo"
-To be continued-
[A/N]: HAY SALAMAT.. AFTER 89431 YEARS, NAKA-UPDATE RIN AKO SA WAKAS HAHAHAHAHAHAHAHAHA
ANO NA MGA BES? ANONG FEELING NYONG MANGYAYARI SA NEXT CHAP? 🌚🌝
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top