[B-1] Chapter 33: Guilt
Taehyung's POV
"Jennie sana patawarin mo ako please. I'm really sorry"
Paulit-ulit ko ng sinabi ang sentence na yan habang nakatingin ako sa harap ng salamin. Pina-practice ko lang ang sasabihin ko kay Jennie in case na malaman na nya yung ginawa ni Irene saakin
Naisipan ko na ring hindi pumasok ngayon araw dahil ayokong makita ang pagmumuka ni Irene. Hindi ako makatulog ng maayos kagabi dahil sa ginawa nya. Ayoko mang aminin sa sarili ko na the kiss that she gave me made me feel things that I shouldn't feel
Alam kong mali pa na i-deny ko yung katotohanan na hindi ko pinagsisihang hinalikan ko pabalik si Irene. Sobrang gulo na talaga ng pag-iisip ko ngayon
I keep on asking to myself what's wrong with me?, bakit hindi ako nagsisisi?, bakit parang wala lang saakin at hinahanap-hanap ko pa ngayon si Irene right after she kissed me?
* bzz * bzz *
Agad kong kinuha ang phone ko na nakapatong ngayon sa desk ko saka sinagot ang tawag galing kay Jin-hyung
"Hyung?" panimula ko
"Hoy asan ka? Bakit di ka pumasok?"
"Masama kasi pakiramdam ko e"
"Yun lang? Yung lang ba talaga yung dahilan mo or nag sasakit-sakitan ka lang?"
"Grabe ka hyung dinaig mo na si Mama sa ka-oa-han mo"
"Tss oo na.... Sasabihin ko na lang kay Jennie kung bakit ka wala. Sige na bye"
"Hyung teka lang!"
"Bakit?"
"Pwedeng pakisabi kay Jennie na puntahan nya ako dito sa condo right after ng school hours?"
"Sige sasabihin ko bye"
"Thanks" sabi ko at tinapos ko na ang tawag
Jennie's POV
The whole damn time nakatingin lang ako kay Irene na nakatalikod saakin buong oras. I really really wanted to know from her kung ano ba yung tinutukoy ni Mino na ginawa nya kay Taehyung
Hindi nya naman siguro ginayuma si Taehyung para lang balikan sya nito diba? Tss.. Stop talking bullshits Jennie
The bell suddenly rang and that's the sign na break time na namin. Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at naglakad papunta sa comfort room
Pagkatapos kong umihi lumabas na ako sa cubicle at tumapat sa may salamin
Biglang bumukas ang pinto at nakita kong pumasok si Irene
Gosh.. Bakit ba palaging sa comfort room na to ang meeting place namin nitong bruhang to!?
She looked at me with a smirk on her face
I lazily looked at her and said "May kailangan ka ba?"
Naglakad sya papalapit saakin at tumapat rin sya sa may salamin "Mm...Wala naman.. Pero ikaw, I'm sure may gusto kang malaman galing saakin right? C'mon spill it up" sabi nya sabay crossed arms
Napa-irap muna ako sa kanya bago mag salita "Okay sige.." sabi ko at nag-crossed arms din ako "Anong ginawa mo kay Taehyung kahapon?" mataray kong tanong sabay taas isang kilay
She scoffed and looked at me "Curious ka talaga no? Wag na. Baka mamaya mag break pa kayo ni Taehyung pag sinabi ko" sabi nya sabay smirk
"Tss.. Could you just please answer my question and stop talking nonsense?" sabi ko pa
"Fine. Gusto mo talagang malaman? Well, I kissed your boyfriend yesterday. And could you believe that he kissed me back?" sabi nya sabay ngiti, yung ngiting nambibwisit
"That's it?"
"Pretending not to be hurt huh?" she said and scoffed at inirapan ko lang sya saka binangga at naglakad palabas ng cr
¦
"Jennie!"
Gulat akong napatingin sa likuran ko at nakita ko si Jin at Jisoo na naglalakad papunta saakin
"Bakit?" tanong ko sa kanila
"Di ka ba nagtataka if bakit di pumasok si Taehyung ngayon?" tanong ni Jisoo
"Hindi naman, bakit nga ba?"
"Tinawagan ko sya kanina at ang sabi nya masama daw ang pakiramdam nya kaya di sya pumasok" sabi ni Jin
"Ahh... Okay" yun lang ang nasabi ko
"Sya nga pala sabi nya saakin, sabihin ko daw sayo na puntahan mo daw sya kaagad sa condo nya after uwian" sabi ni Jin
"Okay" sabi ko sabay talikod sa kanila. Tss.. Hindi ako pupunta sa condo ng lalaking yon. Bahala sya sa buhay nya
Naglakad na ako papunta sa classroom ng next subject namin at naupo na. Pumasok na rin agad ang Prof namin kaya nagsimula na ang klase namin
¦
Uwian na namin at nagmamadali akong sumakay sa kotse ko saka pinaandar ito
Nag vibrate naman bigla ang phone ko at nung tinignan ko ito, nakita kong nag message si Taehyung saakin
Taehyung:
Alam kong uwian nyo na kaya naman pumunta ka na kaagad dito
Sent 6:42 pm
Tss.. Bahala ka dyan!
Taehyung:
Hihintayin kita a. Sabi ni Jin nag-oo ka daw nung tinanong ka nya kanina
Sent 6:42 pm
Alam kong nag-oo ako pero I didn't mean it
Taehyung:
Miss na kita :'(
Sent 6:43 pm
Miss mo yang mukha mo!
Taehyung:
Uy~~ Are you snubbing me?
Mag reply ka naman o :(
Sent 6:45 pm
Jennie:
Sorry I can't go.
May lakad kami ni Mommy
Sent 6:46 pm
Agad kong pinatay ang phone ko para in case na tumawag sya saakin, hindi ko na iyon masasagot. Hinagis ko naman ang phone ko sa passenger seat na katabi ko at sinumulan ko ng mag maneho paalis sa university na to
¦
Andito na ako sa bahay. Kakatapos ko lang ring mag dinner kaya naman umakyat na rin ako kaagad at nagkulong sa kwarto ko
Minabuti ko nang linisin ang sarili ko. Naligo at Nag-toothbrush narin ako para naman fresh ang aura ko pag natulog ako ngayong gabi
After kong magbihis, umupo ako sa kama ko habang bino-blower ang basang buhok ko
Nang matapos ako, binalik ko ang blower sa lalagyan nito at tuluyan ko ng pinatay ang ilaw at humiga na rin ako sa malambot kong kama. 9 o'clock pa lang pero pakiramdam ko bibigay na ang mga mata ko sa antok
Pero nung biglang sumagi sa isipan ko yung sinabi ni Irene kanina, nawala bigla ang antok ko at napalitan iyon ng inis at selos
Tss.. I hate this damn feeling
Actually okay lang naman sana kung hinalikan lang ni Irene si Taehyung e, maiintindihan ko pa dahil ang magiging rason ni Taehyung is nabigla lang sya. Ang hindi okay saakin is yung hinalikan nya pabalik si Irene which made me really pissed off
Since wala kaming pasok bukas dahil weekends, I think this is the right time for me na mag puyat. Kinuha ko na lang ang laptop ko at nagsimula na akong maghanap ng mga bagong kdrama na pwedeng panuorin para malibang naman kahit papaano yung sarili ko
¦
The next day....
* tok * tok * tok *
Ang aga-aga namang istorbo nito
* tok * tok * tok *
Aish!
* tok * tok * tok *
Padabog akong bumangon sa kinahihigaan ko at naglakad papalapit sa pintuan ko saka binuksan ito at bumungad saakin si Yaya
"Yaya ano ba natutulog pa ako, can't you see?" sabi ko sabay hikab
"Ma'am kasi pinapagising po kayo ng Mommy nyo saakin, ang sabi nya gisingin ko daw po kayo at sabihang bumaba na para mag agahan kasi may bisita po kayo ngayon" sabi ni Yaya
"Bisita? Hindi ba masyado yatang maaga para magkabisita kami sa bahay ng ganitong oras?" sabi ko pero nagkibit balikat lang sya
"Sabihin mo kay Mommy na natutulog pa ako okay? Isa pa, wala pa akong gana kumain ngayon. Sige na Yaya matutulog na ulit ako" dagdag na sabi ko pa and I immediately slammed the door right away
Mabilis akong bumalik sa kama ko at muling natulog
¦
* tok * tok * tok *
Aish!!! Di ba marunong imintindi tong si Yaya? Wala pang 30 minutes since nung sinabihan ko sya kanina a
Muli ulit akong nakarinig ng tatlong sunod-sunod na katok mula sa pintuan ko kaya naman padabog na bumangon ulit ako sa kama ko
"Yaya naman sinabi ko na patulugin mo ako diba? Bakit ba----" natigilan ako sa pagbubunganga ng buksan ko ang pintuan at nakita kung sino ang nasa harapan ko ngayon
Si Taehyung
"Anong ginagawa mo dito?" mataray kong tanong sa kanya
Nginitian nya lang ako saka biglang niyakap
Hindi ko sya niyakap pabalik sa halip, sinarado ko na lang ang pinto at kumalas sa yakap nya
"Tinatanong kita diba? Anong ginagawa mo dito?"
"Ang sungit mo naman.. Niyaya kami ni Tita na dito daw kami mag breakfast ni Mommy sa bahay nyo dahil medyo matagal-tagal na rin daw since nung huling beses na nagkikita sila" sabi nya sabay crossed arms at pout
"Tss.. Parang last week lang nung huli silang nagkita a?" sabi ko sabay tawa at sumang-ayon sya saakin
Shit did I just laughed?
Pinulupot nya ang mga kamay nya sa waist ko at mas nilapit pa nya ako sa kanya
Aamin ko, parang pumaparty yung pakiramdam ko sa kilig pero I have to act cold towards him kaya instead na kiligin ako, pinag-patuloy ko ang taray-tarayan acting sa kanya
"Get out of my room" sabi ko at inalis ko ang mga kamay nya sa waist ko pero tinignan nya lang ako with a confused look
"Seryoso ka?" sabi pa nya
"Mukha ba akong nagbibiro ha? I said get out of my room" sabi ko sabay irap at akmang tatalikuran ko na sana sya ng pagilan nya ang mga braso ko
"May problema ka ba? Bat ang bad mood mo ata ngayong umaga?" tanong nya
"Masarap ba?" tanong ko sabay taas kilay
"Ha? Ang alin? Yung luto ni Tita? Ewan. Di pa ako kumakain e. Hinihintay kasi kitang bumaba" sabi nya. Pinigilan ko ang sarili ko na matawa at mangiti. I keep a serious look on him at mas tinarayan ko pa lalo ang mga kinikilos ko
"Masarap bang makipag-halikan pabalik kay Irene?"
Natulala lang sya sa tanong ko. Or should I say na kinakabahan sya sa tanong ko?
"Tss.. Silence means Yes" sabi ko at inirapan ko sya saka tinalikuran
Bigla akong nagulat ng bigla syang nag back-hug saakin
"I'm sorry" sabi nya at hinigpitan nya ang yakap saakin
"Siguro ginagantihan mo ako dahil hinalikan rin ako ni Mino noon kaya mo nagawang i-kissed back si Irene no?"
"Could you please hear me out for my explanations? Di naman ako papayag na hindi mo marinig yung side ko kung bakit ko nagawa yun" dagdag pa nya
Humarap ako sa kanya at sinabing "So totoo nga? Ginawa mo talaga yon?"
"Nagawa ko yun dahil akala ko ikaw si Irene"
Kumunot bigla ang noo ko "Paanong naging ako si Irene?" tanong ko
"Makinig ka okay? Naglalakad ako nun para kumuha ng libro sa locker pagkatapos, may biglang nagtakip sa bibig ko at hinila ako papasok sa madilim na classroom at sinarado nya yung pintuan. Mabango at malambot yung kamay nya kaya akala ko ikaw yun. The next thing that happened, ayun na, she kissed me and I immediately kissed her back dahil I thought it's you. Nung tinanong ko kung bakit ang aggressive mo masyado, dun na sya nag salita and I realized that the voice is Irene's and not yours. Binuksan ko yung ilaw at tama nga ako, si Irene nga yung nasa harap ko non. That's it. Nagalit ako sa kanya. Isang rason din yun kaya hindi ako pumasok kahapon dahil ayokong makita yung pagmumuka nya"
Wow.. I was really wrong then
"So kaya mo ba sya hinalikan pabalik dahil akala mo ako yung gumawa sayo nun?" tanong ko at nakayuko naman syang tumango sa sinabi ko
"Ibig sabihin ba nyan.. Ako yung nasa isip mo nung nangyari yon?" tanong ko ulit at this time napatingin na sya sa mga mata ko saka ngumiti
"Syempre.. Ikaw lang naman yung palaging nasa isip ko e" sabi nya sabay smirk
Inirapan ko na lang sya at natawa naman sya sa naging reaction ko
"Kaya ba ganyan yung trato mo saakin simula kahapon dahil dyan?" nakangiti nyang tanong sabay crossed arms
"Malamang! Sino ba kasing hindi magseselos, maiinis, mabibwisit at magagalit pag nangyari yung ganon!?" sabi ko pa
Ngumisi lang sya at sinabing "Ano nga ulit yung tanong mo kanina? Kung masarap bang makipag halikan kay Irene? Tss.. Of course not. Alam mo kung bakit?"
"Bakit?" mataray kong sagot at nag-crossed arms ako
Nilapit nya pa lalo ang mukha nya sa mukha ko at sinabing "Because your kiss is the most tasteful one"
Dugdug......
Dugdug......
At dahil nga sobrang lapit lang ngayon ng mga mukha namin sa isa't-isa, the next thing that happened...
He soon pressed his lips on mine and started to move his lips slowly. Pinikit nya ang mga mata nya at yun rin ang ginawa ko. His hand travelled down slowly to my waist at nararamdaman ko ang pagngisi nya. I slowly responded with his kiss by moving my lips in sync with his
Binuhat nya ako papunta sa kama ko at dahan dahan nya akong hiniga rito without even breaking the kiss
He next kissed me on my neck. Habang patuloy sya sa paghalik saakin bigla kong narealize na hindi ko pala na-lock yung pintuan
Shit paano pag may makakita saamin ngayon!?!?
Mabilis akong napa-upo sa kama at napatigil sa pag halik si Taehyung saakin
"T-tama na yun.. B-bumaba na tayo. I'm sure nagtataka na sila ngayon kung bakit hindi parin tayo bumababa. Tara na mag breakfast na tayo" sabi ko pa at nararamdaman ko na ang pamumula ng cheeks ko. Tumayo na ako at bago pa ako maglakad, pinigil ako ni Taehyung at napa lingon ako sa kanya
"Hindi na ako kakain" sabi nya
"Huh? Bakit?"
"The only breakfast that I need is you" sabi nya sabay smirk
Kahit parang sasabog na ngayon ang puso ko sa sobrang kilig, padabog kong binagsak ang kamay nya "Tara na nga" sabi ko
Ngumiti lang sya saka tumayo na rin. Tumalikod na ako sa kanya at naglakad na kaming dalawa palabas ng kwarto ko
¦
Kanina pa naka-alis sila Taehyung at ang Mama nya. Naka-upo lang ako ngayon dito sa study table ko habang inaalala ko yung kalandian naming dalawa ni Taehyung kanina
Na-realize ko na habang patagal ng patagal ang relasyon namin mas napapadalas na mangyari saamin yung mga ganung bagay. Pakiramdam ko tuloy baka maaga akong maging nanay dahil sa mga pinag-gagagawa nya saakin
Aish Jennie ano ba? Bakit ganyan ka mag-isip? Tsk..
Erase! Erase! Erase!
* bzzz * bzzz *
Agad kong kinuha ang phone ko at nakita kong nag message saakin si Taehyung
Taehyung:
Libre ka ba tonight?
Sent 11:14 am
Jennie:
Oo naman. Bakit?
Sent 11:14 am
Taehyung:
Dinner date naman tayo. Simula kasi nung naging official tayo, never pa tayong nag-date e
Sent 11:15 am
Jennie:
Sure. Sige date tayo tonight.
Gusto mo ba dyan na rin ako matulog sa condo mo? Since wala naman tayong pasok bukas I'm sure papayag si Mommy
Sent 11:17 am
Taehyung:
Sige dito kana matulog mamaya. I'll pick you up tonight maybe around 7 o'clock. Okay ba yun sayo?
Sent 11:18 am
Jennie:
Okay sige.
See you tonight then?
Sent 11:18 am
Taehyung:
See you!~
Sent 11:19 am
¦
Malapit ng mag 7 o'clock ng gabi ngayon at hinihintay ko na lang na dumating si Taehyung para sunduin ako dito
I'm wearing a red sleeveless dress with me at naka light make-up rin ako ngayon. Nakasuot rin ako ng black high heels at tinadtaran ko rin ang sarili ko ng maraming spray ng perfume para naman maging sobrang mabango ako mamaya pag nagkita kami ni Taehyung
If y'all wondering kung bakit ayos na ayos ako ngayon, well, first of all, official date namin to kaya naman kailangan maganda at sexy ako sa paningin nya kahit alam ko na ganun na ang tingin nya saakin noon palang *flips hair*
* beep * beep *
Sumilip ako sa bintana at nakita kong naghihintay na sa baba si Taehyung
I immediately grab my belongings and hurried down stairs. Bitbit ko ang sling bag at isang backpack ko, nakalagay rito ang mga damit at personal hygiene products ko dahil kay Taehyung ako matutulog tonight
Pumasok na ako sa saksakyan nya at nilagay ko ang backpack ko sa likuran. Napatingin naman ako kay Taehyung na tulala lang nakatingin saakin
"May something ba sa mukha ko at ganyan na lang kung makatingin ka?" tanong ko
"Yup" tumatangong sabi nya
"Ano?"
"Yung kagandahan mo" sabi nya sabay ngisi
Marahan kong hinampas ang braso nya "Mag drive ka na nga lang" kinikilig kong saway sa kanya at napangiti lang sya ng husto saka sinumulan na nya ang pagmamaneho
¦
Pumasok na kami sa loob ng restaurant. First time kong makapasok dito at para akong bata na kung saan-saan ginagala ang paningin ko
"Table for 2 po ba?" tanong saamin nung waitress
"Yes please" sagot ni Taehyung
"This way po Ma'am, Sir" sabi nung waitress at sinundan namin sya ni Taehyung
Umupo na kami ni Taehyung sa pangdalawahan na kainan. Naglatag narin ng dalawang menu yung waitress. Tapos nang magpa-take ng order si Taehyung kaya umalis na yung waitress at kaming dalawa na lang ngayon
"Kailan mo pa nalaman na may ganitong lugar dito sa Seoul?" tanong ko as a place my head on my palm
"Actually matagal ko ng alam na may ganitong kainan dito. Alam mo dati, gusto ko nga dito tayo pumunta nung ipapakilala kita kay Mama as girlfriend ko imbis na doon sa lagi nating kinakainan. Para kailan lang kailangan pa nating umarte sa harap nila tapos ngayon no need na dahil totoong tayo na" sabi nya ng nakangiti
"Tas parang kailan lang din sinasabi natin na hinding-hindi tayo magkakagusto sa isa't-isa, tignan mo ngayon, parehas lang natin linunok yung mga pinagsasasabi natin" sabi ko sabay tawa at natawa rin sya
Maya-maya dumating na ang mga inorder namin kaya naman nagsimula narin kaming kumain
¦
Time skip....
Andito na kami ngayon sa kwarto ng condo ni Taehyung. Pasado 10 o'clock na rin ngayong gabi kaya dinadalaw na kami ng antok
Naka-cuddle kami ngayong dalawa sa isa't-isa at hinihimas-himas nya ang buhok ko habang ako naman, nakahiga ako sa may dibdiban nya
"Kanina pa ganito yung pwesto natin, di pa ba tayo matutulog?" tanong nya
"Patayin mo na kasi yung ilaw para parehas na tayong makatulog" sabi ko kaya naman napa-upo ako sa kama at bumangon sya patayin ang ilaw
After nyang patayin ang ilaw, bumalik ulit kami in the same position, hinihigaan ko ang braso nya at naka-cuddle ako sa kanya habang sya naman, hinihimas himas nya uli ang buhok ko at naka-cuddle rin saakin
"Goodnight" sabi ko at pinikit ko na ang mga mata ko
"Tss.. Goodnight lang? Wala man lang bang I love you dyan?"
Dinilat ko ang mga mata ko at dali-dali ko syang tinignan na ngayon ay nakangising nakatingin rin saakin
Napa-irap muna ako bago mag salita "Ok fine.. Goodnight Kim Taehyung, I love you~" sabi ko at pinikit ko na uli ang mga mata ko dahil sa antok
Agad ko namang naramdaman na kiniss nya ang forehead ko at sinabing "I love you more Jennie Kim" at dahil doon, natulog akong nakangiti at kinikilig at iniisip na sana palagi kaming maging ganito
-To be continued-
[A/N]: Nakakalanggam naman tong chapter na to AHAHA ♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top