[B-1] Chapter 38: Blackmail
[A/N]: Be ready sa mga mangyayari sa chapter na to. Dito sa chap na to, lalabas na ang tunay na kwento nitong story na to :DDD
Taehyung's POV
* tok * tok * tok *
"Taehyung!!!"
* tok * tok * tok *
"Hoy Kim Taehyung buksan mo yung pinto!"
* tok * tok *tok *
Sino ba kasi yun!? Ang aga-aga may nambubulabog dito sa condo ko. At isa pa, bakit parang pang lalaki yung boses ng tumatawag saakin?
"KIM TAEHYUNG BUMANGON KANA DYAN ANO BA!?"
Nagmadali akong bumangon sa kama ko saka lumabas at binuksan yung pintuan ko
Laking gulat ko ng makita ko si Jeon Jungkook na nakatayo sa labas ng pintuan ko
"Hoy anong ginagawa mo dito at nanbubulabog ka ng pagka-aga-aga?" tanong ko sa kanya at napahikab ako
"Kailangan mong sumama saakin. May kailangan kang makita" atat na atat nyang sabi
Magsasalita pa sana ako kaso bigla nya akong hinila palabas ng unit ko
"Kook ano bang nangyayari sayo? Teka nga lang!!" sabi ko pero hindi nya ako pinansin at nagpatuloy lang sya sa paghihila saakin hanggang sa makapasok kami sa loob ng elevator at doon nya binitawan ang kamay ko
"Taehyung may problema tayo" sabi nya at napasabunot na lang sya sa sarili nya
"Ano bang nangyayari sayo ha? At isa pa, anong problema yung tinutukoy mo!?" naguguluhan kong tanong sa kanya
"Hyung ayokong masira yung reputasyon na iniingatan ko. Ayokong malaman ng pamilya ko, kayo na mga kaibigan ko, at lalo na si Lisa tungkol sa pagkatao ko" sabi nya
Anong sinasabi nya?? Lasing ba to!?
Hinawakan ko ang magkabilaang balikat ni Jungkook at hinarap ko ito saakin
"Anong sinasabi mo?? Anong reputasyon yung tinutukoy mo? Ikaw Kook pag nalaman kong ginu-goodtime mo lang ako, baka masapak talaga kita" sabi ko at binitawan ko ang balikat nya dahil bumukas na ang pinto ng elevator
Nauna syang lumabas at sinundan ko sya papasok sa condo unit nya
Ang weird lang, dahil ito ang pinaka-unang beses na pinuntahan nya ako sa unit ko at ito rin ang pinaka unang beses na makakapasok ako sa unit nya. Ano bang nangyayari dito??
Padabog na sinarado ni Kook ang pintuan nya at ako naman, tahimik ko syang tinignan na umupo sa sofa nya binuksan ang laptop nya saka hinarap ito saakin
"Ano yan?" tanong ko at naglakad ako papunta sa pwesto nya
Unti-unti ko ng nakikita yung nasa screen ng laptop nya at laking gulat ko ng makita ko ang mugshot picture nya
"Jungkook ano yan!? Bakit ka may mugshot!? Kailan ka pa nakulong ha!?" galit na galit kong tanong sabay lingon sa kanya
"3 years ago, nakulong ako ng halos dalawang linggo. Kung hindi pa ako humingi ng tulong, malamang nakakulong parin ako hanggang ngayon" direcho nyang sabi habang nakatitig dun sa laptop
"B-bakit mo pinapakita saakin ang lahat ng to? Isa pa, anong problema yung tinutukoy mo?"
"Problema mo to Kim Taehyung, nadadamay lang ako"
"Anong sinasabi mo?"
Dahan dahan nya akong nilingon at sinabing "Kung ano man yang hinihingi ni Irene sayo, parang-awa mo na, ibigay mo na sa kanya"
"Ano!???"
"3 years ago, nung kami pa ni Irene, napa-away ako noon sa isang club. Naging kritikal yung lalaking naka-away ko at hindi kinaya ng lalaking yon yung ginawa ko sa kanya kaya binawian sya ng buhay"
Nakapatay si Jungkook!?
"Pero aksidente ang lahat ng yon Taehyung maniwala ka saakin. Hindi ko sinasadyang mapatay yung lalaking yun. Sinampahan nila ako ng kaso at naipa-kulong nila ako. Hiyang-hiya ako noon sa sarili ko, sa pamilya ko at sainyo. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sainyo yung nagawa ko dahil natatakot ako non at baka mag bago ang trato at tingin nyo saakin"
"Kaya doon ko hiningi ang tulong ni Irene. Dahil sa kanya, nabaliwa yung kasong isinampa saakin at nakalabas ako kaagad sa kulungan. Tinanaw ko ang utang na loob na yon sa kanya kaya nung hiniling nya saakin na makipag-break, ginawa ko. Doon ko na nalaman na naging kayo na pagkatapos" sabi nya saka tumayo ito sa inu-upuan nya at hinawakan ang balikat ko
"Hyung bina-blackmail nya ako ngayon gamit yung pangyayaring yon. Tinanong ko sa kanya kung anong kailangan nya saakin pero ang sabi nya, pilitin daw kitang gawin yung sinasabi nya"
"Hyung kailangan ko ng tulong mo. Ayokong malaman nilang lahat yung nagawa ko. Kaya please, sundin mo ang hinihiling ni Irene sayo" sabi nya saakin sabay bitaw sa balikat ko at muling na-upo sa sofa at sinarado nya ang laptop nya
Paano nadamay si Jungkook dito sa amin ni Irene!? Bakit kailangan pa nyang idamay si Jungkook na wala namang ka-alam-alam sa nangyayari saamin!?
"Kook" sabi ko at umupo ako sa katapat nyang sofa "Hindi ko kayang gawin yung hinihiling nya"
Nakita ko syang napapikit dahil sa pagkadismaya. Kahit ako, natatakot na ako sa mga posibleng mangyayari pag hindi ko ginawa yung gusto ng babaeng yon
"Hyung makinig ka" sabi ni Jungkook kaya agad akong napatingin sa kanya
"Naalala mo ba yung ginawa nyang gulo sa ating lahat noong bago sya umalis?"
Oo. Natatandaan ko yun at kahit kailan, hinding-hindi ko iyon makakalimutan
"Hyung wag mong hintayin na may gawing masama si Irene kay Jennie pag nagkataon"
Jennie's POV
Wala kaming pasok ngayon kaya naka-tengga lang ako dito sa bahay. Tanghali na ngayon at kakatapos lang naming mag group call nila Lisa, Rosé, at Jisoo kaya naman umagang-umaga pa lang, ang dami ko nang nalamang mga chismis dahil sa kanila HAHAHA
* tok * tok * tok *
Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko at sinabing "Sino yan?"
"Ma'am Jennie may bisita po kayo sa baba" rinig kong sabi ni Yaya
Tumayo na ako kaagad saka binuksan ang pinto at lumabas dito "Sino daw?" tanong ko kay Yaya
"It's me~"
Bigla akong napalingon sa first floor at doon ko nakita si Mino na nakangiting kumakaway saakin
Anong ginagawa nya dito?
"O, napadalaw ka. Anong kailangan mo ha?" mataray kong tanong
"Ang sungit mo naman. Babalik na nga ako sa States mamaya tapos ito pa ang ibubungad mo saakin? Tss..."
Ano!?!?
Nagmadali akong bumaba sa may hagdanan hanggang sa makarating nako sa baba
Malungkot kong tinignan si Mino na ngayon ay nakangiti lang saakin
"Alam mo nakakainis ka! Bakit hindi mo man lang sinabi kaagad saakin!?" galit kong sabi sabay hampas sa balikat nya
"Aray ko naman! Aalis na nga ako tapos hampas pa talaga ipapabaon mo saakin!?" sabi nya habang hinihimas-himas nya ang balikat nya na hinampas ko HAHAHA
"Edi sorry! Ikaw naman kasi e, bakit agad agad naman ata yung pag-alis mo?" tanong ko
"Luh sya, e diba nasabi ko naman na sayo noon na saglit lang talaga ako dito dahil andito lang ako para mag bakasyon? Isa pa, kailangan na ako doon kaya kailangan ko ng bumalik kaagad dahil baka bumagsak pa yung kumpanya namin pag di pa ako bumalik" sabi nya saakin sabay ngiti
Seryoso ba talaga sya?
"So anong oras yung flight mo?" tanong ko
Napatingin sya sa wrist watch nya at sinabing "Uhm... I think, 3 hours from now"
"Ano!?!?" pasigaw kong tanong sa kanya dahilan para takpan nito ang dalawang tenga nya
"Ang ingay mo naman!" sigaw nyang pabalik saakin sabay tawa. Baliw HAHAHA
"Tsk.. Nakakainis ka. Wala na tuloy kaming pag-aawayan ni Taehyung pag wala kana HAHAHA!" tumatawa kong sabi at natawa lang din sya
"Meron pa naman kayong pag-aawayan e, andyan pa si Irene"
At dahil doon natigil ako sa pagtawa at nagbago bigla ang facial expression ko ng marinig ko ang pangalan ng babaeng yon Aishhh Nakakainis ka Song Mino!
"Eto naman parang di mabiro. HAHAHA!" nakangiting sabi nya saakin pero inirapan ko lang sya
"Sige na, nakapag-paalam naman na ako sayo. I-regards mo na lang ako doon sa seloso mong boyfriend a?" sabi nya sabay tawa
"Tss... Mag-iingat ka doon a? Saka pwede ba magparamdam ka naman saakin pa-minsan-minsan pag andon kana dahil baka isipin kong natigok ka na" pabiro kong sabi
"Sira! Syempre mag-iingat ako no. Sayang naman yung kagwapuhan ko pag hindi ako nag-ingat" sabi nya with mayabang na tone kaya inirapan ko lang ulit sya
"So ano? Hindi ka man lang ba mag gu-goodbye hug saakin?" sabi nya at binukas nya ang dalawa nyang kamay na para bang nanghihingi ng yakap
Kaya naman niyakap ko na lang sya ng mahigpit at ganon rin sya saakin
"Jennie"
"Hmm?"
"Kahit anong mangyayari, wag na wag kang magtitiwala kay Irene ha?"
At dahil doon, napahiwalay ako sa yakap naming dalawa saka tinignan ko sya ng nagdu-dudang tingin
Bumitaw na sya sa saakin saka ngumiti lang at pinat ang ulo ko sabay labas sa pintuan namin
Sinundan ko pa sya palabas at magsasalita pa sana ako ng makita ko syang kumaway saakin bago sumakay sa kotse nya kaya kumaway na lang rin ako sa kanya at pagkatapos non, sumakay na sya sa kotse nya
Umakyat na ako ulit sa kwarto ko at nag-lock ng pintuan saka napahiga sa kama ko
Muling nag flashback saakin yung huling sinabi ni Mino saakin kanina
"Kahit anong mangyayari, wag na wag kang magtitiwala kay Irene ha?"
Anong ibig sabihin non?
Bakit pakiramdam ko may hinding magandang mangyayari pagkatapos ko marinig ang mga salitang yon?
¦
Kinabukasan......
Tahimik yata tong hallway ng school ngayon? Parang walang katao-tao dito sa sobrang tahimik
Paakyat na sana ako ng hagdan ng may biglang humatak ng malakas sa kamay ko dahilan para mapasunod ako rito
Nung tinignan ko kung sino yung humatak, nakita ko si Taehyung na mukhang galit na galit habang hinihila ako
"Teka Taehyung nasasasaktan ako!" pagpigil ko sa pag hila nya
Matapos kong sabihin iyon, medyo lumuwag na ang hawak nya sa kamay ko at lumingon sya saakin
"Bakit mo ba ako hinihila? May problema ka ba?" tanong ko sa kanya
Tuluyan na nyang binitawan ang kamay ko saka hinawakan nya ng magkabilang dulo ang pisngi ko
Kim Taehyung anong gagawin mo?
Sigurado akong hahalikan ako ng lalaking to kaya naman sinarado ko kaagad ang mga mata ko at hinihintay ko na lang na dumampi yung labi nya saakin
Pero parang wala namang nangyayari kaya naman dinilat ko ang isa kong mata para silipin kung ano bang ginagawa nya at nakita kong nakangisi lang sya saakin na parang ewan
Dahil sa inis, tinulak ko sya at pinalo sa braso at sinabing "Ano ba kasing ginagawa mo ha!?"
"Ano bang akala mong gaggawin ko sayo? Hahalikan ka? HAHAHA" tumatawa nyang sabi. Bwisit
Inirapan ko na lang sya at binangga ng malakas ang balikat nya saka nilag pasan ito pero laking gulat ng bigla nya akong hinila at hinarap sa kanya at hinalikan
Tutugon pa sana ako sa halik na ginawa nya pero biglang may sumigaw kaya napatigil kami
"Hoy!"
Sabay naming nilingon yung epal na yon at nakita namin sila Jin, Jisoo, Jimin, at Hoseok na nakatayo malapit sa hagdanan
"Pwede ba wag kayong mag pda dito kung ayaw nyong ma-expel dahil sa kalandian nyo" sabi ni Hoseok at umakyat sa hagdan
Nagtawanan naman kaming apat at nagsi-akyatan na kami sa taas
Pag dating namin sa tapat ng classroom, laking gulat na lang naming lahat ng makita si Irene na mukhang sasampalin na ni Lisa
Agad akong pumasok sa loob at pinigilan si Lisa sa gagawin nya
"Jennie ano ba bitawan mo nga ako!" sabi ni Lisa sabay bawi sa kamay nya na pinigilan ko
"Anong nangyayari dito bakit kayo nag-aaway!?" tanong ni Jisoo at lumapit na rin sya sa pwesto namin
Napatingin ako kay Irene na ngayo'y umiiyak na. Anong ginawa ni Lisa kay Irene!?
"Irene, Lisa ano ba!?" sigaw na sabi ni Jisoo pero hindi sila nag salita at padabog na lumabas si Lisa sa room
"Anong nangyari sainyo?" tanong ni Jimin kay Irene
"Si Lisa kasi e, saakin nya sinisisi kung bakit naghiwalay sila kaagad ni Jungkook"
"Ano!?!?" sabay sabay naming tanong
"Bakit Irene, hindi nga ba?"
Lahat kami napalingon lang kay Taehyung na mukhang chill na chill lang sa mga nangyayari na parang alam narin nya ang lahat ng nangyayari
"What are you talking about!? Bakit ko hahabulin si Jungkook ha!? Hindi ko nga alam kung bakit na lang ako biglang sabunutan ni Lisa e. Tapos kung hindi pa inawat ni Jennie si Lisa, malamang nasampal na nya ako!" dipensa ni Irene saka pinunasan nya ang luha sa mata nya
"Anong nangyayari dito?"
Mas lalo kaming nagulat ng makita namin si Jungkook na pumasok sa room
"Totoo ba? Naghiwalay kayo ni Lisa!?" tanong ni Jin kay Jungkook
"Oo bakit may problema kayo?" kalmado nyang sabi at umupo sa pwesto nya
We all looked puzzled. Except kay Taehyung na naupo na lang sa upuan nya
Ano bang nangyayari sa mga tao ngayon!??
Maya-maya nag si pag pasukan na ang ibang mga estudyante dahilan para mag hiwa-hiwalay kami at maupo sa kanya kanya naming upuan
Taehyung's POV
"Bakit mo naman ginawa yun? Bakit ka nakipag-break kay Lisa nababaliw ka na ba!?" mahinang tanong ko kay Jungkook na kasama ko ngayon sa isa naming klase
Napapikit na lang sya at napahawak sa buhok nya at sinabing "Yun lang ang naisip kong paraan para hindi sya masali sa gulong to Taehyung"
Naaawa na talaga ako ngayon kay Jungkook. Na gui-guilty talaga ako ng sobra dahil nadadamay sya sa isang gulo na dapat ako lang ang nabibiktima
"Makipag-balikan ka na. Ako na ang gagawa ng solusyon para hindi magawa ni Irene yung banta nya sayo" biglang napatingin si Jungkook saakin na mukhang nag-aalala
"Sigurado ka na ba dyan?" tanong nya
"Kung eto lang yung tanging paraan para tumigil sya, pagbibigyan ko sya"
Jennie's POV
"Lisa tama na please" sabi ni Rosé habang pinapakalma si Lisa sa pag-iyak
Andito kami ngayon sa bahay nila Lisa at dito na rin naming apat binalak na matulog. Bakit? Simple lang dahil alam kong kailangan nya kami ngayon
"Hindi ko maintindihan. Parang nung isang araw lang ang sweet ni Jungkook sayo tapos ngayon break na kayo!?" sabi naman ni Jisoo
"Hindi ko nga rin alam kung bakit sya nakipag-break e. Ang malala, sa phone pa talaga at hindi sa personal" sabi ni Lisa at muling umiyak
"Shhh~ Wag ka ng umiyak. Paano kung ginu-goodtime ka lang pala ni Jungkook? Malay mo binibiro ka lang non" sabi ko naman
"Biro!? Mukha bang biro para sayo ang break-----"
Hindi na natapos ni Lisa yung sasabihin nya dahil tumawag si Jungkook sa phone nito dahilan para matulala sya rito
"Sasagutin mo ba yan o ako ang gagawa?" tanong ni Jisoo at kinuha ang phone ni Lisa pero agad itong kinuha ni Lisa kay Jisoo at tumayo sa kama nya saka lumabas bitbit ang phone nya
Taehyung's POV
"Siguro naman titigil ka na pagkatapos nito?" sabi ko habang sinusuot pabalik ang damit ko
"I'll think about that"
Agad kong hinawakan ng mahigpit ang balikat ni Irene at sinabing "Pag hindi ka pa tumigil, sisiguraduhin ko sayo na pagsisisihan mo na pinilit mo ako sa mga ganitong bagay!"
Kinuha ko ang lahat ng gamit ko saka lumabas at padabog na sinarado ang pintuan ng hotel room
Siguro naman titigil na si Irene dahil binigay ko na ang gusto nya
¦
Pagkatapos kong mag punta doon sa hotel agad kong pinuntahan ang bahay nila Jennie
Alam kong nakipag-balikan na si Jungkook kay Lisa ngayon kaya naman sigurado akong nasa bahay na nila si Jennie ngayon
Bumaba na ako sa kotse ko at mag do-doorbell na sana ako ng biglang bumukas ang gate at sumalubong saakin si Jennie na ngayo'y nakangiting nakatingin saakin
Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya naman agad ko syang hinalikan pero tumigil rin kami pagkatapos ng mag salita sya
"Taehyung, wag tayo dito, doon tayo sa kwarto ko" sabi nya sabay hila saakin papasok sa bahay nila
Gustong-gusto kong malaman ni Jennie ang mga nangyayari saakin ngayon kaso natatakot ako na baka iwan nya lang ako pag nalaman nya ang mga ginawa ko mailayo ko lang sya sa gulo
Pumasok na kami sa kwarto ni Jennie at ako na mismo ang nag lock sa pinto
Hinatak ko ang kamay nya at iniharapp ito saakin
"Kahit anong mangyayari, hinding-hindi ako gagawa ng isang bagay na ika-sisira nating dalawa Jennie" sabi ko sa kanya sabay hawak sa dalawa nyang kamay
Tumango lang sya sa mga sinabi ko saka yumakap saakin
"Alam ko yun Taehyung. Alam kong nagawa mo lang ang bagay na yun dahil yun lang ang tanging paraan para tumigil na si Irene"
Paano nya nalaman!?
Humiwalay ako sa yakap naming dalawa at tinignan ko sya. Hindi sya galit at ang kalmado lang ng mukha nya
"P-paano mo ----"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil tinapat nya ang index finger nya sa labi ko at sinabing "Hindi na mahalaga yon. Ang importante, wala ka ng dahilan para gawin ang mga gusto ng babaeng yon"
At ang mga sumunod na nangyari, hinalikan ako ni Jennie
Ramdam ko sa paghalik nya na hinding-hindi nya ako hahayaang makuha uli ni Irene kaya naman I quickly respond to her kisses
At sigurado akong alam nyo na ang susunod na mangyayari saaming dalawa ngayon.....
-To be continued-
[A/N]: HAPPY INDEPENDENCE DAY!! KAMUSTA ANG ROLLERCOASTER FEELS SA CHAPTER NATO? HAHAHA
AT DAHIL NGA INDEPENDENCE DAY NGAYON, MAKAKASIGURO KAYO NA MALAYA NA SI TAEHYUNG KAY IRENE DAHIL NABIGAY NA NI TAEHYUNG YUNG HINIHILING NYA SA KANYA AT MAKAKASIGURO KAYO NA PURO NAKAKAKILIG NA SCENES NA ANG MANGYAYARI SA MGA SUSUNOD NA CHAP ♥♥♥♥♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top