[B-1] Chapter 29: Official

[A/N]: Kung sakali mang maguluhan kayo sa mga manyayari sa chapter na toh, wag kayong mag-alala dahil I'm sure na kikiligin kayo ng bongga dito
AHHAHA. Enjoy reading guys! ♥

Jennie's POV

Kinubukasan...

Gabi na ngayon kaya naman naisipan na naming gumala nitong mga kaibigan ko. Andito kami ngayon sa bagong bukas na coffee shop malapit sa school. Kasama ko ngayon sila Rosé, Lisa, at Jisoo. Wala naman masyadong naganap kanina sa school. Sadyang iniwasan ko lang nang paulit-ulit si Taehyung dahil naiilang ako sa kanya kagabi dahil sinabi nyang nagseselos sya

Tsk. Assumera lang siguro ako kaya inisip ko tuloy na may gusto sya saakin

Nagpapanggap lang kami kaya I'm sure na wala syang gusto saakin

"Guys malapit na nga pala yung second monthsary namin ni Jin" sabi ni Jisoo habang nag sa-slice sa order nyang cake

"O, anong balak nyo?" tanong sa kanya ni Rosé

"Ewan. Baka siguro mag di-dinner date lang kami sa labas" sabi nya

"Kayo Jennie? Bakit ni minsan never namin kayong nakita ni Taehyung na nag celebrate ng monthsary nyo?" nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng tanungin ako ni Lisa. Napatingin rin saakin sila Jisoo at Rosé na mukhang hinihintay ang sagot ko

"Kami? Ah... Hindi kasi namin binibigdeal yung monthsary e" pagsisinungaling ko pa

"Ha? Bakit naman?" tanong ni Rosé

"Kasi mas magandang i-celebrate pag Anniversary" sabi ko sabay sipsip sa inumin ko

"Sabagay, may point ka doon" nakangiting sabi ni Jisoo saakin kaya naman nginitian ko rin sya

"Guys may tanong ako" tulalang sabi ng katabi kong si Lisa

"Ano?" sabi ko sabay lingon sa kanya

Tinignan nya kami at sinabing "Paano ko ba malalaman if may gusto na ako sa isang tao?"

At dahil doon, nagtinginan kami nila Jisoo at Rosé. Siniko ko naman ang braso ni Lisa at sinabing "Bat mo naman na tanong? Si Jungkook yan no?" nakangiti kong tanong sa kanya habang tumataas baba ang isang kilay ko

"Siguro?" kinikilig nyang sagot

"O, Ayan confirmed na, si Jungkook nga" natatawa kong sabi

"Hay nako Lisa. Since natanong mo na yan. I'm here to give you answers kung paano mo malalaman kung may gusto ka nga ba sa kanya. Girl believe me, lahat ng sasabihin ko sayo, nangyari na saakin nung hindi ko pa boyfriend si Jin" confident na sabi ni Jisoo

Well, I think kailangan kong makinig sa sasabihin nito ni Jisoo dahil kahit ako, gusto ko rin malaman kung may gusto na nga ba talaga ako doon sa tao

Kung may gusto ba talaga ako kay Taehyung

"Sige go, sabihin mo na" sabi ni Rosé sabay kagat sa pizza nya

"Okay, sige. Number one, kapag may concern ka sa kanya"

May concern nga ako kay Taehyung.Ibig sabihin nyan, check!

"Number two, kapag may nararamdaman kang kilig tuwing magkasama kayo"

Ako I admit na kinikilig ako sa kanya, so, check!

"Number three, kapag nakakaramdam ka ng something tuwing may nagagawa syang sweet para sayo"

Maraming beses na nang-yari to, kaya naman, check!

"Number four, kapag may pinagseselosan kang babae na malapit sa kanya"

Check!

"And lastly, number five, kapag hinalikan ka na nya ng maraming beses at ni-isa doon hindi ka umangal, ay teh wala na. May feelings ka na talaga sa kanya"

Check na check na check!

Ohmygod

Ano nang gagawin ko???

May feelings na ba talaga ako kay Taehyung!?

"O ano Lisa? Nasagot ba nung mga sinabi ko yung tanong mo?" tanong ni Jisoo habang tumataas baba ang kilay nya

Nilingon namin ni Rosé si Lisa na ngayon ay parang sasabog na yung pisngi sa pamumula

Hinila ko ng mahina ang buhok nya at sinabing "Hoy! Grabe to o, halatang halata sa itsura mo ngayon na kilig na kilig ka. Wag mo sabihing lahat ng yon nangyari na sayo a!"

"Uy hindi kaya" sabi pa ni Lisa

"Omg guys! Sila Seokjin ba yung nakikita ko sa labas?" sabi ni Rosé

Napatingin kaming lahat sa malaking sliding window na kung saan kitang kita nga namin na papunta rin dito ang mga kaibigan naming lalake

Shit sumama rin si Taehyung sa kanila

Taehyung's POV

"Hyung kala ko pa naman mag cu-clubbing tayo? Bakit dito mo kami dinala sya coffee shop?" dismayadong tanong ni Jimin kay Seokjin

"Alam mo Jimin, ikaw lang ang may gustong magpunta sa club ngayon. Paminsan minsan maging good boy ka naman" sermon sa kanya ni Yoongi kaya naman natawa na lang din kami

Magkakasama kaming pumasok sa loob nila Jimin, Jin, Yoongi, Hoseok, Namjoon, at Jungkook. Gusto kasi nilang mag kape at nauumay na daw sila sa alcohol

Palibhasa kasi mga laging lasing. Tsk

Nanlaki ang mga mata ko dahil nakita kong andito rin si Jennie.

Ang ganda talaga ng girlfriend ko

"Jisoo!" tawag ni Jin sa shota nya

Lumingon naman sila Jisoo, Rosé, Lisa, at Jennie saamin. Lumapit kami papunta sa pwesto nila at buti naman dahil naka long table sila kahit apat lang sila

"Anong ginagawa nyo dito?" tanong ni Jisoo

"Bakit? Bawal na ba kami dito?" maangas na tanong ni Jimin

"Hoy Jimin! Umuwi ka na nga doon sa inyo. Di ka kailangan dito!" singhal ni Rosé sa kanya kaya naman nagtawanan kami

Naki-upo na kami sa kanila at gumawa ng kanya-kanyang seating arrangement

Kook-Lisa-Jennie-Ako-Hoseok
Joon-Jin-Jisoo-Rosé-Jimin-Yoongi

Nagtinginan kami ni Jennie pero nginitian nya lang ako

Bakit ba di nya ako kinakausap simula kaninang umaga?

¦

Napag desisyonan na naming lahat na mag si-uwian na dahil ayaw naming umuwi ng gabing-gabi ngayon

"Bakit di mo dala yung kotse mo?" tanong kay Jennie na ngayon ay katabi kong nakatayo

"Ah..... A-ano kase e.... Nakalimutan kong mag pa-gas kanina" sabi nya pero hindi sya nakatingin saakin

Hinawakan ko ang balikat nya at hinarap ko sya saakin "May problema ka ba?" nag-aalala kong tanong sa kanya

"A-ako? W-wala. Wala akong problema" sabi nya at nilayo nya uli ang tingin nya saakin

Bakit kaya sya ganito?

Binitawan ko na ang balikat nya at sinabing "Pwede ka ba ngayong gabi?"

Napatingin naman sya saakin na mukhang gulat na gulat sa tanong ko

"B-bakit? May kailangan ka ba?" tanong nya

"Wala naman. Na miss lang kasi kita. Para kasing ibang Jennie yung nakaharap nitong buong araw e"

At dahil don, bigla syang napangiti

"Sorry a pero bawal kasi ako e. Di pa naman ako nag paalam kay Mommy" sabi nya. Alam ko sa sarili ko na nag sisinungaling sya saakin kaya naman

"A.. Jennie pwede ba makitawag sa phone mo? Wala na kasi akong load e. May tatawagan lang ako" sabi ko. Tinignan nya ako na para bang hindi sya naniniwala sa mga sinabi ko pero kahit papano kinuha nya sa bag nya ang phone nya at inabot ito saakin

"Thanks" sabi ko at tumango lang sya. Agad kong hinanap sa contacts nya ang isang number. Nang mahanap ko ito, dinial ko na ang number at tinapat ko na ang phone nya sa tenga ko

"Hello?~" sabi sa kabilang linya

"Uhm Hello? Si Taehyung po ito Tita" sabi ko at biglang nanlaki ang mga mata ni Jennie sa gulat dahil tinawagan ko ang Mommy nya

"O Taehyung, kasama mo ba si Jennie ngayon?"

"Opo kasama ko po"

"Bakit ka napatawag? May problema ba?"

"Pwede ko po bang hiramin si Jennie sa inyo ngayong gabi? Promise po bukas na bukas ihahatid ko sya dyan" sabi ko pa. Sinubukang agawin ni Jennie ang phone nya saakin pero nabigo sya dahil hindi ko hinayaan na makuha nya

"Oo naman basta wag kayong gagawa ng kahit ano a?" sabi nya sabay tumawa

Bakit ang dumi ng isip ni Tita? Hahahaha

"Opo promise po. Bye Tita" nakangiti kong sabi at in-end ko na ang tawag

Tinignan ko si Jennie na ngayon ay nakatingin rin saakin na para bang papatayin nako HAHAHA

"Paano ba yan? Pumayag na yung Mama mo. Solong-solo na kita ngayong gabi" sabi sa kanya sabay ngisi

Inirapan nya ako at sinabing "Akin na yung phone ko"

"Ayoko nga. Sumakay ka muna sa kotse ko" at nag crossed arms ako

Muli nya akong inirapan at naglakad na sya sabay pasok sa kotse ko

Jennie's POV

Bwisit tong Kim Taehyung na to. Napaka demanding akala mo kung sino. Pasalamat sya dahil may gusto na ako sa kanya kaya naman di ko sya matanggihan. Aishh Bwisit!

"Wala ka ba talagang balak na ibalik yung phone ko?" mataray kong tanong. Kanina pa kami tahimik na nakasakay dito sa kotse nya. Ewan ko ba kung saan ako dadalhin nitong lalaking to

"Mamaya na pag andun na tayo" sabi nya sabay ngiti

"Saan ba kasi tayo pupunta? At bakit sinabi mo kay Mommy na bukas mo pa ako iuuwi saamin? Siguro may binabalak kang masama saakin no!?" sabi ko pa at agad kong tinakpan ang sarili ko

Bigla syang tumawa ng malakas at napatingin saakin "Relax ka lang okay? Bat ba napaka dumi ng pag-iisip nyong mag-ina?" nakangiti nyang sabi

"Pano ba naman kase bakit bukas pa!? Pwede namang mamaya mo na ako ihatid. Tsaka pwede rin namang ayain mo na lang ako bu---"

"Kasi gusto kong makasama ng matagal yung girlfriend ko" kalmado nyang sabi

Dugdug...

Dugdug...

"A-anong s-sabi mo?" utal-utal kong tanong

Nilingon nya ako at sinabing "Temporary girlfriend ko" sabi nya sabay ngiti

Oo nga pala. Nagpapanggap lang kami

¦

"Bakit tayo andito? A-anong gagawin natin dito sa condo mo?" tanong ko sa kanya at sinarado ko na ang pinto ng kotse nya

"Akyat tayo sa garden rooftop. Maganda don" nakangiti nyang sabi at hinawakan nya ang kamay ko sabay hila saakin papasok sa loob

Hindi naman na ako umangal pa dahil malaki ang kamay nya at alam kong hindi rin sya bibitaw pag pumiglas ako. Sumakay na kaming dalawa sa elevator at pinress nya ang button na kung saan nakalagay ang R which means rooftop. Dalawa lang kami ni Taehyung dito sa loob ng elevator at napaka tahimik. Na realize ko rin na magkahawak parin ang mga kamay namin at ramdam na ramdam ko yung higpit ng pagkakahawak nya rito. Napatingin ako sa kanya na ngayon ay nakatingin sa lapag habang nakangiti

Teka lang a, bakit panay ngiti tong Taehyung na to ngayon?

Timunog na yung sa elevator which means na andito na kami sa rooftop floor. Bumukas na ang pintuan ng elevator at agad na lumabas kami ni Taehyung dito

Paglabas namin sa elevator, nagulat ako sa mga nakikita ko ngayon

Sobrang ganda ng paligid dito

Mabilis kong inalis ang kamay ko kay Taehyung at naglakad lakad ako

"Wow ang ganda!~" sabi ko habang mine-mesmerise ko ang paligid ko

Sobrang daming iba't-ibang flowers ang makikita dito. Medyo maliwanag rin dahil sa mga magagandang design ng ilaw ang nakakabit sa mga gilid. Sabayan mo pa ng napaka gandang view ng city lights. Sobrang perfect talaga nitong mga nakikita ko ngayon

Nilingon ko si Taehyung na ngayon ay kumukuha ng pictures sa phone nya

Nilapitan ko sya at sinabing "Taehyung pwede ko na bang makuha yung phone ko?" sabi ko sabay ngiti

Kinuha nya sa bulsa nya ang phone ko at inabot nya ito kaagad saakin

"Thank you~" nakangiti kong sabi at mabilis nag lakad palayo sa kanya

Binuksan ko naman ang camera ng phone ko at nagsimula nakong mag take ng pictures sa paligid ko

¦

Nakatayo kami ngayon ni Taehyung habang parehas naming pinagmasmasdan ang napaka gandang view ng city lights

"Paano mo nga pala nalaman na may ganito dito sa condominium na to?" tanong ko sa kanya habang dinadama ko yung malamig na hangin

"Actually matagal ko ng alam na may ganito. Kagabi ko lang naisipan na puntahan" sabi nya

"Kagabi? Bakit anong ginawa mo dito kagabi? Nagmukmok ka ba dito?" tanong ko

"Oo" sabi nya

"Ano naman yung dahilan mo at dito sa lugar na to ang napili mo para mag drama?" nakangiti kong tanong sabay ngiti sa kanya

"Tss. Hindi ako nagdadrama okay?" sabi pa nya

"Eh ano nga kasing ginawa mo dito?" tanong ko ulit

"Nag punta ako kagabi dito kasi iniisip ko kung bakit ako nagseselos doon sa Mino na yon. I mean, talaga bang muntik nang maging kayo noon?" tanong nya. Sa tono nag pagkakasabi nya mukhang interesado talaga syang malaman HAHAHA

Napa-crossed arms ako at sinabing "Seryoso ka ba talaga? Pinag selosan mo yung lalaking yon?" sabi ko sabay tawa kaya naman napa-irap sya saakin

"Oy ako naman yung magtatanong. Bakit ka ba iwas ng iwas saakin ngayong araw? Siguro ilang na ilang ka saakin dahil hinalikan kita kagabi no?" tanong nya saakin sabay ngisi

Shit nadali nya

"Uy ano.. H-hindi a. Hindi kaya" sabi ko at binaling ko ang tingin ko sa view sa harapan namin

Bigla nyang hinawakan ang braso ko at muli nya akong hinarap sa kanya at sinabing "E bakit naiilang ka nanaman? Tama ako no?"

"Ang kulit mo talaga. Hindi nga---"

Mabilis nyang kiniss ang labi ko

"Wag ka nang mag sinungaling. Alam ko naman na kinikilig ka saakin e" sabi nya kaya naman malakas kong hinampas ang braso nya

"Alam mo ikaw sumusobra ka na a! Halos araw-araw mo na akong hinahalikan sa labi! Sino bang nag sabi sayo na pwede mo akong halik-halikan kahit di naman tayo umaarte!?" singhal ko sa kanya

"Umaarte kaya tayo ngayon" sabi nya sabay nag crossed-arms at binaling nya ang tingin nya sa view

"Umaarte? Paano mo naman nasabi na umaarte tayo? E dadalawa lang tayong magkasama ngayon o" sabi ko

Humarap sya saakin at sinabing "Umaarte tayong hindi natin gusto ang isa't-isa dahil ang katotohanan ay yung kabaliktaran non"

Dugdug...

Dugdug...

What's the meaning of this!?!??

Parehas kaming nagulat ni Taehyung ng biglang bumagsak ang malakas na ulan

Sa sobrang lakas ng bagsak nito, mabilis kaming nabasa kaya naman agad na hinila ni Taehyung ang braso ko at mabilis kaming tumakbo papunta sa elevator

Sumakay na kami sa elevator at binitawan na ni Taehyung ang kamay ko

Bigla syang natawa kaya naman napatingin ako sa kanya

"Bad timing naman yung ulan na yon" sabi nya at napatingin na rin sya saakin "Nabasa ka ba?" tanong nya saakin

"M-medyo lang" sabi ko at tumango lang sya at nilabas nya ang phone nya sa bulsa nya at may tinawagan sya

Psh.. Kala ko ba wala syang load?

"Ako to, si Kim Taehyung. Pa deliver ulit ako nung box ng chicken a? Nagugutom na kasi ako e. Salamat" sabi nya at binaba na nya ang linya

Bumukas na ang pinto ng elevator kaya lumabas narin kami

Pumasok na kami sa loob ng condo unit nya. Binuksan nya ang aircon sa loob at nagmadali syang pumunta sa kwarto nya. Pagkalabas nya,hinagis nya saakin ang isang towel at sinabing "Punasan mo muna yung buhok mo" sabi nya saakin habang hawak nya rin ang isang towel at pinunasan nya rin ang buhok nya gosh ang hot

"Hahanap lang ako ng pampalit mo a?" sabi nya at tumamgo lang ako at muli na syang pumasok sa kwarto nya

U-upo na sana ako sa sofa kaso na-realize ko na basa pala ang suot ko ngayon. Kaya mas minabuti ko na lang na tumayo

¦

After how many minutes ng paghihintay, lumabas na rin si Taehyung sa kwarto nya. Nakasuot sya ngayon ng black plain na T-shirt at naka jogging pants na itim. Lumapit sya saakin at sinabing "Sweatshirt ko to. I'm sure magmumuka tong dress sayo pag sinuot mo. Ito rin yung boxer shorts ko, wag kang mag-alala, never ko pang nagamit yan dahil maliit saakin. Dun ka na magbihis sa kwarto ko. Hintayin na lang kita dito tapos lumabas ka na rin dahil I'm sure parating na yung pina-deliver ko" sabi nya sabay abot saakin nung mga damit nya

"Thank you" sabi ko at pumasok na ako sa kwarto nya

¦

Nasa harap ako ngayon ng salamin at tama nga si Taehyung dahil nagmukang dress saakin yung pinasuot nyang sweatshirt. Yung bigay naman yang boxer shorts ay saktong sakto lang saakin

Lumabas na ako ng kwarto nya at nakita kong may box na ng fried chicken doon sa mesa nya. Nakatayo naman si Taehyung sa isang tabi na naka-crossed arms habang tinitignan ako mula legs hagang paa

Tss. Alam ko namang makinis yung legs ko kaya naman ganyan sya makatingin saakin HAHAHA

"Hoy! Minamanyak mo ba ako ha?" sabi ko sabay taas kilay

Nalingat naman sya at sinabing "Tss.. Hindi no, Tara na nga kumain na tayo" at naglakad na sya papunta sa dining area

¦

Nang matapos kaming kumain kanina, ako na yung nagsabi sa kanya na ako na yung magliligpit at pumayag naman sya

Andito na ako ngayon naka-upo sa kama nya habang si Taehyung ay nasa loob pa ng cr para mag toothbrush


Maya-maya lumabas na rin sya sa cr. Amoy na amoy ko ang freshness ni Taehyung na parang hinihila yung ilong ko sa sobrang bango

"Jennie" tawag nya saakin kaya naman nilingon ko sya

"Bakit?" sabi ko at naglakad na sya papunta saakin

"About nga pala dun sa sinabi ko kanina. Kalimutan mo na yon a?" sabi nya at umupo na sya sa kama katabi ako "Nadala lang ako siguro ako kanina. Alam ko naman na nag papanggap lang tayo pero, habang patagal ng patagal yung pagpapanggap natin, unti-unti kong na co-confirm sa sarili ko na nahuhulog na pala ako sayo"

Dugdug...

Dugdug...

Anong sasabihin ko!?

"Lagi kong sinasabi sayo na hinding hindi ako magkakagusto sayo pero nag sinungaling ako kasi nung unang beses palang nang pagkikita natin noon, hulog na hulog na ako sayo. Pinigilan ko yung sarili ko noon dahil alam kong si Jungkook yung gusto mo. Pero nung sinabi mo saakin na unti-unti ng nawala yung feelings mo kay Jungkook, nabuhayan ako ng loob. Tuwang-tuwa ako noong pumayag kang maging temporary girlfriend ko. And for your information, lahat ng sweetness na pinakita ko sayo, lahat yon walang halong arte, lahat yon totoo"

Nananaghinip lang ba ako!?

Hinawakan ko ang mga kamay ni Taehyung at sinabing "Alam mo ako rin. Habang patagal ng patagal tong pagpapanggap natin, unti-unti na rin ako nahuhulog sayo . Hindi lang yon dahil, hulog na hulog na ako sayo ngayon" nakangiti kong sabi sa kanya

At dahil doon, hinalikan na ni Taehyung ang mga labi ko. This time, alam ko na wala ng halong pagpapanggap ang halik nya saakin ngayon kaya naman I immediately kiss him back

After we kissed, magkadikit na ngayon ang mga noo namin at parehas naming hinahabol amg mga hininga namin

"Simula bukas, hinding-hindi kana magiging temporary girlfriend ko dahil totoong girlfriend na kita ngayon"


-To be continued-

[A/N:] TANGINA MGA BEH NAIIYAK AKO HAHAHAHAHAHA KINIKILIG AKO UKINAMS NAYAN AHHAHA

SANA NAG ENJOY KAYO SA CHAP NA TO!!

GUYS DON'T FORGET YUNG SINABI KO SA INYO NOON, SIMULA PALANG TO NG KWENTO AT MARAMING CHAPTERS PA ANG SUSUNOD

DI KO PA ALAM IF KAILAN AKO MAG-UIPDATE ULIT KAYA NAMAN MAG-ANTAY ANTAY LANG MUNA KAYO HAHAHAHA

TANGINA CAPS LOCK PARA INTENSE! AHHAHAHAH

MARAMING SALAMAT SA PAGBABASA! LABYU GUYS!!
STREAM FAKE LOVE MV!
-Trish

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top