[B-1] Chapter 35: That "Thing"

[A/N]: Shout-out nga pala sa mga nag back to school na nung June 4 AHAHHAHA. sa 18 pa kami :'>

Jennie's POV

Pag labas ko ng cr nakita kong gising na si Taehyung at nagsusuot ng T-shirt. Talaga namang hiyang-hiya ako sa kanya lalo na nung nilingon nya ako saka nginisian

"T-t-taehyung"

"Hmm?"

"A-ano kase... Ah.. M-may n-nangyari ba talaga saatin kagabi?" utal utal kong tanong at napakagat ako sa labi ko

Natawa lang sya sa inasal ko at dali-dali syang lumabas ng kwarto nya habang ako, para nang sasabog yung utak ko dahil sa sobrang sakit at dami ng iniisip

Maya-maya lumabas na rin ako at nakita ko syang nakatingin saakin

Gosh pakiramdam ko tuloy para kaming complete strangers na aksidenteng nag one night stand kagabi. Aishhh

"Nahihilo ka ba?" tanong nya

Ibinaling ko sa ibang direksyon ang tingin ko "H-hindi na pero medyo masakit lang yung ulo ko" sabi ko at umupo ako sa sofa nya saka binuksan ang tv

"Ayan kase.. Sinabi ko naman sayo na wag kang magpakalasing diba"

Muli ko syang tinignan at ngayon mukhang nagpapainit sya ng tubig sa may kalan

"Hindi ko kasalanan kung bakit lasing na lasing ako kagabi. Sa pagkaka-alala ko may mga lalaking lumapit saamin nun tapos inabutan kami ng maraming shot glass. Malay ba naming apat na they spiked our drinks na pala" and he just lazily looked at me

"Sa sobrang kalasingan mo, alam mo bang muntik na kitang mabuntis kagabi? Buti na lang nakapagpigil ako"

Nanlaki naman bigla ang mga mata ko sa gulat at dali dali akong napatayo saka lumapit sa kanya sa may counter table

"So you mean, walang nangyari saatin kagabi?"

"Wala" sabi nya sabay talikod saakin

"E bakit ang dami kong hickeys? Paano ko to itatago to pag nasa bahay ako?? Anong gagawin ko pag napansin to nila Mom and Dad?" reklamo ko sa kanya

"Tss... Di mo ba kayang gumawa ng kwento about dyan sa hickeys mo? For all I know, you're good at lying"
he said then he scoffed

Di ko naman alam kung papuri ba ang tawag doon sa sinabi nya

"Still, hindi mo parin sinasagot yung tanong ko"

"Ano bang tinanong mo?"

"Kung walang nangyari saatin last night, bakit ang dami kong hickeys? Bakit nagising na lang ako na nakasuot lang ng undergarments ko? Bakit nakatopless kang natutulog kanina?" sunod sunod kong tanong

Pinatay na nya yung pinapainit saka lumingon sya saakin "So you really don't remember any of those crazy things that you did last night? Gusto mo bang i-kwento ko sayo lahat lahat?" tanong nya and he smirked

Mabilis kong iniling ang ulo ko at tinakpan ang tenga ko at sinabing "Hindi hindi. Wag na.. Alam ko naman yung mga pinag-gagagawa ko kagabi kaya please wag mo ng ikwento" at pumunta ako sa kwarto nya saka nag lock ng pintuan

I remember everything

Every single damn thing about what I did last night

Napaka gaga mo talaga Jennie! You shouldn't have done that

Sobrang nakakahiya Ughhhhh!

¦

"Thank you nga pala sa paghatid ha?" sabi ko kay Taehyung

Nakahinto na ang sasakyan nya dito sa tapat ng bahay. Mag t-ten o'clock pa lang ng umaga ngayon

"Tss... No need to thank me Jennie. It's my duty. Girlfriend kita kaya dapat ko lang gawin to" sabi nya

Lumapit ako sa kanya at mabilis kong kiniss ang cheeks nya na sobrang ikinagulat nya

"Drive safely" sabi ko at bumaba na ako sa kotse nya saka nagmadaling pumasok sa loob ng bahay bago pa may makakita saakin

¦

Kakatapos ko lang maligo at ngayon naka tapat lang ako sa reflection ko sa salamin

Takte ang dami kong hickeys

Binuksan ko ang drawer ng dresser ko saka pinagkukuha ko ang lahat ng concealer at make-up brushes ko

I tied my hair at sinimulan ko ng lagyan ng makakapal na concealer ang leeg ko

Few minutes later......

Kahit nakailang patong na ako ng concealer, hindi parin talaga ito natatakpan Aishh!

Pumasok ako sa closet room ko saka hinanap yung damit kong may turtle neck na design. Naisip ko kasi na yun na lang ang tanging paraan para matakpan ko ang lahat ng ito

I hurried down stairs with my bag and car keys at nakita ako ni Mommy kaya tinawag nya ako

"Ma alis lang ako saglit ha" sabi ko pa

"Tanghaling tapat na tanghaling tapat tapos gagala ka nanaman. Saan ka ba pupunta?" tanong ni Mommy sabay inom sa juice na hawak nya

"May bibilhin lang akong importante sa mall ma. Isa pa sale ngayon kaya I really have to go now. Baka mamamya maubusan pa ako nung mga bibilhin ko" sabi ko at tumango na lang si Mommy kaya lumapit ako sakanya saka kiniss ito sa cheeks at nag ba-bye

¦

Andito na ako sa loob ng department store ng mall dito sa Gangnam. Kilala ang Gangnam sa napakaraming shopping shops and boutiques kaya naman dito ko naisipang mag punta

The reason why I'm here is because bibili ako ng napakaraming damit na may turtle neck design just to cover up these hickeys that Taehyung gave me. Ughhh!

After kong mamili, hindi ko inaasahang mag kikita ang landas namin ni Irene dito

Nagulat ako ng bigla kaming nagkatinginan kaya naman tumalikod ako kaagad sa kanya at nag madaling maglakad

Dahil nga nag mamadali ako bigla akong nabangga ng isang lalaki dahilan para matisod ako sa sahig

"Aray!" sabi ko at nakita kong nagdudugo yung isa kong tuhod at may di kalakihang sugat ito

"Miss okay ka lang ba? I'm sorry hindi ko sinasadya"

Inangat ko ang ulo ko at hindi ko inaasahan na makikita ko si Mino ngayon

"Jennie??" gulat nyang tanong saakin at saka tinulungan ako sa pagtayo

"Teka lang aray masakit yung tuhod" sabi ko sa kanya habang nakalagay ang isa kong kamay sa likuran nya at nakalagay ang isa nyang kamay sa waist ko

"Bakit ka ba kasi nagmamadali? Yan tuloy nagalusan ka pa" sabi nya

"Kasi naman nakita ko yung magaling mong pinsan edi lumayo ako dahil baka masira lang yung araw ko" sabi ko habang iniinda ko yung hapdi sa tuhod ko

Umupo kaming dalawa sa isang bakanteng bench. Pinapaypayan ko ng kamay ko ang tuhod ko saka hinihipan hipan ako

"Teka dyan ka lang. Wag mo munang igalawa yang legs mo, bibili lang ako ng band-aid sa drug store. Hintayin mo ako" sabi ni Mino saka nagmadaling umalis

Aish nakakainis! Nasugatan tuloy for the first time yung legs kong makinis na ilang taon kong iningatan huhu

* bzzz * bzzz *

Nag vibrate ang phone ko sa loob ng bulsa ng shorts ko kaya agad ko itong kinuha at nakitang tumatawag si Taehyung saakin ngayon

Taehyung's POV

"Hello?" panimula nya

"Asan ka? Kagagaling ko lang ngayon sa bahay nyo, tinanong ko yung maid nyo at ang sabi kanina ka pa daw umalis" sabi ko habang nag da-drive

"Ah.. May pinuntahan lang ako. May kinailangan kasi akong bilhin e" sabi nya

"Nasaan ka nga gusto mo ba samahan kita? Na bo-bored kasi ako ngayon e isa pa gusto kong kasama kita ngayon" sabi ko

"H-hindi na.. Tapos na ako mamili saka maya-maya uuwi na rin ako. Sige na ibababa ko na a?" sabi ni Jennie pero mukhang hindi nya nababa yung call kaya pinagpatuloy ko paring makinig sa linya nya

Bigla kong narinig ang isang familiar na boses ng isang lalaki

"Jennie akin na yung legs mo"

What the fuck!?

Alam kong boses yon ng nakakabwisit na si Song Mino. Anong ginagawa nila ni Jennie!?

"Ughhhh.. Aray ko Mino masakit dahan-dahan lang please"

Putangina!?

"Shhhh!~ Wag ka ngang maingay. Dinadahan-dahan ko lang naman a. Masakit talaga ang ganito. Siguro first time mo palang to no?"

"Oo...Ughhh.. I said dahan dahan lang diba?"

"Whatever as you wish"

Tangina anong ginagawa nila!?

Perhaps... Are they.......

Aishh NO FUCKING WAY!

Ako na mismo ang nag end ng call dahil hindi ko na kinakaya ang mga naririnig ko sa linya ni Jennie.

Galit na galit kong hinagis ang phone ko sa passenger seat at mas hinigpitan ko ang kapit ko sa manibela na para bang matatanggal at masisira na ito

Di ko maalis sa isip ko ang lahat ng narinig ko kanina at parang umuulit ulit pa sa isipan ko ang pag moan ni Jennie sa sobrang sakit

THERE'S NO FUCKING WAY THAT JENNIE AND MINO IS DOING THAT "THING"

Jennie's POV

"Mino nakakabwisit ka talaga ang sakit sakit ng tuhod ko tapos binibigla mo pa. Ang sakit ang hapdi hapdi kaya! Sinabing dahan dahan lang e!" sermon ko sa kanya habang patuloy nya paring ina-aplyan ng panlinis ng sugat yung tuhod kong patuloy parin sa pag dudugo huhuhu

"Ayan ok na lalagyan ko na lang ng band aid" sabi ni Mino at tinanggalan na nya ng balot yung band aid at agad nya itong nilagay sa tuhod ko

"Thank you" sabi ko habang hinihimas ko yung tuhod ko

"Hay nako napaka clumsy mong babae ka. Sasabihan ko na lang si Irene na nakita mo sya kaya ka nadapa AHHAHAHA!" tumatawa nyang sabi

"Bwisit ka sige na umalis ka na. Uuwi na rin ako. Thank you ulit" sabi ko sa kanya at tumayo na ako. Tumayo na rin si Mino at nag ba-bye saakin at yun din ang ginawa ko

¦

The next day.......

Maaga akong pumasok ngayong araw.Pagkababa ko ng parking lot nakita kong nauna ng naglalakad si Taehyung papasok sa gate ng university kaya naman sinigaw ko ang pangalan nya

"Taehyung!~" sigaw ko pero mukhang di nya ata ako narinig

Nagmadali na akong naglakad para maabutan ko sya pero nung nakapasok nako sa loob ng university di ko na mahagilap ang presensya nya

Bat ba sya nagmamadali?

Umakyat nako sa classroom namin at nagtaka ako kung bakit nasa labas sina Rosé, Lisa, at Jisoo. Tinawag ako ni Rosé kaya naman mas nagmadali pa ako papunta sa kanila

"Oh bakit kayo andito?" tanong ko sa kanila

Laking gulat ko ng hilain ako ni Jisoo at nagpahila naman ako. Nasa likod ko rin si Lisa at Rosé

Pumasok kami sa cr at nilock ni Lisa yung pintuan. Chineck din ni Rosé yung mga cubicle kung may mga tao ba doon pero wala. Binitawan na rin ni Jisoo ang kamay ko

"Guys mag sabi nga kayo, may problema ba?" tanong ko sa kanila as I stare at them one by one

"Girls it's time. Mag kwento na kayo tungkol sa nangyari sainyo at sa mga boys nung gabing nag celebrate tayo" sabi ni Jisoo

What is she talking about?

"Mauuna na akong mag kwento" napatingin kami kay Lisa

"So ano? May nangyari sainyo ni Kook!?" gulat na gulat kong tanong

"Gaga syempre wala! Hindi ako malandi at maharot pag lasing ako noh" sabi ni Lisa

Wow sorry a edi ako na malandi't maharot pag lasing tss

"So ano nga?" tanong ni Rosé sa kanya

"Hinalikan nya ako nung gabing yon guys. Hanggang ngayon nalalasahan ko parin yung halik nya saakin. Nakakainis nga lang dahil hindi nya alam na alam kong ginawa nya saakin yon dahil ang akala nya tulog ako that time kaya nya ako hinalikan"

Speechless ako sa mga sinabi ni Lisa

"Same kami ng situation ni Lisa. Kaso ang twist, ako ang unang humalik kay Jimin. Gosh nakakahiya" namumulang sabi ni Rosé

"Well kami ni Jin. Wala namang nangyari saamin normal na kasing mag halikan kami dahil duhh merong kami kaya I'm sure di ko na kailangang mag explain sa inyo" sabi naman ni Jisoo

Pagkatapos non napatingin silang tatlo saakin and hinihintay nilang mag kwento ako

"May relasyon din kami ni Taehyung kaya I think hindi ko na rin kailangang mag explain sa inyo" sabi ko sabay crossed arms at sumandal sa may pader

Hinubad ko ang hooded jacket na suot-suot ko ngayon at ipinakita ko sa kanila ang mga hickeys ko

"Shocks ang dami" sabi ni Rosé habang hinahawakan nya ang mga yon

"Yeah I know. And guess what, after he gave all of this narealized ko na wala pala talagang nangyari saamin that night" sabi ko at muli kong sinuot yung jacket

"Gaano ka naman ka sure?" tanong ni Lisa

"Dahil naalala ko ang lahat. We didn't go to far to do that 'thing' kaya malinaw na nothing happened between us" sabi ko

"Hay nako! Sa susunod kase wag na tayong mag clubbing! Lagi na lang may hindi magandang nangyayari saatin e" sabi ni Rosé

"I agree" sabi namin ni Lisa referring to Jisoo dahil sya at ang magaling nyang syota ang nagbalak na mag celebrate sa club na yon

¦

Pagpasok naming apat sa room, agad kong napansin sila Jungkook at Jimin na todo ang tingin kanila Lisa at Rosé. Umupo naman na si Jisoo sa tabi ni Jin at nagharutan nanaman sila

eww pda tss

Napansin ko namang hindi ako pinapansin ni Taehyung nung umupo na ako sa upuang katabi nya which is ang upuan ko

I tried to get his attention but I failed kaya naman hinayaan ko na lang sya dahil baka wala lang sya sa mood or marami lang syang iniisip


Taehyung's POV

Uwian na namin ngayon at naglalakad na ako papunta sa parking lot

Nanlaki bigla ang mata ko ng makita kong nakasandal si Jennie sa kotse ko na katabi lang din pala ng kotse nya

Direcho syang nakatingin saakin ngayon kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad

"Babe"

Napatingin na ako sa kanya this time. Hinawakan nya ang dalawang kamay ko saka nag pout

Bakit kailangan pa nyang mag pa-cute sa harap ko? Tss...

"Babe what's wrong? May problema ka ba? Masama ba pakiramdam mo? Tell me" sabi nya

"There's nothing wrong Jennie. Baka pagod lang ako. Sige na uuwi na ako see you tomorrow" sabi ko sabay tanggal ng mga kamay ko sa kanya at sumakay na ako sa loob ng kotse ko

Pinaandar ko na lang kaagad ang kotse ko saka mabilis na minaneho ito

Tss... I still can't believe that Jennie and Mino did that 'thing'

-To be continued-

[A/N]: medyo la kwenta tong chap. Tungkol lang to kay taehyung na green minded kaya nagtatampo kay jennie ahhahaha. Bukas uli update ko guys stay tuned lang :'>

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top