[B-1] Chapter 28: He's Back

[A/N: Happy 11k reads whooo!! Tysm guys!! Btw, sorry po sa late update. Nawalan po kasi kami ng Wi-Fi kaya sana maintindihan nyoko HAHA :'>]

Jennie's POV

"S-song M-mino!??"

Hindi ako makapaniwala. Totoo ngang bumalik na ang best friend ko na kamuntik-muntikan ko pang maging boyfriend noon

Tss. Kung hindi lang sana sya umalis 5 years ago, malamang nagkatuluyan kami nitong kupal na toh ngayon. Pero no regrets. Wala na akong feelings for him, as in wala na talaga, friends na lang kami

Inayos ko ang tayo ko at bumitaw naman sya sa kamay ko. Tinitigan ko si Mino na ngayon ay todo lang ang ngiti habang nakatitig saakin. Lalo pa syang tumangkad at gumwapo ng sobra

Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya naman niyakap ko sya kaagad. Naramdaman ko ring yumakap sya pabalik saakin at mas mahigpit pa ang yakap nya kesa sa yakap ko

"Grabe ka naman maka-miss saakin" rinig kong sabi nya

Humiwalay na ako sa yakap naming dalawa at sinabing "Ikaw kaya yung grabeng makamiss! Mas mahigpit nga yung yakap mo compared sakin e!" nakangiti kong singhal sa kanya

"Sus, e sino ba unang nangyakap? Ako ba?" sabi pa nya sabay smirk kaya naman inirapan ko lang sya

"Hay nako Jennie buti dumating ka na. Alam mo bang kanina pa andito si Mino?" sabi ni Mommy saka tumayo at naglakad papunta saamin "Since nagkita na kayo, sigurado akong miss na miss nyo na yung isa't-isa" nakangiting sabi nya

"Ah Tita... Pwede bang mahiram ko muna si Jennie sa inyo ngayong gabi? Iti-treat ko kasi sya ng dinner tonight pambawi man lang doon sa lahat ng taon na hindi kami nagkita" tanong ni Mino kay Mommy na nag pangiti saakin

"Oo naman, basta ikaw na ang maghatid sa kanya pauwi a?" sabi ni Mommy

"Of course Tita" nakangiti nyang sabi kay Mommy sabay tingin saakin

"O, sige na umalis na kayo para di kayo gabihin lalo ng uwi. Isa pa, marami pakong paperworks na dapat asikasuhin kaya naman I have to start right now. Mag-iingat kayo a?" sabi ni Mommy at bumeso sya saakin. Lumabas na kami ni Mino at sinarado na ni Mommy ang pintuan. Naiwan naman kami ni Mino na ngayon ay parehas na tikom ang mga bibig namin at nag-aantayan kung sino ang unang mag-sasalita

Bigla na lang syang napangiti saakin out of nowhere kaya naman I gave him a confused look at sinabing "Anong ningi-ngiti-ngiti mo dyan?" at napa crossed arms ako

"Grabe no? It's been five damn long years simula nung huling beses tayong nagkita" sabi nya and now his smile changed

"Nagsisisi ka na ba?" tanong ko sabay taas ng kilay

Napangisi lang sya sa tinanong ko at hinawakan nya bigla ang kamay ko at sinabing "Wag natin yan pag-usapan dito. Nag pa-booked na ako sa isang restaurant, let's continue our chat there" sabi nya sabay ngisi at hinila na nya ang kamay ko

Wala naman na akong nagawa at hinayaan ko na syang hilain ako habang naka-holding hands ang kamay naming dalawa

¦

Magkaharap kaming naka-upo ni Mino ngayon. Andito kami sa restaurant na kung saan lagi akong dinadala ni Taehyung. Naalala ko noon, dito nya ako dinala nung pinakilala nya ako kay Tita as her girlfriend at dito rin sa restaurant na to naganap yung unang pda namin ni Taehyung HAHAHA

Shit. Bakit ko ba sya iniisip? Tsk. Remember Jennie, di ka dapat ma-in-love sa kanya dahil nagpapanggap lang kayo, I'm sure naman na ganun rin sya saakin

"Uy! Nakikinig ka ba?" nagulat ako ng bigla akong tanungin ni Mino

"I-I'm sorry, ano ulit yung sinasabi mo?" tanong ko at napa-kagat labi lang ako

"As I was saying, the reason why I'm here is because I'm having a long vacation" sabi nya sabay slice doon sa steak na in-order nya

Nanlaki bigla ang mga mata ko sa gulat at sinabing "V-vacation? Edi ibig sabihin nyan s-saglit ka lang dito?"

"Tss.. Bakit? Gusto mo bang mag stay ako ng matagal?" tanong nya at napatingin sya saakin saka ngimisi

Napa-irap ulit ako sa kanya and I immediately changed the topic "Alam mo bang ang dami kong gustong itanong sayo simula nung nalaman kong ikaw yung lalaking nag te-text saakin ng mga corning pick up lines?" mataray kong tanong sa kanya as I crossed my arms

"Ano bang gusto mong malaman?" tanong nya

"Number one, paano mo nakuha yung number ko? Number two, paano mo nalaman yung address nung pinapasukan kong university nung pinadalhan moko ng bouquet? Number three, bakit mo kilala si Taehyung nung tinanong ko sa text kung sya ba'y ikaw? And number four, bakit ka nagpakita ulit saakin?" seryoso kong tanong sa kanya

"Sabihin na lang natin na may source ako kaya ko nakuha yung number mo at nalaman ko yung address ng university nyo. FYI, hindi ko kilala yung Taehyung na yun. Kaya ko lang nasabi yon para naman mahirapan ka sa pagkatao ko that time" sabi pa nya

"And lastly, kaya ako nagpakita ulit sayo dahil gusto kong ituloy yung nasimulan natin 5 years ago" dagdag pa nya

Gulp

Napalunok na lang ako bigla dahil sa mga sinabi nya

"W-what do you m-mean?" tanong ko

"Liligawan ulit kita Jennie Kim. Hindi ako titigil hangga't di ka napapasaakin" sabay nya at muli syang nag smirk

Hinawakan ko ang kamay nya at sinabing "Look Mino I'm sorry pero, I'm already engaged with someone else" pinakita ko sa kanya ang kamay ko na kung saan nakasuot sa daliri ko yung engagement ring na bigay ni Taehyung saakin. Inalis ko ang kamay ko sa kanya at sinabing "Marami pang ibang babae dyan. Magkaibigan tayo kaya kung ano man yung gusto mong gawin, wag mo nang ituloy. Hindi na ako deserving para sa pagmamahal mo na sinayang ko noon"

He just smiled at me, a sad one and I can feel it

"Naiintindihan ko naman. Isa pa kitang-kita sa expression ng mukha mo na talagang mahal mo yang taong na-engaged sayo" sabi nya

Totoo ba?

Mahal ko na nga ba talaga sya?

Mahal ko na ba si Taehyung?

"Tama ka, marami pang babae sa mundo. So, after lahat lahat ng nangyari saatin right now, you're still going to consider me as your friend?" dagdag pa nya

Bahagya naman akong napatawa sa tanong nya "Oo naman no! Duh!~ Best friend kaya kita!" nakangiti kong sabi sa kanya

Napangiti rin sya saakin at sinabing "Oo na! Ako na yung best friend mo! Haha kumain na nga lang tayo, puro tayo drama. Kalimutan na natin yung past and let's make a new memories together habang andidito pako"

Masaya akong napangiti sa kanya at ganon rin sya saakin. Kumain na lang kami at nag change ng topic

¦

The next day...

After naming mag dinner ni Mino kagabi, agad naman nya akong hinatid pauwi dito sa bahay

Papasok na ako ngayon kaya naman nire-ready ko na ang laman ng bag ko at maya-maya pa ay lalabas na rin ako

Nang natapos ako, mabilis akong lumabas ng kwarto ko at lumabas ng bahay dahil alam kong hinihintay ako ni Taehyung para sabay na kaming pumasok

Paglabas ko ng gate. Agad na tumambad saakin si Taehyung na ngayon ay nakasandal sa kotse nya habang naka crossed arms at direcho syang nakatingin saakin

Jusko po! Baka naman malusaw ako nito sa titig nya a

Nilapitan ko sya at sinabing "Kanina ka pa ba naghihintay dito?" tanong ko

Nakangiti syang umiling sa sinabi ko at hindi ko inaasahang gagawin nya ang susunod na nangyari

Mabilis nya akong ninakawan ng halik sa lips!

"B-bakit mo ako h-hinalikan?" gulat na gulat kong tanong sa kanya

Nilapit nya ang mukha nya sa mukha ko at saka bumulong "Nakatingin saatin si Tita, kaya naman we have to show her kung gaano tayo ka-in-love sa isa't-isa" sabi nya at nilayo na nya ang mukha nya sa mukha ko sabay kindat saakin at naglakad na sya paikot para sumakay sa kotse nya

Dahan dahan naman akong napatingin sa likuran ko if totoo ba yung sinasabi nya. Nakita kong nakasilip sa bintana si Mommy na ngayon ay halatang-halata na mas kinikilig pa sya kesa saakin

Napangiti na lang ako at sumakay na ako sa sasakyan ni Taehyung habang hinahayaan kong mamula ang mga pisngi ko sa kilig

¦

"Huy! Bakit ka tulala dyan?" pangugulat nyang tanong saakin

May klase kami right now at pang fourth subject na namin to ngayon. Ka-seatmate ko si Taehyung. Ang lapit lapit lang ng mga upuan namin sa isa't-isa kaya naman kahit sa mahinang boses nya lang ako ginulat, rinig ko kaagad sya dahil nga we're so close at each other

"Wag mo sabihing kinikilig ka parin hanggang ngayon after kitang halikan kanina a?" at this time nilingon ko na sya at sinamaan ng tingin

"Hindi ako tulala okay? May iniisip lang ako. Wag ka ngang assuming dyan!" mihinang singhal ko sa kanya sabay irap at napangiti lang sya

"Okay, thats it for today. Good bye class" paalam ni Prof at lumabas na sya sa room. Nagsitayuan na rin kaming lahat at lumabas na sa classroom

¦

Pagsara ko sa locker ko agad na bumungad saakin si Lisa

"Jusko naman anong ginagawa mo dyan!? Kanina ka pa ba nakatayo dyan!?" gulat kong tanong habang nakahawak sa dibdib ko

"May kailangan kang malaman" matamlay nyang sabi habang nakasandal sa isa pang locker na katabi ng akin

Nag crossed arms ako at sinabing "Ano? Kayo na ni Jungkook?" tumataas baba ang kilay ko pagkatanong ko

"Sira! Gusto kang kausapin ni Irene" sabi nya

Napataas ang kilay ko "O, eh bakit hindi sya mismo ang lumapit saakin?" mataray kong tanong

"Tss. Tara na gusto ng makipag-ayos nung bruha sayo. Halika na!" sabi nya at hindi na ako umangal pa nang hinila nya ang kamay ko

Bumaba na kami mula sa classroom at nagpunta kami pababa sa may open field na malapit sa canteen

Pag dating namin sa open field pansin ko na ang dami daming estudyante ang andito. Nakatayong magkakasama sila Irene, Jisoo, at Rosé. Nagulat rin ako dahil nasa isang tabi lang rin na magkakasama sila Taehyung, Jungkook, Jimin, Namjoon, Hoseok, Yoongi, at Jin

Anong nangyayari?

Siniko ko ang braso ni Lisa na katabi ko ngayon at sinabing "Bat andito silang lahat?" pabulong na tanong ko
"Malamang dahil gusto nilang makitang mag-sorry si Irene sayo" sabi pa nya

Huminto na kami sa paglalakad at ngayon nasa harap ko na si Irene

"Jennie" sabi nya at hinawakan nya ang dalawang kamay ko. Hindi naman ako nag react sa ginawa nya at tinaasan ko lang sya ng kilay "I'm sorry dun sa lahat lahat na nagawa ko sayo. I'm sorry if nagka-pisikalan tayo last time" sabi nya at this time mukhang luluhod pa sya sa harapan ko kaya naman pinigilan ko sya at sinabing "Uy teka lang Irene ano bang ginagawa mo?" pagpigil ko sa pagluhod na ginagawa nya "Hindi. Okay lang. Dapat ko lang tong gawin" sabi nya at ngayon ay nakaluhod na sya sa harapan ko "Jennie I'm sorry for everything. Sana mapatawad mo na ako. Alam kong hindi naman tayo ganun ka-close pero sana maging magkaibigan na tayo this time please" pagmamakaawa pa nya kaya naman pinatayo ko muna sya sa pagluhod nya at "O-okay na. Sige na. P-pinapatawad na kita" medyo hindi ako sure sa mga nasabi ko. Agad namang napangiti si Irene at mabilis nya akong niyakap. Wala naman na akong nagawa pa kaya naman niyakap ko na rin sya habang hinihimas himas ko ang likuran nya. Kita ko naman na nakangiti ang lahat ng mga kaibigan ko habang nakatingin saamin. Maliban lang sa isa, si Taehyung

Humiwalay na ako sa yakap namin ni Irene at nang magkaharap kami, parehas lang kaming nag ngitian

Nilapat nya ang isa nyang kamay for shake hands at sinabing "Friends?"
Kinamayan ko ang kamay nya sabay nginitian at sinabing "Friends"

And I think this is the time na wakasan ko na ang gulo naming dalawa ni Irene


¦

Padilim na ng padilim ngayon.Nakasakay na ako ngayon sa sasakyan ni Taehyung. Uwian na kaya naman ihahatid na nya ako sa bahay

"Taehyung" tawag ko sa kanya habang nakatingin ako sa labas ng bintana

"Bakit?" sabi nya

"Bakit parang hindi ka masaya nung nagbati na kami ni Irene kanina?" tanong ko

"Hmm... Ewan ko. Pakiramdam ko kasi hindi sya sincere dun sa mga pinag-gagagawa nya kanina e" sabi nya at this time nilingon ko na sya at nakita kong direcho lang syang nakatingin sa daan

"Hindi sincere? Hindi pa ba mukhang sincere sayo yung ginawa nyang pagluhod sa harap ko kanina?" tanong ko

Napadila at kagat sya ng labi nya and I don't why but I find it really sexy and attractive

Gosh Jennie Kim! Ano ba yang iniisip mo? Tumigil ka nga!

"H-hindi ko alam Jennie okay? Basta ako pakiramdam ko hindi talaga sya sincere sa ginawa nya. Tsaka naco-concern lang ako sayo na baka saktan ka nya uli gaya nung ginawa nya before" sabi pa nya

"Teka lang a. Ikaw? Naco-concern ka saakin? Di naman tayo magkaano-ano a?" tanong ko sa kanya at napasandal ako sa upuan at muli kong binaling ang tingin ko sa labas

"Syempre may concern ako sayo dahil girlfriend kita"

Mabilis ko syang nilingon at ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko

Napatingin rin sya saakin pero saglit lang yon at bunaling nya uli ang tingin nya sa daan

"G-girlfriend mo a-ako?" tanong ko sa kanya

"O-oo! G-girlfriend kita. Temporary girlfriend. Ano pa nga ba?" sabi nya sabay tawa kaya naman inirapan ko na lang sya

¦

Andito na kami ngayon sa tapat ng bahay namin. Bababa na sana ako kaso may nakita ako na ikinagulat ko

Bakit andito yung sasakyan ni Mino?

"Jennie pwede bang bumaba rin ako?" tanong ni Taehyung

Napalingon ako sa kanya at sinabing "H-ha? B-bakit? Anong gagawin mo?"

"Uhm... Bakit? Bawal na ba akong maki-cr sa banyo nyo?" tanong nya

"H-hindi naman. Sige na, sumunod ka na lang sa loob a?" sabi ko at agad kong binuksan ang pinto ng kotse nya at mabilis akong tumakbo papasok ng bahay

At tama nga ang hinala ko dahil pag-pasok ko, agad na sumalubong saakin si Mino na ngayon ay nagbabasa ng magazine habang naka-upo sa sofa

"M-mino? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya

Napatingin sya saakin at binitawan na nya ang magazine na hawak nya saka tumayo at naglakad papalapit saakin

"Napadaan lang ako dito kasi nakalimutan kong ibigay yung mga branded na pasalubong ko for you last night nung nag dinner tayo" sabi nya at bumeso sya saakin

"Talaga? Thank you a. Paano mo nga pala nalaman yung address namin? " nakangiti kong sabi sa kanya

"Ah yun ba? Tinanong ko kay Tita at buti naman dahil sinabi nya saakin" sabi nya kaya naman tumango lang ako

"Ah ehem!"

Napalingon ako sa likod ko at nakita kong nakasandal lang si Taehyung sa pintuan namin habang nakatingin saakin

"And... Who are you? Kaibigan ka ba ni Jennie?" tanong ni Mino sa kanya

Sinamaan ni Taehyung ng tingin si Mino at naglakad sya papunta sa pwesto ko. Tinalikuran ko si Taehyung at muling hinarap si Mino

"Kaibigan? Tss. Hindi ko lang sya basta basta kaibigan" nagulat ako ng bigla akong inakbayan ni Taehyung at mas nilapit pa nya ako sa tabi nya "I'm her boyfriend slash fiancé"

Dugdug...

Dugdug...

Nginisian sya ni Mino at sinabing "Ahh... So, you must be Kim Taehyung right?" tanong nya sabay crossed arms

"Ako nga. Ikaw, sino ka ba?" maangas na tanong ni Taehyung sa kanya

Muling napangisi si Mino sa kanya at this time, naglakad na sya papunta saamin

"Sino ako? I'm Jennie's long time best friend, Song Mino. Dati rin kaming may pinagsamahan ni Jennie five years ago. Kaya wag kang magpapaka-kampante" sabi ni Mino sa kanya

Tinignan ko silang dalawa na ngayon ay mukhang kulang nalang ay magbugbugan silang dalawa sa harapan ko kaya naman pumagitna ako sa kanilang dalawa

"Guys okay. Tigilan nyo na yang tinginan nyo" sabi ko pa

Tumingin si Mino saakin at sinabing "Pina-akyat ko dun sa mga maid nyo yung mga dala ko sa kwarto mo. I'm sure magugustuhan mo lahat yon" sabi nya sabay kindat saakin at naglakad na sya palabas ng bahay

"Pag pasensyahan mo na yun a? Ganon lang talaga si Mino. Tsaka wag kang maniwala don. Hindi naman kami nagkatuluyan nun dati, muntik lang" sabi ko pa kay Taehyung sabay ngiti

Naka-resting bitch face lang syang nakatingin saakin ngayon

"Ah.. Mag c-cr ka pa diba? Aakyat lang ako sa kwarto ko, titignan ko lang yung mga bigay nya" sabi ko at tinalikuran ko na sya

Bago pa ako maglakad, agad na pinigilan ni Taehyung ang braso ko dahilan para mapalingon ako sa kanya

Pagka-pigil nya sa braso ko, agad nya akong hinila palapit sa kanya at bigla nya akong...










sinunggaban ng halik sa labi



After we kissed, nakahawak sya ngayon sa mga pisngi ko habang ako naman, tulalang nakatingin sa kanya

"Wag mo nang ulit gagawin yun a?" sabi nya saakin at inalis na nya ang mga kamay nya sa pisngi sabay atras

"H-ha? G-gawin a-ang a-alin?" utal utal kong tanong

"Wag mo na akong pag selosin ulit" sabi nya at nginisian nya ako sabay labas ng pinto

Dugdug...

Dugdug...

Tama ba yung narinig ko?

Nag seselos sya?

Ibig sabihin ba nyan...

May gusto sya saakin?

-To be continued-

[A/N:] Buhay pa ba kayo? HAHAHAHA

UY A!! DALAWANG KISSING SCENES NA YUNG BINIGAY KO PARA SA CHAPTER NA TO KAYA SANA NAMAN MATUWA KAYO :'>>>>

Guys please read my new Taennie fanfic titled BLINDED. May Chapter One na sya at baka mag-update na rin ako ng Chapter Two non mamaya

Again uulitin ko po, HAPPY 11K+ READS SAATING LAHAT!! Thank you so much po sa lahat lahat ng nagbabasa nitong My Temporary Girlfriend at sana po ay wag kayong magsasawang basahin pa ang mga susunod na chapters. Maraming maraming thank you po sa inyong lahat. Love ko kayo guys! God bless sa inyo always! :'>

-Trish ♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top