[B-1] Chapter 3: Introduce

Taehyung's POV

"Ano!?" halos pumutok na ang mga ugat ko sa mga sinabi ni Mama

"Aba Taehyung! Hindi pwedeng hindi ka magpakita saamin dito dahil andito na sila" sabi ni Mama

"Ma naman! Ano ba nanaman yang pinag-gagagawa nyo!? Ayoko ng ganyan!" sigaw ko

"Wag ka nang mag reklamo dyan! Pumunta kana lang agad dito! Bilisan mo!" sabi nya

Magsasalita pa sana ako kaso binaba na nya yung telepono. Aish! What a good morning

¦

Nandito na ako ngayon sa labas ng restaurant na kung saan andito sila Mama at Papa kasama yung mga magulang at nung babaeng hindi ko naman kilala at papakasalan ko raw

Nakasuot ako ngayon ng black plain t-shirt, bomber jacket at ripped jeans with sneakers. Syempre sumipot parin ako sa kanila dito kahit ayaw ko talaga. Wala naman akong choice!

Pumasok na ako agad sa loob. Pagka lingon ko sa kanan ko, nakita ko na agad sila Mama na saktong tumingin narin saakin. Naglalad ako papalapit sa table nila at nakita ko naman na nakatingin yung babaeng pakakasalan ko na nakatingin saakin

Inalis ko naman ang  ko sa kanya at umupo na lang sa upuan sa tapat nya

Okay naman yung itchura nya. Maganda naman sya, maputi, makinis at may ka-sexihan rin kahit papaano. Pero wala eh, wala parin akong maramdaman na spark sa kanya. Ibig sabihin lang non, hindi talaga kami talo

"Anak, buti naman dumating ka na" sabi ni Dad na todo ang ngiti saakin. Tumango na lang ako sa kanya bilang reply ko sa sinabi nya

"Hi! By the way, my name is Haejin" sabi nung babaeng nasa tapat ko sabay hawi ng mahaba at kulot nyang buhok. Nilaan nya sa harap ko ang kamay nya to shake hands

"Taehyung" tipid kong sabi sakanya at nakipag-shake hands naman ako

"Oh sya! The food is already served so let's eat na" sabi ni Mama na nagpatigil sa awkward na tensyon sa aming dalawa

Kumakain lang ako ngayon at hindi ako nagsasalita. Ganun rin si Haejin. Tinitignan ko sya ngayon at napansin ko na parang hindi talaga kami magkakasundo nito dahil isang tingin ko pa lang, alam kong mataray at may bad attitude sya na sobrang kinaiinisan kong ugali ng isang babae

"So. Let's talk about our main agenda for this day" sabi nung tatay ni Haejin

"Oo nga pala, Haejin... Pumapayag kaba na ma-arranged marriage with my son?" tanong ni Dad sa kanya.

"Yes I agree. I know naman that our marriage can make both of our family businesses more successful in the future if that happens" sabi nya habang nakatingin saakin

Nakaka-irita ang boses nya sa totoo lang

"Yun naman pala e. How about you Taehy----" naputol sa pagsasalita yung tatay ni Haejin dahil sumagot ako bigla

"No" tipid kong sabi habang patuloy na kumakain

"What!?" sabi ni Haejin saakin habang nakataas yung kilay nya

"No" sabi ko at tumingin ako sakanya. "Hindi ako pumapayag magpakasal sa babaeng hindi ko naman Mahal" sabi ko

"Alam naming ngayon lang kayo nagkita ni Haejin. Hindi naman natin mamadaliin yung kasal nyo e. Mag kakaroon kayo ng oras na mag kasama dahil papayagan naming kayong dalawang mag-date" sabi ni Dad saakin

"At isa pa, sa pag d-date nyo, mas makikilala nyo pa ang isa't-isa. And who knows? Maybe dahil doon hindi nyo na pala namamalayan na nahuhulog na kayo sa isa't-isa" sabi nung Tatay ni Haejin

Nakita ko naman na nakangiti saakin si Haejin na para bang sinabi nya na magkaka in-love-ban nga kami pag ginawa namin yon

"Ano anak? What do you think?" tanong ni Mama saakin

"Ma I'm sorry. But I already have a girlfriend"

Nanlaki ang mga mata nilang lahat dahil sa pagsisinungalin na ginawa ko. Wala na akong ibang dahilan na naisip para matigil tong kahibangan na to kundi ang sabihin sa kanila na may girlfriend na ako

"Anong sabi mo?" sabi ni Mama

"Are you serious?" tanong ni Haejin

"Are you kidding me?" tanong nung tatay ni Haejin

"May girlfriend kana?" sabi ni Dad

Sunod-sunod silang nagtanong saakin at kinakabahan ako ngayon dahil hindi ko na alam ang gagawin at sasabihin ko this time.

Hinawakan ni Mama ang kamay ko at sinabing "Anak wag mong sabihin na niloloko mo lang kaming lahat dahil ayaw mong matuloy ang kasal?" sabi ni Mama

"Ma, I'm telling you the truth. Now if you'll excuse me, aalis na ako" sabi ko at tinangggal ko ang kamay ni mama na nakahawak sa kamay at direchong lumabas ng resto at sumakay na ako paalis gamit ang kotse ko

Jennie's POV

12:30 na nang tanghali nang magising ako dahil sa puyat, pagod, at stress na dinanas ko kagabi. Hindi pa ako kumakain simula kanina ng breakfast at ngayon ay bababa na ako para kumain ng lunch. Alam ko naman na wala na sila Mom and Dad dito sa bahay kasi umalis na sila for work

Walang kaba akong bumaba sa hagdan at dumirecho ako sa kusina para kumain. Nakita ko naman si Yaya na nag liligpit na ng mga placemat sa mesa at nang tumingin sya saakin at binati nya ako ng good morning kahit tanghali na

"Yaya. Anong good morning pinagsasasabi mo dyan? Tanghali na kaya" natatawa kong sabi kay Yaya

"Ganun po ba? Sorry naman. Sya nga pala kumain kana, masarap yan" sabi nya

Kimchi, fried noodles at, chicken ang nakahandang ulam ngayon para saakin. Well, sanay naman na ako kasi lagi namang marami ang nakahain para saamin.

Umupo na ako sa mesa at nagsimula na akong kumain. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko kumain ng marami ngayon dahil halos alak ang laman ng tyan ko kagabi

Habang kumakain, biglang sumagi sa isip ko yung lalaking nagdala sakin kahapon sa condo nya. Hindi man lang ako nakapag thank you sa kanya sa ginawa nya. Kailan ko kaya sya makikita ulit?

Taehyung's POV

Napahiga na lang ako sa kama ko dahil sa inis. Di parin ako makapaniwala na nagawa akong ipa-arrange marriage ng mga magulang ko ng ganun-ganon lang

Bumangon ako sa kinahihigaan ko at nagpunta ako sa desk ko para kunin ang laptop ko.

Pagkakuha ko sa laptop, napansin ko na parang may gold necklace na nasa sahig malapit sa pintuan ko. Nilapitan ko yon at pinulot

"Jennie"

Yun yung cursive na pangalan na nakalagay sa kwintas. Nanlaki naman ang mata ko nang mabasa ko yung nasa kwintas. Alam kong pagmamay-ari to ng babaeng dinala ko kagabi dito sa condo ko.

Binuksan ko kaagad ang laptop ko at in-open ko ang sns account ko. Sinearch ko ang pangalan na "Jennie" at buti na lang may 14 results lang na sns accounts ang may pangalang Jennie. Tinignan ko isa-isa at halos lahat ng nakikita ko ay iba ang itchura sa babaeng nakilala ko kagabi. Hanggang sa nakitat ko yung name na "Jennie Kim" at pag pindot ko Jackpot!!

Sya nga. Sya yung babaeng nakilala ko kagabi

Ini-stalk ko na yung account nya at nakita kong nag-aaral pala sya sa Hangkuk Han University. Familiar saakin ang university na yon kaya napa-ngiti na lang ako ng todo

Jennie's POV

Oh my gosh! My necklace is missing!

Saan ko ba nilagay yun kagabi? Alam kong sinuot ko yun pero hindi ko yun tinanggal sa leeg ko. Hindi kaya naiwan yon sa club kagabi? Omg sana hindi dahil hindi na ako babalik sa lugar na yon

Baka nasa sasakyan ko lang?

Bumaba ako ng hagdan at lumabas ako sa bahay dala dala ang susi ko. Hinanap ko sa loob ng sasakyan ko yung kwintas ko pero wala akong nakita. Sinara ko na lang yun at paglingon ko naka-uwi na si Dad. Gosh! Bakit ang aga naman nya?

"Jennie Kim! Pumasok ka sa loob! Galit na sigaw ni Daddy saakin. Ito na ba yung time na sisermonan nya ako dahil sa pag-uwi ko ng late kagabi?

"Jennie! Sabihin mo bakit gabing-gabi kana umuwi kagabi? Actually hindi gabi, bakit madaling araw kana umuwi!?" galit na sabi saakin ni Daddy.

Nanginginig na ako sa kaba ngayon dahil hindi ko masabi ang totoong nangyari saakin kagabi dahil baka hindi na nya ako kailanman payagan pang lumabas ng gabi pag sinabi ko ang totoo

"Jennie sumagot ka!" sabi pa ni Dad

"Dad I-I'm s-sorry" sabi ko habang naka yuko

"Hindi ko kailangan ng sorry mo, I need your answer!"

"Kanila Jisoo po!" sabi ko.

Wala na akong ibang dahilan na masabi kundi ang idawit ang pangalan ni Jisoo dito. Gosh

"At anong ginawa mo doon para umabot ka ng madaling araw para maka-umuwi dito?" medyo kalmado nang tanong ni Dad saakin

"Andun din po kasi sila Rosé at Lisa sa bahay nila Jisoo kagabi, kaya sumunuod na rin ako. Hindi ko na rin namalayan yung oras kagabi dahil seryoso po kaming nag-uusap tungkol sa family problem ni Jisoo. Pagtingin ko na lang po sa orasan quarter to 2 na pala, pagkakita ko po sa oras umuwi narin ako agad, hindi na po ako naka-tawag or text man lang dahil low batt na po ako" pagpapaliwanag ko pa kay Dad.

"You're grounded! Simula sa lunes, driver na natin ang mag hahatid, sundo sayo!" sabi nya

Naistatwa na lang ako sa kinatatayuan ko at hindi na ako umangal pa dahil mas ok na na naniwala si Dad sa pag sisinungaling ko kesa naman sa malaman nya ang totoo

"Okay" tipid kong sagot at umakyat na ako sa kwarto ko.

9 o'clock na nang gabi at hindi na rin ako bumaba para kumain ng dinner. Nag cellphone na lang ako buong magdamag

¦


Lunes na nang umaga ngayon at nag liligpit na ako ng gamit ko para pumasok. Naghihintay na yung driver namin sa baba kaya nagmamadali ako

Lumabas na ako ng bahay at sumakay na ako sa sasakyan namin

¦

Nandito na ako ngayon sa classroom namin. Tanging pader at bakanteng upuan ulit ang katabi ko ngayon. Ano bang bago?

As usual dahil wala si Ma'am Sandra, ang iingay nilang lahat. Ang ingay nila Jisoo, Rosè, Lisa, Namjoon, Yoongi, Hoseok, Jin, at Jimin. Pero si Jungkook syempre wala syang pake sa ingay dahil nakasalaksak sa tenga nya yung earphones nya habang yung mga mata nya, tutok sa phone nya.

Naalala ko tuloy bigla yung nagkita kami ni Jungkook at niyaya nya akong ihatid pauwi. Sayang lang kasi hindi ako pwede mag pahatid sa kanya that time dahil sa nangyari saakin. Hanggang ngayon, hindi ko parin nakukwento sa mga kaibigan ko yung nangyari saakin nung Friday.

Ilang saglit pa, pumasok na si Ma'am Sandra

"Students listen!" sabi nya

Ano nanaman kaya tong i-a-announce ni Ma'am? Panibagong project nanaman ba? Oh my gosh please NO

"I would like you to meet your new classmate"

What? New classmate?

Pumasok sa pintuan ang isang familiar na lalaki saakin. Tinignan ko sya ulit ng mas malinaw at laking gulat ko na lang kung sino yung lalaking yon

Kahit sila Jungkook at yung tropa nya ay nagulat kung sino yung lalaki na pumasok, halatang-halata sa mga reaction sa mukha nilang anim na kilala nila yung lalaki

"Please introduce yourself Mr Kim" sabi ni Ma'am  sa lalaki

"My name is Kim Taehyung" sabi nya

No way! It's him! The guy who brought me in his unit is my new classmate!?

To be continued

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top