[B-1] Chapter 32: Kisses
Taehyung's POV
Ibinaling ko ang pwesto ko sa kabilang side. Hinimas-himas ko ang kama pero na-realized ko na wala dito si Jennie sa tabi ko
Nagising na ako at pagkamulat ko, ang sinag ng araw agad ang tumapat sa mga mata ko. Hawing-hawi yung kurtina dito sa kwarto kaya nakapasok yung sinag ng araw
"Good Morning!~ Buti naman nagising kana"
Napa-upo ako sa kama at pagbangon ko nakita kong naka-upo sa mini sofa ko si Jennie na ngayon ay nakatingin saakin
"Wow naman.. Wala man lang bang Good Morning rin dyan?" sabi nya as she crossed her arms
"Tss.... Ang layo mo, lumapit ka nga dito saakin" nakangiting demand ko sa kanya
Tumayo naman sya agad at lumapit saakin. Sinenyasan ko sya na dito sya ma-upo sa hita ko para naka-kandong sya saakin at ginawa naman nya
I immediately wrapped my hands on her waist as he carresed my hair
"Bat ang aga mo naman nagising?" tanong ko
"Pinagluto kasi kita e" nakangiti nyang sabi saakin
"Ano bang niluto mo at kailangan maaga ang gising mo?"
"Basta~ Kumain na tayo nagugutom na ako. Isa pa, Mr Kim Taehyung, for your information first time kong magluto sa buong buhay ko kaya dapat matawa ka" sabi nya
"Wow... I'm sure na yung nilito mo is kasing sarap ng luto ng Mama mo. At least ngayon alam ko na na may silbi ka pala pag naging asawa kita" sabi ko sakanya sabay ngiti
Napalingon sya saakin with a dead look at tinaasan nya ako ng kilay "Ang exaggerated mo masyado e hotdog lang naman yung nilito ko" sabi nya sabay tayo at hila sa kamay ko "Tara na kasi kain na tayo~~"
"Ayoko nga"
"Luh.. Pinagluto ka na nga tapos ayaw mo pa? Ayaw mo ba ng hotdog? Ano ba kasing gusto mong kainin?"
"Ikaw"
Padabog nyang binitawan ang kamay ko "B-bwisit ka! Ang aga-aga ang landi mo. D-dyan ka na nga!" sabi nya sabay walkout
Wala naman na akong nagawa kundi ang matawa sa naging reaction nya AHAAHAHA
¦
Nagdi-drive ako ngayon habang tulog si Jennie na naka-upo dito sa passenger's seat na katabi ko
Hanggang ngayon hindi parin maalis-alis sa isip ko yung nabasa kong convo nila ni Mino kagabi. Sobrang dami kong gustong itanong kay Jennie tungkol sa bagay na yon. Lalo yung tungkol sa sinabi nyang gagawin na nya. What the hell is she talking about?
Sa susunod na mag magkita pa kami ng Song Mino na yon, baka may magawa na akong masama sa kanya
Jennie's POV
I keep on thinking about what Mino said to me yesterday when he called. Hindi ko alam na maraming bagay pala ang mawawala sa pamilya namin kapag hindi na namin naging business partner ang pamilya nila. Kailangan kong pumunta sa bahay nila mamaya. Isa pa, gusto ko ring makita ang mga parents ni Mino na naging super close din saakin before
"Miss Jennie Kim!"
Napa-blink ako bigla at napatingin sa Prof namin na ngayon ay nakatingin saakin. Nakatingin rin saakin silang lahat ngayon
"Are you with us?" tanong ni Prof sabay sandal sa pader
"Y-yes po. Yes po Prof" sabi ko at inayos ko ang upo ko
"Sige nga, tumayo ka. I'll ask you questions"
*gulp*
Dahan-dahan akong tumayo na may halong kaba. Halos mag i-isang oras na syang nandyan sa harapan pero ni-isa sa mga sinabi nya wala talaga akong naintindihan
Napatingin muna ako sa kanila na nakatingin rin saakin shocks nakakahiya promise
"Anong naintindihan mo sa lahat ng tinuro ko ngayong araw?"
patay
"I've learned that.... Uhm.... ----"
"See? Wala kang masagot. Kung saan saan kasi nag gagala yang isip mo!" sigaw nya
"S-sorry po" sabi ko at nag bow ako sa kanya
"Get out. Get out of my class now!" sigaw pa nya ulit kaya naman hindi na ako umangal pa at naglakad na ako palabas ng pinto
Gosh Jennie Kim, nakakahiya ka
Since nasa labas naman na ako ng classroom ngayon, naisipan ko na lang na pumunta sa library. At least doon malaya akong tumulala ng walang nakakapansin saakin
¦
Naka-upo na ako ngayon sa upuan sa may library. Kumuha rin ako ng libro para kunyare may binabasa ako. Sa pagkakaalam ko, mamaya pa matatapos yung subject nung terror naming Prof. Ang OA ba naman kasi.. Hindi lang ako nakasagot tapos pinalabas na ako agad? Tss....
At dahil malamig at tahimik dito sa loob ng library, I think this is the right place for me to take a nap. Mamaya pa naman yung next subject ko kaya iiglip muna ako
time skip....
* blagg *
Nagising ako ng may biglang kumalampag sa mesa. Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko at nakita kong naka-upo si Taehyung sa tapat ko habang naka crossed arms at direchong nakatingin saakin
"O, anong ginagawa mo dito?" tanong ko sabay hikab
"Anong oras kaba nagising kanina at antok na antok ka parin hanggang ngayon?" tanong nya
"Tss... Hindi ako inaantok ok? Imi-iglip lang ako saglit tapos eto ka, iniistorbo ako" mataray kong sabi
"Wow a. Mag pasalamat ka na lang at sinamahan kita dito" sabi nya saakin sabay irap
"Hoy grabe ka! Iniirap-irapan mo na ako ngayon!?" nakataas kilay kong sabi "Teka nga, e bakit ka ba andito?" tanong ko
"Pagkatapos mo kasing pinalabas kanina nag tanong sya saamin. Tapos nung ako yung tinanong sinadya kong maliin yung sagot kaya andito na ako. Kanina pa kaya ako hanap ng hanap sayo. Dito lang pala kita makikita" sabi nya sabay pout
"Taehyung wag ka ngang mag pa-cute dyan. Basta gisingin mo na lang ako pag next subject na natin" sabi ko at muli akong umiglip sa mesa
"Psstt"
"Uyy"
"Jennie"
"Jennie babes"
Ayoko munang pansinin si Taehyung dahil antok na antok talaga ako ngayon
"Sige ka pag di mo ako pinansin, hahalikan kita"
Aishh Nakakainis naman o!
Agad kong inangat ang ulo ko at sinabing "Bakit ba kasi!?"
"Tara na.. Matutulog ka pa dyan e next subject na natin" sabi nya sabay tawa
"Weh seryoso!?" nanlaki bigla ang mga mata ko at dahil doon mabilis na akong tumayo at hinigit ang kamay ni Taehyung saka lumabas na kami sa library
Taehyung's POV
"Hyung di ka pa ba tapos dyan?" naiinip na tanong ko kay Jin na ngayon ay nasa loob ng banyo, jebs attack daw kasi
Narinig kong nag-flush na sya sa bowl at lumabas na
"Ano success ba?" natatawang tanong ni Yoongi sakanya pero inirapan lang sya ni Jin
"Tara na baka ma-late tayo!" pagyaya pa ni Hoseok
"Oo nga, pa-special ka kasi Hyung e, je-jebs ka lang pala" sabi ni Jungkook
"Kaya nga, full support ang tropa sa pag jebs ni Seokjin hyung" natatawang sabi ni Jimin
"Ang dami nyong kuda tara na nga!" sabi ni Namjoon at nauna na syang maglakad
Muntik ko ng makalimutan dahil hindi nga pala ako nakakuha ng mga libro ko para sa next subject na papasukan ko
"Mauna na pala kayo may pupuntahan lang ako saglit" sabi ko at tumango sila. Mabilis akong naglakad papalayo sa kanila
Pagkadaan ko sa isang corridor na sobrang tahimik, biglang may nagtakip ng bibig ko sa may likuran at mabilis akong hinila papasok sa isang bakanteng classroom na sobrang dilim saka ni-lock ang pinto
Hinawakan ko yung kamay na nakalagay sa bibig ko saka tinanggal at narealize ko na baka kamay to ni Jennie dahil malambot at mabango
"Jennie ano ba, may kailangan ka ba?" tanong ko kahit hindi ko malinaw na nakikita ang mukha nya
"Shhhhhh!~" yan lang ang nakuha kong reply sa kanya
"Tss... Ikaw a.. Wag tayo magharutan dito sa dilim, isa pa nasa school tayo" sabi ko
Sunod na nangyari ay bigla ko na lang naramdaman na may humahalik na sa labi ko. Nalasahan ko ang lipstick nya na sobrang tamis kaya naman tinugon ko yung halik nya
Our kiss didn't last long hanggang sa ako na mismo yung tumigil at sinabing "Jennie bakit ang aggressive mo ata ngayon?" sabi ko habang hawak ko ang pisngi nya
I heard her chuckled a little na nagpa-kunot ng noo ko
"Dahil hindi ako si Jennie, Taehyung~"
That voice....
That's Irene's voice
Agad kong tinanggal ang mga kamay ko sa pisngi nya at agad kong hinanap ang switch ng ilaw at pagkakita ko rito, mabilis ko itong pinundot at laking gulat ko ng makita ko si Irene sa harapan ko
Galit na galit ako ngayon sa sarili ko at lalong lalo na kay Irene. Why the hell did I even replied to her kiss at the first place!? Alam na alam ko na hindi kayang gawin ni Jennie saakin yung ginawa ni Irene
"What the hell do you think your doing!?" galit kong sabi
"Relax~" sabi nya habang hinihimas ang buhok ko "Hindi ka parin talaga nagbabago. You're still a good kisser" sabi nya and she seductively looked into my eyes
Agad kong iniba ang pwesto naming dalawa at binangga ko sya sa pader at sinabing "Hanggang kailan ka ba titigil ha!? Hindi pa ba sapat na dahilan para sayo na hindi na kita mahal!? Kung hindi mo kayang respetuhin ang relasyon ko kay Jennie, pwes i-respeto mo man lang sana yang sarili mo dahil nagmumuka ka ng desperada sa mga pinag-gagagawa mo!" sabi ko at lumayo na ako sakanya saka nag lakad palabas
"Sige umalis ka! Iwanan mo ako dito! I'll make sure na makakarating kay Jennie tong nangyari saatin ngayon" sabi nya na nagpahinto saakin sa paglalakad
Hinirap ko sya at ngisian "Sa tingin mo mapaghihiwalay mo kami ni Jennie pag sinabi mo sakanya yan?" sabi ko at tuluyan na akong lumabas ng pinto
Jennie's POV
Uwian na namin ngayon kaya kailangan ko ng umalis dahil pupunta pa ako sa bahay nilo Mino ngayon
Palabas na sana ako papuntang parking lot area hanggang sa may humawak sa braso ko. Nilingon ko ito at nakita ko si Taehyung
"Okay ka lang?" tanong ko pero hindi sya nag salita at sa halip non ay hinila nya lang ako papunta sa hindi mataong lugar
"Nakita mo ba si Irene kanina? Nagkita ba kayo? May nasabi ba sya sayo?" sunod-sunod nyang tanong
"O, Bat napasok si Irene dito? Hindi ko sya nakita simula kanina. Saka ano bang sinasabi mo dyan bat parang tensed na tensed ka?" sabi ko
Nagulat naman ako ng bigla nya akong niyakap ng mahigpit
"May.... Problema ka ba?" mahinahon kong tanong habang hinihimas ko ang likuran nya
"I love you"
Kumalas ako sa yakap nya at magkatinginan kami ngayon. Hinawakan ko ang pisngi nya at sinabing "I love you more" at napangiti naman sya
"Sige na.. Mauna na ako.. May pupuntahan pa ako" sabi ko
"Teka saan ka pupunta? Hindi mo dala kotse mo diba? Ihahatid na kita"
"No need. Mag co-commute na lang ako. Isa pa hindi naman ako magtatagal doon e. Tatawagan agad kita pag naka-uwi na ako" sabi ko at kiniss ko sya sa cheeks saka nginitian at tuluyan ko na syang tinalikuran at naglakad palayo
¦
"Kuya dito na lang po" sabi ko sa driver ng taxi na sinakyan ko saka inabot sa kanya ang bayad at lumabas
Nasa tapat na ako ng bahay nila Mino. Hanggang ngayon dito parin pala sila nakatira. Sobrang tagal ko na ring hindi nakapunta dito
Agad kong ni-ring ang doorbell nila at mabilis na bumukas ang pinto nila at nakita kong lumabas doon si Mino
Nakangiti syang naglakad papalapit saakin saka pinagbuksan ako sa gate
"Akala ko di kana dadating e" sabi nya
"Papasukin mo na ako ok? I'm sure nagluto ng masarap ang Mommy mo kaya yun ang dahilan kung bakit ako dumating ngayon" mataray kong sabi sa kanya at natawa naman sya
"Kung hindi lang kita kinulit kagabi malamang hindi ka pupunta ngayon"
"Andito na nga ako ok? Kaya sige na, let's go, gutom na ako~" sabi ko at pumasok na ako sa loob
¦
"Grabe ang laki po talaga ng pinagbago ng itchura ng bahay nyo" sabi ko sabay subo ng pagkain ko
"Hay nako Jennie, kung hindi kami umuwi ngayon, malamang punong-puno na ng alikabok tong bahay na to" sabi ng Mommy ni Mino
"Tita buti naman po at naisipan nyong makipag-partnership sa business namin. Alam naman natin na parehas na close ang families natin sa isa't-isa simula noon palang" sabi ko
"Oo naman.. I'm happy na nagkita-kita ulit tayong lahat after almost 5 years. Mantakin mo yun, parang kailan lang nanliligaw pa si Mino sayo noon tapos ngayon magugulat nalang kami ng Tito mo na may fiancé ka na pala" sabi nya at dahil doon nagka-tinginan kami ni Mino ng awkwardly
"Pero hija, congrats.. Okay na ako doon sa friends parin kayo ng anak ko up till now. Sayang nga lang dahil botong-boto pa naman ako sainyong dalawa noon" dagdag pa ni Tita sabay tawa
"Ma!" sabi ni Mino at tinignan ko lang sya natawa rin lang ako
¦
"So... Pwede mo na ba akong iuwi ngayon sa amin? Tutal, nagawa ko naman na yung request mo saakin kagabi diba?" tanong ko sa kanya
Andito kami ngayon sa garden nila Mino habang parehas kaming nakatayo dito sa tapat nung fountain nila
"Jennie kung hindi ba ako umalis five years ago, sa tingin mo may tayo ba ngayon?" napatingin ako kay Mino na ngayon ay naka-tulala sa langit
"Siguro oo, may tayo ngayon kung hindi ka umalis" sabi ko at napatingin sya saakin "Pero tapos na yun. Basta ang mahalaga friends parin tayo" sabi ko sabay ngiti at ngumiti rin sya pabalik
"Ok... Since nasimulan mo na yung question and answer portion. Ako naman ang magtatanong sayo" dagdag ko
Napatingin naman saakin si Mino sabay taas ng kilay at sinabing "Ano bang itatanong mo?"
"Tapatin mo nga ako, may balak ba kayo ng pinsan mo na paghiwalayin kami ni Taehyung!?" mataray kong tanong
"Gusto mo ba talaga malaman yung totoo?" seryoso nyang tanong
"Malamang! Kaya ko nga tinatanong e" sabi ko sabay irap
"I admit. Gustong-gusto kong paghiwalayin kayo ni Taehyung
noon kaya nakipag-sabwatan ako sa idea ni Irene pero ngayon na-realized ko na wala na talaga akong pag-asa sayo dahil mahal na mahal mo talaga yung lalaking yon. Isa pa, mas pinipili ko na lang ngayon ang friendship natin kesa naman sa masira pa yon. And tungkol dun sa nangyari last time. I'm really sorry. I mean it" sabi nya
"Ok fine.. Exempted kana.. E paano naman yung pinsan mong hilaw? Anong binabalak nya ngayon?" tanong ko sabay crossed arms
"Si Irene? Ewan ko ba sa kanya. Basta ang alam ko dahil ex nya si Taehyung at mahal pa nya to, I'm sure she'll do everything just to win him back. Isa pa, hindi kami naging close nyan ni Irene dahil ngayon lang kami nagkakilala nyan. Di ko nga alam na may pinsan pa pala ako e. Basta ako ang sinasabi ko sayo is hindi talaga nya titigilan si Taehyung" sabi pa nya at ibinaling na nya ulit ang tingin sa langit
"Alam mo since pinsan mo nga yang Irene na yan, mamaya parehas pala kayo ng ugali at ini-echos mo lang ako sa mga sinasabi mo saakin ngayon" sabi ko at napatingin uli sya saakin
"Alam mo Jennie bahala ka kung naniniwala ka or ayaw mong maniwala sa mga sinasabi ko"
"Tss... Kasi naman e.. Pag sabihan mo nga yang pinsan mo na tumigil na sya. Wala syang mapapala kay Taehyung dahil ako na ang mahal nya ngayon"
"Alam ni Irene yon Jennie. Kaya nga ginagawa nya lahat ng posibleng mga bagay para makuha nya ulit si Taehyung e. Believe me, pinigilan kong gawin ni Irene yung isang bagay na I'm sure ginawa na nya kay Taehyung kanina" sabi nya
"H-huh? What do you mean?" tanong ko
Bigla ko tuloy naalala yung mga pinagtatatanong ni Taehyung saakin tunkol kay Irene kaninang uwian
Anong ginawa nila!?
- To be continued -
[A/N]: Lol alam kong super bitin this chapter kaya bukas uli ang update ko. Dapat double update din ako ngayon kaso intake nanaman ako ng writter's block HAHAHA
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top