[B-1] Chapter 30: Cousins

[A/N: Sorry again for the late update]

Jennie's POV

Kinapa-kapa ko ang kamang hinihigaan ko at na-realize ko na wala na si Taehyung dito sa tabi ko. Tandang-tanda ko pa kagabi na parehas kaming naka-cuddle sa isa't-isa bago natulog kaya naman, nasan sya ngayon?

Bumangon na ako sa kama at nagpunta sa harap ng salamin. Di ko mapigilang ngumiti sa harap nito dahil finally, nasagot na yung mga katanungan sa isip ko. Official nang kami ni Taehyung at hindi na kami mag papanggap

Naglakad ako papunta sa pintuan saka binuksan ito. Agad naman na sumalubong saakin ang napakabangong amoy ng pagkain

Nang mapatingin ako sa may kusina, nakita kong nagluluto si Taehyung pero ang nag pa-ganda pa lalo ng umaga ko is, nagluluto sya ng naka-shirtless OHMYGADH!!

"Good morning~" nakangiting bati nya saakin. Pinatay na nya ang kalan saka binuksan ang exhaust fan. Binitbit nya ang isang plato na may lamang seafood pasta "Kumain kana" pagyaya nya saakin at nilapag nya sa mesa ang plato

"Teka nga lang.... Akala ko ba hindi ka marunong magluto?" tanong ko habang nakalagay sa mga bewang ko ang dalawang kamay ko

"At naniwala ka talaga doon?" sabi nya sabay ngisi. Naglakad sya papunta saakin kaya naman nasa tapat ko na sya ngyon

I wrapped my hands around his neck and he also wrapped his hands around my waist "Kumain ka na dyan" sabi nya at hinalikan nya ako sa forehead pagkatapos ay bumitaw sya saakin "Maliligo lang ako tapos iuuwi na kita sa inyo" sabi nya at pumasok na sya sa kwarto

Nakangiti naman akong nagpunta sa dinning area at naupo sa upuan saka sinimulang tikman ang nilito ni Taehyung para saakin

¦

Muli kong sinuot yung mga damit ko kagabi na nabasa ng ulan. Pinatuyo ko to kagabi kaya pwede na syang masuot ngayon. Hindi naman kasi pwedeng umuwi ako ng bahay na nakasuot ng mga damit ni Taehyung dahil baka mamaya, kung ano ano nanaman iisipin nila -.-

Lumabas na si Taehyung sa kwarto nya at nag ka-tinginan kami saka bigla syang ngumisi

Leche. I think alam ko na ang susunod na mangyayari dahil sa ngisi nyang yan

Lumakad sya papalapit saakin habang ako nakatulala lang sa kanya

Hahalikan nya sana ako kaso mabilis ko syang tinalikuran "Ikaw Kim Taehyung tumigil ka a. Halos araw-araw ka ng humahalik saakin, di ka ba nagsasawa?" sabi ko habang tinutupi yung mga hinubaran kong damit

Bigla nya akong niyakap sa likuran kaya napatigil ako sa ginagawa ko

"Hinding-hindi ako magsasawa sayo" mahinang bulong nya sa tenga ko

Bat nanghihina ako? Tss.. Hahaha

Hinarap ko sya kaya magkalapit na ang mga mukha namin ngayon

"Boyfriend na ba talaga kita?" sabi ko habang hinahawakan ko ang pisngi nya at tinititigan ang labi nya

The next thing that happened, hinalikan nya ako

I felt his soft lips pressing mine. I replied back to his kisses immediately. Binuhat nya ako without even breaking our kiss. Hiniga nya ako sa sofa and now he's on top of me. Patuloy pa rin sya sa pag halik saakin pero this time, sa leeg ko naman. I keep on touching his black soft hair while he's kissing me on my neck

Bakit parang ang bilis naman ata nito?

Di pako ready

"T-taehyung t-teka lang" sabi ko pero hindi sya sumagot

Bigla kaming nakarinig ng malakas na katok sa pintuan nya "Taehyung? Taehyung buksan mo yung pinto dinalhan kita ng agahan"

shit andito ang Mama nya

Tumigil na sya sa paghalik saakin kaya naman tinulak ko si Taehyung kaya nasa lapag na sya ngayon

Bumangon ako sa sofa at inaalog ko si Taehyung at sinabing "Tae Mama mo ata yung nasa labas bilis!!"

Base sa reaction nya, mukhang di nya ine-expect na darating si Tita AHHAHA

Agad syang tumayo at naglakad papunta sa pinto. Inayos ko naman ang upo at ang itchura ko

Binuksan na ni Taehyung ang pinto at gaya nga ng sabi ko, andito nga ang nanay nya

"Jennie? Bakit ka andito?" bungad nya at tuluyan na syang pumasok at naglakad sa dinning area para ilapag ang mga dala nya

"Ma kasi kagabi nagpunta sya dito para maki-wifi tapos ayon inantok sya edi di ko na sya ginising kaya dyan na sya sa sofa natulog" sabi ni Taehyung habang naka crossed arms sabay lingon saakin "Diba Jennie?"

Sinungaling! Ikaw kaya yung nagdala saakin dito!

"Ah.. O-oo! Tama tama! Kakagising ko nga lang po kaya magulo tong buhok ko e" sabi ko at tumayo na ako saka lumapit sa kanya

"O sya tamang-tama kumain kana"

"Ma hindi! Iuuwi ko na si Jennie sa kanila. I'm sure hinahanap na sya ni Tita doon" sabi pa ni Taehyung at kinuha nya sa desk ang susi ng sasakyan nya sabay hila saakin palabas

Pinigilan ko sya at sinabing "Teka yung bag ko"

Kinuha ko ang bag ko at bumeso kay Tita at sinabing "Sorry Tita I have to go na talaga e"

"Sige mag-iingat kayo. Ikaw Taehyung bumalik ka kaagad dito ha?"

Muling naglakad papunta saakin si Taehyung at hinila nanaman ako at sinabing "Yes Ma" saka lumabas ng pintuan

"Bwisit ka i-uwi mo na nga ako" sabi ko habang nagalalakad kami papunta sa elevator

Bigla syang natawa at sinabing "Kinabahan ako buti na lang naka-lock yung pinto"

Agad kong hinampas yung braso nya "Wag mo na akong halikan ng ganun a!? Ayoko pang magka-anak!" singhal ko sakanya pero mas lalo syang natawa

"Opo. Di ko na uulitin" nakangiti nyang sabi saakin saka pumasok na kami sa elevator

¦

Andito na ako sa kwarto ko at kakatapos ko lang maligo. The whole ride earlier was really silent. Ewan ko ba, hindi nanaman ako mapakali dahil sa pinag-gagagawa ni Taehyung saakin

Hindi ako malandi pero bakit pakiramdam ko nagiging ganon ako pag kasama ko sya? AHHAHAHA

bwisit ka Jennie tumino ka nga, di ka naman ganyan a!

*tok * tok * tok *

"Sino yan?" sabi ko

"Ma'am may naghihintay po sainyo sa baba" sabi ni Yaya

"Ha? Sino daw?" bumangon ako sa kama ko at nagpunta sa pinto saka binuksan ito

"Si Sir Mino po"

Anong ginagawa nya dito?

Bumaba ako sa hagdan at nakita kong naka pang de-kwatro na upo si Mino ngayon sa sofa namin

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya habang naka-crossed arms at nakataas ang isang kilay ko sa kanya

"Wala naman akong nabalitaan na bawal na pala ako magpunta dito" sabi nya while raising his brows

Napa-irap ako at sinabing "Ano ba kasing kailangan mo? Bakit ka andito?"

Tumayo sya at sinabing "Gala naman tayo o. Di ko kasi ma-enjoy yung bakasyon ko dito pag di kita kasama e"

seryoso ba to!?

"Tss. Busy ako ngayon tsaka may pasok pa kami bukas" sabi ko pa at maglalakad na sana ako kaso bigla nyang hinigit ang braso ko

"Uy sige na kase.. Please~~" sabi nya na parang bata

"Alam mo ikaw bwisit ka. Kung di lang kita kaibigan kanina pa kita pinaalis dito e" sabi ko sabay irap

"So ano? Sasamahan mo ba tong best friend mo or hinde?" tanong nya

"Oo na! Magbibihis na ako!" sabi ko at padabog kong inalis ang kamay nya sa braso ko saka umakyat sa kwarto ko

¦

"Saan ba kasi tayo pupunta?" singhal ko sa kanya habang tinatali ang buhok ko

Malapit nang mag 2 o'clock pm ngayon at kanina pa sya nag di-drive without even letting me know kung saan ako dadalhin ng kupal na to. Tsaka isa pa, nagugutom na ako!

"Mino ano ba sumagot ka nga! Na gugutom na ako!" reklamo ko pero hindi parin sya sumasagot

"Alam mo kinakabahan na'ko sayo a. Bakit ba kasi ang tahimik mo? Feeling ko tuloy kini-kidnap mo ako" sabi ko sabay sandal sa bintana

Bigla syang natawa ng malakas at sinabing "Siraulo ka parin talaga hanggang ngayon HAHAHA! Sige na bumaba kana andito na tayo"

Hininto na nya ang sasakyan at napatingin ako ngayon sa lugar na pinaghintuan namin

Seryoso ba talaga sya!?

Anong gagawin namin dito!?

"Song Mino anong gagawin natin dito sa opisina namin!?"

"Malalaman mo rin pag bumaba ka na" sabi nya sabay kindat at baba sa sasakyan

¦

Nasa elevator na kami at di ko parin ma gets kung bakit kami andito ngayon

Bumukas na ang pinto sa elevator at lumabas na rin kami

Mukhang papasok rin ata kami sa office hall

What the actual hell is going on!?

Marahan kong hinila ang damit nya bago kami tuluyang makapasok "Mino ano ba talagang gagawin natin dito!?" pabulong kong sabi sa kanya pero nginitian lang ako ng kupal at tuluyan na nyang binuksan ang dalawang pinto

Nagulat ako sa mga nakikita ko dahil andito ang mga parents ni Mino. Akala ko ba andito lang sya for vacation? Bakit andito rin sa Seoul ang parents nya?

Shit.. Anong ginagawa nya dito!?

Bakit andito si Irene!?

Anong nangyayari!?!?

Napatingin ako kay Mino na ngayon ay nagbow sa kanilang lahat. Andito sila Mom and Dad, parents ni Mino si Irene, at syempre, kaming dalawa. Pero bakit may tatlong sobrang upuan pa ang bakante?

Nag bow na rin ako sa kanilang lahat at mabilis akong napatingin kay Irene

"Bat ka andito?" I mouthed at her

"I'll tell you later" she mouthed back at me kaya naman tumango na lang ako

Narinig kong muling bumukas ang pintuan na nasa likuran namin ni Mino kaya naman mabilis ko itong nilingon para makita ko kung sino yung pumasok

Si Taehyung at ang parents nya

Parehas na nanlaki ang mga mata namin ni Taehyung nang makita namin ang isa't-isa

"Thank God. Finally kumpleto na tayo" sabi ni Mommy sabay tayo sa upuan at naglakad papunta sa pwesto namin

Tumayo rin ang parents ni Mino at lumapit saamin

Nakipag-besohan sila sa isa't-isa na para bang mga mag to-tropa sila

Parents ni Mino

Parents ni Taehyung

At syempre, parents ko

ANO BA TALAGANG NANGYAYARI!?

Nagulat ako ng higitin ni Taehyung ang braso ko at nilapit nyako sa kanya
"Bat magkasama kayo ng Mino na yan?" pabulong nyang sabi saakin with medyo pissed na tone

"Taehyung wag ka ngang oa dyan" natatawa kong sabi sa kanya saka nilingon sya "Anong ginagawa nyo dito?"

"Ewan ko ba dyan sa mga yan. Basta daw sumama na lang ----" natigilan sya sa pagsasalita nung nakita nya si Irene na andito rin "Bakit andito si Irene?" tanong nya saakin at dahil di ko rin alam ang sagot sa tanong nya, I just shrugged my shoulders saka naglakad palayo sa kanya

Nasabi ko na ba na may seating arrangement kaming lahat? Bwisit na seating arrangement to

Katabi nila Mom and Dad ang isa't-isa habang kaharap nila ang mga parents ni Mino at Taehyung na magkakatabi rin

Habang kaming apat, hiwalay sa table nila -_-

Irene -Taehyung
Ako - Mino

Bakit ganito!?

Hanggang ngayon, I'm still wondering why Irene is here with us

Tinignan ko sila isa-isa. Si Irene na parang walang pake sa mundo ay nakatutok lang sa phone nya. Habang sila Taehyung at Mino ay nagtitinginan lang sa isa't-isa na para bang nag-uusap sila pero sa isip lang HAHAHA

"Psstt!" tawag ko kay Irene at napatingin sya sakin

"Bat ka andito?" sabi ko

"Oy Mino! Bakit daw ako andito. Ikaw na mag sabi" sabi ni Irene sabay crossed arms at tingin kay Mino
Magkakilala sila?

"Mag pinsan kami bakit?"

What!?

"S-seryoso!?" my eyes suddenly widened

"Mag pinsan kayo!?" sabi ni Taehyung na gulat rin

"Yup" sabi ni Irene

"Hoy! Kahit kailan never kong nalaman na may pinsan ka. Magkaibigan ba talaga tayo?" tanong ko kay Mino at natawa sila ni Irene

"Oo nga. Bakit never kong nalaman na may pinsan ka noong tayo pa?"

Nananadya ba tong si Taehyung

Nagulat si Irene sa sinabi ni Taehyung at napalingon sya rito

Hoy babae! Wag mo syang tignan ng ganyan nagseselos ako!

Nag-clear ng throat si Mino "Ehem! Awkward" sabi nya at kinurot ko ang braso nya

Inalis na ni Irene ang tingin nya kay Taehyung at sinabing "Jennie"

Tinaasan ko sya ng kilay

"Naalala mo nung may nagpadala ng bouquet sayo? Si Mino yon. At ako ang nagsabi sa kanya ng address ng school at ng number mo,is ako, her cousin"

Shookt

"Teka paano mo nakuha number ko?" tanong ko sa kanya

"I asked Jisoo" sabi nya

"So ikaw pala yon" sabi ni Taehyung habang nakatingin kay Mino

"Ako nga. Bakit, nagselos ka no?" sabi ni Mino sabay ngisi

Ayan nanaman ang mga isip bata. Ayoko silang panuoring mag-away, nakaka-umay

"Bakit ko pagseselosan ang isang katulad mo? Sino ka ba sa tingin mo?" sabi ni Taehyung sa kanya

"Guys lower down your voices andito mga magulang nyo mamaya kung ano-ano isipin nila" sabat ni Irene

"Ako? Tss. Best friend ko si Jennie, bakit?"

"Best friend ka lang, pero ako, Girlfriend ko sya"

"Oww.. You mean your temporary girlfriend?"

Bigla akong napatingin kay Mino dahil sa gulat

What the heck!?

So all this time... Alam nyang nagpapanggap kami!?

Pero di na kami nagpapanggap ngayon dahil totoong mag boyfriend at girlfriend na kami

"Jusko naman Irene pati ba naman sakanya sinabi mo rin!?" galit na tanong ni Taehyung kay Irene

Bwisit kang babae ka!

"Kumalma ka. Noon ko pa sinabi sa kanya nung hindi ko pa alam na kayo na pala talaga" sabi ni Irene

"See. Pinsan mo na nagsabi. Kami talaga ni Jennie kaya naman tumayo ka dyan dahil ako dapat ang katabi ng girlfriend ko" sabi ni Taehyung at tumayo sya sa upuan nya
Tinignan ko si Mino at sinenyasan na umalis sya dyan kaya naman tumayo na rin sya at nakipag-palit ng pwesto kay Taehyung

Taehyung's POV

Napag alaman naming lahat na kaya pala andito ang mga magulang namin dahil business partners na silang lahat at Next Week, pupunta sila sa states para sa business agendas nila

Rich kids can relate

Magka-usap si Irene at Jennie ngayon sa di kalayuan habang andito si Mino sa tabi ko na kasama kong imuunom ng wine

"Hanggang kailan mo ba hindi tatantanan si Jennie?" sabi ko kay Mino habang nakatingin kay Jennie

"Hangga't di kayo nag be-break" napatingin ako sa kanya na ngayon ay inuubos ang inumin nya

"Psh. Haha! Hinding-hindi kami mag be-break tandaan mo yan" sabi ko sa kanya at mahina kong hinampas ang likod nya saka umalis

Jennie's POV

Kanina pa ako nasa labas dahil gustong-gusto ko na umuwi. Malapit nang gumabi ngayon. Kung dala ko lang sana yung kotse malamang nakaalis nako sa lugar na to kanina pa
"Jennie!"

"Ay bwisit" napalingon ako sa likuran ko at nakita ko si Mino na ngayon ay naka-crossed arms habang naka-ngiti

Dali-dali ko syang hinampas at sinabing "Nakakainis ka! Bakit ka ba nanggugulat!?"

"Tinawag lang kita pero di kita ginulat" sabi nya

Ha.. ha.. ha ...

"Ano nanaman ba kasing kailangan mo bakit ka andito?" tanong ko

Napansin ko naman na parang may tinitignan sya sa kalayuan. Sinubukan kong lumingon sa likod ko para makita kong sino yung tinitignan nya

Bago ko pa makita kung sino yung nasa likuran ko, hinila ako ng malakas ni Mino saka hinalikan sa labi

Our kiss didn't last long

Nagtataka rin ako sa sarili ko kung bakit wala man lang akong nagawa. Ni-hindi ko sya tinulak papalayo at iniwasan

Jennie Kim bakit!?!?

"I-i'm sorry.. H-hindi ko sinasadya" sabi nya

Na-speechless ako

Wala akong nasabi AS IN

Umalis na si Mino sa harapan ko at naglakad pasakay sa elevator

Napalingon ako sa kaliwa ko dahil nakita kong nagsilabasan na sila sa office hall namin

Nakita kong naglalakad si Taehyung nang nakangiti papalapit saakin

Di ko alam kung ano ire-react ko pagkatapos nung ginawa ni Mino saakin

"Ano tara na uwi na tayo?" sabi nya sabay yakap saakin at mas niyakap ko sya ng mahigpit at hindi na nag salita pa

"O? Bakit di ka sumasagot?" tanong nya saakin habang hinihimas himas nya ang likod ko

"W-wala. Na-miss ko lang kasi yakapin yung boyfriend ko e" sabi ko saka humiwalay sa yakap naming dalawa

Tinignan ko si Taehyung na ngayon ay todo ang ngiti habang nakatingin saakin "Bat ka naka ngiti dyan?" sabi ko

"I'm just happy na finally hindi na tayo nag papanggap"

"Ako rin" nakangiti kong sabi sa kanya saka niyakap ko ulit ng sobrang higpit si Taehyung

Taehyung's POV

Nandito na ako sa condo ko at mag se-seven o'clock pa lang pero dinadalaw na ako ng antok

* bzz * bzz *

Biglang nag vibrate ang phone ko na ngayon ay nasa kama ko

Agad ko itong kinuha at nakita kong nag-text si Irene

Tss.. Ano nanaman bang kailangan nya?

Irene:
Taehyung

Taehyung:
O?

Irene:
May isusumbong ako sayo

Taehyung:
Ano ka bata?

Irene:
Seryoso ako. Tungkol kay Mino

Taehyung:
Irene pwede ba? Wala akong pake
dun sa epal mong pinsan na katulad mo

Irene:
Aray ko grabe ka naman! Nakipag-bati na nga ako kay Jennie tapos sasabihin mo pa akong epal?

Taehyung:
Akala ko ba si Mino topic dito?
Bat napunta sa inyo ni Jennie?

Irene:
Actually tungkol kay Mino at Jennie
yung sasabihin ko sayo

Taehyung:
Bilisan mo na. Ano ba kasi yun?
Nasasayang yung oras ko dalian mo

Irene:
Irene sent a photo









Mino's POV

"Buti naman naisipan mong gawin yung kanina. I'm sure galit na galit yung Taehyung na yun saakin ngayon" sabi ko habang nilalagyan ng red wine ang dalawang wine glass

"Well let's just say na parehas lang tayong makikinabang sa bagay na yun"

Humarap na ako sa kanya at inabot ang isang wine glass at kinuha naman nya ito

"It is so nice working with you my dear cousin, Irene" sabi ko as I gulped down my drink and ask her for a toast

"Likewise couz" sabi nya as she toasted her wine glass with me

-To be continued-



[A/N]: Ano? Bwisit diba? HAHAHAHA

By the way guys nagustuhan nyo ba yung bagong book cover ng MTG?? Pinag-hirapan kong gawin yan kaya sana ma-appreciate nyo :")

Thank you for reading this chapter guys. Abang-abang na lang sa mga susunod pa. Labyu ol!
-Trish ♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top