[B-1] Chapter 37: Favor
[A/N]: Wag na kayong magtataka kung bakit bumilis bigla ang takbo ng panahon sa chapter na to, maki-sabay na lang kayo, okay? HAHAHA
Jennie's POV
Three months later......
Gosh. Ilang buwan narin pala ang nakalipas pagkatapos naming gawin ni Taehyung ang bagay na yon. And luckily, hindi ako nabuntis. Phew!~
Hanggang ngayon those memories with him haunts me. Alam kong normal na na gawin namin ang bagay na yon lalo pa't mag boyfriend and girlfriend naman kami at isa pa parehas na kaming nasa tamang edad to do that dirty thing. Kaya naman pagkatapos ng inisidenteng yon, naging mas sweet, clingy, protective, at possessive na kami ni Taehyung sa isa't-isa
Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nagrereview ako para sa examinations namin kinabukasan. Konting kembot na lang at makaka-graduate nako ng college at magtatrabaho nako sa company namin which is I'm really excited about
* tok * tok * tok *
I heard someone knocked on my door kaya naman agad akong tumayo at pinagbuksan ito at nakita ko si Yaya na nakatayo sa gilid ng pintuan ko
"Ma'am mag di-dinner na daw po kayo sabi ng Mommy nyo" sabi nito
"Sige pakisabi na lang kay Mommy na susunod na lang ako" sabi ko at tumango naman si Yaya kaya sinarado ko na kaagad ang pintuan
Niligpit ko kaagad ang mga libro at notebook ko na naka-kalat sa study table ko. Nagtali muna ako ng buhok sa tapat ng salamin bago ako tuluyang lumabas sa kwarto ko
Pagkababa ko sa hagdanan... Nakita ko si Mommy sa may kusina na mukhang nagluluto pa, habang si Dad naman ay naka-upo na sa may dinning area na mukhang abala sa pag la-laptop nito
"Hi Dad, good evening~" nakangiting bati ko rito at bumeso sa cheeks nya
"What's with the sweet smile anak? May maganda bang nangyari sayo today?" nakangiting tanong nya rin saakin
"Wala naman po. Actually exams na namin bukas kaya I think magpupuyat ako nito" sabi ko kay Dad
"Wow, tama ba yung narinig ko? Magpupuyat ka? Nak naman parang himala ata na marunong ka ng mag-review ngayon" pang-aasar na sabi saakin ni Mommy
Well seriously I admit na never pakong nag focus sa studies ko dati. Biruin mo nagawa ko ngang sumang-ayon sa deal ni Taehyung saakin noon na kapag nag panggap ako na kasama sya, sasagutin nya ang acads ko. Well look what happened now, masyado yata akong na-inspired ngayon and that's because of one person, si Taehyung
"Tss... Could you just please be happy for me? Mukhang ayaw mo yatang nag-aaral ako ng maigi e" sabi ko kay Mommy sabay irap at natawa lang si Dad
Nakaramdam ako ng yakap sa likuran ko at nakita ko si Mommy na ginagawa iyon "Keep up the good work anak. I'm proud of you" nakangiting sabi nito saakin which made me teary-eyed a bit
"Thanks Ma" yun na lang din ang nasabi ko dahil natameme na lang rin ako
Umupo na ako sa upuan at ganon rin si Mommy na nasa tapat ko. Sinerve narin ng mga kasambahay namin yung mga nilito ni Mommy na I'm very sure na sobrang sarap
¦
The next day.....
Nagmamadali akong bumaba ng hagdanan saka lumabas ng bahay nang marinig ko ang isang busina na alam kong galing sa kotse ni Taehyung. Araw-araw na nya akong hinahatid-sundo tuwing papasok kaming dalawa. I must say that that night really made our relationship even stronger. Hindi narin kami nag-aaway at nagkakatampuhan sa mga walang kwentang bagay dahil may trust (not the condom) na kami sa isa't-isa which is wala kami dati
Sumakay na ako sa kotse nito saka binati sya ng "Good morning~"
Nginitian nya lang ako saka kinuha ang isang kamay ko at hinalikan ito
Pagkatapos non, he locked his palm on mine kaya magka-holding hands kami ngayon, minaneho na nya kaagad ang sasakyan nya palayo sa bahay
"I'm still impressed na araw-araw kong nakikitang suot mo yang engagement ring na bigay ko sayo" sabi nya saakin
"Well of course. This my protection to those boys who's hooking up with me. Gaya nga nung payo mo, kapag may lumapit na kahina-hinalang lalaki saakin, itaas ko lang tong right hand ko at sabihing 'I'm sorry but pagmamay-ari na ako ni Kim Taehyung' Odiba? HAHAHA!" tumatawang sabi ko rito at natawa rin sya
"You're such a good girl babe" nakangiting papuri nito saakin
"Sya na pala since examinations natin ngayon at usually wala tayong pasok bukas" dagdag pa nya
"So may balak ka bang mag gala mamaya?" tanong ko sa kanya
"Wala naman, pero may ipapakita lang kami sa inyo mamaya"
Kami?
Sa amin?
Ano kaya yun??
Hindi na lang ako nag salita pa at tumango na lang ako sa sinabi nya
¦
Right after ng dalawang exams namin, nag take muna kami ng break kaya kasama ko ngayon sa isang table sila Rosé, Lisa, at Jisoo
"Aishhh! Babagsak ata ako ngayong sem e huhu" maarteng sabi ni Lisa habang nakahiga ang ulo nito sa mesa
"Tss.. Ano bang bago?" tanong ni Jisoo sakanya sabay kain dun sa binili nyang doritos
"Ang nega mo naman masyado wala pa nga yung results, pinangungunahan mo na" sabi ko naman sabay inom sa can ng coke
"Yun na nga yung point, bat pa nya hihintayin yung results kung alam naman na nyang bagsak na sya HAHAHA!" tumatawang sabi ni Rosé
"Chaeyoung"
Natigilan kaming apat ng marinig namin kung sino yung tumawag sa totoong pangalan ni Rosé
"J-jungkook?" sabi ni Lisa at napalingon ako sa likuran ko at nakita kong magkakasama sila Jungkook, Jin, Jimin, at Taehyung wow ano to F4? AHHAHA
"Anong kailangan mo?" maangas na tanong ni Rosé sa kanya
"Tss.. Don't you think you're being rude to my girlfriend?"
Pakshet ano daw!?!?
"What!?!?!?" sabay sabay naming tanong nila Jisoo, Rosé, Jimin, Jin, at Taehyung
Siniko ni Jin si Jungkook at sinabing "Hoy kailan pa ha!? Bakit di mo sinabi saamin!?"
"Oo nga! Ikaw babae ka marunong ka ng sumekreto saamin ha!" sabi naman ni Jisoo kay Lisa sabay palo ng mahina dito
"Tss... Hyung di na mahalaga kung kailan pa naging kami. Di ba pwedeng I-congrats nyo na lang kami ni Lisa kesa sa tanong kayo ng tanong dyan?" sabi ni Jungkook at umupo na ito sa tabi ni Lisa
Umupo narin si Jimin sa tabi ni Rosé, umupo narin si Jin sa tabi ni Jisoo at umupo narin si Taehyung sa tabi ko
Teka asan na ba yung tatlong rap god ng tropa? Sila na lang kulang dito o
"Kook congrats. Pakarami na sana kayo ni Lisa" sabi ni Taehyung at nagtawanan kami
"Rosé babes o, kailan mo ba kasi ako sasagutin? Tignan mo, ako na lang single sa tropa" sabi ni Jimin kay Rosé sabay pout pero inirapan lang sya ni Rosé kaya mas lalo kaming natawa
"Hoy Park Jimin, sinong nagsabi sayong ikaw na lang yung single sa tropa?" at nakita naming nagsalita si Yoongi kasama sila Hoseok at Namjoon na naglalakad papalapit saamin
"Kaya nga, e anong tawag mo saamin? Taken?" sabi ni Hoseok
"Uy Taken, diba yun yung laro sa PSP? Yung Teken?" sabi ni Jin
Gets ko yung joke nya pero yung iba mukhang hindi. Kuwawa HAHAHA
"Jin okay ka na?" bored na tanong ni Namjoon sa kanya
"Jisoo pakibalutan nga ng tape yang bibig ng shota mo" sabi ni Jungkook at nagtawanan lang kami
"Guys sya nga pala pagkatapos ng exams natin aalis tayo a" sabi ni Namjoon
"Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ko
"Hay nako... Mamaya malalman nyo rin" sabi naman ni Taehyung saakin
* kring * kring *
Narinig naming tumunog ang school bell and that means na tapos na ang break time naming lahat at oras na para magsibalikan kami sa mga kanya kanya naming rooms para ipagpatuloy ang examinations
"Sige na guys mamaya na lang tayo magkita-kita" sabi ni Jin at tumango naman kami at nagsipagtayuan na rin
Lumihis muna ako ng landas sa kanila para mag-cr. Pagkatapos non nagmamadali akong tumakbo papasok sa isang classroom at buti na lang wala pa yung Prof namin
Maya-maya, pumasok na ito kaya nagsimula na rin kami
Taehyung's POV
Uwian na namin ngayon at hinihintay ko na lang si Jennie dito sa loob ng kotse ko
Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto sa may passenger seat na katabi ko at nakita kong sumakay lang doon si Irene na para bang pag mamay-ari nya ang kotseng to
"What the hell are you doing here?" tanong ko rito pero nginisian lang nya ako
"Taehyung you know what? Hindi kita maintindihan. Last month you and I we-----"
Hindi ko na sya pinatapos mag salita at sinabing "Irene don't you dare bring up that topic again! Lasing ako nung gabing yon kaya hindi ko alam kung anong mga kagaguhan ang ginawa ko sayo that night kaya please kalimutan mo na ang lahat ng yon!"
Inirapan nya lang ako at nilabas nya sa bulsa nya ang phone nya saka pinlay ang isang video saka pinakita ito saakin
Shit
She filmed all of the things that we did that night!?
Galit na galit kong kinuha ang phone nito sa kamay nya saka dinelete yung video naming dalawa
"Tsk. Tsk. Alam kong gagawin mo yan. Kaya naman I saved a lot of copies of that in my files" sabi nito saakin sabay ngisi
I forcefully grabbed her arms hard and said "What are you trying to do? Are you gonna use that piece of shit to blackmail me?"
"T-taehyung aray nasasaktan ako" naguunyaming sabi nito kaya binitawan ko ang braso nya
"Get out of my car right now!" galit na galit kong sabi rito "And please delete that video on your damn files!" sabi ko pa sa kanya
"Susundin ko ang gusto mong mangyari pero sa isang condition"
"What do you want!?" sabi ko habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse ko
"Do it again with me"
¦
Andito na kami ngayon sa bagong tambayan naming mag to-tropa. Malapit lang ito sa University kaya para pag isa saamin ay may balak na mag cutting, dito agad ang bagsak namin HAHAHA
Naisipan namin na gawing tambayan namin ang lugar na to para dito na kami lagi pumalagi at ng hindi na kami mag clubbing or mag bar pa
"Wow~~~ Ang ganda naman dito" manghang-manghang sabi ni Jennie na ngayo'y inaakbayan ko
"Grabe baby eto ba yung sinasabi mong bagong tambayan nating mag to-tropa?" tanong ni Jisoo kay Jin
"Oo baby, eto yun" nakangiting sabi nito sa shota nya
Tss ang baduy nung baby, ano, sanggol lang? HAHAHA
"Hoy! Hindi namin ginawang tambayan to para dito kayo magsipag harutan a, lalo na yung mag jo-jowa dyan. Umayos kayo at wag na wag nyong bababuyin tong lugar na to" sabi ni Yoongi referring saaming mga may love life sabay higa nito dun sa mahabang sofa
"Nubayan kararating pa lang natin matutulog kana?" tanong ni Hoseok kay Yoongi at natawa naman kami
"Guys sige na lubutin nyo yung lugar. Sinigurado kong malaki ito at may swimming pool pa para hindi na tayo lalayo tuwing naiisipan nating mag get together" sabi ni Namjoon sabay inom dun sa hawak nyang coke
Lumabas kami ni Jennie sa tambayan at nagpunta duon sa may play ground
Ang bata diba? May play ground kami dito sa tambayan HAHAHA
Naupo si Jennie sa may swing kaya naman umupo rin ako sa tabing swing nito
Pinagmasdan ko si Jennie na ngayo'y nakatingin lang sa madalim na langit na punong-puno ng mga nag gagandahang bituwin
Sobrang ganda talaga ni Jennie at napaka-swerte ko na sya ang naging girlfriend ko. Hindi ako nagsisising nagkakilala kami at sa halip non, nagpapasalamat pa ako. Sisiguraduhin kong hinding-hindi kami maghihiwalay at sisiguraduhin ko rin na kami parin hanggang sa dulo
¦
Pakatapos naming pumunta sa tambayan namin, hinatid ko na kaagad pauwi si Jennie at ngayon andito na ako sa loob ng condo ko
Nakahiga ako ngayon sa kama ko at muli ko nanamang naalala ang ginawa ni Irene kanina na talagang kinaiinisan ko
[A/N]: In this part, mababasa nyo yung flashback sa nangyaring aksidente sa kanila ni Irene at Taehyung
-Start of flashback-
Nandito ako ngayon sa bagong bar na pinuntahan ko na medyo malapit-lapit lang sa condo unit ko
Sinubukan kong yayain ang lahat ng tropa kong lalaki pero lahat sila busy, hindi ko naman pwedeng yayayain si Jennie dito dahil sigurado akong malalasing nanaman sya kesa saakin
Nakaupo ako sa may bar counter at nakaka-ilang shot narin ako ng tequila na favorite kong inumin
Di ko rin alam kung ano bang pumasok sa isip ko at bigla akong nag crave ng alcohol. ang weird diba?
"One glass of champagne please"
Napagtanto ko na parang familiar yung boses na yon kaya naman napatingin ako sa gilid ko at hindi ko inaakalang makikita ko si Irene dito
Naka-suot sya ng tight red dress na pagka-iksi-iksi. Aish.. I really don't like the way she dressed
Nang nagtama parehas ang mga paningin namin, agad kong binayaran ang lahat ng ininom ko saka inabot ito sa may bartender at dali daling umalis pagkatapos non
Umuwi ako kaagad sa condo unit ko at wala pang 30 minutes nang biglang nag ring ang phone ko at nakita kong tumatawag si Irene saakin kaya naman sinagot ko ito kahit labag sa kalooban ko
"H-hello Taehyung? T-taehyung tulungan mo ako please... M-may nang ba-bastos saakin dito. Please tulungan mo a-ako" nagpapanic na sabi ni Irene saakin
"Hintayin mo ako, pupuntahan kita dyan" sabi ko at in-end ang tawag
Nag madali akong lumabas ng unit ko at dali-daling nagpunta sa may parking lot, pagkatapos non, mabilis kong pinahaharurot ang sasakyan ko pabalik sa bar na pinuntahan ko kanina
Pagdating ko sa bar, agad kong nakita si Irene dito sa labas ng parking lot ng bar na kasalukuyang hinihila ngayon ng isang lalaki at pinipilit itong isakay sa kotse nya
Hindi ko napigilan ang sarili ko at sinuntok ko ng malalakas at sunud-sunod yung lalaking nambabastos kay Irene. Sinigurado kong hindi na ito makakabangon pa dahil sa dami at lakas ng mga sunggab ko dito
Pagkatapos non, hinila ko si Irene papalapit saakin na ngayo'y tulala lang at takot na takot sa mga nangyari. Hinubad ko ang jacket na suot-suot ko saka ipinatong ko ito sa balikat nya at dahan dahang ipinasakay sa kotse ko
Dahil hindi ko sya nagawang kausapin ng maayos, dito sa condo ko sya dinala. Pumasok na kami sa loob at lulutuan ko pa sana sya ng soup pero nahawakan nya ang kamay ko
"Thank you" sabi nito saakin at nginitian ko lang sya saka inalis ang kamay nya sa braso ko
Nang matapos ko sya lutuan ng soup, kinain naman nya kaagad ito pero laking gulat ko ng bigla nya akong niyayang uminom
"Ayoko mamaya may kung anong mangyari pa saatin. Mahirap na" sabi ko sa kanya pero di sya nag patinag at kinuha nya ang apat na bote ng soju sa loob ng ref ko saka inabot ang isa saakin
"Sige na Taehyung. Samahan mo na ako. Just have a drink with me. That's all I need right now, a drinking buddy" seryosong sabi nito saakin at sinimulan na nyang laklakin ang isang bote ng soju. Such a hard drinker Tss...
Dalawang oras na ang nakalipas at naubos naming dalawa ni Irene ang lahat ng soju na naka-stock sa ref ko. So for short, na lasing kaming dalawa
Nakita kong namumula na sya at pumipikit-pikit na ang mata nya at ganon rin ako
Tatayo pa sana ako ng bigla akong niyakap ni Irene sa likuran ko at sinabing "I still love you Taehyung alam mo ba yon? Hanggang ngayon hindi ko parin matanggap na hindi kana akin, Na nasa ibang babae na ang atensyon mo na dating nasa akin. Ano pa bang kailangan kong gawin mabalik lang kita sa piling ko?" at ilang saglit pa, bigla ko na lang narinig na umiiyak na sya
Dahan dahan ko syang hinarap at nakita kong basang-basa na ang mga mata nito dahil sa pagluha
"Irene, wala kang kailangang gawin para bumalik ako sa piling mo dahil hinding-hindi na mangyayari yon. And Im sorry if I'm making it hard for you. Alam kong hindi mo personality ang nakikita ng lahat sayo. Sinasabi nilang masama ang ugali mo, pero ako, naniniwala ako na kaya mo pang baguhin ang lahat ng yon, kaya Irene, please tumigil ka na. Just accept the fact na hindi na kita kayang mahalin at hindi na kita mahal. Irene open ako para sa friendship nating dalawa. Pero I'm sorry dahil hanggang duon lang ang kaya kong ibigay sayo at sana maunawaan mo yon" mahinahong sabi ko sa kanya
Hindi parin sya tumigil sa pag-iyak nya at mukhang mas lalo lang syang na-iyak sa mga sinabi ko
She finally wiped her tears and stood up in front of me
"Could you do me a favor please? I swear, right after nito, hindi ko na kayo kailanman guguluhin ni Jennie" sabi nito at nakita ko ang sinseridad sa mga mata nya
"And what is it?" tanong ko naman
Laking gulat ko ng bigla nya akong hinalikan. At this moment, alam ko na ang gusto nyang favor na hinihingi nya saakin, Is to have sex with her. If this will be the only thing for her to stop bugging my relationship with Jennie, I'll do it. I'll do tonight what she wants right now
-End of flashback-
Ginawa ko naman ang hiniling nya saakin nung gabing yon, pero sobrang tanga ko lang kaya nahulog ako sa patibong nya na alam kong gagamitin nya para masira kami ni Jennie
Hindi man lang sumagi sa isip ko na baka hindi seryoso si Irene sa sinabi nyang pag ginawa namin ang bagay na yon ay lalayuan na nya kami
And know she's using that happening as a blackmail for me to do it once more with her
Aish! Bakit ba kasi hindi pa mawala-wala si Irene sa landas ko!?
Starting from now, I won't let her fool me and ruin my relationship with Jennie
-To be continued-
[A/N]: Oh ayan, mabwisit sana ulit kayo sa role ni Irene HAHAHA.
HAPPY 20K READS GUYS!! THANK YOU SO MUCH FOR READING THIS STORY AND I HOPE HINDI PO KAYO MAGSASAWA ♥
I'LL TRY TO UPDATE TOMORROW KAYA ABANG-ABANG GUYS, LABYU ALL! THANK YOU AGAIN! :'>
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top